Share

Chapter 3

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2023-12-23 06:18:10

Hinayaan ko si Manang Elsa na mag-ayos sa mga pinamiling gamit namin sa mall kanina dahil 'yon ang inutos ni Liam sa kaniya. Umupo ako sa mesa at sinimulang basahin ang mga dokumento sa loob ng brown envelope.

Engr. Scoth Liam Smith. A licensed engineer who was born on the 24th day of December in Los Angeles City.  The eldest son of Blythe and William Smith. He graduated with flying colors at Hardvard University. After a year when he got his licensed as a registered engineer he took a business course dahil siya ang magma-manage ng kanilang kompanya. Marami silang kompanya sa iba't-ibang bansa. Paano niya kaya nama-manage ang lahat ng 'to? Bakit hindi niya ipinagpatuloy ang pagiging engineer at mas inuna ang pagma-manage ng kanilang kompanya? Hindi ko mapigilang maging curious sa buhay niya lalo na ang pagiging registered engineer.

Madami siyang awards na natanggap noong nag-aaral pa siya. He must be an achiever. Napangiti ako ng maalala ang panahon noong nag-aaral pa ako. Competitive rin ako sa school namin. Ako palagi ang pambato sa iba't-ibang actibidad sa school lalo na sa pagdating sa Math and Science. Supportive lahat ng mga guro ko at lalong-lalo na si Nanay sa lahat ng mga sinalihan ko.

May kumatok sa pinto at pumasok ang isang katulong na nasa mid-40s na yata. Ngumiti siya at naglakad patungo sa akin. Nakita ko na may bitbit siyang sisidlan ng laptop.

"Pinapabigay po ni Sir Liam, Ma'am. Ito raw po ang gamitin niyo. Binili niya po 'yan kanina nakalimutan niya raw pong ibigay sa inyo." Nanlaki ang mata ko sa sobrang gulat. Hindi ko akalaing ipapagamit niya sa akin ang brand new na laptop. "Ito po ang password ng wifi rito sa bahay at ipinapabigay niya rin po sa inyo ang email address niya." Aniya at ibinigay ito sa akin. Mabilis ko itong tinanggap at inilagay sa mesa.

"Maraming salamat po. Nag-abala pa kayong ihatid sa akin 'to." Nakangiting sabi ko kay Manang. "Ano po pala ang pangalan niyo Manang?" tanong ko dahil si Alexa lang ang kilala ko rito at medyo may pagka-strict 'yon.

"Tawagin niyo na lang po akong Manang Julie, Ma'am. 'Yan din kasi ang ginatawag nina Sir Liam at mga magulang niya." Sagot niya agad sa akin. Makikita sa mukha ni Manang Julie ang pagiging masayahin. Abot hanggang tenga ang kaniyang ngiti habang nakatingin sa akin.

Binuksan ko ang laptop. Hindi pa rin ako makapaniwala na binili niya ito kanina. Ayaw niya ba akong pahiramin ng laptop niya kaya binili niya 'to? Hindi ko maiwasang mag-isip ng kahit ano.

"Mag-iilang taon na po pala kayo rito?" tanong ko at kumuha ng bakanteng upuan. "Umupo muna kayo Manang Julie."

"Naku Ma'am huwag na po nakakahiya naman sa inyo." Aniya pero pinilit ko siyang paupuin. Nagsalin ako ng juice sa isang malinis na baso at ibinigay ito sa kaniya. Tinanggap niya ito at ininom. "Maraming salamat Ma'am. Ang bait niyo naman po at sobrang ganda pa." Aniya at ngumiti ng sobrang lapad. Naku itong si Manang Julie mambobola. Hindi ko rin maiwasang mapangiti.

"So, ilang taon na po kayo rito?" tanong ko ulit at uminom ng juice.

"Limang taon na po ako rito Ma'am. Nagulat nga kami ng mga kapwa ko katulong sa bahay na 'to ng dalhin ka ni Sir dito. Sa limang taong pagtatrabaho ko rito ngayon ko lang po nakita si Sir na may ipapakilalang girlfriend sa mga magulang niya." Sagot niya. Napalingon ako sa kaniya. "Akala namin bakla siya dahil ang palagi niyang kasama rito ay sina Sir Lucas at Andrew tapos kadalasan kapag nagkatuwaan dito sila matutulog."

"Lucas at Andrew? Sino sila?" tanong ko. I bit my lower lip. Baka mahalata ni Manang Julie na hindi ako totong girlfriend ni Liam dahil hindi ko kilala ang mga 'to. "Ngayon ko lang kasi narinig ang mga pangalan nila. Hindi pamilyar sa akin," palusot ko at mabilis na uminom ng juice.

"Sina Sir Lucas at Sir Andrew po ang mga kababatang kaibigan ni Sir Liam. Sabay silang lumaki, nag-aral at nakapagtapos ng pag-aaral nila. Sabay din silang naging registered engineer kaso itong si Sir Liam mas pinili niyang i-manage ang kompanya ng kaniyang mga magulang kesa maging isang inhinyero kasama ang kaniyang mga kaibigan." Pagkukwento ni Manang Julie. "May kapatid naman si Sir Liam pero parang walang balak i-manage ang mga kompanya nila. Mas inuuna niya pa kasi ang paglalakwatsya o pagpunta sa mga bar tapos uuwing lasing kesa ayosin ang buhay niya. Hindi rin kasi sila magkakasundong dalawa. Mainit ang ulo ni Sir Liam sa kaniyang kapatid dahil palaging problema lang ang ibinibigay nito."

May kapatid siya? Bakit hindi ko man lang nabasa 'yon sa iilang pages na binasa ko tungkol sa pamilya niya? Kinakahiya niya ba ang kapatid niya?

"Ano po pala ang pangalan ng kapatid niya Manang Julie?" tanong ko.

"Si Sir Clint po. Hindi naman po siya dating ganiyan 'yung umiinom sa bar at pagbibigay ng problema sa pamilyang Smith. Ayon sa mayordoma namin, naging ganiyan si Sir Clint simula noong bumagsak siya sa Bar Exam sa pagiging abogado. Siguro disappointed sa sarili kaya naging ganun." Aniya at inilagay sa mesa ang baso ng maubos niya ang laman nito.

Hindi ako makapaniwala. Mas marami pa siguro akong matutunan kapag nakipagkwentohan ako kay Manang Julie. Mas marami siyang alam sa pamilya ni Liam kesa sa mga dokumento na ibinigay sa akin.

"Minsan nga kapag dito umuuwi si Sir Clint palagi namin maririnig sa kaniyang cellphone na pinapagalitan siya ni Sir William. Uuwing lasing tapos papagalitan pa ni Sir William. Naawa nga kami minsan pero hindi kami makalapit dahil mabilis uminit ang ulo niya."

"Nasaan po pala ang mga magulang ni Liam? Umuuwi po ba sila rito?" tanong ko kay Manang Julie.

"Minsan lang sila umuuwi rito dahil palagi silang nasa ibang bansa. Alam mo na maraming kompanya na kailangan i-manage at hindi pwedeng iwan. Bukas po ang balik nila rito. Kaya siguro bukas ka rin ipapakilala. ni Sir Liam sa kanila." Nakangiting sagot ni Manang Julie sa akin. Tumingin siya sa kaniyang relo at ibinalik ang tingin sa akin. "Naku medyo napahaba ang pagkukwento ko sa inyo Ma'am baka hinahanap na po ako ng mga kasamahan ko sa baba. Nakakaabala na po ako sa ginagawa niyo." Aniya at mabilis na tumayo.

"Huwag niyo ng isipin 'yon Manang. Masaya naman po ako sa pakikipag-usap sa inyo." Nakangiting wika ko.

"Lalabas po muna ako Ma'am. Pasensiya po sa abala." Pagpapaalam ni Manang Julie.

Pagkalabas ni Manang Julie ay itinuon ko ang aking sarili sa pagawa ng aking background information. Malapit na rin kasi mag-aalas sais ng gabi. Hindi ko man lang napansin ang oras. Inaantok na rin ako.

Mabilis akong natapos sa pagawa ng aking background information. Lugar kung saan ako ipinangak, nag-aral, pangalan ng mga magulang ko at iba pa. Mga importanteng detalye sa buhay ko. Hindi naman kailangang ilagay ko lahat-lahat dahil paniguradong hindi rin ito papansinin ni Liam. Malaki ang agwat namin sa buhay. Kung ikukumpara ko ito, talo ako lalo na't nakapag-aral siya sa isang prehistiyusong paaralan sa buong mundo.

Isa sa paaralang pinapangarap ko ang Harvard University. Pagka-graduate ko ng high school, nag-apply ako ng mga scholarships sa iba't-ibang paaralan dito sa Pilipinas. Lahat ng exams ay naipasa ko. Ang saya ko sa araw na 'yon ng mabalitaan ko na pumasa ako sa lahat ng exams at nakuha ko ang mga scholarships na inaapplyan ko. Ngunit masyadong mapaglaro ang tadhana, naaksidente si Tatay sa minamaneho niyang motor kaya ayon hindi ako pinayagang mag-aral ng kolehiyo dahil itinuon ko ang aking sarili sa pag-aalaga sa kaniya kahit na palagi niya akong pinapagalitan. Nagbabasakali pa rin ako na balang-araw ay makapag-aral ako ng kolehiyo. Gusto kong tuparin ang mga pangarap namin ni Nanay. Maging isang abogado.

Sinend ko na sa email ni Liam ang aking ginawa pagkatapos ko itong i-finalize. Malakas ang intenet connection nila kaya mabilis itong na-sent. Mabilis din siyang nag-reply sa email.

From Liam:

So short. Ito lang ba ang babasahin ko?

Mabilis akong nag-reply sa kaniya.

To Liam:

Yes, Sir. Hindi naman po pang-MMK ang buhay ko kaya 'yan lang po. I made it brief and informative as well.

Agad siyang nag-reply.

From Liam:

Okay. I'll read it. Please do read mine. Anyway, I need your number so I can call or send you a message anytime and anywhere.

Bakit ba siya nanghihingi ng number kung wala naman akong phone. Hindi niya ba napansin 'yon? Mabilis akong nagtipa ng irereply sa kaniya.

To Liam:

Wala akong phone.

Maikling reply ko sa kaniya. Hindi na siya nakapag-reply kaya in-off ko na ang laptop.

Mabilis ang takbo ng oras. It's already seven o'clock in the evening ng mapatingin ako sa wall clock ng kwarto. Naramdaman ko rin ang pagkalam ng aking tiyan. Naisipan kong lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina para kumain. Nakakahiya naman kung pati pagkain ay kailangan pa nilang ihatid sa kwarto.

Pagdating ko sa kusina ay nakita ko ang mga katulong na naghahanda ng hapunan. Amoy na amoy ko ang iba't-ibang ulam na niluto at inihanda nila. Mas lalo akong nakaramdam ng sobrang gutom sa amoy ng mga pagkain.

"Good evening, Ma'am!" Masayang bati nila sa akin ng makita nila akong papalapit sa lababo para maghugas ng kamay. Ngumiti ako at binati rin sila pabalik.

"Good evening po." Sabi ko at umupo na. Namamangha ako sa iba't-ibang pagkain na inihanda nila. Hindi ko alam kung ano ang tawag ng mga pagkain na niluto nila. Basta sigurado ako na masarap ito, amoy palang ay nakakatakam na ako.

"Good evening, Sir!"

Napalingon ako agad ng marinig ko ang mga katulong. Tumayo ako ng makita ang nakabusangot na mukha ni Liam patungo sa kusina. Nakatingin siya sa akin. Nagulat ako ng hinalikan niya na naman ako sa pisngi. Napatingin ako sa kaniya. Ganun pa rin ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Umupo siya sa aking tabi. Bumalik ako sa pagkaupo at nanatiling nakatingin sa kaniya.

"Stop starring, honey." Saway niya sa akin ng mapansin niya ang pagtitig ko sa kaniya. "Let's eat. Baka lumamig ang pagkain," aniya at nilagyan ang aking pinggan ng kanin. "Do your best and act as if we are in a true relationship." Bulong niya na tanging ako lang ang makakarinig nito. Napalunok ako at muntik ng makalimutan ang sweldong fifty-thousands sa isang linggo!

"Will you stop kissing me in front of them. Hindi ako kumportable!" Asik ko sa pabulong na pagsasalita dahil ayokong mahalata ito ng kaniyang mga katulong. Ngumingiti ako sa tuwing nakikita kong nakatingin ang mga katulong sa amin. Unang araw pa lang ng trabaho ko ay parang ang hirap itong gawin o taposin.

"How about in front of my parents?" tanong niya sa akin at tumingin sa mga katulong. "Thank you for cooking and serving these delicious foods." Aniya at tinikman ang mga pagkaing nakahanda sa hapag.

Masayang nakatingin sa amin ang mga kasambahay habang ako naman ay hindi makakain ng maayos. Hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon. Ang pagsilbihan at tignan ka habang kumakain. Tumikhim ako at tumingin sa mga kasambahay na abala sa pag-aayos ng mga gamit sa kusina.

"Pwede niyo po kaming sabayan kumain. Tamang-tama marami po kayong niluto. Hindi po kasi ako sanay kumain na may nakatingin. Nasanay ako na sabay-sabay kaming kumakain sa bahay." Pag-aaya ko sa mga kasambahay ni Liam. Nakataas ang kilay ni Liam ng tignan niya ako. Tinaasan ko rin siya ng kilay.

"Huwag na po Ma'am. Nakakahiya naman po sa inyo." Sabi ni Manang Julie at ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawang paglalagay ng bagong mga pinggan at baso sa apardor. Ito siguro ang gagamitin kinabukasan kapag dumating ang mga magulang ni Liam. Hinawakan ni Liam ang aking kamay. Alam kong pinipigilan niya lang ako sa gusto kong mangyari. Kinuha ko ang kamay niya at nakangiting tumingin sa mga kasambahay.

"Ayos lang po. Madami rin kasi ang pagkain at hindi namin 'to mauubos. Sayang naman tapos pinaghirapan niyo pa itong lutoin. Umupo kayo at sabayan niyo kami sa pagkain ng hapunan." Wika ko. Bumuntong-hininga si Liam at uminom ng tubig. "Mabilaukan ka sana," bulong ko sa isipan. Wala naman sigurong mawawala kung kakain kami ng sabay kasama ang mga taong nagsisilbi sa kaniya. Bakit parang labag sa kaniyang loob ang ginawa ko? Ang sama niya siguro sa mga nagsisilbi sa kaniya.

Napuno ng tawanan at asaran ang buong hapunan. Masaya ako dahil kahit papaano ay nakakahalubilo ko ang mga taong naninilbihan sa bahay ni Liam. It was one of the best dinner in my life. Hindi ko matandaan kung kailan ang huling kumain ako na ganito kasaya. Nakipagkwentohan ang mga katulong sa kanilang mga naging karanasan at masasayang ala-ala sa loob ng pamamahay ni Liam. Hindi ko rin akalain na si Manang Elsa ay 35 years na siyang naninilbihan dito. Siya ang tinatawag nilang mayordoma. Medyo strikto siya lalo na sa mga bagohan. Makikita mo rin sa kaniyang ugali ang pagiging mabuti at mayroon siyang mataas na pasensiya. Kaya siguro mahal na mahal siya ng lahat dito. Gusto niya ng umalis ngunit ayaw siyang paalisin ng mga kapwa niya kasambahay dahil napalapit na rin ang loob nilang lahat sa isa't-isa. Para silang magkakapatid kung magturingan at si Manang Elsa ang panganay nilang kapatid.

"Let's go upstairs."

Napalingon ako kay Liam sa aking tabi. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Ano na naman kaya ang kailangan niya sa akin. Bakit kailangan sa taas pa kung pwede naman dito sa kusina kami mag-uusap.

"Why? Ano ang pag-uusapan natin?" I asked him. He glanced at me.

"Well, it's about your phone." He answered. Lumingon siya sa paligid. Bumalik sa paglilinis at pag-aayos ng mga gamit ang kaniyang katulong dahil bukas na bukas ay dadating ang parents ni Liam. "Can't believe sa panahon ngayon may tao pa rin na walang cellphone." Bulong niya sabay tingin sa akin.

"'Yan ba ang problema mo kaya nakabusangot ang mukha mo kanina?" Tanong ko. Kumunot ang kaniyang noo. "Well then, wala kang pakialam kung wala akong cellphone sir Liam. This is my life. Dagdag gastos lang kung bibili ako ng ganiyang bagay tapos hindi ko magagamit." Sabi ko.

Nagpaalam ako sa mga katulong bago naglakad pabalik sa guest room na siyang naging aking pansamantalang kwarto. Nakasunod pa rin si Liam sa akin. Nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang suot na short.

"Hey, I'll buy you a phone tomorrow. Hindi pwedeng wala ka phone baka ano ang isipin nila." Aniya ng nasa ikalawang palapag na kami.

"Hindi ko naman kailangan ng bagong phone. At masasayang lang ang pera mo. Hindi ko rin 'yan magagamit." Sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"But you will need it from now on. We'll exchange calls and messages within a week." Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya. Nakatingin din siya sa akin. I crossed my arms.

"Mr. Smith, huwag na po kayong gumastos. Gagalingan ko na lang ang pag-arte ko bukas. Ayokong magkaroon ng utang na loob sa inyo." He bit his lower lip and crossed his arms.

"Well, Miss Alejandro ayoko rin sumabit sa planong 'to. Your acting skill is not enough to prove them that we are in a real relationship and we are in love with each other." Aniya sabay taas ng kaniyang kilay. What the heck? In love with each other? Para akong nandidiri ng marinig ko 'yon. If my acting skill isn't enough, I'll show him!

Padabog akong naglakad paakyat sa ikatlong palapag at dumiretso sa aking kwarto. Pagod akong makipagtalo sa kaniya. Gusto ko ng matulog para makapagpahinga. Baka magmumukha akong sabog kinabukasan.

Umupo ako sa swivel chair at ipinagpatuloy ang pagbabasa sa mga dokumentong ibinigay niya sa akin. Walang pumapasok sa aking utak kahit ilang ulit ko basahin ang mga 'to. Masyadong magulo ang isipan ko ngayon. Hindi gumagana ng maayos. He's right. Reading these documents are like having an exams tomorrow. I need to read and understand everything so I can answers the questions. I used to be a top student way back when I was in elementary until I graduated from high school. I used to read and understand every lesson but reading these documents are different. This is so hard for me. I scanned everything and tried to understand every pages. Even though it's hard, I'm gonna do everything para sa fifty-thousands!

"Wake up, Francine."

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Medyo malabo ang aking paningin. Kinusot ko ang aking mata at para akong aatakihin sa sobrang gulat ng makita ko ang mukha ni Liam na sobrang lapit sa akin. Mabango ang hininga nga, amoy mentos candy.

"Pinagpuyatan mo yatang basahin lahat ng 'yan," aniya sabay tingin sa mga dokumentong ibinigay niya na ginawa kong unan.

"Yeah. Para akong mag-e-exam ngayon dahil sa pinagawa mo!" Reklamo ko at inayos ang aking buhok. Baka nagmumukha na akong si Lion King.

"You should sleep on the bed at huwag sa table dahil sasakit ang likod at ulo mo. Hindi mo naman kailangan basahin lahat ng 'yan."

"But I'm done reading everything. I'll scan it later, sir." Wika ko at naglakad patungo sa kama para matulog. "Will you please lock the door when you leave? I'm so sleepy. I need to sleep." I said before I close my eyes.

Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog kagabi. Buti na lang at natapos ko itong basahin lahat bago ako dinalaw ng anak. Inaantok pa rin ako.

"Hey, it's already eight in the morning. You should take a bath so we can have our breakfast!" Iritableng sabi niya. Ang aga-aga at boses niya ang una kong naririnig. Daig niya pa ang pagiging babae sa sobrang ingay niya sa umaga. Nanatili akong nakapikit dahil inaantok talaga ako. "Babawasan ko ang sahod mo ng five thousands kapag hindi ka bumangon diyan!" Pagbabanta niya sa akin. Kumunot ang aking noo at mabilis na bumangon. Ang laki naman ng ibabawas niya!

He crossed his arms and looked at me while smiling like a devil. Bakit ba na trap ako sa taong 'to. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera ay kahapon pa ako tumakas sa kaniya.

"Basta usapang pera talaga ang talas ng pandinig mo," he said while smiling. "Take a bath and we will having our breakfast. After breakfast pupunta tayo ng salon para ayosan ka. Can't believe I am doing this shit for the sake of my reputation and image in front of my parents!" He added before he leave and close the door.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. Kahit inaantok ay pumasok pa rin ako sa banyo para maligo. This is torturing. I'm so sleepy but I cannot sleep dahil masyado siyang strict sa oras. Ang bigat-bigat ng mata ko. Baka makatulog ako rito sa loob ng banyo.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Tin Tin Radoc
Laki naman ng penalty mo Liam 5k agad
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Beyond the Bargain   Chapter 4

    Bumaba kami sa isang salon. Malapit lang'to sa bahay ni Liam dahil mabilis lang din kaming dumating. May mga staffs na bumati sa amin pagpasok namin sa loob ng salon. May lumapit na bakla sa amin. Nakasuot siya ng itim na dress. Fit na fit ito sa kaniyang katawan. Mahaba ang buhok at may makapal na make up sa mukha. Pinasadahan ko ng tingin ang loob ng salon. The ambiance is so relaxing. Pink ang theme ng salon at minimalistic. Malinis at mabango ang loob. Hindi katulad ng kadalasang nakikita ko na makalat ang loob ng salon. "You're so early Mr. Smith!" Sabi ng bakla at nakipagbeso kay Liam. Ang lagkit ng tingin ng mga staffs sa akin. Agad kong tinakpan ang pasa sa aking mukha. Muntik ko ng makalimutan ito. Medyo naghilom na rin ang pasa ko dahil sa gamot na ibinigay ni Dra. Bello sa akin kahapon. "This is Francine." Liam introduced me. "My girlfriend." He added. Ipinulupot niya ang kaniyang kamay sa aking baywang. "Honey, this is Renz. He's the owner of this salon." Naglahad ng k

    Last Updated : 2023-12-26
  • Beyond the Bargain   Chapter 5

    The lunch went well. Naunang umuwi ang pamilyang Coper dahil hindi maayos ang pakiramdam ni Celine. I am sad dahil hindi ko alam kung kailan ko siya muling makikita o magkikita pa ba kami. Francine nababading ka na dahil kay Celine! Sa bahay ni Liam uuwi ang kaniyang pamilya kaya sabay-sabay kaming lumabas ng restaurant. Sumakay ako sa sasakyan ni Liam at sumakay naman sa puting SUV ang pamilya niya. "Ang ganda ni Celine." Sabi ko pagkatapos kong isuot ang seat belt. "She's an ideal girl." I added. Successful ang career niya. She has a successful business, too. She's intelligent, gorgeous, rich, educated, and an entrepreneur. Wala akong ibang masabi sa kaniya. "Stop talking about her. I'm not interested." He said coldly. Tinignan ko siya. Seryoso ang mukha niya. Galit pa rin ba siya dahil pinakain ko siya ng spaghetti? Parang bata naman ang isang 'to. "Ligawan mo kaya si Celine. Total after 1 week matatapos na ang contract na 'to. We'll break up and will be back from being stranger

    Last Updated : 2023-12-30
  • Beyond the Bargain   Chapter 6

    Nanatili ang lola ni Liam sa kwarto ng ilang minuto. Hinayaan ko rin siyang pagmasdan at kausapin si Liam kahit tulog ito. Masyadong malamig ang aircon ng kwarto. Nilalamig ako kaya naisipan kong kumuha ng dalawang mug at dalawang kape sa cabinet para magtimpla ng kape. Lumapit ako sa lola ni Liam at ibinigay ang isang baso na may lamang kape. Mabilis niya itong tinanggap. Umupo ako sa swivel chair habang humihigop ng mainit na kape. "Stop calling me Ma'am, hija. It would be my pleasure if you will call me Grandma." She said bago humigop ng kape. "You're good in making a coffee." She commented while smiling. Nagulat ako sa sinabi niya. Ang awkward naman kong grandma ang itatawag ko sa kaniya baka isipin ni Liam na feeling close ako. "Thank you, Ma'am." I responded. Sabay kaming napalingon ng may kumatok sa pintuan. Bumukas ito at pumasok ang mommy ni Liam. Nakapagbihis na siya ng pambahay na damit. "Have you seen Liam?" She asked me while looking around. Nag-aalala ang mukha niy

    Last Updated : 2024-01-03
  • Beyond the Bargain   Chapter 7

    Napahawak ako sa kamay ni Liam bago kami pumasok sa loob ng meeting room. Napalingon siya sa akin. "Are you okay?" He asked me while holding my hand. Tumango ako bilang pagsagot. Pagpasok namin sa loob ay agad nagsitayuan ang mga taong naroon bilang paggalang kay Liam. Nakita ko rin ang nakangiting lola ni Liam. Tumingin ako sa direksiyon ng mommy ni Liam. Nakatingin din siya sa amin ngunit hindi ito nakangiti kagaya ni Grandma. Umupo kaming lahat at binitawan ko rin ang kamay ni Liam. Nakakahiya dahil nasa meeting room kami kasama ang mga board of directors and investors at magkahawak kaming dalawa. Baka isipin nila na desperada akong angkinin at solohin si Liam kaya hindi ko mabitawan ang kamay niya. May nakita akong mga staffs ng na abala sa paghahanda ng presentation. Tumayo si Anton at kinuha ang mga dokumentong nakalagay sa ibabaw ng mesa. Binigyan niya isa-isa ang mga investors ng kopya nito. Nagulat ako ng binigyan niya rin ako. Tinignan ko si Liam, nakabusangot ang kaniyan

    Last Updated : 2024-01-03
  • Beyond the Bargain   Chapter 8

    Hindi rin nagtagal ay naisipan nina Grandma at Andrew ang umuwi dahil kailangan pa nilang magpahinga. Naiwan kaming dalawa ni Liam sa kaniyang opisina dahil may tinatapos pa siyang pirmahan na mga dokumento. He's absent for 3 days kaya tambak ang mga dokumentong kailangan niyang basahin at pirmahan. Nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin at agad naman umiiwas kapag tumitingin ako sa kaniya. It's quarter to seven o'clock, hindi pa rin siya tapos sa mga pinipirmahang dokumento. Inaantok na rin ako dahil sa sobrang lamig at tahimik ng kaniyang opisina. Umuwi na rin ang mga empleyado kaninang 5pm. Kanina pa ako gustong umuwi. I'm bored and tired sitting inside his office. Ngunit hindi ko magawang umuwi dahil wala akong dalang pera at hindi ko rin alam ang daan patungo sa bahay niya. "Are you hungry?" Liam suddenly asked me. Kasulukuyan akong nag-aaral kung papaano gamitin ang phone na ibinigay niya. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Abala pa rin siya sa pagbabasa at pagpipirma ng mga dok

    Last Updated : 2024-01-03
  • Beyond the Bargain   Chapter 9

    Padabog akong naglakad patungo sa bakanteng upuan malapit sa dance floor. Hindi ko makita si Liam. Bahala siya sa buhay niya! "Do you want to drink? Wine or juice?" A man asked me while holding two glasses of wine. The man had distinct facial features, with a sharp nose and thick eyebrows. He's wearing a black suit. He smiled and sat beside me. "Are you alone?" he asked before he drank the wine. "Juice would be better. Well, I'm not alone. I'm with my boss." I said while my eyes were busy finding Liam. I'm gonna punch this asshole kapag nakita ko siya. "Your boss or your boyfriend?" he asked then chuckled. I rolled my eyes and crossed my arms. I want peace but I'm inside the bar. Dumagdag pa ang isang 'to. I know he's hitting on me. I'm not blind. Bumaba ang tingin ko sa aking hita ng bigla niya itong hawakan at haplosin. "What the heck are you doing?!" I shouted and grabbed his hand out of my legs. He laughed and drank another glass of wine. "Leave me alone!" I shrugged and tried

    Last Updated : 2024-01-06
  • Beyond the Bargain   Chapter 10

    Isinama ng mga pulis si Lucas. Nanatili akong nakatingin sa pintuan hanggang sa nawala sila sa aking paningin. Naglakad si Liam patungo sa akin. Nakakunot ang noo at nakabusangot ang mukha. Kasalanan niya kung bakit ako nandito! "Get ready. Uuwi na tayo," malamig niyang sabi sa akin. Hindi ako umimik. He sighed. "I should not leave you last night," bakas sa kaniyang boses ang pagsisi. "Bakit nila sinama si Lucas? Makukulong ba siya?" tanong ko sa kaniya. Nakita ko siyang nagtiim-bagang. I rolled my eyes. Bumaba ako ng kama at naglakad papasok ng bayo para ayosin ang aking sarili. Hindi na ako naghintay ng sagot galing kay Liam dahil naiinis ako sa kaniya. "May itatanong lang sa kaniya regarding the incident last night. Lucas insisted na hindi na nila kailangan ang statement mo at siya na lang ang magpapaliwanag sa mga pulis." Liam said paglabas ko ng banyo. Naghilamos lang ako ng mukha at tinalian ang aking buhok. "I should come, too. They need my statement. Ako ang hinarass at hin

    Last Updated : 2024-01-07
  • Beyond the Bargain   Chapter 11

    I got dressed before retrieving the laptop from his room. I chose to wear a strapless black silky dress. I also tied up my hair and applied light makeup.As I left the house, I immediately saw the family driver Liam had mentioned. He was standing next to a white car. He greeted me before opening the car door for me. I got in and carefully placed Liam's laptop next to me. I was worried I might damage it and end up broke because I couldn't afford to replace it.I called Liam as soon as we arrived at his company. The driver helped me out of the car. I cursed under my breath when he didn't answer my call. I sighed before entering the building. Many employees looked at me as I walked to the elevator, and again when I was inside. They were scrutinizing me from head to toe. I pressed the button for the 29th floor. Everyone turned to look at me. I swallowed hard and quickly grabbed the phone from the laptop bag. I tried calling him while in the elevator, but he still didn't answer. Maybe he's

    Last Updated : 2024-01-08

Latest chapter

  • Beyond the Bargain   BTB: Last Chapter

    Siguradong-sigurado na ako kay Liam, kahit na mabilis ang lahat, alam kong sigurado na ako sa kaniya. Pero hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na ikakasal na kami. Marami kaming pinagdaanan pero heto kami ngayon, nanatiling matatag ang pagmamahalan namin sa isa't isa. Binili niya lang ako ng dalawang milyon pero ang kapalit no'n ay panghambuhay ko siyang makakasamang bumuo ng pamilya. Nabuntis niya ako na wala sa plano, pero alam kong ginawa namin iyon na mahal ang isa't isa at alam ko ang kaakibat na responsibilidad sa likod ng lahat. Pero ganoon nga siguro, we make the most out of the things given to us. Iniwan ko siya, tumayo ako sa sarili kong mga paa, at nakilala ang tunay kong pamilya. Hindi naging madali ang lahat para sa amin. Naging magulo ang buhay namin at marami akong nalaman tungkol sa mga nakaraan ng aming mga pamilya. Ngayong araw ay papakasalan ko na ang lalaking mahal ko. Hindi nagbabago ang ang isip ko na abotin ang lahat ng mga pangarap ko. I

  • Beyond the Bargain   Chapter 150

    "Fuck!" he said when he realized that he couldn't successfully pull me out of him without hurting me. He exploded on my mouth. I stayed there to make sure I clean him up. He was helpless as he sat on our bed, still feeling the waves of his explosion. I smiled. I licked my lips and saw him locking helpless. He stroked my hair gently. He bit his lower lip. "That was so good..." he uttered. Without ado, I pulled my panties out of me. I am wearing a skirt. Itinapon ko ito sa sahig at muling hinawakan ang naninigas niyang alaga. I rode him while he's still very erect. I was extremely wet that he slid unto me easily, even when he's huge. Sumakit lang nang tuloyan na akong naupo sa kandungan niya. He was inside me to the brim. He filled me so much that just the act of putting him in almost made me convulse with pleasure. Then, I started thrusting on him, riding up and down.His kisses landed on my chin as I pushed myself away from him. Then he moved to my neck. His soft kisses made me ev

  • Beyond the Bargain   Chapter 149

    One Month Later. A cozy living room filled with wedding magazines, fabric swatches, and a calendar marked with important dates. I stand in the center of the room, surrounded by wedding planning materials, a mix of excitement and nervousness in my heart. It all starts here, the journey to the most important day of my life. I sit down with Liam, as we discuss potential wedding venues, flipping through brochures and photos."Liam, what do you think about having the ceremony in a garden? The idea of saying our vows surrounded by nature sounds magical," I suggested. Tiningnan ko ang ibang pahina upang tingnan ang ibang venue sa kasal namin. "I love that idea. Let's make it happen. It'll be a beautiful backdrop for our special day," komento ni Liam. "Mommy, I'm hungry," sabat ni Max. Kumuha ako ng biscuits sa bag ko at ibinigay ito kay Max. "Matagal pa po ba kayo?" "Malapit na kaming matapos, Max. Kainin mo muna ang biscuit. Tataposin lang namin 'to para makakain na tayo ng pananghalia

  • Beyond the Bargain   Chapter 148

    Francine's POV Umawang ang labi ko sa tanong ni Liam. Para akong biglang naestatwa at binuhosan ng malamig na tubig. "Daddy!" gulat na sambit ni Max at isinubsob ang mukha niya sa dibdib ni Liam. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Paano siya nagkaroon ng amnesia? Bakit hindi sinabi ng doktor sa amin ang tungkol dito? "Who are you, woman?" pagdidiin niya sa salitang woman. Kumurap-kurap ako. Kukunin ko na sana si Max ngunit bigla niya itong hinila. "W-Wala ka bang naaalala, Liam?" tanong ko. Umiling siya agad. "I know this boy is my son. But who are you?" Kumunot ang noo niya. Napasinghap ako nang naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. "Dad, this is Mommy," sabat ni Max na siyang mas lalong nagpakunot sa noo ni Liam. "She's your mother? But how?" He smirked. Tumayo ako sa pagkakaupo. Parang hindi ko na kakayanin 'to. I need to see the doctor. Kailangan ko siyang makausap at itanong sa kaniya kung bakit hindi ako maalala ni Liam. Pinunasan ko ang nangingilid na l

  • Beyond the Bargain   Chapter 147

    Liam, Max, and Francine are seen resting in their beds, surrounded by medical equipment. May lumapit na nurse kay Francine para i-monitor ang kalagayan niya. Kagigising niya lang pero si Liam agad ang hinahanap ng mga mata niya. "How are you feeling today, Ma'am Maxey? Any dizziness or headaches?" Dahan-dahang inalis ng nurse ang bandage. "I'm okay, just a bit sore. Thank you for taking care of me." Bumaling siya sa anak niyang mahimbing na natutulog. "How's my son?" "Nasa maayos na kalagayan na po ang anak niyo, Ma'am," sagot ng nurse. "How about my fiance? Kumusta siya?" dagdag na tanong ni Francine. Napalingon ang doktor sa kanila. Ngumiti ito. "Mr. Smith is a fighter, Ma'am. Successful po ang operasyon." Nakahinga ng maluwang si Francine. Bumangon siya at umupo sa kama habang inaalalayan ng nurse na nag-a-assist sa doktor. Nilapitan siya ng doktor, tinitingnan ang mga sugat niya. "Your wounds are healing well. We'll remove the stitches soon and monitor your progress," sabi

  • Beyond the Bargain   Chapter 146

    Mabilis na lumapit ang mga pulis para pigilan si Francine sa pananabunot ng buhok ni Celine.“Mamamatay tao ka! Sarili mong anak pinatay mo!” sumbat niya.“I’m not a killer, Francine. Hindi ko pinatay ang anak ko!” galit na sigaw ni Celine. Sinubokan niyang atakihin si Francine ngunit hindi niya magawa dahil nakahawak ang mga pulis sa kaniya at pilit na inilalayo sa isa’t isa. “Buhay si Selena! Buhay ang anak ko!”“Wala na siya! You killed her! Nadamay siya sa pagiging makasarili mo! Ikaw ang dahilan kaya siya nasunog doon sa loob ng underground! Pinatay mo siya!” paninisi ni Francine.Umiling-iling si Celine. “No! She’s alive! My daughter is alive!” Tumawa siya. “Selena? Baby? Mommy won’t leave you. Magpakita ka na sa akin.” Sinipa ni Celine ang dalawang pulis na nakahawak sa kaniya at mabilis na tumakbo para pumasok sana sa nasusunog na factory. “I’ll find my daughter. Selena is alive. Nagmamakaawa ako sa inyo. Kailangan kong puntahan ang anak ko sa loob. Kailangan ako ng anak ko.”

  • Beyond the Bargain   Chapter 145

    Nagising si Francine pagkatapos ng malakas na pagsabog ng building. Napahawak siya sa ulo niya nang may nakita siyang tumutulong dugo. Parang mabibiyak ang ulo niya sa sakit dahil sa lakas ng pagkabunggo ng ulo niya sa puno. Dali-dali siyang bumangon at hinanap sina Max at Liam.“Max, Liam! Nasaan kayo?” sigaw niya habang nakahawak sa ulo niya.“Mommy!”Hinanap niya ang kinaroroonan ng boses ng bata. Napapadaing siya sa tuwing may naaapakan siyang matutulis na bato. Nanlaki ang mga mata niya nang nakita ang anak niyang umiiyak. Tumakbo siya para puntahan si Max. May sugat ito sa paa at galos sa kamay.“W-Where’s your Dad?” tanong niya habang pinupunasan ang mukha nito.Napalingon siya sa likuran niya nang ituro ni Max ang kinaroroonan ni Liam. Nakahiga ito sa lupa at walang malay. Binuhat niya si Max saka nila pinuntahan si Liam. Maingat niyang pinaupo si Max sa malaking bato. Hinawakan niya ang dibdib ni Liam. Nakahinga siya ng maluwang nang may narinig niya ang malakas na pagtibok n

  • Beyond the Bargain   Chapter 144

    Nakahinga nang maluwag si Liam pagkatapos niyang maalis ang nakakandadong kadena sa mga paa niya. Napaupo siya sa sahig nang naramdaman ang pamamanhid ng buong paa niya. Inalalayan siya nina Francine at ng mga bata sa paglalakad exit dahil hindi siya makalakad ng maayos. Napadapa sila nang bigla na namang may sumabog. Mabilis na hinila ni Liam ang mag-ina nang biglang may nahulog na kahoy galing sa kisame. "Mommy!" Hinawakan ni Liam ang kamay ni Selena nang bigla itong umiyak. "I'm scared..." "Don't be scared. Nandito lang si Daddy. Ililigtas kita," bulong ni Liam para pakalmahin ang bata. Kahit namamanhid ang mga paa niya at mahapdi ang kaniyang mga sugat, ginamit niya ang natitirang lakas niya para buhatin si Selena. Alam niyang hindi ito titigil sa pag-iyak kung hindi niya ito bubuhatin o hindi makita ang ina ng bata. Napaatras sila nang biglang may nahulog na namang kahoy at kumalat sa dingding ang apoy. Luminga-linga sila sa paligid habang naghahanap ng daan palabas. "We're

  • Beyond the Bargain   Chapter 143

    Binuhosan ng gasolina ang mga katawan nina Francine, Liam, at Max bago sila iniwan ng mga tauhan ni Celine. Makalipas ang ilang minuto mula nang nakalabas na sa underground ang mga tauhan ni Celine ay nagkamalay si Francine. Napahawak siya sa dibdib niya habang umubo at hinahabol ang paghinga niya. Agad na umalalay ang anak nila para makatayo siya. "Are you okay, Mommy?" nag-aalalang tanong ng anak nila habang nagpupunas ito ng mga luha. "A-Ayos l-lang a-ko, Max," sagot niya at pilit na pinapakalma ang sarili. Tumayo siya at nilapitan si Liam. Nagdurugo na ang mga paa at kamay nito. "H-Honey..." sambit ni Liam. Namumutla na ang labi niya dahil sa pagod, uhaw, at gutom. Napatingin silang lahat sa paligid nang may naamoy silang nasusunog. Nanlaki ang mga mata ni Francine nang nakita ang isang tauhan na may hawak na lighter. May sinusunog itong papel sa malaking lata. Nakangisi itong nakatingin sa kanila. "Naiinip na ako. Gusto ko ng sunogin ang buong lugar!" nakangising sabi ng lal

DMCA.com Protection Status