Max anger melted nang makita niya si Paris at Chicago na nagyayakapan. Napatingin siya kay Khelowna at nakita niya itong nakatitig sa dalawa. His heart pumped crazily in that scenery."Khe," he called Khelowna's name. Ngunit hindi lang si Khelowna ang lumingon sa kaniya kun'di pati na rin ang dalawang anak niya.Sa mga mata ni Khelowna, alam niyang may malaki pang pader sa pagitan nila. Gusto niya yung gibain. "Papa," tawag ni Chicago. "Paris and I are okay now." Masayang sabi nito.Si Paris naman ay hindi ngumiti. Naisip niya agad ang sinabi ng mama niya na baka kapag nalaman ni Max na kamukha ni Chicago si Rome ay kukunin nito ang kuya Rome niya. Bahagyang tumaas ang pader na nakapalibot sa kaniya sa papa niya."I'm glad na ayos na kayo ng kapatid mo." Sabi ni Max na nagpalaki ng mata ni Khelowna.Napatingin din si Chicago sa kaniya, ganoon rin si Paris."I'm sorry papa, but what did you say?""Max!" Pagbabanta ni Khelowna. Ayaw niyang sabihin ni Max. But Max stubbornly ignored h
“Paris anak,” nangangapa si Khelowna ng sasabihin. But Max’s stares controlling her. She doesn’t have any idea kung paano yun nagagawa ni Max sa kaniya.Napalunok siya ng wala sa oras. It should be a crying moment with her son—Chicago, dahil sa wakas alam na nito ang totoo nilang ugnayan pero hindi niya magawa dahil kumakabog ang dibdib niya sa tindi ng kaba dahil kay Paris at Max.Max is waiting for her to tell Paris that he’s the dad. He’s watching every step she makes.“Your dad is not dead,” halos na pabulong na sabi ni Khelowna kay Paris.“Then he’s my dad?”Tumingin si Khelowna sa gawi ni Max at nakita niya kung paano pinagkrus ni Max ang kamay niya sa dibdib niya na para bang sinasabi na, ‘subukan mo lang magkamali.’“Yeah..” Napipilitang sabi ni Khelowna. Kumunot naman ang noo ni Max. Malinaw pa sa hangin na para bang napipilitan lang si Khelowna na sabihin yun.“Then he’s a drunkard man who has a mistress?”Nanlaki ang mata ni Khelowna sa narinig niya kay Paris. “Where did yo
“Mama, kailan kayo babalik dito ni Paris?” tanong ni Chicago habang kaface time si Khelowna. Nasa kama siya at papatulog na.Buong araw niyang iniisip ang mama niya at ang kakakilala pa lang niya na kapatid. Gusto niya silang makasama pero hindi niya alam kung paano niya yun gagawin. He was very sad and lonely that’s why he asked his father kung pwede ba niyang tawagan ang mama niya.Max said yes—of course ‘cause he’s curious too kung anong ginagawa ni Khelowna at Paris.Naging malungkot naman ang mata ni Khelowna nang makita sa screen ang mukha ni Chicago. Siya man ay gusto rin niyang makasama ang anak niya. Pero paano niya yun gagawin gayong ayaw ni Paris manatili doon kasama ni Max."Mama, ayaw po bang mag stay ni Paris dito? Ayaw niya rin po ba sa akin?" malungkot na tanong ni Chicago."Chicago, no.. Hindi ganoon anak. Paris is just confuse dahil hindi pa niya kilala ang papa mo." Nag-alalang sabi ni Khelowna."But she's my sister. Hindi ba papa niya rin si papa." Nakikinig si Max
“Anong ginagawa mo dito?” iyon ang tanong ni Khelowna dahil matapos niyang buksan ang gate, mukha ni Max ang tumambad sa kaniya.“MAMA!” At mula sa kinatatayuan ni Max, lumabas sa likuran si Chicago na kumakaway pa. “Hello mama..”Natahimik tuloy siya at nanlaki ang mata. Tumaas naman ang sulok ng labi doon ni Max. Nasisiyahan siyang makita na titiklop ang ex-wife niya sa anak nila.And he find her looking cute habang gulat na nakatingin sa anak nila.“H-Hello baby,” sabi ni Khelowna at niyakap si Chicago. Nagkatinginan sila ni Max.Max saw how sharp Khelowna’s eyes shot to him. He shrugged his shoulder off at hinayaan ang dalawa na magyakapan. Hindi na rin siya naghintay pa na papasukin siya ni Khelowna. Kusa na talaga siyang pumasok.Na animo’y siya ang may-ari ng bahay kahit na hindi naman.“Mama, alam mo po ba, I can’t sleep last night because I’ve been thinking about you and Paris. Actually, maaga po akong gumising kanina kasi po excited akong pumunta sa inyo.”Parang lumundag an
“BYE PAPA!” Sigaw ni Chicago habang kumakaway pa kay Max. Si Paris naman ay nakatingin lang at wala man ka react-reaction. Ihahatid na sila ngayon ng driver ni Max papunta ng mall.Si Khelowna naman ay tahimik lang. Hindi na rin siya nagsalita pa at hindi na rin pinansin si Max. Wala siya sa mood buhat sa kiss kanina.Nagwala ang puso niya kanina at isa yun sa kinaiinisan niya.Pakiramdam niya ay nasayang lang ang ginawa niyang pagmo-move on sa America sa loob ng 6 years.Nang makaalis ang sasakyan, agad na nagtungo si Max kay Maveliene.. Gaya no’ng inaasahan, nakaratay pa rin si Mavi sa hospital bed at walang malay. Maraming apparatus ang nakakabit sa katawan at tanging makina lang na siyang nagmo-monitor sa heart rate ang nag-iingay.Umupo si Max sa gilid niya at napahilamos ng mukha niya. Masiyadong mabigat ang nararamdaman niya ngayon.He wanted to make up his mind.. Hindi mawala sa isipan niya ang mukhang galit ni Khelowna. Binabagabag siya ng ginawa niya.Gusto niyang gawin ang
Pinagmamasdan ni Max si Khelowna habang kalaro ang mga anak nila. He was rejected pero wala siyang plano na sundin si Khelowna—ang lumayo. Dahil desidido siya sa gusto niyang mangyari at iyon ay maging buo silang pamilya.It may sound silly but he’s not getting younger anymore. He’s curious. Gusto niya maranasan paano maging ama, paano magkaroon ng isang pamilya.Ipinagkrus niya ang kamay niya sa dibdib niya at pinagsingkitan ng mata si Khelowna na nasa may hindi kalayuan. Nang bumaling si Khelowna sa kaniya, nakita niya itong umirap sa kaniya. ‘I said sorry, ano pa bang pwede kong gawin para pansinin niya ulit ako?’ tanong ni Max sa sarili niya.“Papa!” Napatingin siya kay Chicago na ngayon ay kumakaway sa kaniya. “Join us!” Sabi pa nito. Chicago easily get along well with Paris. And for Paris, having a new brother na kamukha ni Rome, madali rin niyang nakapalagayan ng loob si Chicago.In fact, hindi nila ramdam na hindi sila sabay lumaki. Kung maglaro at mag-usap sila ay para bang ki
“Papa, that was so great!” Ang sabi ni Paris habang nakakandong kay Max. “I agree papa… I wish may ganoon rin tayo sa house.” Sabi naman ni Chicago. Sumakay sila sa slide kanina. First time yun maranasan ni Chicago lalo’t hindi siya pinapasyal ni Katherine noon sa labas ng bahay at first time naman yun maranasan ni Paris kasama ni Chicago at ng papa niya.Nasa sasakyan na sila at pauwi na.Si Khelowna naman ay nasa unahan, katabi nong driver at halos hindi na nagsasalita. Hindi na niya maintindihan kung paano nauwi sa ganito ang lahat ng ito. Ang gusto niyang mangyari e maging malapit si Chicago sa kaniya para matangay niya ito agad kung sisibat man sila kung sakali.Pero sa nakikita niya ngayon, si Paris ang tinatangay ni Max.“Papagawa ako ng slides sa bahay natin.” Sabi ni Max at agad na sumigaw sa labis na kasiyahan ang dalawang bata.Tumingin si Max sa gawi ni Khelowna at lihim siyang ngumiti.Pagdating nila sa bahay ni Khelowna, agad na naging malungkot ang mukha ni Chicago. Aga
Nagtataka si Khelowna bakit hindi sumunod si Max sa kaniya. Ngunit agad rin niyang inalis sa isipan niya ang tungkol dito at nagfocus nalang sa dalawang anak niya na ngayon ay nasa kwarto at naglalaro at nag-uusap.Nasa kusina siya at kasalukuyang nagluluto para sa hapunan habang si Paris naman ay sinabi sa kapatid niya na may kapatid pa sila na ang pangalan ay Rome.“Rome?” kunot noong tanong ni Chicago.Tumango si Paris. “Yes kuya. May isa pa tayong brother at yun ay si kuya Rome.”Biglang pumasok sa isipan ni Chicago ang mukha ni Rome na nakilala niya sa hospital. Nagtataka tuloy siya kung sino marahil ang tinutukoy ng kapatid niya. Iyon bang Rome na nakilala niya sa hospital o ibang Rome.“You don’t believe me kuya?” tanong ni Paris dahil nakikita niya sa mukha ni Chicago na para bang hindi naniniwala ang kapatid niya sa kaniya na may kapatid pa silang isa.“Is he our twin too?”“Hmm.. Triplet tayo siguro.” Sabi ni Paris. “Kasi same birthday kami ni kuya Rome at same birthday ka ri
Nakapameywang si Rome habang nasa harapan ni Paris. "Ikaw lang yung nakita kong nagkasakit na nga pero masaya pa rin." Sabi niya habang nakakunot ang noo."Ayos lang kuya. Masaya na ako kasi okay na kami ni papa." Sabi ni Paris na nahawaan ni Max."If papa knew this, alam kong uuwi yun dito.""Kaya nga huwag niyo na sabihin kay mama at papa." Sabi niya at pumikit.First time niyang magkasakit na masaya siya. Hindi talaga siya lumayo sa papa niya kahit pa ilang ulit nitong ipaalala sa kaniya na baka mahawa siya.Hindi siya nagsabi na may lagnat siya dahil ayaw niya mag-alala ang mama at papa niya kaya heto at mga kapatid niya ang nag-aalaga sa kaniya. Naging mabuti naman ang kalagayan ni Paris bago naglunes kaya nakapasok pa rin siya sa school. Pagdating ni Paris sa skwelahan, nakita niya si Shon. Nakasuot ito ng uniform ngayon at maayos ang itsura, malayo sa pormahan nitong mukhang hindi skwelahan ang pupuntahan.Kagabi, hindi naman siya sasama dito kung hindi niya narinig ang kabil
"Maligo ka na ng sa ganoon ay makapagpalit ka ng damit." Sabi ni Khelowna kay Max at hinawakan ang kamay nito.Bumaling siya kay Paris. "Pumasok ka sa kwarto mo at magpalit ng damit ng sa ganoon ay makakain ka.""Mama sorry," umiiyak na sabi nito.Hindi nagpakita ng kahit anong emotion si Khelowna. Alam niyang nasa edad na ang mga anak niya para suwayin sila ni Max at kailangan niyang disiplinahin si Paris ng tama.Kaya hindi niya muna ito pinatawad. Umalis siya kasama ni Max at naiwan si Paris na umiiyak habang nakatingin ang mga kuya niya sa kaniya."Don't do this again Paris." Sabi ni Rome. "Kaya kita binabantayan dahil ayoko sa lalaking yun. I saw him smoking. He even bully the other kids that's why I am doing this to you even if you find me annoying."Hindi na binuka ni Paris ang bibig niya. Umiiyak lang siya habang sinasabi yun ni Rome. She knew too well kung anong klase ng tao ang manliligaw niya. "You made papa like that. I want you to feel the burden of what you did. Dahil s
Matapos ang birthday party ni Max, balik na ulit sa dati ang buhay nilang lahat. Naging kaibigan na rin ni Khe ang mga asawa ng mga kaibigan ni Max.Habang busy siya sa office ni Dr. Smith, dumating naman ang sister in law niya na si Maxine kasama ng kuya niya."Kamusta Doc?" natatawang tanong ni Maxine sa kaniya lalo na nang makita ang dalawang baso ng kape sa harapan."Pagod na pagod na ako ate. Gusto ko ng umuwi."Lumapit ang kuya niya sa kaniya at hinaIikan ang ulo niya. "Hindi ka na sana pumasok pa dahil kakatapos lang party ni Max saka maraming bisita ang inasikaso mo kaya tiyak na pagod na pagod ka pa." "Kaya nga." Sang-ayon ni Maxine."Hindi pwede kasi hindi pa nakakabalik si Dr. Smith sa trabaho niya kaya kailangan ako dito.""Mas pagod ka yata dito sa office kesa direktang humarap sa mga pasyente mo.""Kaya nga e. Teka, napadalaw kayo? Montly check up niyo ba ngayon?""Oo kaya naisipan namin ni Thompson na dalawin ka muna sandali dito sa office mo. Kumain ka na muna nitong
-Max's birthday party-Maraming tao sa bahay ni Max, kaya marami ring mga guards. Maraming tao dahil malaki ang number of friends na meron si Max. Invited rin ang ibang mga kaibigan ni Khe gaya ni Mina at Dr. Smith maliban kay Austin na nasa California ngayon kasama ng mama niya."Maraming bata," natutuwang sabi ni Mina habang nakatingin sa mga anak ng kaibigan ni Max.May kaedaran ng triplets, may mga maliliit pa, may matanda ng konti, at may mga babies rin."Marami pa lang kaibigan si Max?" nagtatakang tanong ni Mina kay Dr. Smith."Yes. And I know that all of his friends are rich. May mga may-ari ng real estate, malls, hotels, restaurants and other businesses ang mga kaibigan niya.""Have you meet them all?" tanong ni Mina."Yung iba lang sa kanila.""Kung ganoon, kaya pala maraming securities sa labas ng bahay ni Max dahil hindi pala basta-basta ang mga guests niya." Bulong ni Mina. "Let's greet that guy." Bulong ni Dr. Smith kay Mina. "Sino?" "That guy." Turo nito sa isang lal
"Kamusta ang mga bata?" tanong ni Max. Magkatawagan sila ngayon ni Khelowna dahil nasa galaan pa siya."They are fine. Natutulog na sa room nila ang triplets at katabi ko naman ngayon si Sydney."Ngumiti si Max, ang mga mata ay mapupungay tanda na lasing ito. "Marami ba ang ininom mo?" tanong ni Khelowna sa kaniya. Nag-alala siya lalo't wala siya sa tabi nito para alagaan ito kung sakali mang lasing na ito. "Hindi. Konti lang." Sabi ni Max kahit ang totoo e lasing na siya. Kanina pa kasi siya pinapasahan ni Fero ng beer. Tapos siya naman itong tanggap lang nang tanggap. Fero is one of his friends. Malaki silang grupo ng magkakaibigan kaya kapag nagtitipon silang lahat, sobrang ingay nila. Nakita ni Khelowna na may tumabi kay Max sa lounge na inuupuan nito."Hello Mrs. Linae. Do you still remember me?"Ngumiti si Khelowna at tumango. "Yeah. Ikaw si Cly, hindi ba?" tanda pa niya si Cly at Jed, ito lang kasi yung mga kaibigan na hinarap ni Max sa kaniya no'ng kasal nila.Mahinang nataw
"Bakit si Mavi lang ang hinahanap mo at hindi si Katherine? She's your daughter too. Patay na si Mavi kaya kahit anong hanap mo sa kaniya, hindi mo na siya makikita." Sabi ni Khelowna na hindi kumakurap. "Paano siya magiging patay?" tanong ni Alora. "Hindi ko nakita ang katawan niya. Itinago siya sa akin si Dr. Smith. I'm sure of it.""Kung buhay pa siya, sana pinuntahan ka na niya. Sana hinanap ka na niya. Pero hindi di ba? Kasi patay na siya." / 'Pinatay na namin siya.' Khelowna said back in her mind. Tumulo ang luha sa mata ni Alora. She refused to accept na patay na si Mavi. Pero natamaan siya sa sinabi ni Khe. Na kung buhay pa ito, sana ay hinanap man lang siya nito. "I'm just here to say that to you. Patay na si Mavi pero si Katherine ay buhay pa. So stop looking for Maveliene, and start attending your other daughter. Katherine needs you too." "Why are you certain na patay na si Mavi? Nakita ba ng dalawang mata mo ang bangkay niya?" "Yes." Walang kurap na sagot ni Khe. Napa
Nakangiti si Khelowna habang binabasa niya ang mensahe galing kay Mina.From Mina: Doc, plano ko sanang paabutin siya ng isang buwan pero pagbigay pa lang niya ng flowers, sabi ko sinasagot ko na siya. Engaged na po kami dahil nagpropose na rin siya agad. Humalakhak si Khelowna. "Ang bilis!" Natatawang sabi niya. “Why are you smiling?” tanong ni Max na nakahiga na ngayon sa kama at nakatingin kay Khe.“Natatawa lang ako kay Mina at Dr. Smith. Para silang teenager dalawa. Tapos sabi ni Mina, engaged na daw sila”“Really? Ang bilis." Sabi ni Max. "By the way, he called me earlier, nagpapatulong kung paano daw manligaw. Akala ko e manliligaw lang, magpo-propose na pala." “Tinulungan mo ba siya?”“Tinawanan ko muna bago ko binigyan ng advice.”Humalakhak si Khe at itinapon niya agad ang sarili niya sa kama. “Bakit mo naman tinatawanan?” natatawang tanong niya.“Wala lang.” Ibinuka ni Max ang kamay niya at agad na humiga si Khe sa braso niya.“Papaalam sana ako. Payag ka ba if I spend my
“Bakit ang lalim ng iniisip mo?” tanong ni Khe nang sila nalang ang maiwan ni Dr. Smith sa table.Mina went to the comfort room at si Max naman ay umalis na dahil may meeting pa siya.“I’m thinking of Mina. I have a question Khe. As a woman, bakit minsan sweet kayo, minsan hindi?”“What do you mean?”“Hmm.. How to put this? Ganto kasi, lately, I followed your advice na maging sweet kay Mina kahit may mga tao sa harapan. But Mina, I feel like nagbago na siya.”Kumibot ang labi ni Khe. Pakiramdam niya ay may kasalanan siya. ‘Kung ganoon, she’s drawing some line. Ang problema lang ay itong si Dr. Smith at sobrang dense.’ Conclusion ni Khelowna sa isipan niya.“What do you mean she changed? Sweet pa rin naman siya ah.” Sabi niya na kunwari ay hindi alam anong nangyayari.“Yeah. Pero mamaya niyan lalayo siya na para bang ayaw niya sa akin. Do you think nagsawa na siya sa akin? Dapat ba naging cold lang ako gaya ng dati?”“Huh? Ang pangit naman kung cold ka lang lagi.”“Then what’s the matte
Pagkabili nila sa ng ticket ng isang musical movie, agad silang bumili ng popcorn saka sila pumasok sa loob ng sinehan. H22 and H23 ang kanilang seat number kaya nasa gitna sila.Pagkaupo nila doon, agad na may batang kumalabit kay Dr. Smith. “Hi tito…” Nakangiting sabi ni Sydney.Nanlaki ang mata nilang dalawa nang makita nila si Khelowna, Sydney at Max.“Dr. Khe!” Natakpan agad ni Mina ang bibig niya dahil napalakas ang boses niya. She was delighted nang makita niya si Khelowna kasama ang asawa nito at bunso nilang si Sydney.“Anong ginagawa niyo dito?” tanong ni Dr. Smith pagkaupo nila.“Nagdi-date kaming tatlo.” Si Max ang sumagot. “Mabuti at hindi ka na pilay.”Sinamaan ni Dr. Smith si Max ng tingin dahil mahihimigan sa boses na niloloko siya nito.“Bakit nandito kayong tatlo? Yung mga anak niyo nagkalat sa mall.” Mahinang natawa si Khelowna at Mina sa sinabi ni Dr. Smith kay Max.“Nakita niyo ba?” tanong ni Khe.“Oo. Nakita namin si Rome hinahanap si Paris.”Napahawak si Max sa b