Ethan POV
Alam ko ang iniisip ni Agatha ng magtanong siya kung aalis ba ako ngayong araw. Kailangan kung pumunta ngayon sa opisina dahil may pipirmahan akong mga dokumento at hindi ako kampante na iwan siya dito sa bahay dahil alam kung gagamitin niya ang mga oras na wala ako para makatakas, kaya ang ginawa ko ay nilagyan ko ng pampatulog ang juice na binigay ko sa kanya.
Ng mawalan siya ng malay ay dinala ko siya sa kanyang kwarto at kinumutan, binuksan ko din ang aircon para hindi siya mainitan. Naupo ako sa gilid ng kama at tinitigan siya. Pagkatapos ng ilang minuto ay tumayo na ako para lumabas dahil kailangan ko ng umalis, inilock ko ang kanyang kwarto sa labas para hindi makasigurado akong hindi siya makakalabas. Hindi din naman ako magtatagal sa opisina at uuwi din. Ayaw kung gawin ito kay Agatha pero kailangan ku
Agatha POV Naiinis ako sa sarili ko ngayon dahil wala man lang akong magawa. Kung sana ay hindi na ako umuwi sa bahay na ito ay hindi ako nakaranas ng ganito at mas lalong hindi ako makukulong ngayon dito. Minsan iniisip ko na ang laki ng pinagbago ni Ethan ngayon o baka ganito talaga ang ugali niya simula pa lang noon, marahil ay hindi ko pa talaga siya lubusang kilala. I need to find a way para makaalis dito pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula dahil sigurado akong babantayan ako ni Ethan. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganyan siya ngayon dahil dati naman ay maayos kaming nakapag usap bago ako nagpunta ng ibang bansa para magtrabaho. Tumayo ako at naglakad papunta sa bintana at tinanaw ang labas, hindi naman pwedeng tumalon ako dito dahil tiyak na mababalian ako ng buto sa taas nito. Sumasakit talaga a
Ethan POV Mabilis akong lumabas sa kwarto ni Agatha at dumiretso sa kwarto ko para maligo. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at pinatulan ko ang mga sinasabi niya, hindi ko magawa ang magpigil ng makita ko ang katawan niya. Masasabi ko na ang laki ng pinagbago niya matapos ang tatlong taon na pamamalagi siya sa ibang bansa, malayong malayo sa Agatha na una kung nakilala. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa pagkawala ng mom niya at nangako ako na poprotektahan ko sila pero hindi ko ‘yon nagawa. Ang sabi ko sa sarili ko ay aalagaan ko siya at hindi ko hahayaan na masaktan pero isa ako sa nagbigay sakit at sumira sa pagkatao niya lalo na no’ng gabing mangyari ang bagay na ‘yon sa amin. Hindi ko man siya nagalaw pero muntik na kung hindi lang ako nakapagtimpi.
Agatha POV Saglit akong natigilan ng marinig ko ang sinabi ni Ethan. Is he serious? Talaga bang pinapayagan niya na akong umalis? “Magpalit ka na ng damit at huwag kang nagsusuot ng halos labas na ang kaluluwa mo dahil hindi ka naman sa bar nagtatrabaho. Ayusin mo ang sarili mo tulad ng mga babaeng nakapagtapos ng kolehiyo. Kapag may gusto kang bilhin pwede mong gamitin ang card na 'to..” dagdag niya pa. Nakatitig lang ako sa mukha niya ng seryoso. “Why suddenly change your mind Ethan? Did you give up on me already?” pagtatanong ko. Gusto kung malaman kung nagbibiro lang ba siya o hindi. Ngumiti naman ito sa akin pero halatang pilit. “Hinayaan kitang umalis noon Agatha dahil alam kung ‘yon ang kailangan mo at makakabuti sa’yo. Ginawa kitang inspirasyon ko para mas la
Marcus POV Nandito ako ngayon sa opisina at katatapos ko lang pirmahan ang mga dokumento na kailangan para sa bagong itatayo naming branch. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Mommy. “Mom.” anas ko. Ngumiti naman ito sa akin. “How are you son? Masyado kana busy at hindi na kita halos makita sa bahay.” “I’m sorry mom, marami lang talaga akong kailangan pagtuunan ng pansin.” wika ko. Bumuntong hininga naman ito. “It’s been how many months wala pa rin bang nakikitang mapapangasawa mo o kahit ipapakilalang girlfriend mo?" natatawang wika niya. "Mom akal ko tapos na tayo sa bagay na 'yan!" saad ko. "I'm just joking s
Agatha POV Kinabukasan ay nagising ako dahil sa tunog ng phone ko, kanina pa ito ring ng ring pero hindi ko pinapansin dahil antok na antok ako pero mukhang ayaw talaga tumigil ng kung sino man ang tumatawag sa akin. Nakakainis! Bumangon naman ako at mabilis na kinuha ang phone ko para sagutin ang tumatawag. “Hello! Sino ka ba at nambubulabog ka ng tulog.” inis na turan ko ng hindi man lang tinitingnan kung sino ang caller. Narinig ko naman ang pagtawa ng nasa kabilang linya at nakilala ko agad ang boses. “Easy best! Ang aga aga ang init ng ulo mo, meron ka ba?” “Alam mo ba kung anong oras pa lang Zey? 7am pa lang tapos nambwibwisit ka na.” sigaw ko sa kanya. “Duh! Kung nagt
Ethan POV Ilang buwan na ang nakalipas ng umalis si Agatha sa bahay at hindi na nga siya bumalik pa. I admit that I miss her pero ayaw ko naman na maghabol sa kanya. Katulad ng sinabi ko sa kanya kung saan siya masaya ay gawin niya. Napasandal ako sa upuan dahil sa dami ng mga papeles na nasa harapan ko, ang dami dami kung kailangan na tapusin ngayon. “Mukhang problemado ka ah.” boses ni Gian ng makapasok siya sa opisina ko. “Nakikita mo naman siguro ang nasa table ko diba?” anas ko at tumawa naman ang gago. “Akala ko naman nagpapakasenti ka dahil kay Darcey.” pang aasar niya. “Hindi siya kawalan, binigyan ko na siya na ilang chance pero hindi talaga siya nagbabago.” anas ko
Agatha POV Sa nakalipas na buwan ay naging busy ako, nag apply kasi ako sa Montreal Company pero bago ko 'yon gawin ay nag aral muna ako ng mga iba't ibang design at gumawa din ako ng sample para kapag hinanapan ako ng CEO ay may ipapakita ako sa kanya. Halos abutin din ako ng ilang linggo para matapos ang ginagawa ko. At hindi naman nasayang ang pagod at puyat ko dahil ng nag apply ako ay natanggap ako, tama nga si Zey na kung titingnan ay mukhang strikto at masunget si Sir Marcus at talagang totoo naman dahil seryoso ito kapag nasa trabaho pero maayos naman siyang kausap. Ng matanggap ako ay agad akjong pinagsimula, halos isang buwan akong gumagawa ng mga plano para sa itatayong resort at hotel. Madalas hindi na din ako nakakauwi at sa opisina na nakakatulog dahil sa pagod, sinasabihan nga ako palagi ni Marcus na magpahinga din ako pero sinas
Ethan POV Hanggang ngayon ay masakit pa din ang ulo ko dahil na din siguro sa dami ng nainom ko kagabi pero ayos lang sa akin dahil kung hindi nangyari ‘yon ay hindi ko ulit makikita si Agatha. Hindi ko talaga inaakala na dito siya nakatira at napag alaman ko na si Zey ang may ari ng unit na ito. Nagising lang naman ako sa biglang pagdating ni Zey, masyado kasing malakas ang boses niya kaya narinig ko agad. Ng magsimula ng magluto si Zey ay naiwan kaming dalawa ni Agatha na nakaupo sa sofa, halata kung naiilang siya sa akin base na din sa mukha niya pero mayamaya ay nagsalita din naman ito. Masaya na sana kaming nag uusap ng biglang may kumatok sa pinto kaya nagpaalam muna si Agatha para tingnan kung sino ang nando’n. Nagtaka ako dahil ilang minuto na ang nakalipas ay hindi