Ethan POV
Nakatuon lang ang atensyon ko sa pagmamaneho, kagagaling ko lang sa kompanya at nasira lang ang hapon ko ng pumunta do'n ang ex-girlfriend ko na mukhang hindi pa malinaw sa kanya na hiwalay na kami. Nahuli ko kasi sila sa condo ng sarili kung kapatid na may ginagawang kahalayan.
Matapos ng lahat lahat ng ginawa ko para sa kanya sa halos ilang taon na pagiging magkarelasyon namin ay sisirain niya lang at sa taong kinamumuhian ko pa siya pumatol. Hindi ako tanga para mag aksaya ng panahon sa isang babaeng manloloko. Magsama sila!
Nasa malalim na pa iisip ako ng tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Agatha, nagtaka ako kung bakit siya tumatawag. Siya ay anak ng bagong karelasyon ng daddy ko ngayon dahil matagal ng patay ang mom ko. Hindi ko pa naman siya matatawag na step sister dahil hindi pa naman kasal ang parents namin.
At dahil alam kung hindi niya ako titigilan kapag hindi ko sinagot ang tawag niya kaya napilitin akong sagutin ito. "What now? Anong kailangan mo?" bungad ko sa kanya, ganito talaga ako makipag usap sa kanya.
"Ethan, please help me, help us! Go home now."
"Bakit? Anong nangyayari?" tanong ko.
"Iyong Daddy mo kasi."
Magtatanong pa sana ako sa kanya pero biglang namatay ang tawag, hindi ko alam kung anong nangyayari kaya kailangan kung makarating agad sa bahay. Ano na naman kaya ang ginagawa ng kapatid ko? Halos paliparin ko ang sasakyan para lang makarating sa bahay.
At dahil halos paliparin ko na ang kotse ko makauwi lang sa bahay ay mabilis akong nakarating. Lumabas ako agad sa kotse at patakbong pinasok ang bahay.
Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kaba sa bawat paghakbang ko,pagpasok ko sa loob ay naabutan ko sa sala silang lahat at nakita kung hawak hawak ni Daddy ang kanyang dibdib.
"What happen here?" tanong ko sa kanila.
Tumingin naman ito sa akin. "Oh the good son is here." ani niya sa akin ni Luke.
"Stop being a bastard Luke." sigaw ko sa kanya at lumapit kay Dad na nahihirapan sa paghinga.
"Stay where you are Ethan kung ayaw mong mas lumala pa ang gulo." madiin na wika sa akin ni Luke.
Napatigil ako sa planong maglakad dahil sa sinabi ng kapatid ko.
"Ano bang problema mo kuya?" sigaw ko sa kanya at tumingin kay Agatha na nakasiksik lang sa gilid. "Agatha? Can you tell me what's happening here?" tanong ko sa kanya.
"I saw kuya Luke, may inilagay siya sa inumin ni Uncle." sagot naman nito sa akin.
"Stop lying Agatha!" galit na sigaw sa kanya ni Luke.
"Calm down Luke. Dadalhin ko si Dad sa ospital." mahinahon na anas ko.
"Walang lalabas sa mansion na 'to hanggat hindi ko sinasabi Ethan, huwag mo akong subukan dahil alam kung alam mo kung ano ang kaya kung gawin!" pagbabanta ng kapatid ko sa akin.
"Putangina Luke nababaliw ka na ba? Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip mo at gusto mong patayin si Dad!" galit na turan ko.
"Dapat lang siya mamatay para wala ng sagabal sa plano ko! Ang tagal ko ng nagtitimpi pero inuwi niya pa talaga sa bahay ang mag ina na 'yan!"
"Pwede bang maging masaya kana lang para kay Dad? Matagal ng patay si Mommy, siguro naman ay may karapatan si Daddy na maging masaya?" wika ko.
"Isa ka pa Ethan! Huwag kang mag magaling diyan na akala mo ay mababago mo pa ang isip ko, hindi ako katulad mong mabait. Mamili ka na ngayon Daddy ang palayasin 'yang dalawa o mamamatay ka ngayon sa harap namin?" baling niya sa tatay namin.
Umiling naman si Daddy. "Hindi ikaw ang masusunod Luke dahil anak lang kita, hindi aalis ang Tita mo at si Agatha sa pamamahay ko!" matigas na saad ni Daddy.
"Hindi kayo madaan sa maayos na usapan at masyado kayong nagmamatigas! Kung hindi mo kayang mamili Dad ay mawawalan ka ng isang anak." madiin na saaad ni Luke.
"Damn you Luke! Stop being a child! Hayaan mo na akong dalhin si Daddy sa ospital! Tandaan mo ito kapag may nangyaring masama sa kanya ay hindi kita mapapatawaad!" galit na turan ko dahil nakikita kung sobra ng nahihirapan ang ama namin.
"Sa tingin mo natatakot ako little brother? Wala na akong kinakatakutan ngayon, nagawa ko nga na iputan ka sa ulo hindi ba?" nakangising turan niya.
"Fuck you!" sigaw ko sa kanya.
Nakita kung umuubo na si Daddy habang habol habol ang kanyang hininga. Sobra na akong natatakot sa pwedeng mangyari sa kanya, habang si Tita naman ay nanatili sa tabi niya. Hindi ko alam kung ano ang pwede kung gawin para lang tumigil si Luke at hayaan na dalhin si Dad sa ospital dahil baka mapahamak lang ito kapag nagtagal pa siya.
Agatha POV Maaga akong namulat sa katotohanan na hindi lahat ng anak ay nagkakaroon ng kompleto at masayang pamilya at isa na ako sa mga batang 'yon. Naghiwalay ang mga magulang ko dahil hindi na mahal ng tatay ko ang ina ko, no'ng una ay akala ko magkakaayos pa sila pero walang araw na hindi niya sinasaktan ang mama ko dahil ayaw nito pumayag na maghiwalay na sila. Hindi ako makapaniwala na nawawala ang pagmamahal sa isa't isa ng mag asawa. At ngayon ay mag- aasawa ulit ang aking ina at wala naman 'yong problema sa akin kung do'n sasaya ang ina ko ay ayos lang dahil hangad ko din naman ang kaligayahan niya sa akin dahil buong buhay niya ay inilaan niya na sa pag aalaga at pagpapalaki sa akin. Kaya no'ng sinabi niya sa akin ay naging masaya pa ako dahil mayroon na tumanggap sa ina ko kahit na may anak na ito. No'ng una na sinabi sa akin ni Mama ang tungkol sa lalaking minamahal niya ngayon ay naagdadalawang isip ako dahil nalaman ko na mayaman pala ito at kil
Agatha POV Kinabukasan halos sabay kaming nagising kaya nandito na kami sa hapagkainan para kumain, Ang daming ipinahandang pagkain ni Uncle at iba iba pa ito at sobrang sarap lahat. "Kamusta naman anak 'yang pagkain na paborito mo? Binili pa 'yan ng Uncle mo ng malaman niyang paborito mo 'yan." tanong ni mama. "Sobrang sarap po kaysa sa kinakain kung tulad nito. Thank you po Uncle." nakangiting anas ko. Sabay kaming kumakain na apat maliban na lang sa bunsong anak ni Uncle na hindi sumabay sa pagkain sa amin, sa totoo lang ay kagabi ko pa napapansin ang mga matatalim na titig niya sa akin at alam ko na agad na ayaw niya sa akin. "Good to hear that Agatha, kamusta naman ang tulog mo? May gusto ka bang baguhin sa kwarto mo? You can tell it to me." tanong naman ni Kuya Luke. Ngumiti naman ako sa kanya. "Maganda ang tulog ko kuya mabuti lang at hindi ako namahay at tungkol naman sa kwarto ay wla na akong babaguhin kasi halos perfect na po
Ethan POV Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko na sina Gian, Belle at Melissa dahil katatapos lang ng klase namin. Ang totoo niyan ay magkasunod lang kaming nakagraduate ni Luke pero nakiusap ako kay Daddy na ayaw ko kunang magtrabaho dahil gusto ko munang mag aral ulit at kunin ang kurso na gusto ko, mabuti na lang at pumayag siya kaya walang naging problema. Madalas akong late kung umuwi dahil ayaw kung manatili ng matagal sa mansion. Na mimiss ko lang ang mommy ko, siguro kung hindi siya nagkasakit ay kasama pa namin siya ngayon. For me she is the best mom that I ever had, siya ang naging kakampi ko sa lahat ng bagay pero maaga siyang kinuha sa amin. Simula ng mamatay si Mommy ay nag iba si Daddy, gusto niya masunod ang kung ano ang sasabihin niya sa amin hindi katulad ng buhay pa si Mommy. Minsan nakakasakal na din dahil pakiramdam ko para kaming robot na kailangan nakadepende sa kung ano ang iuutos ni Daddy pero naging masaya ako ng pumayag siya na mag a
Ethan POV Hindi din nagtagal ay nakarating na kami sa bahay kaya agad kaming pumasok sa loob ni Agatha. Naabutan namin si Dad at Tita na nakausapo sa sala habang nagkwekwentuhan. "Nandito na pala kayong dalawa." nakangiting saad ng mama ni Agatha. Nakita ko naman ang magaling kung kapatid na pababa ng hagdan. "Bakit ang tagal niyo naman yata?" tanong niya sa amin. "Akala ko ba ay may meeting ka?" balik tanong ko sa kanya. "Meron nga pero hindi din naman nagtagal." sagot niya sa akin. Gusto ko siyang suntukin kung wala lang sa harap namin si Dad, maaga naman pala siyang uuwi bakit kailangan niya pa akong utusan na sunduin si Agatha? Kahit kailan talaga ay wala akong tiwala kay Luke kahit pa sabihin na kapatid ko siya, simula pa lang bata kami ay may ugali na talaga siyang hindi ko nagugustuhan. Agatha POV Labis ang takot na naramdaman ko dahil sa nangyari sa amin ni Ethan at nagulat pa ako ng makita kung may baril siya sa kanyang sasakyan. Kahit na masunget siya ay hindi puma
Agatha POV Nagising ako na tanghali na, mukhang napasarap ang tulog ko. Mabuti na lang at walang pasok ngayong araw dahil paniguradong late ako kapag nagkataon. Bigla kung naalala na may usapan pala kami ng boyfriend ko na magkikita ngayong araw kaya mabilis akong bumangon at naligo. Ng makaayos na ako ay tinawagan ko si Kyhan pero hindi niya ito sinasagot kaya nagtaka ako, imposible naman na nakalimutan niya na may lakad kaming dalawa. Mayamaya pa ay tumunog ang phone ko at nakita kung nagmessage ang boyfriend ko at ang sabi ay sa susunod na lang kami aalis dahil may importante siyang pupuntahan. Wala naman akong nagawa kung hindi ang pumayag at dahil sa nakabihis na ako ay nagpasya na lang akong pumunta sa mall para hindi naman masayang ang pag aayos ko. Habang nag iikot ikot ako sa mall ay hindi sadyang napatingin ako sa dalawang tao na masayang nag uusap. Kilalang kilala ko ang lalaki na kasama ng babae, paanong nandito siya na sinabi niya sa akin
Agatha POV Mabuti na lang at nakinig silang dalawa sa akin, ayaw ko naman na ako ang maging dahilan para magkagulo at isa pa ayaw kung msira ang dinner ng dalawang pamilya dahil lang sa sagutan namin ni Reign. Ang totoo niyan ay gusto kung sabihin kay Kuya Luke ang totoo pero baka hindi lang siya maniwala sa akin. Nagsimula na ang dinner at kahit ayaw ko ay kailangan kung makipagplastikan kay Reign at magpanggap na ngayon lang kami nagkakilala para walang makahalata na may hindi magandang nangyari sa aming dalawa. Mayamaya pa ay nagpaalam muna ako na lalabas para magpahangin pero hindi ko alam kung bakit sumunod sa akin si Ethan, minsan talaga hindi ko maintindihan ang ugali ng lalaking ito. Hindi ko tuloy alam kung ano ang nasa isip niya, kung tanggap niya na ba ako o hindi pa din? Kaya hindi ko siya matawag tawag na kuya palagi dahil nahihiya din ako. "Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya. Kasalukuyan kaming nasa labas ng mansion
Agatha POV Nagising ako dahil sa tumatama ang sikat ng araw sa mukha ko, hindi ko pala naisara ang bintana ko kagabi ng makapasok na ako sa kwarto ko dahil na din siguro sa sobrang antok. Bumaba ako sa kama at saka dumiretso sa banyo para makaligo na muna bago bumaba. Wala ngayon sina Mama dahil umalis sila ni Uncle, hindi ko alam kung saan sila nagpunta baka nagdate ang dalawang ‘yon, samantalang si Kuya Luke ang alam ko ay maagang papasok sa trabaho. Binilisan ko lang ang naging kilos ko dahil gutom na din ako kaya ng makatapis akong magbihis ay bumaba na ako para kumain, ang tahimik ng mansion hindi ko alam kung nasaan ang mga tao ngayon kahit ang mga maids ay wala dito. Pumunta na lang ako sa dining area at nagsimula ng kumain dahil may nakahanda naman na do’n sa lamesa. Nasaan kaya si Kuya Ethan? Umalis din ba siya o tulog pa? Hmp! Bakit ko nga ba hinahanap ang isang ‘yon! Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at ng matapos ako ay niligpit ko i
Agatha POV Isang linggo na ang nakalipas ng malaman ko ang ginawa sa akin ni Kyhan, sa totoo lang ay ayaw ko ng maalala ang pangyayari na ‘yon dahil ayaw ko ng masaktan pa. Ayaw ko naman pahirapan pa ang sarili ko dahil magmumukha lang akong talunan sa mata nilang dalawa kapag naging apektado ako. Siguro ay blessing na din na matatawag na nalaman ko ang totoong ugali ng ex boyfriend ko. Basta ako ay masaya para sa mama ko dahil nakita niya na ang lalaking magmamahal sa kanya, ‘yon lang naman ang gusto ko na magkaroon din siya ng sarili niyang kasiyahan dahil na sa tamang edad na naman ako ngayon at sapat na ang ilang taon na ginugol niya para alagaan at palakihin ako. Sa ilang taon na nagdusa ang mama ko sa kamay ng totoo kung tatay dahil sa pagmamahal niya dito kaya kahit na hindi na siya mahal nito at palaging sinasaktan ay hindi niya pa din kayang iwan. Mabuti na lang isang araw ay nagising na si Mama sa katotohanan na hindi na siya kayang ma