"Ahm.. Lace? Saan tayo pupunta?" kinakabahang tanong ko sa lalaking kasama ko na abala sa pag mamaneho at parang tanga na kanina pa nakangiti. Alas sais na ng gabi at kakatapos lang ng klase ko ay nasa labas na siya ng campus at hinihintay ako
Napakunot siya ng noo ng makita ang reaksyon ko kaya nag iwas ako ng tingin at iginala ang mata sa bintana ng sasakyan
"Hey, you look nervous, Wala akong gagawing masama" he chuckled
"Wow, nasagot mo 'yung tanong ko. Galing" sabi ko at inirapan siya
Natawa naman siya at nagulat nalang ako ng bagalan niya ang pagmaneho at itinabi ang sasakyan niya
"It's a surprise okay?" seryosong sabi niya habang nakatitig ang mga mata saakin
"Surprise? Birthday ko ba? Ba't 'di ko alam?"
Napailing naman siya sa sinabi ko at bahagyang natawa "I really like you.. Hahaha, I mean.. argh whatever" 'di niya na pinatuloy kung ano ba talaga ang gusto niyang sabihin
"Awit ano daw" bulong ko
Pinagpatuloy niya na ang pagmamaneho niya at hindi ko nalang siya pinansin. Kapag nararamdaman kong napapatingin siya sa gawi ko ay tinitignan ko naman siya at sa huli ay ako ang umiiwas ng tingin dahil hindi ko kinakaya ang paninitig niya.
Matapos ang halos 30 minutes ay ipinarada niya ulit ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada. Nang tumigin ako sa labas ay ganon nalamang ang pagkamangha ko nang makita ang tanawin. Kitang kita ko ang mga ilaw galing sa mga gusali.
"Let's go?" naagaw ni Lace ang atensyon ko at tinangoan siya bilang tugon.
Hindi ko na siya hinintay pa na pagbuksan ako ng pinto dahil sa kagustohan kong mas makita ang tanawin. Agad kong naramdaman ang lamig mula sa paanan ko dahil naka skirt lang ako, uniform namin.
Nakita ko si Lace na nag latag ng isang malinis na tela sa damohan, sa harap ng magandang tanawin. Sinusunod ko lamang ang galaw niya habang inaayos niya ang tela at naglabas ng ilang chichiriya at inumin na nasa kotse niya.
Nang matapos siya ay naglahad siya ng kamay saakin at walang ano'y tinanggap ko naman. Inalalayan niya akong maupo sa telang inilatag niya. Agad kong niyakap ang sarili ng maramdaman ko ang lamig na dumaloy sa katawan ko.
Nagulat ako ng biglang tumayo si Lace at pumunta sa kotse niya, nang makabalik ay may dala na itong malaking jacket na may tatak pa ng ateneo, na paniguradong sakanya
"Wear this, it's really cold here" sabi niya at inabot saakin ang jacket niya
Nang hindi ko pa kinukuha ay nagulat nalamang ako ng siya na mismo ang nag lagay ng jacket sa balikat ko. Umayos na din siya ng upo at tinignan ang tanawin sa harap namin
Napatingin ako sa jacket na suot ko at amoy na amoy ko ang bango nito. Napangiti ako at tinignan si Lace na ngayon ay seryoso ang mukha
"Ang balimbing ko naman. Naka unc uniform pero ang jacket pang ateneo" sabi ko at natawa
Tinignan naman ako ni Lace at nakitawa na rin dahil sa sinabi ko "It fits you" nakangiting sabi niya, binabanggit ang jacket na suot ko
"Fit? Ang laki nga ng jacket mo" biro ko at bahagyang natawa
Napailing naman siya at ibinasa ang pang ibabang labi "No, I mean the color. Color blue fits in you" sabi niya
"Sorry ka, yellow favorite kong color" sabi ko at inirapan siya
"Noted" simpleng sabi niya at pareho kaming natawa
Nabalot kami ng katahimikan. Hinayaan niya akong bigyan ng oras ang magandang tanawin at gano'n din ako sakanya. Napalingon lamang ako sakanya ng nagpakawala siya ng mabigat na buntong hininga.
Ngayon ay kitang kita ko sa mata niya na parang may masakit siyang nararamdaman.
"Okay ka lang?" tanong ko at saka niya naman ako tinignan
Binigyan niya ako ng tipid na ngiti "I'm fine"
Ngunit alam at ramdam ko na parang hindi siya okay. Sa mga mata niya palang alam ko na.
"Lace, makikinig ako" seryosong sabi ko
Napayuko naman siya at napa buntong hininga ulit "Can you tell me about your family?"
Napakunot naman ang noo ko "Ha? Bakit?"
"Nothing. I just want to hear it. I want to know about the family of the woman I like" seryosong sabi niya
Hinayaan ko nalamang ang puso ko sa bilis ng tibok nito, at kahit ang pisngi ko ay ramdam ko na ang pamumula. "Panganay ako. May kapatid akong lalaki, si Aloicious, 5 years old. Loi tawag namin sakanya kasi ang weird ng pangalan niya" bahagya akong napatawa nang maalala ang kapatid ko, nakita ko naman na nasa akin lang ang atensyon ni Lace at pinakikinggan ang sinasabi ko
"Akala ko nga 'di na ako masusundan eh. Pero okay lang dahil ang saya no'n ni Papa dahil may anak na siyang lalaki. Hindi naman kami sobrang yaman, pareho Physical Therapist ang Mama at Papa ko. Pareho silang suportado sa lahat ng ginagawa ko simula bata palang ako. Tungkol naman sa course ko, okay lang din sakanila kahit 'di ko pinili ang nasa medical field. Masaya ako sa pamilya ko, ang swerte ko rin" patuloy ko at napangiti nang tignan si Lace
Nakita ko rin na napangiti siya at tumango "I can see how lucky your parents are" sabi niya
"Pa'no mo na say?" pagbibiro ko kaya natawa naman siya
"'Cause they have you. Cause you are their daughter. And I thank your parents because they have a daughter who gives happiness to others" seryosong sabi niya
Napangiti ako sa sinabi niya. Nakaramdam ng tuwa ang puso ko dahil sa lahat ng lalaking nakilala ko bukod sa Papa ko, ay siya ang nagparamdam saakin na worth it ako. Na may kwenta ako, sa sarili ko man o sa ibang tao.
"Alyanna Yvonne Bautista" banggit niya sa buong pangalan ko habang seryosong tinatanaw ang buwan sa langit "How can I reach you?" tanong niya, nasa buwan pa rin ang tingin
Habang abala siya sa buwan ay mas binigyan ko ng oras para suriin ang maganda niyang mukha. Mula sa makakapal niyang kilay, sa mahahaba niyang pilik mata, sa magaganda at mapupungay niyang mata, sa matangos niyang ilong, at sa mapupula niyang labi. Napangiti ako, pa'nong may ganito kagandang lalaki ang nagkagusto sa isang katulad ko?
"Bakit mo ako nagustohan, Lace?" napatingin siya saakin dahil sa tanong ko
Kahit kabado ay nakipag kompetensya ako sa lalim ng titig saakin na parang sinusuri ang buong mukha ko
"I don't question my feelings for you, I like you because you are you" seryosong sagot niya
Niyakap ko ang sarili ko at hinigpitan ang hawak sa jacket na nakayakap saakin. Ako naman ngayon ang nagbigay ng atensyon sa buwan na paunti unti nang tumatago sa ulap. Ramdam ko rin ang paninitig ni Lace saakin
"Kumain lang ako sa footlongan, nagustohan mo na 'ko" sabi ko at bahagyang natawa ng maalala kung saan nag simula, at bakit kami narito
"It's been a year since I like you" seryosong sabi niya kaya napalingon naman ako sakanya at nanlaki ang mga mata dahil sa sinabi niya
Natawa siya sa reaksyon ko at saka umiling "You look so shocked" sabi niya
"Anong it's been a year? Anong ibig mong sabihin?" nalilitong tanong ko
"Alyanna Yvonne Bautista, Financial Management major, paborito ang tapa at nuggets sa footlongan, paborito ang lomi sa Caramel, mahilig sa seafood cup noodles, at higit sa lahat mahilig sa engineering student at tennis player" dire diretsong saad niya
Nagulat naman ako "Pinag sasasabi mo?" sa dami ng sinabi niya ay mas nagulantang ako sa huli niyang binanggit, paano niya nalaman ang tungkol sa hilig ko sa engineering at.. tennis player? Alam niya ba ang tungkol sa pagka crush ko kay Jasper? Paano?!
"I'm not an engineering student, and of course I'm not a tennis player. Do'n palang, talo na ko" natatawang sabi niya ngunit sa pagsasalita niya ay parang nasasaktan siya
Napataas naman ang kaliwang kilay ko "Sadboi yarn?" pambabara ko at pareho kami natawa
"You have a crush on Jasper right?" tanong niya
"Chinismis ba 'yan sa'yo ni Isha?" tanong ko rin at na alala ang kaibigan kahit pa alam kong 'di naman sila close o nag uusap ni Isha. Wait, 'di ako sure?
Umiling naman siya "No, I noticed it. They way you cheered him every time he play, the way you shout his name, and the way you giggled every time he noticed you"
"Secret lang natin yan ha" sabi ko
"So you really have a crush on Jasper?"
"Oo, tagal na" pag aamin ko
"Then, that's the most painful secret I'll ever keep" seryosong sabi niya at tumingin ulit sa madidilim na ulap
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Painful? Gaano niya na ba ako kagusto para masaktan siya?
"Lace" tawag ko sakanya kaya nabalik saakin ang atensyon niya, at kitang kita ko kung gaano kalungkot ang mga mata niya
"Hmm?" simpleng tugon niya
"Tae ka ba?" seryosong sabi ko ngunit nangunot lamang ang noo niya nang marinig ang sinabi ko
"What?!" gulat na sabi niya
Napairap naman ako "Sabi ko, tae ka ba?"
"What do you mean, Yvonne? What kind of question is that?" natatawang sabi niya
Ako naman nauubosan na ng pasensya at handa na siyang batukan, napaka seryoso ko at ng tanong ko tatawanan niya lang ako?!
"Sasagot ka o tatapon kita do'n sa building na 'yon" turo ko sa pinakamataas na building na nasa dulo ng tanawin na nakikita namin
Napataas naman siya ng kilay "Woah, you're scary" saad niya at natatawa pa
"Ano nga? Sagot na kasi" pangungulit ko
"What?" nakakunot noo niyang tanong
Pucha.
"Tae ka ba?"
"No of course, why?" sa wakas.
"Hindi kasi kita mapigilan eh"
"The fuck?!" sabi niya at natawa kaya nahawa na rin ako sa tawa niya
"Bunganga mo" sabi ko at nagtatawanan pa rin kami
"What is that, Yvonne. You're really something hahaha" sabi niya
"Pero seryoso, para kang tae, 'di kita mapigilan" seryosong sabi ko
Natigil na din siya sa pag tawa at humarap saakin "Why? What do you mean?"
Napabuntong hininga ako saka ko rin siya binigyan ng malalalim na titig
"Hindi kita mapigilan na gustohin ako dahil hindi ko na rin mapigil ang sarili kong magka gusto sa'yo"
There. I already said it. I saw how his beautiful eyes shines the way how stars from above shines for us. My feelings for him is like the moon. The moon whose keep on hiding on the clouds but everytime the earth rotates, it is still keep on showing.
If the time has come for me to love him, I know it will be like a rain. I will like to love him the way I like the rain.
Ramdam ko na mamahalin ko siya...
"Wait, Yvonne. What do you mean?" tanong ni Lace at hindi parin maalis ang gulat sa reaksyon niya"Hindi ko rin gets kaya 'wag mo na akong tanungin" sabi ko kahit ang totoo ay napakalakas na ng pintig ng puso ko at feeling ko nadulas ako dahil sa sinabi ko sakanya"C'mon just repeat what you have said. Make me understand" pagpipilit niyaInirapan ko naman siya sa kulit niya "May bayad na kapag inulit ko"Napabuntong hininga naman siya bilang pagsuko sa pagpipilit saakin. Napayuko siya at pinaglaruan ang kamay niya. Kumuha siya ng bote ng softdrinks at binuksan ito saka iniabot saakin. Dahil din nakaramdam ako ng uhaw sa sinabi ko kanina ay kinuha ko agad ang softdrinks na binigay niya at itinungga ito. Kahit hindi ako umiinom ng softdrinks ay wala akong choice at feeling ko nanuyo ang lalamunan ko"I thought you don't like softdrinks" saad niya"Pa'no mo nalaman?" nagtatakang tanong ko"I told you, it's been a year since I liked you"
Matapos ang gabing 'yun, hindi na kami nakapag usap ni Lace. Punyeta matapos akong yayain ng date hindi na ako kakausapin?! Ewan ko ba, ghinost n'ya na ba ako? Well, paki ko naman sakanya 'di ba?Naging busy naman ako sa mga activities and school works namin, lalo na sa major todo aral ako. Madalas na rin akong makipag contact kay Mama or Papa para kumustahin ang lagay niya. Mabuti naman at okay na si Papa, kaya mas nakakapag focus ako sa pag aaral ko.7 pm nang matapos ang huling klase ko ngayong biyernes, nag paalam agad saakin si Isha dahil nandoon na raw ang driver niya at may family dinner sila. Napag desisyonan ko na rin umuwi at kanina ko pa gusto maligo.Pagkarating na pagkarating ko sa apartment ay dumiretso agad ako sa CR para maligo. Halos 20 minutes din akong nagbabad sa tubig at kulang nalang ay umidlip na ako do'n.Nang matapos ay pinatuyo ko agad ang buhok ko gamit ang tuwalya, suot ang dolphin shorts ko at ang over sized black shirt
"I'm sorry, Yvonne"Natigilan ako ng sabihin 'yun ni Lace, ngunit hindi pa rin maalis ang lakas ng tibok ng puso ko. Mas dumoble lamang iyon nang bigla niyang iangat ang kamay kong hawak niya at itinapat iyon sa labi niya at marahang hinalikanHalos hindi na ako makahinga dahil sa ginawa ni Lace. Napabuntong hininga siya at malalim ang tingin saakin ng kanyang magagandang mata."I'm sorry, but.." napakunot ang noo ko ng tumigil siya at tumingin sa paanan namin"But?""I'm... I'm already falling.. I am already falling for you" sinserong sabi niya at nagtama ang paningin naminPara akong inaatake sa puso. Bakit ko naririnig ang mga ganitong salita na hindi ko inaasahan at sa taong hindi ko pa inaasahan? Bakit? Bakit parang gusto ko biglang yakapin si Lace dahil sa sinabi niya. Bakit parang nahuhulog ang loob ko dahil lang sa mga salita at ipinaparamdam niya?"Bakit ako?" nagtatakang tanong ko"Bakit hindi ikaw?" seryosong tanong
"Ate it's so boring here, I want a new toy" biglang sabi ni Loi habang ako ay busy sa pag tupi ng mga damit ko na bagong laba"You have a lot of toys Loi, may robot ka ba nga'ng hawak" sagot ko sakanya"But I want a new one. I want to play arcades too! It's so boring here Ate" maarteng pagrereklamo niya at napakamot pa sa uloDahil wala na rin naman akong gagawin pakatapos nitong pagtutupi ko ay napag isipan ko na mabuti nga at lumabas kami ng kapatid ko. Kahit ako ay na boboring na rin."Okay I'll just finish this then I'll change my clothes okay?" pagsang ayon ko kay Loi kaya napangiti naman siya"Okay Ate!" masiglang sabi niyaNagbihis na din agad ako dahil nakaligo na rin naman ako kanina, hindi pa nga pala ako nag bi-breakfast kaya kakain na muna siguro kami Nang makalabas kami sa kwarto ay naghantay kami ng tricycle sa tapat ng building ng apartment papunta sa SM. Dahil din sa init ay nakikita ko na ang sunod sunod na magiging reklamo
A week passed by, naging busy na ako sa acads ko. It's our pre-lim na rin kaya inaabala ko ang sarili ko sa pag aaral. Lalong lalo na sa major. Hindi na rin kami nag kita ni Lace after that damn first date dahil naging busy na rin siya sa acads niya and sa training niya. Bukas na ang first game nila, which will be held here at UNC Sports Palace. Nakakapag usap pa rin naman kami thru text but I barely reply. I always say to him na I'm busy, kahit minsan naman ay tulala ako at wala naman nang ginagawaHindi na rin ako nakipag kita pa kay Lace matapos ko silang iwan ni Erica dahil nagtext na rin si Mama na susundoin daw nila kami sa mall. Sinabi ko nalang din kay Lace thru text that our parents are already there to pick us up, then he just said 'Okay, take care'. Maybe it's in favor for him so he'll have his time for her fucking future girlfriend!Busy akong kumain ng chicken nuggets ko habang nakaupo sa bench near bambam's. Bigla akong nagulat nang may humawak bigla sa b
Lace texted me na naghihintay na siya sa parking lot ng apartment so I decided to go there and let out a heavy sigh. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, kung sa presensya ba ni Lace o sa sinabi niya saakin kanina na 'something' na sasabihin niyaSince it's just a dinner, I wore my plain baby blue dress which is an inch above my knees and with a little ribbon on its back. I partnered it with my with sandals and I fixed my hair on half ponytail, letting some strands of my bangs on the side of my face. I also applied just a minimal make up so it won't be heavy. I also have my silver pouch na ang laman lang ay wallet, cellphone at liptint ko.When I reached the parking lot, tumayo lang ako sa harap ng sasakyan ni Lace. Pinagkrus ko ang kamay ko sa may dibdib ko at matalim na tinignan ang sasakyan niya. I can't see him tho, his car is tinted. Mas lalong nangunot ang noo ko dahil hindi pa rin siya lumalabas sa sasakyan niya, imposible naman na hindi niya ako maki
"Erica is my childhood friend"He started the conversation while we are sitting on the grass, in front of the beauty of the city lights. We even bought a can of beers and some chips, like we were having a late night picnic.Ito 'yung lugar na pinuntahan namin ni Lace noong nalaman ko na gusto niya nga talaga ako. Ako ang nagyaya sakanya rito dahil gusto ko rin naman bumalik dito. Masyadong peaceful ang lugar na ito.I looked at him as I am waiting for him to continue the story between him and Erica."Her parents were my Mom's business partner. They keep on bringing Erica in the house so I can have my playmate, since it was vacation. Our parents always had a business trip so, me and Erica will be left at home with our yaya's"My forehead furrowed "Would you mind if I ask about your father?" I gently askedHe smiled "He's in the US, my parents got divorced the day I was born" malungkot na sabi niyaI felt the guilt inside me
Weeks passed by, it is now the second game of basketball tournament. It is Ateneo versus Naga College Foundation, gaganapin 'yun sa court ng Ateneo. S'yempre dahil susuportahan ko ang boyfriend ko, nandito kami ngayon sa Ateneo, nasama ko pa si Isha. At s'yempre sumama naman siya dahil baka daw tiga Ateneo din ang destiny niya. Ganyan siya ka inggitera. Sinabi ko na rin kay Isha ang tungkol sa relationship namin ni Lace. At first I was afraid and shy pero noong nasabi ko na nga sakanya ay parang mas masaya pa siya saakin. 'Di rin naman nawala ang sermon niya saakin dahil hindi ako nag share sakanya noong nag simula palang ang feelings ko para kay Lace. I am happy because I have Isha as my bff, whose a hundred one percent support sa lovelife ko!"Ang pogi ng jowa mo, grabe ka talaga mang gayuma!" asar ni Isha saakin ngunit tinarayan ko lamang siyaLace and his team are already in the court, waiting for their opponents and doing some warm up. Isha's correct, my boyfriend
"You can do it love, I love you so much" Halos mawasak na ang bawat dingding ng birthroom dahil sa sigaw ko. Wala akong ibang maramdaman kundi sakit at pagod habang umi-ire ako upang mailabas ang pangalawa naming supling ni Lace "Okay, last one Mommy, breath in.. and!" Matapos sabihin iyon ng doctor ay nakahinga ako ng malalim nang marinig ko ang pag iyak ng anak ko Naramdaman ko ang mas lalong pag higpit ng pagkakahawak ni Lace sa kamay ko. Naramdaman ko rin ang luhang tumulo mula sa kaliwang mata ko "Congrats Mommy and Daddy, here is your baby boy" sabi ng Doctor at ipinadapa sa dibdib ko ang anak ko Gusto kong umiyak nang makita ko ang pag galaw ng anak ko kasabay ng pag iyak niyo. Nilapitan agad iyon ni Lace at hinawakan ang kamay ng anak namin Napangiti ako nang makita na halos magkamukha lang sila. Carbon copy ng Daddy niya! Napasimangot ako sapagkat halos siyam na buwan na nasa sinapupunan ko ang anak ko, pero si
"Alam mo ba kung bakit ko siya nagustohan? At kung bakit hindi mawala ang nararamdaman ko sakanya?"Napalingon ako kay Jasper ng sabihin niya iyon ngunit ang paningin niya ay nasa hawak hawak niyang baso na may laman ng beerItinungga ko ang huling shot ko ng beer at inilagay iyon sa mesa"Why?" tanong ko sakanyaTumingin siya sa gawi ko at bahagyang natawa "Dude, she's the type of girl that you'll regret losing" sabi niya"I know right dude. Grabe 'yung pagsisisi ko noong iniwan ko siya" pag sang ayon koHumarap saakin si Jasper at tinapik ang balikat ko "You're so lucky. Ang swerte mo dahil ikaw ang mahal niya, but don't worry hindi ko kayo gugulohin" natatawang sabi niyaI chuckled "Yeah, I'm so lucky. I couldn't ask for more" sabi ko at ngumiti naman saakin si Jasper "But I really wanna thank you for not leaving her noong mga oras na kailangan niya ng kasama" dagdag ko"Hindi na kailangan Lace. Ginawa ko 'yun dahil magkaibi
"I never agreed on that engagement" sinserong sabi saakin ni LaceNasa rooftop pa rin kami ngayon habang nakaupo kami sa telang inihanda niya upang upoan namin habang mayroong maliit na mesa sa gitna namin kung saan nandoon ang mga pagkain na sabi niya'y siya mismo ang naghandaMayroong mga ilaw na dinisenyo sa paligid namin kaya nagkaroon kami dito ng liwanag. Mas nakikita ko ang magagandang mukha ni Lace at ang kagandahan ng mata niya. Iniwas ko sakanya ang paningin ko ng marealize na masyado na akong nakatitig sakanya"Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ninyo" sabi ko habang nilalaro ang tira tirang buto sa plato"Pero kung ano man ang narinig mo ay hindi totoo iyon" mahinahong sabi niyaIbinalik ko sakanya ang paningin ko kaya muling nagtagpo ang mga mata namin. Sa bawat pagtitig at pagbigkas niya ng mga salita saakin ay nararamdaman ko ang sinsiredad niya. Ramdam ko ang halo halong emosyon sakanya"I would rather be single for my w
Nang makarating ako sa condo ay naligo ako agad dahil sa init na naramdaman ko. Nang matapos ay nagsuot ako ng maong shorts at hoodie jacket dahil naisipan kong bumili ng makakain sa malapit na convenience store dito sa condoWala na talaga akong pagkain dito sa condo, hindi pa ako nakakapag grocery. Ayoko lang talaga makasama si Lace kahit nag ki-crave ako ngayon ng steak!Nang makalabas ako ng condo ay dumiretso ako agad sa convenience store. Dala dala ko lang ang cellphone at wallet ko dahil pakatapos kong bumili ay babalik agad ako sa condo. 'Yung easy or ready to cook na ang bibilhin ko para hindi na ako mahirapanIginala ko agad ang paningin ko sa convenience. Naghanap ako ng pagkain na mabilis lang lutoin. Lumiwanag ang mukha ko nang makita ko ang noodles section at hinanap ko agad 'yung paborito ko. Kumuha ako ng dalawang cup noodles at pumunta ako sa may mga inumin at kumuha ng isang cold green tea. Abot tenga ang ngiti ko dahil nawala na sa isip
"Good morning Ma'am Yna"Napakunot ang noo ko nang agad agad akong lapitan ni Eva na abot tenga ang ngiti nang batiin ako. Sumabay siya saakin sa paglakad papunta sa opisina ko at hindi pa rin maalis ang ngiti niya at titig na titig saakin"Good morning Eva" bati ko naman sakanya at mas ngumiti pa siya habang hindi pa rin inaalis ang tingin niya saakin "Grabe ka makatitig ha, may binabalak ka bang masama?" pabirong tanong ko sakanyaIpinihit ko ang door knob ng pinto ng opisina ko at agad agad na pumasok doon ngunit natigil lamang ako nang makitang mayroon nanamang isang bouquet ng bulaklak at isang hot choco ng star bucks sa ibabaw ng mesa koNang makalapit ako sa mesa ko ay naagaw agad ng pansin ko ang nakatiklop na papel na nakadikit sa bulaklakIbinaba ko ang hawak kong bag sa upoan ko at saka kinuha ang papel na kulay dilaw. Hindi ko pa man nabubuksan ang papel ay ramdam ko na ang ngiti sa labi koMy Love,
"Have you ever thought of the gender of our child? If... nabuhay siya?" tanong ni Lace habang pareho na kaming nakaupo sa bench at tinitignan ang mga bituin sa langitNapangiti naman ako kahit na may bahid na kirot sa dibdib ko "Hindi ko alam, pero gusto ko lalaki" sabi ko habang nasa bituin pa rin ang mga tinginNaramdaman ko ang pag lingon niya saakin ngunit hindi ko siya nagawang balingan"For me, kahit anong gender niya, I know I will love the child with all my heart. As long as you are the mother" sambit niyaNapayuko naman ako at pinaglaruan ang mga kuko ko "Siguro nga ay tama lang iyong nangyari noon" sabi koAlam kong nakatitig pa rin saakin si Lace ngunit hindi ko pa rin siya binibigyan ng tingin"Ayaw ko rin naman maranasan ng anak ko ang hindi kompletong pamilya" dagdag koNapalingon ako sa gawi niya at nagtagpo ang mga mata namin. Nakita ko ang paglunok niya at pilit na ngumiti saakin"Yeah... I know the feeling" sa
TW!: (will include about depression)"Tahan na" pag aalo saakin ni Lace habang yakap yakap pa rin namin ang isa't isa"Paano? P-paano L-lace?" patuloy lang ang paghikbi ko at kahit pagbigkas ng pangalan niya ay ang sakit para saakin "Paano ako tatahan k-kung... kung sobra mo akong n-nasaktan"Naramdaman ko ang pagtigil niya sa paghaplos sa likod ko. Kahit ang bilis ng tibok ng puso niya ay ramdam ko"I'm sorry" tanging sabi niyaInalis ko ang pagkakayakap namin at pinunasan ko ang mga luha ko. Nang ibinalik ko ang tingin ko kay Lace ay nakatitig lamang siya saakin, na para bang sinasaulong muli ang mukha koBiglang namungay ang mga mata niya at nakita ko ang paglunok niya ng mariin. Iniangat niya ang kamay niya at dahan dahan niyang hinawakan ang kabilang pisngi koHindi ko manlang nagawang mag protesta dahil sa ginawa niya. Hinayaan ko lamang siyang hawakan ang pisngi ko hanggang sa makita ko ang pamamasa ng mga mata niya at saka tum
"Nandito na 'ko sa parking lot Yna""Sige pababa na"Ngayon ang araw ng birthday ni Tito Alonzo. Hindi ako kumain ng kanin buong araw para lang hindi ako ma bloated dahil sa red silk dress na suot ko ngayon. Siyempre, bongga'ng party, bongga'ng suot din. Dala ko rin ang silver Prada pouch bag na niregalo saakin ni Isha, para may malagyan ako ng cellphone, wallet and pang retouch ko. Ako lang rin ang nag ayos sa sarili ko dahil kapag kumuha pa ako ng make up artist ay baka ako ang mapagkamalan na may birthdayNang makarating ako sa parking lot ay nakita ko agad si Jasper. Napataas pa ang kilay ko nang makita ang kabuoan niya. Naka black coat at black slacks siya habang sa loob naman ng coat niya ay ang kulay maroon na turtle neck na bagay na bagay sakanya. Terno ang kulay ng suot namin ni Jasper ngayon dahil kami raw ang magka partner. Sabi kasi ni Isha ay kailangan may partner daw. Hindi ko tuloy alam kung birthday party ba talaga ang aattendan namin
Dali dali akong lumabas ng opisina ni Lace nang maramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko. Wala na ba siyang ibang alam na gawin kundi ang paiyakin ako?! Potangina namanAgad akong napapunas ng luha ko nang may biglang kumatok sa pinto ng opisina ko"Ma'am Yna kumusta ang meet--"Naputol ang sasabihin ni Eva nang titigan niya ako. Napakunot ang noo niya at bakas sa mukha ang pag aalala. Nahalata niya atang umiyak ako. Agad kong iniwas sakanya ang paningin ko"Hala Ma'am okay ka lang?" nag aalalang tanong niya"O-oo naman!" sabi ko saka kinuha ang cellphone ko "Nakakaiyak lang 'yung pinapanuod kong kdrama" pagsisinungaling koBahagya naman siyang natawa "Grabe Ma'am sana lahat talaga madaming time 'no" pabiro niya ngunit tinaasan ko lamang siya ng kilay"Joke lang Ma'am ito naman!" pagbabawi niya at natawa pa ngunit tinarayan ko lamang siya at inabala nalamang ang sarili ko sa pag aayos ng mga papel sa mesa ko"Kaya naman