Share

Chapter 6

Author: Bow Arrow
last update Huling Na-update: 2021-06-30 13:31:12

Nang makarating sa parking lot ay nakita ko agad ang pamilyar na kotse. Hindi naman kalakihan ang parking lot dito kaya 'di na ako nahirapang hanapin ang sasakyan ni Lace

Nag suot lang ako ng black shorts at white hoodie jacket dahil malamig na sa labas. Itinali ko rin ang buhok ko para umaliwalas ang mukha ko

Nang nasa tapat na ako ng sasakyan niya ay kinatok ko ang bintana ng nasa driver seat. Tinted ang sasakyan niya kaya 'di ko siya makita sa loob

Nang buksan niya ang bintana ay sumilay agad sa'kin ang ngiti niya. Ayan nanaman ang mga mata niya!

"Ang ganda naman ng pulubi" sabi niya

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya, did he just called me a beggar?!

"Ano?!" inis na tanong ko ngunit tumawa lamang siya

"Ay akala ko hihingi ka ng barya" pang aasar niya kaya pinandilatan ko naman siya at pinag krus ang kamay ko

"Balik na 'ko sa taas" sabi ko at maglalakad na sana nang lumabas siya ng sasakyan at hinawakan ang braso ko

Dahil sa simpleng hawak niya ay parang may dumaloy na kuryente mula sa braso ko patungo sa buong katawan ko. Dahil sa naramdaman ay bumitaw ako sa pagkakahawak niya at pinandilatan siya

"Hey, I'm just kidding" malambing na sabi niya, kaya unti unting nawawala ang inis na nararamdaman ko

Nakita kong napangiti siya kay tinignan ko naman siya "Tara?" tanong niya

"K" tipid na sabi ko saka nilampasan ang sasakyan niya

"Wait where are you going?" biglang tanong niya kaya nilingon ko siya, hindi parin umaalis sa pwesto niya

"Edi ministop, 'di ba mag ka cup noodles ka?" tanong ko

"Yeah but aren't you going to ride?" tanong niya

Natawa naman ako "Luh awit ka malapit nalang dito ang ministop, pwede nang lakarin. Mahihirapan ka pa kung saan ipapark yang sasakyan mo" paliwanag ko

Napakamot naman siya sa batok niya saka tumango. Kinuha niya lang ang wallet niya at saka ang susi ng kotse niya

Habang nag lalakad kami ay nahalata ko ang suot niya, naka jersey short siyang blue kaya kitang kita ang haba ng legs niya, white shirt na tama lang sa hulma ng katawan niya at rubber shoes na parang bawal maapakan dahil mukhang mamahalin! Saan naman galling 'to?

"Ba't ganyan suot mo?" 'di ko na napigilan ang pagtanong

"Oh I came from training, kakatapos lang kanina" sagot niya kaya napatango nalang ako

Ilang minuto rin kaming natahimik ng muli siyang magsalita

"Ahm, sa UNC daw first game namin. Its two weeks from now. I hope you'll watch" sabi niya

Napalingon naman ako sakanya "Siguro makakapanuod talaga ako niyan, baka i-require kami ng prof namin sa PE" sabi ko

"Woah, that's great" sabi niya at ngumiti nanaman ng napakalaki kaya napangiti na rin ako

Nang makarating kami sa ministop ay kaunti lang ang tao kaya nakaupo kami agad. Hinayaan ko lang siya ang kumuha ng kakainin niya. Hindi ko rin naman alam kung ano ang kakainin ko

Habang nag iisip ng kakainin ay nagulat nalang ako ng umupo na si Lace sa harapan ko. Sa hawak niyang tray ay may dalawang seafood cup noodles at dalawang hot choco. Inilagay niya sa tapat ko ang tag isang cup noodles at hot choco kaya napakunot ang noo ko. Malaki ang ngiti sa labi niya ngunit nawala nang makita ang reaksyon ko

"Hey, are you okay? 'Di mo gusto?" nag aalalang tanong niya

"Dapat kanina mo tinanong kung anong gusto ko" mataray na sabi ko

Parang namutla siya sa sinabi ko kaya natawa naman ako sa loob loob ko. This kid!

"S-sorry ahm.. gusto mo ba b-bilhan kita ng-" 'di ko na siya pinatapos sa pag uutal utal niya ng salita

"But good choice. I like this" sabi ko sabay turo sa pagkaing nasa harap ko

Agad lumiwanag ang mukha niya at nabalik ang kaninang ngiti na hindi na maalis sa labi niya kaya nginitian ko na rin siya saka umiling

Kumain lang kami ng tahimik at talagang hindi maalis ang ngiti sa labi ng lalaking nasa harap ko. Na weweirdohan na 'ko sa lalaking 'to ha

Nang matapos ay hinayaan ko lang ang mata kong tignan ang tanawin sa labas, nasa may wall glass kami kaya nakikita namin ang mga sasakyang dumaraan

At the moment of silence, Lace cleared his throat kaya napalingon ako sakanya. Nakita ko ulit ang mga ngiti sa mata niya at tinignan ako ng seryoso

"Binibini, alam mo ba kung pa'no nahulog sa'yo" napataas ang kilay ko ng bigla nalang siya kumanta, ngunit sapat lang ang lakas nito para kami lang ang makarinig

Natawa muna siya saka ipanagpatuloy ang pagkanta "Naramdaman lang bigla ng puso.. Aking sinta ikaw lang nagparamdam nito.. Kaya sabihin mo sa'kin"

Gumagawa siya ng tunog gamit ang pagpukpok niya sa mesa at sinasabayan ang beat ng kinakanta niya

Ako naman ay ibinalik ang tingin sa labas at tinignan ang langit na parang malakas na ulan ang ibabagsak nito. Ramdam ko pa rin ang malalalim na titig saakin ni Lace habang kumakanta siya, napangiti nalang ako. Parang ang saya naman ng puso ko ngayon

"Ang tumatakbo sa isip mo, kung mahal mo na rin ba ako?"

Nang napalingon ako sakanya ay sakto ang pagbagsak ng malakas na ulan. Dahil sa malalalim niyang titig ay nadala na rin ako. Kasabay ng kilig na nasa puso ko ang ulan at ng malamig na hangin na nararamdaman ko, kilig sa puso ko ng dahil sa mga mata ng lalaking kaharap ko

"Tara, ligo tayo sa ulan" biglang sabi ko saka tumayo at handa nang lumabas sa convenience store

"Ha? Seryoso ko? Magkakasakit ka n'yan!" pagtatanggi niya ngunit tinarayan ko lang siya

"Ang killjoy mo naman pala" sabi ko saka siya tinalikuran at dire-direstso na akong lumabas. Naramdaman ko agad ang lamig sa may paanan ko dahil naka shorts lang ako. Naramdaman ko ang pag sunod saakin ni Lace

"Are you really serious, Yvonne?" tanong niya ulit pero hindi ko na siya sinagot dahil hinatak na ako ng ulan. Itinaas ko ang kamay ko para mas madama nito ang mga patak ng ulan.

Ngiti ang dumaloy sa labi ko, masaya ako ngayon. Masaya ang nararamdaman ko ngayon

Napalingon ako nang nasa tabi ko na si Lace. Nauulanan na din siya, dumadaloy sa maganda niyang mukha ang ulan na galing sa buhok niya. Napangiti ako, sinamahan niya ako. Sinamahan niya akong maramdaman ang saya ng pagligo sa ulan

"Masaya ako kapag naliligo ako sa ulan" sabi ko kay Lace

"I'll take note of that, baby" nakangiting sabi niya

Pareho naming itinaas ang kamay namin at saka umikot ikot. Wala na kaming pakialam sa makakakita saamin o kung tawagin man kaming baliw. We're having fun!

Naputol ang pagtawa ko nang kunin niya ang dalawang kamay ko. Nagulat ako ngunit hinayaan ko lang siyang hawakan ito. Malalalim ang tingin saakin ng magaganda niyang mata

Inilagay niya ang dalawa kong kamay sa magkabilang braso niya. Kahit gulat ay hindi ko inalis ang kamay ko sa pinaglagyan niya. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko nang hawakan niya ang bewang ko

Alam kong nakikita niya ang gulat sa mga mata ko kaya binigyan niya ako ng ngiti. Ngiti na nakakahawa

"Isayaw mo ako, sa gitna ng ulan mahal ko" ipinagpatuloy niya ang pagkanta niyang naputol kanina

Habang patuloy ang pagtulo ng tubig ulan sa mukha ko at 'di ko mapigilang mapaluha. Dahil ba 'to sa sayang nararamdaman ko? Alam kong hindi ito dahil sa lungkot sapagkat wala akong nararamdamang lungkot ngayon

"Kapalit man nito'y buhay ko.. Gagawin ang lahat para sa'yo"

Napapikit ako ng mata dahil nararamdaman ko na ang pagpatak ng luha ko. Lace, bakit mo ako pinapasaya ng ganito?

Napamulat ako ng hawakan at iangat ni Lace ang ibaba ng mukha ko. Saktong nagtama ang mga paningin namin at nakita ko kung gaano siya nagulat sa naluluha kong mata. Shit!

"H-hey what's wrong?" nag aalalang tanong niya

Inalis ko ang kamay ko sa magkabilang braso niya at pinahid ang luha sa mga mata ko. Bakit ba kasi ako naiiyak?!

"W-wala! masakit lang sa mata yung tubig ulan" pag sinungaling ko

Medyo humihina na ang ulan kaya ang ibang tao ay nagsisilabasan na rin sa ministop

"Uwi na tayo?" tanong niya at saka ko siya sinang ayunan

Pumasok muna si Lace sa loob ng ministop para kunin ang naiwan naming cellphone doon.

Nawala na ang ulan habang naglalakad kami pabalik sa apartment. Pareho kaming basa ngayon kaya para kaming mga basing sisiw na naglalakad

"Kapag nagkasakit ka dahil sa pagpapaulan natin, ako mag aalaga sa'yo ha" seryosong sabi niya at natawa naman ako

"Katulong ba kita? Kaya ko naman ang sarili ko. 'Di na kailangan ng taga alaga" sabi ko

"Kahit na, basta ha" sabi niya

Sasangayonan ko na sana siya ng biglang mag ring ang cellphone ko. Malapit na rin naman kami sa apartment. Nang makitang si Mama ang tumatawag ay ipinakita ko kay Lace kaya tinanguan niya naman ako

"Ma, bakit po?" tanong ko nang maisagot ang tawag

Ngunit bigla nalang akong kinabahan ng marinig ang hikbi ni Mama "Yna, anak.. ang Papa mo.. he's in critical c-condition right now.."

Para akong binagsakan ng isang mabigat na bagay dahil sa narinig ko. Bigla nalang tumulo ang luha ko at napatigil sa paglalakad. Dahil doon ay tumigil din si Lace at nang makita ang luha sa mata ko ay nanlaki ang mga magaganda niyang mata na ngayon ay puno ng pag aalala

"P-po?" dahil nag poproseso pa saakin ang sinabi ni Mama ay hindi ko alam ang sasabihin ko

"Please anak, pumunta ka rito we need you. Your Papa needs you" sabi ni Mama at hindi pa rin siya matigil sa pag iyak

Parang dinudurog ang puso ko, si Papa in critical condition at si Mama, umiiyak. Hindi ko kayang nahihirapan ang Papa ko at makitang umiiyak ang Mama ko.

Nang maibaba ni Mama ang tawag ay bigla ko nalang nabitawan ang cellphone ko at natulala sa kawalan habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa mata ko

"Yvonne what's wrong?!" pasigaw na tanong saakin ni Lace

Doon ako nataohan at bigla ko nalang siyang niyakap. Naramdaman ko rin ang pagyakap niya saakin, saka ako umiyak sa dibdib niya. Basang basa na ang mukha ko dahil sa luha, naramdaman ko ang paghalik ni Lace sa buhok ko

"Shh, baby tell me what's wrong?" malambing na tanong ni Lace

Hinarap ko siya at pinunasan ang mga luha sa mata ko "Si P-papa, k-kailangan kong pumunta ng h-hospital" nauutal na sabi ko at mabigat pa rin ang pakiramdam

Nakita ko ang pagtango ni Lace at hinawakan ang kamay ko "I'll go with you. We'll go to your Papa, but before that change your clothes first. Matutuyuan ka, magkakasakit ka niyan" sabi niya saakin

Napailing lang ako at tinignan siya sa mata "No, I need to go there. Papa needs me" sabi ko at patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko

"Please baby, change your clother first. We'll go there immediately after you change, I promise. 'Di kita iiwan" dahil sa malambing at malumanay na boses ni Lace ay napa tango nalang ako

'Di ko alam ang mararamdaman ko. Kung kanina lang ay masaya ako, ngayon ay iba na. Kabaliktaran na. Ang bilis naman magbago, Lord. Bakit kaunting minuto ko lang naramdaman ang gano'ng saya.

Sa kabila noon ay alam kong malalabanan ko ang lungkot na nararamdaman ko. I have Lace in my side. He told me he'll go with me and not leave me. I have his eyes on me..

Kaugnay na kabanata

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 7

    Natapos ako magpalit ng damit at nakita kong hinihintay na rin ako ni Lace. Naka black tshirt na rin siya ngayon, siguro ay mayroon siyang extra shirt na nasa kotse niya langPinagbuksan niya agad ako ng pinto at saka ko sinabi sakanya ang pangalan ng hospital kung nasaan si Papa. Halos isang oras ang byahe dahil sa lugar namin ang hospital, na labas pa ng NagaHindi ako umimik buong byahe dahil ang nasa isip ko lamang ay si Papa. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag nawala siya saamin.Buti at hinayaan lang ako ni Lace na manahimik. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi ko kasama ngayon si Lace. Sa gantong oras ay wala nang byahe papunta saamin, kaya kung wala ang kasama ko ngayon ay malabo na makapunta ako agad kay PapaNang marating namin ang hospital ay parang gusto ko nang tumalon at tumakbo para puntahan si Papa. Panibagong luha ang nag babadya sa mga mata ko ngunit nilakasan ko ang loob ko.Hindi ako iniwan ni Lace, sinamahan n

    Huling Na-update : 2021-06-30
  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 8

    Malipas ang tatlong araw ay nagising na si Papa, ngunit patuloy pa rin ang pag momonitor sakanya. Sobrang saya namin ni Mama nang magising si Papa. 2 araw rin akong absent at buong weekend ay nandito lang ako sa hospital at uuwi lang kapag maliligo at magbibihis.Mabuti at sinisendan naman ako ni Isha ng mga notes niya tungkol sa mga subjects na hindi ko napasukan.Ngayong araw rin ililipat na si Papa sa isang private room at aalisin na ang mga apparatus na nakakabit sakanya. Masayang masaya si Mama at kwento lang ng kwento tungkol sa mga pasyente niya.Mamayang 11 am pa ang pasok ko, at bandang alas nwebe ay ililipat na si Papa ng kwarto. Balak ko sanang umalis kapag nailipat na si Papa ng kwarto ngunit napilit din nila ako na bumalik na ng Naga dahil baka mahuli ako sa pag pasok"Pa, 'wag mo na kasi kalimutan ang pag iinom mo ng gamot para ka namang 'di doktor" saway ko kay Papa ngunit natawa lang siya kaya nakitawa na rin si Mama"Yna, doktor ak

    Huling Na-update : 2021-06-30
  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 9

    "Ahm.. Lace? Saan tayo pupunta?" kinakabahang tanong ko sa lalaking kasama ko na abala sa pag mamaneho at parang tanga na kanina pa nakangiti. Alas sais na ng gabi at kakatapos lang ng klase ko ay nasa labas na siya ng campus at hinihintay akoNapakunot siya ng noo ng makita ang reaksyon ko kaya nag iwas ako ng tingin at iginala ang mata sa bintana ng sasakyan"Hey, you look nervous, Wala akong gagawing masama" he chuckled"Wow, nasagot mo 'yung tanong ko. Galing" sabi ko at inirapan siyaNatawa naman siya at nagulat nalang ako ng bagalan niya ang pagmaneho at itinabi ang sasakyan niya"It's a surprise okay?" seryosong sabi niya habang nakatitig ang mga mata saakin"Surprise? Birthday ko ba? Ba't 'di ko alam?"Napailing naman siya sa sinabi ko at bahagyang natawa "I really like you.. Hahaha, I mean.. argh whatever" 'di niya na pinatuloy kung ano ba talaga ang gusto niyang sabihin"Awit ano daw" bulong koPinagpatuloy niy

    Huling Na-update : 2021-06-30
  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 10

    "Wait, Yvonne. What do you mean?" tanong ni Lace at hindi parin maalis ang gulat sa reaksyon niya"Hindi ko rin gets kaya 'wag mo na akong tanungin" sabi ko kahit ang totoo ay napakalakas na ng pintig ng puso ko at feeling ko nadulas ako dahil sa sinabi ko sakanya"C'mon just repeat what you have said. Make me understand" pagpipilit niyaInirapan ko naman siya sa kulit niya "May bayad na kapag inulit ko"Napabuntong hininga naman siya bilang pagsuko sa pagpipilit saakin. Napayuko siya at pinaglaruan ang kamay niya. Kumuha siya ng bote ng softdrinks at binuksan ito saka iniabot saakin. Dahil din nakaramdam ako ng uhaw sa sinabi ko kanina ay kinuha ko agad ang softdrinks na binigay niya at itinungga ito. Kahit hindi ako umiinom ng softdrinks ay wala akong choice at feeling ko nanuyo ang lalamunan ko"I thought you don't like softdrinks" saad niya"Pa'no mo nalaman?" nagtatakang tanong ko"I told you, it's been a year since I liked you"

    Huling Na-update : 2021-06-30
  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 11

    Matapos ang gabing 'yun, hindi na kami nakapag usap ni Lace. Punyeta matapos akong yayain ng date hindi na ako kakausapin?! Ewan ko ba, ghinost n'ya na ba ako? Well, paki ko naman sakanya 'di ba?Naging busy naman ako sa mga activities and school works namin, lalo na sa major todo aral ako. Madalas na rin akong makipag contact kay Mama or Papa para kumustahin ang lagay niya. Mabuti naman at okay na si Papa, kaya mas nakakapag focus ako sa pag aaral ko.7 pm nang matapos ang huling klase ko ngayong biyernes, nag paalam agad saakin si Isha dahil nandoon na raw ang driver niya at may family dinner sila. Napag desisyonan ko na rin umuwi at kanina ko pa gusto maligo.Pagkarating na pagkarating ko sa apartment ay dumiretso agad ako sa CR para maligo. Halos 20 minutes din akong nagbabad sa tubig at kulang nalang ay umidlip na ako do'n.Nang matapos ay pinatuyo ko agad ang buhok ko gamit ang tuwalya, suot ang dolphin shorts ko at ang over sized black shirt

    Huling Na-update : 2021-06-30
  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 12

    "I'm sorry, Yvonne"Natigilan ako ng sabihin 'yun ni Lace, ngunit hindi pa rin maalis ang lakas ng tibok ng puso ko. Mas dumoble lamang iyon nang bigla niyang iangat ang kamay kong hawak niya at itinapat iyon sa labi niya at marahang hinalikanHalos hindi na ako makahinga dahil sa ginawa ni Lace. Napabuntong hininga siya at malalim ang tingin saakin ng kanyang magagandang mata."I'm sorry, but.." napakunot ang noo ko ng tumigil siya at tumingin sa paanan namin"But?""I'm... I'm already falling.. I am already falling for you" sinserong sabi niya at nagtama ang paningin naminPara akong inaatake sa puso. Bakit ko naririnig ang mga ganitong salita na hindi ko inaasahan at sa taong hindi ko pa inaasahan? Bakit? Bakit parang gusto ko biglang yakapin si Lace dahil sa sinabi niya. Bakit parang nahuhulog ang loob ko dahil lang sa mga salita at ipinaparamdam niya?"Bakit ako?" nagtatakang tanong ko"Bakit hindi ikaw?" seryosong tanong

    Huling Na-update : 2021-06-30
  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 13

    "Ate it's so boring here, I want a new toy" biglang sabi ni Loi habang ako ay busy sa pag tupi ng mga damit ko na bagong laba"You have a lot of toys Loi, may robot ka ba nga'ng hawak" sagot ko sakanya"But I want a new one. I want to play arcades too! It's so boring here Ate" maarteng pagrereklamo niya at napakamot pa sa uloDahil wala na rin naman akong gagawin pakatapos nitong pagtutupi ko ay napag isipan ko na mabuti nga at lumabas kami ng kapatid ko. Kahit ako ay na boboring na rin."Okay I'll just finish this then I'll change my clothes okay?" pagsang ayon ko kay Loi kaya napangiti naman siya"Okay Ate!" masiglang sabi niyaNagbihis na din agad ako dahil nakaligo na rin naman ako kanina, hindi pa nga pala ako nag bi-breakfast kaya kakain na muna siguro kami Nang makalabas kami sa kwarto ay naghantay kami ng tricycle sa tapat ng building ng apartment papunta sa SM. Dahil din sa init ay nakikita ko na ang sunod sunod na magiging reklamo

    Huling Na-update : 2021-06-30
  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 14

    A week passed by, naging busy na ako sa acads ko. It's our pre-lim na rin kaya inaabala ko ang sarili ko sa pag aaral. Lalong lalo na sa major. Hindi na rin kami nag kita ni Lace after that damn first date dahil naging busy na rin siya sa acads niya and sa training niya. Bukas na ang first game nila, which will be held here at UNC Sports Palace. Nakakapag usap pa rin naman kami thru text but I barely reply. I always say to him na I'm busy, kahit minsan naman ay tulala ako at wala naman nang ginagawaHindi na rin ako nakipag kita pa kay Lace matapos ko silang iwan ni Erica dahil nagtext na rin si Mama na susundoin daw nila kami sa mall. Sinabi ko nalang din kay Lace thru text that our parents are already there to pick us up, then he just said 'Okay, take care'. Maybe it's in favor for him so he'll have his time for her fucking future girlfriend!Busy akong kumain ng chicken nuggets ko habang nakaupo sa bench near bambam's. Bigla akong nagulat nang may humawak bigla sa b

    Huling Na-update : 2021-06-30

Pinakabagong kabanata

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Special Chapter (1)

    "You can do it love, I love you so much" Halos mawasak na ang bawat dingding ng birthroom dahil sa sigaw ko. Wala akong ibang maramdaman kundi sakit at pagod habang umi-ire ako upang mailabas ang pangalawa naming supling ni Lace "Okay, last one Mommy, breath in.. and!" Matapos sabihin iyon ng doctor ay nakahinga ako ng malalim nang marinig ko ang pag iyak ng anak ko Naramdaman ko ang mas lalong pag higpit ng pagkakahawak ni Lace sa kamay ko. Naramdaman ko rin ang luhang tumulo mula sa kaliwang mata ko "Congrats Mommy and Daddy, here is your baby boy" sabi ng Doctor at ipinadapa sa dibdib ko ang anak ko Gusto kong umiyak nang makita ko ang pag galaw ng anak ko kasabay ng pag iyak niyo. Nilapitan agad iyon ni Lace at hinawakan ang kamay ng anak namin Napangiti ako nang makita na halos magkamukha lang sila. Carbon copy ng Daddy niya! Napasimangot ako sapagkat halos siyam na buwan na nasa sinapupunan ko ang anak ko, pero si

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Epilogue

    "Alam mo ba kung bakit ko siya nagustohan? At kung bakit hindi mawala ang nararamdaman ko sakanya?"Napalingon ako kay Jasper ng sabihin niya iyon ngunit ang paningin niya ay nasa hawak hawak niyang baso na may laman ng beerItinungga ko ang huling shot ko ng beer at inilagay iyon sa mesa"Why?" tanong ko sakanyaTumingin siya sa gawi ko at bahagyang natawa "Dude, she's the type of girl that you'll regret losing" sabi niya"I know right dude. Grabe 'yung pagsisisi ko noong iniwan ko siya" pag sang ayon koHumarap saakin si Jasper at tinapik ang balikat ko "You're so lucky. Ang swerte mo dahil ikaw ang mahal niya, but don't worry hindi ko kayo gugulohin" natatawang sabi niyaI chuckled "Yeah, I'm so lucky. I couldn't ask for more" sabi ko at ngumiti naman saakin si Jasper "But I really wanna thank you for not leaving her noong mga oras na kailangan niya ng kasama" dagdag ko"Hindi na kailangan Lace. Ginawa ko 'yun dahil magkaibi

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 35

    "I never agreed on that engagement" sinserong sabi saakin ni LaceNasa rooftop pa rin kami ngayon habang nakaupo kami sa telang inihanda niya upang upoan namin habang mayroong maliit na mesa sa gitna namin kung saan nandoon ang mga pagkain na sabi niya'y siya mismo ang naghandaMayroong mga ilaw na dinisenyo sa paligid namin kaya nagkaroon kami dito ng liwanag. Mas nakikita ko ang magagandang mukha ni Lace at ang kagandahan ng mata niya. Iniwas ko sakanya ang paningin ko ng marealize na masyado na akong nakatitig sakanya"Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ninyo" sabi ko habang nilalaro ang tira tirang buto sa plato"Pero kung ano man ang narinig mo ay hindi totoo iyon" mahinahong sabi niyaIbinalik ko sakanya ang paningin ko kaya muling nagtagpo ang mga mata namin. Sa bawat pagtitig at pagbigkas niya ng mga salita saakin ay nararamdaman ko ang sinsiredad niya. Ramdam ko ang halo halong emosyon sakanya"I would rather be single for my w

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 34

    Nang makarating ako sa condo ay naligo ako agad dahil sa init na naramdaman ko. Nang matapos ay nagsuot ako ng maong shorts at hoodie jacket dahil naisipan kong bumili ng makakain sa malapit na convenience store dito sa condoWala na talaga akong pagkain dito sa condo, hindi pa ako nakakapag grocery. Ayoko lang talaga makasama si Lace kahit nag ki-crave ako ngayon ng steak!Nang makalabas ako ng condo ay dumiretso ako agad sa convenience store. Dala dala ko lang ang cellphone at wallet ko dahil pakatapos kong bumili ay babalik agad ako sa condo. 'Yung easy or ready to cook na ang bibilhin ko para hindi na ako mahirapanIginala ko agad ang paningin ko sa convenience. Naghanap ako ng pagkain na mabilis lang lutoin. Lumiwanag ang mukha ko nang makita ko ang noodles section at hinanap ko agad 'yung paborito ko. Kumuha ako ng dalawang cup noodles at pumunta ako sa may mga inumin at kumuha ng isang cold green tea. Abot tenga ang ngiti ko dahil nawala na sa isip

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 33

    "Good morning Ma'am Yna"Napakunot ang noo ko nang agad agad akong lapitan ni Eva na abot tenga ang ngiti nang batiin ako. Sumabay siya saakin sa paglakad papunta sa opisina ko at hindi pa rin maalis ang ngiti niya at titig na titig saakin"Good morning Eva" bati ko naman sakanya at mas ngumiti pa siya habang hindi pa rin inaalis ang tingin niya saakin "Grabe ka makatitig ha, may binabalak ka bang masama?" pabirong tanong ko sakanyaIpinihit ko ang door knob ng pinto ng opisina ko at agad agad na pumasok doon ngunit natigil lamang ako nang makitang mayroon nanamang isang bouquet ng bulaklak at isang hot choco ng star bucks sa ibabaw ng mesa koNang makalapit ako sa mesa ko ay naagaw agad ng pansin ko ang nakatiklop na papel na nakadikit sa bulaklakIbinaba ko ang hawak kong bag sa upoan ko at saka kinuha ang papel na kulay dilaw. Hindi ko pa man nabubuksan ang papel ay ramdam ko na ang ngiti sa labi koMy Love,

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 32

    "Have you ever thought of the gender of our child? If... nabuhay siya?" tanong ni Lace habang pareho na kaming nakaupo sa bench at tinitignan ang mga bituin sa langitNapangiti naman ako kahit na may bahid na kirot sa dibdib ko "Hindi ko alam, pero gusto ko lalaki" sabi ko habang nasa bituin pa rin ang mga tinginNaramdaman ko ang pag lingon niya saakin ngunit hindi ko siya nagawang balingan"For me, kahit anong gender niya, I know I will love the child with all my heart. As long as you are the mother" sambit niyaNapayuko naman ako at pinaglaruan ang mga kuko ko "Siguro nga ay tama lang iyong nangyari noon" sabi koAlam kong nakatitig pa rin saakin si Lace ngunit hindi ko pa rin siya binibigyan ng tingin"Ayaw ko rin naman maranasan ng anak ko ang hindi kompletong pamilya" dagdag koNapalingon ako sa gawi niya at nagtagpo ang mga mata namin. Nakita ko ang paglunok niya at pilit na ngumiti saakin"Yeah... I know the feeling" sa

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 31

    TW!: (will include about depression)"Tahan na" pag aalo saakin ni Lace habang yakap yakap pa rin namin ang isa't isa"Paano? P-paano L-lace?" patuloy lang ang paghikbi ko at kahit pagbigkas ng pangalan niya ay ang sakit para saakin "Paano ako tatahan k-kung... kung sobra mo akong n-nasaktan"Naramdaman ko ang pagtigil niya sa paghaplos sa likod ko. Kahit ang bilis ng tibok ng puso niya ay ramdam ko"I'm sorry" tanging sabi niyaInalis ko ang pagkakayakap namin at pinunasan ko ang mga luha ko. Nang ibinalik ko ang tingin ko kay Lace ay nakatitig lamang siya saakin, na para bang sinasaulong muli ang mukha koBiglang namungay ang mga mata niya at nakita ko ang paglunok niya ng mariin. Iniangat niya ang kamay niya at dahan dahan niyang hinawakan ang kabilang pisngi koHindi ko manlang nagawang mag protesta dahil sa ginawa niya. Hinayaan ko lamang siyang hawakan ang pisngi ko hanggang sa makita ko ang pamamasa ng mga mata niya at saka tum

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 30

    "Nandito na 'ko sa parking lot Yna""Sige pababa na"Ngayon ang araw ng birthday ni Tito Alonzo. Hindi ako kumain ng kanin buong araw para lang hindi ako ma bloated dahil sa red silk dress na suot ko ngayon. Siyempre, bongga'ng party, bongga'ng suot din. Dala ko rin ang silver Prada pouch bag na niregalo saakin ni Isha, para may malagyan ako ng cellphone, wallet and pang retouch ko. Ako lang rin ang nag ayos sa sarili ko dahil kapag kumuha pa ako ng make up artist ay baka ako ang mapagkamalan na may birthdayNang makarating ako sa parking lot ay nakita ko agad si Jasper. Napataas pa ang kilay ko nang makita ang kabuoan niya. Naka black coat at black slacks siya habang sa loob naman ng coat niya ay ang kulay maroon na turtle neck na bagay na bagay sakanya. Terno ang kulay ng suot namin ni Jasper ngayon dahil kami raw ang magka partner. Sabi kasi ni Isha ay kailangan may partner daw. Hindi ko tuloy alam kung birthday party ba talaga ang aattendan namin

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 29

    Dali dali akong lumabas ng opisina ni Lace nang maramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko. Wala na ba siyang ibang alam na gawin kundi ang paiyakin ako?! Potangina namanAgad akong napapunas ng luha ko nang may biglang kumatok sa pinto ng opisina ko"Ma'am Yna kumusta ang meet--"Naputol ang sasabihin ni Eva nang titigan niya ako. Napakunot ang noo niya at bakas sa mukha ang pag aalala. Nahalata niya atang umiyak ako. Agad kong iniwas sakanya ang paningin ko"Hala Ma'am okay ka lang?" nag aalalang tanong niya"O-oo naman!" sabi ko saka kinuha ang cellphone ko "Nakakaiyak lang 'yung pinapanuod kong kdrama" pagsisinungaling koBahagya naman siyang natawa "Grabe Ma'am sana lahat talaga madaming time 'no" pabiro niya ngunit tinaasan ko lamang siya ng kilay"Joke lang Ma'am ito naman!" pagbabawi niya at natawa pa ngunit tinarayan ko lamang siya at inabala nalamang ang sarili ko sa pag aayos ng mga papel sa mesa ko"Kaya naman

DMCA.com Protection Status