Share

CHAPTER 18

AUDREY

Nagising ako sa munting kalabit sa akin kaya napabalikwas ako ng wala sa oras, Handa na sana akong singhalan ang taong iyon ngunit si Sir Harris pala at si Cassandra, napairap naman ako sa kanila dahil inistorbo nila ang pagpapahinga ko. Padabog akong inayos ang suot ko at pati ang buhok ko pero pinagsisihan ko rin dahil tila nasabunutan ko rin ang aking buhok.

"Ano ba naman iyan," tanging na sabi ko na lang at hindi ko na itinago ang inis na nararamdaman ko saka tumayo ako at pinagpag ang pwetan ko. "Bakit ka ba kasi natulog diyan?" dinig kong tanong ni Sir Harris habang nakakunot ang kaniyang noo. “Huwag kang matulog sa kung saan-saan maaari kang masilipan,” inis na hayag niya sa akin. Nandiyan na naman ang malakas na pagtibok ng puso ko dahil sa kaniyang tinuran pero inalis ko ang emosyon iyon dahil hindi ito ang tamang oras para mag-simp sa kaniya.

"Eh ang tagal mong lumabas kaya ayun nakatulog ako," sabi ko sa kaniya at

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status