Chapter 67PAGKALABAS ni Camila sa meeting room, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Yesha na ito ang nagtamper ng recording.Kahit hindi siya napahamak ngayon, mainit ang ulo niya. Uto-uto talaga ang tingin sa kanya ng pamilya niya, ganoon ba?Ipadadala siya sa mga mahihirap na gawain para maghirap habang ang pamilya niya ay nakaupo lang at masayang nakikinabang sa pinaghirapan niya?Napailing siya at may malamig na ngiti sa labi nang tawagan niya si Brix gamit ang cellphone niya.'Gusto n'yo akong gamitin para kumita? Hindi ako papayag!' sigaw ng isip niya. "May kailangan ka ba?" tanong ni Brix nang sagutin ang tawag. Pinakalma ni Camila ang sarili tsaka nagsalita. "Pwede bang itigil muna natin ang partnership natin? Ituloy na lang kapag mas okay na ang lahat?"Sandaling tumahimik si Brix bago sumagot, "Sige.""Salamat.""Kung kailangan mo ng tulong, sabihin mo lang," dagdag ni Brix. Napatingin si Camila sa cellphone. "Salamat, pero hindi na kailangan."Hindi na siya pinilit ni
Chapter 68MABILIS na tinayo ni Camila si Carlos. Ang bigat ng katawan nito ay parang upuan na bumagsak sa kanya, dahilan para matumba siya paatras. Mabuti na lang at may sofa sa likuran niya kaya naiusod niya si Carlos sa ibabaw ng sofa.“P-Pa, anong nangyari sa’yo?”Marahan niyang pinukpok ang likod nito pero hindi pa rin sumagot si Carlos. Habang tumatagal, mas lalong pumapangit ang itsura nito.Mabilis niyang kinuha ang cellphone at tumawag sa emergency hotline.Biglang tumakbo si Braylee papasok mula sa pinto, “Mommy!”“Braylee, bakit ka nandito?” Hinila niya ito palapit sa kanya.Nagtanong siya, pero wala siyang oras para hintayin ang sagot ni Braylee. Tumayo siya agad at sumigaw sa katulong sa labas ng pinto. “Tulong! Nawalan ng malay si Papa! May gamot ba rito sa bahay?”Matagal na siyang hindi umuuwi sa Perez Family at malamig naman ang pakikitungo ni Carlos sa kanya kaya halos wala siyang alam sa kalagayan nito.Narinig ng katulong ang sigaw ni Camila at dali-daling pumasok
Chapter 69SA SILYA sa pasilyo ng ospital, hindi gumalaw si Camila sa kanyang posisyon. Mula umaga hanggang ngayong maggagabi na ay ganoon sila. Nakahiga si Braylee sa kanyang mga hita at mahimbing na natutulog.Dahil galit sa pagkapahiya, umalis si Vivian at Charlotte doon at hindi na bumalik pa. Walang magawa si Camila kundi maghintay doon, sakaling lumabas ang doktor ng ama at hanapin ang mga kamag-anak ng pasyente.Nakatingin siya sa kawalan at sa mga sandaling iyon, may narinig si Camila na pamilyar na mga tinig—nag-uusap at nagtatawanan, kasabay ng mabagal na yabag na papalapit.“Ma, sa tingin ko ang cajun seafood sa restaurant na iyon ay masarap. Puwede tayong bumalik doon ulit.”“Sige, ikaw ang bahala,” masayang sagot ni Vivian, at saglit na tumigil. “Hindi ko alam kung gising na ang Papa mo. Ang tagal na nilang sinusubukang iligtas siya. Natatakot talaga ako na baka may masamang mangyari.”“Nag-aalala rin ako. Paano kung may mangyari kay Papa? At paano kung mapunta ang kumpan
Chapter 70SI CAMILA ay nakaramdam ng halo-halong emosyon — masaya, maluwag na ang kanyang paghinga pero may halong lungkot. Walang duda na mahal niya ang ama noon, noong buhay pa ang kanyang ina at nagpapanggap si Carlos bilang isang mabuting ama.Pero kinasusuklaman din niya ito—noong dinadala nito ang ibang babae sa kanilang bahay, noong paulit-ulit siyang isinakripisyo kapalit ng welfare ng mag-inang iyon at higit sa lahat, noong nalaman niya ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina!"Hoy, tanda! Hindi ba't sinabi mong ako lang ang anak mo? Bumangon ka ngayon! Ibigay mo sa akin ang kumpanya!"Si Charlotte ay patuloy na nakahawak sa kwelyo ni Carlos, mukhang nawawala na sa sarili."Ahh…"Ang namamaga pang mukha ni Carlos ay lalong pumutla, nanginginig ang mga labi at hindi makapagsalita sa nangyayari. Nanginig ang katawan nito dahil sa lakas ng paghila ni Charlotte at napangiwi ito sa sakit."Charlotte! Tigilan mo na!"Bumalik si Camila sa kwarto nang makita ang nangy
Chapter 71"BRAYLEE, anong nangyayari sa'yo?!"Nagkaroon ng hindi pangkaraniwang kaba sa boses ni Camila.Inabot niya ang kamay para punasan ang dugo sa ilong ni Braylee ngunit walang nangyari; patuloy ang pag-agos ng dugo mula sa ilong nito."Mommy..." mahina ang tawag ni Braylee sa kanya.Bumagsak ang puso ni Camila, binuhat niya ang anak at mabilis na lumabas ng ward."Saan ang emergency room?"Nakatayo siya sa corridor, parang naliligaw na tao na hindi alam kung saan pupunta, kaya't tanging sigaw lang ang nagagawa niya. Sa sandaling iyon, isang pares ng matatag at malakas na mga kamay ang kumuha kay Braylee mula sa mga braso ni Camila. "Follow me, Camila." Buhat ni Brix si Braylee at mabilis na naglakad palayo kaya't tumakbo si Camila para makasunod. Bawat hakbang nila ay nag-iiwan ng mga patak ng dugo.Magulo ang isipan ni Camila, parang may limang daang ibon na humuhunin sa loob ng isipan niya at ang ingay na iyon ay nagpaparamdam sa kanya ng pagkabahala.Pinid ang pinto ng eme
Chapter 72PAGBABA ni Camila ng cellphone, tuloy pa rin ang kanyang pag-iyak. Parang walang katapusan ang kanyang mga luha.Habang umiiyak siya, biglang lumitaw ang isang pares ng sapatos sa kanyang paningin. Nang itaas niya ang kanyang tingin, nakita niya si Brix. Hindi siya nagulat, ngunit ang lalaki ay tinitingnan siya ng hindi maipaliwanag na ekspresyon."Bakit bumalik ka na naman?" tanong niya.Hindi pa tapos ang tanong niya, lumapit na si Brix at niyakap siya, marahang inihilig ang baba sa malambot niyang buhok."Don't be sad, Camila," anito habang marahang tinatapik ang kanyang likod na parang batang inaalo.Nanigas ang katawan ni Camila at biglang tumigil ang kanyang mga luha. Medyo naguluhan siya sa biglaang lambing nito.Sa totoo lang, alam niya na may malambot na bahagi si Brix pagdating sa mga babae, pero tumutugon lamang ito sa soft approach. Kapag matigas ang kanyang ugali, hindi ito nagpapakita ng reaksyon. At siya ay palaging matapang kapag kaharap ito.Itinulak niya i
Chapter 73“I DON'T AGREE.”Tumayo ang lalaking nagsalita at inulit ang sinasabi nito. “Tumututol ako sa pag-takeover mo sa Perez Empire.”Inaasahan na ni Camila ang ganitong eksena. Tiningnan niya ang matabang lalaking nakasuot ng gray suit nang walang emosyon. “Your reason?”Medyo lumambot ang ekspresyon ng lalaki at kalmadong nagsalita. “Miss Camila, una sa lahat, don't take this negatively. Hindi ako tinatanggi ang kakayahan mo at alam ko ang naitulong mo sa kumpanya. Pero ang pamamahala ng kumpanya ay hindi madali. You're too young to lead the company all by yourself. Nag-aalala lang ako.”Si Camila ngayon ang nagtanong. “Sino ang sa tingin mo ang dapat humawak nito?”Ngumiti ang lalaki at ibinaling ang tingin kay Charlotte at kay Vivian. “Sa tingin ko, dapat kay Mrs. Perez ang mamahala. Matagal nang kasama ni Mrs. Perez si President Perez at direktang o hindi direktang kasali na siya sa mga usapin ng kumpanya. Mayaman na siya sa karanasan kaya siya ang pinakanaaangkop na pumali
Chapter 74TINURUAN siya ni Brix? Si Camila ay nakaupo sa opisina at nang maalala niya ang sinabi ni Brix, hindi niya napigilang mapangiti.Marunong palang magsinungaling si Brix na hindi man lang kumukurap sa harap ng maraming tao. Pero kailangan pa rin niya itong pasalamatan. Kung hindi si Brix biglang dumating na nagpabago ng opinyon ng mga shareholders, baka hindi niya nakontrol ang sitwasyon noong oras na iyon.Ngayon, sigurado na ang lahat, siya na ang magiging acting president ng Perez Empire.Habang iniisip ito, bahagyang tumaas ang gilid ng kanyang labi na parang natutuwa.“Miss Camila,” tawag ni Yesha na biglang pumasok. “May tawag sa front desk. May babae raw na nagngangalang Sandy na naghahanap sa’yo.”“Sandy?” sandaling napatigil si Camila. “Papasukin mo siya.”Simula nang malaman niya na si Sandy ang nagmanipula ng mga naked photos niya, hindi na sila nag-usap ulit. Medyo nakakapagtaka na kusa itong nagpunta ngayon.Tumayo siya at nagtimpla ng chamomile tea. Nang umabot
Chapter 118"N-NOONG isang araw, kumakain ako sa tapat ng clinic nang makita ko ang isang babaeng may dalang bata na pumasok doon. Kakaunti lang ang tao dito sa lugar namin kaya hindi lang ako ang nakakita. Kung hindi ka naniniwala, puwede mong tanungin ang iba."Hawak ng lalaki ang namamagang likod nito habang nagsasalita. Pagkatapos niyang magsalita, may isang lalaking nagtaas ng kamay at bumulong. "Maaari kong patunayan 'yan. Nakita rin ng misis ko at nabanggit pa niya sa akin habang magkatabi kami kagabi!"Isa sa mga benepisyo ng maliit na bayan ay mabilis nilang napapansin kung may bagong dayuhan na dumating.Napansin ni Camila na mukhang hindi nagsisinungaling ang dalawa kaya sumunod siya sa direksyon kung saan nakita si Daisy. Ngunit sa kasamaang-palad, ayon sa lalaki, umalis ito kahapon pa.Kung tutuusin, iyon ang araw na nakatulog siya ng mahaba. Muling nawala ang bakas ni Daisy kaya napuno ng inis at pagkadismaya si Camila.Tumingin siya kay Brix at nakita niyang kalmado it
Chapter 117PAGMULAT ng mga mata ni Camila, umaga na. Bumangon siya mula sa matigas na kama at tumingin sa paligid.Sa loob ng simpleng kwarto, sa tapat ng kama ay may lumang kabinet na bahagyang lubog, sa kanan ay isang kurtinang hindi man lang nakakatakip sa liwanag, at katabi nito ay isang hugis-parihabang mesa na kulay mamula-mulang kahoy. Maging ang sahig ay may ilang bahagi nang sira…Tinanggal niya ang manipis at matigas na kumot, tumayo, at kinuha ang cellphone. Nakita niyang ika-17 na ng kasalukuyang buwan—ibig sabihin, nakatulog siya nang isang buong araw at gabi.May messages mula kay Brix. Matapos itong sagutin, naupo siya sa tabi ng bintana at tulala habang nakatingin sa maalikabok na kalsada sa labas.Dalawang araw na…Saan dinala ni Daisy si Braylee? Bakit may dugo? Ano na ang nangyari sa anak niya?Habang iniisip ito ni Camila, mas lalong lumakas ang kanyang kaba. Alam niyang ipinadala na ni Brix ang mga tao nito upang hanapin sila, pero dahil hindi siya personal na na
Chapter 116Mula hapon hanggang gabi, walang tigil sa pagsisiyasat sina Camila at Brix. Ilang beses ding tinawagan ni Brix si Daisy pero hindi pa rin ito sumasagot.Sa footage ng CCTV, nakita nilang dumiretso ang sasakyan ni Daisy patungong katabing probinsya, sa may Cavité. Hindi na mapakali si Camila.Matapos pag-usapan, nagdesisyon silang mag-iwan ng tao para bantayan ang surveillance habang sila naman ay magpapahanda ng sasakyan upang habulin si Daisy.Pagkalabas nila sa Traffic Bureau, agad silang bumiyahe. Sa sobrang pag-aalala, gusto na lang ni Camila lumipad papunta kay Braylee.*Samantala, nakarating na si Daisy sa labas ng Cavite. Sa wakas, nakahinga siya nang maluwag.Alam niyang hindi siya titigilan ni Camila at siguradong gagalaw si Brix kaya hindi siya nag-relax kahit saglit.Ngayon lang siya huminto matapos makarating sa isang liblib na bahagi ng lungsod.Huminga siya nang malalim, isinandal ang likod sa upuan, kinuha ang tissue at pinunasan ang pawis sa kanyang mga pa
Chapter 115HINDI na nag-isip pa si Camila. Mabilis siyang tumakbo papunta sa kotse ni Dale at hinila ito palabas."Camila, huwag kang magpadalos-dalos!""Lumayas ka!"Pinilit niyang pababain si Dale, umupo sa driver’s seat, tapos inapakan nang sagad ang gas. Parang kidlat na sumibad ang sasakyan!Napanganga ang mga tao sa paligid sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya."Sobrang bilis niya! Parang gusto niyang mamatay! Kung may hahabol sa kanya sa ganitong sitwasyon, siguradong may mangyayaring masama! Dapat na nating tawagan ang pulis!" sigaw ng isang babae."Hintay lang!" Pinigilan ni Dale ang empleyadong tatawag na sana sa pulis."Ako na ang bahala. May iba pa ba kayong sasakyan? Hahabol ako!""Meron! Heto ang susi ko!" Agad na inabot ng isang lalaki ang susi ng kotse nito. "Sasamahan kita sa garahe!"Tumango si Dale at habang naglalakad, tinawagan niya si Brix.Sa kabilang linya, nag-apoy sa galit si Brix. Habang inaalam ang buong sitwasyon, agad niyang kinansela lahat ng trabaho n
Chapter 114KINABUKASAN, bumalik ang dalawa sa malamig nilang pakikitungo sa isa’t isa.Mas tamang sabihin na si Camila lang ang malamig.Nalito si Lolo Herman sa nangyayari sa kanila pero naisip nitong hindi dapat pakialaman ang usaping pag-ibig. Hinayaan na lang niyang ayusin nila ito sa sarili nilang paraan.Pagkatapos ng almusal, papunta na si Camila sa kompanya. Gusto rin sumama ni Braylee, kaya pumayag siya.Paglabas nila ng gate, biglang huminto ang sasakyan ni Brix sa harap nila."Hatid ko na kayo."Parang walang narinig si Camila. Hawak ang kamay ni Braylee, dumiretso siya sa parking lot para kunin ang sarili niyang sasakyan.Nilabas ni Braylee ang dila niya kay Brix na may madilim na ekspresyon, bago siya masayang sumunod kay Camila.Pagdating sa kompanya, agad sinimulan ni Camila ang trabaho.Dahil sa suporta ng mga Monterde, hindi na siya matinag sa kanyang posisyon. Kahit ang mga empleyadong dating nasa panig ni Vivian at Charlotte ay lumipat na rin sa kanya.Hindi ito in
Chapter 113ANG ginintuang buhangin, ang asul na langit at dagat, ang mga punong niyog na sumasayaw sa hangin, at ang mga dalagang naka-bikini—lahat ay parang eksena sa isang pelikula.Simula nang mapirmahan ang kontrata ilang araw na ang nakalipas, nag-umpisa sina Camila, Brix, at Braylee ng isang masaya at relaxed na bakasyon. Wala silang ibang iniisip kundi ang kumain, uminom, at mag-enjoy.Habang nakapikit, tinapunan ni Camila ng tingin ang isang seksing babae na walang pakundangan kung maglakad sa tabing-dagat. Napangiti siya at napabuntong-hininga.Nakahiga siya sa isang lounger chair, nakasuot ng sunglasses at may hawak na baso ng malamig na juice. Ramdam niya ang katahimikan at gaan ng katawan. Paminsan-minsan, nililingon niya si Braylee na masayang tumatakbo sa buhanginan, sinasabing maghahanap ito ng perlas para sa kanya.Pagkatapos uminom ng juice, tumingin siya kay Brix—seryosong nakatutok sa phone habang abala sa trabaho."Andaming magagandang babae rito, bakit di mo man
Chapter 112KASUNOD ni Brix ang isang balisa na babaeng assistant at ilang gwardya.Sa puntong ito, alam na ni Camila ang lahat— pinaalis ni Iggy si Brix palayo para masubukan siyang gawan ng masama. Hindi niya akalaing magiging ganito si Iggy kapangahas! Pinulot niya ang cellphone sa sahig, lumapit kay Brix at tinitigan ang sugat nito sa mukha."Ayos ka lang ba?"Bahagyang umiling si Brix, hinila siya sa likuran at tumitig nang malamig sa lahat ng nasa silid.Samantala, tinulungan ng assistant si Iggy makatayo. Naningkit ang mga mata nito sa mga gwardyang mukhang basahan."Mga walang silbi!" singhal ni Iggy. Walang naglakas-loob na sumagot. Humarap muli si Iggy kay Brix at ngumisi ng mapanlait."Haha... Mr. Monterde, mukhang mali ang tantya ko sa'yo."Hinawakan ni Camila ang braso ni Brix at lumingon kay Iggy."Mr. Perez, siya ang asawa ko, kaya..." sinadya ni Camila na ipakita niyang pag-aari siya ng lalaki. Mula sa gilid, napangiti nang bahagya si Brix, tila natuwa sa sinabi ni C
Chapter 111Sa ilalim ng kumpiyansang tingin ni Iggy, napangiti si Camila at umiling. "Pasensya na, kung ayaw mong pag-usapan ang project, huwag na lang."Kung makukuha niya ang project na ito, siguradong malaki ang kikitain niya. Pero... mayaman na siya!Simula nang ipasa niya ang pamamahala ng Perez Empire sa mga tauhan ni Brix, lumago ang company nang husto at nagbigay sa kanya ng malaking kita.Isa sa mga dahilan kung bakit niya pinaglaban ang Perez Empire ay dahil sa kanyang ina at kay Braylee. Hindi siya obsessed sa pera.Kapag umabot na sa isang tiyak na halaga, nagiging numero na lang ang pera. At sa ngayon, ganito na ang tingin ni Camila rito.Biglang nanigas ang mukha ni Iggy at hindi natuwa. "Dahil ba sa lalaking iyon?""Lalaki?"Kailan siya naghanap ng lalaki?"Ang tinutukoy ko, si Brix Monterde."Biglang napatingin si Camila sa pinto, medyo natakot. Buti na lang wala si Brix.Kung nandito si Brix, siguradong gagapang palabas ng unit niya itong si Iggy. "Mr. Perez, lumapi
Chapter 110"MOMMY…" “Mommy!” Napadilat si Camila sa tawag na iyon. Nagising siya sa isang malawak na lugar na balot ng puting hamog. Malinaw ang paligid sa malapit pero paunti-unti itong nagiging makapal hanggang sa hindi na niya makita kung ano ang nasa malayo. May kung anong kaba ang bumalot sa kanya. "Nasaan ako?" "Mommy, mommy, ako si Braylee..." Isang pamilyar na boses ng bata ang tumawag mula sa likod niya. Paglingon niya, kitang-kita niya si Braylee—magulo ang suot, namamaga ang mukha at may dugo sa gilid ng labi. Napakaliit ng katawan nito, tila nasa bingit ng dilim, parang may mabangis na hayop na handang lamunin ang bata. "Mommy, tulungan mo ako... Masakit, mommy!" "Braylee!" Agad na tumakbo si Camila at sinubukang yakapin siya. Pero bago siya makalapit... Bang!Naglahong parang usok si Braylee. "Braylee?" Nangangapa siyang tumakbo sa makapal na hamog. "Nasaan ka? Si Mommy nandito!" "Mommy, tulungan mo ako..." Narinig niya ulit ang sigaw ng bata