Share

Chapter 3

Ethan POV

Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko na sina Gian, Belle at Melissa dahil katatapos lang ng klase namin. Ang totoo niyan ay magkasunod lang kaming nakagraduate ni Luke pero nakiusap ako kay Daddy na ayaw ko kunang magtrabaho dahil gusto ko munang mag aral ulit at kunin ang kurso na gusto ko, mabuti na lang at pumayag siya kaya walang naging problema.

Madalas akong late kung umuwi dahil ayaw kung manatili ng matagal sa mansion. Na mimiss ko lang ang mommy ko, siguro kung hindi siya nagkasakit ay kasama pa namin siya ngayon. For me she is the best mom that I ever had, siya ang naging kakampi ko sa lahat ng bagay pero maaga siyang kinuha sa amin.

Simula ng mamatay si Mommy ay nag iba si Daddy, gusto niya masunod ang kung ano ang sasabihin niya sa amin hindi katulad ng buhay pa si Mommy. Minsan nakakasakal na din dahil pakiramdam ko para kaming robot na kailangan nakadepende sa kung ano ang iuutos ni Daddy pero naging masaya ako ng pumayag siya na mag aral ako ulit dahil ipinaglaban ko 'yon sa kanya. Hindi ako si Luke na sunod sunuran para lang magmukhang perpektong anak.

Namatay si Mommy dahil sa sakit, hindi niya 'yon sinabi sa amin kaya hindi agad naagapan. Kung sna ay hindi niya itinago sa amin ay buhay pa siya hanggang ngayon. Sobrang nadepress si Dad ng mawala si Mommy at sinisisi niya ang sarili niya na hindi niya man lang nagawang maipagamot ito kahit na mayaman kami.

Hindi kami gaano ka close ni Luke katulad ng ibang magkapatid dahil ayaw kung makipagplastikan sa kanya. Nang sinabi ni Daddy sa amin na plano niyang iuwi sa bahay ang kanyang fiance dahil ikakasal naman na sila next month ay pumayag ako pero hindi ko alam na may anak pala ito. At alam ko na kahit sumang ayon si Luke ay hindi 'yon totoo, kilala ko siya at selfish siya, gusto niyang nasa kanya lang lahat na atensyon at siya lang ang magaling sa pamilya. Alam ko din kung ano ang kaya niyang gawin kapag nakita niyang makakasagabal ito sa kanya.

Nawala lang ang aetnsyon ko ng may tumapik sa balikat ko at nakita ko si Gian kasama sina Belle at Melissa. "Kanina pa kami nagsasalita dito pero hindi ka naman pala nakikinig." anas niya.

"Ano ulit 'yon?" tanong ko naman.

"Ang sabi ko ay sasama ka pa ba?"

Sasagot na sana ako ng biglang mag ring ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Luke. Ano na naman kayang kailangan ng gagong ito?

"Bakit ka tumawag?" tanong ko sa kanya, ganito talaga kaming mag usap na dalawa at kahit kailan ay hindi ko siya tinatawag na kuya kahit matanda ito sa akin.

"Daanan mo si Agatha sa school niya dahil may meeting pa ako."

"What? At bakit ko naman gagawin 'yon? May lakad ako kasama ang mga kaibigan ko!" inis na turan ko.

"Sinabi ko sa kanya na dadaanan ko siya pag uwian niya pero nagkaroon kasi ng emergency meeting dito sa opisina at hindi ko pwedeng iwan ito."

"Edi tawagan mo siya at sabihin sa kanya. Ikaw ang nagpaasa sa kanya na susunduin mo kaya ikaw ang magpaliwanag, huwag mo akong idaamay!" saad ko.

"Ethan! Hindi niya pa kabisado ang pauywi sa bahay! Sunduin mo na siya kung ayaw mong  isumbong kita kay Daddy."

"Acting like a perfect brother Luke? Hindi bagay sa'yo. Huwag kang plastic." panunuya ko.

"Why? Wala naman masama dahil magiging kapatid natin siya next month.

"Hindi mo ako maloloko! Alam kung hangal na ang binuka mo. Sa susunod na gagawa ka ng bagay na ito ay huwag mo akong iistorbohin." turan ko at ibinaba na ang tawag.

At dahil wala naman akong ibang choice kung hindi ay sunduin ang babaeng 'yon. Bwisit talaga si Luke kahit kailan!

Nagpaalam naman ako sa mga kaibigan ko na hindi na muna ako makakasama dahil may kailangan akong puntahan. Panira talaga to kahit kailan si Luke.

Naglakad na ako papunta sa kotse ko at nag drive na papunta sa pinapasukan ni Agatha, kung tutuusin ay pwede naman na hindi ko siya sunduyin pero dahil gago si Luke kaya hindi ko pwedeng gawin 'yon dahil baka kung ano na naman ang sabihin kay Dad.

Ng makarating na ako sa parking lot at hinintay ko na lumabas si Agatha, wala akong number niya kaya hindi ko siya matatawagan siguro naman ay kilala niya ang kotse ko.

Mayamaya pa ay namataan ko siya na naglalakad at napatingin siya sa kotse ko, marahil ay nakilala niya ito. Lumabas na ako para naman makita niya ako at para bilisan niya ang kilos.

"Ethan, bakit ka nandito?" gulat na tanong niya sa akin ng makalapit siya.

"Hindi ba obvious? Hindi ka naman siguro bulag? Malamang  isasabay ka sa pag uwi!" asik ko sa kanya. Hindi ko alam kung tanga ba siya o nagtatanga tangahan.

"Aba nagtatanong ako nga maayos! Malay ko naman kung may iba kang pakay dito at isa pa ang alam ko ay si Kuya Luke ang dadaan sa akin dito." pabalang na saad niya sa akin.

"Ang dami mo pang satsat! Sasabay ka ba o iiwan kita?" inis na wika ko at sumakay na sa kotse, bahala siya kung ayaw niya pang sumakay dahil iiwan ko talaga siya.

Ng makasakay siya at agad akong nagdrive para makauwi na kami agad. Naiinis ako sa presensiya ng babaeng ito. Habang nasa byahe kami pauwi ay nagtataka ako kung bakit parang may sumusunod sa amin. Wala pa naman masyadong bahay sa dinadaanan namin dahil nag iba ako ng way at sa walang traffic.

"Damn it!" bulalas ko ng marinig ko na binabaril ang sasakyan ko.

"What is happening?" tanong sa akin ni Agatha, mukhang narinig niya din.

"Hindi ko alam pero may mga sumusunod sa atin." anas ko.

"A-ano? P-paano na tayo? Ayaw ko pang mamatay Ethan!" kinakabahang sigaw niya.

"Pwede bang manahimik ka dahil nag iisip ako ng paraan dahil kung hindi ka pa titigil diyan ay mamamatay talaga tayo." singhal ko sa kanya.

Mas binilisan ko pa ang pagdadrive habang nag iiisp ng pwede naming gawin.

"We don't have any choice Agatha, kailangan nating lumabas dito." wika ko.

"W-what do you mean k-kuya?"

"Do you trust me?" tanong ko sa kanya.

"As if I have a choice not to trust you in this situation." 

Agad kung kinuha ang baril na nakatago dito sa sasakyan ko at tiningnan ang sumusunod sa amin, isang sasakyan lang naman ito. Kung tatanungin niyo kung bakit may ganito ako sa kotse ko 'yon dahil sa safety namin.

"Marunong ka bang mag drive?" tanong ko sa kanya.

"Medyo lang." kinakabahan na sagot niya.

"Magpalit tayo ng pwesto ay ikaw ang magdrive, ako na ang bahala sa mga sumusunod sa atin." utos ko sa kanya.

Nanlaki naman ang mga mata niya. "Seryoso ka ba?"

"Sa tingin mo nagjojoke ako sa sitwasyon na ito? Hindi ba at ayaw mong mamatay?" ani ko.

Tuamngo naman siya at mabilis kami nagpalit ng pwesto, binuksan ko ang bintana at sunod sunod na pinaputukan ang kotse ng sumusunod sa amin, sinigurado kung matatamaan ang gulong ng sasakyan para hindi na ito makasunod pa sa amin at hindi naman ako nabigo.

Napatigil ang sasakyan na sumunod sa amin dahil na flat ito.

"Are you okay?" tanong ko sa kanya.

"Y-yes." sagot niya naman.

Sinabihan ko naman siyang ihinto ang kotse para magpalit na ulit kami ng pwesto dahil alam kung nanginginig na ito sa takot.

"Huwag kana matakot dahil ligtas na tayo." anas ko sa kanya.

"Thank you Kuya Ethan." mahinang saad niya.

Hindi ko alam kung sino ang mga taong sumunod sa amin pero may hinala na ako at ayaw ko lang sabihin pa kay Agatha para hindi na madagdagan pa ang alalahanin niya. Sinabihan ko din siya na huwag ng banggitin ang nagyaring ito pag nakauwi na kami sa bahay.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hula ko si luke ang may kagagawan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status