“Bryce actually keeps on pestering me the whole day,” Belinda sighed the words next. “Buong araw na sigeng tawag at may pabanta pa na papatanggalan niya ako ng lisensya kapag hindi ko inilabas ang asawa niya.”Napailing si Austin sa narinig. “Dapat ko na bang harapin si Bryce?”Natawa si Belinda. “For what?”“For being Zylah’s sponsor and guardian.”Napangiti si Belinda sa narinig. Ayaw niyang kiligin para sa kaibigan pero hindi niya maiwasan maramdaman na nagkakagustuhan na ito at si Austin. And for that, kailangan na niyang mapadali ang annulment ng kaibigan kay Bryce. Not that she liked her friend to have a broken family, pero… sa tulad niyang lumaki sa magulong pamilya dahil parehong toxic ang mga magulang niya, na araw-araw nagbabangayan pero ayaw maghiwalay, ay naisip niyang mas okay na ang paghihiwalay ng mag-asawa kaysa pilit na magsama tapos sa huli ay ang mga anak ang naapektuhan.“Pwede ko naman gawin ‘yon as Zylah’s employer. Maybe I could back her up more so Bryce and Je
“Mommy, love mo ba si daddy?” Napangiti si Zylah Almendras sa tanong na iyon ng pitong taong gulang na anak—si Jaxon. Nakaupo sila sa sofa sa salas at katatapos lang nilang kumain ng hapunan. Kasalukuyang nakabukas ang TV dahil maaga pa naman, alas-otso pa lang ng gabi.Sa isang dekadang pagsasama nila ni Bryce ay masaya sila lalo na at may isang anak silang bumubuo sa kanila. Kontento siya sa buhay bilang hands-on mom sa anak at mabuting may bahay sa asawa.“Oo naman, s’yempre,” tugon ni Zylah sa tanong ni Jaxon at masuyong nginitian ito. “Pero si daddy love ka rin ba?” Muling ngumiti si Zylah dahil sa pangalawang tanong ni Jaxon. Hinaplos niya ang likod ng ulo ng anak na nakaupo sa tabi niya. “Oo naman. Love din s’yempre ni daddy si mommy.”“Eh, bakit mas masaya si daddy kapag kasama si—” Tunog mula sa tablet ni Jaxon ang pumutol sa sasabihin pa sana nito. Binalewala na nito kasunod ang ina at nakangiti na sa kung anong tinitingnan sa tablet. “Mommy?” muling tawag nito kay Zylah.
Hindi napigilan ni Zylah ang mapahikbi sa narinig na wish ng anak. Bakit naman naging gano’n? Alam niyang bata pa si Jaxon at baka naman nakakatuwaan lang ang Jessa na ‘yon pero… pero hindi niya kasi maiwasan ang masaktan. Magselos. “Zylah?” tawag ni Bryce na ikinalingon niya. “Umiiyak ka? Why?” “Sino…” Huminga ng malalim si Zylah. Kinalma niya muna ang sarili para hindi mapiyok ang boses. “Sino si… si Jessa Moreno, Bryce?” direktang tanong niya kahit hindi nililingon ito. Hindi sumagot si Bryce na lalong ikinasama niya ng loob. Nang tingnan ni Zylah ang asawa ay nagbibihis na ito at parang binalewala lang pala ang tanong niya. Nilapitan niya ito at inabot ang tablet ni Jaxon para makita nito ang group chat na ikinasasama ng loob niya. “Mama Jessa pa talaga ang tawag sa kaniya ni Jaxon…” naiiyak niyang wika. “Siya ang ex mo, ‘di ba?” “I can explain,” ani Bryce at kinuha ang tablet sa kaniya para ipatong sa headboard. “Explain what?” masama ang loob na tanong ni Zylah.
Nakangiting hinila ni Bryce si Zylah para maupo sa tabi niya. Pinunasan niya rin ang mga luha ng asawa. Hinalikan niya ito at inihiga sa kama. “Stop worrying, Zy. Ikaw ang asawa ko. Ikaw ang mommy ni Jaxon. Tayo ang pamilya. Walang kwenta isipin ang mga bagay na hindi naman natin dapat pahalagahan.” Hindi umimik si Zylah. Hinayaan na lang niya ang asawang hagkan siya nito. At muli… muli ay pinagsaluhan nila ang pagiging iisa. At kung dati ay mainit ang bawat sandali para kay Zylah, ngayon ay naramdaman niya ang mawalan ng gana. Nakatulugan ni Zylah ang yakap ni Bryce. Nakatulugan niya hanggang magising siya sa tunog ng alarm clock dahil kailangan na niyang bumangon para ipaghanda ng almusal ang kaniyang mag-ama. Pumupungas pa si Zylah na pumunta ng kusina at kahit inaantok ay sinimulan na niya ang daily routine. Tiningnan niya ang laman ng refrigerator at kung kahapon ay homemade chicken nuggets ang hinanda niya kasama ng fried egg at sinangag, ngayon ay naisip niya ang pabori
Ibinalik ni Zylah ang sulat sa loob ng envelope at ipapasok na sana sa drawer nang makita ang isang sulat pa sa loob ng drawer. Hindi na niya pinalampas ang pagkakataon para mabasa kung ano ang nakasulat doon. Sulat iyon mula kay Jessa at kung tama ang iniisip niya ay iyon ang tugon ng babae sa sulat na mula kay Bryce. ‘Bryce, I’ve moved on. Tama na. Hayaan mo na ako maging masaya. Please respect my decision and don’t contact me again. Ayokong mag-isip ng hindi maganda ang asawa ko.’ Natigilan si Zylah hanggang sa ibalik niya ang mga sulat sa sobre. Si Jessa talaga ang mahal ni Bryce at isa lang siyang tagasalo ng lalaking nabigo sa first love nito. At kagaya ng naisip niya, dahil bumalik na si Jessa ay balewala na kay Bryce ang nararamdaman niya kaya okay lang dito kahit masaktan siya. Tunog mula sa phone ang umistorbo sa kung anong iniisip niya. Kinuha niya ang phone sa bulsa at si Bryce ang caller.Zylah cleared her throat and answered the call, “Hi,” pinilit niyang magin
“Bakit?” tanong ni Zylah Kay Bryce nang matapos itong makipag-usap kay Jessa. “Bakit kasama ni Jessa si Jaxon? Akala ko ba kasama si Jax ng mommy mo?” Hindi siya pinansin ni Bryce at isinuksok na ulit ang phone sa bulsa. Hindi rin sinagot ang tanong niya hanggang lumabas na ito ng bahay nila. Kinuha ni Zylah ang phone na nakapatong sa mesa at sinundan si Bryce. Sasama siya puntahan ang anak at hindi siya pwedeng balewalain ng asawa. Binuksan ni Zylah ang pinto ng passenger seat at sumakay ng kotse. “Sasama ako,” aniya. Punong-puno ng pagtitimpi rito ang boses niya at pag-aalala para sa anak niya. Katahimikan ang namayani habang papunta sila ng ospital. Katahimikan na lalong dumudurog kay Zylah. Hindi niya alam kung ano ang nasa isipan ng asawa pero isa lang ang totoo, niloloko siya nito paulit-ulit. At ang kaninang iniisip niya na gusto nitong maging maayos sila ay isang kalokohan. Gusto lang nito magmukha siyang tanga at maging sunod-sunuran. Inuuto habang masaya itong kasa
“Jax…” malungkot na usal ni Zylah. “What are you saying?” Malambing ang boses na tanong niya sa anak. Tinabihan niya ito sa kama, naupo siya sa gilid. Agad bumangon si Jaxon kahit nanghihina. Itinutulak siya ng mga kamay nito para paalisin sa tabi nito. “Jaxon…” usal ni Zylah. “Gusto mo bang mamasyal tayo sa Enchanted Kingdom? O sa Star City? Saan mo gusto?”Tiningnan lang siya ng anak at saka tumingin kay Bryce. “You promised me and Brody Disneyland…” Pigil ni Zylah ang mga luha na huwag pumatak. Bata pa si Jaxon, iyon ang dapat niyang tandaan. Tumalikod na lang siya at tumingin sa labas ng bintana. Hinayaan na lang niya si Bryce na asikasuhin ang anak na paulit-ulit sinasabing gusto makita ang Mama Jessa niya. “Zy…” tawag ni Bryce sa kaniya. Hindi siya sumagot kaya lumapit si Bryce para hawakan ang braso niya na agad naman niyang hinila para mabitiwan siya nito. “Sorry…” sabi ni Bryce. Malungkot ang boses nito pero ayaw na niyang magpadala. “You keep on lying at me, Bryce…” ma
“Jaxon!” malakas ang boses na saway ni Bryce sa anak nang marinig niyang sinisigawan nito si Zylah. “What are you doing?” “Alam mo naman na ayaw ko na sa kaniya, ‘di ba?!” Umiiyak na wika ni Jaxon habang tinuturo si Zylah. “Sabi ko, Daddy, doon na lang tayo kay Mama Jessa kung ayaw ni Mommy umalis dito!”Nilingon ni Bryce ang asawa na namumuo na rin ang mga luha. Lalapitan nito sana si Zylah nang lalong laksan ni Jaxon ang iyak. Inuna na lang ni Bryce ang anak at dinala sa kuwarto nito. Pinangakuan na rin na mamamasyal sila mamaya para hindi na nito awayin pa ang ina. Binalikan ni Bryce si Zylah. Naabutan niya ito sa kusina na naghahalo ng kung anong niluluto nito. Nilapitan niya ang asawa at kinuha ang sandok mula rito para siya na ang magpatuloy ng ginagawa nito. Pinahid ni Zylah ang mga luhang pumatak sa pisngi. Hindi niya alam kung sino ba ang dapat niyang sisihin sa mga nangyayari? Si Bryce at ang pakikipagkita nito kay Jessa? O siya na hinayaan si Jaxon sa pangangalaga ni Bryc
“Bryce actually keeps on pestering me the whole day,” Belinda sighed the words next. “Buong araw na sigeng tawag at may pabanta pa na papatanggalan niya ako ng lisensya kapag hindi ko inilabas ang asawa niya.”Napailing si Austin sa narinig. “Dapat ko na bang harapin si Bryce?”Natawa si Belinda. “For what?”“For being Zylah’s sponsor and guardian.”Napangiti si Belinda sa narinig. Ayaw niyang kiligin para sa kaibigan pero hindi niya maiwasan maramdaman na nagkakagustuhan na ito at si Austin. And for that, kailangan na niyang mapadali ang annulment ng kaibigan kay Bryce. Not that she liked her friend to have a broken family, pero… sa tulad niyang lumaki sa magulong pamilya dahil parehong toxic ang mga magulang niya, na araw-araw nagbabangayan pero ayaw maghiwalay, ay naisip niyang mas okay na ang paghihiwalay ng mag-asawa kaysa pilit na magsama tapos sa huli ay ang mga anak ang naapektuhan.“Pwede ko naman gawin ‘yon as Zylah’s employer. Maybe I could back her up more so Bryce and Je
Alas-kuwatro na ng hapon at ilang oras na lang ay madilim na. Nilapitan ni Zylah si Austin. Hindi na siya pwedeng magpalipas pa ng gabi sa bahay nito, nakakahiya na rito. Isa pa ay kailangan niya na rin talagang umuwi sa condo unit ni Belinda dahil mag-iimpake pa siya ng mga dadalhing damit sa probinsya. Bukas ay naisip niyang mamili na rin ng mga pasalubong para sa mga magulang niya, mga kapatid, kasama na rin ang mga asawa ng mga nito at mga anak.“Looking for me?” tanong ni Austin kay Zylah. Nagulat si Zylah sa biglang pagsulpot ni Austin sa harap niya. Muntik niya pa itong mabangga.“Oo, eh…” mahinang tugon ni Zylah nang makabawi sa pagkagulat. “Magpaalam sana ako. Okay lang naman na umuwi ako mamaya, ‘di ba? And don’t worry…” She smiled. “Papatulugin ko si Raffy bago ako umalis. Kailangan ko lang talaga na makauwi kasi gusto ko sana umuwi muna sa probinsya. Nasabi ko na rin naman ‘yon sa ‘yo nakaraan, ‘di ba?” “Yeah,” one word na sagot ni Austin sa haba ng sinabi niya. Tumango
Lumipas ang maghapon na pinagbibigyan ni Zylah ang lahat ng gusto ni Raffy. Mula sa pagkain na pinapaluto at sa lahat ng laro. Masayang-masaya ang bata at gano’n din si Zylah. At last muli ay naranasan ni Zylah ang pagiging ina dahil kasama niya si Raffy.Si Austin ay natutuwang pinapanood ang anak sa paglalaro kasama ni Zylah. Ngayon niya lang narinig ang mga tawa ni Raffy na gano’n kalakas at kasaya kaya alam niyang hindi siya nagkamali kay Zylah.Tawag mula sa telepono ang umistorbo kay Austin at nag-alis ng ngiti niya. Ang mama niya.“Ma?” sagot ni Austin sa tawag ng ina. Parang alam na niya ang sasabihin nito. Mukhang kukulitin na naman siyang makipagkita kay Pauline—ang anak ng best friend ng mama niyang namayapa na.“I heard may babae kang inuwi…” agad na wika ng mama niya.Natigilan si Austin. Whoever told that to her mother ay sesesantehin niya. Hindi niya gusto na may tauhan na ginagawang espiya ng kaniyang ina.“Don’t think of blaming anyone who's working for you. Alam mo n
“About Raffy?” tanong ni Austin kay Zylah at diretsong nakatingin dito. “May gusto ba siyang gawin o gustong pasyalan?” Sa isip ni Austin ay baka may sinabi si Raffy na alangan si Zylah masamahan ang anak niya kaya gustong ipaalam sa kaniya. “Not that. Actually ay may concern lang ako about her…”Hindi nakaimik si Austin. Nasa mga mata niya ang pagtatanong kung ano iyon lalo na at tungkol kay Raffy diumano ang gustong ipakipag-usap sa kaniya. “What about?” tanong ni Austin.“Um… ano kasi…” Zylah awkwardly smiled. “Na—napansin ko lang kasi kanina na… na hindi pa rin pala talaga nakikipag-usap sa ‘yo si Raffy at kahit sa iba. It seems ako lang pala ang kinakausap niya…” Napasandal si Austin. Napatango. Sa tanda niya ay nabanggit na niya iyon dati kay Zylah. At iyon nga ang isa sa rason kung bakit kinausap niya ito para sa anak. Ito lang kasi talaga ang gustong kausapin ni Raffy. Ito lang ang nakikita niyang pag-asa ng anak niya para maging normal ang pakikitungo sa ibang mga tao.
Nalilitong napatayo si Zylah nang humakbang papasok ng kusina si Austin. Napatingin sa orasan na nasa pader. Wala pa naman nine ng umaga, bakit nakabalik na pala ito agad?“Um…” ani Zylah habang sinasalubong ang mga tingin ni Austin. Iniisip niyang mukhang hindi nga ito natuwa na nasa kusina ang anak. “Na-excite ako makasama sa breakfast si Raffy kaya hindi ko na nahintay mahanda ang dining room. Sorry…” Nahinto si Zylah sa pagpapaliwanang nang tingnan ni Austin si Raffy na kumakain ng hotdog. Napangiti ito sa anyo ng anak at gustong huminga na ng maluwag ni Zylah nang muling ibaling ni Austin ang mga tingin sa kaniya. “Sorry kung dito ko—”“What for?” kunot-noong tanong ni Austin kay Zylah. Ngumiti at nilapitan si Raffy at hinalikan sa ulo. Hinila niya ang isang upuan at tinawag si Josie para ipaghanda siya ng plato, baso, at mga kubyertos. “You don’t need to say sorry, Zylah. Pwede kumain dito sa kusina basta gusto niyo.”“But I thought—”“You thought wrong,” putol na ni Austin sa
“Good morning, baby…” nakangiting bati ni Zylah sa batang kakadilat pa lang. Sinadya niyang hintayin magising ito para matupad ang sinabi nitong sana paggising ay naroon siya sa tabi nito at siya ang unang makita. Agad sumilay ang ngiti sa mga labi ni Raffy. Mabilis itong bumangon at niyakap siya. “Thank you, mommy… Thank you for staying here!”Gumanti ng yakap si Zylah sa bata at ramdam ang kaligayahan na idinulot niya sa puso nito. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya kailangan ni Raffy pero habang siya pa ang gustong mommy nito ay gagawin niya ang lahat para sa ikasasaya nito. “Tara…” aya ni Zylah kay Raffy. “I will cook you breakfast. Samahan mo ako sa kitchen.”Namilog ang mga mata ni Raffy. “You will make me pancakes?” tanong nito. “I would if you want that for breakfast.”Nang bumaba na sila sa kusina ay hindi nakita ni Zylah si Austin. Nahihiya naman siyang magtanong sa mga kasambahay na nakita niyang naglilinis. “Good morning, Miss Raffy! Good morning, ma’am!” bati n
“I don’t know…” pabuntong hiningang tugon ni Bryce. Ayaw na niyang isipin pa kung ano ang sagot sa mga tanong ni Jessa. Alam niyang may mali siya pero mas mali si Zylah sa ginagawa nito na pagtatago at pag-iwan sa kaniya. “Ayaw rin ba sabihin nina Belinda kung nasaan si Zylah?” simpleng pag-usyuso pa ni Jessa. “Ayaw ko sanang sabihin ito pero baka naman… baka naman may dahilan talaga kaya ayaw ni Zylah umuwi pa. At baka alam nina Belinda kung ano ang rason ng kaibigan nila kaya need pagtakpan sa ‘yo.”Huminga ng malalim ulit si Bryce. Napailing. “Ayoko na isipin. Ang kailangan lang makumbinsi ko na si Zylah umuwi. Akala ko ang pagpapabaya ko para hayaan siyang makapag-isip ay magpapakalma sa kaniya pero lalo pala magiging rason na pabayaan niya na talaga kami ni Jaxon.”Pinalungkot ni Jessa ang mga mata. Tumango-tango. May pagkakataon pa siya sa mga plano niya. At sana patuloy na magmatigas pa si Zylah. Papabor sa kaniya lahat ng pang-aaway nito kay Bryce at paglayo. “Mabuti pa nga
“Anong problema?” mahina ang tono ng boses na tanong ni Jessa kay Bryce. Nabutan niyang galit na galit ang anyo nito sa labas ng bahay habang hawak ang phone at may ka-chat.Pasimple niyang sinulyapan kung sino ang ka-chat ni Bryce. Agad ang pagdaan ng galit sa mga mata ni Jessa na iyong kaibigan ni Zylah na abogada pala ang ka-chat nito. Mukhang inaaway na naman ni Bryce para mapalabas si Zylah. Kung gano’n ay hindi pa rin tumitigil si Bryce na mapauwi si Zylah, bagay na dapat niyang mapigilan.“Okay ka lang ba?” nag-aalala niyang tanong kunwari kay Bryce. “Why? Ayaw pa rin ba ni Zylah bumalik dito? Siya ba ang ka-chat mo?” dagdag tanong ni Jessa. Mahina at pino ang boses ni Jessa makipag-usap kay Bryce. Tila siya isang babaeng hindi makabasag pinggan dahil kailangan niyang mapanatili ang pagiging mahinhin sa harap nito. Iyon ang laban niya kay Zylah. Alam niyang ayaw ni Bryce sa ugali ni Zylah na palaban. Laging sinasabi ni Bryce na nagbago si Zylah pagkatapos ng aksidente nito na
Itinataboy?Pigil ni Austin ang mapangiti sa tinuran ni Zylah. Hindi niya ito itinataboy at wala siyang plano itaboy kahit kailan. Nag-aalangan siya ng bahagya sa estado nito sa dating pamilya pero para sa anak ay susugal siya. Si Raffy ang importante sa kaniya. Natanong lang naman niya ito dahil ang totoo ay ayaw niya lang dumagdag sa suliranin nito. Alam niyang galit si Zylah sa asawa nito at nakipaghiwalay. Even Belinda confirmed na nakahanda na ang filing ng legal separation at annulment cases para tuluyan na maging malaya si Zylah mula kay Bryce.If babasehan ang salita ng best friend at legal counselor ni Zylah ay wala na siyang dapat isipin pa kung kukunin niya itong mommy ni Raffy. Wala na dapat pero naninigurado siya. Hindi niya kasi maisip na pwede pa lang sa isang iglap ay kayang kalimutan ng isang ina ang anak. Ang mama lang niya ang nagpalaki sa kaniya. Maagang nawala ang ama at hanggang ngayon ay lagi pa rin itong nag-aalala sa kaniya. Iyon ang dahilan kaya hindi niya