Share

Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)
Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)
Penulis: Bow Arrow

Prologue

Penulis: Bow Arrow
last update Terakhir Diperbarui: 2021-06-30 13:28:48

"Tapos mo na 'yung cash badget?"

Nagulat ako nang bigla nalang pumasok si Isha sa opisina ko dala dala ang maliit na bag niya at mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa ang itsura

"Uso kumatok Alisha" sabi ko sakanya nang hindi siya tinitignan at tinuon parin ang pansin ko sa aking computer, at hindi sinagot ang tanong niya

"Ay! Sorry na Manager" peke siyang tumawa at nag peace sign pa ang loka loka. "Parang nakakalimot naman tayo na ako ang may ari ng bangko'ng 'to" dagdag niya pa at tinaasan ako ng kilay

Natawa naman ako at tinignan siya "Ay! Sorry na boss!" panggagaya ko sakanya at nag peace sign din gaya ng ginawa niya ngunit inismiran niya lamang ako at umupo sa couch malapit sa lamesa ko

"Jusko! Na istress na 'ko! Ayoko na maging CEO!" pagrereklamo niya habang hawak ang magkabilang sentido niya at parang iiyak na

"Akin nalang 'tong bangko mo" pagbibiro ko sakanya

"Mama mo" pambabara niya sa'kin at tinarayan lamang ako

Si Isha, bestfriend ko, ang CEO ng bangko'ng pinag tatrabahuhan ko at ako naman ang Head Manager ng Finance. Isa sa mga pinakasikat na bangko sa Bicol Region ang bangko nila Isha. Matapos palang naming grumaduate ay ipinamahala na agad kay Isha ang branch ng bangko nila dito sa Bicol. Ako naman ay dahil bestfriend ko si Isha ay hindi na ako nahirapan mag apply o maghanap ng trabaho dahil kinuha na ako ng mga magulang ni Isha na magtrabaho sakanila which is pabor naman kay Isha para daw magkasama parin kami. Hindi pa naman siya mabuhay ng magkahiwalay kami!

Hindi katulad kay Isha, nagsimula ako sa pinakamababang pwesto dito sa bangko. Naging bookkeeper ako, financial assistant, financial manager hanggang sa na promote ng na promote at ngayon naging Head Manager ng Finance.

"Mas lalong sumakit yung ulo ko kanina! Si Mr. Estrada nag bigay ng resignation letter ampucha!" gigil na sabi ni Isha

Napakunot naman ang noo ko "Mr. Estrada? Yung CPA natin?" pagkokompirma ko

"Oo! Lalabas na daw kasi sila ng bansa kasama pamilya niya. For good daw! Bwesit" tuloy tuloy na sabi niya at nagpakawala ng mabigat na hininga

"Oh paano 'yan? Wala nang CPA?" tanong ko ulit kahit obvious naman na at alam ko na rin ang sagot

"Jusko Alyanna! Obvious ba? Mas pinapainit mo naman lalo ang kukote ko!" pagrereklamo niya ngunit tinawanan ko lamang siya at hinanap sa cabinet ang files ng cash budget

"Oh ito cash budget Madam, tapos na yan" sabi ko at inabot sakanya ang folder ngunit hindi niya iyon kinuha

"Yna wag mo na nga muna 'yan ipakita sakin jusko naman" sabi niya at bigla nalamang humiga sa couch habang hinihilot ang sentido niya

Pinag taasan ko naman siya ng kilay "Pinag titripan mo ba ako Hernandez?! Kanina tinatanong mo kung tapos ko na tapos ngayon na binibigay ko na sayo ayaw mo na makita?!" tuloy tuloy na reklamo ko

Naupo naman ulit siya at tinignan ako "Tara, Bora!" seryosong sabi niya saakin

Naupo ulit ako sa swivel chair ko at hindi siya pinansin. Ayan nanaman si inom queen!

"Gago Alyanna! Sige na inom tayo! Mamamatay na ata ako" sabi niya at hinawakan pa ang dibdib niya

"Ayos 'yan, makakapag kape 'ko" pagbibiro ko sakanya at saka niya naman ako binato ng unan galling sa couch

"Tangina mo" tinarayan niya ako ngunit tinawanan ko lamang siya

Natuon ang pansin niya sa cellphone niya ng mag ring ito

"Nako! Tumatawag na si Mrs. Aleja, problema nanaman ata 'to pucha" reklamo niya saka sinagot ang tawag

"Yes, Mrs. Aleja?" pormal na sagot niya

Tinuon ko nanaman ulit ang pansin ko sa iniedit kong capital budget at hindi na pinansin si Isha kung ano man ang pinag uusapan nila ni Mrs. Aleje, ang head ng HR. Ngunit nagulat nalamang ako at natulala kay Isha nang may banggitin siyang pangalan

"Si.. Mr. Guererro? As in.. Lace Martin Guererro?" sabi ni Isha sa katawagan niya ngunit ang tingin ay na saakin

Natigilan ako. Sa halos limang taon narinig ko nanaman ulit ang pangalan niya, hayop kompletong pangalan pa. Pangalan ng ex ko. Pangalan ng taong nagpaka selfish. Pangalan ng taong minahal ko pero iniwan ako. At ang pinaka masakit, ang lalaking pumatay sa anak ko..

Napatingin ako sa glass wall ng opisina ko at saka huminga ng malalim. Hindi ko nalamang pinansin kung ano ang narinig ko at pilit na nag fofocus sa ginagawa ko. Nahinto lamang ang pag iisip ko nang lapitan ako ni Isha at hawakan ang kamay ko. Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak saakin saka ko siya tinignan sa mata. Parang humihingi ng tawad ang mga mata niya saakin.

"Yna.." sabi niya at nagulat na lamang ako ng yumuko siya sa kamay naming magkahawak, namilog ang mata ko sa aksyon na ginawa niya. Para siyang bata na humihingi ng tawad

"Hala Yna, diba sabi ko sayo nag resign si Mr. Estrada 'yung CPA natin, tapos ayon may nirekomenda pala siya kay Daddy at si Lace 'yun, ang Daddy ko naman pumayag at hinire agad si Lace as CPA dahil na rin sa background niya at sa galling niya. Alyanna patawarin mo ako hindi ako ang nag hire kay Lace para magtrabaho rito. Alyanna Yvonne Bautista 'wag mo 'kong patayin" dirediretsong sabi niya habang nakayuko parin, hindi ako tinitignan

Inagaw ko naman ang kamay ko sa pagkaka hawak niya at hinila ang ilang hibla ng buhok niya "Para kang tanga" sabi ko at tinarayan siya

"Aray ko ha!" reklamo niya at tinarayan rin ako "Grabe 'yung explain ko sasabihin mo lang para akong tanga?!" sabi niya

"Ewan ko sayo" sabi ko

"So... Okay lang na yung ex mo na ang CPA dito, tapos magkatrabaho kayo, tapos may chance na magkita kayo tapo-" naputol ang sasabihin niya nang magsalita ako at tinignan siya ng seryoso

"Pakihanap" tipid na sabi ko

"Ng? tanong niya at napakunot ng noo

"Ng paki ko"

Natawa naman bigla si Isha sa sagot ko at pinalakpakan ako "Huwaw! Totally moved on!" sabi niya at hindi mapigil ang tawa

"Siya ang nang iwan, hindi ko kawalan" walang ganang tugon ko

Naka move on na nga ba 'ko? Paano ba kasi masasabi na talagang moved on kana sa taong minahal mo dati ng sobra? Siguro, kung sa pagmamahal ko sakanya ay naka moved on na ako, matagal na. Limang taon na akong moved on, simula noong hinayaan at iniwan niya ako. Iniwan niya ako nang walang iniwan kahit isang salita. Iniwan niya ako, habang ako ay hinahabol siya dahil mahal ko siya at, magiging tatay siya ng anak ko.

Pero wala, iniwan niya ako. Iniwan niya kami. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang nangyari saakin dahil sakanya. Iniwan niya na nga ako, nawala pa ang anak ko. 

Noong araw na namatay ang anak namin, ay parang namatay na rin ako.

Pinupuno ko ng galit ang isip at puso ko dahil sa ginawa niya saamin ng anak ko. Paano ko ba siya makakalimutan? Paano ko ba makakalimutan ang ginawa niya saakin? Sa anak namin?

How can I forget the guy who bewitched me by his beautiful eyes?

Bab terkait

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 1

    "Isha! Mag ka block ulit tayoooo!" sigaw ko at saka niyakap si Isha, nasa tapat kami ngayon ng CBA office at tinitignan ang schedule namin habang hawak hawak naman namin ang matriculation na kinuha galing sa accounting office matapos mag enroll "Tanga! Malamang nagkopyahan tayo ng codes" sabi niya at tinarayan ako ngunit napangiti parin naman sa reaksyon ko 2nd year college na kami ngayon ni Isha, Uncean kami at pareho rin kami ng course which is Financial Management. Pinili ko talaga ang kurso ko dahil yun ang gusto ko. Hindi naman ako prinessure ng mga magulang ko, kahit na pareho silang Physical Therapist, ay sinuportahan parin nila ako sa gusto kong kurso. Si Isha noong simula ay ayaw niya sa kurso niya, ngunit nakikita ko na rin naman na nagkakaroon na siya ng interes rito. Konektado rin naman ang kurso niya sa future niya dahil siya rin naman ang mamamahala ng sarili nilang bangko dito sa Bicol. In short, wala siyang choice Narito na kami sa roo

    Terakhir Diperbarui : 2021-06-30
  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 2

    "Style niya bulok, parang bagang mo" sabi ko kay Isha habang nasa library kami at kinukulit niya parin ako doon sa ateneo guy."Ang dugyot Alyanna bwesit ka!" binatukan niya ako sabay tinarayan "Ayaw mo ba don sa hottie guy na captain ng bball? Seryoso kana?! Atenista na lumalapit sayo tanga!" pag pupumilit niya saakin doon sa Lace na 'yun"Depende kung engineering siya" natatawang sabi ko"Ang hilig mo sa engineering ayaw naman nila sayo" pang aasar sakin ni Isha"Foul na 'yun ha punyeta ka" sabi ko at tinarayan siya"Akin na nga kasi cellphone mo ako na mag rereply sakanya" pagpupumilit ulit ni Isha, at kinukuha ang cellphone sa bag ko ngunit pinigilan ko siya"Rereplyan mo?" tanong ko"Oo nga""Talaga?""Tangina OO""ASA KA ALISHA MARIE" pang aasar ko saka tumayo sa kinauupoan ko at iniwan siya, agad niya namang tinawag ang pangalan ko at saka siya pinagalitan ng librarian dahil sa pagsigaw niya. Loka loka tala

    Terakhir Diperbarui : 2021-06-30
  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 3

    "Hoy! Uhaw na uhaw ka bang bruha ka?!" saway saakin ni Isha nang patuloy ang pag shot ko ng Embassy. Naka pitong shot na ata ako na dire-diretso, medyo nararamdaman ko na rin ang epekto ng alak"Pucha! Pang matanda naman 'tong pinainom mo saakin! Nag gin-dew nalang sana tayo sa apartment!" reklamo ko at nakakaramdam na ng hilo"Aba?! At nag reklamo ka pa talaga ha?!" sigaw saakin ni Isha para mas marinig ko siya dahil malakas ang music"Uwi na tayo, tangina alas dos na Alisha!" sabi ko at saka tumayo para umalis na ngunit mas uhaw ata si Isha dahil itinungga niya muna ang last shot bago siya nagpatianod sa hila ko"Teka naman, bwesit" reklamo niyaNararamdaman ko na ang hilo dahil sa rami ng nainom ko ngunit nakikita ko parin naman ang daan palabas sa bar. At dahil madaling araw na ay pahirapan ang tricycle dito, naghintay lang kami ng ilang minuto ni Isha para sa tricycle ngunit nagulat nalang ako ng may itim na sasakyan ang huminto sa tapat namin

    Terakhir Diperbarui : 2021-06-30
  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 4

    "Ang sakit pa rin ng ulo ko pucha naman" reklamo ni Isha pakapasok palang namin sa room 2pm ang first class namin ngayong araw at pinagpapasalamat ko na nagising kami ng bandang alas dose, dahil kung hindi ay malalate kami o 'di kaya hindi kami makakapasok ngayong araw Pinandilatan ko ng mata si Isha dahil sa pagrereklamo niya "Karma mo 'yan" sabi ko ngunit nginusoan niya lang ako Halos hindi rin ako makatulog kagabi dahil sa nangyari at sa huling sinabi ni Lace saakin bago niya ko iwan na nakatunganga sa pinto ng apartment ko. Hanggang ngayon ay 'di ko maalis sa isip ko ang boses niya. Para itong musika na hindi na maalis sa tenga ko "Hoy! Tangina naman kanina pa 'ko nanghihingi ng one whole eh!" nabigla at nataohan ako nang sinigawan ako ni Isha "Ha?" tarantang tanong ko "Ha? Hansel Bautista!" Natawa nalang ako sa nang gigigil na mukha ni Isha. Ano ba naman kasi 'yan! Siya nanaman ang nasa isip ko, kagabi nga't 'di na ako nak

    Terakhir Diperbarui : 2021-06-30
  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 5

    Nagising ako sa alarm ko kinaumagahan. Wala kaming pasok ngayong araw kaya ang balak ko ay mag wowork out ng kaunting oras dito lang sa loob ng apartment at mag gogrocery na rin ng mga kulang na pagkain ko dito.Napahawak nalang ako sa sentido ko dahil sa sakit nito. Napuyat ako kagabi at tinalo ko pa ang may hangover!Naalala ko kung gaano ako ka tanga kahapon! Napasabunot nanaman ulit ako sa sarili ko nang maalala ang mga ngiti ko kay Lace at ang huling sinabi ko.Dahil sa ilang at nataohan ako, hindi na ako makatingin sakanya at hindi ko na nalasap ang sarap ng lomi! Nako naman Lord, bakit gano'n!Matapos naming kumain ay inihatid niya lang ako sa tapat ng school dahil may pasok pa ako. Buong session ay hindi ako nagsasalita at hindi ko rin naintindihan ang lesson. Buti nalang at minor subject lang 'yon!Dahil din sa sistema ko kagabi ay na guilty si Isha dahil sa pag iwan niya saakin at wala na daw ako sa sarili at hindi na nag sasalita. Iniisi

    Terakhir Diperbarui : 2021-06-30
  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 6

    Nang makarating sa parking lot ay nakita ko agad ang pamilyar na kotse. Hindi naman kalakihan ang parking lot dito kaya 'di na ako nahirapang hanapin ang sasakyan ni LaceNag suot lang ako ng black shorts at white hoodie jacket dahil malamig na sa labas. Itinali ko rin ang buhok ko para umaliwalas ang mukha koNang nasa tapat na ako ng sasakyan niya ay kinatok ko ang bintana ng nasa driver seat. Tinted ang sasakyan niya kaya 'di ko siya makita sa loobNang buksan niya ang bintana ay sumilay agad sa'kin ang ngiti niya. Ayan nanaman ang mga mata niya!"Ang ganda naman ng pulubi" sabi niyaNapakunot naman ang noo ko sa sinabi niya, did he just called me a beggar?!"Ano?!" inis na tanong ko ngunit tumawa lamang siya"Ay akala ko hihingi ka ng barya" pang aasar niya kaya pinandilatan ko naman siya at pinag krus ang kamay ko"Balik na 'ko sa taas" sabi ko at maglalakad na sana nang lumabas siya ng sasakyan at hinawakan ang braso ko

    Terakhir Diperbarui : 2021-06-30
  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 7

    Natapos ako magpalit ng damit at nakita kong hinihintay na rin ako ni Lace. Naka black tshirt na rin siya ngayon, siguro ay mayroon siyang extra shirt na nasa kotse niya langPinagbuksan niya agad ako ng pinto at saka ko sinabi sakanya ang pangalan ng hospital kung nasaan si Papa. Halos isang oras ang byahe dahil sa lugar namin ang hospital, na labas pa ng NagaHindi ako umimik buong byahe dahil ang nasa isip ko lamang ay si Papa. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag nawala siya saamin.Buti at hinayaan lang ako ni Lace na manahimik. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi ko kasama ngayon si Lace. Sa gantong oras ay wala nang byahe papunta saamin, kaya kung wala ang kasama ko ngayon ay malabo na makapunta ako agad kay PapaNang marating namin ang hospital ay parang gusto ko nang tumalon at tumakbo para puntahan si Papa. Panibagong luha ang nag babadya sa mga mata ko ngunit nilakasan ko ang loob ko.Hindi ako iniwan ni Lace, sinamahan n

    Terakhir Diperbarui : 2021-06-30
  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 8

    Malipas ang tatlong araw ay nagising na si Papa, ngunit patuloy pa rin ang pag momonitor sakanya. Sobrang saya namin ni Mama nang magising si Papa. 2 araw rin akong absent at buong weekend ay nandito lang ako sa hospital at uuwi lang kapag maliligo at magbibihis.Mabuti at sinisendan naman ako ni Isha ng mga notes niya tungkol sa mga subjects na hindi ko napasukan.Ngayong araw rin ililipat na si Papa sa isang private room at aalisin na ang mga apparatus na nakakabit sakanya. Masayang masaya si Mama at kwento lang ng kwento tungkol sa mga pasyente niya.Mamayang 11 am pa ang pasok ko, at bandang alas nwebe ay ililipat na si Papa ng kwarto. Balak ko sanang umalis kapag nailipat na si Papa ng kwarto ngunit napilit din nila ako na bumalik na ng Naga dahil baka mahuli ako sa pag pasok"Pa, 'wag mo na kasi kalimutan ang pag iinom mo ng gamot para ka namang 'di doktor" saway ko kay Papa ngunit natawa lang siya kaya nakitawa na rin si Mama"Yna, doktor ak

    Terakhir Diperbarui : 2021-06-30

Bab terbaru

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Special Chapter (1)

    "You can do it love, I love you so much" Halos mawasak na ang bawat dingding ng birthroom dahil sa sigaw ko. Wala akong ibang maramdaman kundi sakit at pagod habang umi-ire ako upang mailabas ang pangalawa naming supling ni Lace "Okay, last one Mommy, breath in.. and!" Matapos sabihin iyon ng doctor ay nakahinga ako ng malalim nang marinig ko ang pag iyak ng anak ko Naramdaman ko ang mas lalong pag higpit ng pagkakahawak ni Lace sa kamay ko. Naramdaman ko rin ang luhang tumulo mula sa kaliwang mata ko "Congrats Mommy and Daddy, here is your baby boy" sabi ng Doctor at ipinadapa sa dibdib ko ang anak ko Gusto kong umiyak nang makita ko ang pag galaw ng anak ko kasabay ng pag iyak niyo. Nilapitan agad iyon ni Lace at hinawakan ang kamay ng anak namin Napangiti ako nang makita na halos magkamukha lang sila. Carbon copy ng Daddy niya! Napasimangot ako sapagkat halos siyam na buwan na nasa sinapupunan ko ang anak ko, pero si

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Epilogue

    "Alam mo ba kung bakit ko siya nagustohan? At kung bakit hindi mawala ang nararamdaman ko sakanya?"Napalingon ako kay Jasper ng sabihin niya iyon ngunit ang paningin niya ay nasa hawak hawak niyang baso na may laman ng beerItinungga ko ang huling shot ko ng beer at inilagay iyon sa mesa"Why?" tanong ko sakanyaTumingin siya sa gawi ko at bahagyang natawa "Dude, she's the type of girl that you'll regret losing" sabi niya"I know right dude. Grabe 'yung pagsisisi ko noong iniwan ko siya" pag sang ayon koHumarap saakin si Jasper at tinapik ang balikat ko "You're so lucky. Ang swerte mo dahil ikaw ang mahal niya, but don't worry hindi ko kayo gugulohin" natatawang sabi niyaI chuckled "Yeah, I'm so lucky. I couldn't ask for more" sabi ko at ngumiti naman saakin si Jasper "But I really wanna thank you for not leaving her noong mga oras na kailangan niya ng kasama" dagdag ko"Hindi na kailangan Lace. Ginawa ko 'yun dahil magkaibi

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 35

    "I never agreed on that engagement" sinserong sabi saakin ni LaceNasa rooftop pa rin kami ngayon habang nakaupo kami sa telang inihanda niya upang upoan namin habang mayroong maliit na mesa sa gitna namin kung saan nandoon ang mga pagkain na sabi niya'y siya mismo ang naghandaMayroong mga ilaw na dinisenyo sa paligid namin kaya nagkaroon kami dito ng liwanag. Mas nakikita ko ang magagandang mukha ni Lace at ang kagandahan ng mata niya. Iniwas ko sakanya ang paningin ko ng marealize na masyado na akong nakatitig sakanya"Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ninyo" sabi ko habang nilalaro ang tira tirang buto sa plato"Pero kung ano man ang narinig mo ay hindi totoo iyon" mahinahong sabi niyaIbinalik ko sakanya ang paningin ko kaya muling nagtagpo ang mga mata namin. Sa bawat pagtitig at pagbigkas niya ng mga salita saakin ay nararamdaman ko ang sinsiredad niya. Ramdam ko ang halo halong emosyon sakanya"I would rather be single for my w

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 34

    Nang makarating ako sa condo ay naligo ako agad dahil sa init na naramdaman ko. Nang matapos ay nagsuot ako ng maong shorts at hoodie jacket dahil naisipan kong bumili ng makakain sa malapit na convenience store dito sa condoWala na talaga akong pagkain dito sa condo, hindi pa ako nakakapag grocery. Ayoko lang talaga makasama si Lace kahit nag ki-crave ako ngayon ng steak!Nang makalabas ako ng condo ay dumiretso ako agad sa convenience store. Dala dala ko lang ang cellphone at wallet ko dahil pakatapos kong bumili ay babalik agad ako sa condo. 'Yung easy or ready to cook na ang bibilhin ko para hindi na ako mahirapanIginala ko agad ang paningin ko sa convenience. Naghanap ako ng pagkain na mabilis lang lutoin. Lumiwanag ang mukha ko nang makita ko ang noodles section at hinanap ko agad 'yung paborito ko. Kumuha ako ng dalawang cup noodles at pumunta ako sa may mga inumin at kumuha ng isang cold green tea. Abot tenga ang ngiti ko dahil nawala na sa isip

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 33

    "Good morning Ma'am Yna"Napakunot ang noo ko nang agad agad akong lapitan ni Eva na abot tenga ang ngiti nang batiin ako. Sumabay siya saakin sa paglakad papunta sa opisina ko at hindi pa rin maalis ang ngiti niya at titig na titig saakin"Good morning Eva" bati ko naman sakanya at mas ngumiti pa siya habang hindi pa rin inaalis ang tingin niya saakin "Grabe ka makatitig ha, may binabalak ka bang masama?" pabirong tanong ko sakanyaIpinihit ko ang door knob ng pinto ng opisina ko at agad agad na pumasok doon ngunit natigil lamang ako nang makitang mayroon nanamang isang bouquet ng bulaklak at isang hot choco ng star bucks sa ibabaw ng mesa koNang makalapit ako sa mesa ko ay naagaw agad ng pansin ko ang nakatiklop na papel na nakadikit sa bulaklakIbinaba ko ang hawak kong bag sa upoan ko at saka kinuha ang papel na kulay dilaw. Hindi ko pa man nabubuksan ang papel ay ramdam ko na ang ngiti sa labi koMy Love,

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 32

    "Have you ever thought of the gender of our child? If... nabuhay siya?" tanong ni Lace habang pareho na kaming nakaupo sa bench at tinitignan ang mga bituin sa langitNapangiti naman ako kahit na may bahid na kirot sa dibdib ko "Hindi ko alam, pero gusto ko lalaki" sabi ko habang nasa bituin pa rin ang mga tinginNaramdaman ko ang pag lingon niya saakin ngunit hindi ko siya nagawang balingan"For me, kahit anong gender niya, I know I will love the child with all my heart. As long as you are the mother" sambit niyaNapayuko naman ako at pinaglaruan ang mga kuko ko "Siguro nga ay tama lang iyong nangyari noon" sabi koAlam kong nakatitig pa rin saakin si Lace ngunit hindi ko pa rin siya binibigyan ng tingin"Ayaw ko rin naman maranasan ng anak ko ang hindi kompletong pamilya" dagdag koNapalingon ako sa gawi niya at nagtagpo ang mga mata namin. Nakita ko ang paglunok niya at pilit na ngumiti saakin"Yeah... I know the feeling" sa

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 31

    TW!: (will include about depression)"Tahan na" pag aalo saakin ni Lace habang yakap yakap pa rin namin ang isa't isa"Paano? P-paano L-lace?" patuloy lang ang paghikbi ko at kahit pagbigkas ng pangalan niya ay ang sakit para saakin "Paano ako tatahan k-kung... kung sobra mo akong n-nasaktan"Naramdaman ko ang pagtigil niya sa paghaplos sa likod ko. Kahit ang bilis ng tibok ng puso niya ay ramdam ko"I'm sorry" tanging sabi niyaInalis ko ang pagkakayakap namin at pinunasan ko ang mga luha ko. Nang ibinalik ko ang tingin ko kay Lace ay nakatitig lamang siya saakin, na para bang sinasaulong muli ang mukha koBiglang namungay ang mga mata niya at nakita ko ang paglunok niya ng mariin. Iniangat niya ang kamay niya at dahan dahan niyang hinawakan ang kabilang pisngi koHindi ko manlang nagawang mag protesta dahil sa ginawa niya. Hinayaan ko lamang siyang hawakan ang pisngi ko hanggang sa makita ko ang pamamasa ng mga mata niya at saka tum

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 30

    "Nandito na 'ko sa parking lot Yna""Sige pababa na"Ngayon ang araw ng birthday ni Tito Alonzo. Hindi ako kumain ng kanin buong araw para lang hindi ako ma bloated dahil sa red silk dress na suot ko ngayon. Siyempre, bongga'ng party, bongga'ng suot din. Dala ko rin ang silver Prada pouch bag na niregalo saakin ni Isha, para may malagyan ako ng cellphone, wallet and pang retouch ko. Ako lang rin ang nag ayos sa sarili ko dahil kapag kumuha pa ako ng make up artist ay baka ako ang mapagkamalan na may birthdayNang makarating ako sa parking lot ay nakita ko agad si Jasper. Napataas pa ang kilay ko nang makita ang kabuoan niya. Naka black coat at black slacks siya habang sa loob naman ng coat niya ay ang kulay maroon na turtle neck na bagay na bagay sakanya. Terno ang kulay ng suot namin ni Jasper ngayon dahil kami raw ang magka partner. Sabi kasi ni Isha ay kailangan may partner daw. Hindi ko tuloy alam kung birthday party ba talaga ang aattendan namin

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 29

    Dali dali akong lumabas ng opisina ni Lace nang maramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko. Wala na ba siyang ibang alam na gawin kundi ang paiyakin ako?! Potangina namanAgad akong napapunas ng luha ko nang may biglang kumatok sa pinto ng opisina ko"Ma'am Yna kumusta ang meet--"Naputol ang sasabihin ni Eva nang titigan niya ako. Napakunot ang noo niya at bakas sa mukha ang pag aalala. Nahalata niya atang umiyak ako. Agad kong iniwas sakanya ang paningin ko"Hala Ma'am okay ka lang?" nag aalalang tanong niya"O-oo naman!" sabi ko saka kinuha ang cellphone ko "Nakakaiyak lang 'yung pinapanuod kong kdrama" pagsisinungaling koBahagya naman siyang natawa "Grabe Ma'am sana lahat talaga madaming time 'no" pabiro niya ngunit tinaasan ko lamang siya ng kilay"Joke lang Ma'am ito naman!" pagbabawi niya at natawa pa ngunit tinarayan ko lamang siya at inabala nalamang ang sarili ko sa pag aayos ng mga papel sa mesa ko"Kaya naman

DMCA.com Protection Status