Agatha POV
Isang linggo na ang nakalipas ng malaman ko ang ginawa sa akin ni Kyhan, sa totoo lang ay ayaw ko ng maalala ang pangyayari na ‘yon dahil ayaw ko ng masaktan pa. Ayaw ko naman pahirapan pa ang sarili ko dahil magmumukha lang akong talunan sa mata nilang dalawa kapag naging apektado ako. Siguro ay blessing na din na matatawag na nalaman ko ang totoong ugali ng ex boyfriend ko.
Basta ako ay masaya para sa mama ko dahil nakita niya na ang lalaking magmamahal sa kanya, ‘yon lang naman ang gusto ko na magkaroon din siya ng sarili niyang kasiyahan dahil na sa tamang edad na naman ako ngayon at sapat na ang ilang taon na ginugol niya para alagaan at palakihin ako.
Sa ilang taon na nagdusa ang mama ko sa kamay ng totoo kung tatay dahil sa pagmamahal niya dito kaya kahit na hindi na siya mahal nito at palaging sinasaktan ay hindi niya pa din kayang iwan.
Mabuti na lang isang araw ay nagising na si Mama sa katotohanan na hindi na siya kayang ma
Ethan POV Dalawang araw na ang nakalipas ng mangyari sa amin ni Agatha at hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung sino ang may gawa no'n. Pwede din kasi parte sa business dahil nga isa akong Hernandez at pwede din ang kapatid ko dahil siya lang naman ang pwedeng magkaroon ng motibo na gawin ang bagay na 'yon. Simula ng mga araw na madalas na kaming magkasama at magkausap ni Agatha ay nakakaramdam ako ng kakaib sa kanya at 'yon ang ayaw kung mangyari dahil mali 'yon at isa pa ay may girlfriend na ako at ilang taon na din kami, ayaw kung magkasira kami dahil sa walang kwentang bagay. Nagpasya na lang akong puntahan si Darcey para naman mawala ang iniisip ko tungkol kay Agatha, mali ang magkaroon ng ibang nararamdaman sa kanya. Kinuha ko ang phone ko para sana ipaalam sa girlfriend ko na pupuntahan ko siya pero nagriring lang ito at hindi niy
Ethan POV Nakatuon lang ang atensyon ko sa pagmamaneho, kagagaling ko lang sa kompanya at nasira lang ang hapon ko ng pumunta do'n ang ex-girlfriend ko na mukhang hindi pa malinaw sa kanya na hiwalay na kami. Hindi ba siya nahihiya na mahuli ko sila ng kapatid ko na may ginagawang kababalaghan at sa mismong bahay pa nila? Matapos ng lahat lahat ng ginawa ko para sa kanya sa halos ilang taon na pagiging magkarelasyon namin ay sisirain niya lang at sa taong kinamumuhian ko pa siya pumatol. Hindi ako tanga para mag aksaya ng panahon sa isang babaeng manloloko. Magsama sila! Nasa malalim na pa iisip ako ng tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Agatha, nagtaka ako kung bakit siya tumatawag. Siya ay anak ng bagong karelasyon ng daddy ko ngayon dahil matagal ng patay ang mom ko. Hindi ko pa naman siya matatawag na step sister dahil hindi pa naman kasal ang parents namin. At dahil alam kung hindi niya ako titigilan kapag hindi ko sinagot ang tawag niya kaya napilitin akong sagu
Ethan POV Mukhang hindi ko na talaga mababago ang isip ni Luke at hindi ko alam ang gagawin ko dahil kitang kita kung nahihirapan na si Dad, may sakit siya sa puso kaya sigurado akong kapag hindi siya nadala sa ospital ay mapapahamak siya. "L-luke son hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan, hindi naman ako nagkulang sa inyong magkakakapatid at binigay ko ang lahat ng gusto niyo para hindi niyo." mahinang anas ni Dad. "Tinatanong mo kung bakit ako nagkaganito? Iyon ay dahil sayo Dad! Ikaw ang sinisisi ko sa pagkamatay ni Mom dahil kung hindi ka lang naging busy sa negosyo ay sana nalaman mong may sakit siya! Marami ka ngang pera pero hindi mo nagawang iligtas ang buhay ng asawa mo!" puno ng hinanakit na saad ni Luke, hindi ko alam na may tinatagong galit pala siya kay Daddy dahil sa pagkamatay ni Mommy. "Hindi ko alam na ako pala ang sinisisi mo sa pagkawala ng Mommy mo pe
3 years later… Marami ang nagbago sa loob ng tatlo taon na nakalipas, natapos ni Ethan ang pangalawa niyang kurso habang namamahala ng kanilang mga business at ngayon ay isa na siyang ganap na CEO ng Hernandez Company na hanggang ngayon ay nangunguna pa din. Kagaya na lang ng ipinangako niya sa kanyang ama na hindi niya pababayaan ang mga ari-arian nito at sisiguraduhin niyang mananatili ito sa pagiging top. Si Agatha naman ay nakapagtapos na din ng kolehiyo, hindi naging madali sa dalaga ang nangyari at nagkaroon ito ng depresyon, mabuti na lang at gumaling ito. Ng makagraduate ang dalaga ay nagpaalam siya kay Ethan na gusto niyang pumunta sa ibang bansa para do'n magtrabaho, gusto niya kasi tumayo sa kanyang sariling mga paa na hindi nakadepende sa ibang tao. Hindi naman siya pinigilan ng binata at sin
Agatha POV Nagising ako ng madaling araw dahil nakaramdam ako ng uhaw kaya bumangon ako at bumaba sa kusina para kumuha ng tubig. Pagkatapos ay agad din akong umakyat para bumalik sa taas. Napadaan ako sa kwarto nina Uncle at Mama kaya dahan dahan kung binuksan ang pinto nito at pumasok. Naalala ko kung paano ko nakita dito sa kama ang wala ng buhay na ina ko, halos gumuho ang mundo ko ng sinabi ng doctor na wala na si Mama. Hindi ko alam kung kaya kung mabuhay na wala na siya sa tabi ko pero hindi ako sumuko dahil gusto kung maging proud sa akin si Mama. Kahit na nahihirapan ako sa pagkamatay niya ay pinilit ko pa rin makapagtapos ng pag aaral sa kurso na gusto ko, laking pasasalamay ko din kay Ethan dahil hindi niya ako iniwan no'ng panahon na gusto ko ng sumuko. Agad akong lumapit sa cabinet kung saan nakalaga
Ethan POV Alam ko ang iniisip ni Agatha ng magtanong siya kung aalis ba ako ngayong araw. Kailangan kung pumunta ngayon sa opisina dahil may pipirmahan akong mga dokumento at hindi ako kampante na iwan siya dito sa bahay dahil alam kung gagamitin niya ang mga oras na wala ako para makatakas, kaya ang ginawa ko ay nilagyan ko ng pampatulog ang juice na binigay ko sa kanya. Ng mawalan siya ng malay ay dinala ko siya sa kanyang kwarto at kinumutan, binuksan ko din ang aircon para hindi siya mainitan. Naupo ako sa gilid ng kama at tinitigan siya. Pagkatapos ng ilang minuto ay tumayo na ako para lumabas dahil kailangan ko ng umalis, inilock ko ang kanyang kwarto sa labas para hindi makasigurado akong hindi siya makakalabas. Hindi din naman ako magtatagal sa opisina at uuwi din. Ayaw kung gawin ito kay Agatha pero kailangan ku
Agatha POV Naiinis ako sa sarili ko ngayon dahil wala man lang akong magawa. Kung sana ay hindi na ako umuwi sa bahay na ito ay hindi ako nakaranas ng ganito at mas lalong hindi ako makukulong ngayon dito. Minsan iniisip ko na ang laki ng pinagbago ni Ethan ngayon o baka ganito talaga ang ugali niya simula pa lang noon, marahil ay hindi ko pa talaga siya lubusang kilala. I need to find a way para makaalis dito pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula dahil sigurado akong babantayan ako ni Ethan. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganyan siya ngayon dahil dati naman ay maayos kaming nakapag usap bago ako nagpunta ng ibang bansa para magtrabaho. Tumayo ako at naglakad papunta sa bintana at tinanaw ang labas, hindi naman pwedeng tumalon ako dito dahil tiyak na mababalian ako ng buto sa taas nito. Sumasakit talaga a
Ethan POV Mabilis akong lumabas sa kwarto ni Agatha at dumiretso sa kwarto ko para maligo. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at pinatulan ko ang mga sinasabi niya, hindi ko magawa ang magpigil ng makita ko ang katawan niya. Masasabi ko na ang laki ng pinagbago niya matapos ang tatlong taon na pamamalagi siya sa ibang bansa, malayong malayo sa Agatha na una kung nakilala. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa pagkawala ng mom niya at nangako ako na poprotektahan ko sila pero hindi ko ‘yon nagawa. Ang sabi ko sa sarili ko ay aalagaan ko siya at hindi ko hahayaan na masaktan pero isa ako sa nagbigay sakit at sumira sa pagkatao niya lalo na no’ng gabing mangyari ang bagay na ‘yon sa amin. Hindi ko man siya nagalaw pero muntik na kung hindi lang ako nakapagtimpi.