Ethan POV
Hanggang ngayon ay masakit pa din ang ulo ko dahil na din siguro sa dami ng nainom ko kagabi pero ayos lang sa akin dahil kung hindi nangyari ‘yon ay hindi ko ulit makikita si Agatha. Hindi ko talaga inaakala na dito siya nakatira at napag alaman ko na si Zey ang may ari ng unit na ito.
Nagising lang naman ako sa biglang pagdating ni Zey, masyado kasing malakas ang boses niya kaya narinig ko agad. Ng magsimula ng magluto si Zey ay naiwan kaming dalawa ni Agatha na nakaupo sa sofa, halata kung naiilang siya sa akin base na din sa mukha niya pero mayamaya ay nagsalita din naman ito.
Masaya na sana kaming nag uusap ng biglang may kumatok sa pinto kaya nagpaalam muna si Agatha para tingnan kung sino ang nando’n. Nagtaka ako dahil ilang minuto na ang nakalipas ay hindi
Ethan POV Kasama ko ngayon dito sa opisina si Gian, katatapos lang namin umattend sa isang meeting kaya dito na agad kami dumiretso para magpahinga dahil wala na naman kaming gagawin. “Nakakapagod talaga ang ganitong buhay hindi tulad noon na wala tayong iniisip.” biglaang saad ni Gian ng makaupo. “Gano’n talaga, kaya nga tayo nag aral para magtrabaho. Ang pinagkaiba lang natin sa iba ay may nakatakda satin na kailangan natin palaguin hindi tulad ng iba na kailangan pa nila mag hanap ng pwedeng pasukan na trabaho.” saad ko. “Maiba ako kamusta na kayo ni Agatha? Hindi ba sabi mo nakaraan ay nakita mo na siya ulit?” “As of now masasabi ko na medyo okay na kami, nag uusap na kami ng maayos.” sagot ko naman sa kanya.
Agatha POV Magkasama kami ngayon ni Zey na nakatambay sa kanilang bahay dahil pareho kaming walang ginagawa kaya napagpasyahan namin na magkita at magbonding na lang. Isang linggo ko siyang hindi nakausap ng maayos dahil may mga kailangan siyang tapusin na mga reports sa kanyang trabaho. At dahil tamad naman kaming dalawa lumabas kaya dito na lang kami sa bahay nila, wala dito ang parents niya dahil may business meeting ito na pinuntahan kaya naiwan siyang mag isa dito, hindi naman na ‘yon mahirap sa kanya dahil sanay na siya lalo na’t kinalakihan niya na ang buhay na ganito. Nagpahanda siya pagkain at pinadala ito sa may pool area dahil mag swimming din naman kami, masyadong malaki ang bahay nila Zey pero mas malaki pa din ang bahay nila Ethan. Agad na lumusong si Z
Zey POV “Ang sweet nilang dalawa 'no? Kahit na nag uusap lang naman sila.” biglang sambit ko habang nakatingin sa dalawang nag uusap. “Siguro kung hindi mo alam na naging konektado ang pamilya nila ay mapagkakamalan silang magkarelasyon.” natatawang saad naman ni Gian. Tumingin naman ako sa kanya. “May girlfriend ba ngayon si Ethan?” tanong ko. Uminom naman muna siya ng beer at saka humarap sa akin. “Wala, pero may nagugustuhan siya.” At dahil sa sinabi na ‘yon ni Gian ay nakaramdam ako ng kuryosidad. “Kilala mo ba kung sino?” Ngumisi naman siya sa akin. “Bakit interesado kang malaman? Ganyan ka ba ka chismosa?” natatawang saad niya kaya sinabuyan ko naman siya ng tubig.
Agatha POV Kasalukuyang nasa sofa kaming dalawa ni Ethan dito sa condo, matapos niya akong ihatid kagabi ay dito na lang din siya natulog at hindi na umuwi marahil ay inaantok na din siya kaya hindi na niya kaya pang mag drive. Maaga akong nagising para magluto ng almusal kaya ng magising siya ay sabay na kaming kumain at ito kami ngayon nakaupo lang ng tahimik habang nanonood ng tv. “Ethan may sasabihin ako sa’yo.” panimula ko, gusto ko kasing sabihin sa kanya ang tungkol sa trabaho ko. Hindi ko pa kasi nabanggit ang bagay na ito sa kanya. Tumingin naman agad siya sa akin. “What is it? May gusto din kasi akong sabihin sa’yo tungkol sa nangyari kagabi.” Bigla naman akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Hindi naman siguro
Agatha POV Nasa kusina ako ngayon at busy sa pagluluto. “Agatha! Nandito ka ba?” boses ni Zey. “I’m here in the kitchen.” sagot ko naman sa kanya at mayamaya pa ay nasa gilid ko na siya. “Himala yata at nagluto ka.” anas niya, “Nandito kasi si Ethan.” maiksing sagot ko. “Saan?” "Natulog lang ulit, masakit kasi ang ulo.” sagot ko naman sa kanya. “Akala ko ba ihahatid ka lang niya, hindi ko alam na dito na pala siya natulog.” Nagkibit balikat na lang ako. Tinulungan niya na lang ako na maglut
Ethan POV Pagkatapos kung ihatid si Agatha sa condo ni Zey ay nagpasya akong dumiretso na muna sa bar, I tried to call Gian pero hindi niya sinasagot marahil ay busy ito. Ng makarating ako sa bar ay madami na ang tao, gabi na din kasi dahil naipit ako sa traffic kaya natagalan din ako. Umupo lang ako sa bakanteng table at saka umorder ng alak at nagsimula ng uminom. Maraming babae ang nagtangka na lumapit sa akin pero wala akong interest sa kanila dahil si Agatha lang ang gusto ko. Siguro tama naman ang naging desisyon ko na bigyan muna siya ng space para makapag isip ng mabuti, ayaw ko naman na maramdaman niya ang pressure ng dahil lang sa akin. Mas mabuting hayaan ko muna siya. Pero pakiramdam ko talaga ay may tinatago siya sa akin o gustong sabihin, ilang beses ko na kasi siyang nakikita na tulala at malalim ang iniisip, ayaw ko naman siyang tanungin dahil baka hindi pa siya handa. Halos dalawang oras din ako naglagi sa bar hanggang sa makapag desisyon ko na ang umuwi dahil na
Agatha POV Maaga akong nagising dahil kailangan kung pumunta sa Montreal Company dahil may kailangan sabihin sa akin ang boss ko. Nagpahatid lang ako sa drive para hindi ako ma late dahil baka mamaya ay bumuga na naman ng apoy si Marcus. Ng makarating ako sa building ay agad akong nagtungo sa opisina ng boss ko, naabutan ko ang kanyang sekretarya at binati naman niya ako. "Nandyan ba siya?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya at sinabing pumasok na lang ako dahil hinihintay niya na ako sa loob. Pagkapasok ko ay naabutan ko si Marcus na nakaupo, mukhang hinihintay niya nga ang pagdating ko. "Good morning Sir Montreal, pinapatawag mo daw ako?" bungad ko sa kanya. “Cut the formality Agatha and yes I need to talk to you about some important matter.” seryosong saad niya. “Tungkol saan?” tanong ko sa kanya. "Alam mo naman diba na magtagal ka sa site? At gusto ko lang sabihin sa'yo na baka hindi ka agad makauwi hangga't hindi natatapos ang building." Nanlaki naman ang mga mata k
Ethan POV Tanghali na ako ng magising, ramdam ko ang sakit ng ulo ko. Naalala ko na naman kagabi na nandito si Agatha at nakausap ko siya pero baka namamalikmata lang din akon dahil sa nakainom ako. Bumangon na ako at bumaba para kumain. Tinawag ko naman ang isang kasambahay ko. Bakit po Sir?" tanong niya sa akin. "Nandito ba si Agatha kagabi?" tanong ko sa kanya. "Opo Sir dumating siya kagabi at hinahanap ka, hinintay ka pa niya po niya at siya din ang nagdala sa inyo sa kwarto mo. Pero umalis din siya kanina dahil pinapatawag daw siya ng boss niya sa trabaho." Tumango naman ako , so hindi ako namamalikmata o nananaginip, Nandito talaga siya kagabi at nakasama ko. Kung bakit ba kasi nagpakalasing ako eh. Nagsimula na akong kumain dahil gutom na din ako. Pagkatapos kung kumain ay napagpasyahan ko na mag swimming dahil hindi pa naman ako nakakaligo, inutusan ko ang k