Agatha POV
Nagising ako dahil sa tumatama ang sikat ng araw sa mukha ko, hindi ko pala naisara ang bintana ko kagabi ng makapasok na ako sa kwarto ko dahil na din siguro sa sobrang antok.
Bumaba ako sa kama at saka dumiretso sa banyo para makaligo na muna bago bumaba. Wala ngayon sina Mama dahil umalis sila ni Uncle, hindi ko alam kung saan sila nagpunta baka nagdate ang dalawang ‘yon, samantalang si Kuya Luke ang alam ko ay maagang papasok sa trabaho.
Binilisan ko lang ang naging kilos ko dahil gutom na din ako kaya ng makatapis akong magbihis ay bumaba na ako para kumain, ang tahimik ng mansion hindi ko alam kung nasaan ang mga tao ngayon kahit ang mga maids ay wala dito.
Pumunta na lang ako sa dining area at nagsimula ng kumain dahil may nakahanda naman na do’n sa lamesa. Nasaan kaya si Kuya Ethan? Umalis din ba siya o tulog pa? Hmp! Bakit ko nga ba hinahanap ang isang ‘yon! Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at ng matapos ako ay niligpit ko i
Agatha POV Isang linggo na ang nakalipas ng malaman ko ang ginawa sa akin ni Kyhan, sa totoo lang ay ayaw ko ng maalala ang pangyayari na ‘yon dahil ayaw ko ng masaktan pa. Ayaw ko naman pahirapan pa ang sarili ko dahil magmumukha lang akong talunan sa mata nilang dalawa kapag naging apektado ako. Siguro ay blessing na din na matatawag na nalaman ko ang totoong ugali ng ex boyfriend ko. Basta ako ay masaya para sa mama ko dahil nakita niya na ang lalaking magmamahal sa kanya, ‘yon lang naman ang gusto ko na magkaroon din siya ng sarili niyang kasiyahan dahil na sa tamang edad na naman ako ngayon at sapat na ang ilang taon na ginugol niya para alagaan at palakihin ako. Sa ilang taon na nagdusa ang mama ko sa kamay ng totoo kung tatay dahil sa pagmamahal niya dito kaya kahit na hindi na siya mahal nito at palaging sinasaktan ay hindi niya pa din kayang iwan. Mabuti na lang isang araw ay nagising na si Mama sa katotohanan na hindi na siya kayang ma
Ethan POV Dalawang araw na ang nakalipas ng mangyari sa amin ni Agatha at hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung sino ang may gawa no'n. Pwede din kasi parte sa business dahil nga isa akong Hernandez at pwede din ang kapatid ko dahil siya lang naman ang pwedeng magkaroon ng motibo na gawin ang bagay na 'yon. Simula ng mga araw na madalas na kaming magkasama at magkausap ni Agatha ay nakakaramdam ako ng kakaib sa kanya at 'yon ang ayaw kung mangyari dahil mali 'yon at isa pa ay may girlfriend na ako at ilang taon na din kami, ayaw kung magkasira kami dahil sa walang kwentang bagay. Nagpasya na lang akong puntahan si Darcey para naman mawala ang iniisip ko tungkol kay Agatha, mali ang magkaroon ng ibang nararamdaman sa kanya. Kinuha ko ang phone ko para sana ipaalam sa girlfriend ko na pupuntahan ko siya pero nagriring lang ito at hindi niy
Ethan POV Nakatuon lang ang atensyon ko sa pagmamaneho, kagagaling ko lang sa kompanya at nasira lang ang hapon ko ng pumunta do'n ang ex-girlfriend ko na mukhang hindi pa malinaw sa kanya na hiwalay na kami. Hindi ba siya nahihiya na mahuli ko sila ng kapatid ko na may ginagawang kababalaghan at sa mismong bahay pa nila? Matapos ng lahat lahat ng ginawa ko para sa kanya sa halos ilang taon na pagiging magkarelasyon namin ay sisirain niya lang at sa taong kinamumuhian ko pa siya pumatol. Hindi ako tanga para mag aksaya ng panahon sa isang babaeng manloloko. Magsama sila! Nasa malalim na pa iisip ako ng tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Agatha, nagtaka ako kung bakit siya tumatawag. Siya ay anak ng bagong karelasyon ng daddy ko ngayon dahil matagal ng patay ang mom ko. Hindi ko pa naman siya matatawag na step sister dahil hindi pa naman kasal ang parents namin. At dahil alam kung hindi niya ako titigilan kapag hindi ko sinagot ang tawag niya kaya napilitin akong sagu
Ethan POV Mukhang hindi ko na talaga mababago ang isip ni Luke at hindi ko alam ang gagawin ko dahil kitang kita kung nahihirapan na si Dad, may sakit siya sa puso kaya sigurado akong kapag hindi siya nadala sa ospital ay mapapahamak siya. "L-luke son hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan, hindi naman ako nagkulang sa inyong magkakakapatid at binigay ko ang lahat ng gusto niyo para hindi niyo." mahinang anas ni Dad. "Tinatanong mo kung bakit ako nagkaganito? Iyon ay dahil sayo Dad! Ikaw ang sinisisi ko sa pagkamatay ni Mom dahil kung hindi ka lang naging busy sa negosyo ay sana nalaman mong may sakit siya! Marami ka ngang pera pero hindi mo nagawang iligtas ang buhay ng asawa mo!" puno ng hinanakit na saad ni Luke, hindi ko alam na may tinatagong galit pala siya kay Daddy dahil sa pagkamatay ni Mommy. "Hindi ko alam na ako pala ang sinisisi mo sa pagkawala ng Mommy mo pe
3 years later… Marami ang nagbago sa loob ng tatlo taon na nakalipas, natapos ni Ethan ang pangalawa niyang kurso habang namamahala ng kanilang mga business at ngayon ay isa na siyang ganap na CEO ng Hernandez Company na hanggang ngayon ay nangunguna pa din. Kagaya na lang ng ipinangako niya sa kanyang ama na hindi niya pababayaan ang mga ari-arian nito at sisiguraduhin niyang mananatili ito sa pagiging top. Si Agatha naman ay nakapagtapos na din ng kolehiyo, hindi naging madali sa dalaga ang nangyari at nagkaroon ito ng depresyon, mabuti na lang at gumaling ito. Ng makagraduate ang dalaga ay nagpaalam siya kay Ethan na gusto niyang pumunta sa ibang bansa para do'n magtrabaho, gusto niya kasi tumayo sa kanyang sariling mga paa na hindi nakadepende sa ibang tao. Hindi naman siya pinigilan ng binata at sin
Agatha POV Nagising ako ng madaling araw dahil nakaramdam ako ng uhaw kaya bumangon ako at bumaba sa kusina para kumuha ng tubig. Pagkatapos ay agad din akong umakyat para bumalik sa taas. Napadaan ako sa kwarto nina Uncle at Mama kaya dahan dahan kung binuksan ang pinto nito at pumasok. Naalala ko kung paano ko nakita dito sa kama ang wala ng buhay na ina ko, halos gumuho ang mundo ko ng sinabi ng doctor na wala na si Mama. Hindi ko alam kung kaya kung mabuhay na wala na siya sa tabi ko pero hindi ako sumuko dahil gusto kung maging proud sa akin si Mama. Kahit na nahihirapan ako sa pagkamatay niya ay pinilit ko pa rin makapagtapos ng pag aaral sa kurso na gusto ko, laking pasasalamay ko din kay Ethan dahil hindi niya ako iniwan no'ng panahon na gusto ko ng sumuko. Agad akong lumapit sa cabinet kung saan nakalaga
Ethan POV Alam ko ang iniisip ni Agatha ng magtanong siya kung aalis ba ako ngayong araw. Kailangan kung pumunta ngayon sa opisina dahil may pipirmahan akong mga dokumento at hindi ako kampante na iwan siya dito sa bahay dahil alam kung gagamitin niya ang mga oras na wala ako para makatakas, kaya ang ginawa ko ay nilagyan ko ng pampatulog ang juice na binigay ko sa kanya. Ng mawalan siya ng malay ay dinala ko siya sa kanyang kwarto at kinumutan, binuksan ko din ang aircon para hindi siya mainitan. Naupo ako sa gilid ng kama at tinitigan siya. Pagkatapos ng ilang minuto ay tumayo na ako para lumabas dahil kailangan ko ng umalis, inilock ko ang kanyang kwarto sa labas para hindi makasigurado akong hindi siya makakalabas. Hindi din naman ako magtatagal sa opisina at uuwi din. Ayaw kung gawin ito kay Agatha pero kailangan ku
Agatha POV Naiinis ako sa sarili ko ngayon dahil wala man lang akong magawa. Kung sana ay hindi na ako umuwi sa bahay na ito ay hindi ako nakaranas ng ganito at mas lalong hindi ako makukulong ngayon dito. Minsan iniisip ko na ang laki ng pinagbago ni Ethan ngayon o baka ganito talaga ang ugali niya simula pa lang noon, marahil ay hindi ko pa talaga siya lubusang kilala. I need to find a way para makaalis dito pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula dahil sigurado akong babantayan ako ni Ethan. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganyan siya ngayon dahil dati naman ay maayos kaming nakapag usap bago ako nagpunta ng ibang bansa para magtrabaho. Tumayo ako at naglakad papunta sa bintana at tinanaw ang labas, hindi naman pwedeng tumalon ako dito dahil tiyak na mababalian ako ng buto sa taas nito. Sumasakit talaga a
Ethan POV Isang taon na ang nakalipas ng biniyayaan kami ulit ng isang anak na lalaki at masasabi ko na buo na ang kasiyahan na nararamdaman ko sa buhay dahil may mapagmahal at maalaga akong asawa at sweet na anak. Wala na akong mahihiling pa sa buhay dahil sila lang ay sapat na. Hindi mabibili ng pera ang tunay na kaligayahan na sa pamilya mo lang makikita at mararamdaman. May mga kanya kanya na kaming buhay ngayon. Sina Zey at Marcus ay ikinasal na, ang kapatid kung si Luke ay engage na at ang matalik kung kaibigan na si Gian ay masaya na din sa buhay niya kasama ang asawang si Belle. Sino ang mag aakalang kami ang magkakatuluyan ni Agatha sa huli? Hindi naging maganda ang pagkikita at pagkakakilala namin. Ang dami naming pinagdaanan sa buhay bago namin makamtan ang happily ever after namin, ilang beses kaming pinaghiwalay ng tadhana, ang daming problema ang kinaharap namin at higit sa lahat ay sinubuok ang pagmamahal namin para sa isa't isa at tiwala sa Diyos lalo na ng mamatay
Agatha POV Ilang buwan na ang nakalipas ng maiksal sina Belle at Gian dahil ilang linggo lang matapos na makalabas sila sa hospital ay nagpropose na agad si Gian sa kanya at ngayon ay nasa ibang bansa sila hanggang sa manganak ito. Habang going strong naman ang kaibigan ko na si Zey at Marcus kahit na madalas itong mag away. Samantalang ako naman ay kabuwanan ko na ngayon kaya hindi na ako masyadong naglalabas habang ang asawa ko naman ay mas pinili na sa bahay muna magtrabaho para na din mabantayan at maalagaan kami ni baby. Simula ng malaman ni Ethan ang tungkol sa pagbubuntis ko ay naging protective ito at hindi naman ako nagrereklamo dahil alam kung ayaw niya lang mapahamak kami at maulit ang nangyari sa una naming anak. Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv at kumakain ng prutas ng bigla akong makaramdam ng pananakit ng tiyan ko, no'ng una ay ipinagsawalang bahala ko lang ito pero habang tumatagal ay pasakit ng pasakit. "Manang!" sigaw ko, kaya mabilis na l
Gian POVHalos hindi ako makagalaw dahil sa sinabi ni Ethan sa akin. Hindi ko man lang alam na buntis pala si Belle at ako ang ama ng dinadala niya. Ilang beses ko na siyang nasigawan at pinagtulakan at mas worst pa ay naitulak ko siya kanina.Sumama ako kay Ethan para puntahan si Belle dahil dinala niya daw ito sa emergency room. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa kanilang dalawa. Kaya pala kahit anong pagtataboy ko sa kanya ay nanatili pa din siya dahil may rason siya.Nang makapunta na kami sa tapat ng emergency room ay tinawagan muna ni Ethan si Agatha para tanungin kung nasaan ito at sinabi naman ng asawa niya na nailipat na si Belle sa isang private room kaya do'n na kami dumiretso.Pagpasok namin sa kwarto ay nakita kung nakahiga si Belle habang si Agatha naman ay nakaupo sa gilid ng kama."Anong sabi ng doctor baby?" tanong ni Ethan sa asawa."She is okay now baby, mabuti na lang at medyo malakas ang kapit ng bata." sagot naman ni Agatha.Bumaling n
Belle POV Isang linggo na ang nakalipas ng huli kaming magkita ni Gian, madalas ko din siyang binibisita sa hospital pero hindi ako nagpapakita sa kanya. Ipinagluluto ko din siya ng pagkain at binibigay ito kay Maxine para siya na ang magbigay at huwag ipaalam kay Gian na galing ito sa akin. Palagi lang ako nakaupo sa labas ng kanyang kwarto lalo na kapag walang magbabantay sa kanya. Madalas din dumadalaw dito si Ethan at Agatha, minsan ay sinasama nila ako sa loob at dahil hindi ko naman sila mahindian kaya sumasama ako pero hindi naman ako pinapansin ni Gian, para lang akong hangin sa paningin niya. At ngayon naman ay papasok ako sa kanyang silid dahil tinawagan ako ni Maxine, kailangan niya kasing umalis dahil may meeting siya sa trabaho, sa susunod na araw ay pwede ng makalabas si Gian. Pagpasok ko ay naabutan ko siyang nakaupo sa kanya wheelchair. Agad naman siyang napatingin sa akin. "What are you doing here?" tanong niya. "Tinawagan kasi ako ni Maxine na kung pwede ako muna
Belle POVPapasok ako ngayon sa hospital kung nasaan si Gian dinala, nalaman ko kasi kay Agatha na naaksidente daw ito kaya hindi ako nagdalawang isip na bumyahe agad ditp. Ayaw pa nga sana akong payagan ni Kuya Luke pero nagpumilit pa din ako.Naglalakad na ako ngayon papunta kung saan ang kwarto ni Gian na ibinigay ng nurse na pinatanungan ko. Hindi na ako nag abala pang kumatok at binuksan ko na lang ang pinto. Nakita kung masayang nag uusap si Gian at Maxine na agad din naman napatingin sa akin ng mapansin nila ako."What are you doing here?" tanong sa akin ni Maxine."Bibisitahin ko lang si Gian." sagot ko naman."He is fine kaya pwede ka na umalis.""Hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito kaya wala kang karapatan na paalisin ako." matapang na anas ko.Magsasalita pa sana siya ng pigilan na siya ni Gian. "Okay naman na ako Belle kung 'yan ang gusto mong malaman. Buhay pa naman ako kaya pwede ka na umalis." seryosong turan ni Gian, inaamin ko na nasaktan ako dahil sa pagpapaalis ni
Ethan POVKasalukuyang nasa kwarto na kami ng asawa ko, umalis kasi kaming dalawa kanina kaya pareho kaming pagod na dalawa."Are you sure na hindi ka na kakain baby? Pwede akong magpahanda sa maid." tanong ko sa kanya."Kanina mo pa ako tinatanong niyan at sinabi ko naman sayo na busog na ako." nakangusong sagot niya sa akin."Sinisigurado ko lang at baka mamaya manggising ka na naman dahil nagugutom ka." saad ko."Grabe ka naman sa akin, akala mo naman palagi kitang ginigising. Anyway, baby may sasabihin ako sayo." nakangiting turan ni Agatha.Tininingnan ko naman siya. "What is it?""Eh kasi nitong mga nakaraang araw ay madalas sumasama ang pakiramdam ko eh."Agad naman akong napabangon sa pagkakahiga dahil sa sinabi niya. "Bakit hindi mo sinasabi sa akin? Dapat nagpunta tayo ng doctor para naman mabigyan ka ng gamot." "Easy okay? Natural lang naman ito at isa pa nagpunta na ako ng doctor.""Without telling me?" saad ko."Kahapon lang kasi 'yon eh diba may meeting ka kaya hindi ko
Belle POVSinubukan kung habulin at tawagin si Gian pero hindi man lang siya tumigil sa pagsakay sa kotse at kahit paglingon ay hindi niya ginawa. Kita ko ang labis na galit sa kanyang mga mata. Alam kung iniisip niya na may namamagitan sa amin ni Luke kaya magkasama kaming dalawa.Iyak lang ako ng iyak habang patuloy sa pagtawag sa kanyang pangalan kahit nakalayo na ang kotse niya. Mayamaya pa ay naramdaman ko na lang ang paghila at pagyakap sa akin ni Luke."Enough Belle, baka mapano pa kayo ni baby." anas niya."K-kuya mali ng iniisip si Gian." mahinang sambit ko."I know, I know. Stop crying now dahil makakasama sayo 'yan." pag aalo niya sa akin at iginaya ako papasok ng bahay.Nang makapasok kami ay pinaupo niya ako sa sala at kumuha ng tubig para ipainom sa akin."Everything will be alright Belle, just calm down now. Isipin mo ang bata na dinadala mo. Galit lang si Gian sa ngayon.""S-sana nga." mahinang bulong ko."Parang hindi mo naman alam ang ugali ng lalaki lalo na kapag ga
Gian POV It's been two months simula ng malaman ko na umalis si Belle, sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko talaga siya makita. Alam kung nandito lang siya at hindi siya pumunta ng ibang bansa dahil wala siyang record sa airport. At ngayon ay papunta ako sa Hacienda ng mga Hernandez dahil nalaman kung nando'n si Belle ng minsang marinig ko si Ethan at Agatha na nag uusap. Hindi na ako nag abala pang komprontahin ang mag asawa dahil umalis ka agad ako ng marinig ko ang pinag uusapan nila. Hindi ko sila masisisi kung hindi nila agad sinabi sa akin na alam nila kung nasaan si Belle dahil kasalanan ko naman talaga ang nangyari kung bakit nahantong kami sa sitwasyon na ito, isa lang ang gusto kung mangyari at 'yon ay mabawi ang babaeng mahal ko. Naayos ko na ang problema na meron kami ni Maxine, we already talked at tanggap niya ng si Belle talaga ang mahal ko kaya at hindi na siya but we remain as friends. Nang makarating ako sa hacienda ay mabilis akong bumaba ng kotse at pumas
Luke POVNang makalabas ako ng kwarto ay naabutan ko si Belle na nakaupo sa sala, kagabi ng umuwi ako dito sa Hacienda ay nakita ko siya na nandito sa bahay na ipinagtataka ko. I know her, she is one my brother's friend. Hindi ko lang siya nakausap dahil sa pagod kaya agad akong dumiretso sa kwarto at natulog.Pumunta ako sa kusina para kumuha ng kape at bumalik kung nasaan si Belle. "Nasaan sila Tay Greg?" tanong ko sa kanya."Umalis silang dalawa dahil may kailangan daw silang asikasuhin pero babalik din naman ang mga 'yon mamaya. I never thought na dito ka umuuwi." saad niya."Minsan lang naman ako dito dahil nando'n ako sa ibang business ng pamilya namin." sagot ko sa kanya."Mabuti naman at naisipan mo ng bumalik.""I don't have any choice dahil nakita na ako ni Agatha at Ethan." saad ko."Sabagay, hindi ka titigilan ng dalawang 'yon kapag hindi ka sumama sa kanila."Tiningnan ko naman siya ng seryoso. "How about you? Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.Nakita ko naman ang pag