Share

Kabanata 105

Ilang araw akong binagabag ng pagtatalo mga huling kataga ni Russel. Pagkatapos ng usapan naming iyon, hindi na muling naulit ang panunumbat niya sa akin, bagay na hindi ko pa rin ikinasiya.

Oo nga't hindi na kami muling nag-away, naging mas malamig naman ang pakikitungo niya sa akin. Kung ikukumpara, kung tutuusin ay mas masakit ito. Naging tipid siyang sumagot. Animo'y napipilitan pa kahit sa pagtango.

Hindi na halos sila mapaghiwalay ni Alias kaya mas nasasaktan ako. Mayroong mga araw na masaya silang dalawa habang ako ay nanonood lang sa isang sulok. Pakiramdam ko'y sobrang layo ko sa anak ko sa tuwing magkasama sila.

Sa kagustuhan kong makabawi sa kanilang dalawa, tinitiis ko na lang. Gusto ko ring patunayan kay Russel na nagsisisi ako sa ginawa ko.

“Kakain na...” mahinang saad ko.

Hindi siya nagsalita. Binuhat niya si Alias at hinugasan ang kamay sa kitchen sink. Pumuwesto silang dalawa sa harapan ko. At times like this, I could feel not

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status