Mabilis akong tumakbo patungo sa loob ng aking kwarto. Ni-lock ko ang pintuan bago kumuha ng malaking bag para mag-impake ng mga gamit.
"Buksan mo 'to, Francine!" sigaw ni Tatay. Lasing na naman siya. Marahas niyang kinakatok ang pintuan ng aking kwarto. Nanginginig ako sa sobrang takot. "Sisirain ko itong pinto kung hindi mo ito bubuksan!" pagbabanta niya. Hindi ko pa rin ito binuksan.Ipinagpatuloy ko ang pag-iimpake ng aking mga gamit. Buo na ang desisyon ko na lisanin ang lugar na 'to. Wala akong mararating sa buhay kung mananatili ako rito. Ito ang gusto ni Nanay, ang umalis sa puder ni Tatay."Alfredo maawa ka naman sa anak mo! Tigilan mo na ang paghihingi ng pera dahil nag-iipon siya para sa pagkokolehiyo!" sigaw ni Nanay kahit paos ang kaniyang boses.Ako ang naging breadwinner ng aming pamilya. Nagtatrabaho ako sa tailoring shop ni Aling Maria simula lunes hanggang biyernes malapit sa amin. High School lang ang natapos ko dahil wala kaming perang pambayad kapag nagkokolehiyo ako. Walang trabaho si Tatay simula noong maaksidente siya limang taon na ang nakalipas habang si Nanay naman ay sumasama sa kaniyang kaibigan sa pangangalakal. Iniipon ko ang aking nakukuhang sahod sa pagtatahi dahil nagbabalak akong bumalik sa pag-aaral."Umalis ka nga riyan, Belinda! Hindi siya pwedeng magkolehiyo!" Matigas na sigaw ni Tatay kay Nanay. "Isang libo lang naman ang kailangan ko pang-pusta sa manok ni Pareng Lando!"Palaging ganito ang eksena sa bahay. Umuuwing lasing si Tatay at humihingi ng pera sa akin. Ayaw na ayaw niyang bumalik ako sa pag-aaral dahil dagdag gastos lang daw ito."Mas uunahin mo pa ang manok ng kumpare mo kesa sa kapakanan ng anak mo?!" sigaw ni Nanay.Isang malakas na sampal ang narinig ko sa labas ng aking kwarto. Para akong sasabog sa galit dahil sa ginawa ni Tatay. Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa aking harapan sina Nanay at Tatay. Hinihila ni Nanay pababa si Tatay."Masunurin ka talagang bata," nakangising wika ni Tatay at naglahad ng kamay sa akin. "Nasaan na ang perang tinatago mo?" tanong niya at marahas na hinawakan ang aking palapulsohan."Francine..." tawag ni Nanay sa akin. Tinignan ko siya. Namamaga ang kaniyang mga mata at may sugat sa labi. Namumula ang kaniyang pisngi dahil sa sampal ni Tatay."Pagdadamutan mo na naman ba ako, Francine?!" Sigaw ni Tatay at marahas na binitawan ang aking palapulsohan.Pumasok siya sa loob at pumunta sa aking cabinet. Lumingon siya sa aking kama at nakita ang dalawang bag. Nasilayan ko ang malademonyong ngiti sa mukha ni Tatay. Binuksan niya ang dalawang bag at hinanap ang aking pitaka at alkansiya. Nakita niya ang aking alkansiya at galit na itinapon sa aming harapan ni Nanay ng mapagtanto niyang wala itong laman."Nasaan na ang pera mo, Francine?! Bakit wala ng laman 'yan!" Sigaw niya't itinuro ang nabasag na alkansiya sa sahig ng aking kwarto.Nanginginig ako sa sobrang takot. Ayokong pagdamutan si Tatay pero sumusobra na siya. Pag-iinom at pagsusugal ang palagi niyang inaatupag."Tay, wala na po akong pera." Mahinahon kong sagot sa kaniya. Pinipigilan ko ang aking sarili na pagtaasan ng boses si Tatay. Kahit ganito pa siya kasama, Tatay ko pa rin siya."Kakasweldo mo lang kina Aling Maria tapos wala ka ng pera? Nagsisimula ka na bang magwaldas ng pera?!"Nakakabingi ang bawat sigaw ni Tatay. Pinagtitinginan at pinagchichismisan na naman kami ng aming mga kapitbahay. Halos araw-araw ganito ang eksena namin sa bahay. May kapatid ako pero wala silang pakialam kung ano ang mga ginagawa ni Tatay.Huminga ako ng malalim at niyakap si Nanay. Umiiyak si Nanay habang niyayakap niya ako pabalik. Kumalas ako sa pagyakap kay Nanay ng may marinig akong nabasag sa aking likuran. Paglingon ko ay nakita ko ang aking larawan sa sahig. Ito ang nag-iisang larawan ko noong nasa anim na taong gulang pa lamang ako."Wala ka talagang silbi! Ang mabuti pa ay lumayas ka sa pamamahay ko! Simula noong dumating ka sa buhay namin ay naging magulo ang buhay ko dahil sayo!" Sigaw ni Tatay at kinuha ang ibang mababasag na gamit sa aking kwarto at itinapon ito."Tama na Alfredo! Pinagtitinginan na tayo ng mga kapitbahay natin!" sigaw ni Nanay at pilit na inaagaw ang sirang TV na hawak ni Tatay."Ipagtatanggol mo na naman ba ang mo anak Belinda?! Dapat ay matagal na siyang lumayas sa pamamahay ko dahil dagdag gastos lang siya rito!"Lumingon si Nanay sa akin. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat. Hindi ko rin inaakalang maririnig ko ito mismo sa bibig ni Tatay. Buong buhay ko ay sinusunod ko lahat ng mga utos ni Tatay kahit na labag ito sa aking loob."Francine, kunin mo ang mga gamit mo at umalis ka na rito. Magpakalayu-layo ka na," mahinahon ngunit para akong sinasaksak sa sinabi ni Nanay. Ayokong umalis ng hindi siya kasama. Mahal na mahal ko si Nanay. Siya lang ang nakakaintindi sa akin. Ang iba kong mga kapatid ay wala rin silang pakialam sa akin."Nay, sumama ka na lang po sa akin." Pagmamakaawa ko."Alam mong may mga kapatid ka pa na hindi ko pwedeng iwan, Chin. Ayokong iwan sila. Umalis ka na. Pagod na akong makitang sinasaktan ka ng Tatay mo sa tuwing nalalasing siya."Sa tuwing nalalasing si Tatay ay palagi niya akong pinagbubuhatan ng kamay lalo na't hindi ko siya mabibigyan ng pera kapag humihingi siya. Nasanay ako sa ganitong sitwasyon."Pabayaan mo siya Belinda! Malaki na siya at nasa tamang edad. Para mabawasan na rin ang palamunin sa bahay ko!" Matigas na sigaw ni Tatay bago itinapon ang sirang TV sa harap ko. "Kapag lumayas ka sa pamamahay ko siguradohin mong 'wag ka ng magpapakita sa akin dahil kung hindi ay malilintikan ka talaga sa akin!" sigaw niya bago lumabas ng aking kwarto.Naglakad ako patungo kay Nanay. Umiiyak siya habang pinupulot ang mga nababasag na gamit. Pinunasan ko ang kaniyang mga luha."Nay, tahan na po. Sumama ka na lang po sa akin. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kang na sasaktan din ni Tatay." Niyakap ko si Nanay habang pinapatahan siya. Mas lalong humagulhol si Nanay. Kumalas siya sa pagyakap sa akin."Francine, sana mapatawad mo ako." Tumingin ako kay Nanay. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Pinulot niya ang larawan ko noong ako ay bata pa lamang. Pinunasan ni Nanay ang mga luha sa aking mata. "Umalis ka na," mahinahon niyang sabi sa akin."Nay...""Kailangan mo ng umalis baka bumalik pa ang tatay mo," wika ni Nanay bago tumayo. Inilagay niya sa aking bag ang litrato.Isang mapait na ngiti ang ibinigay sa akin ni Nanay. Inayos niya ang aking mga gamit. Isang mainit na yakap ang ibinigay ni Nanay sa akin bago ako tuloyang umalis ng bahay."Ate Audrey, aalis na ako. Huwag niyo po bigyan ng problema si Nanay dito," pagpapaalam ko ng makita ko siyang naglalaro ng braha sa kanto kasama ang kaniyang mga kaibigan."Ikaw lang naman ang problema sa bahay. Mabuti naman at naisipan mong umalis para wala ng problema!" Sigaw niya at nagsindi ng sigarilyo. "Umalis ka na nga para hindi ako malalasin dito!" pagtataboy niya sa akin at itinuon ang sarili sa paglalaro ng braha.Sumakay ako ng tricycle patungong terminal. Hindi ko alam kung saan ako patungo dahil ang nasa isip ko ay ang makalayo sa lugar na 'to. Wala rin akong alam kung saan nakatira ang ibang kamag-anak ni Nanay. Para akong binagsakan ng langit at lupa sa problema ko ngayon. Napakahirap mamuhay mag-isa lalo na't nasanay ako na palaging nandiyan si Nanay.Sumakay ako ng bus patungong Davao City dala-dala ang perang naipon ko sa pagtatahi. Medyo madilim na ang paligid. Kumakalam na rin ang aking tiyan. Hindi pa ako kumain ng tanghalian."Pwede po bang magtanong kung anong oras na po ngayon, Ma'am?" tanong ko sa babaeng katabi ko sa bus. Nasa mid-40s na siya. Tinignan niya ako at ngumiti."Mag-aalas singko na ng hapon hija," sagot niya at umayos siya sa pagkaupo. "Saan ka pala pupunta at anong nangyari sa mukha mo?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.Hinawakan ko ang pasa sa aking mukha. Pinipigilan ko ang aking sarili na umiyak muli. Ginagat ko ang aking pang-ibabang labi."Hindi ko po alam kung saan ako patungo ngayon. Gusto ko pong lumayo sa pamilya ko." Sagot ko."Ako nga pala si Aling Tesa. Naglayas ka ba sa inyo? Hindi magandang gawain ang paglalayas hija. Ano ba ang nangyari at lumayas ka?" Bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Nakikita ko si Nanay sa kaniya."Ako po si Francine. Mahabang istorya po kung ikukwento ko sa inyo ngayon. Makikipagsapalaran po muna ako sa Davao at makaipon ng pera para sa pag-aaral ko." Ngumiti ako at umayos na rin sa pagkakaupo dahil umaandar na ang bus. Kumakalam na ang aking tiyan. Pumikit ako hanggang sa nakatulog.Nagising ako dahil sa boses ni Aling Tesa. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at tumingin sa paligid."Francine, nasa Davao na tayo." Inayos ko ang aking sarili at nagmadaling kumuha ng pera sa aking pitaka para magbayad ng pamasahe sa konduktor ng bus. Lumingon ako sa paligid at nakita sa labas ng bus ang konduktor. Umiinom ito ng malamig na tubig. "Binayaran na kita kanina. Hindi na kita ginising dahil mukhang pagod ka." Napatingin ako kay Aling Tesa. Pababa siya ng bus bitbit ang kaniyang maleta."Ito po ang bayad ko Aling Tesa. Dapat po ginising niyo nalang ako kanina. Pasensiya na po talaga," sabi ko at inabot ang pera sa kaniya ngunit hindi niya ito tinanggap."Wala 'yon, hija. Itago mo na lang 'yan para may magamit ka. Gusto mo bang sumama sa akin? Baka pwede kitang ipasok kung saan ako nagtatrabaho." Sabi ni Aling Tesa at nagpatuloy sa paglalakad."Nakakahiya naman po. Kayo na po ang nagbayad ng pamasahe ko sa bus at ngayon tutulongan niyo rin po akong makapasok sa trabaho," wika ko at sumunod sa kaniya."Huwag mo ng isipin 'yan, hija. Gabi na rin at kailangan mo ng matutuloyan. Sumabay ka na lang sa akin." Ngumiti siya sa akin. Hindi na ako nag-aksaya ng oras para piliting sumama kay Aling Tesa. Tama siya, gabi na at wala akong matutuloyan. Hindi ko rin kabisado ang lugar na 'to.Namangha ako sa naglalakihang gusaling nakikita ko sa paligid. Hindi pa rin ako makapaniwala. Maraming tao ang nagkalat sa paligid at masayang kumukuha ng mga litrato sa kanilang mga cellphone. Napangiti ako at bigla kong naisip si Nanay.Pumara siya ng jeep. Sumunod ako sa kaniya. Siya na rin ang nagbayad ng aming pamasahe sa jeep. Hiyang-hiya na ako sa kaniya. Ayokong maging pabigat sa taong ngayon ko lang nakita at nakilala. Bumaba kami at pumara na naman siya ng isang tricycle."Aling Tesa kayo pala. Mukhang may bago kayong ipapasok ngayon," nakangiting wika ng driver at bago pinaandar ang makina ng tricycle."Ah, oo. Wala rin kasi siyang mapapasukang trabaho. Paniguradong magugustohan siya ng aking amo lalo na't maganda at maputi ang isang 'to." Wika ni Aling Tesa.Nakaramdam ako ng takot at kaba sa aking narinig. Mahigpit kong hinawakan ang aking mga gamit. Papasok kami sa isang mataong lugar. Hindi ko alam kung nasaan kami. Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso ng bumaba kami sa isang bar. Tumingin ako sa paligid at binasa ang pangalan ng bar."Meteor Bar." Tumingin ako kay Aling Tesa. Tinutulongan siya ng driver sa pagbaba ng kaniyang maleta. "Bakit po nasa bar tayo Aling Tesa?" tanong ko at tumingin siya sa akin."Dito tayo magtatrabaho, Francine. Ipapasok kita rito." Sagot niya na siyang ikinagulat ko. Bakas sa aking mukha ang pagkagulat. Hinawakan niya ang aking kamay at hinila papasok sa loob ng isang puntuan na may nakalagay na 'Staff Only'.Mas lalo akong nakaramdam ng takot at kaba pagpasok namin sa loob. May nakita akong mga babae na tanging panty at bra lang ang suot. Abala sila sa paglalagay ng make up sa kanilang mga sarili. May baklang lumabas sa isang room at nakipag-beso kay Aling Tesa."Can't believe na may bago ka na namang ipapasok dito!" Masayang sabi ng bakla habang pinagmasdan ang aking kabuohan, mula ulo hanggang paa. "Mukhang malaking pera ang makukuha natin sa isang 'to.""Ikaw na ang bahala sa kaniya. Titignan ko muna ang ibang alaga natin." Wika ni Aling Tesa bago pumasok sa isang room kung saan may nagbibihis na ibang mga babae. Hinaplos ng bakla ang aking pwet. Mabilis kong kinuha ang kaniyang kamay doon."Napaka-fresh naman ng bagong alaga ko," nakangiting sabi niya. "Milyon-milyong pera siguro ang makukuha ko sa 'yo."Kinaladkad niya ako papasok sa dressing room habang pilit na inaalis ang kaniyang kamay sa aking palapulsohan. May tatlong lalaking umalalay sa kaniya kaya mas lalong hindi ako nakagalaw.Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Nagsisisi ako kung bakit pa ako sumama kay Aling Tesa. Wala akong ideya na sa ganitong trabaho pala niya ako ipapasok."Madali lang naman ang trabaho rito, hija. Huwag mo subokang kumalas dahil wala ka rin naman magagawa. Isang kimbot mo lang magkakapera kana." Sabi ng bakla. "Kate pakiayusan mo ang bago kong alaga. Dapat maganda iyong tipong makakahakot siya ng isang milyon ngayong gabi!" Utos niya sa isang babae na may mahabang hita, nakalugay ang kaniyang kulot na buhok, maputi, at makinis.Mabilis na kumuha si Kate ng mga gamit bago pumunta sa akin. Lumabas ang bakla kasama ang dalawang lalaki. Umiinit ang gilid ng aking mata. Gusto ko na naman umiyak."What's your name girl?" Matigas na ingles ni Kate sa akin. "Hey, come on. Huwag ka ng umiyak na parang bata. Masasanay ka rin sa ganitong buhay," wika niya at binigyan niya ako ng isang kulay pula na lingerie. "Suotin mo 'to. Pagkatapos mong suotin ay aayosan kita."Hindi ko ito pinansin. Niyakap ko ang aking dalawang tuhod at nagsisimulang umiyak. Kailanman ay hindi ko naisip na pumasok sa ganitong trabaho."Fuck. Don't be a crying baby!" sigaw niya at marahas na hinablot ang aking damit."Ayokong suotin 'yan!" sigaw ko sa kaniya. "Hindi ako papasok sa ganitong trabaho!" Kinuha ko ang aking mga gamit at nagsimulang maglakad palabas ng dressing room ngunit mabilis niyang hinila niya ang aking buhok."At sinong may sabi sa iyo na makakaalis ka rito?! Ang dami mong arte! Magbihis ka na kung ayaw mong tawagin ko pa si Madame at siya ang magbibihis sa'yo!""Ayoko nga sabi! Hindi ganitong trabaho ang ipinunta ko rito!" singhal ko habang pilit na inaalis ang kaniyang kamay sa aking buhok. "Bitawan mo sabi ako!""Madame!" sigaw niya. Napatingin ako sa papasok na bakla kanina. Ito pala ang tinatawag nilang Madame. Galit itong tumingin sa akin. "Nag-iinarte ang isang 'to. Hindi niya susuotin ang lingerie na ibinigay ko!" sumbong ni Kate sa kaniya."Ano ba ang pinuputok ng butchi mo at bakit hindi ka nakikinig kay Kate? Magbihis ka na dahil maraming naghihintay na guest sa labas!"May lumapit na dalawang babae sa amin. Nakasuot sila ng itim na lingerie at naka-mask pa ito. Hinawakan nila ang magkabila kong kamay at mga hita habang pilit akong hinuhubaran ni Kate. Tanging iyak lang ang nagawa ko pagkatapos nila akong bihisan. Nawalan ako ng lakas para lumaban dahil sa lakas ng pagkahawak nila sa akin."Ganito rin ang nangyari sa akin noong ipinasok ako ni Aling Tesa. Inalok niya rin ako ng trabaho at hindi ko alam na ganitong trabaho pala ang mapapasokan ko," wika ni Kate habang pinupunasan ang luha ko. "Alam kong mahirap gawin ang bagay na 'to ngunit wala akong nagawa. Sumunod ako hanggang sa nasanay ang aking katawan sa ganitong trabaho. Maging isang p****k o bayarang babae. Hindi ko rin magawang tumakas dahil hahanapin nila ako kahit saan. Minsan nagbabasakali na lang akong may bumili sa akin ng makaalis na ako rito."Walang lumalabas na kahit ano sa aking bibig. Nagulat ako sa mga sinasabi ni Kate. Hindi ako makapaniwala. Kailanman ay hindi ko naisip na pumasok sa ganitong trabaho. Ang maging p****k o bayarang babae para maibigay ang mga pangangailangan ng lalaki.Pagkatapos akong ayusan ay binigyan ako ni Kate ng maskara. Pinakain muna kami ng hapunan bago ipinalabas ng dressing room. Tamang-tama at para akong nahihilo sa sobrang gutom na kanina ko pa nararamdaman. Nakapulang lingerie ako na halos kita ang aking kaluluwa. Nakasuot ng itim na boots na may mataas na takong. Hindi ako makapaglakad ng maayos dahil hindi ako sanay sa ganitong kasuotan. Nakasuot kami lahat ng maskara kaya hindi ko makita ang mga mukha ng aking mga kasama. Ngumingiti sila sa tuwing may tumitinging lalaki at humahawak sa mga kanilang hita.Sumunod kami kay Madame patungo sa isang malapad na sofa kung saan may nag-iinumang mga lalaki. Tumayo kami sa kanilang harapan habang tinitignan ang aming kabuohan."Good evening, gentlemen. Ito ang mga bago kong alaga. You are free to choose kung sino ang kukunin niyo ngayong gabi." Nanginginig ako sa sobrang takot ng marinig ko si Madame.Isa-isa kong tinignan ang mga lalaking masayang nag-iinuman. Yumuko ako at pinunasan ang mga luhang gusto na naman lumabas."I'll buy her. Drop the price." Rinig kong sabi ng lalaki. Nanatili pa rin akong nakayuko at kinakabahan. Sirang-sira na ang aking kinabukasan."Ang bilis mo naman makapili Mr. Smith. Ngunit hindi ko ibinibenta ang aking mga alaga. Alam mo 'yan." Wika ni Madame. Tumingin ako kay Mr. Smith. Nakatingin din siya sa akin. Mas lalong lumakas ang tibok ng aking puso. Gusto kong tumakbo pero alam kong wala akong matatakbuhan."I want to buy this lady. I'll double the price. What do you think?" Nakataas ang kilay ni Mr. Smith habang kinakausap niya si Madame. Pinasadahan niya ako ng tingin at ngumiti ito."Are you serious, Liam?" Hindi makapaniwalang tanong ng kaniyang kasama bago uminom ng alak."I'm serious." Sagot niya at may kinuha sa kaniyang bulsa. May isinulat siya rito bago ibinigay kay Madame. "Enough na ba ang two million?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mr. Smith. Mabilis itong kinuha ni Madame at isinilid sa kaniyang bag."Take her home and enjoy!" Iyon lang ang tanging sinabi ni Madame. Tumayo si Mr. Smith at lumapit sa akin. Nagsisimula na namang kumabog ang aking puso sa pinaghalong takot at kaba."I bought you so let's go home, honey." Bulong niya na nagpatindig sa aking balahibo. Dahan-dahan niyang hinawakan ang aking baywang.Naglakad kami palabas ng bar at may nakita akong nakaparadang itim na sasakyan. May lumapit sa aming lalaki at may ibinigay na susi. Pinagbuksan niya ako ng pintuan pero hindi ako pumasok."Hey, get in." Umiling ako. Kumunot ang kaniyang makapal na kilay at tumingin sa akin. "Papasok ka ba o hindi? Binili na kita kaya sa akin ka na." Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kaniya."Pwede bang kunin ko muna ang aking mga gamit sa loob?" tanong ko habang niyayakap ang aking sarili. Naisip ko ang sinabi ni Kate kanina. Pagkakataon ko na itong tumakas dahil may bumili sa akin. Kailangan ko munang kunin ang aking mga gamit bago ako sasama sa kaniya."I can buy you clothes," wika niya."No. Kailangan ko ang mga gamit ko." Pagamamatigas ko. Lumapit siya sakin at hinubad ang kaniyang suot na itim na jacket."Cover yourself. You're too hot para makita ng iba. Ako na ang kukuha ng mga gamit mo. Just stay inside my car." Bulong niya sa akin. Mabilis kong isinuot ang kaniyang jacket at pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan.Hindi na ako muling nagsalita. Niyakap ko ang aking sarili at tinanaw siya papasok ng bar. Makalipas ang ilang minuto ay palabas na siya ng bar bitbit ang aking mga gamit. Pinasok niya sa loob ang aking mga gamit habang nakabusangot ang mukha."I'll take you home. You can check your things pagdating natin sa bahay." Malambing na wika niya bago pinaandar ang makina ng sasakyan. Hindi ako umimik dahil abala ako sa kaiisip kung paano ko siya matatakasan. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha. Matangos ang kaniyang ilong, makinis ang mukha, mataas ang pilik-mata, hugis puso ang labi. Napakaperpekto ng kaniyang mukha. He must be a hero or a beast.Pumasok kami sa isang village. Binuksan niya ang bintana ng kaniyang sasakyan. Kinausap muna siya ng guard bago niya isinirado ang bintaha. Binuksan ng guard ang kulay itim na gate. Pumasok kami at pinark niya ang kaniyang sasakyan sa garahe. Tumingin siya sa akin. Hindi pa rin ako mapakali at makapaniwala na nakaalis na kami sa bar. Ang bago ko namang iisipin ngayon ay kung paano ako makakatakas sa kaniya. Hindi pwedeng manatili ako sa puder niya at hayaan siyang gawin ang gusto niya. "We're here. Take off your mask." Sabi niya at bumaba na ng sasakyan. Tinanggal ko ang setbelt at lumabas sa kaniyang sasakyan. "Follow me," utos niya ngunit hindi ako sumunod sa kaniya. Huminto siya sa paglalakad at tumingin sa akin. "Hey, come on. Huwag kang pa hard to get." Iritadong wika niya sa akin. Huminga ako ng malalim bago umupo para tanggalin ang suot kong boots. Hindi ako makakalakad ng maayos ng dahil dito. Hindi ako makakatakbo ng mabilis kapag suot ko ito. Ayokong matali ang buhay ko sa
Dahan-dahan akong nagmulat ng mata ng maramdaman kong may yumakap sa akin. Kumunot ang aking noo ng mapagtantong si Mr. Smith ang nakayakap sa akin. I bit my lower lip. Gumalaw ako at dahan-dahang bumangon. Inayos ko ang aking sarili at naglakad patungo sa aking dalawang bag. Pagkakaon ko na 'tong tumakas. Baka ibalik niya ako sa bar dahil ayaw niya sa mga babaeng walang karanasan. Napalunok ako ng maalala ko na naman ang nangyari kagabi. Bumibilis na naman ang pintig ng aking puso. Isa-isa kong binuhat ang bag at naglakad palabas ng kaniyang kwarto. I looked at him sleeping peacefully. Hindi ko alam kung anong oras na siya pumasok sa kaniyang kwarto. Pagod na pagod ako kaya hindi ko man lang namalayan ang pagtabi niya sa akin. Lumabas ako sa kaniyang kwarto. May nakita akong mga katulong na abala sa paglilinis ng bahay. Nakangiti silang lahat sa akin. "Good morning, Ma'am!" Sabay-sabay silang bumati sa akin. Tumango ako at ngumiti sa kanila. Bakas sa kanilang mga mukha ang pagtata
Hinayaan ko si Manang Elsa na mag-ayos sa mga pinamiling gamit namin sa mall kanina dahil 'yon ang inutos ni Liam sa kaniya. Umupo ako sa mesa at sinimulang basahin ang mga dokumento sa loob ng brown envelope. Engr. Scoth Liam Smith. A licensed engineer who was born on the 24th day of December in Los Angeles City. The eldest son of Blythe and William Smith. He graduated with flying colors at Hardvard University. After a year when he got his licensed as a registered engineer he took a business course dahil siya ang magma-manage ng kanilang kompanya. Marami silang kompanya sa iba't-ibang bansa. Paano niya kaya nama-manage ang lahat ng 'to? Bakit hindi niya ipinagpatuloy ang pagiging engineer at mas inuna ang pagma-manage ng kanilang kompanya? Hindi ko mapigilang maging curious sa buhay niya lalo na ang pagiging registered engineer. Madami siyang awards na natanggap noong nag-aaral pa siya. He must be an achiever. Napangiti ako ng maalala ang panahon noong nag-aaral pa ako. Competitive
Bumaba kami sa isang salon. Malapit lang'to sa bahay ni Liam dahil mabilis lang din kaming dumating. May mga staffs na bumati sa amin pagpasok namin sa loob ng salon. May lumapit na bakla sa amin. Nakasuot siya ng itim na dress. Fit na fit ito sa kaniyang katawan. Mahaba ang buhok at may makapal na make up sa mukha. Pinasadahan ko ng tingin ang loob ng salon. The ambiance is so relaxing. Pink ang theme ng salon at minimalistic. Malinis at mabango ang loob. Hindi katulad ng kadalasang nakikita ko na makalat ang loob ng salon. "You're so early Mr. Smith!" Sabi ng bakla at nakipagbeso kay Liam. Ang lagkit ng tingin ng mga staffs sa akin. Agad kong tinakpan ang pasa sa aking mukha. Muntik ko ng makalimutan ito. Medyo naghilom na rin ang pasa ko dahil sa gamot na ibinigay ni Dra. Bello sa akin kahapon. "This is Francine." Liam introduced me. "My girlfriend." He added. Ipinulupot niya ang kaniyang kamay sa aking baywang. "Honey, this is Renz. He's the owner of this salon." Naglahad ng k
The lunch went well. Naunang umuwi ang pamilyang Coper dahil hindi maayos ang pakiramdam ni Celine. I am sad dahil hindi ko alam kung kailan ko siya muling makikita o magkikita pa ba kami. Francine nababading ka na dahil kay Celine! Sa bahay ni Liam uuwi ang kaniyang pamilya kaya sabay-sabay kaming lumabas ng restaurant. Sumakay ako sa sasakyan ni Liam at sumakay naman sa puting SUV ang pamilya niya. "Ang ganda ni Celine." Sabi ko pagkatapos kong isuot ang seat belt. "She's an ideal girl." I added. Successful ang career niya. She has a successful business, too. She's intelligent, gorgeous, rich, educated, and an entrepreneur. Wala akong ibang masabi sa kaniya. "Stop talking about her. I'm not interested." He said coldly. Tinignan ko siya. Seryoso ang mukha niya. Galit pa rin ba siya dahil pinakain ko siya ng spaghetti? Parang bata naman ang isang 'to. "Ligawan mo kaya si Celine. Total after 1 week matatapos na ang contract na 'to. We'll break up and will be back from being stranger
Nanatili ang lola ni Liam sa kwarto ng ilang minuto. Hinayaan ko rin siyang pagmasdan at kausapin si Liam kahit tulog ito. Masyadong malamig ang aircon ng kwarto. Nilalamig ako kaya naisipan kong kumuha ng dalawang mug at dalawang kape sa cabinet para magtimpla ng kape. Lumapit ako sa lola ni Liam at ibinigay ang isang baso na may lamang kape. Mabilis niya itong tinanggap. Umupo ako sa swivel chair habang humihigop ng mainit na kape. "Stop calling me Ma'am, hija. It would be my pleasure if you will call me Grandma." She said bago humigop ng kape. "You're good in making a coffee." She commented while smiling. Nagulat ako sa sinabi niya. Ang awkward naman kong grandma ang itatawag ko sa kaniya baka isipin ni Liam na feeling close ako. "Thank you, Ma'am." I responded. Sabay kaming napalingon ng may kumatok sa pintuan. Bumukas ito at pumasok ang mommy ni Liam. Nakapagbihis na siya ng pambahay na damit. "Have you seen Liam?" She asked me while looking around. Nag-aalala ang mukha niy
Napahawak ako sa kamay ni Liam bago kami pumasok sa loob ng meeting room. Napalingon siya sa akin. "Are you okay?" He asked me while holding my hand. Tumango ako bilang pagsagot. Pagpasok namin sa loob ay agad nagsitayuan ang mga taong naroon bilang paggalang kay Liam. Nakita ko rin ang nakangiting lola ni Liam. Tumingin ako sa direksiyon ng mommy ni Liam. Nakatingin din siya sa amin ngunit hindi ito nakangiti kagaya ni Grandma. Umupo kaming lahat at binitawan ko rin ang kamay ni Liam. Nakakahiya dahil nasa meeting room kami kasama ang mga board of directors and investors at magkahawak kaming dalawa. Baka isipin nila na desperada akong angkinin at solohin si Liam kaya hindi ko mabitawan ang kamay niya. May nakita akong mga staffs ng na abala sa paghahanda ng presentation. Tumayo si Anton at kinuha ang mga dokumentong nakalagay sa ibabaw ng mesa. Binigyan niya isa-isa ang mga investors ng kopya nito. Nagulat ako ng binigyan niya rin ako. Tinignan ko si Liam, nakabusangot ang kaniyan
Hindi rin nagtagal ay naisipan nina Grandma at Andrew ang umuwi dahil kailangan pa nilang magpahinga. Naiwan kaming dalawa ni Liam sa kaniyang opisina dahil may tinatapos pa siyang pirmahan na mga dokumento. He's absent for 3 days kaya tambak ang mga dokumentong kailangan niyang basahin at pirmahan. Nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin at agad naman umiiwas kapag tumitingin ako sa kaniya. It's quarter to seven o'clock, hindi pa rin siya tapos sa mga pinipirmahang dokumento. Inaantok na rin ako dahil sa sobrang lamig at tahimik ng kaniyang opisina. Umuwi na rin ang mga empleyado kaninang 5pm. Kanina pa ako gustong umuwi. I'm bored and tired sitting inside his office. Ngunit hindi ko magawang umuwi dahil wala akong dalang pera at hindi ko rin alam ang daan patungo sa bahay niya. "Are you hungry?" Liam suddenly asked me. Kasulukuyan akong nag-aaral kung papaano gamitin ang phone na ibinigay niya. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Abala pa rin siya sa pagbabasa at pagpipirma ng mga dok
Siguradong-sigurado na ako kay Liam, kahit na mabilis ang lahat, alam kong sigurado na ako sa kaniya. Pero hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na ikakasal na kami. Marami kaming pinagdaanan pero heto kami ngayon, nanatiling matatag ang pagmamahalan namin sa isa't isa. Binili niya lang ako ng dalawang milyon pero ang kapalit no'n ay panghambuhay ko siyang makakasamang bumuo ng pamilya. Nabuntis niya ako na wala sa plano, pero alam kong ginawa namin iyon na mahal ang isa't isa at alam ko ang kaakibat na responsibilidad sa likod ng lahat. Pero ganoon nga siguro, we make the most out of the things given to us. Iniwan ko siya, tumayo ako sa sarili kong mga paa, at nakilala ang tunay kong pamilya. Hindi naging madali ang lahat para sa amin. Naging magulo ang buhay namin at marami akong nalaman tungkol sa mga nakaraan ng aming mga pamilya. Ngayong araw ay papakasalan ko na ang lalaking mahal ko. Hindi nagbabago ang ang isip ko na abotin ang lahat ng mga pangarap ko. I
"Fuck!" he said when he realized that he couldn't successfully pull me out of him without hurting me. He exploded on my mouth. I stayed there to make sure I clean him up. He was helpless as he sat on our bed, still feeling the waves of his explosion. I smiled. I licked my lips and saw him locking helpless. He stroked my hair gently. He bit his lower lip. "That was so good..." he uttered. Without ado, I pulled my panties out of me. I am wearing a skirt. Itinapon ko ito sa sahig at muling hinawakan ang naninigas niyang alaga. I rode him while he's still very erect. I was extremely wet that he slid unto me easily, even when he's huge. Sumakit lang nang tuloyan na akong naupo sa kandungan niya. He was inside me to the brim. He filled me so much that just the act of putting him in almost made me convulse with pleasure. Then, I started thrusting on him, riding up and down.His kisses landed on my chin as I pushed myself away from him. Then he moved to my neck. His soft kisses made me ev
One Month Later. A cozy living room filled with wedding magazines, fabric swatches, and a calendar marked with important dates. I stand in the center of the room, surrounded by wedding planning materials, a mix of excitement and nervousness in my heart. It all starts here, the journey to the most important day of my life. I sit down with Liam, as we discuss potential wedding venues, flipping through brochures and photos."Liam, what do you think about having the ceremony in a garden? The idea of saying our vows surrounded by nature sounds magical," I suggested. Tiningnan ko ang ibang pahina upang tingnan ang ibang venue sa kasal namin. "I love that idea. Let's make it happen. It'll be a beautiful backdrop for our special day," komento ni Liam. "Mommy, I'm hungry," sabat ni Max. Kumuha ako ng biscuits sa bag ko at ibinigay ito kay Max. "Matagal pa po ba kayo?" "Malapit na kaming matapos, Max. Kainin mo muna ang biscuit. Tataposin lang namin 'to para makakain na tayo ng pananghalia
Francine's POV Umawang ang labi ko sa tanong ni Liam. Para akong biglang naestatwa at binuhosan ng malamig na tubig. "Daddy!" gulat na sambit ni Max at isinubsob ang mukha niya sa dibdib ni Liam. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Paano siya nagkaroon ng amnesia? Bakit hindi sinabi ng doktor sa amin ang tungkol dito? "Who are you, woman?" pagdidiin niya sa salitang woman. Kumurap-kurap ako. Kukunin ko na sana si Max ngunit bigla niya itong hinila. "W-Wala ka bang naaalala, Liam?" tanong ko. Umiling siya agad. "I know this boy is my son. But who are you?" Kumunot ang noo niya. Napasinghap ako nang naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. "Dad, this is Mommy," sabat ni Max na siyang mas lalong nagpakunot sa noo ni Liam. "She's your mother? But how?" He smirked. Tumayo ako sa pagkakaupo. Parang hindi ko na kakayanin 'to. I need to see the doctor. Kailangan ko siyang makausap at itanong sa kaniya kung bakit hindi ako maalala ni Liam. Pinunasan ko ang nangingilid na l
Liam, Max, and Francine are seen resting in their beds, surrounded by medical equipment. May lumapit na nurse kay Francine para i-monitor ang kalagayan niya. Kagigising niya lang pero si Liam agad ang hinahanap ng mga mata niya. "How are you feeling today, Ma'am Maxey? Any dizziness or headaches?" Dahan-dahang inalis ng nurse ang bandage. "I'm okay, just a bit sore. Thank you for taking care of me." Bumaling siya sa anak niyang mahimbing na natutulog. "How's my son?" "Nasa maayos na kalagayan na po ang anak niyo, Ma'am," sagot ng nurse. "How about my fiance? Kumusta siya?" dagdag na tanong ni Francine. Napalingon ang doktor sa kanila. Ngumiti ito. "Mr. Smith is a fighter, Ma'am. Successful po ang operasyon." Nakahinga ng maluwang si Francine. Bumangon siya at umupo sa kama habang inaalalayan ng nurse na nag-a-assist sa doktor. Nilapitan siya ng doktor, tinitingnan ang mga sugat niya. "Your wounds are healing well. We'll remove the stitches soon and monitor your progress," sabi
Mabilis na lumapit ang mga pulis para pigilan si Francine sa pananabunot ng buhok ni Celine.“Mamamatay tao ka! Sarili mong anak pinatay mo!” sumbat niya.“I’m not a killer, Francine. Hindi ko pinatay ang anak ko!” galit na sigaw ni Celine. Sinubokan niyang atakihin si Francine ngunit hindi niya magawa dahil nakahawak ang mga pulis sa kaniya at pilit na inilalayo sa isa’t isa. “Buhay si Selena! Buhay ang anak ko!”“Wala na siya! You killed her! Nadamay siya sa pagiging makasarili mo! Ikaw ang dahilan kaya siya nasunog doon sa loob ng underground! Pinatay mo siya!” paninisi ni Francine.Umiling-iling si Celine. “No! She’s alive! My daughter is alive!” Tumawa siya. “Selena? Baby? Mommy won’t leave you. Magpakita ka na sa akin.” Sinipa ni Celine ang dalawang pulis na nakahawak sa kaniya at mabilis na tumakbo para pumasok sana sa nasusunog na factory. “I’ll find my daughter. Selena is alive. Nagmamakaawa ako sa inyo. Kailangan kong puntahan ang anak ko sa loob. Kailangan ako ng anak ko.”
Nagising si Francine pagkatapos ng malakas na pagsabog ng building. Napahawak siya sa ulo niya nang may nakita siyang tumutulong dugo. Parang mabibiyak ang ulo niya sa sakit dahil sa lakas ng pagkabunggo ng ulo niya sa puno. Dali-dali siyang bumangon at hinanap sina Max at Liam.“Max, Liam! Nasaan kayo?” sigaw niya habang nakahawak sa ulo niya.“Mommy!”Hinanap niya ang kinaroroonan ng boses ng bata. Napapadaing siya sa tuwing may naaapakan siyang matutulis na bato. Nanlaki ang mga mata niya nang nakita ang anak niyang umiiyak. Tumakbo siya para puntahan si Max. May sugat ito sa paa at galos sa kamay.“W-Where’s your Dad?” tanong niya habang pinupunasan ang mukha nito.Napalingon siya sa likuran niya nang ituro ni Max ang kinaroroonan ni Liam. Nakahiga ito sa lupa at walang malay. Binuhat niya si Max saka nila pinuntahan si Liam. Maingat niyang pinaupo si Max sa malaking bato. Hinawakan niya ang dibdib ni Liam. Nakahinga siya ng maluwang nang may narinig niya ang malakas na pagtibok n
Nakahinga nang maluwag si Liam pagkatapos niyang maalis ang nakakandadong kadena sa mga paa niya. Napaupo siya sa sahig nang naramdaman ang pamamanhid ng buong paa niya. Inalalayan siya nina Francine at ng mga bata sa paglalakad exit dahil hindi siya makalakad ng maayos. Napadapa sila nang bigla na namang may sumabog. Mabilis na hinila ni Liam ang mag-ina nang biglang may nahulog na kahoy galing sa kisame. "Mommy!" Hinawakan ni Liam ang kamay ni Selena nang bigla itong umiyak. "I'm scared..." "Don't be scared. Nandito lang si Daddy. Ililigtas kita," bulong ni Liam para pakalmahin ang bata. Kahit namamanhid ang mga paa niya at mahapdi ang kaniyang mga sugat, ginamit niya ang natitirang lakas niya para buhatin si Selena. Alam niyang hindi ito titigil sa pag-iyak kung hindi niya ito bubuhatin o hindi makita ang ina ng bata. Napaatras sila nang biglang may nahulog na namang kahoy at kumalat sa dingding ang apoy. Luminga-linga sila sa paligid habang naghahanap ng daan palabas. "We're
Binuhosan ng gasolina ang mga katawan nina Francine, Liam, at Max bago sila iniwan ng mga tauhan ni Celine. Makalipas ang ilang minuto mula nang nakalabas na sa underground ang mga tauhan ni Celine ay nagkamalay si Francine. Napahawak siya sa dibdib niya habang umubo at hinahabol ang paghinga niya. Agad na umalalay ang anak nila para makatayo siya. "Are you okay, Mommy?" nag-aalalang tanong ng anak nila habang nagpupunas ito ng mga luha. "A-Ayos l-lang a-ko, Max," sagot niya at pilit na pinapakalma ang sarili. Tumayo siya at nilapitan si Liam. Nagdurugo na ang mga paa at kamay nito. "H-Honey..." sambit ni Liam. Namumutla na ang labi niya dahil sa pagod, uhaw, at gutom. Napatingin silang lahat sa paligid nang may naamoy silang nasusunog. Nanlaki ang mga mata ni Francine nang nakita ang isang tauhan na may hawak na lighter. May sinusunog itong papel sa malaking lata. Nakangisi itong nakatingin sa kanila. "Naiinip na ako. Gusto ko ng sunogin ang buong lugar!" nakangising sabi ng lal