Thank you po sa pag-comment sa last update. At least alam kong may nag-aabang na pala sa story.
“Zylah…”Nag-aalalang boses ni Belinda ang nagisingan ni Zylah. Napakurap-kurap siya. Tama ba ang nakikita niya? Ang kaibigan na ba talaga ang kasama niya? Nang hindi mawala si Belinda sa paningin niya ay napaiyak siya sa relief na naramdaman. Ligtas na siya. Pinilit niyang bumangon at inalalayan siya ni Belinda. Inilibot ang tingin sa maliwanag na kuwarto kung nasaan siya. Ospital. Nasa ospital sila. Inangat niya ang braso at tiningnan ang suwerong nakakabit sa kaniya. Ilang saglit na natahimik siya, natutulala. “Zy…” bulong ni Belinda. Tinatantiya ang kung anong dapat sabihin sa kaibigan. “Pabalik na si Aus—”“Bel…” Naiyak na putol ni Zylah sa pagsasalita ni Belinda. “Bel, I was… I was…” Hindi niya madugtungan ang salita. Gusto niyang sabihin kay Belinda ang mga naganap pero ano ang ikukuwento niya. Isa lang ang sigurado siya, ang pagdrogȧ sa kaniya ng kung sinong lalaki na pumasok sa kuwarto. “Si Bryce…” bigkas niya sa pangalan ng lalaking nagpahamak sa kaniya sabay iyak. “He wa
“How is she?” tanong agad ni Austin kay Belinda pagpasok pa lang niya sa opisina nito. Sa law firm na nito siya dumiretso pagkagaling niya sa hotel office niya sa Pasay. One week na mula nang mangyari ang lahat at gusto niya man kausapin si Zylah ay hindi niya magawa dahil inoobserbahan pa ito ni Bianca. Gustong malaman ni Bianca kung hanggang saan ang takot ni Zylah sa mga lalaki. Normal ma-trauma si Zylah ayon pa kay Bianca at makukuha naman iyon sa mental therapy, ang androphobia nito ang sinisigurado pa ni Bianca malaman kung gaano kalala.Iniisip kasi ni Bianca ang possibility na selective lang ang takot ni Zylah sa mga lalaki, at baka naman sa mga estranghero lang sa paningin nito. And when he asked why ay sinabi ni Bianca na medyo nakipag-usap na si Zylah kay Brent minsan kasama ito ng una nang bisitahin si Zylah. “I wanna visit her…” amin ni Austin sa nararamdaman. “Gustong-gusto ko na siyang kausapin pero…” Umiling siya. Napabuntong hininga. “But her psychiatrist won’t all
Two months later…Pumikit-pikit si Zylah dahil sa sikat ng araw. Nasa isang beach resort sila ng mga kaibigan sa probinsya nila. Nangyari ang plano ni Zylah na dalawin ang parents sa pangungumbinsi ni Belinda na magbakasyon naman sila para makapag-bonding at unwind. Of course dahilan lang iyon ni Belinda. Ang totoo ay gusto niyang tuluyan nang maging stable ang mental health ni Zylah kaya naisip niyang kulitin ito at si Melissa na umuwi muna sa kanila. “Everything will be perfect, I think…” ani Melissa. Nakangiti habang kausap si Belinda. Ang pinag-uusapan nila ay ang pinaplanong birthday party para sa papa ni Zylah. Naisip nilang i-celebrate iyon sa hotel ni Austin at pumayag naman agad ang isa. “S’yempre perfect…” natatawang wika ni Belinda. “Alangan nandito na tayo ay hindi pa maging perfect ang birthday ni Papa Ricardo.”“And I already talked to Austin…” patuloy ni Melissa. Kumibit-balikat. “Actually, I invited him. Try niya raw kasi busy siya next week at may mga foreign inve
“Aminin mo na kasi…” pangungulit ni Melissa kay Zylah.“Ang ano?” tanong ni Zylah at itinuloy ang pagdu-drawing. Mahilig talaga si Zylah sa pagguhit kahit noon pa. Iyon ang hobby niyang napabayaan nang piliin niyang maging maybahay lang ni Bryce at ina ni Jaxon. Nawalan siya ng panahon sa hilig niyang gawin dahil nauubos ang oras niya kakaasikaso sa mga gawaing bahay. “Na hindi lang si Raffy ang nami-miss mo…” Napailing si Zylah. Ayaw niyang magbigay ng kahit anong komento sa sinabi ng kaibigan. Tutuksuhin lang siya nito lalo. “Look at you…” patuloy ni Melissa. “Nagba-blush ka nga agad marinig lang ang pangalan ni Austin tapos kunwari ka pa na hindi apektado sa kaguwapuhan niya.”Nagba-blush? Tanong ni Zylah sa sarili. Does she?“Nasa dagat tayo kaya normal mamula ako sa sunburn,” ani Zylah nang makaisip ng dahilan. “And stop that, Liz…” Napailing at buntong hininga si Zylah. “Hindi tama na tuksuhin mo ako lagi kay Austin. The man is so nice and… he’s a good friend. Nakakahiya na
Napapangiti na lang si Zylah habang nakikinig sa pagtatalo nina Belinda at Melissa. At s’yempre kagaya ng laging ganap nilang tatlo, hindi papatalo si Melissa kahit pa sabihin na iba ang level ni Belinda sa pakikipag debate. “I know that alright…” Melissa rolled her eyes. “Ang akin lang ay hindi naman bawal magkagusto sa iba si Zylah. Normal lang ‘yon, Bel. At sino ba naman ang hindi mai-in love sa gaya ni Austin?”“Yep, normal nga lang. Normal na normal ma-fall si Zylah sa gaya ni Austin pero tandaan mo na normal din ang kawalanghiyaan ng kampo ni Bryce.” Sinulyapan ni Belinda si Zylah. Sa isip niya ay sana nga in love na rin talaga ang kaibigan kay Austin. Nakikipag debate siya kay Melissa hindi dahil sa gusto niyang kontrahin ito, kung hindi para na rin mabasa niya ang reaksyon ni Zylah. Ang sabi ni Austin ay kapag lumabas na ang desisyon ng korte sa annulment case ay itutuloy nito ang plano na pakasalan si Zylah. “Yet, there is already an agreement na hindi na sila magsasama pa
Napakaswerte. Napangiti at napabuntong hininga si Zylah dahil sa salitang pantukoy na sinabi niya para sa kung sinong babae na pakakasalan ni Austin one day. And she meant that… Kung may babae na makikilala si Austin, mamahalin kagaya ng pagmamahal nito sa yumaong asawa, at pakakasalan ay tunay na napakaswerte nito. “You are really good with your drawings, Zy…” ani Belinda na nakatayo na pala sa tabi niya at nakatingin sa portrait ni Raffy sa sketch pad. “And your muse is so pretty. Napakagandang bata ni Raffy. Kamukha ba siya ng mommy niya?”Ngumiti si Zylah at umiling. “Rachel was so beautiful, Bel. And maybe her charisma is inherited by Raffy. Actually, the only she got from Rachel ay ang buhok niya and maybe ang ilong na rin at shape ng mukha if hindi magbabago. Mas kamukha kasi ni Raffy ang daddy niya. She seems the female version of Austin.” “Oh…” tumatangong wika ni Belinda. Kitang-kita niya sa ngiti ni Zylah ang admiration nito kay Raffy, at gano’n na rin kay Austin, kaya na
Tiningnan ni Raffy ang ama na busy sa harap ng laptop nito. Kagaya ng dati ay napanguso na lang siya. Nami-miss niya ang ‘mommy’ niya pero hindi naman niya masabi sa ama ang nararamdaman. Hindi pa rin kasi siya nagsasalita sa harap ng ama. Hindi dahil ayaw niya lang. Gusto niya lang talaga ay ang ‘mommy’ niya ang makarinig ng mga sinasabi niya. Lumapit siya sa ama at inabot ang drawing na gawa niya. At kagaya ng dati ay kahit gaano pa ka-busy ang ama ay basta siya ang concern ay agad itong titigil sa ginagawa para harapin siya. “You missed her?” tanong ni Austin sa anak at nginitian ito. Tumango si Raffy. Nag-sign language siya kasunod na gusto niyang makita si Zylah. “Yes, Raffy. I promise,” ani Austin. “Pupuntahan natin ang ‘mommy’ mo next week.” Nginitian ni Austin ang anak. Hindi niya sinabi lang iyon para maging masaya si Raffy. May plano talaga siyang pumunta sa probinsya nina Zylah dahil next weekend ay birthday celebration ng ama nito. Nang ipaalam sa kaniya ni Melissa
“The company’s profit is decreasing, Bryce!” galit na wika ni Helen nang dalawin nito sa opisina ang anak. “You better make sure na sa anniversary ng company ay may mahahanap kang mga investors!”Tiningnan ni Bryce ang ina at napatiim-bagang. Mula nang iwan siya ni Zylah ay hindi na naging maayos ang pagpapatakbo niya sa kumpanya kasi napunta na rito ang isipan niya. At nang kuhain ni Harry si Jaxon ay imbes tulungan siya ni Zylah ay gumawa pa ito ng paraan para mapasama siya. Kung hindi pa kay Jessa ay hindi niya mababawi si Jaxon. Mabuti at kahit may trauma ito sa dating asawa ay pinilit pa rin nitong makausap si Harry at pakiusapan na ibalik si Jaxon. Binalikan ni Bryce ang mga naganap ng araw na ‘yon. Nang pasukin niya ang lumang bahay sa address na pinadala ni Harry ay wala si Jaxon doon. Pinaabangan niya kina Timothy si Harry sa motel pero ang sabi ng mga ito ay umalis na sila roon dahil okay na, tumawag daw si Jessa at sinabing nakabalik na si Jaxon sa bahay kaya nang makita n
“And where did you get that idea?” Nakatitig at nagtatakang tanong ni Austin kay Zylah. Sa isip ay baka may sinabi ang ina tungkol sa posibleng pagbago ng isip niyang pakasalan ito. Pabugang huminga si Austin. Mula New York ay nag-aalala siya kay Zylah, na baka kung ano ang sinabi ng ina rito. Mula New York ay ito ang laman ng isip niya. At ang tinatanong nito ngayon ay patunay na may nasabi ang mama niya rito.“May sinabi si Mama kaya mo natanong ‘yan, ‘di ba?” muli ay ungkat ni Austin kay Zylah. Umiling si Zylah at pinong ngumiti. “I told you already… wala siyang sinabi sa akin na dapat mong ika-worry. It’s just that—”“Then why are you asking that?” tanong niya rito. “I mean… who told you that my mother’s opinion could change my mind?” Muli ay isang ngiti ang pinakawalan ni Zylah. Ngiti na puno ng pag-aalala. “It’s you, Austin…” tugon ni Zylah at tinitigan si Austin. “Actually, the idea is from you.”“From me?!” kunot-noong balik-tanong ni Austin. “Yes, Austin. I got the idea f
Napangiti si Zylah sa larawan ni Austin na tinitingnan. Ang larawan ay kuha noong ten years old pa lang si Austin base sa petsa na nasa ibaba ng larawan. At sa larawan ay kasama ni Austin ang mag-asawang McIntyre. Pagbuklat ni Zylah nang panibagong pahina ng photo album ay lalong lumapad ang ngiti niya dahil ang parents naman ni Austin ang kasama nito sa larawan. Napatitig si Zylah sa magandang mukha ni Reina noong kabataan pa nito. Kamukha ni Austin ang ina at napamana nito ang itsura sa anak na si Raffy. Napahawak si Zylah sa tiyan. “Sana kamukha ka rin ni daddy, Baby Raegan…” usal niya at nang gumalaw ang baby niya ay napangiti si Zylah. “I love you, baby…” “I love you, Mommy…” Napalingon si Zylah at napangiti nang makita si Austin na nakasandal patagilid sa hamba ng pinto. Tumayo siya at niyakap ang photo album na hawak. “Kanina ka pa?” tanong niya. Humakbang si Austin palapit kay Zylah at kinuha ang album mula rito. “Kararating lang. Saktong doon lang sa sabi mo sana kamuk
“And who are you?” tanong ni Reina Matsuda Mulliez—mama ni Austin—sa babaeng nasa harap niya. Mapanuri ang mga tingin niya at nang dumako ang tingin niya sa tiyan ni Zylah ay napakunot-noo siya dahil buntis ito. Papasok pa lang siya ng bahay ay narinig na niya ang tawag ng apo rito—Mommy—na ikinagulat niya. Gusto niyang matuwa na nakakapagsalita na ulit si Raffy pero dahil sa babaeng nasa harap niya ay hindi niya magawang ngumiti.“You are not mute…” Napaismid si Reina sa babaeng hindi sinagot ang tanong niya at nakatingin lang sa kaniya. “I heard you were talking earlier.”Si Zylah ay napalunok at napakurap para alisin ang kabang namuo sa dibdib dahil sa uri ng tingin sa kaniya ng mama ni Austin. Ngayon niya lang ito nakaharap ng personal pero dahil sa mga larawang nito na nasa mansion ni Austin sa Pilipinas ay nakilala niya ito agad. Nabigla siya sa pagdating nito at sa uri ng tingin na binibigay sa kaniya ay may mga alaala na naman na bumabalik sa isip niya. Meeting the mother of
“Congrats to your wedding!” sabi ni Cassian pagpasok pa lang ni Austin sa opisina niya. “At salamat naman sa wakas naisip mong magpakita,” pabiro niyang dagdag. “And as I expected…” natawang tugon ni Austin, “you heard it already before seeing me.” Hindi nagulat si Austin na alam ni Cassian ang tungkol sa nalalapit na kasal niya kay Zylah. Kahit bago lang sila personal na nagkita ni Cassian pagkatapos ng ilang taon ay nasabi na sigurado rito ni Mathias ang dahilan kung bakit nagkita sila ng isa sa California. Wala naman problema kay Austin kahit napag-uusapan ng mga kaibigan ang sitwasyon niya. Normal lang iyon dahil pare-parehong nag-aalala sa kaniya ang mga ito. And partly, he neglected their friendship because he was focused on Raffy’s condition and his hotel business worldwide. Mga matatalik na kaibigan niya sina Mathias, Cassian, at Vito noong college pa kasi iisang kurso silang apat. Brent was out of the picture of them four dahil mula pagkabata niya pa kaibigan ito at hindi
Napakurap-kurap si Zylah dahil nasilaw sa puting ilaw na nabungaran sa pagdilat ng mga mata. Nang bumalik sa kaniya ang alaala nang nagdaang pangyayari kinagabihan ay napatingin siya agad sa tiyan at napabangon. Sa pagbangon ni Zylah ay nagising niya si Austin na nakasubsob ang ulo sa mga braso dahil nakatulog kakabantay sa kaniya. Nag-aalalang tumayo at lumapit si Austin kay Zylah. “The baby is fine…” aniya rito. Payapang napangiti si Zylah dahil saktong pagsabi ni Austin na okay ang anak nila ay gumalaw ito. “Thanks God…” sambit niya sabay hikbi. “Enough with crying…” mahinang wika ni Austin sabay halik sa noo ni Zylah. “I will call the nurse to check on your vitals,” paalam niya kay Zylah at tatalikod sana nang pigilan siya nito. “I’m fine…” ani Zylah habang nakahawak sa braso ni Austin. “The baby’s well and that’s what matters…” Kinuha ni Zylah ang kamay ni Austin at ipinatong sa tiyan niya. “Feel her, Austin…”Napatitig si Austin kay Zylah. He gaped when he felt the movement o
“I was calling your name that night…” mahina ang boses na kuwento ni Zylah habang buhat siya ni Austin at papunta sila ng elevator. “I thought I was only imagining you because of drugs. And I admit, I felt good that the man I slept that night was you…” she sobbed. “I am thankful, Austin. I was…” Kumapit si Zylah kay Austin. Yumakap. At umiyak na naman habang nakasubsob ang mukha sa dibdib nito. Masaya siya sa nalaman pero natatakot para sa baby niya na kanina pa naninigas at parang gustong lumabas na.“I am thankful, too…” ani Austin. “I am thankful that my name was the one you were moaning that night. At least hindi pangalan ni—” Umiling si Austin. Hindi niya dapat banggitin pa ang pangalan ni Bryce. Hindi na dapat at ayaw niyang isipin ni Zylah na posibleng pagselosan niya ang lalaking ‘yon.“I won’t call any man’s name but you… ikaw talaga ang gusto kong isipin nang gabing ‘yon…” medyo nahihiyang amin ni Zylah. Napangiti si Austin. At dahil ayaw niyang makaramdam pa ng hiya lalo s
“Your name?” Napakurap si Zylah. Wala siyang sinabihan kahit isa tungkol sa bagay na iyon. “It was my name you were calling that night, Zylah… You can’t deny that now.” Tinalikuran ni Austin si Zylah at lumapit sa tokador. Dinampot niya ang envelope na naroon at inabot kay Zylah. “Before you spoke again of your marriage with Bryce… and before you deny you love me… check this first.”“What’s that?” tanong ni Zylah na naguguluhan pa rin sa bagay na alam ni Austin na pangalan nito ang binibigkas niya noong gabing iyon. Napahawak siya sa tiyan dahil muling lumikot ang baby niya. “Please check first…” nakikiusap ang tono na utos ni Austin para hindi na magtanong pa si Zylah at tingnan na lang ang laman ng envelope na iniwan ni Mathias. “It’s one of my surprises for you.”“Is this a contract for our marriage in case I will agree?” Kinuha ni Zylah ang envelope. “Or perhaps a prenuptial agreement. Am I right?” “Better see it for yourself, Zylah…”Tumango si Zylah. Pakiramdam niya ay kahit
“No?” nagtatakang tanong ni Austin. May ideya na siyang kung saan hinuhugot ni Zylah ang mga sagot pero gayunpaman ay hindi niya maiwasang magtaka at… masaktan.“Hindi ko na itatanong kung bakit ‘no’ ang sagot mo,” patuloy ni Austin. “Hindi ko na itatanong dahil may ideya na ako sa kung anong nasa isip mo. But please do consider, Zylah. Marry me.”Umiling si Zylah. “No, Austin…” pahikbing wika niya sa halo-halong nararamdaman. Umatras siya para mabitiwan nito mula sa pagkakayakap sa kaniya. “Marrying you is wrong… I can’t…”“I love you…” amin ni Austin sa nararamdaman. “I love you and it’s true. Imposibleng hindi mo naramdaman. Imposibleng hindi mo naisip kahit minsan man lang na mahal kita. Imposibleng hindi mo nahalata man lang.” Umiling na naman si Zylah. Nanlalaki ang mga mata sa deklarasyon ni Austin. Oo at masasabi niyang naramdaman, naisip, at nahalata niya si Austin pero hindi iyon basta gano’n lang. Hindi dahil mahal na siya nito ay sasamăntalahin niya ang pagkakataon. Hind
“Zylah?” patanong na wika ng isang lalaki mula sa likuran ni Zylah na ikinalingo niya.Ngumiti si Zylah at pilit itinago ang panlalaki ng mga mata sa pagkamangha sa itsura ng lalaking tumawag sa kaniya. Ang asul nitong mga mata at buhok na kulay brown ang nagbigay sa kaniya ng impresyon na ibang lahi ito at nakapagtataka na kakilala siya. Mukha nga itong modelo sa biglaang tingin niya kanina. “Mathias Ivanov,” pagpapakilala ng lalaki at nginitian siya. “I’m Austin’s friend.”“Oh…” ani Zylah at nagtatakang nilibot ng tingin ang hotel na ngayon niya lang napuntahan. Ang akala niya ay sa Hotel Tranquil siya dadalhin ng driver na sumundo sa kaniya pero iba pala ang venue kung saan siya pinapapunta ni Austin. “Hi…” kiming usal niya. “Where’s Austin?”“You’re beautiful,” ani Mathias na kanina pa napapansin ang pagkailang sa mukha ni Zylah. “At napakaganda mo sa suot mo,” dagdag niya na nakangiti. “Nasa presidential suite si Austin, hinihintay ka.”Nanlaki ang mga mata ni Zylah ng bahagya. H