Ito muna for this day. Wish me luck sa midterm exams ko para sa major. Doon nakasalalay mood ko. Hoping makapasa sa computation.
Chapter 197SA ILALIM ng maliwanag na dilaw na ilaw sa kalye, isang grupo ng maliliit na gamu-gamo ang lumilipad sa himpapawid, habang may dalawang gamu-gamo, isang malaki at isang maliit, na nasa lupa na malapit sa dalawang pigura na nasisinagan ng malamlam na liwanag ng ilaw. "Wuwuwu, Daddy... wuwuwu...""S-Si Mommy, mommy... woooo..."Mahigpit na niyakap ni Braylee ang hita ni Brix habang humahagulgol. Nanginginig ang katawan niya sa sobrang iyak, halos hindi na makahinga.Hinaplos ni Brix ang likod niya gamit ang malalaking kamay at mahinahong sinabi, "Huwag kang umiyak, hindi sinasadya ng mommy mo ‘yon.""Uwaaa... uwaaa..."Hindi umepekto ang pag-alo. Bahagyang kumunot ang noo ni Brix habang iniisip kung paano mapapatigil ang pag-iyak ng bata.Katatapos lang niyang makausap si Camila sa cellphone kaya narito sila ngayon, naghihintay kay Camila. Kinuha niya ang panyo mula sa bulsa ng kanyang suit at akmang pupunasan ang luha ni Braylee nang marinig niyang may papalapit na mga ya
Chapter 198 SA Star Building... Kinaumagahan, tamad na bumangon si Charlotte mula sa kama. Kakakain pa lang niya ng kaunti nang biglang tumawag ang kanyang ina.Napasimangot siya at sinagot ang tawag, “Hello, Ma.”"Dinala mo ‘yung anak ng walanghiyang si Camila sa TV?" agad na tanong ng ina niya.“Hmm.”"Humph, mula nang pumasok ka sa industriya, ni hindi mo na ako naalalang dalawin. May nanay ka pa ba sa puso mo?"Naiirita si Charlotte, “Ano na naman ‘yang sinasabi mo? Eh sino pa ba ang nasa isip ko kung hindi ikaw?”“Buti naman kung gano’n. Hindi na ako magsasalita ng kung ano pa. Dahil nagawan mong paraan na mapalabas sa TV si Braylee, siguraduhin mo rin na mailabas ako sa TV para makita ng mga amiga kong tsismosa na hindi ako basta nagyayabang,” utos ng ina niya.Mula nang makalaya si Vivian sa kulungan, unti-unting lumayo sa kanya ang mga dating kaibigan niyang mayayaman. Ang natira na lang ay mga kasing-level niya na wala ring masyadong bilib sa kanya. Lalo na kapag ipinagmama
Chapter 199 DAHIL sa nangyaring iskandalo tungkol sa "inang palengkera ng isa sa child contestant," hindi pumasok si Camila sa kumpanya ngayong araw. Kahit na nakita niyang inayos na ni Brix ang lahat kahapon ng umaga, hindi pa rin siya mapakali.Alam naman niyang hindi basta-basta napipigilan ang ganitong klaseng tsismis. Sa mga nakaraang karanasan niya, grabe rin ang natanggap niyang pang-aalipusta.Takot na takot siyang makabasa ng masasakit na salita kaya nang makita niyang dumadami ang masasamang komento, hindi na siya nag-online. Mas pinili niyang manatili sa bahay, kumain, manood ng pelikula, at magpahinga.Pero hindi niya rin nakayanan ang mag-relax nang buong umaga lang. Nainis siya sa sarili niyang pagiging workaholic, kaya nagbihis siya ng maayos at bumaba.Habang nagdidilig ng mga halaman sa bakuran si Ruby, tinanong siya ni Camila kung umuwi ba si Brix kagabi."Hindi po, Ma'am. Kung miss niyo si Sir, bakit hindi niyo na lang tawagan?" sagot ni Ruby habang huminto sa gina
Chapter 200PAGKATAPOS makipag-usap ni Braylee kay Eric, naalala niyang naiwan si Brix. Lumingon siya, pero wala na ito sa paligid."Asan si Daddy?" Tanaw-tanaw ni Braylee ang paligid.Si Camila na nakita ang lahat, ay hindi na nagulat. Hinila niya si Braylee papunta sa mesa at pinaupo. "Baka may kailangan siyang puntahan. Huwag mo na siyang alalahanin.""Pero hindi niya natikman ang pagkain na ioorder ko para sa kanya," nakasimangot na sabi ni Braylee."Ayos lang ‘yun. Ang yaman-yaman niya na, natikman na niya lahat ng masasarap na pagkain. Huwag mo na siyang intindihin.""Ah, okay po…" Medyo nadismaya si Braylee, pero naalala niya na ang pinaka-importante ay ang makasama at mapasaya si Camila. Kaya tumigil na siya sa pagtawag sa ama at tahimik na naupo para hintayin ang pagkain.Lumapit si Eric at bahagyang ngumiti. "Baka ako ang dahilan kung bakit siya umalis.""Eh ano naman? Anong kinalaman mo doon? Kung gusto niyang umalis, pipigilan ko ba siya?" sabay turo ni Camila sa upuang ma
Chapter 201HINDI ito ang unang beses na sinampal ni Camila si Brix.Tuwing ginagawa niya ito, pakiramdam niya ay parang ginagalit niya ang isang tigre.Nanatili silang dalawa sa parehong posisyon at hindi gumalaw. Hindi mapakali si Camila sa bigat ng presensya ni Brix at hindi makapagsalita. Takot siyang tumingin sa lalaki, natatakot na baka gumanti ito at sampalin siya nang malakas hanggang lumipad ang ulo niya."Natatakot ka ba?" Malamig ang boses ni Brix, parang yelo, dahilan para manginig si Camila."O-Oo… Pasensya na." Marunong siyang dumiskarte. Ang paghingi ng tawad ay wala namang mawawala sa kanya.Gumalaw si Brix, kaya namutla si Camila at agad na pumikit sa takot. Pero sa susunod na segundo, wala siyang naramdamang kakaiba. Nakahinga siya nang maluwag, pakiramdam niya ay gumaan ang buong katawan niya.Pagdilat niya, nakita niyang naglakad si Brix papunta sa kanyang dresser. Hindi na niya pinansin kung bakit interesado ang isang lalaki sa kanyang mga pampaganda at skincare
Chapter 202TANGHALI na at bumabalot ang gintong sikat ng araw sa buong paligid. Ang malakas na huni ng mga ibon sa labas ng bintana ang gumising sa taong nasa kwarto. Dumaing nang mahina si Camila, tinakpan ang ulo gamit ang kamay, at bahagyang kumunot ang noo na parang may nararamdamang kirot. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.Ang sakit ng kanyang buong katawan ay nagpapaalala sa kanya ng nangyari kagabi. Napasinghap siya at agad na lumingon sa bahagi ng kama kung saan natulog si Brix, pero wala nang tao sa kabilang side ng kama. Ang mga lukot na bahagi ng bedsheet ang nagsabi sa kanya na hindi panaginip ang lahat ng nangyari kagabi. Inabot niya ang kumot na may disenyo ng palasyo at hinaplos ito, biglang may naramdaman siyang kakaibang lungkot sa puso niya.Walang ekspresyon sa mukha, ilang segundong natulala si Camila bago siya biglang may naalala. Agad siyang bumangon, pero halos matumba siya nang dumikit ang mga paa niya sa sahig. Nanghina ang buong katawan niy
Chapter 203NANG marinig ni Camila ang tungkol sa acting kasama ang mga magulang at anak, natigilan siya ng dalawang segundo. Nagtaka siya kung bakit hindi man lang sila inabisuhan nang maaga.Paglingon niya sa iba pang mga magulang, kita niyang lahat sila ay nagulat din at ang ilan ay mukhang kinakabahan na."Mga magulang mula sa limang pamilya, mag-usap muna kayo at pumili ng isang representative!" Nakangising sabi ng host habang inaanyayahan silang umakyat sa stage.Naputol ang iniisip ni Camila sa sinabi nito. Palabas na sana siya pero bigla niyang nakita ang isang pigura na nakasuot ng matingkad na berdeng damit na mabilis na sumampa sa stage kasama ang iba pang apat na magulang.Kumunot ang noo ni Camila at ang puwet niyang kakabangon lang sa upuan ay bumalik ulit sa pagkakaupo.Sa stage, limang magulang, babae at lalaki, ang nakahanay. Si Charlotte, suot ang berdeng mahabang dress na may white pearl na sinturon sa baywang ay nakatayo sa gitna. Kitang-kita siya sa karamihan, par
Chapter 204SI CHARLOTTE, na akala niya ay hawak na niya sa leeg ang lahat ay hindi inaasahan na pagkatapos makatanggap ng pahiwatig mula sa deputy director, agad na tinawagan ni Director Lamangan si Camila.Hindi ni Charlotte masisisi si Director Lamangan. Noong una, para matulungan si Charlotte, ibinigay niya rito ang video ni Camila habang nakikipagtalo at binabasag ang trophy sa backstage. Pero hindi niya inakala na malalaman ito ni Brix sa kung anong paraan at binigyan si Director Lamangan ng matinding babala.Dahil doon, hindi na siya naglakas-loob na saksakin si Camila sa likod. Kung gagawin niya iyon, siguradong malalagay siya sa alanganin nang hindi niya namamalayan.Nang dumating ang tawag, nakaupo si Camila sa harap ni Braylee habang hawak ang trophy na pinagtagpi-tagpi gamit ang glue."Ito ang inayos ni Mommy para sa'yo nitong mga nakaraang araw. Gusto mo pa ba, baby?"Tinitigan ni Braylee ang trophy na puno ng lamat pero matikas pa rin ang dating. Niyakap niya si Camila a
Chapter 217PAGKAGISING ni Camila kaninang umaga, napansin niyang mahamog sa labas.Pagdating sa kumpanya sakay ng kotse ni Eric, tulad ng nakasanayan, nagsimula na naman siya sa pagiging isang modelong empleyado.KNOCK KNOCK. "Ako ito, si Yesha, Ma'am Camila.""Tuloy ka."Habang nakatutok si Camila sa dokumentong hawak niya, may biglang dumaan na berdeng anino sa gilid ng kanyang paningin.Nang tumingala siya, nakita niya si Yesha na nakatayo sa harapan niya. Napansin niyang iba ang suot nito ngayon kaya naman kumislap ang mga mata niya.Suot ni Yesha ang isang dark green suit na nagpapatingkad sa kanyang tindig. Ang kulay at istilo nito ay mukhang pormal at disente pero hindi sobrang pasikat. Sa ilalim ng fitted na blazer na may ruffled hem, suot niya ang isang bilog na kwelyong silk shirt na may mapusyaw na puting perlas, na nagdagdag ng banayad na pagiging elegante at mature sa kanya.Halos trenta na si Yesha, at bagay na bagay sa kanya ang ganitong klaseng pormal na pananamit.D
Chapter 216ANG papalubog na araw ay nakabitin sa langit, pinapadalhan ng huling sinag ng liwanag ang lupa. Ang madilaw na kulay nito ay nagbigay ng malabong tanawin sa buong siyudad.Bukas ang pintuan ng kompanya ng mga Perez at isa-isang lumabas ang mga empleyado na nakasuot ng pormal na kasuotan. Habang nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa araw na iyon, nagpaalamanan na rin sila sa isa’t isa. Nasa hulihan si Camila.Nagkaproblema sa isang account kanina, kaya buong hapon siyang nakatutok sa computer, nagko-compute. Ngayon, namumula at parang namamaga ang mga mata niya. Nang tumama pa ang nakakasilaw na araw, lalo lang sumakit ang kanyang paningin.Habang tinatakpan ang mata gamit ang kamay, naglakad siya papunta sa kalsada at nag-abang ng taxi. Isang Maybach ang nakapansin sa kanya mula pa lang sa malayo. Nang makita siyang nag-aabang, dahan-dahang lumapit ang sasakyan at huminto sa harapan niya."Sabi ko na nga ba, ako na ang susundo sa’yo. Bakit ka pa magta-taxi?" Binaba ni
Chapter 215PAGKATAPOS umalis sa istasyon ng pulis, hinawakan ni Lolo Herman ang kamay ni Braylee at tiningnan si Camila nang may pagsisisi."Alam ko na ang tungkol kay Maurice. Kasalanan namin ito."Umiling si Camila. "Paano ko naman kayo sisisihin, Lolo? Sino bang mag-aakalang magiging ganun siya kaahas?""Sa madaling salita, kasalanan ito ng pamilya Monterde dahil hindi ka namin naalagaan nang maayos. Halos..." Sandaling natigilan si Lolo Herman bago nagtanong nang maingat, "Nung gabing may nangyari, si Mr. Pimentel ba agad ang tinawagan mo?"Pinisil ni Camila ang kanyang mga daliri at tumingin sa pulang brick wall na nasa harapan nila."Oo."Noon pa man, nakapirma na siya ng divorce agreement. Paano niya nagawang tawagan si Brix? Wala siyang mukha para gawin iyon.Hindi na nagsalita si Lolo Herman, bagkus ay sinabing, "Camila, hindi ko na iniintindi kung ano mang alitan ang meron kayo ni Brix. Pero kung mahalaga pa ako sa’yo bilang lolo mo, tawagan mo ako sa susunod na may problem
Chapter 214HALOS matumba si Lolo Herman matapos siyang itulak ng lalaking reporter. Kung noong kabataan niya, kaya niyang harapin ang sampung tulad nito nang mag-isa, pero matanda na siya ngayon.Agad siyang inalalayan ng matipunong bodyguard, pati si Braylee, saka dinala sila sa gilid."Boss, gusto mo bang ako na ang kumilos?" tanong ng bodyguard.Hinaplos ni Lolo Herman ang kanyang balbas at galit na sumagot, "Oo, sige, palayasin mo ang mga ‘yan!"'Ang lakas ng loob nilang manggulo sa grand-daughter in law ko, wala akong palalampasin!'Pagkarinig nito, hindi na nag-aksaya ng oras ang bodyguard. Lumapit siya ng ilang hakbang, inabot ang kwelyo ng lalaking reporter, at walang kahirap-hirap na binuhat ito."Sino ‘to? Anong ginagawa mo?" Sigaw ng reporter. Pero bago pa niya matapos ang sinasabi, nakaramdam siya ng kirot sa batok. Napalingon siya at nakita ang mabagsik na mukha ng bodyguard.Bigla siyang natigilan at nauutal na sinabi, "A-anong balak mo, AARGH!"Hindi pa siya natatapos
Chapter 213KAKA-SCROLL lang ni Camila sa balitang kumakalat tungkol kay Maurice sa internet nang biglang may dumagsang grupo ng mga reporter sa labas ng kumpanya. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pakiramdam niya ay may nagplano nito laban sa kanya."Paalisin niyo na lang sila. Tawagin ang security," nakakunot-noong utos niya.Nag-aalangan si Yesha. "Ang dami po nila, hindi na namin mapaalis. Nakasara na ang main gate at hindi na makapasok ang ibang empleyado.""Ilan ba sila?""Mga ilang dosena, hindi ko na nabilang."Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Camila. Hinawakan niya ang mouse at malamig na nagsabi, "Si Vice President na lang ang bahala diyan."Ayaw niyang harapin ang mga baliw na reporter na ‘yun.Tumango si Yesha, saka lumabas ng opisina para hanapin si Vice President. Pinilit ni Camila na kalmahin ang sarili at mag-focus sa trabaho, pero hindi pa siya nagtatagal sa ginagawa ay biglang nag-ring ang cellphone niya."Boss, hindi na po namin kaya. Mas mabuti sigurong bu
Chapter 212SA study room sa ikalawang palapag, magkatapat na nakaupo sina Camila at Dale sa isang maliit na mesa.Pumasok si Leny, ang kasambahay, at nagdala ng kape. Kinuha ni Dale ang tasa, pero hindi man lang uminom. Sa halip, mapait siyang ngumiti at nagsalita. "Miss Perez, alam mo bang matagal ko nang walang balita tungkol sa kapatid ko?""Ano namang kinalaman ko diyan?" malamig na sagot ni Camila.Nakita niyang hindi natuwa si Dale, kaya napangiti siya nang bahagya at sinabing, "Hindi ba tumakas papuntang Indonesia ang kapatid mo noon? Baka naglalakbay lang ulit siya sa ibang bansa ngayon.""Hindi. Ako ang nagpadala sa kanya sa Indonesia noon. Pero ngayon, totoong nawala siya.""Ah, ikaw pala ang may gawa niyan. Nagtaka ako kung bakit siya biglang nawala. Matagal ko rin siyang hinanap pero hindi ko siya makita," taas-kilay na sagot ni Camila.May bahid ng pagsisisi sa mukha ni Dale. "Alam kong may atraso siya sa'yo at nasaktan din niya si Braylee."Napabuntong-hininga si Camil
Chapter 211"Ano ang sinabi ni Daddy?" tanong ni Braylee na may pag-uusisa.Kinuha ni Camila ang steak sa harapan niya at isinubo ito sa bibig ni Braylee. "Bata ka pa, huwag kang makialam sa usapan ng matatanda."Nginuya ni Braylee ang karne at tahimik na kinain ito, hindi na nagtanong pa.Kinuha ni Eric ang baso ng alak sa mesa at uminom ng isang lagok. Ang bahagyang mapait at mainit na lasa nito ay parang sumusunog sa dibdib niya.Medyo namutla ang mukha niya. Alam niyang hindi dapat magtanong, pero hindi niya napigilan ang sarili:"Gusto ka niyang bumalik?"Kalmado lang na tumango si Camila. "Parang ganun na nga.""Ano naman ang iniisip mo?""Sa totoo lang... hindi ko alam."Nakita ni Eric ang pag-aalinlangan sa mukha ni Camila, kaya napagdesisyunan niyang tulungan itong magdesisyon. "Hindi mo ba naisip na baka hindi talaga kayo para sa isa't isa?""...Mula nang makilala mo siya, hanggang sa ikasal kayo, hanggang ngayon... ilang araw lang ba ang lumipas na payapa ang buhay mo?"Na
Chapter 210IYONG GABING IYON, may mangilan-ngilang madilim na ulap sa kalangitan, kakaunting bituin, at isang kalahating buwan na nakabitin sa langit, nagbibigay ng kakaibang lamig sa paligid.Alas-dose na ng hatinggabi, oras na para matulog ang karamihan. Sa Serendipity Community, halos wala nang tao, isa o dalawa na lang ang pagala-gala, at ang tanging ilaw na bukas ay mula sa mga poste sa lansangan.VROOOOM! Isang itim na Rolls-Royce ang huminto sa harap ng Building B, at isang matangkad na lalaki ang bumaba mula sa upuan ng driver.Pagpasok niya sa gusali, dumiretso ang elevator mula unang palapag hanggang sa ikawalong palapag.Ding!Bumukas ang pinto ng elevator at lumabas ang lalaki. Tumama sa kanyang mukha ang puting ilaw, binibigyang-diin ang malamig niyang ekspresyon.Lumiko siya sa kanan, inilabas ang susi, at binuksan ang pinto. Agad siyang sinalubong ng maliwanag na ilaw mula sa loob.Sa sala, dalawang bodyguard ang kasalukuyang kumakain ng late-night snack. Nang marinig
Chapter 209SLAAAAP! Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Lolo Herman sa mukha ni Brix. Napatigil ang lahat ng katulong sa paligid, takot na takot sa nakita nila."Pagbalik mo, puro sisi ang inatupag mo! Tinanong mo ba si Camila kung ano talaga ang nangyari? Kung hindi lang ako nasa tabi mo, anong balak mong gawin, ha?""Kung ako ang babae, hindi rin kita gugustuhing makasama!""Pag-isipan mong mabuti ang mga ginawa mo!"Sakto namang dumating ang Butler, kakabangon lang mula sa pahinga. Narinig niya ang sigawan at agad na pumasok sa dining area. Pagkakita sa sitwasyon, nanlaki ang mata niya.Wala nang inisip, lumapit siya para pakalmahin ang matanda."Master, anong nangyayari? Bakit kayo galit na galit? May nagawa bang mali ang young master?"Malamig na huminga si Lolo Herman at tumingin nang masama kay Brix."Kung hindi mo maibabalik si Camila sa akin, kalimutan mong apo kita."Tahimik lang si Brix. Hindi siya sumagot, pero ilang sandali lang ay binitiwan niya ang isang malami