"Isha! Mag ka block ulit tayoooo!" sigaw ko at saka niyakap si Isha, nasa tapat kami ngayon ng CBA office at tinitignan ang schedule namin habang hawak hawak naman namin ang matriculation na kinuha galing sa accounting office matapos mag enroll
"Tanga! Malamang nagkopyahan tayo ng codes" sabi niya at tinarayan ako ngunit napangiti parin naman sa reaksyon ko
2nd year college na kami ngayon ni Isha, Uncean kami at pareho rin kami ng course which is Financial Management. Pinili ko talaga ang kurso ko dahil yun ang gusto ko. Hindi naman ako prinessure ng mga magulang ko, kahit na pareho silang Physical Therapist, ay sinuportahan parin nila ako sa gusto kong kurso.
Si Isha noong simula ay ayaw niya sa kurso niya, ngunit nakikita ko na rin naman na nagkakaroon na siya ng interes rito. Konektado rin naman ang kurso niya sa future niya dahil siya rin naman ang mamamahala ng sarili nilang bangko dito sa Bicol. In short, wala siyang choice
Narito na kami sa room para sa una naming subject ngayong araw which is Readings on Philippine History. Hay nako! Hate ko pa naman ang History. 75 pa 'ko sa Araling Panlipunan noong high school!
Mostly, kapag first day of class hindi pumapasok ang prof, pero pumunta parin kami ni Isha sa room. Mahirap na at baka napaka sipag ng prof namin at pumasok ngayon
Habang naghihintay ay nanonood lang ako sa youtube ng vlogs ni Alex Gonzaga. Parang pareho kasi kami ng personality, yung 101% ang kalokohan
Natigil ako sa panonood nang bigla akong kurutin ni Isha sa bewang ko kaya pinandilatan ko naman siya
"Gago aray ko! Anong problema mo?!" sabi ko sakanya habang hawak hawak ang bewang ko dahil masakit ang pagkakakurot niya
"Yung crush mo! Kaklase natin!" mahinang sabi niya kaya natigilan naman ako. Automatic na lumingon ako sa pinto kung nasaan si Jasper, ang crush ko!
"Shit, si Jasper kaklase natin?!" mahinang sabi ko kay Isha, hindi makapaniwala habang hindi ko inaalis ang tingin sa crush ko
"Oo! Diba engineering yan? Paano 'yan napunta dito?" tanong niya sa'kin
"Malamang minor subject lang naman 'to. Kahit ibang department pwede natin maging kaklase" paliwanag ko, kinikilig parin
Para akong mapuputulan ng hininga ng tumingin si Jasper sa gawi namin ni Isha. Mas lalong di ako nakagalaw nang kumaway siya saakin at saka ngumiti
Hindi agad ako nakapag response sakanya dahil natulala ako at kinausap siya ng kaibigan niya. Punyeta ang heartbeat ko!
"Hoy ang landi mo! Kinawayan ka" sabi ni Isha at natatawa
"Hala gago totoo pala 'yun? Kinawayan niya ako tapos... tapos nag smile siya?" sabi ko kay Isha dahil hindi parin ako makapaniwala
"Joke! Panaginip mo lang talaga 'yun" pagloloko saakin ni Isha kaya tinarayan ko siya
"Buraot!" sabi ko sakanya at kinuha ulit ang phone ko para i-take note ang oras at nangyari kanina
July 9, 10: 28 AM
Kinawayan at nag smile saakin si Jasper AAAAAH <3
Para na akong bulate sa sobrang kilig na nararamdaman ko at hindi ko alam kung anong posisyon ko sa pag upo ko. Grabe yung puso ko naman kasi Jasper enebe!
"Parang tanga" sabi sa'kin ni Isha nang hindi ako mapakali at hindi maalis ang kilig sa sistema ko. Panira talaga to kahit kalian!
Halos 30 mins na kami naghihintay sa prof pero hindi pa dumarating. Ang iba kong kaklase ay nagsisilabasan na dahil alam nilang hindi na papasok ang prof. Sabi kasi sa handbook ng UNC, kapag 30 mins nang wala ang prof pwede na lumabas ang estudyante, kaya 'yun naman ang sinusunod namin.
Nang makita kong tumayo na si Jasper at handa nang lumabas ng room ay hinatak ko na agad si Isha palabas ng room para masundan naming si Jasper
"Pucha! Aray ko ang sakit akin na kamay ko gago!" reklamo ni Isha ng mahigpitan ko ang hawak ko sa palapulsohan niya. Binitawan ko naman agad ang kamay niya at nag peace sign ngunit tinarayan niya lamang ako.
Dahil swerte nga ako ngayon ay nang makalabas kami ng room, kakalabas lang din ni Jasper at ng kaibigan niya kaya nagawi ang tingin niya saamin. At dahil makapal ang mukha ko ay kinawayan ko siya
"Hi, Jasper!" sabi ko at lumapit sakanya, iniwan ko si Isha
"Hello!" sabi niya rin saakin, at kumaway
"Ahm.. ah Yna" pagpapakilala ko at naglahad ng kamay sakanya, nagulat ako nang tanggapin niya ang kamay ko
"Jasper" tipid na sabi niya at ngumiti, sa sobrang pagkabigla ko ay hindi ko na mabitawan ang kamay niya. Nataohan lang ako nang pumeke siya ng ubo at tinignan ang kamay namin na magkahawak pa.
Binitawan ko naman agad iyon at dumaloy na sa buong katawan ko ang kahihiyan, jusko naman Alyanna!
"Ah eh hehe" hindi ko na tuloy alam ang sasabihin ko dahil sa kahihiyan at sa ngiti niya "Ah.. ay oo naman kilala na kita Jasper! Tennis player ka eh, sikat sa UNC!" pagbibiro ko at pinilit na tumawa
Natawa rin siya sa sinabi ko at pinilig ang ulo "Grabe hindi naman ako sikat" sabi niya at tumawa na rin, naputol ang tawanan naming nang umepal na ang pinaka epal sa buong mundo
"Hoy Alyanna gutom na ko kain na tayo! Landi mo" sabi niya kaya pinanlakihan ko naman siya ng mata
"Kakain na kayo? Tara sama na kayo samin ni Hero" sabi ni Jasper, tinutukoy ang kaibigan niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko, niyaya niya kami mag lunch? Holy shhhh
"Sige na okay lang diyan lang kami sa bambam's para mala-" pinutol ko na agad ang sinasabi ni Isha
"Saan kayo kakain? Sige tara sama kami ni Isha!" biglang sabi ko at binantaan na ang kaibigan ko na 'wag nang magsasalita at pumayag nalang
"Sige, sa footlongan kami eh, labas pa ng campus, G?" tanong ni Jasper
"G! Sakto nag ccrave ako ng tapa" masayang sabi ko kaya napangiti naman siya
"Hoy gago sabi mo kanina nuggets kini-crave mo, bakit naiba?" singit ni Isha, panira nanaman
"Alam mo konti nalang itatahi ko na bunganga mo" mahinang sabi ko kay Isha, binabantaan siya kaya tinarayan niya lamang ako. Defeated.
"So, tara?" nabaling ulit ang atensyon ko kay Jasper at sinang-ayonan siya
Naglalakad na kami papunta sa footlongan nang mag open ulit ako ng topic kay Jasper para makausap siya
"So, kalian ulit ang laro niyo?" tanong ko, hindi mawala ang ngiti sa labi ko
"Next month pa, basketball tournament ngayong July eh" sagot niya naman at nginitian ako
Jusko Jasper 'wag kang ganyan. 'Yang ngiti ngiti na yan, nako! Iisipin kong type mo rin ako!
"Ikaw Yna, mahilig ka ba sa sports?" tanong ni Jasper, nauuna kaming maglakad at nasa likod naman namin si Isha, at Hero, kaibigan ni Jasper
"Ahm, gymnast ako pero noong highschool lang" sagot ko
"Wow ang galling mo naman" pagmamangha niya sa akin
Natawa naman ako "Mas magaling ka" sabi ko at natawa naman kami pareho
Naputol ang usapan namin nang makarating na kami sa footlongon. Dinadayo to ng mga taga Ateneo at UNC dahil mura at masarap ang pagkain dito. Nang makapasok kami ay punoan na ngunit sakto naman at paalis na yung mga Atenista na kakatapos lang kumain kaya nakaupo agad kami.
Sa likod naming ay mga lalaking taga Ateneo rin. Maingay sila at ang lalakas ng tawa. Grabe naman kaligayahan ng mga 'to!
"Hoy Jasper!" kahit hindi naman ako ang tinawag ay lumingon parin ako sa pinanggalingan ng tumawag kay Jasper. Isa 'yun sa mga lalaking maiingay sa likod ng inuupoan namin.
"Hey, Archie" lumapit naman si Jasper sa lalaki, mukhang kaibigan niya.
Sa sobrang chismosa ko at hindi maalis ang tingin kay Jasper at sa kaibigan niya ay napakunot ang noo ko nang mapansin ang katabi ng kaibigan ni Jasper na nakatingin saakin. Pinag taasan ko siya nang kilay ngunit nginisihan niya lamang ako at pinagpatuloy ang pagkain niya ng fries.
Naagaw naman ni Isha ang atensyon ko nang tawagin niya ako "Ano kakainin natin dito?" tanong niya
"Kung ano kay Jasper" malanding sagot ko
"Kadiri ka" sabi niya at inismiran ako, itinuon na lamang ang pansin sa menu
Nang makabalik si Jasper ay umupo na siya sa harap ko. Dapat dito siya sa tabi ko, at dahil epal si Isha ay siya ang umupo sa upoan na dapat kay Jasper. Muntik ko pa siyang sabunutan.
"Ano sayo Jasp?" tanong ni Hero kay Jasper
"Tapa, ikaw Yna?" tanong niya saakin
"Ah.. eh yun na rin, tapa" nauutal na sabi ko at saka ngumiti kay Jasper
Si Hero at Isha ang nag order kaya naiwan kami ni Jasper sa mesa.
"Ah kaibigan mo?" turo ko doon sa kausap ni Jasper kanina
"Oo, mga basketball player ng Ateneo" sagot niya
Napa 'ohh' naman ako nang malaman na basketball player pala 'tong mga nasa likod namin, kaya pala ang tatangkad. Natawa ako nang tawanan ako ni Jasper dahil sa reaksyon ko
"Pare" naagaw ang atensyon ko sa kaibigan ni Jasper na taga ateneo nang lapitan kami nito
"Oh Arch, bakit?" tanong ni Jasper
Bago siya sagutin ng kaibigan niya ay tinignan niya muna ako at nag wink saakin. Napakunot ang noo ko dahil doon
"Girlfriend mo?" tanong ng kaibigan ni Jasper, tinutukoy ako
"Ah, hindi. Kaibigan ko" sagot naman ni Jasper. Ouch.
"So pwede pala 'to pormahan ni Lace" natatawang sabi niya at nakitawa na rin si Jasper. Parang pinag titripan ako ng mga 'to!
"Kung si Lace ang poporma, bakit ikaw ang nandito?" tanong ni Jasper, saka ako tinignan at nginitian. Pucha binubugaw ba ako ng crush ko?!
"Torpe si kupal" natatawang sabi ni Archie at nagulat nalang ako nang umupo siya sa tabi ko, na upuan ni Isha
"Pwede daw ba malaman pangalan mo, sabi nung kaibigan ko?" sabi ni Archie at tinuro ang kaibigan niya kaya napalingon naman ako. Nagulat ako na ang tinutukoy niya ay yung nakatingin saakin kanina. Ngayon ay abala siya sa cellphone niya.
"Ah eh... Yna" sagot ko
"Nice! So hi Yna, type ka nong kaibigan ko si Lace" nakangiting sabi niya saakin ngunit bago pa 'ko mag salita ay dumating na si Isha at matalim ang tingin kay Archie
"Bakit mo nilalandi ang kaibigan ko?" seryosong tanong ni Isha
Natawa naman si Archie at saka tumayo sa kinauupoan niya "Chill, hindi ko siya nilalandi. Lalandiin palang ng kaibigan ko" matapang na sagot niya
Tinarayan siya ni Isha "Layas" sabi niya at saka umupo sa tabi ko. Natawa nalang si Archie at nagpaalam kay Jasper na aalis na, pati na rin saakin kaya tinangoan ko lang siya at tipid na ngumiti
"Sinong Lace ang tinutukoy niya?" tanong ni Isha habang inaayos sa mesa ang pagkain namin
"Captain ng basketball sa Ateneo" nagulat ako nang si Jasper ang sumagot
Namilog naman ang mata ni Isha at lumingon sa likod namin, kung saan naroon ang mga basketball players
"Alin dyan?!" tanong ni Isha
Dahil hindi ako makasagot ay tumawa si Jasper at siya ang tumuro doon sa Lace
"Shit! Ang pogi! Lalandiin ka daw?! Hoy gago magpalandi ka na!" masiglang sabi ni Isha ngunit pinilig ko lang ang ulo ko at saka sinumulang kumain
"Type ka daw, Yna. Mukhang totoo naman kanina kapa tinitignan eh" sabi naman ni Hero. Automatic naman na napalingon ako sa likod at totoo nga, nakatingin na ulit siya ngayon saakin
Agad akong umiwas at pinagpatuloy ang pagkain. Nakita kong natatawa lang sila Jasper at kumain na rin. Tahimik lang kaming kumakain ngunit sa kalagitnaan ay bumalik si Archie sa mesa namin
"Yna, pwede daw ba malaman social media account mo? Saan ka ba active?" tanong niya
Sasagot na sana ako ngunit naunahan ako ni Isha "Sa twitter! Sa twitter siya active, madrama to sa buhay eh! Ako na mag sasabi ng username niya sabihin mo dun sa Lace mag dm agad ha?!" dirediretsong sagot ni Isha
Napakunot naman ang noo ni Archie sa kaibigan ko "Woah, kanina parang kakagatin mo na ko sa galit ng tingin mo saakin, tapos ngayon" di na pinatuloy ni Archie ang sasabihin at natawa nalang
"Huwag ka nang maraming sinasabi, eto" kumuha si Isha ng maliit na papel at ballpen saka isinulat ang username ko sa twitter. Aba! Hindi manlang ako tinanong ng bruhang 'to kung okay lang ba saakin!
@ynayv SINGLE, UNCEAN 2ND YEAR FM
Yan ang isinulat ni Isha sa papel saka ibinigay kay Archie, kinindatan naman ako ulit ni Archie at umalis na sa mesa namin
"Gago ka ba?! Bakit mo binigay?" mahinang sabi ko kay Isha
"May lalandi na sayong gwapo ayaw mo pa?!" sagot niya
"Parang tanga to bw-" di ko na natapos ang sasabihin ko nang mag vibrate ang cellphone ko at nakakita ng notif sa twitter. Agad ko itong binuksan at nakitang may message sa message request.
From: @lacemart
Hi, gorgeous :)
"Style niya bulok, parang bagang mo" sabi ko kay Isha habang nasa library kami at kinukulit niya parin ako doon sa ateneo guy."Ang dugyot Alyanna bwesit ka!" binatukan niya ako sabay tinarayan "Ayaw mo ba don sa hottie guy na captain ng bball? Seryoso kana?! Atenista na lumalapit sayo tanga!" pag pupumilit niya saakin doon sa Lace na 'yun"Depende kung engineering siya" natatawang sabi ko"Ang hilig mo sa engineering ayaw naman nila sayo" pang aasar sakin ni Isha"Foul na 'yun ha punyeta ka" sabi ko at tinarayan siya"Akin na nga kasi cellphone mo ako na mag rereply sakanya" pagpupumilit ulit ni Isha, at kinukuha ang cellphone sa bag ko ngunit pinigilan ko siya"Rereplyan mo?" tanong ko"Oo nga""Talaga?""Tangina OO""ASA KA ALISHA MARIE" pang aasar ko saka tumayo sa kinauupoan ko at iniwan siya, agad niya namang tinawag ang pangalan ko at saka siya pinagalitan ng librarian dahil sa pagsigaw niya. Loka loka tala
"Hoy! Uhaw na uhaw ka bang bruha ka?!" saway saakin ni Isha nang patuloy ang pag shot ko ng Embassy. Naka pitong shot na ata ako na dire-diretso, medyo nararamdaman ko na rin ang epekto ng alak"Pucha! Pang matanda naman 'tong pinainom mo saakin! Nag gin-dew nalang sana tayo sa apartment!" reklamo ko at nakakaramdam na ng hilo"Aba?! At nag reklamo ka pa talaga ha?!" sigaw saakin ni Isha para mas marinig ko siya dahil malakas ang music"Uwi na tayo, tangina alas dos na Alisha!" sabi ko at saka tumayo para umalis na ngunit mas uhaw ata si Isha dahil itinungga niya muna ang last shot bago siya nagpatianod sa hila ko"Teka naman, bwesit" reklamo niyaNararamdaman ko na ang hilo dahil sa rami ng nainom ko ngunit nakikita ko parin naman ang daan palabas sa bar. At dahil madaling araw na ay pahirapan ang tricycle dito, naghintay lang kami ng ilang minuto ni Isha para sa tricycle ngunit nagulat nalang ako ng may itim na sasakyan ang huminto sa tapat namin
"Ang sakit pa rin ng ulo ko pucha naman" reklamo ni Isha pakapasok palang namin sa room 2pm ang first class namin ngayong araw at pinagpapasalamat ko na nagising kami ng bandang alas dose, dahil kung hindi ay malalate kami o 'di kaya hindi kami makakapasok ngayong araw Pinandilatan ko ng mata si Isha dahil sa pagrereklamo niya "Karma mo 'yan" sabi ko ngunit nginusoan niya lang ako Halos hindi rin ako makatulog kagabi dahil sa nangyari at sa huling sinabi ni Lace saakin bago niya ko iwan na nakatunganga sa pinto ng apartment ko. Hanggang ngayon ay 'di ko maalis sa isip ko ang boses niya. Para itong musika na hindi na maalis sa tenga ko "Hoy! Tangina naman kanina pa 'ko nanghihingi ng one whole eh!" nabigla at nataohan ako nang sinigawan ako ni Isha "Ha?" tarantang tanong ko "Ha? Hansel Bautista!" Natawa nalang ako sa nang gigigil na mukha ni Isha. Ano ba naman kasi 'yan! Siya nanaman ang nasa isip ko, kagabi nga't 'di na ako nak
Nagising ako sa alarm ko kinaumagahan. Wala kaming pasok ngayong araw kaya ang balak ko ay mag wowork out ng kaunting oras dito lang sa loob ng apartment at mag gogrocery na rin ng mga kulang na pagkain ko dito.Napahawak nalang ako sa sentido ko dahil sa sakit nito. Napuyat ako kagabi at tinalo ko pa ang may hangover!Naalala ko kung gaano ako ka tanga kahapon! Napasabunot nanaman ulit ako sa sarili ko nang maalala ang mga ngiti ko kay Lace at ang huling sinabi ko.Dahil sa ilang at nataohan ako, hindi na ako makatingin sakanya at hindi ko na nalasap ang sarap ng lomi! Nako naman Lord, bakit gano'n!Matapos naming kumain ay inihatid niya lang ako sa tapat ng school dahil may pasok pa ako. Buong session ay hindi ako nagsasalita at hindi ko rin naintindihan ang lesson. Buti nalang at minor subject lang 'yon!Dahil din sa sistema ko kagabi ay na guilty si Isha dahil sa pag iwan niya saakin at wala na daw ako sa sarili at hindi na nag sasalita. Iniisi
Nang makarating sa parking lot ay nakita ko agad ang pamilyar na kotse. Hindi naman kalakihan ang parking lot dito kaya 'di na ako nahirapang hanapin ang sasakyan ni LaceNag suot lang ako ng black shorts at white hoodie jacket dahil malamig na sa labas. Itinali ko rin ang buhok ko para umaliwalas ang mukha koNang nasa tapat na ako ng sasakyan niya ay kinatok ko ang bintana ng nasa driver seat. Tinted ang sasakyan niya kaya 'di ko siya makita sa loobNang buksan niya ang bintana ay sumilay agad sa'kin ang ngiti niya. Ayan nanaman ang mga mata niya!"Ang ganda naman ng pulubi" sabi niyaNapakunot naman ang noo ko sa sinabi niya, did he just called me a beggar?!"Ano?!" inis na tanong ko ngunit tumawa lamang siya"Ay akala ko hihingi ka ng barya" pang aasar niya kaya pinandilatan ko naman siya at pinag krus ang kamay ko"Balik na 'ko sa taas" sabi ko at maglalakad na sana nang lumabas siya ng sasakyan at hinawakan ang braso ko
Natapos ako magpalit ng damit at nakita kong hinihintay na rin ako ni Lace. Naka black tshirt na rin siya ngayon, siguro ay mayroon siyang extra shirt na nasa kotse niya langPinagbuksan niya agad ako ng pinto at saka ko sinabi sakanya ang pangalan ng hospital kung nasaan si Papa. Halos isang oras ang byahe dahil sa lugar namin ang hospital, na labas pa ng NagaHindi ako umimik buong byahe dahil ang nasa isip ko lamang ay si Papa. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag nawala siya saamin.Buti at hinayaan lang ako ni Lace na manahimik. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi ko kasama ngayon si Lace. Sa gantong oras ay wala nang byahe papunta saamin, kaya kung wala ang kasama ko ngayon ay malabo na makapunta ako agad kay PapaNang marating namin ang hospital ay parang gusto ko nang tumalon at tumakbo para puntahan si Papa. Panibagong luha ang nag babadya sa mga mata ko ngunit nilakasan ko ang loob ko.Hindi ako iniwan ni Lace, sinamahan n
Malipas ang tatlong araw ay nagising na si Papa, ngunit patuloy pa rin ang pag momonitor sakanya. Sobrang saya namin ni Mama nang magising si Papa. 2 araw rin akong absent at buong weekend ay nandito lang ako sa hospital at uuwi lang kapag maliligo at magbibihis.Mabuti at sinisendan naman ako ni Isha ng mga notes niya tungkol sa mga subjects na hindi ko napasukan.Ngayong araw rin ililipat na si Papa sa isang private room at aalisin na ang mga apparatus na nakakabit sakanya. Masayang masaya si Mama at kwento lang ng kwento tungkol sa mga pasyente niya.Mamayang 11 am pa ang pasok ko, at bandang alas nwebe ay ililipat na si Papa ng kwarto. Balak ko sanang umalis kapag nailipat na si Papa ng kwarto ngunit napilit din nila ako na bumalik na ng Naga dahil baka mahuli ako sa pag pasok"Pa, 'wag mo na kasi kalimutan ang pag iinom mo ng gamot para ka namang 'di doktor" saway ko kay Papa ngunit natawa lang siya kaya nakitawa na rin si Mama"Yna, doktor ak
"Ahm.. Lace? Saan tayo pupunta?" kinakabahang tanong ko sa lalaking kasama ko na abala sa pag mamaneho at parang tanga na kanina pa nakangiti. Alas sais na ng gabi at kakatapos lang ng klase ko ay nasa labas na siya ng campus at hinihintay akoNapakunot siya ng noo ng makita ang reaksyon ko kaya nag iwas ako ng tingin at iginala ang mata sa bintana ng sasakyan"Hey, you look nervous, Wala akong gagawing masama" he chuckled"Wow, nasagot mo 'yung tanong ko. Galing" sabi ko at inirapan siyaNatawa naman siya at nagulat nalang ako ng bagalan niya ang pagmaneho at itinabi ang sasakyan niya"It's a surprise okay?" seryosong sabi niya habang nakatitig ang mga mata saakin"Surprise? Birthday ko ba? Ba't 'di ko alam?"Napailing naman siya sa sinabi ko at bahagyang natawa "I really like you.. Hahaha, I mean.. argh whatever" 'di niya na pinatuloy kung ano ba talaga ang gusto niyang sabihin"Awit ano daw" bulong koPinagpatuloy niy
"You can do it love, I love you so much" Halos mawasak na ang bawat dingding ng birthroom dahil sa sigaw ko. Wala akong ibang maramdaman kundi sakit at pagod habang umi-ire ako upang mailabas ang pangalawa naming supling ni Lace "Okay, last one Mommy, breath in.. and!" Matapos sabihin iyon ng doctor ay nakahinga ako ng malalim nang marinig ko ang pag iyak ng anak ko Naramdaman ko ang mas lalong pag higpit ng pagkakahawak ni Lace sa kamay ko. Naramdaman ko rin ang luhang tumulo mula sa kaliwang mata ko "Congrats Mommy and Daddy, here is your baby boy" sabi ng Doctor at ipinadapa sa dibdib ko ang anak ko Gusto kong umiyak nang makita ko ang pag galaw ng anak ko kasabay ng pag iyak niyo. Nilapitan agad iyon ni Lace at hinawakan ang kamay ng anak namin Napangiti ako nang makita na halos magkamukha lang sila. Carbon copy ng Daddy niya! Napasimangot ako sapagkat halos siyam na buwan na nasa sinapupunan ko ang anak ko, pero si
"Alam mo ba kung bakit ko siya nagustohan? At kung bakit hindi mawala ang nararamdaman ko sakanya?"Napalingon ako kay Jasper ng sabihin niya iyon ngunit ang paningin niya ay nasa hawak hawak niyang baso na may laman ng beerItinungga ko ang huling shot ko ng beer at inilagay iyon sa mesa"Why?" tanong ko sakanyaTumingin siya sa gawi ko at bahagyang natawa "Dude, she's the type of girl that you'll regret losing" sabi niya"I know right dude. Grabe 'yung pagsisisi ko noong iniwan ko siya" pag sang ayon koHumarap saakin si Jasper at tinapik ang balikat ko "You're so lucky. Ang swerte mo dahil ikaw ang mahal niya, but don't worry hindi ko kayo gugulohin" natatawang sabi niyaI chuckled "Yeah, I'm so lucky. I couldn't ask for more" sabi ko at ngumiti naman saakin si Jasper "But I really wanna thank you for not leaving her noong mga oras na kailangan niya ng kasama" dagdag ko"Hindi na kailangan Lace. Ginawa ko 'yun dahil magkaibi
"I never agreed on that engagement" sinserong sabi saakin ni LaceNasa rooftop pa rin kami ngayon habang nakaupo kami sa telang inihanda niya upang upoan namin habang mayroong maliit na mesa sa gitna namin kung saan nandoon ang mga pagkain na sabi niya'y siya mismo ang naghandaMayroong mga ilaw na dinisenyo sa paligid namin kaya nagkaroon kami dito ng liwanag. Mas nakikita ko ang magagandang mukha ni Lace at ang kagandahan ng mata niya. Iniwas ko sakanya ang paningin ko ng marealize na masyado na akong nakatitig sakanya"Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ninyo" sabi ko habang nilalaro ang tira tirang buto sa plato"Pero kung ano man ang narinig mo ay hindi totoo iyon" mahinahong sabi niyaIbinalik ko sakanya ang paningin ko kaya muling nagtagpo ang mga mata namin. Sa bawat pagtitig at pagbigkas niya ng mga salita saakin ay nararamdaman ko ang sinsiredad niya. Ramdam ko ang halo halong emosyon sakanya"I would rather be single for my w
Nang makarating ako sa condo ay naligo ako agad dahil sa init na naramdaman ko. Nang matapos ay nagsuot ako ng maong shorts at hoodie jacket dahil naisipan kong bumili ng makakain sa malapit na convenience store dito sa condoWala na talaga akong pagkain dito sa condo, hindi pa ako nakakapag grocery. Ayoko lang talaga makasama si Lace kahit nag ki-crave ako ngayon ng steak!Nang makalabas ako ng condo ay dumiretso ako agad sa convenience store. Dala dala ko lang ang cellphone at wallet ko dahil pakatapos kong bumili ay babalik agad ako sa condo. 'Yung easy or ready to cook na ang bibilhin ko para hindi na ako mahirapanIginala ko agad ang paningin ko sa convenience. Naghanap ako ng pagkain na mabilis lang lutoin. Lumiwanag ang mukha ko nang makita ko ang noodles section at hinanap ko agad 'yung paborito ko. Kumuha ako ng dalawang cup noodles at pumunta ako sa may mga inumin at kumuha ng isang cold green tea. Abot tenga ang ngiti ko dahil nawala na sa isip
"Good morning Ma'am Yna"Napakunot ang noo ko nang agad agad akong lapitan ni Eva na abot tenga ang ngiti nang batiin ako. Sumabay siya saakin sa paglakad papunta sa opisina ko at hindi pa rin maalis ang ngiti niya at titig na titig saakin"Good morning Eva" bati ko naman sakanya at mas ngumiti pa siya habang hindi pa rin inaalis ang tingin niya saakin "Grabe ka makatitig ha, may binabalak ka bang masama?" pabirong tanong ko sakanyaIpinihit ko ang door knob ng pinto ng opisina ko at agad agad na pumasok doon ngunit natigil lamang ako nang makitang mayroon nanamang isang bouquet ng bulaklak at isang hot choco ng star bucks sa ibabaw ng mesa koNang makalapit ako sa mesa ko ay naagaw agad ng pansin ko ang nakatiklop na papel na nakadikit sa bulaklakIbinaba ko ang hawak kong bag sa upoan ko at saka kinuha ang papel na kulay dilaw. Hindi ko pa man nabubuksan ang papel ay ramdam ko na ang ngiti sa labi koMy Love,
"Have you ever thought of the gender of our child? If... nabuhay siya?" tanong ni Lace habang pareho na kaming nakaupo sa bench at tinitignan ang mga bituin sa langitNapangiti naman ako kahit na may bahid na kirot sa dibdib ko "Hindi ko alam, pero gusto ko lalaki" sabi ko habang nasa bituin pa rin ang mga tinginNaramdaman ko ang pag lingon niya saakin ngunit hindi ko siya nagawang balingan"For me, kahit anong gender niya, I know I will love the child with all my heart. As long as you are the mother" sambit niyaNapayuko naman ako at pinaglaruan ang mga kuko ko "Siguro nga ay tama lang iyong nangyari noon" sabi koAlam kong nakatitig pa rin saakin si Lace ngunit hindi ko pa rin siya binibigyan ng tingin"Ayaw ko rin naman maranasan ng anak ko ang hindi kompletong pamilya" dagdag koNapalingon ako sa gawi niya at nagtagpo ang mga mata namin. Nakita ko ang paglunok niya at pilit na ngumiti saakin"Yeah... I know the feeling" sa
TW!: (will include about depression)"Tahan na" pag aalo saakin ni Lace habang yakap yakap pa rin namin ang isa't isa"Paano? P-paano L-lace?" patuloy lang ang paghikbi ko at kahit pagbigkas ng pangalan niya ay ang sakit para saakin "Paano ako tatahan k-kung... kung sobra mo akong n-nasaktan"Naramdaman ko ang pagtigil niya sa paghaplos sa likod ko. Kahit ang bilis ng tibok ng puso niya ay ramdam ko"I'm sorry" tanging sabi niyaInalis ko ang pagkakayakap namin at pinunasan ko ang mga luha ko. Nang ibinalik ko ang tingin ko kay Lace ay nakatitig lamang siya saakin, na para bang sinasaulong muli ang mukha koBiglang namungay ang mga mata niya at nakita ko ang paglunok niya ng mariin. Iniangat niya ang kamay niya at dahan dahan niyang hinawakan ang kabilang pisngi koHindi ko manlang nagawang mag protesta dahil sa ginawa niya. Hinayaan ko lamang siyang hawakan ang pisngi ko hanggang sa makita ko ang pamamasa ng mga mata niya at saka tum
"Nandito na 'ko sa parking lot Yna""Sige pababa na"Ngayon ang araw ng birthday ni Tito Alonzo. Hindi ako kumain ng kanin buong araw para lang hindi ako ma bloated dahil sa red silk dress na suot ko ngayon. Siyempre, bongga'ng party, bongga'ng suot din. Dala ko rin ang silver Prada pouch bag na niregalo saakin ni Isha, para may malagyan ako ng cellphone, wallet and pang retouch ko. Ako lang rin ang nag ayos sa sarili ko dahil kapag kumuha pa ako ng make up artist ay baka ako ang mapagkamalan na may birthdayNang makarating ako sa parking lot ay nakita ko agad si Jasper. Napataas pa ang kilay ko nang makita ang kabuoan niya. Naka black coat at black slacks siya habang sa loob naman ng coat niya ay ang kulay maroon na turtle neck na bagay na bagay sakanya. Terno ang kulay ng suot namin ni Jasper ngayon dahil kami raw ang magka partner. Sabi kasi ni Isha ay kailangan may partner daw. Hindi ko tuloy alam kung birthday party ba talaga ang aattendan namin
Dali dali akong lumabas ng opisina ni Lace nang maramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko. Wala na ba siyang ibang alam na gawin kundi ang paiyakin ako?! Potangina namanAgad akong napapunas ng luha ko nang may biglang kumatok sa pinto ng opisina ko"Ma'am Yna kumusta ang meet--"Naputol ang sasabihin ni Eva nang titigan niya ako. Napakunot ang noo niya at bakas sa mukha ang pag aalala. Nahalata niya atang umiyak ako. Agad kong iniwas sakanya ang paningin ko"Hala Ma'am okay ka lang?" nag aalalang tanong niya"O-oo naman!" sabi ko saka kinuha ang cellphone ko "Nakakaiyak lang 'yung pinapanuod kong kdrama" pagsisinungaling koBahagya naman siyang natawa "Grabe Ma'am sana lahat talaga madaming time 'no" pabiro niya ngunit tinaasan ko lamang siya ng kilay"Joke lang Ma'am ito naman!" pagbabawi niya at natawa pa ngunit tinarayan ko lamang siya at inabala nalamang ang sarili ko sa pag aayos ng mga papel sa mesa ko"Kaya naman