Napairap ako nang makita ko si Josiah na nakangisi habang kumakaway sa akin sa labas ng room ko. Kanina ko pa gustong umuwi dahil kanina pa rin nang-aasar ang kaibigan ko sa labas. Kanina pa sana ang uwian namin kaya lang ay nagpa-make up class ang isa kong subject para hindi na raw kami magklase sa kaniya sa saturday. My gosh! Bakit parang utang na loob pa namin iyon sa kaniya e, siya naman ang hindi pumasok sa amin noong nakaraang araw.
“To those students who have already done with their quiz, you can go now,”
Para akong nabuhayan nang marinig kong sabihin iyon ng prof ko. Dali-dali kong iniligpit ang mga gamit ko sa bag ko at tumayo na para maipasa ang quiz ko kay Sir.
“Thank you Ms. Dela Peña,” sabi ng prof ko pagkatapos ay ngumiti sa akin.
Tipid lang naman akong ngumiti at tumango rito bago ako tuluyang lumabas na ng room. Agad naman akong sinalubong ni Josiah kaya hinagis ko sa kaniya ang hawak kong bag.
“Aray! Dahan-dahan naman!” pagrereklamo niya.
Napangisi naman ako nang tignan kong nabigla nga siyas sa pagkakahagis ko ng baga sa kaniya pero hindi ko na iyon pinansin pa.
“Where’s Clara?” tanong ko sa kaniya at sinimulan ko na ang paglalakad.
“Hindi mo pa ba nababasa ang chat niya?” tanong niya sa akin.
“Itatanong ko ba kung nabasa ko?” pamimilosopong tanong ko sa kaniya.
Napailing na lang siya at hindi na ako sinagot pa dahil may mga kaklase siyang nasalubong namin. Ang iilan sa kanila ay binati ako pero tango lang ang iginawad ko nang hindi rin sila tinitignan. Mabuti na lang ay nasa bulsa ko ang cellphone ko para babsahin ang sinasbing chat ni Clara.
From Clara:
I have to go home early. I need to check my dress na gagamitin ko sa party this weekend.
Napairap ako nang mabasa ang chat ni Clara at napailing na lang. Nauna naman na akong naglakad kay Josiah nang marinig kong tapos na siyang makipag-usap sa mga kaklase niya.
“Hindi pa rin ako makapaniwala kay Clara na dadalo siya sa party na ‘yon this weekend. Dati naman ay hindi siya mahilig sa gano’n,” pagrereklamong sabi ko habang naglalakad sa corridor.
“Paano naman kasing hindi dadalo ‘yon eh nalaman niyang pupunta ang ultimate crush niyang si Elijah,” sagot naman sa akin ni Josiah.
“Alam kong pupunta rin kayo kaya sasama na rin ako kila Daddy,” dagdag na sabi pa niya sa akin.
Napabuntonghininga na lang ako at napairap muli dahil sa reason nang pagpunta ni Clara roon. May social gathering ang mga businessman at businesswoman sa darating na sabado. Alam kong sa mga ganito ay hindi nahuhuli ang pamilya ko kaya sigurado akong pupunta rin kaming lahat doon.
“Oh come on. Alam ko rin naman ang dahilan kung bakit ka sasama sa Daddy mo. Parehas na parehas talaga kayo ni Clara,” sagot ko naman sa kaniya pagkatapos ay napairap akong muli.
Natawa naman si Josiah kaya napailing na lang ako. May gusto siya sa kapatid kong si Stella at hinahayaan ko lang naman siyang magkagusto dahil mas gugustuhin ko siya para sa kapatid ko kaysa naman sa ibang lalaki. At least, si Josiah ay kilala ko mula pa noong pagkabata ko.
“Kaya nga dapat ay pumunta ka rin para naman kompleto tayong tatlo nila Clara,” pagkukumbinsi na sabi sa akin ni Josiah.
“Pag-iisipan ko muna. Alam mo namang ayaw ko sa mga gan’yan lalo na kapag kasama sila Mommy,” sagot ko naman pagkatapos ay bahagya akong napayuko.
“Don’t worry. Kaya nga naroon kami ni Clara ‘di ba? ‘Wag mo na lang masyadong intindihin ang Mommy mo. All you need to do is to enjoy,” sagot naman sa akin ni Josiah para pagaanin ang loob ko.
“Eli!”
Hindi naman na ako nakapagsalita pa nang marinig ko ang boses ni Ate Allison na tumatawag sa akin hindi kalayuan sa aming dalawa ni Josiah.
“Ang ganda talaga ni Allison pero mas maganda pa rin si Stella,” bulong naman na sabi ni Josiah.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ng kaibigan dahil mas nag-focus ako sa nakakatandang kapatid na tumawag sa akin. Kasama nito ang mga kaibigan niya. Fourth year college si Ate Allison at ako naman ay second year college pa lang kaya nasa iisang University kaming dalawa.
Sumenyas sa akin si Ate na lumapit ako sa kaniya kaya bahagya akong lumingon kay Josiah para samahan niya ako roon at agad din naman itong sumunod sa akin. Muntikan pa akong mapaatras nang makita ko si Jackson na sumulpot sa grupo nila Ate pero mas pinili kong magpatuloy.
Jackson is my ex. Tumagal kami nang isang tao at apat na buwan na ang nakakalipas simula nang maghiwalay kami dahil sa dahilan niyang gusto niyang mag-focus sa pag-aaral niya dahil graduating na siya. Nang pumayag akong makipaghiwalay sa kaniya dahil tingin ko naman ay makabubuti iyon sa kaniya ay hindi ko aakalain na pagkalaipas ng dalawang buwan ay sila na ng babaeng pinagseselosan ko noon.
“Why?” tanong ko kay Ate nang tuluyan akong makalapit sa kaniya.
“Pakisabi kay Mommy na gagabihin ako ng uwi ngayon. Birthday kasi ni Keila ngayon,” sabi sa akin ni Ate pagkatapos ay napatingin sa kaibigan niyang si Keila.
“Oh! Sure! Happy Birthday, Keila!” bati ko pagkatapos ay tumingin dito.
“Thank you, Scarlet! Invited ka rin sa house namin. Punta ka!” nakangiting pasasalamat naman nito sa akin.
Natawa naman ako at napailing dahil biglang nahiya. Close kaming magkakapatid kaya pati mga kaibigan nila ay nagiging kaibigan ko na rin pero dahil wala naman ako sa mood sa mga party ngayon lalo na at mukhang naroon ang ex ko at ang bago niya kaya mas lalong ayokong dumalo.
“Thank you, Keila but I can’t eh. May mga projects pa kasi akong kailangan tapusin. Babawi na lang ako next time,” sagot ko naman para makapagdahilan.
“Is that your thesis?”
Bahagya naman akong nagulat nang tanungin ako ni Jackson. Sa apat na buwan ay ngayon niya lang ako ulit kinausap nang ganito. Galit ako sa kaniya pero ayaw kong ipahalata iyon sa kaniya dahil ayaw kong makita pa nila na affected pa rin ako kahit totoo naman.
“No,” malamig na sagot ko pagkatapos ay napatingin kay Ate, “I’ll have to go. Sasabihin ko na lang kay Mommy ang bilin mo pero tumawag ka pa rin sa kaniya,” dagdag na sabi ko pagkatapos ay tuluyan na akong umalis doon.
Hindi ko alam ang mga sumunod pang nangyari sa mga nakaraang araw. Basta ay nagpatuloy lang ako sa pagpasok at pakikipag-participate sa klase. Nasabi ko rin kay Mommy ang hindi pag-uwi nang maaga ni Ate at sobrang late nga itong nakauwi kaya napagalitan pa siya
“Girls are you ready?” tanong ni Mommy nang makababa siya mula sa itaas ng bahay namin.
Kanina pa kami nakatambay rito sa sala kasama ang dalawa kong kapatid. Ate Allison is busy with her iPad while Stella is busy watching kdrama on our TV. Wala naman akong hilig mag-phone kaya naman nakikinood na lang ako kay Stella para hindi ako mainip. Weekend ngayon at hindi ko alam kay Mommy kung bakit hindi siya pumasok sa kompanya lalo na at sanay na sanay na kaming lagi siyang babad sa trabaho sa kompanya namin. Ang sabi niya lang ay gusto niya kaming maka-bonding ngayong araw dahil matagal-tagal na raw namin hindi iyon nagagawa simula nang mamatay si Daddy.
“Yes, Mom. Kanina pa ako ready. Magtatagal ba tayo?” sagot at tanong naman ni Ate Allison.
Napatingin naman ako kay Mommy na bihis na bihis at kita ko ang pagbuntonghininga niya at pag-iling dahil sa tanong sa kaniya ni Ate.
“Of course, magtatagal tayo. Bakit may lakad ka na naman ba Allison?” tanong naman ni Mommy pabalik kay Ate pagkatapos ay tumaas pa ang isang kilay nito.
Napabuntonghininga rin naman si Ate at bahagyang umiling at ngumiti bago muling nagsalita.
“Wala naman, Mom. I just want to rest the whole day. Alam niyo namang busy na ako sa school dahil graduating,” sagot naman ni Ate.
“Kaya ko nga kayo ilalabas ngayon. I know you guys are tired because of school but I’m here right now to treat you all,” sagot ni Mommy pagkatapos ay napairap.
“Mags-shopping tayo today. Buy all you want!” excited na sabi pa ni Mommy.
“Oh! I’m sure may kapalit ‘to, Mom. Come on tell us,” sabi ko naman dahil kilala ko si Mommy.
Natawa naman si Mommy pagkatapos ay naupo sa tabi ko kaya napanguso ako.
“Kilalang-kilala mo talaga ako, Scarlet!” natatawang sabi ni Mommy sa akin.
“Kung ano man ‘yan. Pwede bang hindi na lang ako sumama?” tanong ko.
Alam ko na ang kapalit nito. Dadalo kami sa social gathering na sinasabi nila Clara at Josiah at ayaw kong pumunta roon. Kapag kasi ganoon ay kung kani-kanino kami pinapakilala ni Mommy at nags-set pa siya ng date para sa amin at sa mga anak ng business partner niya. I’m so seek of it! Ayaw ko nang maulit dahil nasasayang lang ang oras ko.
“No. You guys should come with me there. May award ako bilang isang magaling na leader ng kompanya at ayaw kong tanggapin ‘yon nang hindi tayo kompleto roon,” paliwanag kaagad sa akin ni Mommy.
“Sa social gathering? Sure! I’m gonna come, Mom! I know it will be fun because some of my friends are also coming!” excited din naman na sabi ni Ate kaya napairap ako.
“I have no objection for that. Wala rin naman akong magagawa kaya sasama na lang din ako,” sagot naman ni Stella.
Napahugot na lang ako nang malalim na hininga at napailing dahil sila lang naman ang mahilig sa mga ganito. Wala lang din akong choice dahil kapag sinabi ni Mommy ay hindi kana pwedeng kumontra roon.
“I promise. I will let you enjoy the party. Hindi na kita ipapakilala sa mga anak ng business partners ko,” sabi ni Mommy para lang makumbinsi ako.
Wala na nga akong ibang nagawa pa kung hindi mag-oo na lang kay Mommy. Sa maghapon din na iyon ay nag-shopping kami ng mga damit at kung ano-ano pa. Nagpa-spa rin kaming apat para ma-relax daw kami. Sumunod na lang ako sa kanila at na-enjoy ko rin naman kahit papaano ang lakad namin. Hindi ko rin alam na bukas na rin pala ang party kaya naman nang gabi ay nagkulong na lang ako sa kwarto ko para makatulog.
Kinabukasan ay naging abala sa bahay dahil nagpatawag pa ng make up artist at stylist si Mommy para sa aming tatlo nila Ate at Stella. Ang dami ko ring texts at chat na natanggap mula kay Clara at Josiah kagabi pa pero hindi ko na sila nireply-an. Magkikita rin naman kami sa party. Hindi ko na lang din sasabihin sa kanila ang pagdalo ko para ma-surprise na lang silang dalawa kapag nakita nila akong naroon.
Pinagmasdan ko ang sarili sa malaking salamin na nasa kwarto ko. Katatapos ko lang ayusan sa dressing room dito sa bahay pero bumalik ako rito sa kwarto ko para mas makita ko ang sarili ko. Nakasuot ako ng silver silky dress at backless ito. Silver din ang three inches na heels ko at naglagay lang ako ng kaonting alahas sa katawan. Ayaw ko sana isipin ng iba na masyado kong pinaghandaan ang pagdalo rito sa party na sinasabi ni Mommy. Ayaw ko rin naman magmukhang hindi maganda sa harapan ng maraming tao lalo na at makakatanggap ng award si Mommy para sa kompanya namin.Nakailang tawag na rin ang mga kaibigan ko sa akin kanina pero nang maghapon na ay hindi na sila nagpaparamdam sa akin. Siguro ay naging abala na rin sila sa pag-aayos at baka naisip na rin nila na hindi talaga ako dadalo roon."Ate,Eli! Is it really true that Josiah will attend to that party too?" tanong sa akin ni Stella nang bigla itong pumasok sa kwarto ko.Napairap naman ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Nang
"I'll just get some drinks," paalam ko sa kanila."Samahan na kita," sabi ni Josiah.Umiling naman ako kaagad, "No. Ako na lang ang kukuha," sabi ko.Hindi naman nagpumilit pa si Josiah at hinayaan na ako. Nagpunta ako sa mga cocktail table at kumuha ng mga nakahandang inumin doon."Thank you," sabi ko nang matapos kong inumin ang dalawang shot ng tequila.Halos tikman ko yata lahat ng alak doon at pakiramdam ko ay wala man lang tumatalab sa akin."Eli,"Napahinto ako sa pagpili ng iinumin nang may tumawag sa akin. Napalingon ako roon at nakita kong si Jackson 'yon. Napatingin siya sa hawak kong hard drinks pero nagtaas lang ako ng kilay sa kaniya."What are you doing?" tanong niya habang nakatingin sa hawak kong alak.Napatingin din naman ako roon at napangisi. Ano naman sa kaniya kung ano ang ginagawa ko ngayon? Bakit hindi niya kasama ang girlfriend niya? Bakit niya pa ako pinuntahan dito?"You, what are you doing here?" tanong ko sa kaniya."I was about to get some champagne," sag
Magsasalita pa sana ulit si Clara nang sabay-sabay kaming napatingala sa isang lalaki na tumayo sa gilid niya. Hindi ko maiwasang hindi mapangana dahil si Elijah 'yon! Si Elijah na crush na crush ni Clara."Clara," tawag niya sa kaibigan ko.Napangisi ako dahil alam ko na sobra ang galak ngayon ng kaibigan ko. Gwapo si Elijah at isa rin sa mayaman dito sa town namin. Gustong-gusto siya ni Clara dahil bukod sa gwapo, sikat at mayaman ay mabait din ito at matalino.Mukha namang natulala si Clara kay Elijah kaya naman naramdaman ko ang mahinang pagsiko sa akin ni Josiah. Mahina ko namang sinipa ang paa ni Clara sa ilalim ng lamesa para bumalik sa wisyo."Y-yes?" nauutal na sabi naman niya pagkatapos ay umayos nang upo."Can we dance? Kahit sandali lang," tanong nito sa kaniya kaya mas lalong nanlaki ang mga mata ko."Sure, Elijah! Pwedeng-pwede mong isayaw 'yan kahit nga magdamag ngayong gabi ay hindi aangal 'yan," si Josiah naman ang sumagot kaya siniko ko siya."May I have this dance?"
Pamayamaya naman ay dumating na si Josiah na kababalik lang. Hindi siya nakangiti at hindi rin nakasimangot. Sobrang seryoso ang mukha niya kaya hindi ko maiwasang hindi siya tignan. "Mabuti naman nakabalik kana. Ang tagal mona nga at mas mukhang matagal pa si Clara!" reklamo ko sa kaniya. Napailing naman siya at napaupo sa tabi ko. Sandali naman akong napalingon sa grupo nila Stefan na nagtatawanan dahil sa mga pinag-uusapan nila at nakita ko ngang nakatitig sa akin si Stefan kaya mabilis akong nag-iwas nang tingin sa kaniya. Hindi naman nagsalita si Josiah dahil sobrang seryoso pa rin ng mukha niya kaya naman para mawala iyon ay bahagya kong tinusok ang tagiliran niya para patawanin siya pero hindi naging effective iyon sa kaniya kaya napabuntonghininga na lang. "I'm just gonna get some drinks," sabi niya sa akin pagkatapos ay mabilis na tumayo at umalis doon. Napakagat naman ako sa labi ko at napailing bago tuluyang tumayo rin para sundan siya. Napaisip tuloy ako kung pinagbig
Kita ko ang kaba sa mga reaksyon niya pero wala na sa akin 'yon dahil gusto ko talaga siyang makausap. Hindi kami pinagbabawalan ni Mommy na mag-boyfriend pero kailangan namin ipaalam sa kaniya 'yon at sa bahay kami liligawan. Hindi ko lang talaga lubos maisip na may boyfriend na siya ngayon lalo na at wala naman kaming nakikitang nanliligaw sa kaniya sa bahay. "But-" "No buts, Stella. I need to talk to you. Now." Bahagya na namang nanlaki ang mga mata niya at kaagad na nagpaalam sa mga kaibigan niya bago tuluyang sumama sa akin. "Ate Eli, ano ba? Nakikita mo namang kasama ko ang mga friends ko. What do you need from me?" sunod-sunod niyang pagrereklamo sa akin nang tuluyan kaming makalayo roon. "Is it true? Na may boyfriend kana?" tanong ko kaagad sa kaniya. Nakita ko naman ang pagbuntonghininga niya bago napasapo sa ulo niya. "Hindi na ako magtatanong kung kanino mo nalaman 'yan. Syempre kay, Josiah," sagot niya sa akin pagkatapos ay napairap sa kawalan. "Tinatanong kita kun
"Come on, Eli. 'Wag ka ngang kill joy! Tatanungin ka lang naman e," bulong naman sa akin ni Clara kaya muli ko siyang inirapan.Nagkibit na lang ako ng balikat para maituloy na ang laro. Nagulat naman ako nang biglang tumayo si Stefan sa kinauupuan niya para lumapit sa akin."What are you doing?" tanong ko sa kaniya nang naupo siya sa baba kaya ang baba niya ay nasa bewang ko."Eliana Scarlet, may I ask if I have a chance if I court you?" tanong niya sa akin.Tuwang-tuwa naman silang lahat doon at ako ay halos ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa kalokohan na ginagawa nila. Nanatili naman si Stefan doon at ang mga kasama namin ay naghihintay ng sagot ko kaya naman napangisi ako."Siya lang ang may dare rito, right? So does it mean na hindi ko kailangan sumagot," sabi ko pagkatapos ay nagkibit ako ng balikat."Oo nga pala. Ang bobo niyo!" reklamo ni Stefan sa mga kaibigan niya kaya hindi ko napigilan ang sarili na hindi matawa.Nagtawanan naman sila roon nang ma-real
Iyak nang iyak si Stella nang gabing 'yon. Inuwi namin siya ni Josiah at doon ko na lang din pinatulog si Clara sa bahay. Ang mga kasambahay namin ay halos mataranta nang makauwi kami roon sa bahay. "Please don't tell about this to Mom. Ako na ang bahala na magpaliwanag sa kaniya bukas," bilin ko sa lahat ng mga kasambahay namin doon. Kahit ang mga security guard na nakakita na umiiyak si Stella ay sinabihan ko na huwag sasabihin kay Mommy. Sigurado kasi akong mag-aalala 'yon nang sobra sa bunsong anak niya. Sigurado rin na ako ang malilintikan dahil sa akin ito binilin. "Nakita mona kung bakit ayaw kong mag-boyfriend ka nang hindi namin nalalaman? Kasi nga hindi lahat ng tao pwede nating pagkatiwalaan," pagsesermon ko kay Stella nang mabihisan namin siya ni Clara. Natigil na siya sa pag-iyak at mukhang nahimasmasan naman na kaya hindi kona napigilan ang sarili kong sermonan siya. "Pinapayagan ka naman naming mag-party dahil malaki ang tiwala namin sa'yo. May isip kana at alam mo
"Can I stay to your condo until tomorrow morning? Ayoko muna rito," sabi ko at sinimulan nang kumuha ng mga damit."Pwede naman pero baka lalong magalit sa'yo si Tita. Magpaalam ka na lang muna," sagot naman ni Clara sa akin."Please, Clara. Kung hindi ayos sa'yo ay kay Josiah na lang ako makikituloy," sabi ko naman sa kaniya."Fine sa akin na. Ipaalam mo na lang kila Ate Allison or kay Stella," sagot niya sa akin."Hindi ako magpapaalam sa kanila, Clara. Kaya mag-ayos kana dahil aalis na tayo ngayon. Ililibre na lang kita ng breakfast sa labas," sabi ko sa kaniya.Wala namang ibang nagawa si Clara kung hindi sumunod sa akin. Ayaw ko muna rito dahil sigurado akong sa akin lang isisisi ni Mommy ang lahat. Syempre, kailan nga ba kasi niya nakita ang tamang nagagawa ko? Kahit kailan never niyang nakita 'yon lalo na kapag ang naaapektuhan na ay si Stella at si Ate Allison.Umalis kami ng bahay ni Clara at nagpaalam lang siya sa mga kapatid ko na aalis muna kami. Hindi ko nakita sa baba si
"Hindi ba magagalit ang boyfriend mo? Pwede ko naman ipaliwanag kay Yasmin na hindi ka pwede ngayon," sabi ni Stefan habang naglalakad kami papunta sa hospital room ni Yasmin.Napailing ako, at bahagyang napangisi dahil paniwalang-paniwala talaga siya na boyfriend ko nga si Lance."Wala namang dapat ikagalit. Don't mind about it, Stefan. It's okay. I assure you," sabi ko sa kaniya, at nginitian siya.Napabuntong hininga naman siya, at napailing sa akin na para bang hindi ko siyang makumbinsi na ayos lang talaga 'yon para sa akin."Ayaw ko lang mag-away kayo dahil dito," sagot niya nang tuluyan kaming nakapasok sa room ni Yasmin.Kita ko ang kunot noo na itsura ni Yasmin nang mapatingin siya sa amin kaya naman nginitian ko siya, dahil mukhang narinig niya ang huling sinabi ni Stefan."Magalit? Sino ang magagalit? Pinalalayo ka na ba ng Mommy mo sa amin, Doc?" sunod-sunod na tanong ni Yasmin.Mabilis naman akong napailing sa kaniya, at napatingin kay Stefan na inunahan ako sa paglakad.
"Come on, Eli. Tell me the truth. Hindi naman ako magagalit kung nagkabalikan na kayo ulit ni Stefan," pangungulit sa akin ni Josiah.Napabuntong hininga ako, at tinaasan siya ng kilay. Kanina ko pa sinabi sa kaniya na hindi naman kami nagkabalikan ni Stefan, pero ayaw niyang maniwala roon. "Stop it, Jos. Nag-usap lang kaming dalawa," sagot ko sa kaniya.Naglalakad kami ngayon papunta sa isang restaurant malapit sa hospital. As usual ay kahit na nasa labas ako ay alam kong may nakasunod na bodyguards sa akin. Dinner time na rin kasi kaya naisipan naming sa labas na lang kumain dahil may duty kami magdamag."Nag-usap? You said that you already talked. Ilang beses ko na rin kayong nakikitang nag-uusap kaya hindi mo maidadahilan ang salitang 'yan sa akin," sunod-sunod na sabi niya na para bang hindi talaga siya naniniwala sa sinasabi ko.Muli akong napailing dahil hindi ko alam kung paano ko ba siya makukumbinsi na nag-usap lang talaga kami ni Stefan kanina."Kung ayaw mong maniwala sa'
After kong manggaling sa presinto ay dumiretsyo ako sa Hospital. Sinalubong naman ako kaagad ni Josiah para kumustahin ako."Nabanggit sa akin ni Stella na galing daw kayo sa presinto. Kumusta? Nakausap niyo ba ang kakambal ng Dad niyo?" tanong agad sa akin ni Josiah.Tumango ako at napabuntong hininga."Yup. Naipakilala ko na rin sila kay Tito Adler, and we still get to know him," sagot ko naman.Napatango naman sa akin si Josiah bago niya ayusin ang laboratory coat niya. Magsasalita pa sana siya kaya lang ay nabalingin ang tingin niya sa likuran ko kaya napakunot ang noo ko, at napatingin doon.Nakita ko si Stefan na palapit sa amin kaya naman napabuntong hininga ako."I'll just check some of my patients. Pupuntahan na lang kita mamaya sa office mo," sabi ni Josiah pagkatapos ay agad na umalis doon.Sandali akong nataranta dahil hindi ko expected na aalis siya roon agad, pero ikinalma ko ang sarili ko."Doc Eli," tawag sa akin ni Stefan.Nanatili ang tingin ko sa kaniya, at kita ko
"How can you not know about that, Mom?!" tanong ni Allison."My gosh! Kung hindi nagpakilala 'yon ay baka naniwala na akong si Dad 'yon!" sunod-sunod na sabi naman ni Stella."How can I know about that? Walang nabanggit sa akin ang Daddy niyo na may kakambal siya!" sagot ni Mommy pagkatapos ay napa-upo sa sofa. Nasa bahay kami ngayon, dahil matapos lumabas ang statement ni Tito Adler sa balita ay tinawagan kami ni Mommy para umuwi. Akala ko ay hindi nila 'yon mapapanood kaagad dahil busy sila sa mga trabaho nila, pero nagulat na lang ako nang napanood pala nila 'yon kaagad."He looks like Dad. Bigla ko tuloy na-miss si Daddy," sabi ni Ate gamit ang malungkot na boses.Naalala ko ang gabi na nagpakita sa akin si Tito Adler, at sobra rin akong nalungkot dahil akala ko ay Dad ang nasa harapan, pero hindi pala. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Allison dahil naramdaman ko na rin 'yon."So what's your plan, Mom? Don't tell me we're not gonna help him, huh?" tanong ni Stella.Napaangat
Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas hanggang sa tuluyang kumalma si mommy, pero bakas pa rin ang galit sa mga mata niya."G-Gusto ko lang naman tulungan ang bata, but it doesn't mean na babalik akong muli kay Stefan," paliwanag ko sa kanila.Kahit si Stella ay ayaw sumang-ayon na ampunin ko si Elias, dahil hindi ko naman daw obligasyon 'yon. Isa pa ay matindi talaga ang galit nila kay Stefan kahit na sinabi ko na sa kanila na matagal ko na itong napatawad."How can you so sure about that? Sigurado ako na gagamitin ka na naman ng lalaking 'yon!" inis na sabi ni Stella."Mukhang balak mo yatang magpaloko na lang habang buhay, Eliana. Hay! Hindi ko na alam kung ako pa ba ang dapat kong sabihin. Nasa tamang edad ka na kaya bahala ka!" patuloy na pagsermon sa akin ni Mommy.Napabuntong hininga akong muli dahil hindi ko sila maintindihan kung bakit nasa isip nila ang pakikipagbalikan ko kay Stefan kahit na kailanman ay hindi sumagi sa isip ko 'yon."I just want to help the baby, per
After kong maibalik si Yasmin sa room niya ay pinagpahinga ko na siya. Naroon pa rin si Stefan at si Elias ay tulog sa maliit na crib."Thank you, Doc. Kumusta siya?" tanong sa akin ni Stefan.Nakatulog kaagad si Yasmin, dahil mabilis mapagod ang katawan niya. Si Stefan naman ay itinigil ang ginagawa niya para lumapit sa akin, at magpasalamat."She was fine, at nakapag-usap na rin kaming dalawa. She just mentioned something to me earlier," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat.Kita ko ang bahagyang pagkagulat sa mga mata niya na para bang alam na niya kung tungkol saan 'yon."A-About what?" nauutal na tanong niya.Nag-iwas ako nang tingin sa kaniya, at tinignan ko si Yasmin na tulog sa bed niya na para bang pagod na pagod."She doesn't want to take the surgery." Sagot ko.I feel so sorry for her, dahil kahit na hindi ako sang-ayon sa gusto niya ay wala naman akong ibang magawa."Yes, she already told me about that. Hindi ako pumapayag sa gusto niya kahit na naubos na ang funds n
Tanaw kong malapit nang lumubog ang araw, at natutuwa akong makita masaksihan 'yon ngayon, dahil halos gabi na kapag lumalabas ako mula sa hospital. It's a good thing na ito ang hiniling ni Yasmin kaya nakasama ako sa panonood niya sa pagbaba ng araw."How's your feeling?" tanong ko kay Yasmin.Nasa likod kami ng hospital ngayon kung saan maraming puno at malaking oval field. Ganitong place ang pinili ko para sa hospital ko para naman mabigyan ko ang mga pasyente na magkaroon ng malaking space. Presko ang hangin doon at dito ako minsan nagpupunta kapag gusto ko mapag-isa. May mga ibang pasyente rin naman doon na inililibot ng mga nurse nila."As of now maayos naman ang pakiramdam ko at walang sakit na nararamdaman," sagot sa akin ni Yasmin.Ibinigay ko sa kaniya ang vegetables salad na binigay sa akin kanina ni Josiah, dahil hindi ko naman na 'yon makakain pa. Ang iced coffee na lang ang inuubos ko ngayon. Nakatingin sa malaking oval field si Yasmin habang naka-upo sa wheelchair niya
Hindi rin ako tumagal sa nursery room at nakapagkwentuhan naman kami roon ni Stefan, kaya nang natapos kami ay bumalik ako muli sa trabaho ko."Nakita mo na?" tanong sa akin ni Josiah nang muli kaming magkita/Napahugot ako nang malalim na hininga pagkatapos ay tumango bilang sagot sa kaniya. Tipid naman siyang ngumiti sa akin pagkatapos ay bahagyang tinapik ang balikat ko."Magaan ang loob ko sa bata, Jos. Nang makita, at mahawakan ko siya kanina ay parang nakasama ko ulit si Margaret," sabi ko sa kaniya pagkatapos ay hindi ko naiwasang mapangiti.Nakita ko naman ang agad na pag-iling ni Josiah habang nakatingin sa akin kaya naman bahagya ko siyang tinaasan ng kilay."Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo, Eli. I-separate mo ang personal feelings mo sa mga ganitong sitwasyon para hindi ka masaktan sa huli," sabi niya para paalalahanan akong muli.Napabuntong hininga naman ako at pilit na ngumiti sa kaniya bago magsalita."I know, Jos. May kakaiba lang talaga akong naramdaman sa bata," s
Dumiretsyo ako sa room ni Lance at naabutan kong gising na siya. He was talking with Criza, his sister. Sabay silang napatingin sa akin nang makapasok ako roon kaya naman ngumiti ako."Doc, Eli." Bati sa akin ni Criza.Nginitian ko naman si Criza at hindi ko maiwasan na maalala ang nalaman ko sa nangyari sa kaniya. Lumipit ako kay Criza para makipagbeso sa kaniya, pagkataos ay napatingin ako kay Lance na tahimik lang na nakatingin sa akin."Iwanan ko muna kayong dalawa rito. May bibilhin lang ako sa labas," sabi ni Criza para magpaalam.Tumango naman ako sa kaniya, at pinanood ko siya hanggang sa makalabas siya sa hospital room ni Lance. Nang tuluyang makaalis si Criza ay muli akong bumaling kay Lance. Napangisi siya na para bang magsisimula na naman na asarin ako kaya agad akong lumapit sa kaniya, at bahagya kong hinampas ang braso niya."Ouch! Eliana! Nagpunta ka ba talaga rito para saktan ako?" tanong niya pagkatapos ay bahagyang natawa."Yeah, dahil nakakainis ka! Bakit mo sinalo