Agatha POV Maaga akong nagising dahil pupunta ako sa mall may kailangan kasi akong bilhin at isa pa plano ko na din na mag grocery kasi paubos na ang stocks namin sa bahay, nakakahiya naman kung pati ‘yon ay iaasa ko pa kay Nay Eve. Kasalukuyan na akong sa mall at nabili ko na din ang kailangan ko kaya diretso na ako sa super market. Naiwan naman si Nay Eve sa bahay dahil magluluto daw siya ng tanghalian namin. Halos tatlong araw na nakalipas simula ng magpunta si Ethan sa bahay at mabuti na lang at hindi na siya bumalik pa. Pero kahit na hindi ko na siya ulit nakita ay hindi pa din mawala sa isip ko ang pag aalala dahil alam kung hindi siya basta basta titigil at gagawa ng paraan ‘yon para masunod ang kanyang gusto. Ng makapagbayad na ako ng mga binili ko ay agad na
Sa mga nakalipas na araw ay hindi pa din tinatantanan ni Ethan si Agatha, minsan bigla lang itong susulpot sa labas ng bahay nila. Hindi niya naman magawang ipagtabuyan ito dahil baka makita pa ng mga kapitbahay nila. “Iha bakit ganyan ang mukha mo?” Nagulat si Agatha ng biglang may magsalita na boses sa kanyang likuran. “Nandyan pala kayo Nay Eve hindi ko man lang napansin.” anas ng dalaga dahil umalis kanina ang Ginang. “Mukhang ang lalim nga ng iniisip mo kaya hindi mo ako agad napansin at kanina pa ako nagsasalita dito.” “Oo nga Nay pasensya na.” hindi man lang siya napansin ang pagdating nito dahil lumilipad ang isip niya kahit kanina pa si Ethan umalis dahil nagpunta na naman ulit sa kanya. Umupo naman ang ginang sa tabi niya. “Mukhang may kinalaman ang Hernandez na 'yon sa mga iniisip mo ah.” tanong nito kay Agatha. “Kung hindi mo mamasamain iha ano bang meron sa inyo ng binata na ‘yon? Ilang araw ko ng napapansin ang pagpunta niya dito.”dagdag pa nito. Bumuntong hining
Ethan POV Nang sinabi sa akin ni Agatha na nakabalik na siya ay dumiretso na ako sa kanyang condo dahil alam ko naman na do'n siya uuwi. Bibisita ako ngayon sa isang pag mamay ari ng mga Hernandez at isasama ko siya, wala naman siyang ibang choice dahil binablackmail ko siya. Nandito na ako sa tapat ng building niya dahil hinihintay ko na lang siya bumaba. Mayamaya pa ay namataan ko na siya na palabas habang dala ang kanyang bag, hindi naman kami magtatagal do'n at isang araw lang dahil kailangan ko din naman bumalim dito dahil marami pa akong kailangan na asikasuhin. Ng makita niya ako ay sumakay na siya sa kotse. "Saan ba kasi tayo pupunta? At bakit kailangan pa akong sumama?" tanong niya sa akin ng makaupo na siya sa tabi ko. "I need to visit my family." sagot ko naman sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya. “W-what? Family? May asawa at anak ka na?” hindi makapaniwalang tanong niya. Minsan talaga wala sa hulog ang babaeng ito kahit na galit ako sa kanya ay mahal ko pa din
Agatha POV Pagkatapos namin kumain ay tutulungan ko pa sana si Nay Ana na magligpit pero ang sabi niya ay magpahinga na lang ako at dahil wala naman akong gagawin kaya pumasok na lang ako sa kwarto at nagbihis. Ilang minuto na akong nakahiga sa kama pero hindi pa din ako makatulog kaya bumangon na lang ako at umupo. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto ni Ethan, dito niya kasi ako pinadiretso kahit sabihin ko na pwede naman sa guest room na lang ako. Mayamayan pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Ethan, nagulat pa siya ng makita akong gising pa. “Bakit hindi ka pa natutulog?” tanong niya sa akin. “Hindi pa kasi ako dinadalaw ng antok.” sagot ko naman. “Baka namamahay ka.” Umiling naman ako. “Hindi naman ako gano’n, sanay naman ako kahit saan na bahay. Sadyang hindi lang ako inaantok.” Tumango naman siya. “I’ll just go to the comfort room first to change.” anas niya at dumiretso na papasok sa banyo. Mas lalo akong kinakabahan kapag malapit si Ethan sa akin, pero wa
Agatha POV Pagkatapos namin magpunta sa mga iba pang ari-rian nila Ethan ay umuwi kami agad kinabukasan. Kahit nasa byahe kami ay hindi niya ako kinakausap at kung papansinin niya man ako ay kasing lamig ng yelo ang pakikitungo niya sa akin. Pumasok na naman ulit sa isip ko ang huling pag uusap namin ni Ethan bago kami makauwi dito, ang akala ko ay magbabago ang turing niya sa akin pero nagkamali pala ako. FLASHBACK.. Ng lumabas si Ethan ay iyak lang ng iyak ang nagawa ko hanggang sa bumalik ulit siya sa kwarto. “Why are you crying? I didn’t hurt you.” matigas na saad niya. “Hindi mo alam kung gaano kasakit ang naramdaman ko ng oras na ‘yon Agatha, I did everything for you para lang ipakita ko ang pagmamahal ko sayo na kahit iniwan mo ako sa para sa pangarap mo ay tiniis ko at ng makabalik ka ay akala ko magiging okay na ang lahat pero hindi pa din pala. You choose to hurt me for the second time. Ng ma ospital ako ay umaasa ako na dadalawin mo ako pero hanggang sa dinala na ako n
Agatha POV “Hoy!” sigaw ni Eli at hinampas ako sa balikat. “Ano ba, bakit ka nanghahampas?” anas ko naman sa kanya. Kasalukuyan akong nasa bahay ni Eli, binisita ko kasi siya dahil nabobored na ako sa condo ko. Halos dalawang buwan na simula ng makabalik ako. “Kanina pa ako nagsasalita dito pero hindi ka naman nakikinig.” irap niya sa akin. “Pasensya na may iniisip lang ako.” sambit ko. “Hulaan ko sino Ethan na naman ‘yan 'no? Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin kayo nakakapag usap na dalawa?” nagulat ako sa boses na nagsalita sa likuran ko, sabay kaming napatingin ni Eli do’n at nakita namin si Marcus. Hindi man lang namin napansin ang pagdating ng lalaking ‘to. Mabilis naman akong umiling. “Hindi pa kami ulit nagkita.” sagot ko naman sa kanya. Naglakad siya palapit sa aming dalawa ni Eli at inilapag ang dala niyang pagkain. “Ano ka ba naman Marcus! Dapat hindi mo na inopen ang topic na ‘yan alam mo naman kung ano ang nangyayari ngayon hindi ba?” suway sa kanya ni Eli. “It’
Ethan POV It’s been a month simula ng tumira si Agatha ulit sa bahay, no'ng una ay hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito ng gabing umuwi ako galing sa trabaho, ilang beses ko pa siyang tinanong kung ano ang kailangan niya pero palagi niyang sinasabi na gusto niyang tumira dito. Simula ng magsama ulit kami ay nakikita ko na ginagawa niya ang lahat para lang makabawi sa akin pero hindi ko siya pinapansin. Nandito na ako sa opisina ko dahil may meeting ako pero uuwi din ako mamayang hapon dahil inaantok ako at gusto kung magpahinga, hindi madali na makasama sa isang bahay ulit si Agatha dahil kahit na galit ako sa kanya ay mahal ko pa din siya. Hindi ako madalas umuwi ng maaga sa bahay dahil iniiwasan ko siya ayaw kung mapalapit sa kanya dahil alam kung magsisinungaling lang siya, kung talagang mahal niya ako ay sana noon pa lang pinaglaban niya na ‘yon hindi ‘yong ilang beses niya akong iniwan at hindi man lang binalikan ng gabing ‘yon. Minsan madaling araw na akong umuuwi o ka
Agatha POV Nandito lang ako sa bahay pa ikot ikot dahil wala na naman akong ibang gagawin at isa pa ay wala din akong lakad kaya mas mabuting dito na lang ako manatili, gusto ko sanang tawagan si Ethan para tanungin kung dito siya kakain pero hindi ko na tinuloy dahil sigurado akong hindi naman ‘yon sasagot. Simula ng makauwi ako dito ay pinaparamdam niya sa akin ang kanyang galit, akala ko ng pumunta kami sa Hacienda nila ay magkakayos na kami pero mali pala ako. Mayamaya pa ay biglang dumating si Belle na ikinataka ko, wala naman dito si Ethan pero bakit nandito siya? “Hi Agatha.” nakangiting bati niya sa akin. “Hello Belle, napadalaw ka? Kung hinahanap mo si Ethan ay hindi pa siya nakakauwi.” anas ko sa kanya. Natawa naman siya. “Hindi siya ang sadya ko dito kung hindi ikaw, alam ko naman na bored ka na dito sa mansion kaya yayain sana kitang lumabas.” “Ayos lang naman ako dito sa bahay.” wika ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay. “Anong ayos ka r’yan. Alam kung hindi ‘no, la