Ethan POV
Mukhang hindi ko na talaga mababago ang isip ni Luke at hindi ko alam ang gagawin ko dahil kitang kita kung nahihirapan na si Dad, may sakit siya sa puso kaya sigurado akong kapag hindi siya nadala sa ospital ay mapapahamak siya.
"L-luke son hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan, hindi naman ako nagkulang sa inyong magkakakapatid at binigay ko ang lahat ng gusto niyo para hindi niyo." mahinang anas ni Dad.
"Tinatanong mo kung bakit ako nagkaganito? Iyon ay dahil sayo Dad! Ikaw ang sinisisi ko sa pagkamatay ni Mom dahil kung hindi ka lang naging busy sa negosyo ay sana nalaman mong may sakit siya! Marami ka ngang pera pero hindi mo nagawang iligtas ang buhay ng asawa mo!" puno ng hinanakit na saad ni Luke, hindi ko alam na may tinatagong galit pala siya kay Daddy dahil sa pagkamatay ni Mommy.
"Hindi ko alam na ako pala ang sinisisi mo sa pagkawala ng Mommy mo pe
3 years later… Marami ang nagbago sa loob ng tatlo taon na nakalipas, natapos ni Ethan ang pangalawa niyang kurso habang namamahala ng kanilang mga business at ngayon ay isa na siyang ganap na CEO ng Hernandez Company na hanggang ngayon ay nangunguna pa din. Kagaya na lang ng ipinangako niya sa kanyang ama na hindi niya pababayaan ang mga ari-arian nito at sisiguraduhin niyang mananatili ito sa pagiging top. Si Agatha naman ay nakapagtapos na din ng kolehiyo, hindi naging madali sa dalaga ang nangyari at nagkaroon ito ng depresyon, mabuti na lang at gumaling ito. Ng makagraduate ang dalaga ay nagpaalam siya kay Ethan na gusto niyang pumunta sa ibang bansa para do'n magtrabaho, gusto niya kasi tumayo sa kanyang sariling mga paa na hindi nakadepende sa ibang tao. Hindi naman siya pinigilan ng binata at sin
Agatha POV Nagising ako ng madaling araw dahil nakaramdam ako ng uhaw kaya bumangon ako at bumaba sa kusina para kumuha ng tubig. Pagkatapos ay agad din akong umakyat para bumalik sa taas. Napadaan ako sa kwarto nina Uncle at Mama kaya dahan dahan kung binuksan ang pinto nito at pumasok. Naalala ko kung paano ko nakita dito sa kama ang wala ng buhay na ina ko, halos gumuho ang mundo ko ng sinabi ng doctor na wala na si Mama. Hindi ko alam kung kaya kung mabuhay na wala na siya sa tabi ko pero hindi ako sumuko dahil gusto kung maging proud sa akin si Mama. Kahit na nahihirapan ako sa pagkamatay niya ay pinilit ko pa rin makapagtapos ng pag aaral sa kurso na gusto ko, laking pasasalamay ko din kay Ethan dahil hindi niya ako iniwan no'ng panahon na gusto ko ng sumuko. Agad akong lumapit sa cabinet kung saan nakalaga
Ethan POV Alam ko ang iniisip ni Agatha ng magtanong siya kung aalis ba ako ngayong araw. Kailangan kung pumunta ngayon sa opisina dahil may pipirmahan akong mga dokumento at hindi ako kampante na iwan siya dito sa bahay dahil alam kung gagamitin niya ang mga oras na wala ako para makatakas, kaya ang ginawa ko ay nilagyan ko ng pampatulog ang juice na binigay ko sa kanya. Ng mawalan siya ng malay ay dinala ko siya sa kanyang kwarto at kinumutan, binuksan ko din ang aircon para hindi siya mainitan. Naupo ako sa gilid ng kama at tinitigan siya. Pagkatapos ng ilang minuto ay tumayo na ako para lumabas dahil kailangan ko ng umalis, inilock ko ang kanyang kwarto sa labas para hindi makasigurado akong hindi siya makakalabas. Hindi din naman ako magtatagal sa opisina at uuwi din. Ayaw kung gawin ito kay Agatha pero kailangan ku
Agatha POV Naiinis ako sa sarili ko ngayon dahil wala man lang akong magawa. Kung sana ay hindi na ako umuwi sa bahay na ito ay hindi ako nakaranas ng ganito at mas lalong hindi ako makukulong ngayon dito. Minsan iniisip ko na ang laki ng pinagbago ni Ethan ngayon o baka ganito talaga ang ugali niya simula pa lang noon, marahil ay hindi ko pa talaga siya lubusang kilala. I need to find a way para makaalis dito pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula dahil sigurado akong babantayan ako ni Ethan. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganyan siya ngayon dahil dati naman ay maayos kaming nakapag usap bago ako nagpunta ng ibang bansa para magtrabaho. Tumayo ako at naglakad papunta sa bintana at tinanaw ang labas, hindi naman pwedeng tumalon ako dito dahil tiyak na mababalian ako ng buto sa taas nito. Sumasakit talaga a
Ethan POV Mabilis akong lumabas sa kwarto ni Agatha at dumiretso sa kwarto ko para maligo. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at pinatulan ko ang mga sinasabi niya, hindi ko magawa ang magpigil ng makita ko ang katawan niya. Masasabi ko na ang laki ng pinagbago niya matapos ang tatlong taon na pamamalagi siya sa ibang bansa, malayong malayo sa Agatha na una kung nakilala. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa pagkawala ng mom niya at nangako ako na poprotektahan ko sila pero hindi ko ‘yon nagawa. Ang sabi ko sa sarili ko ay aalagaan ko siya at hindi ko hahayaan na masaktan pero isa ako sa nagbigay sakit at sumira sa pagkatao niya lalo na no’ng gabing mangyari ang bagay na ‘yon sa amin. Hindi ko man siya nagalaw pero muntik na kung hindi lang ako nakapagtimpi.
Agatha POV Saglit akong natigilan ng marinig ko ang sinabi ni Ethan. Is he serious? Talaga bang pinapayagan niya na akong umalis? “Magpalit ka na ng damit at huwag kang nagsusuot ng halos labas na ang kaluluwa mo dahil hindi ka naman sa bar nagtatrabaho. Ayusin mo ang sarili mo tulad ng mga babaeng nakapagtapos ng kolehiyo. Kapag may gusto kang bilhin pwede mong gamitin ang card na 'to..” dagdag niya pa. Nakatitig lang ako sa mukha niya ng seryoso. “Why suddenly change your mind Ethan? Did you give up on me already?” pagtatanong ko. Gusto kung malaman kung nagbibiro lang ba siya o hindi. Ngumiti naman ito sa akin pero halatang pilit. “Hinayaan kitang umalis noon Agatha dahil alam kung ‘yon ang kailangan mo at makakabuti sa’yo. Ginawa kitang inspirasyon ko para mas la
Marcus POV Nandito ako ngayon sa opisina at katatapos ko lang pirmahan ang mga dokumento na kailangan para sa bagong itatayo naming branch. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Mommy. “Mom.” anas ko. Ngumiti naman ito sa akin. “How are you son? Masyado kana busy at hindi na kita halos makita sa bahay.” “I’m sorry mom, marami lang talaga akong kailangan pagtuunan ng pansin.” wika ko. Bumuntong hininga naman ito. “It’s been how many months wala pa rin bang nakikitang mapapangasawa mo o kahit ipapakilalang girlfriend mo?" natatawang wika niya. "Mom akal ko tapos na tayo sa bagay na 'yan!" saad ko. "I'm just joking s
Agatha POV Kinabukasan ay nagising ako dahil sa tunog ng phone ko, kanina pa ito ring ng ring pero hindi ko pinapansin dahil antok na antok ako pero mukhang ayaw talaga tumigil ng kung sino man ang tumatawag sa akin. Nakakainis! Bumangon naman ako at mabilis na kinuha ang phone ko para sagutin ang tumatawag. “Hello! Sino ka ba at nambubulabog ka ng tulog.” inis na turan ko ng hindi man lang tinitingnan kung sino ang caller. Narinig ko naman ang pagtawa ng nasa kabilang linya at nakilala ko agad ang boses. “Easy best! Ang aga aga ang init ng ulo mo, meron ka ba?” “Alam mo ba kung anong oras pa lang Zey? 7am pa lang tapos nambwibwisit ka na.” sigaw ko sa kanya. “Duh! Kung nagt