Share

Kabanata 9

Reyna

Walang Lulu, hindi siya dumating.

Sinilip ko muli ang isang ubo na lang na phone, wala rin siyang text. Kapag hindi siya makakapunta, o kapag may business trip at mawawala ng ilang araw, nagsasabi iyon sa tawag o text.

Tsk. Ano ka ba niya Reyna? Ni hindi ngakayo fuck buddies, e! Bakit naman kailangan kang i-update?!

Mas maaga tuloy akong nakauwi kaysa noong mga nakaraan. Naabutan ko na naman tuloy na magbabangayan ang mag-asawa. Wala akong balak pansinin sila kung hindi lang inaambahan ng kamao ni Tiyo Kadyo si Mama.

“Hindi ka tatahimik?!” banta nito kay Mama.

Matapang si Mama, pero pagdating kay Tiyo Kadyo, para siyang plywood na nabasa’t naarawan, marupok. Kita ko ang takot nita sa nakaambang kamao nito.

Tinulak ko si Tiyo Kadyo palayo kay Mama. “Talagang sasaktan mo nanay ko sa harap ko?!”

Mukhang natauhan naman si Tiyo Kadyo. Ang halos nag-aapoy niyang mata ay humupa at kumalma. Binigyan niya si Mama ng huling tingin sa likod ko bago lumipat sa akin ay tuluyan kami iniwan at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status