Share

Chapter 2

Agatha POV

Kinabukasan halos sabay kaming nagising kaya nandito na kami sa hapagkainan para kumain, Ang daming ipinahandang pagkain ni Uncle at iba iba pa ito at sobrang sarap lahat.

"Kamusta naman anak 'yang pagkain na paborito mo? Binili pa 'yan ng Uncle mo ng malaman niyang paborito mo 'yan." tanong ni mama.

"Sobrang sarap po kaysa sa kinakain kung tulad nito. Thank you po Uncle." nakangiting anas ko.

Sabay kaming kumakain na apat maliban na lang sa bunsong anak ni Uncle na hindi sumabay sa pagkain sa amin, sa totoo lang ay kagabi ko pa napapansin ang mga matatalim na titig niya sa akin at alam ko na agad na ayaw niya sa akin.

"Good to hear that Agatha, kamusta naman ang tulog mo? May gusto ka bang baguhin sa kwarto mo? You can tell it to me." tanong naman ni Kuya Luke.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Maganda ang tulog ko kuya mabuti lang at hindi ako namahay at tungkol naman sa kwarto ay wla na akong babaguhin kasi halos perfect na po ang lahat." sagot ko naman sa kanya.

'Mabuti naman kung gano'n, hayaan mo sa susunod ay sasamahan kita mamili ng mga gusto mo pang idagdag na palamuti sa kwarto mo." anas naman ni Kuya Luke.

"Hayaan mo muna ang kapatid mo dahil baka hindi pa siya sanay na may bago tayong makakasama dito sa bahay." singit naman ni uncle.

Tiningnan ko naman si mama at halata sa mukha niya na masaya siya ngayon, mukhang mahal nila ang isa't isa at masaya na ako do'n pero ayaw ko muna magpakampante dahil baka sa una lang 'yon.

Ng matapos na akong kumain ay tumayo na ako. "Mama, Uncle at Kuya Luke baka hindi na ako makatulong sa pagliligpit ng pinagkainan natin kasi kailangan ko ng pumasok sa school dahil may mga kailangan pa akong gawin, alam niyo naman po graduating na." saad ko.

"You don't need to worry Agatha at ang mga katulong na natin ang magliligpit nito, magready ka na para mahatid kana ng driver sa school mo." turan ni Uncle.

"Maraming salamat po Uncle." ani ko.

"No need for the driver Dad, ako na lang ang maghahatid kay Agatha." presenta naman ni Kuya Luke.

"Hala huwag na kuya, nakakahiya naman sayo at isa pa ay hindi tayo magkapareho ng way baka ma late ka sa trabaho mo." tanggi ko. Alam ko kasing nagtatrabaho na siya kaya ayaw ko naman na makaabala pa sa kanya.

"It's okay, maaga pa naman kaya pwede pa kitang ihatid." pagpupumilit nito.

At dahil mukhang ayaw niya naman magpaawat kaya tumango na lang ako at nagpaalam muna para kunin ang gamit ko sa kwarto ko.

Habang nasa kwarto ko ako at inaayos ang uniform ko ay biglang may kumatok. Kaya naglakad ako sa pintuan para buksan ito dahil baka si Kuya Luke ito, pero nagulat ako na mukha ni Kuya Ethan ang bumungad sa akin.

Nakatingin lang ako sa kanya kahit na ang totoo ay kinakabahan ako, ang  gwapo niya sa malapitan at ang lakas ng dating niya Alam kung mali ang makaramdam ng ganito dahil una ay may boyfriend ako at pangalawa ay magiging step brother ko siya pero hindi naman siguro masama ang humanga sa kanya. Pero masasabi ko na ang layo nila ni Luke dahil ang isang 'yon ay mabait samantalang itong kaharap ko ay mukhang masunget.

"Ahm, kuya may kailangan ka ba? Papasok na kasi ako." anas ko.

Nagulat ako ng marahas niya ako isinandal sa dingding. Madilim ang kanyang mukha at matalim ang mga titig nito sa akin.

"W-what are you doing? L-let me go." kinakabahan na tanong ko.

"Bakit ka nandito? Anong kailangan mo sa amin? Hindi pa ba sapat na ang mama mo lang ang dapat na nandito sa bahay dahil ikakasal na sila ni Dad pero bakit pati ikaw ang kasama?" madiin na tanong niya.

"Nandito ako dahil 'yon ang gusto ng Daddy mo and I'm doing this for my mom. Alam kung masaya siya kay Uncle kaya sinusuportahan ko siya." mabilis na sagot ko.

"Sinungaling!" sigaw nito sa akin. "Alam ko ang mga nasa isip ng taong kagaya mo, sinasabi ko na sa'yo Agatha huwag na huwag kang gagawa ng bagay na makakasira sa pangalan ng pamilya ko dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin ka." seryosong babala niya.

"L-let me go! Tigilan mo ang pag iisip ng mga ganyang bagay dahil wala 'yan sa isip ko. Hindi ko naman gusto na makitira dito pero hindi ko naman matanggihan silang dalawa dahil 'yon ang gusto nila. Kung gusto mong makasiguro ay pasundan mo ako sa mga tauhan niyo para naman malaman mo." wika ko.

Hindi ko maiwasan ang hindi mapatingin sa kanyang mga mata, iba ibang emosyon ang nakikita ko do'n pero mas lamang ang galit. Gusto kung umiyak pero ayaw ko naman maging mahina sa harap niya kailangan kung ipakita na wala akong masamang intensyon laban sa pamilya niya.

Mayamaya pa ay marahas niya akong binitawan. "Mabuti ng nagkakalinawan tayo, mahalaga sa akin ang pamilya ko lalo na si Daddy, oras na malaman kung may pinaplano ka sa pamilya ko ay ako ang makakalaban mo. Hindi mo alam kung ano ang kaya kung gawin and also you must be careful to Luke." sambit niya at tumalikod na sa akin.

Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng tuluyan na siyang makalayo sa akin, hindi ko alam kung bakit ganyan ang iniisip niya tungkol sa akin kahit wala naman akong ginagawang mali. At isa pa kung tutuusin ay mas mabait at approachable pa si Kuya Luke kaysa sa kanya.

Kinuha ko na lang ang bag ko ng biglang tumunog ang phone ko, nakita ko naman sa screen na ang boyfriend ko ang tumatawag. Hindi ko naman maiwasan ang hindi mapangiti halos tatlong taon na kaming magkasintahan at masasabi ko na swerte ako dahil ako ang minahal niya kahit ang daming mga babae na nagkakagusto sa kanya sa school namin, sikat kasi ito at may kaya din sa buhay.

"Nakapasok ka na ba?" tanong niya pagkasagot ko. 

"Hindi pa pero paalis na ako sa bahay." sagot ko naman.

"Plano ko kasi sana na sunduin ka kaya tinawagan kita."

"Huwag mo na akong sunduin dahil papasok na din naman ako." anas ko dahil wala naman siyang maabutan sa aprtment kapag nagpunta pa siya do'n.

"Oh okay, I'll see you in school."

"See you, take care." sagot ko naman at saka ibinaba ang tawag.

Mayamaya pa ay nakita ko si Kuya Luke na nasa pinto ng kwarto ko. "Are you done already? Alis na tayo." wika niya.

Tumango naman ako at sumunod sa kanya pababa, hindi mawala talaga sa isip ko kung bakit gano'n na lang ang mga sinasabi ni Ethan kanina. 

Tahimik lang ako sa buong byahe namin, ang alam ko ay nagtatrabaho si Kuya Luke sa isang kompanya nila samantalang si Ethan naman ay nag aaral ng college. Ang totoo niyan ay graduate na din siya pero nag aral siya ulit sa gusto niyang kurso dahil ang unang natapos niya ay ang gusto ng kanyang mga magulang.

Hindi din naging matagal ang byahe namin at nakarating kami sa tapat ng school ko. Agad akong nagpaalam kay kuya Luke dahil ayaw ko naman na machismis, pero bago ako makababa ay sinabi ni Luke sa akin na hintayin ko siya mamayang uwian dahil isasabay niya na ako sa pag uwi.

FASTFORWARD

Mabilis ang mga oras na nagdaan at natapos agad ang klase ko, muntik ko pang makalimutan ang sinabi sa akin kanina ni Kuya Luke. Mabuti na lang at hindi pa ako nakakasakay sa bus. Halos lakad takbo ang ginawa ko dahil baka kanina pa siya naghihintay sa parking lot at nakakahiya naman 'yon.

Ng nasa parking lot na ako ay may nakita akong pulang sasakyan, hindi ako pwedeng magkamali alam kung hindi 'yan ang kotse ni Kuya Luke kung hindi kay Ethan. Anong ginagawa niya dito?

Tumingin muna ako sa paligid para siguraduhin na walang mga matang nakatingin sa akin dahil ayaw ko talaga na mapag usapan lalo na kapag nakilala nila kung sino ang sumundo sa akin.

Dahan dahan akong naglakad sa pulang kotse at nakita ko ang pagbaba ni Ethan dito.

"E-ethan? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sabi ni eithan mag ingat ka kay luke agatha huwag magppadala sa ipinapakitang kabaitan ni luke
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status