“Are you okay?” tanong ni Primo.
Kasalukuyan kaming nasa biyahe papuntang Pangasinan. If I am not mistaken, Lake House ang pangalan ng resort na pupuntahan namin para sa business conference. I’m sure of the name, I’m just not quite sure where exactly it is. Hindi pa naman kasi ako nakakapunta ro’n. “I’m just a bit tired. Ang dami ko kasing tinapos kahapon. Parang kulang pa ata ako sa tulog,” mababa ang boses na sagot ko. It’s true. Instead of finishing a lot of things first thing in the morning today, I had decided to finish everything yesterday. Alas kuwatro na nga ata ako ng madaling araw nakatulog. Tapos ay nagising naman ako ng alas seis ng umaga para gumayak na. Alas otso nang sunduin ako ni Primo sa bahay para makabiyahe na kami. Hindi gaya nang unang napag-usapan na sa opisina niya ako pupuntahan. “Anong oras ka ba natulog kagabi?” kunot-noong tanong niya habang nagmamaneho pa rin. “Alas kuwatro ng madaling araw na ata ako nakatulog, o baka mag-a-alas cinco. I’m not sure. Hindi ko na tinignan ang oras pagkatapos kong magtrabaho,” mababa ulit ang boses na sagot ko. Normally ay okay na ako sa isang oras o dalawang oras na tulog. Mahaba na iyon para sa akin. Suwerte na ako kung aabot ng apat hanggang limang oras ang tulog ko sa isang araw. That’s how it was since college days. “What the…” hindi makapaniwalang saad ni Primo. “You know what? Matulog ka na muna sa biyahe,” dagdag pa niya. “That’s my plan, but you’re way too talkative,” giit ko bago ipinikit ang mga mata. Hindi ko na siya narinig na nagsalita. Medyo nagulat pa nga ako at agad na napamulat ng mga mata nang maramdaman na bahagyang humiga ang sandalan ng inuupuan ko. Pinahiga pala talaga niya iyon para maging komportable ako sa pagtulog. Well, he did great, I give him that. Pero hindi pa rin ako mahuhulog sa panghaharot at panlalandi niya sa akin. Even my friends could do the same. Teka, sinong kaibigan ba ang tinutukoy ko? Wala na akong contact sa mga college friends ko. Si Lyn lang ang sobrang malapit sa akin ngayon. Gagawin din ba ni Lyn iyon para sa akin? Hindi ko alam. Siguro naman oo. Hindi ko na pinansin si Primo at pinikit ko na ulit ang mga mata ko. Hindi rin naman nagtagal at nakatulog na ako. Hindi ko alam kung gaano iyon katagal. Basta marahan ko na lang iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ang isang kamay na bahagyang umaalog sa balikat ko. “Stop-over muna tayo. There’s a comfort room here, you might want to freshen up a bit. Bibili rin ako ng puwedeng mainom at makain,” sabi ni Primo nang magising ako. “Yeah, thanks,” maiksing sagot ko na lang. Binuksan na niya ang pinto ng sasakyan tapos ay bumaba na siya. Gano’n din naman ang ginawa ko. Napangiwi pa ako pagkalabas ko nang tumama sa mata ko ang sikat ng araw. Nakakasilaw kasi iyon. Kaya naman nagmamadali akong naglakad papunta sa comfort room. I did my thing, and freshen up a bit just like what Primo said. Saktong pagkalabas ko sa comfort room ay nakita ko siyang naglalakad na pabalik sa sasakyan at may dala pa siyang isang paper bag na may logo ng isang sikat na convenient store. Hindi naman na ako nagdalawang isip na sundan siya tapos ay sumakay na ulit. Napabuntong-hininga pa ako pagkaupo ko. Medyo masakit kasi sa balat ang sikat ng araw. “Here,” ani Primo at inabutan ako ng isang Gatorade, agad ko namang tinanggap iyon. “Thank you,” sabi ko tapos ay agad na binuksan ang takip at uminom. Pagkatapos ay muli kong sinara iyon tapos ay inilagay sa drink holder ng sasakyan. “I also bought some sandwiches. Hindi ako sigurado kung ano ang gusto mo kaya binilhan kita ng tatlong flavors,” sabi niya at inabot naman sa akin ang paper bag. Kinuha ko naman iyon at agad na binuksan. There’s a chicken sandwich. Iyon ang napili ko. Hindi rin naman ako malakas kumain para maubos ang lahat ng ito kaya ibinaba ko na lang sa kandungan ko ang paper bag habang kinakain ang sandwich. Baka nga hindi ko rin maubos ang isang pirasong hawak ko ngayon. “How do you feel?” tanong ni Primo nang muling paandarin ang sasakyan, tapos ay nagpatuloy na kami sa biyahe. “Better than earlier,” sagot ko. “Nasaan na tayo?” “Somewhere around in Urdaneta,” sagot niya kaya marahan akong tumango. Nagulat ako at agad na natigilan nang bigla niyang ipasok ang kamay niya sa paper bag na nasa kandungan ko. Pero dala na rin siguro ng gulat ay agad ko siyang nahampas sa ulo gamit ang kaliwang kamay ko na walang hawak. “Ouch! What was that for?” kunot-noong tanong niya sa akin at hinaplos pa ang bahagi ng ulo kung saan tumama ang kamay ko. “I’m s-sorry, I mean, bakit ba kasi basta-basta ka na lang dumadakma? You should’ve told me that you want some! Paano kung—” hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko kasi naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko at ang bahagyang hiya. “Paano kung?” tanong niya at ngumisi pa. “Paano kung iba ang nadakma ko?” pagtutuloy pa niya. Napasinghap naman ako at napanganga. Hell, yes! That’s what I was about to ask. Hindi ko na nga tinuloy pero sinabi pa ng loko. “Stop being so annoying and just drive!” singhal ko naman, mahina siyang humalakhak dahil doon. “Don’t worry, Aliyah. Like I said, I won’t do things you won’t like. Not yet…” makahulugang wika naman niya. Kinuha ko ang paper bag na nasa kandungan ko tapos ay hinagis ko iyon papunta sa kandungan niya. Muli na naman siyang natawa kahit pa para sa akin ay wala namang nakakatawa. Pagkatapos naman no’n ay wala nang nagsalita sa amin. Tahimik na lang akong kumain habang nasa biyahe, at gano’n din naman siya. “Can I ask a question?” tanong niya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. “Basta maayos ang tanong,” wala sa sariling sagot ko habang nakatingin sa kahabaan ng daan. “Do you have any other ex-boyfriend aside from Jeric?” bahagya akong natigilan dahil sa tanong niya, napalingon pa ako sa kanya at nakita ko na seryosong-seryoso ang mukha niya. “Bakit… mo naitanong?” mahinang tanong ko pabalik. “Nah, I’m just curious,” aniya, muli na naman akong napabuntong hininga bago marahang tumango. “Yes, I had quite a lot,” sabi ko at mahina pang natawa. “Alam mo na ang tungkol kay Youan, hindi ba?” “Youan Del Valle, yes,” sagot niya. “Sino pa?” “James Reynolds? Half Filipino and Half American. Pinakilala sa akin ni Dad. We lasted for two months and… wala na,” sagot ko. Hindi ko maintindihan kung bakit parang ang dali sa akin na magkuwento sa kanya tungkol sa ganitong mga bagay. Hindi ko pa naman talaga siya kilala. “Sino pa?” tanong ulit niya. “Vander Cruz, nag-iisang anak ng may-ari ng V. Hotels,” sagot ko. “Pinakilala rin sa akin ni Dad, but that guy just wanted to get into WGC. Noong may share na sila, nalaman ko na engage na pala ang loko.” Bahagya akong natigilan nang maalala na may isang bagay pang ginawa si Vander na hindi ko nagustuhan. I will never forget that day… pero wala naman akong lakas ng loob na ikuwento kay Primo iyon. “Hindi ba nagba-background check ang Dad mo bago ka ipakilala sa mga lalaki?” tanong niya, nagkibit naman ako ng balikat. “Dad wants to see me settle down. Gusto niya na mapunta ako sa lalaking kahit na medyo bata pa ay may napatunayan na. Madali lang ding makuha ng iba ang loob niya. Kaya siguro gano’n,” sagot ko naman. “Ano naman ang naramdaman mo noong nalaman mo na niloloko ka ng mga lalaking iyon?” tanong ulit niya. “I’m not sure. Disappointed, maybe?” patanong na sagot ko. “Medyo mabigat sa dibdib sa simula. Pero ilang araw lang okay na. It’s not like I really love them. Siguro nagustuhan ko rin sila at one point, pero sigurado rin nagustuhan ko lang sila kasi gusto sila ni Dad para sa akin.” Mapait akong napangiti dahil sa naisip. Sadly, nasa punto na ako ng buhay ko na hindi na ako naniniwalang may darating pa para mahalin ako. Masyado pa akong bata para sa ganitong mindset, pero pagkatapos ng lahat ng nangyari ay nagsawa na lang ako. “Bakit hindi ka makahindi sa Dad mo? I mean, it’s not wrong to make your own decisions. Decisions that will make you happy…” makahulugang saad niya. Hindi ako makapaniwala na ganito kaseryoso ang usapan namin. Sa mahigit isang linggong nakilala ko siya, kapag nakakasama ko kasi siya ay puro lang siya kalokohan at panghaharot. May sense din naman pala siyang kausap minsan. “The last thing that I want to do is to disappoint them. Siguro nga sobra ang ginagawa ko, but it is what it is. Bakit, ikaw ba okay lang sa ’yo kapag na-disappoint mo ang mga magulang mo?” sagot at pagbabalik ko sa kanya ng tanong. “Bata pa ako nang iwan kami ni dad. Wala kaming ibang pamilya ni mama at halos tatlong trabaho na ang sina-sideline niya para lang mabuhay kami at mapag-aral niya ako. And, when I was in high school, my mom died because she was hit by a raging car. Worst, I found out that the man pulled some strings to cover up his crime. Pero hinayaan ko na. Pinagpasa-Diyos ko na lang ang nangyari,” pagkukuwento niya. Nalaglag naman ang panga ko dahil sa narinig. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano magre-react. “I’m… I’m sorry,” may halong lungkot na sabi ko pero ngumiti lang siya. “Wala na iyon. Masyado nang matagal. I’m fine,” sabi niya. “Pero ang pangyayaring iyon ang dahilan kung bakit nagsikap ako. Iyon ang dahilan kung bakit ginusto ko na maging abogado. Also, I have rich and supportive friends. Nagpapabayad ako sa kanila at ipanggagawa ko sila ng assignments at projects. That’s how I survived during high school. Noong college, nag-working student ako. Masaya naman ako sa mga narating ko na sa buhay, so far,” nakangiting pagkukuwento pa niya. Hindi ko naman maiwasan ang sarili na hangaan siya. He’s been through a lot. Ang akala ko ay galing siya sa mayamang pamilya. Pero lahat pala ng meron siya ay dahil sa sarili niyang pagsisikap. “I honestly thought that you came from a rich family,” bulong ko. “Mayaman ang Dad ko,” sabi niya tapos ay tumango pa. “Pero hindi namin tinanggap ni mama ang suporta na gusto niyang ibigay. Even when mom died, I stood by her decisions. Kahit na sobrang hirap na. Three years ago, I found out that my old man had a cardiac arrest. He didn’t survive. Nakakalungkot kasi inalagaan ko ang galit, hindi ko hinayaan na makabawi at makapagpaliwanag siya sa akin. He also left me quite a hefty amount on his last will. Pero wala akong tinanggap,” mahabang dagdag pa niya. “What’s going to happen to the money, then?” kuryosong tanong ko. “I’m going to give it to charities who helps people that are in need,” sagot niya. Napahanga na naman ako dahil sa narinig. Pakiramdam ko ay nababaliw na ako. Sa isang banda, iisipin ko na okay at mabuti talaga siyang tao, pangalawa, babawiin ko at iisipin na may balak siya. Tapos ngayon naman napapahanga na naman ako dahil sa mga naririnig mula sa kanya. Hindi ko na talaga alam ang iisipin ko tungkol sa kanya.Nang makarating sa resort ay dumiretso muna kami sa convention hall kung saan gaganapin ang business conference. Nagsisimula na nga ang event, at may mga kilalang personalidad na sa mundo ng business ang nagsasalita sa stage. Nakahanap naman kami agad ni Primo ng puwesto, tapos ay magkatabing umupo. Abala ako sa pakikinig kunware sa nagsasalita kahit na wala naman akong maintindihan. Iniisip ko pa rin kasi ang mga napag-usapan namin ni Primo sa sasakyan niya. Hindi ko talaga inakala na napakalungkot pala ng mga nangyari sa kanya. Ang dami na niyang pinagdaanan pero ngayon ay ngumingiti siya na parang ang saya lang ng lahat. Napakalakas niya. Feeling ko kung sa akin nangyari iyon, baka hindi ko kinaya. It’s either nabaliw na ako o baka nawala agad sa mundo. Hindi ko alam. Madalas ay nadi-disappoint ako sa mga desisyong ginagawa ko, nagagalit sa sarili kasi hindi lahat ng gusto kong gawin ay nagagawa ko, laging nakabase iyon kay Dad at sa kung ano
“How’s that?” nakangising tanong sa akin ni Primo pagkapasok namin ng hotel room. We’re done for today. Bukas na ulit ang susunod na conference. Magsisimula iyon ng alas otso ng umaga hanggang alas onse, tapos ay may libreng lunch ulit pagkatapos. “Did you see his face?” natatawang tanong ko bago ibinagsak ang sarili ko sa malambot na kama. “That was awesome, Attorney. Grabe nakakatawa!” masayang dagdag ko pa. Oo, tuwang-tuwa ako nang makita ang napapahiyang mukha ni Jeric. Hindi naman sa bitter ako, pero napakatamis lang na kahit na papaano ay nakaganti ako. Tumagal lang kami ng isang buwan ni Jeric. Simula noong maging kami, unang araw pa lang ay wala siyang tigil kaka-request na may mangyari sa amin. Of course, I’m not a fool to immediately do that. Akala ko noong una ay understanding kasi hindi naman talaga siya namimilit. He’ll just simply ask for it. At kapag humindi ako ay nagkikibit na lang siya ng balikat. But a
Napabuntong-hininga na lang ako habang naiinip na nakikinig sa mga walang kuwentang kuwento ni Aryan. Kasama kasi namin sila ni Primo sa table. It’s already eight in the evening. Katatapos lang namin halos mag-dinner at umiinom naman sila ng alak ngayon. Aryan was right, her father set-up a barbecue party for everyone after dinner. Ako naman ay hindi umiinom. Hindi ko gusto ang lasa ng alak. Napilitan lang ako na tumambay rito kasama sila dahil nandito si Primo. Sa totoo lang ay gusto ko nan gang bumalik sa hotel room namin, eh, mag-check ng mga email proposal o kahit na matulog na lang. Maliban kina Aryan at Jeric ay may iba pa kaming kasama sa table na halos kasing edad lang din namin. Mga batang businessman, o kung hindi kaya ay anak ng mga businessmen na nandito rin. “And then, an international brand for a clothing line offered me a slot on their upcoming big event. Sabi ko, kung hindi ako ang highlight ay ide-decline ko ang offer nila. Kaya pin
Hindi ko alam kung hilo o antok ba itong nararamdaman ko. Mabuti na nga lang at nandito si Primo para alalayan ako hanggang sa makarating na kami sa hotel room. Ang sarap ng alak na binigay sa akin, pero ganito pala ang tama no’n. Siguro dahil nga hindi naman talaga ako umiinom. Marahil ay gano’n na nga. Huminga ako ng malalim habang nakapikit pa rin nang maramdaman ang malambot na kama sa likod ko. Finally! Sigaw ko sa sa isip ko. Kanina ko pa kasi talaga gustong humiga. Pero hinintay ko na si Primo mismo ang mag-aya sa akin na bumalik na sa hotel room dahil nga hindi ko naman gustong isipin ng mga kasama namin sa table na kinokontrol ko siya sa mga desisyon niya. I mean, I just don’t get why I’m making such a big deal out of it. Hindi naman talaga kami. Nagpapanggap lang kami. Siguro rin ay gusto kong ipakita kina Jeric at Aryan na ‘perfect relationship’ ang meron kami ni Primo. “Hindi mo na dapat ininom ang binigay sa
As usual, nainip na naman ako sa conference. They were actually talking about some things that they already tackled on their previous conference. Kaya naman tahimik lang ako na nakatingin sa may entablado. Kunware ay nakikinig ako, kahit na ang totoo ay walang ibang laman ang isip ko kung hindi ang nangyari kagabi, at kaninang umaga. Wait, what stage are we in right now? MU na ba? I mean, did I just give him the right to flirt with me? Hindi ba malanding ugnayan ang ibig sabihin ng MU? Gano’n na ba kami? Hindi ko alam! At wala akong lakas ng loob na magtanong sa kanya. Kasama pa rin naman namin sa table sina Jeric at Aryan, maging ang mga iba pa naming nakasama sa table sa barbecue party kagabi. Ngayon ko lang nalaman na Luna pala ang pangalan nung babae na nagbigay sa akin ng alak. Luna is actually fun and easy to be with. Okay siya kumpara kay Aryan. Nalaman ko rin na may isa siyang maliit na at kasisimula pa lang na negosyo kaya siya
“Do you want to stay here until tomorrow?” tanong ni Primo habang nasa loob na kami ng hotel room namin. Nakaupo siya sa kama at nakasandal sa headboard, ako naman ay nakaupo rin sa kama pero nasa bandang dulo naman. “Puntahan na natin iyong mga kaibigang sinasabi mo, tapos umuwi na siguro tayo. Marami rin kasing trabaho ang naghihintay sa akin sa opisina,” mababa ang boses na sagot ko naman, mahina siyang napabuntong hininga bago tumango. “I made the situation worse, didn’t I?” tanong niya, ngumiti naman ako bago umiling. “You did the right thing, Attorney. Deserve nila iyon,” sagot ko naman. “Medyo nagwo-worry lang ako sa magiging reaction ni Dad. Alam mo na…” Tumango naman siya. “Ako na ang magpapaliwanag ng lahat kay Tito,” saad niya. “Alright, ayusin na natin ang mga gamit natin para makaalis na tayo.” Sinunod ko naman ang sinabi niya. Halos sabay pa nga kaming tumayo mula sa pagkakaupo sa kama para maa
Siguro ay nanatili kami sa bahay nila Nanang at Tatang ng halos dalawang oras. Nakipagkuwentuhan lang kami. Masaya silang kausap, hindi rin nauubusan ng kuwento at nakakatuwa kasi sobrang init ng pagtanggap nila sa amin. Nabanggit din ni Primo na magbabakasyon daw kami sa Isla Amara sa mga susunod na araw, hindi pa raw sigurado kung kailan ang exact date, pero sigurado naman daw na pupunta kami ro’n. Medyo nakakalungkot kasi mga bandang alas kuwatro ay nagpasya na kaming umalis. Hindi na namin nahintay sina Mario at Luigi kasi masyado raw silang abala sa trabaho. Nalaman ko na pareho pala silang nagma-manage ng isa sa mga businesses ng mga Montealegre rito sa Pangasinan kaya hindi nakakapagtaka na abala talaga sila masyado. Habang nasa sasakyan naman at biyahe pauwi ay tahimik lang akong nakikinig sa mga pandadaldal at kuwento ni Luna. Hindi ko alam pero feeling ko kasi ay pagod ako ngayong araw kahit na wala naman akong masyadong ginawa.
“Good morning, Miss,” nakangiti at masayang bati sa akin ni Lyn nang makita niya akong papasok na sa opisina ko, tumayo pa siya mula sa swivel chair niya. “Good morning, Lyn. Kumusta ang nanay mo?” bati at tanong ko rin naman sa kanya. “Okay na siya, Miss. Thank you nga pala ulit sa leave. Bakit pala nandito ka na? Hindi ba dapat mamaya pa ang uwi niyo at bukas pa ang pasok mo?” tanong naman niya tapos ay sinabayan ako papasok sa opisina ko. “Umuwi na kami ni Attorney kahapon, may hindi kasi magandang nangyari sa conference,” sagot ko naman. “So totoo iyong article sa website na scandalmongeringbeshy, Miss?” kunot-noong tanong niya, nakakunot ang noo ko nang umupo sa swivel chair ko tapos ay agad akong nag-angat ng tingin kay Lyn. “Anong article?” tanong ko pa. Hindi naman siya sumagot. Inilabas niya ang cellphone niya na parang may hinahanap, tapos nang makita iyon ay agad niyang inabot sa akin. Hindi naman
They say that time has always been the state of mind, which means when we want it to go fast, it slows down and vice versa. Pakiramdam ko ay totoo iyon. Sobrang bilis kasing lumipas ng oras sa bawat araw na kasama ko si Primo. It’s been more than five years since we got married and built our own family… Siguro ay iisipin ng iba ng sobrang tagal na naming magkasama at mag-asawa, pero para sa amin ni Primo ay maiksi pa ang mahigit limang taon. We still have a lot of time together. At hindi ako magsasawa na siya ang kasama ko, at ang mga anak namin. “Priyah, Pierre, stop running too fast, please!” pakiusap ko tapos ay medyo napangiwi pa at agad na napahawak sa tiyan ko. “Are you okay?” mahina pero may halong pag-aalala na tanong ni Primo sa akin. Kasalukuyan kaming nasa isang park at nagpi-picnic. It’s actually Sunday, and it’s our family day. Ganito na ang nakasanayan naming gawin tuwing linggo, lalo pa’t busy hanggang saba
Hindi ako mapakali at parang isang baliw na naglalakad ng pabalik-pabalik habang ang asawa kong si Aliyah, ay nasa loob ng delivery room at kasalukuyang nagle-labor. It’s been more than a year since we got married. Malinaw pa rin sa ala-ala ko ang lahat. Pagkatapos ng kasal namin ay nanatili pa kami ng tatlong araw kasama ang ilang kaibigan at pamilya sa Isla Amara. Pagkauwi naman namin ay agad kaming lumipad kinabukasan papunta sa Maldives para doon mag-honeymoon. It was actually a sponsored trip given to us by Youan and his wife, Alison, Aliya’s twin sister. Wedding gift daw nila sa amin. We stayed on Maldives for over a month, without thinking of anything but ourselves. Ipinagkatiwala talaga namin ang mga trabaho at kompanya sa mga malalapit sa amin. Ipinagkatiwala ko ang firm ko kay Attorney Marcus, at pansamantala namang bumalik ang dad ni Aliyah sa WGC at tinulungan din siya ni Lyn. Iyon ang naging pasya namin kasi desidido kami na makabuo
Napangiti ako habang nakaupo at nakatingin sa sarili ko sa salamin, si Luna naman ay hindi rin maalis ang masayang ngiti sa mukha habang nilalagyan ako ng light na makeup. Huminga pa ako ng malalim dala ng konting kaba na nararamdaman. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako, o excited o ano. Ni hindi ko nga rin alam na puwede palang magsabay-sabay at maghalo-halo ang gano’ng mga pakiramdam. I mean, today’s our wedding day! Parang kailan lang mula nang mangyari ang lahat. Parang kailan lang ay… nasasaktan at nadi-disappoint ako dahil sa mga panloloko sa akin. Pero heto ako ngayon… nahanap na rin sa wakas ang tamang tao para sa akin at wala akong ibang maramdaman sa araw-araw kung hindi ang saya. “Ikaw Luna, hindi ka sumabay kay Attorney Marcus sa pagpunta rito! Hindi mo pa rin siya sinasagot at pinapatawad? I mean, ilang buwan na rin ang nakakalipas mula nang mag-away kayo, ilang buwan na rin siyang nagro-sorry at nanliligaw, hindi ba?” mahabang wika ko kaya na
Mataman kong pinagmasdan ang mga larawan na nasa screen ng laptop ko tapos ay biglng humigpit ang hawak ko sa ballpen dala ng galit na nararamdaman. Ito kasi ang larawan ng pamilya na gusto kong sirain at hilain pababa. Sila ang mga tao na gusto kong saktan ar pahirapan, kasi iyon ang ginawa nila sa akin. Gusto kong ibalik ng doble sa kanila ang lahat ng mahihirap na pinagdaanan ko. For the past years, I tried my hardest to be successful so I could get even. They might not know me, but I consider them as my enemy. Mula noon ay lagi ko nang sinasabi sa sarili na sa bawat luha na lumabas sa mga mata ko, at sa bawat sakit at hirap na pinagdaanan ko, ay dobleng parusa ang mararamdaman nila… na sasaktan ko sila ng tagos sa kaluluwa at sagad sa buto. Bakit ganito ang galit ko sa kanila? Well… I was in high school when mom got caught in a car accident. Sinabi ng pulis na kausap ko na hindi raw nahuli ang may sala. But just when I was about to go home, I heard them talking while holding
I couldn’t contain my happiness! I mean, masaya ako kapag sinasabi ni Primo na magiging mag-asawa rin kami, na pakakasalan niya ako at kung ano-ano pa. Pero labis pa sa labis ang saya na nararamdaman ko ngayong engaged na talaga kami. “I’ve been wanting to propose to you for quite some time now, pero hinihintay ko talaga itong singsing na pina-customize ko pa,” may halong lambing na saad niya habang nakaupo pa rin kami sa damuhan, sa tabi ng puntod ng mama niya. Napangiti naman ako dahil sa narinig. Ito pala ang sinabi niya nung isang araw sa harap ng mga magulang ko na hinihintay niya. Sigurado ako na magiging masaya sina mom at dad kapag nalaman nila ito. Hindi ko nga lang alam kung… good timing ba na sabihin na agad sa kaibigan kong si Luna lalo pa’t alam ko na may pinagdadaanan siya ngayon. But Luna’s kind and very considerate. Kita niyo? Ni hindi nga agad nagsabi ng problema sa akin kahit pa mabigat din ang pinagdadaanan niya dahil alam niya na may mga problema rin akong hin
Nang makabalik kami sa condo niya ay dumiretso na rin kami sa kuwarto. Agad ko namang ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama at napabuntong hininga. Pakiramdam ko ay nakakapagod ang gabing ito kahit na wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang makinig lang kay Luna sa pagkukuwento niya sa akin ng mga nangyari sa pagitan nila ni Attorney Marcus kung kaya’t medyo matagal siyang hindi nagparamdam sa akin. “Sinabi sa ’yo ni Marcus ang lahat?” tanong ko na may halong pagtataka, ngumiti naman si Primo na kasalukuyang hinuhubad isa-isa ang suot na damit bago tumango. “He’s stupid,” aniya at mahina pang natawa. Napanguso naman ako dahil sa narinig. Para sa akin ay mali naman talaga si Marcus, pero mukhang natauhan naman na siya lalo na’t sobrang sincere niya sa paghingi ng sorry kay Luna kanina. Malamang ay pinagsabihan na siya nitong si Primo. “Oo nga pala, tatawagan ko muna si mom para makapagpaalam na dito ako matutu
“Wake up, sleepyhead…” marahan kong iminulat ang mga mata ko nang marinig ang malambing na bulong na iyon. May mainit ding hininga na dumadampi sa kaliwang tenga ko na nagdudulot ng ibayong kiliti sa akin. Una ko namang nakita ang nakangiting mukha ni Primo. “What? Natutulog ang tao, eh…” kunware ay reklamo ko kahit na kinikilig ako sa ganitong sitwasyon. “Hindi ba’t magkikita kayo ni Luna ng 7:00 PM? It’s already six…” malambing na bulong pa niya. Agad akong napa-upo sa kama dahil sa narinig. Napalingon pa ako sa wall clock at nakitang alas seis na nga ng gabi. Goodness! Hindi ko namalayan na napasarap pala ang tulog ko. Sobrang gaan lang kasi sa pakiramdam ang matulog sa tabi niya, habang yakap niya ako. “Bakit hindi mo ’ko ginising agad?” may halong paninisi na saad ko at mabilis na tumayo, mahina na naman siyang napahalakhak dahil doon. “Kaninang alas cinco pa kita ginigising,” sagot naman n
Lumipas pa ang mga araw at hindi pa rin talaga nagpaparamdam sa akin si Luna. Sobra na talaga akong nag-aalala sa kanya dahil nga hindi naman siya ganito. Tapos ay hindi ko pa siya ma-contact kasi ay ilang araw na ring unattended ang phone niya. Hindi tuloy ako makapag-focus sa trabaho ko. Hindi ko naman alam kung saan siya nakatira. Sana pala ay tinanong ko siya noon, para kapag may ganitong nangyayari ay madali ko siyang napupuntahan at nakakausap. Sa huli ay napabuntong hininga ako at nagpasyang pilitin na lang na magtrabaho. Ilang sandali pa, habang nakaharap ako sa laptop ko ay tumunog ang cellphone ko na nakapatong lang din sa office table. Nang tignan ko iyon ay napansin kong si Luna ang tumatawag kaya naman halos magkumahog pa akong abutin iyon para masagot ang tawag niya. “Hello, Luna?” bati lo. “Uy, bes! Nakaka-abala ba ako?” agad na tanong niya. “Gaga ka ba? Ilang araw kang hindi nagparamdam tapos iyan ang itatanong mo? Yo
Gaya nang sinabi ko ay sinubukan kong tawagan si Luna pagkatapos kumain, ang kaso ay un-attended ang phone niya. Kaya naman nag-iwan na lang ako ng mensahe sa mga social media accounts niya, at sa number niya mismo na tawagan niya ako agad kung may problema man siya. Iyon nga lang, lumipas ang mga araw na wala pa rin siyang paramdam sa akin na siyang nakakapagtaka. Although naging okay naman na ang lahat, at humupa na ang tungkol sa malaking issue na kinasangkutan ko ay sa kaibigan ko naman ako nag-aalala. Iniisip ko na lang na baka masyado siyang abala sa negosyo niya. Sa kasalukuyan ay nandito ako sa opisina ko at inaabala na lang ang sarili ko sa trabaho. Habang abala na nakaharap sa laptop ko ay may kumatok sa nakasarang pinto ng opisina, napangiti nga ako sa pag-aakalang si Primo iyon pero nang magbukas iyon ay si Lyn ang pumasok. “Miss, may bisita ka!” nakangiting wika niya kaya tipid na lang akong ngumiti at tumango. “Si Luna ba? Papasukin