Nagising ako sa alarm ko kinaumagahan. Wala kaming pasok ngayong araw kaya ang balak ko ay mag wowork out ng kaunting oras dito lang sa loob ng apartment at mag gogrocery na rin ng mga kulang na pagkain ko dito.
Napahawak nalang ako sa sentido ko dahil sa sakit nito. Napuyat ako kagabi at tinalo ko pa ang may hangover!
Naalala ko kung gaano ako ka tanga kahapon! Napasabunot nanaman ulit ako sa sarili ko nang maalala ang mga ngiti ko kay Lace at ang huling sinabi ko.
Dahil sa ilang at nataohan ako, hindi na ako makatingin sakanya at hindi ko na nalasap ang sarap ng lomi! Nako naman Lord, bakit gano'n!
Matapos naming kumain ay inihatid niya lang ako sa tapat ng school dahil may pasok pa ako. Buong session ay hindi ako nagsasalita at hindi ko rin naintindihan ang lesson. Buti nalang at minor subject lang 'yon!
Dahil din sa sistema ko kagabi ay na guilty si Isha dahil sa pag iwan niya saakin at wala na daw ako sa sarili at hindi na nag sasalita. Iniisip niya na na engkanto ako dahil wala akong kasama!
Well, parang na engkanto nga ako at naagaw ng isang engkanto ang mga ngiti ko, pucha!
Uminom muna ako ng dalawang baso ng tubig at saka nag hilamos. Mag wowork out lang ako at nanunuod lang ako sa videos ni Chloe Ting. Nakakamatay lahat ng work out videos niya pero worth it!
Ayoko na rin kasi isama pa sa budget ko ang pag gigym dahil dagdag gastos lang. Kahit nag offer ang parents ko na mag enroll ako sa work out sessions para daw mapanatili ko ang pagiging physically fit ko. Naiintindihan ko sila dahil pareho silang physical therapist at nasa medical field pero, ayaw ko lang talaga ng gastos kung kaya ko rin naman mag isa
Habang nasa kalagitnaan ako ng work out ko ay biglang nag ring ang phone ko at nakitang si Isha 'yun, tumatawag saakin sa messenger
Agad ko naman isinagot at sinimangutan siya dahil istorbo siya!
"Ano ba 'yan! Nakakakita ako ng cleavage mag bihis ka naman pokpok" sabi saakin ni Isha ng i-on ko ang camera ko para makita niyang hindi ako natutuwa sa pag tawag niya ngunit iba naman ang napansin niya
"Gaga, naka sports bra ako, nag wowork out kasi ako istorbo ka" sabi ko rin sakanya
"Ang arte mo! Samahan mo 'ko mag shopping!" yaya niya
"Sama? So 'di ako lalabas ng pera diyan ha" sabi ko kaya tinarayan niya naman ako
"Marunong ka bang gumastos para sa sarili mo?! Malaki naman ang allowance na binibigay sayo ng magulang mo"
"Nag iipon ako Alisha, dahil hindi habang buhay kargo ako ng magulang ko"
"'Yun na nga! Siguro million na naipon mo 'no?!"
Tinarayan ko naman siya sa dami niyang satsat. Bumibili lang ako ng damit kapag kailangan at kapag nakikitang luma na ang iba kong damit. Minsan naman ay si Mama mismo bumibili saakin kaya sapat na ang damit ko. Wala nang rason para gumastos pa
"Sasamahan kita kaya 'wag ka nang maraming satsat. Sama lang okay?!" sabi ko
"Oo na sige na nga! Puntahan nalang kita diyan sa apartment mo" sabi ni Isha at sinang ayonan ko lamang saka niya ibinaba ang tawag
Ipinag patuloy ko ang pag work out ko at nang matapos ay naligo na ako.
Nang mag alas dies ay dumating na rin si Isha at dumiretso na kami sa mall. Sabi niya ay ililibre niya ako ng lunch kaya mabait ako sakanya ngayon
Habang namimili si Isha ng bibilhin niya ay pumunta ako sa kids section ng mga damit. I have a younger brother named Aloicious. He's 5 years old now. Medyo hindi nga lang kami close dahil habang nagkakaisip siya ay wala ako sa bahay. Wala ang ate niya, halos dalawang taon na rin naman kasi ako dito sa Naga at uuwi lang kapag may okasyon.
I chose the polo shirt that will suits him. Alam kong marami na siyang damit ngunit gusto ko na kapag suot niya ito ay ma aalala niya na ate niya ang nagbigay no'n.
Binayaran ko agad iyon sa cashier at pagkatapos ay hinanap ko naman agad si Isha. Marami nang nakasabit sa kamay niya na mga damit. Gastadora talaga ang babaeng 'to!
Nang makita ako ay napansin niya ang paper bag na dala ko at pinagtaasan ako ng kilay
"Sabi ko na, bibigay ka rin" sabi niya ngunit tinarayan ko siya
"Tanga, kay Loi 'to. Binilhan ko ng damit" sabi ko
"Bait mo naming ate, pa ampon nga sainyo" sabi niya ngunit tinawanan ko lamang siya
Nang makapag bayad siya ay ipinakuha niya agad sa driver niya ang mga paper bags na dala niya. Dahil sa dami ng binili niya ay alam kong libo libo nanaman ang nilabas na pera ng bruha
"Saan tayo kakain?" tanong ko, nakaramdam na ako ng gutom dahil hindi ako nakapag umagahan kanina
"Tara, classic savory" sabi ni Isha at nagpatianod na ako sa hila niya dahil libre niya naman ay 'di na ako kokontra
Nag order siya ng barkada meal dahil magbarkada daw kami. Ang weird, good for 4 to 6 person na iyon ngunit wala siyang pakialam kung mauubos namin o hindi. Basta daw ay mag barkada kami.
Habang kumakain kami ay panay naman ang rant niya sa mga prof at subjects namin na baka daw maibagsak niya. More on computations na ngayon ang mga major namin kaya namomroblema siya
"Tangina, pag bagsak talaga ako, iinom tayo ha?" sabi ni Isha
"Bagsak o hindi, puro ka naman inom" sagot ko
"Hindi ah! Last na inom ko nga ay 'yung sa Rookies tayo" sabi niya kaya natigilan ako
Na alala ko nanaman ang nangyari nang gabing 'yun.
"'Wag iinom kung hindi naman kaya, bagsak ka na nga sa major bagsak ka pa sa inoman" sumbat ko sakanya at ipinagpatuloy ang pagkain ko
"Hindi ba inihatid tayo no'n ni Lace? Oo ba? Nahatid ba tayo o nagmatigas ka nanaman?" tanong niya
Ngayon lang nagtanong si Isha matapos ang gabing 'yon. Akala ko ay nakalimutan niya na at hindi niya na itotopic pa ngunit ngayon ay tinatanong niya na. Hindi ko alam kung sasabihin ko sakanya ang nangyari
Bahagya akong nagulat nang bigla nalang siyang tumawa at umiiling iling pa. Kinabahan naman ako at napakunot ng noo sa reaksyon niya
"Baliw ka ba?! Ba't bigla ka nalang tumatawa?" sabi ko sakanya saka tinuonan ulit ng pansin ang pagkain ko habang siya ay tawa pa rin ng tawa
"Ikaw ha, sino ba kasi pinag seselosan mo"
Halos mabilaukan ako sa sinabi ni Isha kaya uminom ako agad ng tubig habang siya ay mas natawa dahil sa reaksyon ko
"Tangina ka, papatayin mo ba 'ko?" pagalit na sabi ko sakanya habang kinakalma ang sarili
"Oh chill tinatanong ko lang naman kung kanino ka nag seselos eh" pang aasar niya pa rin saakin
Naalala ko na siya ang pinag selosan ko noon. Dahil lang sa lintek na pagka out balance niya ay nag selos ako. Pero, pucha SO NAG SESELOS NGA AKO?!
Dahil sa naisip ay uminom ako ulit ng tubig ang inubos iyon. Nahalat ni Isha ang pagkabalisa ko kaya tinatawanan niya pa rin ako
"Hindi ako ang tinutukoy niya sa tweet niya na nag seselos" sabi ko sakanya saka siya tinarayan
Alam kong inaasar niya ako dahil nabasa niya ang tweet ni Lace no'ng isang araw.
"Sure ka?" nakakalokong tanong niya
"Ikaw? Sure ka ba na ako 'yun?" ganti ko rin
"Don't get jealous baby, ikaw lang ang gusto ko"
Nang sabihin iyon ni Isha ay natigilan ako. Parang sirang plaka na umulit ulit sa utak ko ang mga salitang iyon, pati na rin ang mga mata ni Lace na walang sawang nakatitig saakin
Tawa pa rin ng tawa si Isha ngunit parang hindi ko na siya marinig dahil sa nararamdaman ko. Na alala ko nanaman! Argh my heart keeps on beating fast!
"Gago, n-narinig mo 'y-yon?" nauutal na tanong ko kay Isha kaya mas natawa naman siya
"Yes b*tch, iinom sana ako ng tubig no'n nang makita ko kayo sa pinto. Susko! Ang hina mo, kung ako 'yun hinalikan ko na siya eh!"
Napabuntong hininga nalang ako, wala nahuli pala kami ng bruhang 'to!
"Hayaan mo na 'yun nag jojoke lang 'yun" sabi ko at saka kumain ulit
"Mahuhulog ka rin naman sa joke niya" pang aasar niya pa
"Kung ihulog nalang kita sa bangin, parang may sense 'yun" ganti ko ngunit nagtarayan lang kami
Nang matapos kumain ay nagpasama na rin ako kay Isha na mag grocery. Busangot pa ang mukha ni gaga dahil ayaw na ayaw niya sumasama kapag sa grocery. Kapag 'to naging asawa at nanay na, wala negats na.
Napilit ko din naman siya kahit parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha niya. Nang matapos mag grocery ay napag desisyonan namin ni Isha na mag pa thread. Kumakapal nanaman din kasi ang kilay ko
Nakauwi kami ng bandang alas kwatro ng hapon. Pagkarating ko palang sa apartment ay inayos ko agad ang groceries na binili ko at saka naligo. Dahil sa pagod ay nakatulog ako agad.
Nagising nalang ako nang mag ring ang cellphone ko kaya kinapa ko agad ito sa side table malapit sa kama ko. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag at sinagot ko na agad ito
"He..llo" tamad na sabi ko habang nakapikit pa ang mata, antok pa 'ko
"Hi, Yvonne"
Halos mapatalon ako sa hinihigaan ko sa narinig kong boses at 'di ko namalayan na natapon ko na sa sahig ang cellphone ko! Agad ko naman itong kinuha at saka ipinatay ang tawag
Sht sht sht! Si Lace 'yun!
Nagulat ulit ako nang mag ring ang cellphone ko at saka ako huminga ng malalim bago sagutin ang tawag
"Ah sorry napindo-" hindi pa man ako tapos ay nagsalita na siya
"Are you okay there, baby?" tanong niya gamit ang malalalim at malambing niyang boses
Hindi ako agad nakasagot dahil sa boses niya at sa pagtawag niya saakin. Bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko, may sakit na ata ako!
"Hello?" nataohan ako nang magsalita ulit siya
"Sino 'to?" parang tangang tanong ko. Alam ko naman na kung sino siya, hindi ko lang alam ang sasabihin ko bullshit!
"Ahm, I'm sorry, this is Lace" sabi niya, bumalik ang seryosong boses
"Why did you call? Pa'no mo nakuha ang number ko?" tanong ko
Narinig ko naman na natawa siya "It doesn't matter, Yvonne" sagot niya
"Ang hilig mo naman sa matter!" naiiritang sabi ko dahil hindi niya sinagot ang tanong ko
"Well I guess, then you're a matter" seryosong sabi niya ngunit alam kong nakangisi siya ngayon
Napaisip ako do'n ah! Kung mahilig siya sa matter, tapos ako daw ang matter, edi... mahilig siya saakin? The fuck?
"Just tell me why did you call, you even disturb my sleep!" pasigaw na sabi ko sakanya
"Can you come with me?" diretsong tanong niya
Napakunot naman ang noo ko. Come with him? Itatanan niya ba 'ko?!
"Hoy! Kung may masama kang binabalak, asa ka! 'Di ako sasama sayo! 'Di ako makikipagtanan sayo, marami pa akong pangar-" hindi pa man ako tapos ay narinig ko na ang malakas niyang pagtawa kaya mas lalo akong nainis
"Gosh baby, what are you talking about?" tanong niya habang hindi parin tumitigil sa pagtawa
"Tumigil ka nga sa pagtatawa mo at 'wag mo nga akong tawaging baby!" sabi ko
"Tawaging ano?" tanong niya
"Baby!"
"Yes, baby?"
Nag init ang lahat ng dugo sa katawan ko. Argh! Palagi akong naiisahan ng lalaking 'to!
"Ewan ko sa'yo!" ibababa ko na sana ang tawag ng magsalita ulit siya
"Okay Yvonne, seryoso na, samahan mo 'ko kahit saglit lang" sumeryoso nga ang boses niya ng sabihin 'yun
"Bakit ba? Saan?" naiiritang tanong ko
"Ahm, ministop? Sounds weird but samahan mo 'ko cup noodles tayo"
Ako naman ngayon ang natawa "Mag ka-cup noodles ka lang papasama ka pa" sabi ko
"Please? I'm here sa parking lot ng apartment mo" sabi niya
Doon ako ulit nabigla at kinabahan. Gago nandito na agad siya?! Kakagising ko lang!
"Ano?! Kanina ka pa d'yan?" tanong ko
"Ahm, 20 mins I guess" sabi niya
Nang tignan ko ang orasan ko ay 9:30 pm na. Gabi na?! At bakit sa ganitong oras nandito pa si gunggong!
"Kakagising ko lang, bwesit maghintay ka!" sabi ko
"Sure, if it's you, I'm willing to wait. Always" seryosong sabi niya bago ibinaba ang tawag
Natulala nalang ako sa cellphone ko at namalayan ko nalang na nakangiti na ako habang tinitignan ang numero ni Lace.
Nang makarating sa parking lot ay nakita ko agad ang pamilyar na kotse. Hindi naman kalakihan ang parking lot dito kaya 'di na ako nahirapang hanapin ang sasakyan ni LaceNag suot lang ako ng black shorts at white hoodie jacket dahil malamig na sa labas. Itinali ko rin ang buhok ko para umaliwalas ang mukha koNang nasa tapat na ako ng sasakyan niya ay kinatok ko ang bintana ng nasa driver seat. Tinted ang sasakyan niya kaya 'di ko siya makita sa loobNang buksan niya ang bintana ay sumilay agad sa'kin ang ngiti niya. Ayan nanaman ang mga mata niya!"Ang ganda naman ng pulubi" sabi niyaNapakunot naman ang noo ko sa sinabi niya, did he just called me a beggar?!"Ano?!" inis na tanong ko ngunit tumawa lamang siya"Ay akala ko hihingi ka ng barya" pang aasar niya kaya pinandilatan ko naman siya at pinag krus ang kamay ko"Balik na 'ko sa taas" sabi ko at maglalakad na sana nang lumabas siya ng sasakyan at hinawakan ang braso ko
Natapos ako magpalit ng damit at nakita kong hinihintay na rin ako ni Lace. Naka black tshirt na rin siya ngayon, siguro ay mayroon siyang extra shirt na nasa kotse niya langPinagbuksan niya agad ako ng pinto at saka ko sinabi sakanya ang pangalan ng hospital kung nasaan si Papa. Halos isang oras ang byahe dahil sa lugar namin ang hospital, na labas pa ng NagaHindi ako umimik buong byahe dahil ang nasa isip ko lamang ay si Papa. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag nawala siya saamin.Buti at hinayaan lang ako ni Lace na manahimik. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi ko kasama ngayon si Lace. Sa gantong oras ay wala nang byahe papunta saamin, kaya kung wala ang kasama ko ngayon ay malabo na makapunta ako agad kay PapaNang marating namin ang hospital ay parang gusto ko nang tumalon at tumakbo para puntahan si Papa. Panibagong luha ang nag babadya sa mga mata ko ngunit nilakasan ko ang loob ko.Hindi ako iniwan ni Lace, sinamahan n
Malipas ang tatlong araw ay nagising na si Papa, ngunit patuloy pa rin ang pag momonitor sakanya. Sobrang saya namin ni Mama nang magising si Papa. 2 araw rin akong absent at buong weekend ay nandito lang ako sa hospital at uuwi lang kapag maliligo at magbibihis.Mabuti at sinisendan naman ako ni Isha ng mga notes niya tungkol sa mga subjects na hindi ko napasukan.Ngayong araw rin ililipat na si Papa sa isang private room at aalisin na ang mga apparatus na nakakabit sakanya. Masayang masaya si Mama at kwento lang ng kwento tungkol sa mga pasyente niya.Mamayang 11 am pa ang pasok ko, at bandang alas nwebe ay ililipat na si Papa ng kwarto. Balak ko sanang umalis kapag nailipat na si Papa ng kwarto ngunit napilit din nila ako na bumalik na ng Naga dahil baka mahuli ako sa pag pasok"Pa, 'wag mo na kasi kalimutan ang pag iinom mo ng gamot para ka namang 'di doktor" saway ko kay Papa ngunit natawa lang siya kaya nakitawa na rin si Mama"Yna, doktor ak
"Ahm.. Lace? Saan tayo pupunta?" kinakabahang tanong ko sa lalaking kasama ko na abala sa pag mamaneho at parang tanga na kanina pa nakangiti. Alas sais na ng gabi at kakatapos lang ng klase ko ay nasa labas na siya ng campus at hinihintay akoNapakunot siya ng noo ng makita ang reaksyon ko kaya nag iwas ako ng tingin at iginala ang mata sa bintana ng sasakyan"Hey, you look nervous, Wala akong gagawing masama" he chuckled"Wow, nasagot mo 'yung tanong ko. Galing" sabi ko at inirapan siyaNatawa naman siya at nagulat nalang ako ng bagalan niya ang pagmaneho at itinabi ang sasakyan niya"It's a surprise okay?" seryosong sabi niya habang nakatitig ang mga mata saakin"Surprise? Birthday ko ba? Ba't 'di ko alam?"Napailing naman siya sa sinabi ko at bahagyang natawa "I really like you.. Hahaha, I mean.. argh whatever" 'di niya na pinatuloy kung ano ba talaga ang gusto niyang sabihin"Awit ano daw" bulong koPinagpatuloy niy
"Wait, Yvonne. What do you mean?" tanong ni Lace at hindi parin maalis ang gulat sa reaksyon niya"Hindi ko rin gets kaya 'wag mo na akong tanungin" sabi ko kahit ang totoo ay napakalakas na ng pintig ng puso ko at feeling ko nadulas ako dahil sa sinabi ko sakanya"C'mon just repeat what you have said. Make me understand" pagpipilit niyaInirapan ko naman siya sa kulit niya "May bayad na kapag inulit ko"Napabuntong hininga naman siya bilang pagsuko sa pagpipilit saakin. Napayuko siya at pinaglaruan ang kamay niya. Kumuha siya ng bote ng softdrinks at binuksan ito saka iniabot saakin. Dahil din nakaramdam ako ng uhaw sa sinabi ko kanina ay kinuha ko agad ang softdrinks na binigay niya at itinungga ito. Kahit hindi ako umiinom ng softdrinks ay wala akong choice at feeling ko nanuyo ang lalamunan ko"I thought you don't like softdrinks" saad niya"Pa'no mo nalaman?" nagtatakang tanong ko"I told you, it's been a year since I liked you"
Matapos ang gabing 'yun, hindi na kami nakapag usap ni Lace. Punyeta matapos akong yayain ng date hindi na ako kakausapin?! Ewan ko ba, ghinost n'ya na ba ako? Well, paki ko naman sakanya 'di ba?Naging busy naman ako sa mga activities and school works namin, lalo na sa major todo aral ako. Madalas na rin akong makipag contact kay Mama or Papa para kumustahin ang lagay niya. Mabuti naman at okay na si Papa, kaya mas nakakapag focus ako sa pag aaral ko.7 pm nang matapos ang huling klase ko ngayong biyernes, nag paalam agad saakin si Isha dahil nandoon na raw ang driver niya at may family dinner sila. Napag desisyonan ko na rin umuwi at kanina ko pa gusto maligo.Pagkarating na pagkarating ko sa apartment ay dumiretso agad ako sa CR para maligo. Halos 20 minutes din akong nagbabad sa tubig at kulang nalang ay umidlip na ako do'n.Nang matapos ay pinatuyo ko agad ang buhok ko gamit ang tuwalya, suot ang dolphin shorts ko at ang over sized black shirt
"I'm sorry, Yvonne"Natigilan ako ng sabihin 'yun ni Lace, ngunit hindi pa rin maalis ang lakas ng tibok ng puso ko. Mas dumoble lamang iyon nang bigla niyang iangat ang kamay kong hawak niya at itinapat iyon sa labi niya at marahang hinalikanHalos hindi na ako makahinga dahil sa ginawa ni Lace. Napabuntong hininga siya at malalim ang tingin saakin ng kanyang magagandang mata."I'm sorry, but.." napakunot ang noo ko ng tumigil siya at tumingin sa paanan namin"But?""I'm... I'm already falling.. I am already falling for you" sinserong sabi niya at nagtama ang paningin naminPara akong inaatake sa puso. Bakit ko naririnig ang mga ganitong salita na hindi ko inaasahan at sa taong hindi ko pa inaasahan? Bakit? Bakit parang gusto ko biglang yakapin si Lace dahil sa sinabi niya. Bakit parang nahuhulog ang loob ko dahil lang sa mga salita at ipinaparamdam niya?"Bakit ako?" nagtatakang tanong ko"Bakit hindi ikaw?" seryosong tanong
"Ate it's so boring here, I want a new toy" biglang sabi ni Loi habang ako ay busy sa pag tupi ng mga damit ko na bagong laba"You have a lot of toys Loi, may robot ka ba nga'ng hawak" sagot ko sakanya"But I want a new one. I want to play arcades too! It's so boring here Ate" maarteng pagrereklamo niya at napakamot pa sa uloDahil wala na rin naman akong gagawin pakatapos nitong pagtutupi ko ay napag isipan ko na mabuti nga at lumabas kami ng kapatid ko. Kahit ako ay na boboring na rin."Okay I'll just finish this then I'll change my clothes okay?" pagsang ayon ko kay Loi kaya napangiti naman siya"Okay Ate!" masiglang sabi niyaNagbihis na din agad ako dahil nakaligo na rin naman ako kanina, hindi pa nga pala ako nag bi-breakfast kaya kakain na muna siguro kami Nang makalabas kami sa kwarto ay naghantay kami ng tricycle sa tapat ng building ng apartment papunta sa SM. Dahil din sa init ay nakikita ko na ang sunod sunod na magiging reklamo
"You can do it love, I love you so much" Halos mawasak na ang bawat dingding ng birthroom dahil sa sigaw ko. Wala akong ibang maramdaman kundi sakit at pagod habang umi-ire ako upang mailabas ang pangalawa naming supling ni Lace "Okay, last one Mommy, breath in.. and!" Matapos sabihin iyon ng doctor ay nakahinga ako ng malalim nang marinig ko ang pag iyak ng anak ko Naramdaman ko ang mas lalong pag higpit ng pagkakahawak ni Lace sa kamay ko. Naramdaman ko rin ang luhang tumulo mula sa kaliwang mata ko "Congrats Mommy and Daddy, here is your baby boy" sabi ng Doctor at ipinadapa sa dibdib ko ang anak ko Gusto kong umiyak nang makita ko ang pag galaw ng anak ko kasabay ng pag iyak niyo. Nilapitan agad iyon ni Lace at hinawakan ang kamay ng anak namin Napangiti ako nang makita na halos magkamukha lang sila. Carbon copy ng Daddy niya! Napasimangot ako sapagkat halos siyam na buwan na nasa sinapupunan ko ang anak ko, pero si
"Alam mo ba kung bakit ko siya nagustohan? At kung bakit hindi mawala ang nararamdaman ko sakanya?"Napalingon ako kay Jasper ng sabihin niya iyon ngunit ang paningin niya ay nasa hawak hawak niyang baso na may laman ng beerItinungga ko ang huling shot ko ng beer at inilagay iyon sa mesa"Why?" tanong ko sakanyaTumingin siya sa gawi ko at bahagyang natawa "Dude, she's the type of girl that you'll regret losing" sabi niya"I know right dude. Grabe 'yung pagsisisi ko noong iniwan ko siya" pag sang ayon koHumarap saakin si Jasper at tinapik ang balikat ko "You're so lucky. Ang swerte mo dahil ikaw ang mahal niya, but don't worry hindi ko kayo gugulohin" natatawang sabi niyaI chuckled "Yeah, I'm so lucky. I couldn't ask for more" sabi ko at ngumiti naman saakin si Jasper "But I really wanna thank you for not leaving her noong mga oras na kailangan niya ng kasama" dagdag ko"Hindi na kailangan Lace. Ginawa ko 'yun dahil magkaibi
"I never agreed on that engagement" sinserong sabi saakin ni LaceNasa rooftop pa rin kami ngayon habang nakaupo kami sa telang inihanda niya upang upoan namin habang mayroong maliit na mesa sa gitna namin kung saan nandoon ang mga pagkain na sabi niya'y siya mismo ang naghandaMayroong mga ilaw na dinisenyo sa paligid namin kaya nagkaroon kami dito ng liwanag. Mas nakikita ko ang magagandang mukha ni Lace at ang kagandahan ng mata niya. Iniwas ko sakanya ang paningin ko ng marealize na masyado na akong nakatitig sakanya"Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ninyo" sabi ko habang nilalaro ang tira tirang buto sa plato"Pero kung ano man ang narinig mo ay hindi totoo iyon" mahinahong sabi niyaIbinalik ko sakanya ang paningin ko kaya muling nagtagpo ang mga mata namin. Sa bawat pagtitig at pagbigkas niya ng mga salita saakin ay nararamdaman ko ang sinsiredad niya. Ramdam ko ang halo halong emosyon sakanya"I would rather be single for my w
Nang makarating ako sa condo ay naligo ako agad dahil sa init na naramdaman ko. Nang matapos ay nagsuot ako ng maong shorts at hoodie jacket dahil naisipan kong bumili ng makakain sa malapit na convenience store dito sa condoWala na talaga akong pagkain dito sa condo, hindi pa ako nakakapag grocery. Ayoko lang talaga makasama si Lace kahit nag ki-crave ako ngayon ng steak!Nang makalabas ako ng condo ay dumiretso ako agad sa convenience store. Dala dala ko lang ang cellphone at wallet ko dahil pakatapos kong bumili ay babalik agad ako sa condo. 'Yung easy or ready to cook na ang bibilhin ko para hindi na ako mahirapanIginala ko agad ang paningin ko sa convenience. Naghanap ako ng pagkain na mabilis lang lutoin. Lumiwanag ang mukha ko nang makita ko ang noodles section at hinanap ko agad 'yung paborito ko. Kumuha ako ng dalawang cup noodles at pumunta ako sa may mga inumin at kumuha ng isang cold green tea. Abot tenga ang ngiti ko dahil nawala na sa isip
"Good morning Ma'am Yna"Napakunot ang noo ko nang agad agad akong lapitan ni Eva na abot tenga ang ngiti nang batiin ako. Sumabay siya saakin sa paglakad papunta sa opisina ko at hindi pa rin maalis ang ngiti niya at titig na titig saakin"Good morning Eva" bati ko naman sakanya at mas ngumiti pa siya habang hindi pa rin inaalis ang tingin niya saakin "Grabe ka makatitig ha, may binabalak ka bang masama?" pabirong tanong ko sakanyaIpinihit ko ang door knob ng pinto ng opisina ko at agad agad na pumasok doon ngunit natigil lamang ako nang makitang mayroon nanamang isang bouquet ng bulaklak at isang hot choco ng star bucks sa ibabaw ng mesa koNang makalapit ako sa mesa ko ay naagaw agad ng pansin ko ang nakatiklop na papel na nakadikit sa bulaklakIbinaba ko ang hawak kong bag sa upoan ko at saka kinuha ang papel na kulay dilaw. Hindi ko pa man nabubuksan ang papel ay ramdam ko na ang ngiti sa labi koMy Love,
"Have you ever thought of the gender of our child? If... nabuhay siya?" tanong ni Lace habang pareho na kaming nakaupo sa bench at tinitignan ang mga bituin sa langitNapangiti naman ako kahit na may bahid na kirot sa dibdib ko "Hindi ko alam, pero gusto ko lalaki" sabi ko habang nasa bituin pa rin ang mga tinginNaramdaman ko ang pag lingon niya saakin ngunit hindi ko siya nagawang balingan"For me, kahit anong gender niya, I know I will love the child with all my heart. As long as you are the mother" sambit niyaNapayuko naman ako at pinaglaruan ang mga kuko ko "Siguro nga ay tama lang iyong nangyari noon" sabi koAlam kong nakatitig pa rin saakin si Lace ngunit hindi ko pa rin siya binibigyan ng tingin"Ayaw ko rin naman maranasan ng anak ko ang hindi kompletong pamilya" dagdag koNapalingon ako sa gawi niya at nagtagpo ang mga mata namin. Nakita ko ang paglunok niya at pilit na ngumiti saakin"Yeah... I know the feeling" sa
TW!: (will include about depression)"Tahan na" pag aalo saakin ni Lace habang yakap yakap pa rin namin ang isa't isa"Paano? P-paano L-lace?" patuloy lang ang paghikbi ko at kahit pagbigkas ng pangalan niya ay ang sakit para saakin "Paano ako tatahan k-kung... kung sobra mo akong n-nasaktan"Naramdaman ko ang pagtigil niya sa paghaplos sa likod ko. Kahit ang bilis ng tibok ng puso niya ay ramdam ko"I'm sorry" tanging sabi niyaInalis ko ang pagkakayakap namin at pinunasan ko ang mga luha ko. Nang ibinalik ko ang tingin ko kay Lace ay nakatitig lamang siya saakin, na para bang sinasaulong muli ang mukha koBiglang namungay ang mga mata niya at nakita ko ang paglunok niya ng mariin. Iniangat niya ang kamay niya at dahan dahan niyang hinawakan ang kabilang pisngi koHindi ko manlang nagawang mag protesta dahil sa ginawa niya. Hinayaan ko lamang siyang hawakan ang pisngi ko hanggang sa makita ko ang pamamasa ng mga mata niya at saka tum
"Nandito na 'ko sa parking lot Yna""Sige pababa na"Ngayon ang araw ng birthday ni Tito Alonzo. Hindi ako kumain ng kanin buong araw para lang hindi ako ma bloated dahil sa red silk dress na suot ko ngayon. Siyempre, bongga'ng party, bongga'ng suot din. Dala ko rin ang silver Prada pouch bag na niregalo saakin ni Isha, para may malagyan ako ng cellphone, wallet and pang retouch ko. Ako lang rin ang nag ayos sa sarili ko dahil kapag kumuha pa ako ng make up artist ay baka ako ang mapagkamalan na may birthdayNang makarating ako sa parking lot ay nakita ko agad si Jasper. Napataas pa ang kilay ko nang makita ang kabuoan niya. Naka black coat at black slacks siya habang sa loob naman ng coat niya ay ang kulay maroon na turtle neck na bagay na bagay sakanya. Terno ang kulay ng suot namin ni Jasper ngayon dahil kami raw ang magka partner. Sabi kasi ni Isha ay kailangan may partner daw. Hindi ko tuloy alam kung birthday party ba talaga ang aattendan namin
Dali dali akong lumabas ng opisina ni Lace nang maramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko. Wala na ba siyang ibang alam na gawin kundi ang paiyakin ako?! Potangina namanAgad akong napapunas ng luha ko nang may biglang kumatok sa pinto ng opisina ko"Ma'am Yna kumusta ang meet--"Naputol ang sasabihin ni Eva nang titigan niya ako. Napakunot ang noo niya at bakas sa mukha ang pag aalala. Nahalata niya atang umiyak ako. Agad kong iniwas sakanya ang paningin ko"Hala Ma'am okay ka lang?" nag aalalang tanong niya"O-oo naman!" sabi ko saka kinuha ang cellphone ko "Nakakaiyak lang 'yung pinapanuod kong kdrama" pagsisinungaling koBahagya naman siyang natawa "Grabe Ma'am sana lahat talaga madaming time 'no" pabiro niya ngunit tinaasan ko lamang siya ng kilay"Joke lang Ma'am ito naman!" pagbabawi niya at natawa pa ngunit tinarayan ko lamang siya at inabala nalamang ang sarili ko sa pag aayos ng mga papel sa mesa ko"Kaya naman