“Okay ka lang?” tanong ni Belinda kay Zylah nang nasa loob na sila ng ibang shop. “Bagay sa mama mo ito…” Abot niya ng blusa na alam niyang paboritong kulay ng ina ng kaibigan. Sa tagal nilang magkaibigan ni Zylah ay halos magulang na rin niya ang mga magulang nito. Silang tatlo nina Melissa at Zylah ay pare-parehong sa probinsya nagmula. Si Melissa lang sa kanila ang anak-mayaman kaya normal na sa kaibigan nilang iyon ang buhay na maalwan noon pa. Siya at si Zylah ay parehong mula lang sa ordinaryong pamilya. Masasabi lang ni Belinda na mas maayos ang pamilya ni Zylah na kinalakihan dahil buo ang mga ito, hindi gaya niya na nag-iisang anak pero hiwalay ang mga magulang. Parehong may mga pamilya ng iba ang mama at papa niya kaya naiwan siyang mag-isa sa ere elementary pa lang siya. Lola niya sa ina ang nagpalaki sa kaniya na isang principal sa pampublikong paaralan. Ang lola niya rin ang dahilan kaya kahit magkakaedad lang sila nina Melissa at Zylah ay parang siya ang nakakatanda la
Kinabukasan ay maaga pang nagising si Zylah. Alas-nueve ng umaga ang byahe ng bus na sasakyan niya at mas mabuting makakain muna siya ng almusal. Usapan nila ni Belinda na ihahatid siya nito sa terminal bago ito didiretso sa law firm. Nang maalalang wala na palang load ang phone niya ay naisip niyang bumaba para magpa-load sa convenient store sa tapat ng condominium building. Pabalik na siya nang may humila sa kaniya na ikinagulat niya. “Bryce!” Iyon lang ang nasabi niya dahil pilit na siyang isinakay ni Bryce sa kotseng nakaparada sa kalsada. “Ano ba?!” galit na wika ni Zylah. “Let me go, Bryce!”“Jaxon is missing…” aburidong wika ni Bryce na ikinatigil ni Zylah. “Missing?” tanong ni Zylah. Napatitig siya kay Bryce, hinahanap ang katotohanan na nagsisinungaling lang ito at inuuto na naman siya. Pero sa itsura ni Bryce na namumula at nanlalalim ang mga mata, gulo-gulo ang buhok, at mukhang walang ligo ay alam niyang hindi ito gumagawa na lang ng kuwento. Nawawala nga si Jaxon. “H
“Let me go, Bryce!” sigaw ni Zylah nang buhatin na siya ni Bryce papasok sa loob ng motel. Nasa bulsa ni Bryce ang mga mata niya dahil naroon ang phone niya. Hawak na niya iyon kanina nang kuhain sa kaniya ni Bryce at tapusin ang tawag kay Belinda bago isinukbit sa bulsa. “Ipapahamak mo lang si Jaxon, Zylah!” galit na sabi ni Bryce sa kaniya habang itinatali siya sa kama. “No!” hiyaw ni Zylah. Patuloy siyang pilit na lumaban hanggang itulak niya si Bryce at tumayo para takbuhin ang pinto pero agad siyang naabutan nito. “Bitiwan mo ‘ko!”Mabilis siyang binuhat ni Bryce at ibinalibag sa kama. “Makinig ka…” ani Bryce habang iniipit si Zylah para hindi na makalaban pa. “Please… makinig ka, Zylah… Luluwagan ko ang tali. Kailangan lang kitang itali para sundin ang utos ni Harry. At kapag nakuha ko na si Jaxon… ililigtas kita,” pangako niya. “No…” nanginginig sa galit na usal ni Zylah. “Pakawalan mo na ako. Hayaan mo akong gumawa ng paraan para mahanap si Jaxon. Hindi sa ganitong paraan,
Nasa kotse na si Bryce nang kunin niya ang phone ni Zylah sa bulsa na kanina pa sigeng vibrate. Tiningnan niya ang caller, si Belinda. In-off niya ang phone ni Zylah at kinuha ang sariling phone at tinawagan na ang numero ni Harry. Ilang saglit lang ay sumagot na ito sa tawag niya. At katulad ng unang mga tawag niya rito ay hindi pa rin nagsasalita ito. Gano’n si Harry kagabi pa. Sigurado lang siyang si Harry nga iyon dahil pagtapos niya itong tawagan ay ite-text siya ng gustong sabihin. Ite-text at saka padadalahan ng video clip ni Jaxon na nasa loob ng isang kuwarto, mag-isa at umiiyak. Kagabi pa rin siya galit na galit sa ex-husband ni Jessa. At kagabi pa rin iisa lang ang utos ni Harry, ang dalhin niya si Jessa sa isang motel at itali para puntahan nito. “Narito na ako sa usapan…” ani Bryce nang sagutin ni Harry ang tawag niya. “And just like what you want ay iniwan kong nakatali si Jessa sa poste ng kama. You can go and check her.”Katahimikan lang ang isinukli ni Harry mula
Hindi alam ni Zylah kung gaano siya katagal na walang malay. Isa lang ang sigurado niya, para siyang nauuhaw. Pinakiramdaman niya ang sarili, nag-iinit siya. Pinilit niyang klaruhin ang loob ng kuwarto at kahit ang malamlam na pulang ilaw lang ang nagbibigay ng liwanag ay sapat na iyon para makita niyang nag-iisa lang siya. Napakunot-noo si Zylah. Nasaan na si Harry? Pero si Harry nga ba ang lalaking nagsāksak sa kaniya ng kung anong drȯga? Bakit nang marinig niya itong nagsalita kanina ay parang kilala niya ang boses nito? At ang kinaroroonan niya? Bakit parang nasa ibang kuwarto na siya? Hindi na iyon ang kuwarto sa motel kung saan siya iniwan ni Bryce kanina. Napalunok si Zylah sa pag-aalalang nararamdaman. Ang pagpa-panic sa sitwasyon niya ay tila balewala sa kung anong nangingibabaw na hinahanap ng katawan niya. “No…” Pinilit ni Zylah bumangon at inikot ng tingin ang kuwarto. Kagaya rin iyon sa kuwartong pinagdalhan sa kaniya kanina ni Bryce, maraming salamin. Puro salamin n
Napailing si Austin nang kapain ni Zylah ulit ang pagkalālaki niya nang ibaba niya ito sa bathtub. Mabuti na lang at may tub itong VIP room na binayaran niya.Kanina nang matagpuan niya itong walang malay ay inisip niya kung iuuwi niya ba o dadalhin sa ospital. Pero ayaw niyang makita ni Raffy ang ayos nito kung iuuwi niya kaya nagbayad na lang siya ng kuwarto sa mismong motel para doon na muna si Zylah habang hinahanapan pa nila ng antidote ang drogā na ginamit dito.Si Belinda ay kasama niya kanina at umalis lang dahil kailangan pumunta sa PNP station para i-report kung paano nito nalaman na dinukot ni Bryce si Zylah. Kailangan nilang maidiin si Bryce sa ginawa nito kay Zylah at mahuli na rin si Harry kung totoong kinidnāp nga nito si Jaxon.“Please…” mahinang ungȯl na naman ni Zylah at pilit hinihila siyang samahan ito sa tub.Hinubād ni Austin ang belt at ginamit pantali sa mga kamay ni Zylah at saka itinali sa gripo. Binuksan niya kasunod ang gripo para punuin ang tub. “Cold water
“I want more too, Zylah…” usal ni Austin habang nakatitig sa mga mata ni Zylah na alam niyang hindi pa rin siya nakikilala. “I want more and… and I love how you make me feel like this…” Napaungȯl na rin siya nang muli niyang ipasok ang kahābaan sa malambot na kāselanan nito. “This is crazy…” ani pa niya. “This is fucking crazy but I never thought I will love doing this with you, Zylah.”Muli niyang nilunod sa mga halik si Zylah at kasabay ng salpukan ng mga labi at dila nila ay ang paghugot at baon niya ng pagkalālaki sa pagkabābae nito na basang-basa lalo dahil sa libog na nararamdaman at sa tubig na humahalo dahil nakalubog pa rin ito sa bathtub. “Ang sarap…” ungȯl ni Zylah at tila hāyok na nang-aakit ang mga mata habang nakatitig sa kaniya. “And you look so deliciously handsome. I hope you are Austin…” Natigilan si Austin sa sinabi ni Zylah. Kung gano’n ay siya ang gustong isipin nito. “Yes…” bulong niya at muling inilapit ang mukha rito. “It’s me, Zylah… I’m Austin.” Austin ki
Nang magmulat ng mga mata si Zylah ay pawala na ang epekto ng drogā sa sistema niya. Napangiwi siya dahil ramdam na niya ang pananakit ng buong katawan. Napatingin siya sa hubād na katawan na natatakpan ng kumot at napaiyak. Hindi niya kilala ang lalaking gumamit sa kaniya. Pakiramdam niya ay ang dumi-dumi na ng pagkatao niya. Napalunok siya at pinilit bumangon kahit nahihilo pa. Hindi niya alam kung anong oras na at kung anong araw na. Isa lang ang sigurado niya… hindi ang kuwarto na kinaroroonan ang kuwarto na pinagdalhan sa kaniya ni Bryce para ipain siya kay Harry. Inikot niya ang tingin sa kuwarto at kahit paano may pag-asa siyang naramdaman nang wala siyang makitang damit panlalaki na naiwan. Ibig sabihin umalis na ang nagsamāntala sa kaniya. Makakaalis na siya. Kinuha niya ang mga damit na nakakalat sa sahig at mabilis na isinuot ang mga iyon. Mga damit na siya ang naghubād pero hindi niya maalala. Wala siyang maalala kahit ano. Kung ano man ang mga naganap sa kaniya ay tang
“And where did you get that idea?” Nakatitig at nagtatakang tanong ni Austin kay Zylah. Sa isip ay baka may sinabi ang ina tungkol sa posibleng pagbago ng isip niyang pakasalan ito. Pabugang huminga si Austin. Mula New York ay nag-aalala siya kay Zylah, na baka kung ano ang sinabi ng ina rito. Mula New York ay ito ang laman ng isip niya. At ang tinatanong nito ngayon ay patunay na may nasabi ang mama niya rito.“May sinabi si Mama kaya mo natanong ‘yan, ‘di ba?” muli ay ungkat ni Austin kay Zylah. Umiling si Zylah at pinong ngumiti. “I told you already… wala siyang sinabi sa akin na dapat mong ika-worry. It’s just that—”“Then why are you asking that?” tanong niya rito. “I mean… who told you that my mother’s opinion could change my mind?” Muli ay isang ngiti ang pinakawalan ni Zylah. Ngiti na puno ng pag-aalala. “It’s you, Austin…” tugon ni Zylah at tinitigan si Austin. “Actually, the idea is from you.”“From me?!” kunot-noong balik-tanong ni Austin. “Yes, Austin. I got the idea f
Napangiti si Zylah sa larawan ni Austin na tinitingnan. Ang larawan ay kuha noong ten years old pa lang si Austin base sa petsa na nasa ibaba ng larawan. At sa larawan ay kasama ni Austin ang mag-asawang McIntyre. Pagbuklat ni Zylah nang panibagong pahina ng photo album ay lalong lumapad ang ngiti niya dahil ang parents naman ni Austin ang kasama nito sa larawan. Napatitig si Zylah sa magandang mukha ni Reina noong kabataan pa nito. Kamukha ni Austin ang ina at napamana nito ang itsura sa anak na si Raffy. Napahawak si Zylah sa tiyan. “Sana kamukha ka rin ni daddy, Baby Raegan…” usal niya at nang gumalaw ang baby niya ay napangiti si Zylah. “I love you, baby…” “I love you, Mommy…” Napalingon si Zylah at napangiti nang makita si Austin na nakasandal patagilid sa hamba ng pinto. Tumayo siya at niyakap ang photo album na hawak. “Kanina ka pa?” tanong niya. Humakbang si Austin palapit kay Zylah at kinuha ang album mula rito. “Kararating lang. Saktong doon lang sa sabi mo sana kamuk
“And who are you?” tanong ni Reina Matsuda Mulliez—mama ni Austin—sa babaeng nasa harap niya. Mapanuri ang mga tingin niya at nang dumako ang tingin niya sa tiyan ni Zylah ay napakunot-noo siya dahil buntis ito. Papasok pa lang siya ng bahay ay narinig na niya ang tawag ng apo rito—Mommy—na ikinagulat niya. Gusto niyang matuwa na nakakapagsalita na ulit si Raffy pero dahil sa babaeng nasa harap niya ay hindi niya magawang ngumiti.“You are not mute…” Napaismid si Reina sa babaeng hindi sinagot ang tanong niya at nakatingin lang sa kaniya. “I heard you were talking earlier.”Si Zylah ay napalunok at napakurap para alisin ang kabang namuo sa dibdib dahil sa uri ng tingin sa kaniya ng mama ni Austin. Ngayon niya lang ito nakaharap ng personal pero dahil sa mga larawang nito na nasa mansion ni Austin sa Pilipinas ay nakilala niya ito agad. Nabigla siya sa pagdating nito at sa uri ng tingin na binibigay sa kaniya ay may mga alaala na naman na bumabalik sa isip niya. Meeting the mother of
“Congrats to your wedding!” sabi ni Cassian pagpasok pa lang ni Austin sa opisina niya. “At salamat naman sa wakas naisip mong magpakita,” pabiro niyang dagdag. “And as I expected…” natawang tugon ni Austin, “you heard it already before seeing me.” Hindi nagulat si Austin na alam ni Cassian ang tungkol sa nalalapit na kasal niya kay Zylah. Kahit bago lang sila personal na nagkita ni Cassian pagkatapos ng ilang taon ay nasabi na sigurado rito ni Mathias ang dahilan kung bakit nagkita sila ng isa sa California. Wala naman problema kay Austin kahit napag-uusapan ng mga kaibigan ang sitwasyon niya. Normal lang iyon dahil pare-parehong nag-aalala sa kaniya ang mga ito. And partly, he neglected their friendship because he was focused on Raffy’s condition and his hotel business worldwide. Mga matatalik na kaibigan niya sina Mathias, Cassian, at Vito noong college pa kasi iisang kurso silang apat. Brent was out of the picture of them four dahil mula pagkabata niya pa kaibigan ito at hindi
Napakurap-kurap si Zylah dahil nasilaw sa puting ilaw na nabungaran sa pagdilat ng mga mata. Nang bumalik sa kaniya ang alaala nang nagdaang pangyayari kinagabihan ay napatingin siya agad sa tiyan at napabangon. Sa pagbangon ni Zylah ay nagising niya si Austin na nakasubsob ang ulo sa mga braso dahil nakatulog kakabantay sa kaniya. Nag-aalalang tumayo at lumapit si Austin kay Zylah. “The baby is fine…” aniya rito. Payapang napangiti si Zylah dahil saktong pagsabi ni Austin na okay ang anak nila ay gumalaw ito. “Thanks God…” sambit niya sabay hikbi. “Enough with crying…” mahinang wika ni Austin sabay halik sa noo ni Zylah. “I will call the nurse to check on your vitals,” paalam niya kay Zylah at tatalikod sana nang pigilan siya nito. “I’m fine…” ani Zylah habang nakahawak sa braso ni Austin. “The baby’s well and that’s what matters…” Kinuha ni Zylah ang kamay ni Austin at ipinatong sa tiyan niya. “Feel her, Austin…”Napatitig si Austin kay Zylah. He gaped when he felt the movement o
“I was calling your name that night…” mahina ang boses na kuwento ni Zylah habang buhat siya ni Austin at papunta sila ng elevator. “I thought I was only imagining you because of drugs. And I admit, I felt good that the man I slept that night was you…” she sobbed. “I am thankful, Austin. I was…” Kumapit si Zylah kay Austin. Yumakap. At umiyak na naman habang nakasubsob ang mukha sa dibdib nito. Masaya siya sa nalaman pero natatakot para sa baby niya na kanina pa naninigas at parang gustong lumabas na.“I am thankful, too…” ani Austin. “I am thankful that my name was the one you were moaning that night. At least hindi pangalan ni—” Umiling si Austin. Hindi niya dapat banggitin pa ang pangalan ni Bryce. Hindi na dapat at ayaw niyang isipin ni Zylah na posibleng pagselosan niya ang lalaking ‘yon.“I won’t call any man’s name but you… ikaw talaga ang gusto kong isipin nang gabing ‘yon…” medyo nahihiyang amin ni Zylah. Napangiti si Austin. At dahil ayaw niyang makaramdam pa ng hiya lalo s
“Your name?” Napakurap si Zylah. Wala siyang sinabihan kahit isa tungkol sa bagay na iyon. “It was my name you were calling that night, Zylah… You can’t deny that now.” Tinalikuran ni Austin si Zylah at lumapit sa tokador. Dinampot niya ang envelope na naroon at inabot kay Zylah. “Before you spoke again of your marriage with Bryce… and before you deny you love me… check this first.”“What’s that?” tanong ni Zylah na naguguluhan pa rin sa bagay na alam ni Austin na pangalan nito ang binibigkas niya noong gabing iyon. Napahawak siya sa tiyan dahil muling lumikot ang baby niya. “Please check first…” nakikiusap ang tono na utos ni Austin para hindi na magtanong pa si Zylah at tingnan na lang ang laman ng envelope na iniwan ni Mathias. “It’s one of my surprises for you.”“Is this a contract for our marriage in case I will agree?” Kinuha ni Zylah ang envelope. “Or perhaps a prenuptial agreement. Am I right?” “Better see it for yourself, Zylah…”Tumango si Zylah. Pakiramdam niya ay kahit
“No?” nagtatakang tanong ni Austin. May ideya na siyang kung saan hinuhugot ni Zylah ang mga sagot pero gayunpaman ay hindi niya maiwasang magtaka at… masaktan.“Hindi ko na itatanong kung bakit ‘no’ ang sagot mo,” patuloy ni Austin. “Hindi ko na itatanong dahil may ideya na ako sa kung anong nasa isip mo. But please do consider, Zylah. Marry me.”Umiling si Zylah. “No, Austin…” pahikbing wika niya sa halo-halong nararamdaman. Umatras siya para mabitiwan nito mula sa pagkakayakap sa kaniya. “Marrying you is wrong… I can’t…”“I love you…” amin ni Austin sa nararamdaman. “I love you and it’s true. Imposibleng hindi mo naramdaman. Imposibleng hindi mo naisip kahit minsan man lang na mahal kita. Imposibleng hindi mo nahalata man lang.” Umiling na naman si Zylah. Nanlalaki ang mga mata sa deklarasyon ni Austin. Oo at masasabi niyang naramdaman, naisip, at nahalata niya si Austin pero hindi iyon basta gano’n lang. Hindi dahil mahal na siya nito ay sasamăntalahin niya ang pagkakataon. Hind
“Zylah?” patanong na wika ng isang lalaki mula sa likuran ni Zylah na ikinalingo niya.Ngumiti si Zylah at pilit itinago ang panlalaki ng mga mata sa pagkamangha sa itsura ng lalaking tumawag sa kaniya. Ang asul nitong mga mata at buhok na kulay brown ang nagbigay sa kaniya ng impresyon na ibang lahi ito at nakapagtataka na kakilala siya. Mukha nga itong modelo sa biglaang tingin niya kanina. “Mathias Ivanov,” pagpapakilala ng lalaki at nginitian siya. “I’m Austin’s friend.”“Oh…” ani Zylah at nagtatakang nilibot ng tingin ang hotel na ngayon niya lang napuntahan. Ang akala niya ay sa Hotel Tranquil siya dadalhin ng driver na sumundo sa kaniya pero iba pala ang venue kung saan siya pinapapunta ni Austin. “Hi…” kiming usal niya. “Where’s Austin?”“You’re beautiful,” ani Mathias na kanina pa napapansin ang pagkailang sa mukha ni Zylah. “At napakaganda mo sa suot mo,” dagdag niya na nakangiti. “Nasa presidential suite si Austin, hinihintay ka.”Nanlaki ang mga mata ni Zylah ng bahagya. H