Agatha POV
Napaupo ako sa sofa habang hawak hawak ang dibdib ko, mabuti na lang at hindi na nag matigas pa si Ethan at umalis na. Hindi ko alam na pupunta siya ngayon dito at hindi na ako magtataka kung paano niya nalaman kung saan ako nakatira dahil alam kung malakas ang koneksyon niya.
Mayamaya pa ay nag ring ang phone ko at nakita kung si Macrus ang tumatawag kaya sinagot ko agad ito.
“Why?” tanong ko sa kanya.
“Where are you?”
“Nasa condo, bakit?” sagot ko naman sa kanya.
"Nandito ako sa labas kaya pwede bang pagbuksan mo ako dahil kanina pa ako kumakatok."
Nagulat naman ako dahil hindi ko man lang narinig ang katok niya. “O
Agatha POV Ng makarating ako sa bar na 'yon ay bumaba na agad ako pero sinabi ko sa driver na hintayin niya ako dahil hindi naman ako magtatagal. Mabilis akong pumasok sa bar at hinanap kung saan siya nakapwesto at hindi din naman ako nahirapan at nakita ko siya agad. Mukhang madami na siyang nainom pero alam kung kaya niya naman ang sarili niya, “What do you want?” diretsong tanong ko ng makalapit ako sa kanya. “Thank you at pinagbigyan mo ako na makausap ka.” “Kung ako lang ang masusunod ay ayaw kung puntahan ka dahil wala naman na tayong dapat pang pag usapan.” seryosong turan ko. “Do you want a drink?” Mabilis naman akong um
Ethan POV Isang oras na ang nakalipas simula ng umalis si Agatha, sobra akong nasaktan sa mga binitawan niyang mga salita hindi ko alam na kaya niyang sabihin ang mga bagay na 'yon sa akin ng hindi man lang mababakasan sa kanyang mukha ang pagsisisi. Ng makaalis siya ay hinintay ko pa siya dahil nagbabakasali akong baka bumalik siya, pero inabot na lang ng isang oras ay walang Agatha na bumalik, bakit nga ba ako umasa pa eh alam ko naman na malabo ng mangyari 'yon. Nag order pa ako ng alak at nilunod ang sarili ko, gusto kung makalimot kahit panandalian lang, kung may gamot lang na pampamanhid ng puso para hindi makaramdam ng kirot at sakit ay binili ko na. Ng pakiramdam ko ay nahihilo na ako ay saka na ako lumabas ng bar. Pagkasakay ko sa kotse ko ay inistart ko agad ang makina at nagsimula ng magdrive. Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isipan ko ang mga katagang binitawan ni Agatha sa akin. Bakit nga ba ako umasa na sa pagbalik niya ay ako pa din ang mahal niya? Hindi na ako na
Agatha POV Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha, hindi ko pala naisara ang bintana ng matulog ako kagabi. Isang taon na ang nakalipas simula ang umalis ako at nagpakalayo layo para na din tuluyan ng maiwasan si Ethan. No'ng nagpaalam ako kay Marcus tungkol sa plano kung umalis muna pansamantala ay hindi siya pumayag, sinasabi niya sa akin na ako ang nagpalayo kay Ethan so bakit kailangan kung umiwas but I explain to him kung bakit dahil ayaw ko na mas masaktan pa kaming pareho kapag nag krus ang landas namin. At dahil alam niyang buo na ang desisyon ko kaya wala na din siyang nagawa, pinangako ko naman na patuloy pa rin akong magtatrabaho sa kanila at mananatili pa rin akong architect at designer ng kompanya dahil ayaw ko naman lumabag sa kontrata. Sa loob ng nakalipas na taon ay wala akong naging balita kay Ethan at sa kaibigan ko, sinadya ko talagang putulin ang koneksyon ko sa kanila dahil kapag hindi ko ginawa ang bagay na 'yon ay makokonsensiya lang a
Agatha POV Isang linggo na ang lumipas simula ng marinig ko ang sinabi ni Ethan sa isang interview ay hindi na ako mapakali. Gusto kung malaman kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa kanya at kung bakit isang taon siyang nawala. Wala si Nay Eve ngayon at umalis kaya nagpasya akong magluto dahil nakaramdam na din ako ng gutom, hindi ko namalayan na halos isang oras na pala akong nakaupo dito. Kumuha na lang ako ng hotdog at itlog para iprito para mas madali maluto at pagkatapos ay nagsimula na akong kumain, hindi na ako nag abala pang magluto ng ibang ulam dahil matatagalan lang ako at ang tiyan ko ay hindi na makapaghintay. At isa pa ay sa susunod na araw pa ang balik ni Nay Eve kaya mag isa lang ako dito sa bahay. Hindi din nagtagal ay natapos na ako sa pagkain at niligpit ang ginamit ko. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa sala para magtrabaho dahil may pinapagawa sa akin si Marcus, ang alam ko ay uuwi na siya sa susunod na linggo dahil tapos na ang trabaho niya sa ibang bansa.
Agatha POV Maaga akong nagising dahil pupunta ako sa mall may kailangan kasi akong bilhin at isa pa plano ko na din na mag grocery kasi paubos na ang stocks namin sa bahay, nakakahiya naman kung pati ‘yon ay iaasa ko pa kay Nay Eve. Kasalukuyan na akong sa mall at nabili ko na din ang kailangan ko kaya diretso na ako sa super market. Naiwan naman si Nay Eve sa bahay dahil magluluto daw siya ng tanghalian namin. Halos tatlong araw na nakalipas simula ng magpunta si Ethan sa bahay at mabuti na lang at hindi na siya bumalik pa. Pero kahit na hindi ko na siya ulit nakita ay hindi pa din mawala sa isip ko ang pag aalala dahil alam kung hindi siya basta basta titigil at gagawa ng paraan ‘yon para masunod ang kanyang gusto. Ng makapagbayad na ako ng mga binili ko ay agad na
Sa mga nakalipas na araw ay hindi pa din tinatantanan ni Ethan si Agatha, minsan bigla lang itong susulpot sa labas ng bahay nila. Hindi niya naman magawang ipagtabuyan ito dahil baka makita pa ng mga kapitbahay nila. “Iha bakit ganyan ang mukha mo?” Nagulat si Agatha ng biglang may magsalita na boses sa kanyang likuran. “Nandyan pala kayo Nay Eve hindi ko man lang napansin.” anas ng dalaga dahil umalis kanina ang Ginang. “Mukhang ang lalim nga ng iniisip mo kaya hindi mo ako agad napansin at kanina pa ako nagsasalita dito.” “Oo nga Nay pasensya na.” hindi man lang siya napansin ang pagdating nito dahil lumilipad ang isip niya kahit kanina pa si Ethan umalis dahil nagpunta na naman ulit sa kanya. Umupo naman ang ginang sa tabi niya. “Mukhang may kinalaman ang Hernandez na 'yon sa mga iniisip mo ah.” tanong nito kay Agatha. “Kung hindi mo mamasamain iha ano bang meron sa inyo ng binata na ‘yon? Ilang araw ko ng napapansin ang pagpunta niya dito.”dagdag pa nito. Bumuntong hining
Ethan POV Nang sinabi sa akin ni Agatha na nakabalik na siya ay dumiretso na ako sa kanyang condo dahil alam ko naman na do'n siya uuwi. Bibisita ako ngayon sa isang pag mamay ari ng mga Hernandez at isasama ko siya, wala naman siyang ibang choice dahil binablackmail ko siya. Nandito na ako sa tapat ng building niya dahil hinihintay ko na lang siya bumaba. Mayamaya pa ay namataan ko na siya na palabas habang dala ang kanyang bag, hindi naman kami magtatagal do'n at isang araw lang dahil kailangan ko din naman bumalim dito dahil marami pa akong kailangan na asikasuhin. Ng makita niya ako ay sumakay na siya sa kotse. "Saan ba kasi tayo pupunta? At bakit kailangan pa akong sumama?" tanong niya sa akin ng makaupo na siya sa tabi ko. "I need to visit my family." sagot ko naman sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya. “W-what? Family? May asawa at anak ka na?” hindi makapaniwalang tanong niya. Minsan talaga wala sa hulog ang babaeng ito kahit na galit ako sa kanya ay mahal ko pa din
Agatha POV Pagkatapos namin kumain ay tutulungan ko pa sana si Nay Ana na magligpit pero ang sabi niya ay magpahinga na lang ako at dahil wala naman akong gagawin kaya pumasok na lang ako sa kwarto at nagbihis. Ilang minuto na akong nakahiga sa kama pero hindi pa din ako makatulog kaya bumangon na lang ako at umupo. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto ni Ethan, dito niya kasi ako pinadiretso kahit sabihin ko na pwede naman sa guest room na lang ako. Mayamayan pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Ethan, nagulat pa siya ng makita akong gising pa. “Bakit hindi ka pa natutulog?” tanong niya sa akin. “Hindi pa kasi ako dinadalaw ng antok.” sagot ko naman. “Baka namamahay ka.” Umiling naman ako. “Hindi naman ako gano’n, sanay naman ako kahit saan na bahay. Sadyang hindi lang ako inaantok.” Tumango naman siya. “I’ll just go to the comfort room first to change.” anas niya at dumiretso na papasok sa banyo. Mas lalo akong kinakabahan kapag malapit si Ethan sa akin, pero wa