“Max, anong lilipat ng bahay?” tanong ni Khelowna nang maiwan sila ni Max sa labas.Agad na pinagkrus ni Max ang kamay niya sa dibdib at mariing tinignan siya sa mga mata. “I’m not forcing you to live with me. Pero si Paris oo.”“What?” nanlaki ang mata niya. Ito ang kinakatakutan niya. Ang kunin ni Max ang mga bata sa kaniya. “You can’t do that. Iiyak ang anak ko!”“That’s why I’m offering you to live with us. I’m giving you a chance. Alam kong iiyak si Paris at hahanapin ka. Ikaw magdesisyon, kaya mo bang tiisin ang anak natin?"Napaawang ang labi ni Khelowna. Parang ang dating e parang siya pa ang dapat magpasalamat na binibigyan siya ng chance ni Max na makasama sila.“Nababaliw ka na. Anong gusto mo? Ibahay ako ulit kahit may asawa ka na? Gusto mong dalawa kami ni Maveliene ang ibahay mo?”Nakagat ni Max ang labi niya. “Mavi is not with me. Kaya sinong sinasabi mong ibabahay ko maliban sayo?”Imbes na magalit, biglang namula ang pisngi ni Khelowna. Gusto niyang sapakin ang saril
“Mama?” napatigil silang dalawa nang magising si Paris. Nakaupo na ito sa kama at kinukusot na nito ang mga mata niya.“Mama, where are we?” she asked at nilibot ang paningin niya.Pero dahil sobra pa siyang inaantok, pumikit siya agad, humiga ulit sa kama at natulog muli. Agad na umalis si Khelowna sa harapan ni Max at agad na pinuntahan ang anak niya.Hindi niya sinagot si Max pero batid na nito kung ano ang pasya niya. Na pumapayag siya sa gusto nitong mangyari.Max grinned at lumapit sa anak niya at kay Khelowna. He laid down next to their daughter and smiled.Hindi pa siya nakaramdam ng ganitong kasiyahan. Akala niya noong una e okay na siya at masaya nang makuha niya si Chicago, but now, hindi niya aakalain na may mas maisasaya pa pala siya doon.Kinuha niya ang kamay ni Paris at pinaglaruan ito. “She’s so cute and pretty,” he said. “Gusto ba niya ng mga dolls? What’s her favorite?”Hindi sumagot si Khelowna sa kaniya. Masama pa rin ang loob niya kay Max kahit na hindi niya mai
“Mama, why kuya Rome is acting like that?” bulong ni Paris kay Khelowna matapos siyang hindi pansinin ni Chicago kanina.No'ng nasa kama sila at bumubulong, bigla siyang itinulak ni Chicago at tumakbo ito pabalik sa kwarto nito. Normal na reaction ng bata pero dahil inakala ni Paris na si Rome lang yung nag walkout, wala siyang ginawa at nagkibit balikat lang.Tumayo si Max para sundan si Chicago habang si Paris naman ay dumiretso papunta sa mama niya."Mama, kuya is weird." Sabi nito at yumakap kay Mithi.Sa hapagkainan...Napahinto si Chicago sa pagkain at napatitig kay Paris na ngayon ay bumubulong na naman kay Khelowna. Nakaramdam siya ng inggit dahil gusto niyang siya ang tumabi sa mama niya pero si Max ay sinabihan siya na hayaan na muna si Paris na tumabi sa mama nito.“What do you mean?” Khelowna whispered back.“I mean, he’s acting weird. Hindi ka ba nag a-agree sa akin?” tanong ni Paris lalo't ramdam niya kanina ang talim ng titig ni Chicago sa kaniya.Tumingin si Khelowna ka
Galit na galit si Max sa mga katulong na ikinulong niya. Sa tindi ng galit niya, nasampal niya ang tatlo. And Johanson was alert at baka may magawa ang amo niyang ikakapahamak nito. Nasa tabi lang siya, nakatingin, handang pigilan si Max kung kinakailangan.Si Khelowna naman ay pinuntahan ang mga anak niya. Hahayaan na niya si Max na siyang gumawa ng hatol sa mga katulong na humamak sa kaniya noon.Ngunit nanlaki ang mata niya nang maabutan niya ang dalawa na nag-aaway. Kasalukuyang kinakagat ni Paris ang tenga ni Chicago.“Let go of me!” Sigaw ni Chicago habang sumisigaw dahil nasasaktan na.“No! You’re so mean to me.” Sabi ni Paris na nasa gilid na ng mga mata ang luha. Nanlaki ang mata ni Khelowna at agad na pinaglayo ang dalawang bata. “Paris!” Aniya matapos niyang malayo si Paris kay Chicago.“Mama, kuya was mean to me.. Sinasabi niya na hindi niya ako sister. Nasasaktan ako!” Tuluyan na itong umiyak habang nagsusumbong sa mama niya.Mukha namang nakonsensya si Chicago. Kahit na
Max anger melted nang makita niya si Paris at Chicago na nagyayakapan. Napatingin siya kay Khelowna at nakita niya itong nakatitig sa dalawa. His heart pumped crazily in that scenery."Khe," he called Khelowna's name. Ngunit hindi lang si Khelowna ang lumingon sa kaniya kun'di pati na rin ang dalawang anak niya.Sa mga mata ni Khelowna, alam niyang may malaki pang pader sa pagitan nila. Gusto niya yung gibain. "Papa," tawag ni Chicago. "Paris and I are okay now." Masayang sabi nito.Si Paris naman ay hindi ngumiti. Naisip niya agad ang sinabi ng mama niya na baka kapag nalaman ni Max na kamukha ni Chicago si Rome ay kukunin nito ang kuya Rome niya. Bahagyang tumaas ang pader na nakapalibot sa kaniya sa papa niya."I'm glad na ayos na kayo ng kapatid mo." Sabi ni Max na nagpalaki ng mata ni Khelowna.Napatingin din si Chicago sa kaniya, ganoon rin si Paris."I'm sorry papa, but what did you say?""Max!" Pagbabanta ni Khelowna. Ayaw niyang sabihin ni Max. But Max stubbornly ignored h
“Paris anak,” nangangapa si Khelowna ng sasabihin. But Max’s stares controlling her. She doesn’t have any idea kung paano yun nagagawa ni Max sa kaniya.Napalunok siya ng wala sa oras. It should be a crying moment with her son—Chicago, dahil sa wakas alam na nito ang totoo nilang ugnayan pero hindi niya magawa dahil kumakabog ang dibdib niya sa tindi ng kaba dahil kay Paris at Max.Max is waiting for her to tell Paris that he’s the dad. He’s watching every step she makes.“Your dad is not dead,” halos na pabulong na sabi ni Khelowna kay Paris.“Then he’s my dad?”Tumingin si Khelowna sa gawi ni Max at nakita niya kung paano pinagkrus ni Max ang kamay niya sa dibdib niya na para bang sinasabi na, ‘subukan mo lang magkamali.’“Yeah..” Napipilitang sabi ni Khelowna. Kumunot naman ang noo ni Max. Malinaw pa sa hangin na para bang napipilitan lang si Khelowna na sabihin yun.“Then he’s a drunkard man who has a mistress?”Nanlaki ang mata ni Khelowna sa narinig niya kay Paris. “Where did yo
“Mama, kailan kayo babalik dito ni Paris?” tanong ni Chicago habang kaface time si Khelowna. Nasa kama siya at papatulog na.Buong araw niyang iniisip ang mama niya at ang kakakilala pa lang niya na kapatid. Gusto niya silang makasama pero hindi niya alam kung paano niya yun gagawin. He was very sad and lonely that’s why he asked his father kung pwede ba niyang tawagan ang mama niya.Max said yes—of course ‘cause he’s curious too kung anong ginagawa ni Khelowna at Paris.Naging malungkot naman ang mata ni Khelowna nang makita sa screen ang mukha ni Chicago. Siya man ay gusto rin niyang makasama ang anak niya. Pero paano niya yun gagawin gayong ayaw ni Paris manatili doon kasama ni Max."Mama, ayaw po bang mag stay ni Paris dito? Ayaw niya rin po ba sa akin?" malungkot na tanong ni Chicago."Chicago, no.. Hindi ganoon anak. Paris is just confuse dahil hindi pa niya kilala ang papa mo." Nag-alalang sabi ni Khelowna."But she's my sister. Hindi ba papa niya rin si papa." Nakikinig si Max
“Anong ginagawa mo dito?” iyon ang tanong ni Khelowna dahil matapos niyang buksan ang gate, mukha ni Max ang tumambad sa kaniya.“MAMA!” At mula sa kinatatayuan ni Max, lumabas sa likuran si Chicago na kumakaway pa. “Hello mama..”Natahimik tuloy siya at nanlaki ang mata. Tumaas naman ang sulok ng labi doon ni Max. Nasisiyahan siyang makita na titiklop ang ex-wife niya sa anak nila.And he find her looking cute habang gulat na nakatingin sa anak nila.“H-Hello baby,” sabi ni Khelowna at niyakap si Chicago. Nagkatinginan sila ni Max.Max saw how sharp Khelowna’s eyes shot to him. He shrugged his shoulder off at hinayaan ang dalawa na magyakapan. Hindi na rin siya naghintay pa na papasukin siya ni Khelowna. Kusa na talaga siyang pumasok.Na animo’y siya ang may-ari ng bahay kahit na hindi naman.“Mama, alam mo po ba, I can’t sleep last night because I’ve been thinking about you and Paris. Actually, maaga po akong gumising kanina kasi po excited akong pumunta sa inyo.”Parang lumundag an
Nakapameywang si Rome habang nasa harapan ni Paris. "Ikaw lang yung nakita kong nagkasakit na nga pero masaya pa rin." Sabi niya habang nakakunot ang noo."Ayos lang kuya. Masaya na ako kasi okay na kami ni papa." Sabi ni Paris na nahawaan ni Max."If papa knew this, alam kong uuwi yun dito.""Kaya nga huwag niyo na sabihin kay mama at papa." Sabi niya at pumikit.First time niyang magkasakit na masaya siya. Hindi talaga siya lumayo sa papa niya kahit pa ilang ulit nitong ipaalala sa kaniya na baka mahawa siya.Hindi siya nagsabi na may lagnat siya dahil ayaw niya mag-alala ang mama at papa niya kaya heto at mga kapatid niya ang nag-aalaga sa kaniya. Naging mabuti naman ang kalagayan ni Paris bago naglunes kaya nakapasok pa rin siya sa school. Pagdating ni Paris sa skwelahan, nakita niya si Shon. Nakasuot ito ng uniform ngayon at maayos ang itsura, malayo sa pormahan nitong mukhang hindi skwelahan ang pupuntahan.Kagabi, hindi naman siya sasama dito kung hindi niya narinig ang kabil
"Maligo ka na ng sa ganoon ay makapagpalit ka ng damit." Sabi ni Khelowna kay Max at hinawakan ang kamay nito.Bumaling siya kay Paris. "Pumasok ka sa kwarto mo at magpalit ng damit ng sa ganoon ay makakain ka.""Mama sorry," umiiyak na sabi nito.Hindi nagpakita ng kahit anong emotion si Khelowna. Alam niyang nasa edad na ang mga anak niya para suwayin sila ni Max at kailangan niyang disiplinahin si Paris ng tama.Kaya hindi niya muna ito pinatawad. Umalis siya kasama ni Max at naiwan si Paris na umiiyak habang nakatingin ang mga kuya niya sa kaniya."Don't do this again Paris." Sabi ni Rome. "Kaya kita binabantayan dahil ayoko sa lalaking yun. I saw him smoking. He even bully the other kids that's why I am doing this to you even if you find me annoying."Hindi na binuka ni Paris ang bibig niya. Umiiyak lang siya habang sinasabi yun ni Rome. She knew too well kung anong klase ng tao ang manliligaw niya. "You made papa like that. I want you to feel the burden of what you did. Dahil s
Matapos ang birthday party ni Max, balik na ulit sa dati ang buhay nilang lahat. Naging kaibigan na rin ni Khe ang mga asawa ng mga kaibigan ni Max.Habang busy siya sa office ni Dr. Smith, dumating naman ang sister in law niya na si Maxine kasama ng kuya niya."Kamusta Doc?" natatawang tanong ni Maxine sa kaniya lalo na nang makita ang dalawang baso ng kape sa harapan."Pagod na pagod na ako ate. Gusto ko ng umuwi."Lumapit ang kuya niya sa kaniya at hinaIikan ang ulo niya. "Hindi ka na sana pumasok pa dahil kakatapos lang party ni Max saka maraming bisita ang inasikaso mo kaya tiyak na pagod na pagod ka pa." "Kaya nga." Sang-ayon ni Maxine."Hindi pwede kasi hindi pa nakakabalik si Dr. Smith sa trabaho niya kaya kailangan ako dito.""Mas pagod ka yata dito sa office kesa direktang humarap sa mga pasyente mo.""Kaya nga e. Teka, napadalaw kayo? Montly check up niyo ba ngayon?""Oo kaya naisipan namin ni Thompson na dalawin ka muna sandali dito sa office mo. Kumain ka na muna nitong
-Max's birthday party-Maraming tao sa bahay ni Max, kaya marami ring mga guards. Maraming tao dahil malaki ang number of friends na meron si Max. Invited rin ang ibang mga kaibigan ni Khe gaya ni Mina at Dr. Smith maliban kay Austin na nasa California ngayon kasama ng mama niya."Maraming bata," natutuwang sabi ni Mina habang nakatingin sa mga anak ng kaibigan ni Max.May kaedaran ng triplets, may mga maliliit pa, may matanda ng konti, at may mga babies rin."Marami pa lang kaibigan si Max?" nagtatakang tanong ni Mina kay Dr. Smith."Yes. And I know that all of his friends are rich. May mga may-ari ng real estate, malls, hotels, restaurants and other businesses ang mga kaibigan niya.""Have you meet them all?" tanong ni Mina."Yung iba lang sa kanila.""Kung ganoon, kaya pala maraming securities sa labas ng bahay ni Max dahil hindi pala basta-basta ang mga guests niya." Bulong ni Mina. "Let's greet that guy." Bulong ni Dr. Smith kay Mina. "Sino?" "That guy." Turo nito sa isang lal
"Kamusta ang mga bata?" tanong ni Max. Magkatawagan sila ngayon ni Khelowna dahil nasa galaan pa siya."They are fine. Natutulog na sa room nila ang triplets at katabi ko naman ngayon si Sydney."Ngumiti si Max, ang mga mata ay mapupungay tanda na lasing ito. "Marami ba ang ininom mo?" tanong ni Khelowna sa kaniya. Nag-alala siya lalo't wala siya sa tabi nito para alagaan ito kung sakali mang lasing na ito. "Hindi. Konti lang." Sabi ni Max kahit ang totoo e lasing na siya. Kanina pa kasi siya pinapasahan ni Fero ng beer. Tapos siya naman itong tanggap lang nang tanggap. Fero is one of his friends. Malaki silang grupo ng magkakaibigan kaya kapag nagtitipon silang lahat, sobrang ingay nila. Nakita ni Khelowna na may tumabi kay Max sa lounge na inuupuan nito."Hello Mrs. Linae. Do you still remember me?"Ngumiti si Khelowna at tumango. "Yeah. Ikaw si Cly, hindi ba?" tanda pa niya si Cly at Jed, ito lang kasi yung mga kaibigan na hinarap ni Max sa kaniya no'ng kasal nila.Mahinang nataw
"Bakit si Mavi lang ang hinahanap mo at hindi si Katherine? She's your daughter too. Patay na si Mavi kaya kahit anong hanap mo sa kaniya, hindi mo na siya makikita." Sabi ni Khelowna na hindi kumakurap. "Paano siya magiging patay?" tanong ni Alora. "Hindi ko nakita ang katawan niya. Itinago siya sa akin si Dr. Smith. I'm sure of it.""Kung buhay pa siya, sana pinuntahan ka na niya. Sana hinanap ka na niya. Pero hindi di ba? Kasi patay na siya." / 'Pinatay na namin siya.' Khelowna said back in her mind. Tumulo ang luha sa mata ni Alora. She refused to accept na patay na si Mavi. Pero natamaan siya sa sinabi ni Khe. Na kung buhay pa ito, sana ay hinanap man lang siya nito. "I'm just here to say that to you. Patay na si Mavi pero si Katherine ay buhay pa. So stop looking for Maveliene, and start attending your other daughter. Katherine needs you too." "Why are you certain na patay na si Mavi? Nakita ba ng dalawang mata mo ang bangkay niya?" "Yes." Walang kurap na sagot ni Khe. Napa
Nakangiti si Khelowna habang binabasa niya ang mensahe galing kay Mina.From Mina: Doc, plano ko sanang paabutin siya ng isang buwan pero pagbigay pa lang niya ng flowers, sabi ko sinasagot ko na siya. Engaged na po kami dahil nagpropose na rin siya agad. Humalakhak si Khelowna. "Ang bilis!" Natatawang sabi niya. “Why are you smiling?” tanong ni Max na nakahiga na ngayon sa kama at nakatingin kay Khe.“Natatawa lang ako kay Mina at Dr. Smith. Para silang teenager dalawa. Tapos sabi ni Mina, engaged na daw sila”“Really? Ang bilis." Sabi ni Max. "By the way, he called me earlier, nagpapatulong kung paano daw manligaw. Akala ko e manliligaw lang, magpo-propose na pala." “Tinulungan mo ba siya?”“Tinawanan ko muna bago ko binigyan ng advice.”Humalakhak si Khe at itinapon niya agad ang sarili niya sa kama. “Bakit mo naman tinatawanan?” natatawang tanong niya.“Wala lang.” Ibinuka ni Max ang kamay niya at agad na humiga si Khe sa braso niya.“Papaalam sana ako. Payag ka ba if I spend my
“Bakit ang lalim ng iniisip mo?” tanong ni Khe nang sila nalang ang maiwan ni Dr. Smith sa table.Mina went to the comfort room at si Max naman ay umalis na dahil may meeting pa siya.“I’m thinking of Mina. I have a question Khe. As a woman, bakit minsan sweet kayo, minsan hindi?”“What do you mean?”“Hmm.. How to put this? Ganto kasi, lately, I followed your advice na maging sweet kay Mina kahit may mga tao sa harapan. But Mina, I feel like nagbago na siya.”Kumibot ang labi ni Khe. Pakiramdam niya ay may kasalanan siya. ‘Kung ganoon, she’s drawing some line. Ang problema lang ay itong si Dr. Smith at sobrang dense.’ Conclusion ni Khelowna sa isipan niya.“What do you mean she changed? Sweet pa rin naman siya ah.” Sabi niya na kunwari ay hindi alam anong nangyayari.“Yeah. Pero mamaya niyan lalayo siya na para bang ayaw niya sa akin. Do you think nagsawa na siya sa akin? Dapat ba naging cold lang ako gaya ng dati?”“Huh? Ang pangit naman kung cold ka lang lagi.”“Then what’s the matte
Pagkabili nila sa ng ticket ng isang musical movie, agad silang bumili ng popcorn saka sila pumasok sa loob ng sinehan. H22 and H23 ang kanilang seat number kaya nasa gitna sila.Pagkaupo nila doon, agad na may batang kumalabit kay Dr. Smith. “Hi tito…” Nakangiting sabi ni Sydney.Nanlaki ang mata nilang dalawa nang makita nila si Khelowna, Sydney at Max.“Dr. Khe!” Natakpan agad ni Mina ang bibig niya dahil napalakas ang boses niya. She was delighted nang makita niya si Khelowna kasama ang asawa nito at bunso nilang si Sydney.“Anong ginagawa niyo dito?” tanong ni Dr. Smith pagkaupo nila.“Nagdi-date kaming tatlo.” Si Max ang sumagot. “Mabuti at hindi ka na pilay.”Sinamaan ni Dr. Smith si Max ng tingin dahil mahihimigan sa boses na niloloko siya nito.“Bakit nandito kayong tatlo? Yung mga anak niyo nagkalat sa mall.” Mahinang natawa si Khelowna at Mina sa sinabi ni Dr. Smith kay Max.“Nakita niyo ba?” tanong ni Khe.“Oo. Nakita namin si Rome hinahanap si Paris.”Napahawak si Max sa b