Ibinuga ko ang huling usok na hinithit ko mula sa sigarilyong hawak ko habang nakatanaw sa itaas upang pagmasdan ang mga bituin. Napatingin ako sa hawak kong sigarilyong paubos na pagkatapos ay napailing bago ako napabuntonghininga. Hinanap ko kaagad ang basurahan para itapon 'yon doon. Hindi naman talaga ako nagyoyosi pero sobrang stress ko lang ngayon at tingin ko ay iyon lang ang paraan para mabawasan ang stress na nararamdaman ko ngayon.
I lost one of my patients today. Ginawa ko naman lahat nang makakaya ko pero wala talaga dahil hanggang doon na lang ang kinaya ng buhay niya. Bilang doctor ay sobrang sakit sa puso na mawalan ng pasyente, pakiramdam ko ay hindi ko nagampanan ang tungkulin ko. Idagdag pa roon ang pakiramdam ng mga magulang na nawawalan ng anak. Sobrang sakit sa puso at alam na alam ko ang pakiramdam nang mawalan ng anak dahil naranasan ko na ang isang bagay na 'yon.
Humugot ako nang malalim na hininga at agad na dumiretsyo sa basuran. Nasa labas ako ng bahay ngayon dahil ayaw kong masira ang party ng kapatid. Iniwanan ko sandali ang mga kaibigan ko roon dahil gusto ko rin munang mapag-isa.
"Don't blame yourself, Eli. It's their faith," bulong ko sa sarili ko nang maitapon ko ang sigarilyo sa basurahan.
Pabalik na sana ako sa loob ng bahay kaya lang ay may naaninag ako na para bang may taong nagtatago sa gilid ng halaman sa tabi ng malaking pader namin sa labas. Kunot-noo akong napalingon doon ay may tao nga akong nakita kahit madilim doon. May kaba akong naramdaman pero mas nanaig ang curiosity ko para tignan kung sino 'yon.
Lumakad ako papunta roon pero agad itong tumalikod at naglakad nang mabilis. Naka-jacket ito ng kulay itim at naka-cap din ng kulay itim. Hindi ko alam kung bakit naroon siya sa gilid ng gate namin na para bang nagmamasid sa amin kaya gusto kong malaman kung ano ang pakay niya at kung sino siya.
"Hey!" tawag ko habang sinusundan ito.
Hindi ko alam kung bakit ko siya sinusundan pero wala akong takot na nararamdaman ngayon.
"Wait! Who are you? What are you doing outside our house?" sunod-sunod kong tanong habang patuloy itong naglalakad.
"Sino ka?!" tanong kong muli gamit ang mas malakas kong boses.
Nang makita kong nagdahan-dahan ito sa paglalakad ay dinahan-dahan ko rin ang paglalakad ko. Nang tuluyan itong huminto ay nanatili itong nakatalikod sa akin kaya naman doon pa lang ako nakaramdam ng takot pero pinilit kong lakasan ang loob ko.
"Who are you?" tanong ko sa kaniyang muli.
Tinatagan ko naman ang loob ko nang makita kong unti-unti itong humarap sa akin. Nang makita ko ang itsura nito ay nanlamig ako at naestatwa sandali roon.
"D-Dad?" tanong ko habang nauutal.
Agad akong napailing. My father is already dead 13 years ago and I witnessed how he buried on his grave. Namatay siya dahil sa car accident kaya hindi tama ang nakikita ko ngayon. Napailing ako dahil baka sa sobrang stress ko kaya nagha-hallucinate ako ngayon. Kinusot ko ang dalawa kong mata dahil baka tinamaan na rin ako ng alak na nainom ko kanina.
Nang matapos kong kusutin ang dalawa kong mga mata ay muli akong napatingin sa lalaking nasa harapan ko pero hindi nagbago ang itsura nito. Mukha pa rin ni Daddy ang nakikita ko.
"What the hell is happening to me?" tanong ko sa sarili pagkatapos ay tinapik ko ang dalawang pisngi.
"Tama ang nakikita mo ngayon," sabi ng lalaking nasa harapan ko.
Kumalabog ang puso ko nang marinig na kahit pati ang boses ni Daddy ay gayang-gaya niya. May bahid nang luha ang pumatak sa gilid ng mga mata ko dahil ang boses na iyon ay hindi ko maipagkakaila na miss na miss ko. Kung panaginip lang ang nangyayari sa akin ngayon ay sana huwag na lang akong magising.
"This is not true. This is just a dream but.."
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil agad akong lumapit sa kaniya para mayakap siya nang mahigpit. I missed him so much. Bihira lang magpakita sa panaginip ko si Daddy kaya susulitin kona ito ngayon. Siguro ay alam niyang mabigat ang pinagdaraanan ko ngayon kaya niya ako dinalaw sa panaginip ko.
"Hijah wait. Hindi ako ang tatay mo," sabi nito sa akin pagkatapos ay agad akong inilayo sa kaniya.
Kunot-noo ko naman siyang tinignan at napailing. Pinagmasdan ko siyang mabuti at mukha ngang totoo ang nangyayari ngayon at hindi ito panaginip.
"Alam kong magugulat kayo kapag nakita niyo ako pero hindi ako si Adie," sabi nito.
Napailing at napalunok ako dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nito sa akin.
"I'm his long lost twin brother. Your mother doesn't have any idea about me. Matagal na akong nagmamasid sa inyo at naghahanap ng tiyempo para magpakita sa inyo dahil hindi na kinakaya ng konsensya ko," tuloy-tuloy nitong paliwanag sa akin.
Para bang hindi ako makapaniwala sa naririnig sa kaniya. Wala ngang binabanggit sa amin si Daddy tungkol sa mga kapatid niya. Ang alam lang namin ay wala na siyang pamilya kaya naman talagang nakakagulat ang nalalaman ko ngayon.
Kumot muli ang noo ko, "Konsensya? Para saan?" tanong ko.
"I know it's been a years, pero alam kong nadamay kayo sa gulong ginawa ko noon. Lalo kana, Eliana. Kaya gusto kong pagbayaran ang lahat," sabi nito gamit ang seryosong boses.
"Wait.. what are you talking about? Hindi ko maintindihan ang lahat. A-Ano'ng nagawa mo noon na nadamay ako?" tanong ko dahil gulong-gulo na ang isip ko.
"Hintayin mo na lang ang balita at doon niyo malalaman ang lahat. Eliana, anak ka ng kapatid ko at nakikiusap ako sa'yo na huwag mo munang ipaalam sa Mommy mo ang mga nalaman mo ngayon. Hintayin mo sana na ako mismo ang magpakilala at magpakita sa kaniya pati na rin sa mga kapatid mo," sunod-sunod nitong sabi dahilan naman nang pagtango ko.
Nararamdaman kong nagsasabi siya ng totoo na kakambal siya ni Daddy dahil kamukhang-kamukha niya ito. Ang hindi ko lang maintindihan ay ang sinasabi niya dahilan nang mas lalong nagpabagabag sa isip ko.
"My gosh Eli, where have you been?! Lahat kami nag-alala sa'yo!" halos maghisterikal si Ate nang makabalik ako sa bahay.
"I'm sorry, Ate. I-I just talked to my ex," palusot na sabi ko.
Pagkabalik ko kanina ay kasama na ng ibang kasambahay at guards si Ate at mukhang na-check nila ang CCTV dahil tinanong nila kung sino ang lalaking 'yon. Matagal na nga raw nilang napapansin na parang umaaligid sa bahay at natatakot daw sila roon.
"Ex? You mean, Stefan? At bakit naman pupunta si Stefan dito?" sunod-sunod na tanong ni Ate dahilan nang pag-iling ko.
"No. Ex fling ko 'yon at na-ghost ko noon kaya ngayon ay dinadalaw ako. Nahihiya raw siyang magpakita kaya humahanap siya ng tiyempo para magpakita sa akin," pagsisinungaling na sabi ko.
Mabuti na lang talaga ay hindi na nagtanong pa si Ate tungkol doon at pinakiusapan kona rin siya na huwag nang ipaalam kila Mommy at sa mga kaibigan ko dahil ayaw ko nang pag-usapan pa iyon. Gustuhin ko man sabihin kaagad sa kanila ang nalaman ko ay hindi ko naman magawa dahil tumutupad ako sa usapan.
Sa mga sumunod na araw ay tinanong ko si Mommy kung may alam ba siyang kapatid ni Daddy. Ang sabi niya sa akin ay may alam daw siyang kapatid ni Daddy pero matagal na raw na hindi nagpakita ito simula pa lang noong binata sila. Hindi naman niya nabanggit sa akin na ang kapatid ni Daddy na iyon ay kakambal nito.
Ilang araw ko rin iniisip ang nalaman ko na 'yon kahit sa trabaho at lagi na rin akong nakatutok sa balita pero wala akong nakikita. Kung sana pala ay kinuha ko ang number nito para may contact ako sa kaniya kung sakaling gusto ko siyang kausapin.
"Eli," tawag sa akin ni Josiah.
Kakatapos ko lang mag-rounds at napapahikab pa ako dahil sa antok. Pabalik na sana ako sa office ko nang masalubong ko si Josiah na mukhang magr-rounds na rin.
"What?" tanong ko sa kaniya habang nakataas ang isang kilay.
Bahagya namang natawa ang kaibigan ko pagkatapos ay napakamot sa ulo kaya binawi ko 'yon at napangisi na lang din.
"I have a favor," sabi niya kaagad.
Kumunot naman ang noo ko, "What is it?" tanong ko.
"Come with me and you'll see," sabi niya gamit ang seryosong boses kaya naman napatango na lang ako.
Nagsimula siyang maglakad kaya sumunod ako sa kaniya. Wala naman na akong ibang gagawin ngayon bukod sa appointment ko sa isang pasyente mamayang before lunch. Hindi ko alam kung ano ang favor na sinasabi ni Josiah pero kung ano man 'yon ay kinakabahan ako dahil ngayon lang naman siya humingi ng favor sa akin.
"Ipapasa ko sa'yo ang isang pasyente ko. Please, Eli," paki-usap niya.
"What? Bakit mo ipapasa sa akin?" tanong ko naman gamit ang nagtatakhang mukha habang nakasunod sa kaniya.
"I-I just think I can't... and we all know that you're the best surgeon here in our city. Wala akong lakas loob para sa operasyon na ito ngayon," paliwanag niya sa akin.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Josiah kaya patuloy ko siyang sinundan sa paglalakad hanggang sa huminto kami sa isang pintuan. Magsasalita na sana akong muli nang biglang bumukas ang pintuan dahilan nang paglingon ko roon.
Para bang kumalabog ang puso ko nang makita kung sino iyon at para bang gusto ko nang umatras.
"Eli," tawag na naman sa akin ni Josiah.
Napalunok ako roon at hindi nakagalaw. Ano'ng ginagawa ng lalaking 'yan dito sa Hospital ko? Gusto kong magtanong at magsalita pero walang boses ang lumalabas sa bibig ko.
"Jos," tawag ko kay Josiah dahil hindi ko alam kung ano ang dahilan nang pagdala niya sa akin dito.
"Ang asawa niya ang sinasabi kong ililipat ko sa'yo, Eli," paliwanag kaagad sa akin ni Josiah.
"Let's come inside and you can check up on her," dagdag na sabi pa ni Josiah pagkatapos ay pumasok sa loob ng kwarto.
Nauna siyang pumasok doon at naiwan akong nakatayo sa harapan ni Stefan. Si Stefan na ex ko at ang tatay nang naging anak ko. Para bang gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko dahil hindi ko aakalain na sobrang liit pala talaga ng mundo. Alam ko naman na magkikita at magkikita pa kaming dalawa pero hindi ko expected na sa ganitong paraan.
Hindi ko akalain na ang mga taong nanakit at nanloko sa akin noon ay lalapit pa rin pala sa akin para manghingi ng tulong. Tama nga ang sinasabi ng karamihan. Ang mundo ay bilog. Hindi ka habang buhay na nasa ibaba lang at hindi lahat nang nanakit nang sobra sa'yo ay laging magtatagumpay sa buhay.
Napairap ako nang makita ko si Josiah na nakangisi habang kumakaway sa akin sa labas ng room ko. Kanina ko pa gustong umuwi dahil kanina pa rin nang-aasar ang kaibigan ko sa labas. Kanina pa sana ang uwian namin kaya lang ay nagpa-make up class ang isa kong subject para hindi na raw kami magklase sa kaniya sa saturday. My gosh! Bakit parang utang na loob pa namin iyon sa kaniya e, siya naman ang hindi pumasok sa amin noong nakaraang araw.“To those students who have already done with their quiz, you can go now,”Para akong nabuhayan nang marinig kong sabihin iyon ng prof ko. Dali-dali kong iniligpit ang mga gamit ko sa bag ko at tumayo na para maipasa ang quiz ko kay Sir.“Thank you Ms. Dela Peña,” sabi ng prof ko pagkatapos ay ngumiti sa akin.Tipid lang naman akong ngumiti at tumango rito bago ako tuluyang lumabas na ng room. Agad naman akong sinalubong ni Josiah kaya hinagis ko sa kaniya ang hawak kong bag.“Aray! Dahan-dahan naman!” pagrereklamo niya.Napangisi naman ako nang tign
Pinagmasdan ko ang sarili sa malaking salamin na nasa kwarto ko. Katatapos ko lang ayusan sa dressing room dito sa bahay pero bumalik ako rito sa kwarto ko para mas makita ko ang sarili ko. Nakasuot ako ng silver silky dress at backless ito. Silver din ang three inches na heels ko at naglagay lang ako ng kaonting alahas sa katawan. Ayaw ko sana isipin ng iba na masyado kong pinaghandaan ang pagdalo rito sa party na sinasabi ni Mommy. Ayaw ko rin naman magmukhang hindi maganda sa harapan ng maraming tao lalo na at makakatanggap ng award si Mommy para sa kompanya namin.Nakailang tawag na rin ang mga kaibigan ko sa akin kanina pero nang maghapon na ay hindi na sila nagpaparamdam sa akin. Siguro ay naging abala na rin sila sa pag-aayos at baka naisip na rin nila na hindi talaga ako dadalo roon."Ate,Eli! Is it really true that Josiah will attend to that party too?" tanong sa akin ni Stella nang bigla itong pumasok sa kwarto ko.Napairap naman ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Nang
"I'll just get some drinks," paalam ko sa kanila."Samahan na kita," sabi ni Josiah.Umiling naman ako kaagad, "No. Ako na lang ang kukuha," sabi ko.Hindi naman nagpumilit pa si Josiah at hinayaan na ako. Nagpunta ako sa mga cocktail table at kumuha ng mga nakahandang inumin doon."Thank you," sabi ko nang matapos kong inumin ang dalawang shot ng tequila.Halos tikman ko yata lahat ng alak doon at pakiramdam ko ay wala man lang tumatalab sa akin."Eli,"Napahinto ako sa pagpili ng iinumin nang may tumawag sa akin. Napalingon ako roon at nakita kong si Jackson 'yon. Napatingin siya sa hawak kong hard drinks pero nagtaas lang ako ng kilay sa kaniya."What are you doing?" tanong niya habang nakatingin sa hawak kong alak.Napatingin din naman ako roon at napangisi. Ano naman sa kaniya kung ano ang ginagawa ko ngayon? Bakit hindi niya kasama ang girlfriend niya? Bakit niya pa ako pinuntahan dito?"You, what are you doing here?" tanong ko sa kaniya."I was about to get some champagne," sag
Magsasalita pa sana ulit si Clara nang sabay-sabay kaming napatingala sa isang lalaki na tumayo sa gilid niya. Hindi ko maiwasang hindi mapangana dahil si Elijah 'yon! Si Elijah na crush na crush ni Clara."Clara," tawag niya sa kaibigan ko.Napangisi ako dahil alam ko na sobra ang galak ngayon ng kaibigan ko. Gwapo si Elijah at isa rin sa mayaman dito sa town namin. Gustong-gusto siya ni Clara dahil bukod sa gwapo, sikat at mayaman ay mabait din ito at matalino.Mukha namang natulala si Clara kay Elijah kaya naman naramdaman ko ang mahinang pagsiko sa akin ni Josiah. Mahina ko namang sinipa ang paa ni Clara sa ilalim ng lamesa para bumalik sa wisyo."Y-yes?" nauutal na sabi naman niya pagkatapos ay umayos nang upo."Can we dance? Kahit sandali lang," tanong nito sa kaniya kaya mas lalong nanlaki ang mga mata ko."Sure, Elijah! Pwedeng-pwede mong isayaw 'yan kahit nga magdamag ngayong gabi ay hindi aangal 'yan," si Josiah naman ang sumagot kaya siniko ko siya."May I have this dance?"
Pamayamaya naman ay dumating na si Josiah na kababalik lang. Hindi siya nakangiti at hindi rin nakasimangot. Sobrang seryoso ang mukha niya kaya hindi ko maiwasang hindi siya tignan. "Mabuti naman nakabalik kana. Ang tagal mona nga at mas mukhang matagal pa si Clara!" reklamo ko sa kaniya. Napailing naman siya at napaupo sa tabi ko. Sandali naman akong napalingon sa grupo nila Stefan na nagtatawanan dahil sa mga pinag-uusapan nila at nakita ko ngang nakatitig sa akin si Stefan kaya mabilis akong nag-iwas nang tingin sa kaniya. Hindi naman nagsalita si Josiah dahil sobrang seryoso pa rin ng mukha niya kaya naman para mawala iyon ay bahagya kong tinusok ang tagiliran niya para patawanin siya pero hindi naging effective iyon sa kaniya kaya napabuntonghininga na lang. "I'm just gonna get some drinks," sabi niya sa akin pagkatapos ay mabilis na tumayo at umalis doon. Napakagat naman ako sa labi ko at napailing bago tuluyang tumayo rin para sundan siya. Napaisip tuloy ako kung pinagbig
Kita ko ang kaba sa mga reaksyon niya pero wala na sa akin 'yon dahil gusto ko talaga siyang makausap. Hindi kami pinagbabawalan ni Mommy na mag-boyfriend pero kailangan namin ipaalam sa kaniya 'yon at sa bahay kami liligawan. Hindi ko lang talaga lubos maisip na may boyfriend na siya ngayon lalo na at wala naman kaming nakikitang nanliligaw sa kaniya sa bahay. "But-" "No buts, Stella. I need to talk to you. Now." Bahagya na namang nanlaki ang mga mata niya at kaagad na nagpaalam sa mga kaibigan niya bago tuluyang sumama sa akin. "Ate Eli, ano ba? Nakikita mo namang kasama ko ang mga friends ko. What do you need from me?" sunod-sunod niyang pagrereklamo sa akin nang tuluyan kaming makalayo roon. "Is it true? Na may boyfriend kana?" tanong ko kaagad sa kaniya. Nakita ko naman ang pagbuntonghininga niya bago napasapo sa ulo niya. "Hindi na ako magtatanong kung kanino mo nalaman 'yan. Syempre kay, Josiah," sagot niya sa akin pagkatapos ay napairap sa kawalan. "Tinatanong kita kun
"Come on, Eli. 'Wag ka ngang kill joy! Tatanungin ka lang naman e," bulong naman sa akin ni Clara kaya muli ko siyang inirapan.Nagkibit na lang ako ng balikat para maituloy na ang laro. Nagulat naman ako nang biglang tumayo si Stefan sa kinauupuan niya para lumapit sa akin."What are you doing?" tanong ko sa kaniya nang naupo siya sa baba kaya ang baba niya ay nasa bewang ko."Eliana Scarlet, may I ask if I have a chance if I court you?" tanong niya sa akin.Tuwang-tuwa naman silang lahat doon at ako ay halos ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa kalokohan na ginagawa nila. Nanatili naman si Stefan doon at ang mga kasama namin ay naghihintay ng sagot ko kaya naman napangisi ako."Siya lang ang may dare rito, right? So does it mean na hindi ko kailangan sumagot," sabi ko pagkatapos ay nagkibit ako ng balikat."Oo nga pala. Ang bobo niyo!" reklamo ni Stefan sa mga kaibigan niya kaya hindi ko napigilan ang sarili na hindi matawa.Nagtawanan naman sila roon nang ma-real
Iyak nang iyak si Stella nang gabing 'yon. Inuwi namin siya ni Josiah at doon ko na lang din pinatulog si Clara sa bahay. Ang mga kasambahay namin ay halos mataranta nang makauwi kami roon sa bahay. "Please don't tell about this to Mom. Ako na ang bahala na magpaliwanag sa kaniya bukas," bilin ko sa lahat ng mga kasambahay namin doon. Kahit ang mga security guard na nakakita na umiiyak si Stella ay sinabihan ko na huwag sasabihin kay Mommy. Sigurado kasi akong mag-aalala 'yon nang sobra sa bunsong anak niya. Sigurado rin na ako ang malilintikan dahil sa akin ito binilin. "Nakita mona kung bakit ayaw kong mag-boyfriend ka nang hindi namin nalalaman? Kasi nga hindi lahat ng tao pwede nating pagkatiwalaan," pagsesermon ko kay Stella nang mabihisan namin siya ni Clara. Natigil na siya sa pag-iyak at mukhang nahimasmasan naman na kaya hindi kona napigilan ang sarili kong sermonan siya. "Pinapayagan ka naman naming mag-party dahil malaki ang tiwala namin sa'yo. May isip kana at alam mo
"Hindi ba magagalit ang boyfriend mo? Pwede ko naman ipaliwanag kay Yasmin na hindi ka pwede ngayon," sabi ni Stefan habang naglalakad kami papunta sa hospital room ni Yasmin.Napailing ako, at bahagyang napangisi dahil paniwalang-paniwala talaga siya na boyfriend ko nga si Lance."Wala namang dapat ikagalit. Don't mind about it, Stefan. It's okay. I assure you," sabi ko sa kaniya, at nginitian siya.Napabuntong hininga naman siya, at napailing sa akin na para bang hindi ko siyang makumbinsi na ayos lang talaga 'yon para sa akin."Ayaw ko lang mag-away kayo dahil dito," sagot niya nang tuluyan kaming nakapasok sa room ni Yasmin.Kita ko ang kunot noo na itsura ni Yasmin nang mapatingin siya sa amin kaya naman nginitian ko siya, dahil mukhang narinig niya ang huling sinabi ni Stefan."Magalit? Sino ang magagalit? Pinalalayo ka na ba ng Mommy mo sa amin, Doc?" sunod-sunod na tanong ni Yasmin.Mabilis naman akong napailing sa kaniya, at napatingin kay Stefan na inunahan ako sa paglakad.
"Come on, Eli. Tell me the truth. Hindi naman ako magagalit kung nagkabalikan na kayo ulit ni Stefan," pangungulit sa akin ni Josiah.Napabuntong hininga ako, at tinaasan siya ng kilay. Kanina ko pa sinabi sa kaniya na hindi naman kami nagkabalikan ni Stefan, pero ayaw niyang maniwala roon. "Stop it, Jos. Nag-usap lang kaming dalawa," sagot ko sa kaniya.Naglalakad kami ngayon papunta sa isang restaurant malapit sa hospital. As usual ay kahit na nasa labas ako ay alam kong may nakasunod na bodyguards sa akin. Dinner time na rin kasi kaya naisipan naming sa labas na lang kumain dahil may duty kami magdamag."Nag-usap? You said that you already talked. Ilang beses ko na rin kayong nakikitang nag-uusap kaya hindi mo maidadahilan ang salitang 'yan sa akin," sunod-sunod na sabi niya na para bang hindi talaga siya naniniwala sa sinasabi ko.Muli akong napailing dahil hindi ko alam kung paano ko ba siya makukumbinsi na nag-usap lang talaga kami ni Stefan kanina."Kung ayaw mong maniwala sa'
After kong manggaling sa presinto ay dumiretsyo ako sa Hospital. Sinalubong naman ako kaagad ni Josiah para kumustahin ako."Nabanggit sa akin ni Stella na galing daw kayo sa presinto. Kumusta? Nakausap niyo ba ang kakambal ng Dad niyo?" tanong agad sa akin ni Josiah.Tumango ako at napabuntong hininga."Yup. Naipakilala ko na rin sila kay Tito Adler, and we still get to know him," sagot ko naman.Napatango naman sa akin si Josiah bago niya ayusin ang laboratory coat niya. Magsasalita pa sana siya kaya lang ay nabalingin ang tingin niya sa likuran ko kaya napakunot ang noo ko, at napatingin doon.Nakita ko si Stefan na palapit sa amin kaya naman napabuntong hininga ako."I'll just check some of my patients. Pupuntahan na lang kita mamaya sa office mo," sabi ni Josiah pagkatapos ay agad na umalis doon.Sandali akong nataranta dahil hindi ko expected na aalis siya roon agad, pero ikinalma ko ang sarili ko."Doc Eli," tawag sa akin ni Stefan.Nanatili ang tingin ko sa kaniya, at kita ko
"How can you not know about that, Mom?!" tanong ni Allison."My gosh! Kung hindi nagpakilala 'yon ay baka naniwala na akong si Dad 'yon!" sunod-sunod na sabi naman ni Stella."How can I know about that? Walang nabanggit sa akin ang Daddy niyo na may kakambal siya!" sagot ni Mommy pagkatapos ay napa-upo sa sofa. Nasa bahay kami ngayon, dahil matapos lumabas ang statement ni Tito Adler sa balita ay tinawagan kami ni Mommy para umuwi. Akala ko ay hindi nila 'yon mapapanood kaagad dahil busy sila sa mga trabaho nila, pero nagulat na lang ako nang napanood pala nila 'yon kaagad."He looks like Dad. Bigla ko tuloy na-miss si Daddy," sabi ni Ate gamit ang malungkot na boses.Naalala ko ang gabi na nagpakita sa akin si Tito Adler, at sobra rin akong nalungkot dahil akala ko ay Dad ang nasa harapan, pero hindi pala. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Allison dahil naramdaman ko na rin 'yon."So what's your plan, Mom? Don't tell me we're not gonna help him, huh?" tanong ni Stella.Napaangat
Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas hanggang sa tuluyang kumalma si mommy, pero bakas pa rin ang galit sa mga mata niya."G-Gusto ko lang naman tulungan ang bata, but it doesn't mean na babalik akong muli kay Stefan," paliwanag ko sa kanila.Kahit si Stella ay ayaw sumang-ayon na ampunin ko si Elias, dahil hindi ko naman daw obligasyon 'yon. Isa pa ay matindi talaga ang galit nila kay Stefan kahit na sinabi ko na sa kanila na matagal ko na itong napatawad."How can you so sure about that? Sigurado ako na gagamitin ka na naman ng lalaking 'yon!" inis na sabi ni Stella."Mukhang balak mo yatang magpaloko na lang habang buhay, Eliana. Hay! Hindi ko na alam kung ako pa ba ang dapat kong sabihin. Nasa tamang edad ka na kaya bahala ka!" patuloy na pagsermon sa akin ni Mommy.Napabuntong hininga akong muli dahil hindi ko sila maintindihan kung bakit nasa isip nila ang pakikipagbalikan ko kay Stefan kahit na kailanman ay hindi sumagi sa isip ko 'yon."I just want to help the baby, per
After kong maibalik si Yasmin sa room niya ay pinagpahinga ko na siya. Naroon pa rin si Stefan at si Elias ay tulog sa maliit na crib."Thank you, Doc. Kumusta siya?" tanong sa akin ni Stefan.Nakatulog kaagad si Yasmin, dahil mabilis mapagod ang katawan niya. Si Stefan naman ay itinigil ang ginagawa niya para lumapit sa akin, at magpasalamat."She was fine, at nakapag-usap na rin kaming dalawa. She just mentioned something to me earlier," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat.Kita ko ang bahagyang pagkagulat sa mga mata niya na para bang alam na niya kung tungkol saan 'yon."A-About what?" nauutal na tanong niya.Nag-iwas ako nang tingin sa kaniya, at tinignan ko si Yasmin na tulog sa bed niya na para bang pagod na pagod."She doesn't want to take the surgery." Sagot ko.I feel so sorry for her, dahil kahit na hindi ako sang-ayon sa gusto niya ay wala naman akong ibang magawa."Yes, she already told me about that. Hindi ako pumapayag sa gusto niya kahit na naubos na ang funds n
Tanaw kong malapit nang lumubog ang araw, at natutuwa akong makita masaksihan 'yon ngayon, dahil halos gabi na kapag lumalabas ako mula sa hospital. It's a good thing na ito ang hiniling ni Yasmin kaya nakasama ako sa panonood niya sa pagbaba ng araw."How's your feeling?" tanong ko kay Yasmin.Nasa likod kami ng hospital ngayon kung saan maraming puno at malaking oval field. Ganitong place ang pinili ko para sa hospital ko para naman mabigyan ko ang mga pasyente na magkaroon ng malaking space. Presko ang hangin doon at dito ako minsan nagpupunta kapag gusto ko mapag-isa. May mga ibang pasyente rin naman doon na inililibot ng mga nurse nila."As of now maayos naman ang pakiramdam ko at walang sakit na nararamdaman," sagot sa akin ni Yasmin.Ibinigay ko sa kaniya ang vegetables salad na binigay sa akin kanina ni Josiah, dahil hindi ko naman na 'yon makakain pa. Ang iced coffee na lang ang inuubos ko ngayon. Nakatingin sa malaking oval field si Yasmin habang naka-upo sa wheelchair niya
Hindi rin ako tumagal sa nursery room at nakapagkwentuhan naman kami roon ni Stefan, kaya nang natapos kami ay bumalik ako muli sa trabaho ko."Nakita mo na?" tanong sa akin ni Josiah nang muli kaming magkita/Napahugot ako nang malalim na hininga pagkatapos ay tumango bilang sagot sa kaniya. Tipid naman siyang ngumiti sa akin pagkatapos ay bahagyang tinapik ang balikat ko."Magaan ang loob ko sa bata, Jos. Nang makita, at mahawakan ko siya kanina ay parang nakasama ko ulit si Margaret," sabi ko sa kaniya pagkatapos ay hindi ko naiwasang mapangiti.Nakita ko naman ang agad na pag-iling ni Josiah habang nakatingin sa akin kaya naman bahagya ko siyang tinaasan ng kilay."Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo, Eli. I-separate mo ang personal feelings mo sa mga ganitong sitwasyon para hindi ka masaktan sa huli," sabi niya para paalalahanan akong muli.Napabuntong hininga naman ako at pilit na ngumiti sa kaniya bago magsalita."I know, Jos. May kakaiba lang talaga akong naramdaman sa bata," s
Dumiretsyo ako sa room ni Lance at naabutan kong gising na siya. He was talking with Criza, his sister. Sabay silang napatingin sa akin nang makapasok ako roon kaya naman ngumiti ako."Doc, Eli." Bati sa akin ni Criza.Nginitian ko naman si Criza at hindi ko maiwasan na maalala ang nalaman ko sa nangyari sa kaniya. Lumipit ako kay Criza para makipagbeso sa kaniya, pagkataos ay napatingin ako kay Lance na tahimik lang na nakatingin sa akin."Iwanan ko muna kayong dalawa rito. May bibilhin lang ako sa labas," sabi ni Criza para magpaalam.Tumango naman ako sa kaniya, at pinanood ko siya hanggang sa makalabas siya sa hospital room ni Lance. Nang tuluyang makaalis si Criza ay muli akong bumaling kay Lance. Napangisi siya na para bang magsisimula na naman na asarin ako kaya agad akong lumapit sa kaniya, at bahagya kong hinampas ang braso niya."Ouch! Eliana! Nagpunta ka ba talaga rito para saktan ako?" tanong niya pagkatapos ay bahagyang natawa."Yeah, dahil nakakainis ka! Bakit mo sinalo