“About Raffy?” tanong ni Austin kay Zylah at diretsong nakatingin dito. “May gusto ba siyang gawin o gustong pasyalan?” Sa isip ni Austin ay baka may sinabi si Raffy na alangan si Zylah masamahan ang anak niya kaya gustong ipaalam sa kaniya. “Not that. Actually ay may concern lang ako about her…”Hindi nakaimik si Austin. Nasa mga mata niya ang pagtatanong kung ano iyon lalo na at tungkol kay Raffy diumano ang gustong ipakipag-usap sa kaniya. “What about?” tanong ni Austin.“Um… ano kasi…” Zylah awkwardly smiled. “Na—napansin ko lang kasi kanina na… na hindi pa rin pala talaga nakikipag-usap sa ‘yo si Raffy at kahit sa iba. It seems ako lang pala ang kinakausap niya…” Napasandal si Austin. Napatango. Sa tanda niya ay nabanggit na niya iyon dati kay Zylah. At iyon nga ang isa sa rason kung bakit kinausap niya ito para sa anak. Ito lang kasi talaga ang gustong kausapin ni Raffy. Ito lang ang nakikita niyang pag-asa ng anak niya para maging normal ang pakikitungo sa ibang mga tao.
Lumipas ang maghapon na pinagbibigyan ni Zylah ang lahat ng gusto ni Raffy. Mula sa pagkain na pinapaluto at sa lahat ng laro. Masayang-masaya ang bata at gano’n din si Zylah. At last muli ay naranasan ni Zylah ang pagiging ina dahil kasama niya si Raffy.Si Austin ay natutuwang pinapanood ang anak sa paglalaro kasama ni Zylah. Ngayon niya lang narinig ang mga tawa ni Raffy na gano’n kalakas at kasaya kaya alam niyang hindi siya nagkamali kay Zylah.Tawag mula sa telepono ang umistorbo kay Austin at nag-alis ng ngiti niya. Ang mama niya.“Ma?” sagot ni Austin sa tawag ng ina. Parang alam na niya ang sasabihin nito. Mukhang kukulitin na naman siyang makipagkita kay Pauline—ang anak ng best friend ng mama niyang namayapa na.“I heard may babae kang inuwi…” agad na wika ng mama niya.Natigilan si Austin. Whoever told that to her mother ay sesesantehin niya. Hindi niya gusto na may tauhan na ginagawang espiya ng kaniyang ina.“Don’t think of blaming anyone who's working for you. Alam mo n
Alas-kuwatro na ng hapon at ilang oras na lang ay madilim na. Nilapitan ni Zylah si Austin. Hindi na siya pwedeng magpalipas pa ng gabi sa bahay nito, nakakahiya na rito. Isa pa ay kailangan niya na rin talagang umuwi sa condo unit ni Belinda dahil mag-iimpake pa siya ng mga dadalhing damit sa probinsya. Bukas ay naisip niyang mamili na rin ng mga pasalubong para sa mga magulang niya, mga kapatid, kasama na rin ang mga asawa ng mga nito at mga anak.“Looking for me?” tanong ni Austin kay Zylah. Nagulat si Zylah sa biglang pagsulpot ni Austin sa harap niya. Muntik niya pa itong mabangga.“Oo, eh…” mahinang tugon ni Zylah nang makabawi sa pagkagulat. “Magpaalam sana ako. Okay lang naman na umuwi ako mamaya, ‘di ba? And don’t worry…” She smiled. “Papatulugin ko si Raffy bago ako umalis. Kailangan ko lang talaga na makauwi kasi gusto ko sana umuwi muna sa probinsya. Nasabi ko na rin naman ‘yon sa ‘yo nakaraan, ‘di ba?” “Yeah,” one word na sagot ni Austin sa haba ng sinabi niya. Tumango
“Bryce actually keeps on pestering me the whole day,” Belinda sighed the words next. “Buong araw na sigeng tawag at may pabanta pa na papatanggalan niya ako ng lisensya kapag hindi ko inilabas ang asawa niya.”Napailing si Austin sa narinig. “Dapat ko na bang harapin si Bryce?”Natawa si Belinda. “For what?”“For being Zylah’s sponsor and guardian.”Napangiti si Belinda sa narinig. Ayaw niyang kiligin para sa kaibigan pero hindi niya maiwasan maramdaman na nagkakagustuhan na ito at si Austin. And for that, kailangan na niyang mapadali ang annulment ng kaibigan kay Bryce. Not that she liked her friend to have a broken family, pero… sa tulad niyang lumaki sa magulong pamilya dahil parehong toxic ang mga magulang niya, na araw-araw nagbabangayan pero ayaw maghiwalay, ay naisip niyang mas okay na ang paghihiwalay ng mag-asawa kaysa pilit na magsama tapos sa huli ay ang mga anak ang naapektuhan.“Pwede ko naman gawin ‘yon as Zylah’s employer. Maybe I could back her up more so Bryce and Je
“Sorry for not knocking…” Austin said casually. Pumasok ito at inilapag ang tray sa mesita bago muling lumabas.Ilang segundo nang nakalabas si Austin pero pulang-pula pa rin si Zylah na nakatingin sa nakapinid na pinto. Ni hindi niya magawang i-lock iyon dahil sa gulat at hiyang nararamdaman. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan niyang isara ang pinto kanina. Nag-sorry si Austin dahil sa hindi pagkatok pero hindi naman niya pwedeng isipin na ito ang mali. May dalang tray si Austin at siguradong kanina pa nagpapabalik-balik sa kuwarto dahil nga sa nangyari sa kaniya kanina sa hagdan. Siguradong wala rin sa isip nito ang eksenang naabutan.And Austin was just concerned. Siya ang dapat nag-isip at hindi basta-basta na lang nagtanggal ng mga damit. Masyado kasi siyang nagpadala sa excitement dahil sa mga napiling damit ni Raffy sa kaniya kaya hindi na gumana ang utak niya. Napahawak si Zylah sa dibdib. Napakapa sa may kalakihan niyang hinaharap. She’s size 34-D. Feeling the awkward se
Hindi maiwasan ni Austin ang manigarilyo. Hindi talaga siya naninigarilyo dahil alam niyang masama iyon sa kalusugan at aware siya sa secondhand smoke at sa masamang idudulot niyon kay Raffy na lagi niyang kasama. Lagi siyang maingat hindi lang para sa sarili kung hindi para sa anak. Yes, alam niyang masama sa kalusugan ang paninigarilyo pero sa nangyari kanina ay hindi niya maiwasan humingi ng sigarilyo sa driver niyang naabutan sa garahe para makalma ang sistema niya. Sa garahe siya dumiretso pagkatapos niyang abutan si Zylah na walang ibang saplot kung hindi ang panty nito. Gulat na gulat ito kanina at gano’n din naman siya. There was nothing extraordinary with what he saw. Walang pang-aakit na naganap. Pareho silang nagulat. At kung susumahin ay mas nauna pa siyang nakabawi kaysa kay Zylah na halatang natulala at pulang-pula. Napailing si Austin sa naramdaman na paninikip ng pantalon niya. Yes, inaamin niya. He was turned on. Sinasabi ng utak niyang hindi niya kailangan ng sex
Alas-otso na ng umaga nang magising ulit si Zylah. Mabilisan siyang nag-ayos at saka lumabas ng kuwarto. Nakakahiya na tinanghali siya sa higaan dahil halos hindi pinatulog ng hiya na naramdaman sa kung anong naabutan ni Austin na ayos niya.“Good morning, Mommy!” masayang bati ni Raffy sa kaniya nang makitang pababa siya ng hagdan. “Good morning, Raffy,” bati niya rito at minadali ang pagbaba. Sa baba ay nilapitan niya ito para halikan at yakapin. Bungisngis ni Raffy ang kasunod na maririnig na nagpangiti kahit sa mga kasambahay na nakatingin sa kanila. “What about me? Wala ba akong ‘good morning, daddy’ d’yan?” tanong ni Austin na ikinatingin nina Raffy at Zylah rito. Natigilan si Zylah. Alam naman niyang gusto lang marinig ni Austin ang anak batiin ito ng good morning pero bakit pakiramdam niya ay kasama siya sa sinasabihan ni Austin ng gano’n. Pakiramdan niya tuloy ay lumalala ang imagination niya.Agad ang pamumula ni Zylah nang dumako sa kaniya ang mga tingin ni Austin. Si A
“Basta after ten days ay babalik si mommy,” pangako ni Zylah kay Raffy na nakanguso sa tabi niya. Nagpaalam siya na hindi muna madadalaw ito dahil kailangan niyang umuwi ng probinsya. Ang sabi ni Austin ay huwag na niyang sabihin pa kay Raffy pero hindi naman niya kayang isipin na araw-araw itong maghihintay na dumating siya tapos mabibigo. Isang linggo ang inilaan niya para makasama ang parents niya at mga kapatid. Sinabi niyang ten days kay Raffy kasi ang dalawang araw ay para sa pagbyahe niya at ang isang araw ay sa pamimili niya bukas ng mga ipapasulubong sa pamilya.“Basta promise babalik ka, ha?” pangungulit ni Raffy na ikinangiti ni Zylah. Ramdam na ramdam na agad ang pagkalungkot nito dahil sa paglayo niya rito ng isang linggo mahigit.“I will call. Magvi-video call din tayo para makita mo pa rin si mommy araw-araw…” nangangakong wika ni Zylah sa bata na ngumiti na kahit paano. “Promise?” muli ay paninigurado ni Raffy. “Promise you will call every day?” “Promise.” Zylah hug
“Nandito ka pala…” sabi ni Bryce nang makita si Jessa sa kuwarto at bagong ligo. Nang dumating siya ay nasa swimming pool ang dalawang bata at walang kasama. Nang tanungin niya ang tatlong kasambahay nila ay sinabing nasa kuwarto si Jessa at hindi pa bumababa mula kanina. Hindi niya nagustuhan ang naabutan na walang kasama ang mga bata sa pool. Kumuha na nga siya ng mga kasambahay para wala ng ibang gagawin si Jessa kung hindi ang magbantay sa mga bata tapos aabutan niya ang dalawa na sila lang. Paano kung maaksidente ang mga ito? Paano kung may nadulas sa mga ito? Paano kung may malunod?Naisip ni Bryce si Zylah. Noong si Zylah ang kasama niya ay ni minsan hindi nito napabayaan si Jaxon na walang kasama maglaro sa swimming pool, maingat si Zylah, naninigurado lagi sa kaligtasan ng anak nila. Naiinis na tinawag niya ang isang kasambahay at binilinan na samahan ang dalawang bata. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa kuwarto para makita kung ano ang pinagkakaabalahan ni Jessa at napabay
Nakaraang araw pa napapansin ni Jessa na hindi siya gustong kausap ni Bryce at hindi niya alam ang dahilan. Kahit sa kama ay ang lamig nito sa kaniya at parang tamang nagpaparaos lang.Mula nang dumating ito sa kung saan ito pumunta kasama ni Jaxon ay pansin na niya ang pananamlay at panlalamig nito.“Jax, baby…” tawag ni Jessa sa batang access niya sa lahat ng mga plano niya. “Come here, may itatanong lang si mommy.”Iniwan ni Jaxon si Brody at lumapit kay Jessa.“Bakit hindi niyo ako isinama ni daddy nakaraan?” Ngumuso siya. “Sad kami ni Brody… Iniwan niyo kasi kami.”Jaxon pursed his lips in thin line. Hindi niya alam paano magpapaliwanag pero ang sabi ng daddy niya ay huwag niyang sasabihin sa Mommy Jessa niya kung saan sila pumunta kasi magagalit ito at baka iwan siya. Ayaw niyang magalit ang Mommy Jessa niya. Ayaw niyang iwan siya nitio.“Namasyal po kami ni daddy...”“Saan nga?” tanong ni Jessa at may pinakitang chocolate at tinawag si Brody para ibigay. “Bakit hindi niyo kami s
Malungkot na ngiti ang iginanti ni Zylah sa sinabi ng ina. “Kahit po ipaglaban ko si Jaxon ay wala na rin halaga. Sa edad niya ngayon ay pwede siyang mamili sino ang gusto niyang samahan at kagaya ng sabi ko ay hindi niya ako gustong piliin. Mas gusto niya si Jessa ang maging mommy niya.”Tumango si Lani. Alam niya na iyon. Hindi pa nila alam ang buong kwento sa mga naganap kay Zylah pero ang tungkol sa pagpili ni Jaxon sa magulang na sasamahan ay dati pa naipaalam ng anak sa kanila. Walang naging laban si Zylah para makuha si Jaxon dahil ayaw ng bata sa tunay nitong ina. At hindi na rin talaga pinilit ni Zylah makuha ang anak na noong una ay hindi niya maunawaan. Doon sa kaarawan na lang ng asawa niya naunawaan ang lahat. Hindi maganda ang ugali ng apo dahil sa pag-i-spoil dito. Kahit sa gano’ng edad pa lang ay tunay na naging bastos na anak si Jaxon kay Zylah. “Gusto kong maging masaya ka, anak…” wika na lang ni Lani. “Iyong totoong kasiyahan at hindi pinipilit lang para ipakita s
“Anak…” ani Lani. Kakatok pa sana siya sa pinto ng kuwarto ng anak pero nang iikot niya ang door knob ay bukas naman pala iyon kaya pumasok na siya. Si Zylah ay naabutan ni Lani na nakaupo sa ibabaw ng kama nito at nakatingin sa labas ng bintana. Kanina pa ito nakauwi, pasado alas-otso ng gabi. Mga isang oras na pero mula nang dumating ay hindi na lumabas ng kuwarto kaya inakyat niya na. Nag-alala kasi ang asawa na baka umiiyak na naman ang anak nila kaya sinilip na niya para lang makasigurado.Nalaman nila ang lahat ng nangyari rito kina Melissa at Belinda. Ang dalawa ang nagkuwento sa kanila ng mga pinagdaanan ni Zylah sa piling ni Bryce. Nakunan ang anak niya, iniwan si Bryce dahil inuwi na si Jessa, kinidnap ni Bryce para ibigay sa ex ni Jessa, at nagkaroon ng trauma dahil sa drogā.Galit na galit ang mga anak niyang lalaki at halos ika-stroke na naman ni Ricardo ang nalaman. Siya lang ang pinakakalmado sa lahat kaya siya na ang laging lumalapit kay Zylah para tanungin ito kapag a
Zylah gaping eyes gazed at Austin. Palaging may gano’ng palinya si Austin sa kaniya. Hindi naman siya manhid para hindi maramdaman ang concern nito pero hindi na kasi basta kaibigan na lang ang turing ni Austin sa kaniya. She knows of course.Sinalubong niya ang mga tingin ni Austin. “Do you—”Zylah sighed. Hindi niya kayang itanong. Maliban sa nahihiya siya ay paano kung mali ang iniisip niya. Ayaw niyang maging katulad ni Jessa sa paningin ni Austin. Ayaw niyang pag-isipan nito ng masama sa pag-assume niya. At isa pang ayaw niya, ang masira ang pagkakaibigan nila.Bago pa lang ang friendship nila pero importante sa kaniya ang maging kahit kaibigan lang nito. At si Raffy? Ayaw niyang malagay sa alanganin ang pagiging ‘mommy’ niya kay Raffy kapag sakaling si Austin na ang nailang sa kaniya kapag nalaman na pinag-iisipan niya itong interesado sa kaniya.“Do I what?” tanong ni Austin. Umiling si Zylah. Ngumiti. “Nothing. Kain na sigu—” she stopped completing her sentence. Wala pa nga
“A penny for your thoughts?”Napatingin si Zylah kay Austin na nasa harap na pala niya pero hindi niya agad napansin. Tatlong araw na mula nang natapos ang birthday celebration ng papa niya na medyo ginulo ni Bryce kaya natutulala pa rin siya kapag bumabalik sa isip niya ang mga nangyari. “Where’s Raffy?” tanong ni Zylah nang maupo si Austin sa tapat niya at nginitian ito. Dapat nakabalik na sa Manila sina Austin at Raffy kahapon pero hindi natuloy. Nagbago ang plano ng mag-ama kasi isasabay na lang daw siya. Iyon ang gusto ni Raffy na hindi niya natanggihan. Hindi pa kasi siya makaalis kasi hindi pa rin siya nakapaalam sa mga magulang na aalis siya ng bansa. Paano naman kasi siya magpapaalam? Paano niya sasabihin sa mga magulang ng maayos na sasama siya kina Austin at Raffy sa California na hindi mamasamain ng mga ito ang desisyon niya?“Raffy’s still sleeping,” tugon ni Austin sa tanong ni Zylah. Lumingon siya para tumawag ng table attendant. He ordered breakfast for two next. Nas
Nanlaki ang mga mata ni Zylah sa narinig na sinabi ni Austin. Yes, alam niyang iginaganti lang siya ni Austin kay Bryce pero hindi naman ang uri ni Austin ang gagawa ng kuwento para lang mang-inis ng kausap nito. Napatitig siya kay Austin. Kung gusto ito ni Jessa at magkagusto rin ito sa isa… siguradong kawawa si Bryce. Siguradong ipagpapalit na naman ito ng pinakamamahal na si Jessa.“Sorry to say that…” dagdag ni Austin sabay ngiti kay Bryce. A kind of smile na wala itong kalaban-laban sa kaniya. Never nagmalaki si Austin sa mga naabot niya pero kung sa tulad ni Bryce na masyadong mayabang ay bakit hindi? Austin smiled. “Don’t worry, Bryce, I have no intention to entertain Jessa. Just curious with your relationship with her.”Ngiti ang reaksyong itinugon ni Bryce. Ngiti na pilit. Kailangan niyang maging kalmado. Hindi siya dapat magpaapekto sa sinasabi ni Austin na kung ano tungkol kay Jessa. Kilala niya si Jessa, hindi siya nito ipagpapalit sa gaya ni Austin kahit sobrang yaman n
“Am I right, Austin?” tanong ni Bryce kay Austin nang wala itong naging reaksyon sa mga sinabi niya. Nasa mga mata niya ang simpeng pag-analisa ng komplikadong sitwasyon na napasukan. Hindi basta-basta ang tulad ni Austin sa business world at hindi niya gugustuhin na pag-initan siya nito. Ngumiti naman si Austin. Ngiti na pilit pero siguradong hindi mahahalata ni Bryce ang galit niya. Ngiti na pang-uto niya lang dito. Bryce was obviously manipulating him but he ain’t stupid, he knows how to play the game. Just another year to wait at sisimulan na niya pabagsakin ito. At sa taas ng lipad ni Bryce ay siguradong sobrang sakit ang magiging pagbagsak nito. “I know this is an awkward moment, Austin, but can I take the chance to talk to you about business? A dinner perhaps,” pag-iba ni Bryce ng topic. Hindi niya pa rin mabasa ang nasa isip ni Austin pero dahil business-minded ito ay iyon ang nakita niyang paraan para makaalis na sila sa kung anong mga nangyari kanina. “Or what about a lunch
“Austin,” nakangising usal ni Bryce sa pangalan ng lalaking palapit sa kanila. Ang totoo ay hindi siya natuwa sa pagbanggit nito ng apelyido niya kanina. Kung ibang tao lang ito ay kaya niyang pagsalitaan na huwag itong mangialam, kaso… hindi ito ibang tao. Ito lang naman ang may pinakamalaking halaga na kayang i-invest sa kumpanya niya at kailangan niya ito para masigurado ang hindi pagka-bankrupt ng Almendras Pharma. Kung bakit ito nandito? Malalaman niya rin. “Nandito ka pala…” wika niya, nananantya. “Small world, aren’t we?”Oo at nasa Tranquil sila, hotel na pag-aari ni Austin. Pero sa dinami-daming hotel nito sa buong mundo ay sino ba ang mag-iisip na narito ito ngayon? “There’s a management meeting I attended here,” tugon ni Austin sa sinabi ni Bryce. Pinipilit niya lang maging kalmado sa harap nito para hindi masira ang kung anong plano niya para rito. Tiningnan niya si Zylah. “Are you okay?” tanong niya na nag-aalala lalo at namumula ang mga mata nito. Tumango si Zylah. N