hello, I read your previous comments. hindi po lumalayo ang plot ng novel. nasa showbiz si Charlotte kaya asahan na may halong showbizness ang ilan sa updates. iyon lang. hope this clear things up. another update later. busy ako for review para sa midterm kaya limited lang ang updates.
Chapter 194SA MALIWANAG na stage, malinaw na binigkas ng mabait na lalaking host ang isang mental arithmetic na tanong. Pagkatapos, ibinaba niya ang mikropono at inilipat ang tingin sa limang batang nakatayo sa harap ng kanilang buzzers.Ang tanong ng host: Ano ang multiplication ng 456 at 21?Kung titingnang mabuti, mapapansin na mas matagal ang host tumingin sa pinakamaliit, chubby, at napakacute na bata.Madali lang sana ang tanong na ito, kahit sinong marunong sa multiplication ay kayang sagutin. Pero iba ang usapan kung kailangang gawin ito nang mental lang. Walang bata ang nagmadaling sumagot, ang ilan ay nakakunot-noo sa pag-iisip, habang ang iba nama’y pasimpleng kumakalabit sa kanilang buzzers.Sa likod ng mga bata, may isang malaking screen kung saan makikita ang tanong pati na rin ang isang minutong countdown. Habang walang sumasagot, patuloy na kinakausap ng host ang mga bata para i-comfort at i-encourage sila na huwag kabahan.Sa audience, mahigit isang daang tao ang bulu
Chapter 195"BRAYLEE!"Pasigaw na tinawag ni Camila ang pangalan ng bata, mabilis siyang lumapit, hinila si Braylee mula sa mga kamay ni Charlotte at inilagay ito sa harapan niya."Ang galing mo na ha! Pati ako niloko mo! Pinag-usapan ba natin 'to bago ka pumunta rito?"Mula sa kisame, bumagsak ang malamig na puting ilaw na nagbigay ng kakaibang anino sa mukha ni Camila.Biglang nawala ang saya sa mukha ni Braylee. Hindi niya alam ang gagawin habang mahigpit na hawak ang trophy sa kamay niya. Napatingin siya kay Charlotte, na para bang humihingi ng tulong.Tumayo na si Charlotte at saglit na kinausap ang direktor bago lumapit kay Camila. Hindi niya napansin ang gulat sa mata ng direktor nang makita si Camila."Ate, bakit ka nagagalit? Wala naman akong pinagawa kay Braylee na masama."Malamig ang ekspresyon ni Camila. Tinulak niya palayo si Charlotte."Linawin natin 'to—anak ko siya, hindi iyo. Ano'ng ibig mong sabihin sa pagdadala sa kanya dito nang hindi man lang nagpapaalam?""Ano k
Chapter 196MATAPOS umalis ang lahat at nang lumamig na ang paligid, parang natauhan si Camila, na parang nagising mula sa isang panaginip.Ano bang nangyari sa kanya kanina? Bakit niya nabitawan ang trophy ni Braylee? Napakamot siya ng ulo sa inis."Ah, Miss Perez, tama? Ayos ka lang ba?""Hmm?"Lumingon si Camila at nakita niyang hindi pa pala umaalis ang direktor. Diretso niya itong tinitigan.Nasa forty's na ito, may ilang puting hibla sa itim nitong buhok, may ordinaryong hitsura, at may ilang linya ng kulubot sa noo. Nakasuot ito ng striped na polo shirt na nakatuck-in sa kulay blue gray na pantalon at may kaunting tiyan na nakausli. "Ayos lang ako," iwinaksi ni Camila ang tingin, "May plastic bag ka ba diyan? Pahingi naman ako.""Oo, sandali lang."Mabilis na tumakbo ang direktor at agad bumalik na may dalang bag. Kinuha ito ni Camila at muli siyang tumingin sa lalaki."Pasensya na sa hindi ko napigilang emosyon kanina. Humihingi ako ng paumanhin.""Okay lang, Miss Perez, huwag
Chapter 197SA ILALIM ng maliwanag na dilaw na ilaw sa kalye, isang grupo ng maliliit na gamu-gamo ang lumilipad sa himpapawid, habang may dalawang gamu-gamo, isang malaki at isang maliit, na nasa lupa na malapit sa dalawang pigura na nasisinagan ng malamlam na liwanag ng ilaw. "Wuwuwu, Daddy... wuwuwu...""S-Si Mommy, mommy... woooo..."Mahigpit na niyakap ni Braylee ang hita ni Brix habang humahagulgol. Nanginginig ang katawan niya sa sobrang iyak, halos hindi na makahinga.Hinaplos ni Brix ang likod niya gamit ang malalaking kamay at mahinahong sinabi, "Huwag kang umiyak, hindi sinasadya ng mommy mo ‘yon.""Uwaaa... uwaaa..."Hindi umepekto ang pag-alo. Bahagyang kumunot ang noo ni Brix habang iniisip kung paano mapapatigil ang pag-iyak ng bata.Katatapos lang niyang makausap si Camila sa cellphone kaya narito sila ngayon, naghihintay kay Camila. Kinuha niya ang panyo mula sa bulsa ng kanyang suit at akmang pupunasan ang luha ni Braylee nang marinig niyang may papalapit na mga ya
Chapter 198 SA Star Building... Kinaumagahan, tamad na bumangon si Charlotte mula sa kama. Kakakain pa lang niya ng kaunti nang biglang tumawag ang kanyang ina.Napasimangot siya at sinagot ang tawag, “Hello, Ma.”"Dinala mo ‘yung anak ng walanghiyang si Camila sa TV?" agad na tanong ng ina niya.“Hmm.”"Humph, mula nang pumasok ka sa industriya, ni hindi mo na ako naalalang dalawin. May nanay ka pa ba sa puso mo?"Naiirita si Charlotte, “Ano na naman ‘yang sinasabi mo? Eh sino pa ba ang nasa isip ko kung hindi ikaw?”“Buti naman kung gano’n. Hindi na ako magsasalita ng kung ano pa. Dahil nagawan mong paraan na mapalabas sa TV si Braylee, siguraduhin mo rin na mailabas ako sa TV para makita ng mga amiga kong tsismosa na hindi ako basta nagyayabang,” utos ng ina niya.Mula nang makalaya si Vivian sa kulungan, unti-unting lumayo sa kanya ang mga dating kaibigan niyang mayayaman. Ang natira na lang ay mga kasing-level niya na wala ring masyadong bilib sa kanya. Lalo na kapag ipinagmama
Chapter 199 DAHIL sa nangyaring iskandalo tungkol sa "inang palengkera ng isa sa child contestant," hindi pumasok si Camila sa kumpanya ngayong araw. Kahit na nakita niyang inayos na ni Brix ang lahat kahapon ng umaga, hindi pa rin siya mapakali.Alam naman niyang hindi basta-basta napipigilan ang ganitong klaseng tsismis. Sa mga nakaraang karanasan niya, grabe rin ang natanggap niyang pang-aalipusta.Takot na takot siyang makabasa ng masasakit na salita kaya nang makita niyang dumadami ang masasamang komento, hindi na siya nag-online. Mas pinili niyang manatili sa bahay, kumain, manood ng pelikula, at magpahinga.Pero hindi niya rin nakayanan ang mag-relax nang buong umaga lang. Nainis siya sa sarili niyang pagiging workaholic, kaya nagbihis siya ng maayos at bumaba.Habang nagdidilig ng mga halaman sa bakuran si Ruby, tinanong siya ni Camila kung umuwi ba si Brix kagabi."Hindi po, Ma'am. Kung miss niyo si Sir, bakit hindi niyo na lang tawagan?" sagot ni Ruby habang huminto sa gina
Chapter 200PAGKATAPOS makipag-usap ni Braylee kay Eric, naalala niyang naiwan si Brix. Lumingon siya, pero wala na ito sa paligid."Asan si Daddy?" Tanaw-tanaw ni Braylee ang paligid.Si Camila na nakita ang lahat, ay hindi na nagulat. Hinila niya si Braylee papunta sa mesa at pinaupo. "Baka may kailangan siyang puntahan. Huwag mo na siyang alalahanin.""Pero hindi niya natikman ang pagkain na ioorder ko para sa kanya," nakasimangot na sabi ni Braylee."Ayos lang ‘yun. Ang yaman-yaman niya na, natikman na niya lahat ng masasarap na pagkain. Huwag mo na siyang intindihin.""Ah, okay po…" Medyo nadismaya si Braylee, pero naalala niya na ang pinaka-importante ay ang makasama at mapasaya si Camila. Kaya tumigil na siya sa pagtawag sa ama at tahimik na naupo para hintayin ang pagkain.Lumapit si Eric at bahagyang ngumiti. "Baka ako ang dahilan kung bakit siya umalis.""Eh ano naman? Anong kinalaman mo doon? Kung gusto niyang umalis, pipigilan ko ba siya?" sabay turo ni Camila sa upuang ma
Chapter 201HINDI ito ang unang beses na sinampal ni Camila si Brix.Tuwing ginagawa niya ito, pakiramdam niya ay parang ginagalit niya ang isang tigre.Nanatili silang dalawa sa parehong posisyon at hindi gumalaw. Hindi mapakali si Camila sa bigat ng presensya ni Brix at hindi makapagsalita. Takot siyang tumingin sa lalaki, natatakot na baka gumanti ito at sampalin siya nang malakas hanggang lumipad ang ulo niya."Natatakot ka ba?" Malamig ang boses ni Brix, parang yelo, dahilan para manginig si Camila."O-Oo… Pasensya na." Marunong siyang dumiskarte. Ang paghingi ng tawad ay wala namang mawawala sa kanya.Gumalaw si Brix, kaya namutla si Camila at agad na pumikit sa takot. Pero sa susunod na segundo, wala siyang naramdamang kakaiba. Nakahinga siya nang maluwag, pakiramdam niya ay gumaan ang buong katawan niya.Pagdilat niya, nakita niyang naglakad si Brix papunta sa kanyang dresser. Hindi na niya pinansin kung bakit interesado ang isang lalaki sa kanyang mga pampaganda at skincare
Chapter 217PAGKAGISING ni Camila kaninang umaga, napansin niyang mahamog sa labas.Pagdating sa kumpanya sakay ng kotse ni Eric, tulad ng nakasanayan, nagsimula na naman siya sa pagiging isang modelong empleyado.KNOCK KNOCK. "Ako ito, si Yesha, Ma'am Camila.""Tuloy ka."Habang nakatutok si Camila sa dokumentong hawak niya, may biglang dumaan na berdeng anino sa gilid ng kanyang paningin.Nang tumingala siya, nakita niya si Yesha na nakatayo sa harapan niya. Napansin niyang iba ang suot nito ngayon kaya naman kumislap ang mga mata niya.Suot ni Yesha ang isang dark green suit na nagpapatingkad sa kanyang tindig. Ang kulay at istilo nito ay mukhang pormal at disente pero hindi sobrang pasikat. Sa ilalim ng fitted na blazer na may ruffled hem, suot niya ang isang bilog na kwelyong silk shirt na may mapusyaw na puting perlas, na nagdagdag ng banayad na pagiging elegante at mature sa kanya.Halos trenta na si Yesha, at bagay na bagay sa kanya ang ganitong klaseng pormal na pananamit.D
Chapter 216ANG papalubog na araw ay nakabitin sa langit, pinapadalhan ng huling sinag ng liwanag ang lupa. Ang madilaw na kulay nito ay nagbigay ng malabong tanawin sa buong siyudad.Bukas ang pintuan ng kompanya ng mga Perez at isa-isang lumabas ang mga empleyado na nakasuot ng pormal na kasuotan. Habang nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa araw na iyon, nagpaalamanan na rin sila sa isa’t isa. Nasa hulihan si Camila.Nagkaproblema sa isang account kanina, kaya buong hapon siyang nakatutok sa computer, nagko-compute. Ngayon, namumula at parang namamaga ang mga mata niya. Nang tumama pa ang nakakasilaw na araw, lalo lang sumakit ang kanyang paningin.Habang tinatakpan ang mata gamit ang kamay, naglakad siya papunta sa kalsada at nag-abang ng taxi. Isang Maybach ang nakapansin sa kanya mula pa lang sa malayo. Nang makita siyang nag-aabang, dahan-dahang lumapit ang sasakyan at huminto sa harapan niya."Sabi ko na nga ba, ako na ang susundo sa’yo. Bakit ka pa magta-taxi?" Binaba ni
Chapter 215PAGKATAPOS umalis sa istasyon ng pulis, hinawakan ni Lolo Herman ang kamay ni Braylee at tiningnan si Camila nang may pagsisisi."Alam ko na ang tungkol kay Maurice. Kasalanan namin ito."Umiling si Camila. "Paano ko naman kayo sisisihin, Lolo? Sino bang mag-aakalang magiging ganun siya kaahas?""Sa madaling salita, kasalanan ito ng pamilya Monterde dahil hindi ka namin naalagaan nang maayos. Halos..." Sandaling natigilan si Lolo Herman bago nagtanong nang maingat, "Nung gabing may nangyari, si Mr. Pimentel ba agad ang tinawagan mo?"Pinisil ni Camila ang kanyang mga daliri at tumingin sa pulang brick wall na nasa harapan nila."Oo."Noon pa man, nakapirma na siya ng divorce agreement. Paano niya nagawang tawagan si Brix? Wala siyang mukha para gawin iyon.Hindi na nagsalita si Lolo Herman, bagkus ay sinabing, "Camila, hindi ko na iniintindi kung ano mang alitan ang meron kayo ni Brix. Pero kung mahalaga pa ako sa’yo bilang lolo mo, tawagan mo ako sa susunod na may problem
Chapter 214HALOS matumba si Lolo Herman matapos siyang itulak ng lalaking reporter. Kung noong kabataan niya, kaya niyang harapin ang sampung tulad nito nang mag-isa, pero matanda na siya ngayon.Agad siyang inalalayan ng matipunong bodyguard, pati si Braylee, saka dinala sila sa gilid."Boss, gusto mo bang ako na ang kumilos?" tanong ng bodyguard.Hinaplos ni Lolo Herman ang kanyang balbas at galit na sumagot, "Oo, sige, palayasin mo ang mga ‘yan!"'Ang lakas ng loob nilang manggulo sa grand-daughter in law ko, wala akong palalampasin!'Pagkarinig nito, hindi na nag-aksaya ng oras ang bodyguard. Lumapit siya ng ilang hakbang, inabot ang kwelyo ng lalaking reporter, at walang kahirap-hirap na binuhat ito."Sino ‘to? Anong ginagawa mo?" Sigaw ng reporter. Pero bago pa niya matapos ang sinasabi, nakaramdam siya ng kirot sa batok. Napalingon siya at nakita ang mabagsik na mukha ng bodyguard.Bigla siyang natigilan at nauutal na sinabi, "A-anong balak mo, AARGH!"Hindi pa siya natatapos
Chapter 213KAKA-SCROLL lang ni Camila sa balitang kumakalat tungkol kay Maurice sa internet nang biglang may dumagsang grupo ng mga reporter sa labas ng kumpanya. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pakiramdam niya ay may nagplano nito laban sa kanya."Paalisin niyo na lang sila. Tawagin ang security," nakakunot-noong utos niya.Nag-aalangan si Yesha. "Ang dami po nila, hindi na namin mapaalis. Nakasara na ang main gate at hindi na makapasok ang ibang empleyado.""Ilan ba sila?""Mga ilang dosena, hindi ko na nabilang."Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Camila. Hinawakan niya ang mouse at malamig na nagsabi, "Si Vice President na lang ang bahala diyan."Ayaw niyang harapin ang mga baliw na reporter na ‘yun.Tumango si Yesha, saka lumabas ng opisina para hanapin si Vice President. Pinilit ni Camila na kalmahin ang sarili at mag-focus sa trabaho, pero hindi pa siya nagtatagal sa ginagawa ay biglang nag-ring ang cellphone niya."Boss, hindi na po namin kaya. Mas mabuti sigurong bu
Chapter 212SA study room sa ikalawang palapag, magkatapat na nakaupo sina Camila at Dale sa isang maliit na mesa.Pumasok si Leny, ang kasambahay, at nagdala ng kape. Kinuha ni Dale ang tasa, pero hindi man lang uminom. Sa halip, mapait siyang ngumiti at nagsalita. "Miss Perez, alam mo bang matagal ko nang walang balita tungkol sa kapatid ko?""Ano namang kinalaman ko diyan?" malamig na sagot ni Camila.Nakita niyang hindi natuwa si Dale, kaya napangiti siya nang bahagya at sinabing, "Hindi ba tumakas papuntang Indonesia ang kapatid mo noon? Baka naglalakbay lang ulit siya sa ibang bansa ngayon.""Hindi. Ako ang nagpadala sa kanya sa Indonesia noon. Pero ngayon, totoong nawala siya.""Ah, ikaw pala ang may gawa niyan. Nagtaka ako kung bakit siya biglang nawala. Matagal ko rin siyang hinanap pero hindi ko siya makita," taas-kilay na sagot ni Camila.May bahid ng pagsisisi sa mukha ni Dale. "Alam kong may atraso siya sa'yo at nasaktan din niya si Braylee."Napabuntong-hininga si Camil
Chapter 211"Ano ang sinabi ni Daddy?" tanong ni Braylee na may pag-uusisa.Kinuha ni Camila ang steak sa harapan niya at isinubo ito sa bibig ni Braylee. "Bata ka pa, huwag kang makialam sa usapan ng matatanda."Nginuya ni Braylee ang karne at tahimik na kinain ito, hindi na nagtanong pa.Kinuha ni Eric ang baso ng alak sa mesa at uminom ng isang lagok. Ang bahagyang mapait at mainit na lasa nito ay parang sumusunog sa dibdib niya.Medyo namutla ang mukha niya. Alam niyang hindi dapat magtanong, pero hindi niya napigilan ang sarili:"Gusto ka niyang bumalik?"Kalmado lang na tumango si Camila. "Parang ganun na nga.""Ano naman ang iniisip mo?""Sa totoo lang... hindi ko alam."Nakita ni Eric ang pag-aalinlangan sa mukha ni Camila, kaya napagdesisyunan niyang tulungan itong magdesisyon. "Hindi mo ba naisip na baka hindi talaga kayo para sa isa't isa?""...Mula nang makilala mo siya, hanggang sa ikasal kayo, hanggang ngayon... ilang araw lang ba ang lumipas na payapa ang buhay mo?"Na
Chapter 210IYONG GABING IYON, may mangilan-ngilang madilim na ulap sa kalangitan, kakaunting bituin, at isang kalahating buwan na nakabitin sa langit, nagbibigay ng kakaibang lamig sa paligid.Alas-dose na ng hatinggabi, oras na para matulog ang karamihan. Sa Serendipity Community, halos wala nang tao, isa o dalawa na lang ang pagala-gala, at ang tanging ilaw na bukas ay mula sa mga poste sa lansangan.VROOOOM! Isang itim na Rolls-Royce ang huminto sa harap ng Building B, at isang matangkad na lalaki ang bumaba mula sa upuan ng driver.Pagpasok niya sa gusali, dumiretso ang elevator mula unang palapag hanggang sa ikawalong palapag.Ding!Bumukas ang pinto ng elevator at lumabas ang lalaki. Tumama sa kanyang mukha ang puting ilaw, binibigyang-diin ang malamig niyang ekspresyon.Lumiko siya sa kanan, inilabas ang susi, at binuksan ang pinto. Agad siyang sinalubong ng maliwanag na ilaw mula sa loob.Sa sala, dalawang bodyguard ang kasalukuyang kumakain ng late-night snack. Nang marinig
Chapter 209SLAAAAP! Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Lolo Herman sa mukha ni Brix. Napatigil ang lahat ng katulong sa paligid, takot na takot sa nakita nila."Pagbalik mo, puro sisi ang inatupag mo! Tinanong mo ba si Camila kung ano talaga ang nangyari? Kung hindi lang ako nasa tabi mo, anong balak mong gawin, ha?""Kung ako ang babae, hindi rin kita gugustuhing makasama!""Pag-isipan mong mabuti ang mga ginawa mo!"Sakto namang dumating ang Butler, kakabangon lang mula sa pahinga. Narinig niya ang sigawan at agad na pumasok sa dining area. Pagkakita sa sitwasyon, nanlaki ang mata niya.Wala nang inisip, lumapit siya para pakalmahin ang matanda."Master, anong nangyayari? Bakit kayo galit na galit? May nagawa bang mali ang young master?"Malamig na huminga si Lolo Herman at tumingin nang masama kay Brix."Kung hindi mo maibabalik si Camila sa akin, kalimutan mong apo kita."Tahimik lang si Brix. Hindi siya sumagot, pero ilang sandali lang ay binitiwan niya ang isang malami