Amber's Pov NAGLILINIS ako ng maliit na apartment ko nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok. Sandali kong binitawan ang hawak kong basahan at saka tumayo. Kunot-noo akong naglakad papunta sa pintuan. Wala naman kasi akong inaasahan na bisita dahil may pinuntahan si Zeus ngayong araw. May aasikasuhin daw ito. Gusto niya akong sumama pero tumanggi ako dahil mas gusto kong dumito muna sa bahay. Gusto kong mag-relax muna dahil dalawang linggo na lang ay ikakasal na kami nito. Last week ko na rin kasi dito sa apartment dahil uuwi na ako sa Tagaytay para sa nalalapit na kasal namin. "Sino ba itong kumakatok at parang madaling-madali?" tanong ko sa aking sarili habang papalit sa pinto. Isang babaeng hindi ko pa nakikita kahit kailan ang napagbuksan ko ng pintuan. Nagmukha akong mutsatsa sa harap nito. Nakaka-intimidate kasi ang kagandahan nito. "Y-Yes?" nauutal na sabi ko. "Ikaw ba si Amber Agustin?" mataray na bungad nito sa akin. "A-Ako nga! Do I know you?" taas kilay na tanon
Amber's PovI smelled the scent of roses. Tuluyan na akong nagising nang maramdaman ko ang mga titig na tila tumatagos sa aking mga buto. "Ze.." wika ko habang unti-unting nagmulat ng aking mga mata. Ang guwapong mukha ni Ze ang namulatan ko. Nakaupo ito sa lapag, nakapatong ang mga braso nito sa kamang kinahihigaan ko habang nakapatong doon ang baba nito. He was staring at me lovingly. At totoo pala iyong naaamoy ko dahil may pumpon ng mga rosas sa may ulunan ko. Hindi ko alam kung anong oras ito dumating kagabi dahil pagkatapos kong umuwi kahapon galing sa Mall ay umiyak lang ako nang umiyak. Nakatulugan ko na nga ang pag-iyak. Pero bago ako tangayin ng pagod at antok ay naisip kong ang unfair ko kay Ze kung maniniwala ako sa iba. Sa gitna ng pag-iyak kahapon hanggang gabi ay na-realized ko na mali ako sa part na iyon. Nangako ako kay Zeus na siya lang ang paniniwalaan ko at walang iba. Bagama't mabigat pa rin ang loob ko na makita silang magkasama, pinilit kong kalmahin ang sari
Amber's PovNang mga sumunod na araw, naging abala na kami ni Zeus. May kaniya-kaniyang nakatoka sa amin na dapat naming gawin. Hanggang sa dumating ang araw ng pag-uwi ko sa Tagaytay. Mauuna na kasi ako do'n at si Zeus ay sa araw mismo ng kasal na lang daw pupunta kasama ang mga kaibigan nito.Bago ako uuwi sa Tagaytay ay okay na lahat, maghihintay na lang kami sa pagdating ng araw na iyon sa buhay namin ni Zeus.Hindi pumayag si Zeus na hindi ako maihatid ng araw na iyon. Inihatid niya ako at doon pa ito natulog ng gabi na iyon. Siyempre walang ganap dahil pareho kaming pagod at isa pa kainuman nito ang pamilya ko.KINABUKASAN ay nagising ako sa masuyong halik sa pisngi ko. Nagmulat ako ng mga mata at bumungad sa akin ang guwapong mukha ni Zeus. Halatang bagong paligo ito dahil bukod sa mabango nitong amoy ay basa rin ang buhok nito. Nanunuot sa ilong ko ang mabangong amoy nito. "Sorry kung nagising kita, baby. Baka mamayang tanghali ka pa magising eh," anito at inalalayan akong m
Amber's PovDumating ang araw ng kasal namin ni Zeus. Ang araw na tila isang sentensya para sa akin. Walang paglagyan ang takot na nararamdaman ng puso ko ng mga sandaling iyon. Kahit tumawag si Zeus kagabi ay tila hindi naging sapat iyon para mawala ang takot sa puso ko. Mapapanatag lang ako kung makikita ko siya. Kung makikita siya ng dalawang mata ko na nakatayo sa harap ng altar at naghihintay sa akin doon. Pero hangga't hindi nangyayari iyon patuloy na lalamunin ng kaba ang puso ko. Pumaparada pa lamang sa harap ng simbahan dito sa Tagaytay ang bridal car na sinasakyan ko ay tila gusto nang bumigay ng mga tuhod ko.Pinagpapawisan na ako ng malapot hindi dahil sa init kun'di dahil sa nerbiyos. Hindi ko na matandaan kung ilang ulit akong nagpakawala ng buntong-hininga. "Amber, may panahon ka pa, sabihin mo na sa kanila, please? Ipabalik mo na lang ang kotse sa atin," udyok ni Ate Alma sa akin.Kasama ko ito sa bridal car dahil ito ang tumatayong maid of honor ko."Amber, please?
Amber's Pov Nang makaalis sila Nanay papunta sa hospital ay nanatili pa muna kami ni Ate Alma sa simbahan ng ilang minuto pa. Hindi siya pumayag pero nakiusap pa ako. Nakiusap ako na baka puwedeng sandaling minuto pa. Ewan ko ba, nababaliw na yata ako kasi kahit napahiya na ako sa harap ng mga tao ay umaasa pa rin ako na baka may Zeus na dumating. Na baka na-late lang siya, na baka inabutan lang ng traffic o baka may nakaalitan lang sa daan. Gusto ko pa ring paasahin ang sarili ko kahit alam kong hindi siya darating. Iyong pakiramdam na ang sakit-sakit na pero nagbabakasakali pa rin akong dumating siya. Iyong katulad sa TV na humahangos na dumating iyong groom. Ayaw ko pang umalis kasi nagbabakasakali ako na mahal niya ako talaga. Pero oras na ang lumipas ngunit wala talaga, walang Zeus na humahangos papasok ng simbahan. Habang nakatingin sa gate ng simbahan ay panay ang pasimpleng kurot ko sa sarili ko. Baka kasi panaginip lang ang lahat ng ito. Baka bangungot lang at hindi lang
Zeus PovNAGISING ako sa pakiramdam na tila may mga matang nakamasid sa akin. Agad akong nagmulat ng aking mga mata kahit pa nga nahihilo pa ako. Namimigat ang buong katawan ko, maging ang ulo ko, hindi pa malinaw sa akin ang lahat. Basta ang natatandaan ko lang may humarang sa sasakyan ko habang binabagtas ang daan papunta sa Tagaytay. Tagaytay? Mabilis akong napabangon nang maalala kong ngayon ang araw ng kasal namin ni Amber. Aalis sana ako sa kama nang ma-realized kong nakatali pala ang mga kamay at paa ko. Pinilit kong makawala sa pagkakatali ngunit sa tuwing tatangkain ko iyon ay pahigpit nang pahigpit ang tali."Huwag mo ng subukan, hindi ka makakatakas diyan, solid wire iyang nakatali sa'yo." Mabilis akong tumingala para tingnan ang taong nagsalita. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita kong si Darius iyon, katabi nito si Margaux. "Surprised?" ngising aso na tanong ni Darius sa'kin. "Anong ibig sabihin nito, Darius?" galit na tanong ko. "Pakawalan mo ako rito, hay*p k
Zeus Pov NASA taxi pa lang ako papunta sa Tagaytay ngunit abot-abot na ang kabang nararamdaman ko. Kanina ko pa tinatawagan ang numero ni Amber pero hindi ito sumasagot. Maging si Ate Alma at Aldrin ay tinatawagan ko na rin pero walang sumagot isa man sa kanila. Kahit kay Jhon na pinsan ni Amber ay nagbakasakali ako ngunit kagaya ng mga nauna, wala rin akong nakuhang reply o chat man lang. "Damn! Answer your phone, Amber!" gigil na sabi ko nang hindi pa rin sagutin ni Amber ang tawag ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong tinawagan ang numero nito at ng pamilya nito. "F*ck! Answer the phone!" Halos maibato ko na ang cellphone ko. Muli kong tinawagan si Amber pero bigo pa rin ako. Si Aldrin naman sana ang tatawagan ko nang mag-ring iyon. Mabilis kong sinagot iyon nang makita kong si Xander iyon. "Hell--" "Where the hell are you?!" bungad nito sa akin. Halos mayanig ang tainga ko sa lakas ng sigaw ni Xander sa kabilang linya. "Where the hell are you, Zeus?!" "Xander, pa
Amber's POV"Umalis ka na, Zeus, parang awa mo na," pakiusap ko. Nang dumating ito kanina ay hindi man lang ako nakaramdam ng tuwa o pananabik. Paano ako matutuwa kung napahiya na ang buong angkan ko sa buong bayan namin? Paano ko magagawang masabik kung galit at hinanakit na ang nararamdaman ng puso ko ngayon. At oo, sinabi niyang nakidnap siya kaya hindi nakarating, pero iyong katotohanan na hindi ito dumating ay sobrang sakit para sa akin. Walang kasing sakit, hindi para sa sarili ko kun'di para sa pamilya ko, lalo na para kay Tatay na siyang pinaka naapektuhan sa lahat. "Zeus, please umalis ka na, umalis ka na lang," pakiusap ko habang walang tigil ang pagtulo ng aking mga luha. Hindi ko siya kayang makita ngayon.Kagaya ko luhaan na rin ito habang nakatingin sa akin. Bakas ang sakit sa mga mata nito. "Baby, wala akong alam sa sinasabi mong paghihiganti. Hindi totoo iyon, walang totoo sa sinabi ni Margaux.""Pero totoong may relasyon kayo, hindi ba? Nakita ko kayong magkasama s
Finale ChapterMonths had passedZeus POVNAKANGITING pinagmasdan ko ang aking asawang si Amber. Tila nawalang parang bula ang pagod ko sa opisina buong maghapon dahil sa tanawing nadatnan ko sa bahay namin. Pinagmamasdan ko lang siya habang dahan-dahang ibinababa sa kuna ang aming anak na panganay, si Zane Anthony. Mula sa puwesto ko ay nakita kong mahimbing nang natutulog ang aming anak. Inayos nito ang pagkakapuwesto ng unan at tinakpan ang bote ng tubig na nasa kuna. Napangiti ako nang masuyong halikan ni Amber ang noo ng aming anak. "I love you, baby Zane." Rinig kong anas nito. Nang hindi na ako nakatiis ay mabilis akong naglakad papunta sa kinaroroonan nito at mahigpit na niyakap sa beywang mula sa kaniyang likuran. Mas lumapad ang mga ngiti ko nang haplusin nito ang braso kong nakapulupot sa katawan nito at kapagkuwa'y dahan-dahang humarap sa akin. "Kanina ka pa?" Tanong nito sa akin. "Hindi naman, baby. Kadarating ko lang," sagot ko rito. "Hmm, kumusta? Napagod ka?" Mal
Zeus's POVOne month later"Bakit ang tagal naman nila?" Aligagang tanong ko sa best man kong si Xander. Kanina pa ako hindi mapakali dahil wala pa si Amber. Kinakabahan ako. Patunay ang pamamawis ng kilikili ko sa sobrang nerbiyos."Ze, kumalma ka nga muna," ani Mommy na nasa kanan ko. "Bakit kasi wala pa sila, 'My," tanong ko. "Hindi pa late ang bride mo, dude! Mas'yado kang atat, mantakin mo ba namang alas tres pa lang ng hapon narito na tayo sa simbaban eh alas kuwatro pa ang kasal ninyo. Hindi siya late, napaaga lang talaga tayo," sabi pa ni Xander."Kinakabahan ako eh," pag-amin ko."Relax, Dude. Amber loves you. Huwag ka ngang praning. Darating si Amber, kasalanan mo rin naman kasi ang aga-aga natin dito kaya feeling mo late na ang asawa mo. Darating iyon, kumalma ka para ka ng suka sa sobrang putla." Tila hindi naman nakabawas ang sinabi nito sa kabang nararamdaman ko. "God, asan ka na ba, baby?" Pinagkiskis ko na ang mga palad kong nanlalamig na kanina pa. "Darating si
Amber's POVMULA sa bintana ng kuwarto ko ay tanaw ko ang mga magulang ko kasama ang mga magulang ni Ze habang nag-iinuman at nagkakantahan. Yes, narito sila kanina pang tanghali. Hindi ko akalain na mamamanhikan si Ze sa akin kasama ang mga magulang nito na labis-labis kong ikinatuwa. Pormal na hiningi ni Ze ang kamay ko sa aking mga magulang. At napagkasunduan namin na isang buwan mula ngayon ang kasal namin ni Ze. Hindi puwedeng bukas na kagaya ng gusto ni Ze dahil kailangan na muna naming kumuha ng mga requirements para sa kasal namin. Na-expire na kasi ang mga kinuha namin noon kaya't panibagong kuha na naman daw. Kaya ko namang maghintay ng isang buwan pa pero si Ze ay atat na atat nang makasal kami. Iginiit pa itong sa Mayor na lang muna bago sa isang buwan ang sa Pari pero ang mga magulang namin ang nasunod na sa simbahan kami ikakasal. Mas naniniwala raw ang mga ito na mas sagrado kung sa dambana ng Panginoon magsusumpaan. Na sinang-ayon ko naman kaagad maliban kay Ze na na
Amber's Pov "Bakit?" malambing na tanong ko kay Zeus nang marinig ko itong suminghot habang nakasubsob sa tiyan ko. Matapos kasi nitong maramdaman ang galaw ni baby sa tiyan ko ay sumubsob na ito roon. "Hey, okay ka lang?" tanong ko habang hinahaplos ang buhok nito. Nag-angat ito ng ulo at nagtama ang mga mata namin. Natatawang pinunasan ko ang mukha nitong basa ng luha. Namumula na rin ang mga mata nito. "Why, hmm?" Masuyo kong hinaplos ang mukha nito. "Para saan ang mga luhang 'to?" "I'm just happy," garalgal na wika nito. "Dahil?" Mataman ako nitong tiningnan. Puno ng pagmamahal ang mga mata nito. "Dahil matutupad na ang pangarap kong magkaroon ng sariling pamilya kasama ka. Isa na lang ang kulang, iyong maging San Diego ang apelyido mo, baby."Matamis ko naman itong nginitian. Inalalayan ko itong makaupo sa kama, sa tabi ko. Nakaluhod pa rin kasi ito sa lapag. "Baby.." "Mas magiging happy ka ba kapag sinabi kong puwede mo na akong pakasalan?" Sandali itong natigilan na
Amber's Pov"Baby, aalis na ako." Mabilis akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Zeus mula sa likuran ko."Aalis ka na?" tanong ko. Nakaramdam ako ng awa para rito nang makita ko ang lungkot sa mga mata nito. Alam ko kung bakit, dahil isang buwan na ang nakakalipas mula ng magkabalikan kami pero nananatiling lihim iyon sa mga magulang ko. Alam ng mga kapatid ko ang tungkol doon at suportado nila ako sa desisyon kong tanggapin ulit si Zeus sa buhay ko. "Yes, I have to go, baby." "Okay ka lang?" sa halip ay tanong ko. Hindi ako kumportable sa nakikitang lungkot sa mga mata nito ngayon. Lumapit ako rito at saka tumaas ang kamay ko papunta sa mukha nito at marahang hinaplos iyon. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa mga mata nito at saka umiling na para bang sinasabi na huwag kong gawin iyon dahil baka makita kami ni Tatay. "Bakit ang lungkot mo?" tanong ko sa napakalambing na boses. Tila nawalan na ako ng pakialam na baka makita kami ni Tatay. Miss na miss ko na kasi ito at hindi
Amber's Pov"Ate!" Bahagya akong napatalon sa gulat nang biglang may nagsalita mula sa likuran ko. "Ano iyan, ha?" "Bakit ka ba nanggugulat?" inis na tanong ko kay Aldrin. Hinarap ko ito at nakita kong ngising-ngisi ang mukha nito habang nakatingin sa tapperware na hawak ko. Pasimple kasi akong kumukuha ng nilutong tinola ni Nanay para ibigay kay Zeus. May sakit pa rin kasi ito nang iwanan ko kanina at gusto ko siyang pakainin ng may sabaw. Tamang-tama dahil may tinola si Nanay pag-uwi ko galing sa bahay niya. "Oy, si Ate, nag-aalaga ng may sakit? Kumusta naman ba? Gumaling naman ba o lalong uminit?" tudyo nito. "Huwag kang maingay baka may makarinig sa'yo!" sikmat ko rito. Tumawa lang naman ito. "Nalagyan na ba ng buntot iyang anak n'yo?" tumatawang sabi pa nito. "Anong buntot? Tao ang anak ko hindi kung ano.""Oh, sige baguhin natin, nalagyan n'yo na ba ng ngipin iyang anak n'yo? Naks, ibang klase din iyang si San Diego eh. Paawa talaga ang gago, ito namang Ate ko marupok ng
Amber's PovNAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ko na may masusuyong haplos sa hanggang balikat kong buhok.Nagmulat ako ng mga mata at saka nagtaas ng tingin. "Z-Zeus!" gulat na bulalas ko.Nagtaka ako nang ito ang mamulatan ko ngunit agad ko ring naalala kung bakit ako narito sa tabi nito."G-Gising k-ka na pala," nauutal kong sabi. Tinangka kong bumangon para makaalis sa pagkakadapa sa katawan nito. Doon na pala ako nakatulog sa ibabaw nito dahil nanginginig ito sa ginaw kagabi. Kagabi ko na-realized na hindi ko pala ito kayang pabayaan na makita sa gano'ng sitwasyon. "Baby..." bulong nito at lalong humigpit ang yakap sa akin. "I miss you." "Bitiwan mo ako," kulang sa diin na utos ko."No! Please, no!" Humigpit lang lalo ang yakap ng mga braso nito sa beywang ko. "Giniginaw pa ako, Baby, please? I need you," pakiusap nito."Z-Zeus, ano ba?" natatarantang sabi ko nang halikan nito ang noo ko. "Pakawalan mo na ako, ano ba?" "Ayaw ko. Dito ka lang, baby. Kailangan ko pa ang init ng
Amber's PovMagaan ang dibdib na ibaba ko ang cellphone ko sa ibabaw ng kama ko kung saan ako nakaupo. Matutulog na sana ako kanina nang tumawag si Ma'am Jacky. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ko ang naging pag-uusap namin ni Ma'am Jacky. Yes, si Ma'am Jacky. Simula kasi ng pumunta siya rito sa bahay ay hindi siya tumigil sa kakatawag sa akin para mangumusta. Para kumustahin ang lagay namin ni baby. Paulit-ulit nitong sinasabi na huwag kong iisipin na ginagawa nito iyon dahil utos ni Zeus. Nilinaw nitong walang kinalaman si Zeus sa ginagawa nito, iginigiit nitong gusto niyang gawin iyon para sa aming mag-ina at gusto niya talagang bumawi.Sa paglipas ng mga araw ay tuluyang naantig ang puso ko kaya't ngayon nga ay tuluyan ko ng ibinigay ang kapatawaran na hinihiling nito sa akin.Aaminin kong sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Parang nawala iyong bigat sa dibdib ko na araw-araw kong dala-dala sa loob ng mahigit apat na taon.Sumandal ako sa headboard ng kama ko at saka in
Amber's Pov"Hingang malalim," paalala ni Ate Alma habang nakaalalay sa akin.Sumunod naman ako rito. Muli akong nagpakawala ng buntong-hininga bago tumuloy sa aming kubo. Mabagal akong naglakad. Muling nanginig ang mga kamay ko nang makita ko si Ma'am Jacky. Pinigilan ko ang sarili kong huwag maiyak nang magtama ang mga mata namin. Mabilis itong tumayo nang makita ako. Mababanaag sa mga mata nito ang samot-saring emosyon habang mabagal na humakbang pasalubong sa akin. Huminto ito ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko. "Amber, Hija.." nanginginig na sabi nito sa mahinang boses. "Amber, pumasok ka sa loob!" Nabigla ako nang lumapit si Tatay at hawakan ako sa braso. "Pumasok ka sa loob!" utos nito. "Jun, pabayaan mo siya," awat ni Nanay rito. "Margi--" "Pabayaan mo si Amber, nag-usap na tayo, hindi ba?" putol ni Nanay sa sasabihin ni Tatay. Isang mabigat na buntong-hininga naman ang pinakawalan ni Tatay bago tumingin sa akin nang mataman. "Tatay..""Nasa loob lang kami ng bahay