Agatha POV
Nasa kusina ako ngayon at busy sa pagluluto.
“Agatha! Nandito ka ba?” boses ni Zey.
“I’m here in the kitchen.” sagot ko naman sa kanya at mayamaya pa ay nasa gilid ko na siya.
“Himala yata at nagluto ka.” anas niya,
“Nandito kasi si Ethan.” maiksing sagot ko.
“Saan?”
"Natulog lang ulit, masakit kasi ang ulo.” sagot ko naman sa kanya.
“Akala ko ba ihahatid ka lang niya, hindi ko alam na dito na pala siya natulog.”
Nagkibit balikat na lang ako.
Tinulungan niya na lang ako na maglut
Ethan POV Pagkatapos kung ihatid si Agatha sa condo ni Zey ay nagpasya akong dumiretso na muna sa bar, I tried to call Gian pero hindi niya sinasagot marahil ay busy ito. Ng makarating ako sa bar ay madami na ang tao, gabi na din kasi dahil naipit ako sa traffic kaya natagalan din ako. Umupo lang ako sa bakanteng table at saka umorder ng alak at nagsimula ng uminom. Maraming babae ang nagtangka na lumapit sa akin pero wala akong interest sa kanila dahil si Agatha lang ang gusto ko. Siguro tama naman ang naging desisyon ko na bigyan muna siya ng space para makapag isip ng mabuti, ayaw ko naman na maramdaman niya ang pressure ng dahil lang sa akin. Mas mabuting hayaan ko muna siya. Pero pakiramdam ko talaga ay may tinatago siya sa akin o gustong sabihin, ilang beses ko na kasi siyang nakikita na tulala at malalim ang iniisip, ayaw ko naman siyang tanungin dahil baka hindi pa siya handa. Halos dalawang oras din ako naglagi sa bar hanggang sa makapag desisyon ko na ang umuwi dahil na
Agatha POV Maaga akong nagising dahil kailangan kung pumunta sa Montreal Company dahil may kailangan sabihin sa akin ang boss ko. Nagpahatid lang ako sa drive para hindi ako ma late dahil baka mamaya ay bumuga na naman ng apoy si Marcus. Ng makarating ako sa building ay agad akong nagtungo sa opisina ng boss ko, naabutan ko ang kanyang sekretarya at binati naman niya ako. "Nandyan ba siya?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya at sinabing pumasok na lang ako dahil hinihintay niya na ako sa loob. Pagkapasok ko ay naabutan ko si Marcus na nakaupo, mukhang hinihintay niya nga ang pagdating ko. "Good morning Sir Montreal, pinapatawag mo daw ako?" bungad ko sa kanya. “Cut the formality Agatha and yes I need to talk to you about some important matter.” seryosong saad niya. “Tungkol saan?” tanong ko sa kanya. "Alam mo naman diba na magtagal ka sa site? At gusto ko lang sabihin sa'yo na baka hindi ka agad makauwi hangga't hindi natatapos ang building." Nanlaki naman ang mga mata k
Ethan POV Tanghali na ako ng magising, ramdam ko ang sakit ng ulo ko. Naalala ko na naman kagabi na nandito si Agatha at nakausap ko siya pero baka namamalikmata lang din akon dahil sa nakainom ako. Bumangon na ako at bumaba para kumain. Tinawag ko naman ang isang kasambahay ko. Bakit po Sir?" tanong niya sa akin. "Nandito ba si Agatha kagabi?" tanong ko sa kanya. "Opo Sir dumating siya kagabi at hinahanap ka, hinintay ka pa niya po niya at siya din ang nagdala sa inyo sa kwarto mo. Pero umalis din siya kanina dahil pinapatawag daw siya ng boss niya sa trabaho." Tumango naman ako , so hindi ako namamalikmata o nananaginip, Nandito talaga siya kagabi at nakasama ko. Kung bakit ba kasi nagpakalasing ako eh. Nagsimula na akong kumain dahil gutom na din ako. Pagkatapos kung kumain ay napagpasyahan ko na mag swimming dahil hindi pa naman ako nakakaligo, inutusan ko ang k
Gian POV Papunta ako ngayon sa bahay ni Ethan, dapat ay kanina pang umaga pero nagkaroon ako ng biglaang meeting at ngayon lang natapos. Agad kung pinark ang kotse ko ng makarating ako sa kanila, dumiretso lang ako ng pasok dahil kilala naman na ako. Naabutan ko siyang nakaupo sa sala habang umiinom kaya lumapit ako sa kanya na mukhang hindi napansin ang pagdating ko. “Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah.” anas ko at tumabi sa kanya. “She’s here.” “Who?” tanong ko, hindi ko naman kasi alam kung sino ang tinutukoy niya. “Agatha.” “Oh nasaan?” tanong ko. Ininom niya muna ang alak na nasa baso at tumingin sa akin. “Umalis na. She disappointed me again.” Nakaramdam naman ako ng awa para sa kaibigan ko, I know how he loves Agatha. “Kung gusto mo kakausapin ko siya.” suhestyon ko pero umiling lang ito. “No need, just let her.” “What? Are you serious about it? Hahayaan mo lang siyang umalis? Papayag kana lang ba na palagi ka na lang niyang iwan? Pero teka bakit siya aalis?” inis na t
Ethan POV Walong buwan na simula ng umalis si Agatha, ang huli pagkikita namin ay ‘yong araw na pumunta siya sa bahay para kausapin ako at sabihin ang plano niya at hanggang sa makaalis siya ay hindi na kami nag usap. Nalaman ko lang na wala na siya dahil sinabi nila Gian. Simula ng umalis siya ay mas nag focus na lang ako sa pagpapatakbo ng kumpanya, mas nakilala pa ito na labis kung ikinatuwa dahil alam kung proud sa akin ang pamilya ko kung nabubuhay pa sila. Hanggang ngayon ay pinapahanap ko pa rin si Kuya dahil hindi pa rin siya nagpapakita. Ang galing niya talagang magtago, no doubt he is a Hernandez. Halos isang linggo ko na din na hindi nakikita si Gian dahil umalis ito para bisitahin ang isang branch na pinapatayo niya habang si Zey naman ay naging busy din
May isang babaeng maganda at sexy ang naglalakad sa isang restaurant, may usapan kasi sila ng kanyang boss at ng pinsan nito na mag cecelebrate sila sa naging success niyang projects. Pagpasok niya pa lang sa isang restaurant do’n ay agad niyang nakita ang dalawa na mukhang naghihintay sa kanya, nakangiti naman siyang lumapit sa mga ito. “Hi guys, sorry I’m late.” bungad niya. “It’s okay Agatha! By the way, congratulations!” nakangiting anas ni Marcus. Naging maganda kasi ang kinalabasan ng bagong bukas na resort at hotels ng Montreal Company at labis na humanga ang mga investors. “Ang galing mo talaga girl so professional. Pak na pak. Mukhang dadami ang mga magiging investors namin nito.” wika naman ni Eli, siya ay pins
2 years later …. Agatha POV Nandito ako ngayon sa Montreal Company, isang linggo na simula ng makabalik ako dito, halos hindi ko na namalayan na taon na akong nawala sa lugar na ito. Bumili na din ako ng condo ko dahil nakakahiya naman kay Zey kapag do'n pa din ako titira sa unit niya. “Hey Marcus!” magiliw na bati ko sa kanya ng makapasok ako sa loob ng kanyang opisina. “Oh you’re here.” “Epal ka kasi, alam mo naman na kakalipat ko lang sa binili kung condo at nag aayos pa ako ng mga gamit ko.” wika ko. “Oh I didn't know, Take a seat now.” “So ano ba ang dapat pag usapan natin?” tanong ko sa kanya.
Agatha POV “Agatha, thank you for your time.” saad ni Ethan sa akin. Agad naman akong tumayo at ngumiti ng pilit, kanina pa ako naiinis dahil hindi ko alam kung nasaan na si Marcus kaya naiwan ako sa lalaking 'to. Bakit ba kailangan kung magtiis na makasama ito kahit na dapat ay ang CEO namin ang gumagaya ng bagay na ito. Sa totoo lang ay ayaw ko talagang kaharap si Ethan kaso hindi ko pwedeng tanggihan ang ang isang Hernandez dahil hindi pa siya nakakapirma ng kontrata sa Montreal baka mamaya ay bawiin niya pa 'yon. Nasaan na kaya si Belle kanina ay kasama pa siya namin pero bigla namang nawala. Psh! Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit ako naiinis. Ng makalabas na kami ay naabutan namin ang sasakyan na naghihintay
Ethan POV Isang taon na ang nakalipas ng biniyayaan kami ulit ng isang anak na lalaki at masasabi ko na buo na ang kasiyahan na nararamdaman ko sa buhay dahil may mapagmahal at maalaga akong asawa at sweet na anak. Wala na akong mahihiling pa sa buhay dahil sila lang ay sapat na. Hindi mabibili ng pera ang tunay na kaligayahan na sa pamilya mo lang makikita at mararamdaman. May mga kanya kanya na kaming buhay ngayon. Sina Zey at Marcus ay ikinasal na, ang kapatid kung si Luke ay engage na at ang matalik kung kaibigan na si Gian ay masaya na din sa buhay niya kasama ang asawang si Belle. Sino ang mag aakalang kami ang magkakatuluyan ni Agatha sa huli? Hindi naging maganda ang pagkikita at pagkakakilala namin. Ang dami naming pinagdaanan sa buhay bago namin makamtan ang happily ever after namin, ilang beses kaming pinaghiwalay ng tadhana, ang daming problema ang kinaharap namin at higit sa lahat ay sinubuok ang pagmamahal namin para sa isa't isa at tiwala sa Diyos lalo na ng mamatay
Agatha POV Ilang buwan na ang nakalipas ng maiksal sina Belle at Gian dahil ilang linggo lang matapos na makalabas sila sa hospital ay nagpropose na agad si Gian sa kanya at ngayon ay nasa ibang bansa sila hanggang sa manganak ito. Habang going strong naman ang kaibigan ko na si Zey at Marcus kahit na madalas itong mag away. Samantalang ako naman ay kabuwanan ko na ngayon kaya hindi na ako masyadong naglalabas habang ang asawa ko naman ay mas pinili na sa bahay muna magtrabaho para na din mabantayan at maalagaan kami ni baby. Simula ng malaman ni Ethan ang tungkol sa pagbubuntis ko ay naging protective ito at hindi naman ako nagrereklamo dahil alam kung ayaw niya lang mapahamak kami at maulit ang nangyari sa una naming anak. Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv at kumakain ng prutas ng bigla akong makaramdam ng pananakit ng tiyan ko, no'ng una ay ipinagsawalang bahala ko lang ito pero habang tumatagal ay pasakit ng pasakit. "Manang!" sigaw ko, kaya mabilis na l
Gian POVHalos hindi ako makagalaw dahil sa sinabi ni Ethan sa akin. Hindi ko man lang alam na buntis pala si Belle at ako ang ama ng dinadala niya. Ilang beses ko na siyang nasigawan at pinagtulakan at mas worst pa ay naitulak ko siya kanina.Sumama ako kay Ethan para puntahan si Belle dahil dinala niya daw ito sa emergency room. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa kanilang dalawa. Kaya pala kahit anong pagtataboy ko sa kanya ay nanatili pa din siya dahil may rason siya.Nang makapunta na kami sa tapat ng emergency room ay tinawagan muna ni Ethan si Agatha para tanungin kung nasaan ito at sinabi naman ng asawa niya na nailipat na si Belle sa isang private room kaya do'n na kami dumiretso.Pagpasok namin sa kwarto ay nakita kung nakahiga si Belle habang si Agatha naman ay nakaupo sa gilid ng kama."Anong sabi ng doctor baby?" tanong ni Ethan sa asawa."She is okay now baby, mabuti na lang at medyo malakas ang kapit ng bata." sagot naman ni Agatha.Bumaling n
Belle POV Isang linggo na ang nakalipas ng huli kaming magkita ni Gian, madalas ko din siyang binibisita sa hospital pero hindi ako nagpapakita sa kanya. Ipinagluluto ko din siya ng pagkain at binibigay ito kay Maxine para siya na ang magbigay at huwag ipaalam kay Gian na galing ito sa akin. Palagi lang ako nakaupo sa labas ng kanyang kwarto lalo na kapag walang magbabantay sa kanya. Madalas din dumadalaw dito si Ethan at Agatha, minsan ay sinasama nila ako sa loob at dahil hindi ko naman sila mahindian kaya sumasama ako pero hindi naman ako pinapansin ni Gian, para lang akong hangin sa paningin niya. At ngayon naman ay papasok ako sa kanyang silid dahil tinawagan ako ni Maxine, kailangan niya kasing umalis dahil may meeting siya sa trabaho, sa susunod na araw ay pwede ng makalabas si Gian. Pagpasok ko ay naabutan ko siyang nakaupo sa kanya wheelchair. Agad naman siyang napatingin sa akin. "What are you doing here?" tanong niya. "Tinawagan kasi ako ni Maxine na kung pwede ako muna
Belle POVPapasok ako ngayon sa hospital kung nasaan si Gian dinala, nalaman ko kasi kay Agatha na naaksidente daw ito kaya hindi ako nagdalawang isip na bumyahe agad ditp. Ayaw pa nga sana akong payagan ni Kuya Luke pero nagpumilit pa din ako.Naglalakad na ako ngayon papunta kung saan ang kwarto ni Gian na ibinigay ng nurse na pinatanungan ko. Hindi na ako nag abala pang kumatok at binuksan ko na lang ang pinto. Nakita kung masayang nag uusap si Gian at Maxine na agad din naman napatingin sa akin ng mapansin nila ako."What are you doing here?" tanong sa akin ni Maxine."Bibisitahin ko lang si Gian." sagot ko naman."He is fine kaya pwede ka na umalis.""Hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito kaya wala kang karapatan na paalisin ako." matapang na anas ko.Magsasalita pa sana siya ng pigilan na siya ni Gian. "Okay naman na ako Belle kung 'yan ang gusto mong malaman. Buhay pa naman ako kaya pwede ka na umalis." seryosong turan ni Gian, inaamin ko na nasaktan ako dahil sa pagpapaalis ni
Ethan POVKasalukuyang nasa kwarto na kami ng asawa ko, umalis kasi kaming dalawa kanina kaya pareho kaming pagod na dalawa."Are you sure na hindi ka na kakain baby? Pwede akong magpahanda sa maid." tanong ko sa kanya."Kanina mo pa ako tinatanong niyan at sinabi ko naman sayo na busog na ako." nakangusong sagot niya sa akin."Sinisigurado ko lang at baka mamaya manggising ka na naman dahil nagugutom ka." saad ko."Grabe ka naman sa akin, akala mo naman palagi kitang ginigising. Anyway, baby may sasabihin ako sayo." nakangiting turan ni Agatha.Tininingnan ko naman siya. "What is it?""Eh kasi nitong mga nakaraang araw ay madalas sumasama ang pakiramdam ko eh."Agad naman akong napabangon sa pagkakahiga dahil sa sinabi niya. "Bakit hindi mo sinasabi sa akin? Dapat nagpunta tayo ng doctor para naman mabigyan ka ng gamot." "Easy okay? Natural lang naman ito at isa pa nagpunta na ako ng doctor.""Without telling me?" saad ko."Kahapon lang kasi 'yon eh diba may meeting ka kaya hindi ko
Belle POVSinubukan kung habulin at tawagin si Gian pero hindi man lang siya tumigil sa pagsakay sa kotse at kahit paglingon ay hindi niya ginawa. Kita ko ang labis na galit sa kanyang mga mata. Alam kung iniisip niya na may namamagitan sa amin ni Luke kaya magkasama kaming dalawa.Iyak lang ako ng iyak habang patuloy sa pagtawag sa kanyang pangalan kahit nakalayo na ang kotse niya. Mayamaya pa ay naramdaman ko na lang ang paghila at pagyakap sa akin ni Luke."Enough Belle, baka mapano pa kayo ni baby." anas niya."K-kuya mali ng iniisip si Gian." mahinang sambit ko."I know, I know. Stop crying now dahil makakasama sayo 'yan." pag aalo niya sa akin at iginaya ako papasok ng bahay.Nang makapasok kami ay pinaupo niya ako sa sala at kumuha ng tubig para ipainom sa akin."Everything will be alright Belle, just calm down now. Isipin mo ang bata na dinadala mo. Galit lang si Gian sa ngayon.""S-sana nga." mahinang bulong ko."Parang hindi mo naman alam ang ugali ng lalaki lalo na kapag ga
Gian POV It's been two months simula ng malaman ko na umalis si Belle, sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko talaga siya makita. Alam kung nandito lang siya at hindi siya pumunta ng ibang bansa dahil wala siyang record sa airport. At ngayon ay papunta ako sa Hacienda ng mga Hernandez dahil nalaman kung nando'n si Belle ng minsang marinig ko si Ethan at Agatha na nag uusap. Hindi na ako nag abala pang komprontahin ang mag asawa dahil umalis ka agad ako ng marinig ko ang pinag uusapan nila. Hindi ko sila masisisi kung hindi nila agad sinabi sa akin na alam nila kung nasaan si Belle dahil kasalanan ko naman talaga ang nangyari kung bakit nahantong kami sa sitwasyon na ito, isa lang ang gusto kung mangyari at 'yon ay mabawi ang babaeng mahal ko. Naayos ko na ang problema na meron kami ni Maxine, we already talked at tanggap niya ng si Belle talaga ang mahal ko kaya at hindi na siya but we remain as friends. Nang makarating ako sa hacienda ay mabilis akong bumaba ng kotse at pumas
Luke POVNang makalabas ako ng kwarto ay naabutan ko si Belle na nakaupo sa sala, kagabi ng umuwi ako dito sa Hacienda ay nakita ko siya na nandito sa bahay na ipinagtataka ko. I know her, she is one my brother's friend. Hindi ko lang siya nakausap dahil sa pagod kaya agad akong dumiretso sa kwarto at natulog.Pumunta ako sa kusina para kumuha ng kape at bumalik kung nasaan si Belle. "Nasaan sila Tay Greg?" tanong ko sa kanya."Umalis silang dalawa dahil may kailangan daw silang asikasuhin pero babalik din naman ang mga 'yon mamaya. I never thought na dito ka umuuwi." saad niya."Minsan lang naman ako dito dahil nando'n ako sa ibang business ng pamilya namin." sagot ko sa kanya."Mabuti naman at naisipan mo ng bumalik.""I don't have any choice dahil nakita na ako ni Agatha at Ethan." saad ko."Sabagay, hindi ka titigilan ng dalawang 'yon kapag hindi ka sumama sa kanila."Tiningnan ko naman siya ng seryoso. "How about you? Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.Nakita ko naman ang pag