“Anong problema?” mahina ang tono ng boses na tanong ni Jessa kay Bryce. Nabutan niyang galit na galit ang anyo nito sa labas ng bahay habang hawak ang phone at may ka-chat.Pasimple niyang sinulyapan kung sino ang ka-chat ni Bryce. Agad ang pagdaan ng galit sa mga mata ni Jessa na iyong kaibigan ni Zylah na abogada pala ang ka-chat nito. Mukhang inaaway na naman ni Bryce para mapalabas si Zylah. Kung gano’n ay hindi pa rin tumitigil si Bryce na mapauwi si Zylah, bagay na dapat niyang mapigilan.“Okay ka lang ba?” nag-aalala niyang tanong kunwari kay Bryce. “Why? Ayaw pa rin ba ni Zylah bumalik dito? Siya ba ang ka-chat mo?” dagdag tanong ni Jessa. Mahina at pino ang boses ni Jessa makipag-usap kay Bryce. Tila siya isang babaeng hindi makabasag pinggan dahil kailangan niyang mapanatili ang pagiging mahinhin sa harap nito. Iyon ang laban niya kay Zylah. Alam niyang ayaw ni Bryce sa ugali ni Zylah na palaban. Laging sinasabi ni Bryce na nagbago si Zylah pagkatapos ng aksidente nito na
“I don’t know…” pabuntong hiningang tugon ni Bryce. Ayaw na niyang isipin pa kung ano ang sagot sa mga tanong ni Jessa. Alam niyang may mali siya pero mas mali si Zylah sa ginagawa nito na pagtatago at pag-iwan sa kaniya. “Ayaw rin ba sabihin nina Belinda kung nasaan si Zylah?” simpleng pag-usyuso pa ni Jessa. “Ayaw ko sanang sabihin ito pero baka naman… baka naman may dahilan talaga kaya ayaw ni Zylah umuwi pa. At baka alam nina Belinda kung ano ang rason ng kaibigan nila kaya need pagtakpan sa ‘yo.”Huminga ng malalim ulit si Bryce. Napailing. “Ayoko na isipin. Ang kailangan lang makumbinsi ko na si Zylah umuwi. Akala ko ang pagpapabaya ko para hayaan siyang makapag-isip ay magpapakalma sa kaniya pero lalo pala magiging rason na pabayaan niya na talaga kami ni Jaxon.”Pinalungkot ni Jessa ang mga mata. Tumango-tango. May pagkakataon pa siya sa mga plano niya. At sana patuloy na magmatigas pa si Zylah. Papabor sa kaniya lahat ng pang-aaway nito kay Bryce at paglayo. “Mabuti pa nga
“Good morning, baby…” nakangiting bati ni Zylah sa batang kakadilat pa lang. Sinadya niyang hintayin magising ito para matupad ang sinabi nitong sana paggising ay naroon siya sa tabi nito at siya ang unang makita. Agad sumilay ang ngiti sa mga labi ni Raffy. Mabilis itong bumangon at niyakap siya. “Thank you, mommy… Thank you for staying here!”Gumanti ng yakap si Zylah sa bata at ramdam ang kaligayahan na idinulot niya sa puso nito. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya kailangan ni Raffy pero habang siya pa ang gustong mommy nito ay gagawin niya ang lahat para sa ikasasaya nito. “Tara…” aya ni Zylah kay Raffy. “I will cook you breakfast. Samahan mo ako sa kitchen.”Namilog ang mga mata ni Raffy. “You will make me pancakes?” tanong nito. “I would if you want that for breakfast.”Nang bumaba na sila sa kusina ay hindi nakita ni Zylah si Austin. Nahihiya naman siyang magtanong sa mga kasambahay na nakita niyang naglilinis. “Good morning, Miss Raffy! Good morning, ma’am!” bati n
Nalilitong napatayo si Zylah nang humakbang papasok ng kusina si Austin. Napatingin sa orasan na nasa pader. Wala pa naman nine ng umaga, bakit nakabalik na pala ito agad?“Um…” ani Zylah habang sinasalubong ang mga tingin ni Austin. Iniisip niyang mukhang hindi nga ito natuwa na nasa kusina ang anak. “Na-excite ako makasama sa breakfast si Raffy kaya hindi ko na nahintay mahanda ang dining room. Sorry…” Nahinto si Zylah sa pagpapaliwanang nang tingnan ni Austin si Raffy na kumakain ng hotdog. Napangiti ito sa anyo ng anak at gustong huminga na ng maluwag ni Zylah nang muling ibaling ni Austin ang mga tingin sa kaniya. “Sorry kung dito ko—”“What for?” kunot-noong tanong ni Austin kay Zylah. Ngumiti at nilapitan si Raffy at hinalikan sa ulo. Hinila niya ang isang upuan at tinawag si Josie para ipaghanda siya ng plato, baso, at mga kubyertos. “You don’t need to say sorry, Zylah. Pwede kumain dito sa kusina basta gusto niyo.”“But I thought—”“You thought wrong,” putol na ni Austin sa
“About Raffy?” tanong ni Austin kay Zylah at diretsong nakatingin dito. “May gusto ba siyang gawin o gustong pasyalan?” Sa isip ni Austin ay baka may sinabi si Raffy na alangan si Zylah masamahan ang anak niya kaya gustong ipaalam sa kaniya. “Not that. Actually ay may concern lang ako about her…”Hindi nakaimik si Austin. Nasa mga mata niya ang pagtatanong kung ano iyon lalo na at tungkol kay Raffy diumano ang gustong ipakipag-usap sa kaniya. “What about?” tanong ni Austin.“Um… ano kasi…” Zylah awkwardly smiled. “Na—napansin ko lang kasi kanina na… na hindi pa rin pala talaga nakikipag-usap sa ‘yo si Raffy at kahit sa iba. It seems ako lang pala ang kinakausap niya…” Napasandal si Austin. Napatango. Sa tanda niya ay nabanggit na niya iyon dati kay Zylah. At iyon nga ang isa sa rason kung bakit kinausap niya ito para sa anak. Ito lang kasi talaga ang gustong kausapin ni Raffy. Ito lang ang nakikita niyang pag-asa ng anak niya para maging normal ang pakikitungo sa ibang mga tao.
Lumipas ang maghapon na pinagbibigyan ni Zylah ang lahat ng gusto ni Raffy. Mula sa pagkain na pinapaluto at sa lahat ng laro. Masayang-masaya ang bata at gano’n din si Zylah. At last muli ay naranasan ni Zylah ang pagiging ina dahil kasama niya si Raffy.Si Austin ay natutuwang pinapanood ang anak sa paglalaro kasama ni Zylah. Ngayon niya lang narinig ang mga tawa ni Raffy na gano’n kalakas at kasaya kaya alam niyang hindi siya nagkamali kay Zylah.Tawag mula sa telepono ang umistorbo kay Austin at nag-alis ng ngiti niya. Ang mama niya.“Ma?” sagot ni Austin sa tawag ng ina. Parang alam na niya ang sasabihin nito. Mukhang kukulitin na naman siyang makipagkita kay Pauline—ang anak ng best friend ng mama niyang namayapa na.“I heard may babae kang inuwi…” agad na wika ng mama niya.Natigilan si Austin. Whoever told that to her mother ay sesesantehin niya. Hindi niya gusto na may tauhan na ginagawang espiya ng kaniyang ina.“Don’t think of blaming anyone who's working for you. Alam mo n
Alas-kuwatro na ng hapon at ilang oras na lang ay madilim na. Nilapitan ni Zylah si Austin. Hindi na siya pwedeng magpalipas pa ng gabi sa bahay nito, nakakahiya na rito. Isa pa ay kailangan niya na rin talagang umuwi sa condo unit ni Belinda dahil mag-iimpake pa siya ng mga dadalhing damit sa probinsya. Bukas ay naisip niyang mamili na rin ng mga pasalubong para sa mga magulang niya, mga kapatid, kasama na rin ang mga asawa ng mga nito at mga anak.“Looking for me?” tanong ni Austin kay Zylah. Nagulat si Zylah sa biglang pagsulpot ni Austin sa harap niya. Muntik niya pa itong mabangga.“Oo, eh…” mahinang tugon ni Zylah nang makabawi sa pagkagulat. “Magpaalam sana ako. Okay lang naman na umuwi ako mamaya, ‘di ba? And don’t worry…” She smiled. “Papatulugin ko si Raffy bago ako umalis. Kailangan ko lang talaga na makauwi kasi gusto ko sana umuwi muna sa probinsya. Nasabi ko na rin naman ‘yon sa ‘yo nakaraan, ‘di ba?” “Yeah,” one word na sagot ni Austin sa haba ng sinabi niya. Tumango
“Bryce actually keeps on pestering me the whole day,” Belinda sighed the words next. “Buong araw na sigeng tawag at may pabanta pa na papatanggalan niya ako ng lisensya kapag hindi ko inilabas ang asawa niya.”Napailing si Austin sa narinig. “Dapat ko na bang harapin si Bryce?”Natawa si Belinda. “For what?”“For being Zylah’s sponsor and guardian.”Napangiti si Belinda sa narinig. Ayaw niyang kiligin para sa kaibigan pero hindi niya maiwasan maramdaman na nagkakagustuhan na ito at si Austin. And for that, kailangan na niyang mapadali ang annulment ng kaibigan kay Bryce. Not that she liked her friend to have a broken family, pero… sa tulad niyang lumaki sa magulong pamilya dahil parehong toxic ang mga magulang niya, na araw-araw nagbabangayan pero ayaw maghiwalay, ay naisip niyang mas okay na ang paghihiwalay ng mag-asawa kaysa pilit na magsama tapos sa huli ay ang mga anak ang naapektuhan.“Pwede ko naman gawin ‘yon as Zylah’s employer. Maybe I could back her up more so Bryce and Je
-Pasadena, California-Two months later…“Mommy,” sigaw ni Raffy na kinawayan si Zylah.Nakangiting ngumiti si Zylah sa kapitbahay nilang si Mrs. Catarina McIntyre na hawak ang kamay ni Raffy habang palapit ang mga ito. Nakagiliwan ng ginang si Raffy at hinahayaan lang nila ni Austin dahil kasundo rin ni Raffy ito.Si Catarina ay Pilipina na nakapag-asawa ng American na si Jonas. Ang mga ito ay noon pa nanirahan sa California at doon na rin nagdalaga ang mga anak.Ang alam ng mga McIntyre ay anak niya si Raffy at asawa siya ni Austin. Okay na rin ‘yon sa kaniya para hindi na siya magpaliwanag pa. Iyon ang pakilala ni Austin sa kaniya sa mga ito na ikinatuwa niya kahit paano. Napanatag kasi siya na hindi na niya kailangan sabihin na hindi siya asawa si Austin. At higit sa lahat, hindi na niya kailangan ipaalam na anak niya mula sa hindi kilalang lalaki ang pinagbubuntis niya.“Chloe at least smiles talking to Raffy…” kuwento ni Catarina kay Zylah nang makalapit na sila ni Raffy dito.
Umiling si Austin. Tama si Belinda, hindi siya papayag buhayin ang kaso kung ganito na buntis si Zylah. Ang pinagbubuntis ni Zylah at ito mismo ang priority niya. “Let us look for alternatives, Belinda,” ani Austin. “Sa ngayon ay si Zylah at ang kalagayan niya ang priority ko. Dadalhin ko siya ng California kagaya ng plano at doon siya manganganak. I need to tell her the truth that it was me that night in the motel. That the child she was carrying is mine.”“At si Carlo?” tanong ni Belinda. “Anong plano sa isa?” “Kaya pa rin siyang kasuhan oras na gustuhin ni Zylah, pero sa areglong usapan nila ni Bryce para sa legal separation at annulment ay mukhang magkaka-problema. Siguro—”Hindi natapos ni Austin ang sasabihin dahil sa tawag sa phone na umagaw ng atensyon niya. Napakunot-noo siya at tinitigan ang pangalan ng tumatawag. Mukhang ito na ang sagot sa problema niya.“I need to take the call, Bel,” paalam niya sa isa.“Okay,” tugon ni Belinda at tumayo para umorder ng kape para sa k
“What happened?” tanong ni Austin kay Bianca pagpasok pa lang niya ng clinic nito. Hindi na naabutan ni Austin si Zylah sa clinic ni Bianca, nasa bahay na raw ni Melissa ayon kay Belinda. Nakikipagkita rin si Belinda kay Austin, may importante raw silang dapat pag-usapan. “She’s fine,” sabi ni Bianca na ang tinutukoy ay si Zylah. “Maayos naman ang lahat. Nawalan siya ng malay pero hindi iyon dahil sa Carlo na sabi nina Belinda ay kausap ni Zylah doon sa restaurant.”“Carlo?” “Carlo Donnell Reyes,” sabi ni Bianca. “We know him, sa gala night ng Almendras Pharma, nando’n siya at ang asawa niya. Iyong dating sexy star na sabi mo nagpapansin din sa ‘yo noong araw.”Tumango si Austin. “Anong dahilan at nawalan ng malay si Zylah?” tanong niya. Ang importante ay malaman niya kung ano ang kalagayan ni Zylah. Kung ano man ang ginawa ng Carlo Donnell Reyes na ‘yon ay madali niyang malalaman.“Nawalan siya ng malay kasi…” Tinitigan ni Bianca si Austin. Tinatantya kung ano ang magiging reaks
“Sir…” Inangat ni Austin ang tingin kay Daniel. “Ano ‘yon?” Isinuksok niya ulit ang phone sa bulsa. Katatapos lang niya ipadala ang message kay Zylah na pupuntahan niya ito sa Saffron. May tatapusin lang siya.“May konting kaguluhang nangyari sa Saffron, sir…” malumanay na imporma ni Daniel sa boss niya. Kailangan niyang i-deliver ang impormasyon ng kalmado kung hindi ay baka pati siya ay mapagalitan nito. “Kaguluhan?”Huminga ng malalim si Daniel bago muling nagsalita, “Si Miss Zylah po, sir…”Nahinto si Austin sa ginagawang pagpirma. “Anong si Zylah?”“Katatawag ng manager ng restaurant… nawalan ng malay si Miss Zylah, sir.”Natigilan si Austin. Napatayo at binitiwan ang sign pen na hawak. “Nasaan siya?”“Ang sabi po ng mga kaibigan niya ay tawagan kayo at ipaalam na dadalhin nila si Miss Zylah kay Dr. Bianca.”Nag-aalalang kinuha ni Austin ang phone. Hindi pa nababasa ang message niya ni Zylah. “Kaya pala…” bulong niya. “Ano po ‘yon, sir?” magalang na tanong ni Daniel dahil akal
Inayos ni Zylah ang damit bago bumaba ng kotse. Nagpasalamat siya sa driver na naghatid sa kaniya at lumakad na papasok ng Hotel Tranquil. May usapan sila nina Melissa at Belinda na mag-lunch sa Saffron—ang restaurant sa hotel mismo ni Austin.Noong isang araw pa siya nakabalik ng Manila at sa mansion ni Austin siya tumuloy. Kulang-kulang two weeks na lang ay pupunta na sila sa California kaya hindi na siya nag-inarte pa na kay Belinda makikitira pansamantala. Ayaw na niyang makaabala pa kay Austin kung araw-araw siya hatid-sundo para lang makasama niya si Raffy. Sa labas ng restaurant ay nakita niya agad ang mga kaibigan. Nag-uusap at may tinitingnan sa phone. Napangiti si Zylah, mukhang may bagong viral na naman sa internet na nakita si Melissa at ibinibida na naman kay Belinda. Meanwhile, sa loob ng restaurant ay busy nga ang dalawa sa topic tungkol sa dati nilang kaklase… “You know about it, right?” tanong ni Melissa kay Belinda. “Ikaw pa nga ang kasama sa unang tinawagan ng PN
“Nandito ka pala…” sabi ni Bryce nang makita si Jessa sa kuwarto at bagong ligo. Nang dumating siya ay nasa swimming pool ang dalawang bata at walang kasama. Nang tanungin niya ang tatlong kasambahay nila ay sinabing nasa kuwarto si Jessa at hindi pa bumababa mula kanina. Hindi niya nagustuhan ang naabutan na walang kasama ang mga bata sa pool. Kumuha na nga siya ng mga kasambahay para wala ng ibang gagawin si Jessa kung hindi ang magbantay sa mga bata tapos aabutan niya ang dalawa na sila lang. Paano kung maaksidente ang mga ito? Paano kung may nadulas sa mga ito? Paano kung may malunod?Naisip ni Bryce si Zylah. Noong si Zylah ang kasama niya ay ni minsan hindi nito napabayaan si Jaxon na walang kasama maglaro sa swimming pool, maingat si Zylah, naninigurado lagi sa kaligtasan ng anak nila. Naiinis na tinawag niya ang isang kasambahay at binilinan na samahan ang dalawang bata. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa kuwarto para makita kung ano ang pinagkakaabalahan ni Jessa at napabay
Nakaraang araw pa napapansin ni Jessa na hindi siya gustong kausap ni Bryce at hindi niya alam ang dahilan. Kahit sa kama ay ang lamig nito sa kaniya at parang tamang nagpaparaos lang.Mula nang dumating ito sa kung saan ito pumunta kasama ni Jaxon ay pansin na niya ang pananamlay at panlalamig nito.“Jax, baby…” tawag ni Jessa sa batang access niya sa lahat ng mga plano niya. “Come here, may itatanong lang si mommy.”Iniwan ni Jaxon si Brody at lumapit kay Jessa.“Bakit hindi niyo ako isinama ni daddy nakaraan?” Ngumuso siya. “Sad kami ni Brody… Iniwan niyo kasi kami.”Jaxon pursed his lips in thin line. Hindi niya alam paano magpapaliwanag pero ang sabi ng daddy niya ay huwag niyang sasabihin sa Mommy Jessa niya kung saan sila pumunta kasi magagalit ito at baka iwan siya. Ayaw niyang magalit ang Mommy Jessa niya. Ayaw niyang iwan siya nitio.“Namasyal po kami ni daddy...”“Saan nga?” tanong ni Jessa at may pinakitang chocolate at tinawag si Brody para ibigay. “Bakit hindi niyo kami s
Malungkot na ngiti ang iginanti ni Zylah sa sinabi ng ina. “Kahit po ipaglaban ko si Jaxon ay wala na rin halaga. Sa edad niya ngayon ay pwede siyang mamili sino ang gusto niyang samahan at kagaya ng sabi ko ay hindi niya ako gustong piliin. Mas gusto niya si Jessa ang maging mommy niya.”Tumango si Lani. Alam niya na iyon. Hindi pa nila alam ang buong kwento sa mga naganap kay Zylah pero ang tungkol sa pagpili ni Jaxon sa magulang na sasamahan ay dati pa naipaalam ng anak sa kanila. Walang naging laban si Zylah para makuha si Jaxon dahil ayaw ng bata sa tunay nitong ina. At hindi na rin talaga pinilit ni Zylah makuha ang anak na noong una ay hindi niya maunawaan. Doon sa kaarawan na lang ng asawa niya naunawaan ang lahat. Hindi maganda ang ugali ng apo dahil sa pag-i-spoil dito. Kahit sa gano’ng edad pa lang ay tunay na naging bastos na anak si Jaxon kay Zylah. “Gusto kong maging masaya ka, anak…” wika na lang ni Lani. “Iyong totoong kasiyahan at hindi pinipilit lang para ipakita s
“Anak…” ani Lani. Kakatok pa sana siya sa pinto ng kuwarto ng anak pero nang iikot niya ang door knob ay bukas naman pala iyon kaya pumasok na siya. Si Zylah ay naabutan ni Lani na nakaupo sa ibabaw ng kama nito at nakatingin sa labas ng bintana. Kanina pa ito nakauwi, pasado alas-otso ng gabi. Mga isang oras na pero mula nang dumating ay hindi na lumabas ng kuwarto kaya inakyat niya na. Nag-alala kasi ang asawa na baka umiiyak na naman ang anak nila kaya sinilip na niya para lang makasigurado.Nalaman nila ang lahat ng nangyari rito kina Melissa at Belinda. Ang dalawa ang nagkuwento sa kanila ng mga pinagdaanan ni Zylah sa piling ni Bryce. Nakunan ang anak niya, iniwan si Bryce dahil inuwi na si Jessa, kinidnap ni Bryce para ibigay sa ex ni Jessa, at nagkaroon ng trauma dahil sa drogā.Galit na galit ang mga anak niyang lalaki at halos ika-stroke na naman ni Ricardo ang nalaman. Siya lang ang pinakakalmado sa lahat kaya siya na ang laging lumalapit kay Zylah para tanungin ito kapag a