Ethan POV Walong buwan na simula ng umalis si Agatha, ang huli pagkikita namin ay ‘yong araw na pumunta siya sa bahay para kausapin ako at sabihin ang plano niya at hanggang sa makaalis siya ay hindi na kami nag usap. Nalaman ko lang na wala na siya dahil sinabi nila Gian. Simula ng umalis siya ay mas nag focus na lang ako sa pagpapatakbo ng kumpanya, mas nakilala pa ito na labis kung ikinatuwa dahil alam kung proud sa akin ang pamilya ko kung nabubuhay pa sila. Hanggang ngayon ay pinapahanap ko pa rin si Kuya dahil hindi pa rin siya nagpapakita. Ang galing niya talagang magtago, no doubt he is a Hernandez. Halos isang linggo ko na din na hindi nakikita si Gian dahil umalis ito para bisitahin ang isang branch na pinapatayo niya habang si Zey naman ay naging busy din
May isang babaeng maganda at sexy ang naglalakad sa isang restaurant, may usapan kasi sila ng kanyang boss at ng pinsan nito na mag cecelebrate sila sa naging success niyang projects. Pagpasok niya pa lang sa isang restaurant do’n ay agad niyang nakita ang dalawa na mukhang naghihintay sa kanya, nakangiti naman siyang lumapit sa mga ito. “Hi guys, sorry I’m late.” bungad niya. “It’s okay Agatha! By the way, congratulations!” nakangiting anas ni Marcus. Naging maganda kasi ang kinalabasan ng bagong bukas na resort at hotels ng Montreal Company at labis na humanga ang mga investors. “Ang galing mo talaga girl so professional. Pak na pak. Mukhang dadami ang mga magiging investors namin nito.” wika naman ni Eli, siya ay pins
2 years later …. Agatha POV Nandito ako ngayon sa Montreal Company, isang linggo na simula ng makabalik ako dito, halos hindi ko na namalayan na taon na akong nawala sa lugar na ito. Bumili na din ako ng condo ko dahil nakakahiya naman kay Zey kapag do'n pa din ako titira sa unit niya. “Hey Marcus!” magiliw na bati ko sa kanya ng makapasok ako sa loob ng kanyang opisina. “Oh you’re here.” “Epal ka kasi, alam mo naman na kakalipat ko lang sa binili kung condo at nag aayos pa ako ng mga gamit ko.” wika ko. “Oh I didn't know, Take a seat now.” “So ano ba ang dapat pag usapan natin?” tanong ko sa kanya.
Agatha POV “Agatha, thank you for your time.” saad ni Ethan sa akin. Agad naman akong tumayo at ngumiti ng pilit, kanina pa ako naiinis dahil hindi ko alam kung nasaan na si Marcus kaya naiwan ako sa lalaking 'to. Bakit ba kailangan kung magtiis na makasama ito kahit na dapat ay ang CEO namin ang gumagaya ng bagay na ito. Sa totoo lang ay ayaw ko talagang kaharap si Ethan kaso hindi ko pwedeng tanggihan ang ang isang Hernandez dahil hindi pa siya nakakapirma ng kontrata sa Montreal baka mamaya ay bawiin niya pa 'yon. Nasaan na kaya si Belle kanina ay kasama pa siya namin pero bigla namang nawala. Psh! Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit ako naiinis. Ng makalabas na kami ay naabutan namin ang sasakyan na naghihintay
Ethan POV Simula ng umalis ako sa room na 'yon ay nasira na agad ang mood ko, nakakabwisit si Belle na biglang dumating kaya naudlot ang pag uusap namin ni Agatha. “What’s wrong?” tanong niya sa akin. Belle and I are business partner kaya madalas kaming magkasama dahil nagtayo kami ng isa pang branch at naging close na din kami. Siya kasi ang babaeng pwede mong pagkatiwalaan sa lahat ng bagay dahil hindi siya tulad ng iba na may ibang motibo. Isa pa ay kaibigan ko siya at kaklase ng college. Tumingin naman ako sa kanya. “Nothing.” maikling sagot ko. Nandito kami ngayon sa thanks giving party ng Montreal Company. “Alam mo Ethan kung may gumugulo sa isip mo pwede mong sabihin sa akin alam mo 'yan. Simula ng bumisita tayo s
Agatha POV Napaupo ako sa sofa habang hawak hawak ang dibdib ko, mabuti na lang at hindi na nag matigas pa si Ethan at umalis na. Hindi ko alam na pupunta siya ngayon dito at hindi na ako magtataka kung paano niya nalaman kung saan ako nakatira dahil alam kung malakas ang koneksyon niya. Mayamaya pa ay nag ring ang phone ko at nakita kung si Macrus ang tumatawag kaya sinagot ko agad ito. “Why?” tanong ko sa kanya. “Where are you?” “Nasa condo, bakit?” sagot ko naman sa kanya. "Nandito ako sa labas kaya pwede bang pagbuksan mo ako dahil kanina pa ako kumakatok." Nagulat naman ako dahil hindi ko man lang narinig ang katok niya. “O
Agatha POV Ng makarating ako sa bar na 'yon ay bumaba na agad ako pero sinabi ko sa driver na hintayin niya ako dahil hindi naman ako magtatagal. Mabilis akong pumasok sa bar at hinanap kung saan siya nakapwesto at hindi din naman ako nahirapan at nakita ko siya agad. Mukhang madami na siyang nainom pero alam kung kaya niya naman ang sarili niya, “What do you want?” diretsong tanong ko ng makalapit ako sa kanya. “Thank you at pinagbigyan mo ako na makausap ka.” “Kung ako lang ang masusunod ay ayaw kung puntahan ka dahil wala naman na tayong dapat pang pag usapan.” seryosong turan ko. “Do you want a drink?” Mabilis naman akong um
Ethan POV Isang oras na ang nakalipas simula ng umalis si Agatha, sobra akong nasaktan sa mga binitawan niyang mga salita hindi ko alam na kaya niyang sabihin ang mga bagay na 'yon sa akin ng hindi man lang mababakasan sa kanyang mukha ang pagsisisi. Ng makaalis siya ay hinintay ko pa siya dahil nagbabakasali akong baka bumalik siya, pero inabot na lang ng isang oras ay walang Agatha na bumalik, bakit nga ba ako umasa pa eh alam ko naman na malabo ng mangyari 'yon. Nag order pa ako ng alak at nilunod ang sarili ko, gusto kung makalimot kahit panandalian lang, kung may gamot lang na pampamanhid ng puso para hindi makaramdam ng kirot at sakit ay binili ko na. Ng pakiramdam ko ay nahihilo na ako ay saka na ako lumabas ng bar. Pagkasakay ko sa kotse ko ay inistart ko agad ang makina at nagsimula ng magdrive. Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isipan ko ang mga katagang binitawan ni Agatha sa akin. Bakit nga ba ako umasa na sa pagbalik niya ay ako pa din ang mahal niya? Hindi na ako na