Home / Romance / Bakit Ikaw Pa Rin? / Chapter 42 BIPR

Share

Chapter 42 BIPR

Author: GirlonFire28
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Zeus Pov

Maaga akong nagising kinabukasan dahil plano kung ayusin ang paa ng kama na nasira namin ni Amber kagabi. Dahil sa kalibugan ko nasira ko iyon at muntik pa kaming mahuli ng Tatay ni Amber.

Hindi ko napigilan ang mapatawa nang mahina nang maalala ko ang naganap kagabi. Nagkunwari akong binabangungot para hindi kami mahuli ng Tatay ni Amber. Bilib na bilib na sana ako sa acting skill ko kung hindi lang ako nasampal ng Tatay nito. Masakit iyon dahil bigay todo ang lagapak sa pisngi ko.

Hindi ko na lang mas'yadong ininda dahil nanunuot pa rin ang kilig sa puso ko nang mangyari iyon. I can't imagined myself na gagawa ng kalokohan huwag lang mahuli ng Tatay nito.

Pero aaminin kong kakaiba pala iyong excitement kapag gano'n. Iyong ang tatanda na namin pero kailangan pa naming magtago. Iyong ungol na ungol ka na pero mapapamura ka na lang nang mahina kasi nasa kabilang kuwarto lang ang pamilya niya. Iyong tipong pati paghinga ko kailangan kong hinaan sa takot na mahuli.

Pero mamaya u
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (16)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Ang sakit naman, ipaglaban mo naman Ze Ang pagmamahal ni Amber sa iyo
goodnovel comment avatar
Euna Michaella
pgtpos ng yugyugan iyakan nman... at pgtapos ng ungulan angilan nman ng tatay ni baby amber at ni zeus.. kelan kya mgiging msaya c baby amber..
goodnovel comment avatar
Vicky
nasasaktan ako sayo amber ,,, gabii pa naman na baka mugto mata ko nitong papasok bukas .........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 43 BIPR

    Amber's Pov Mugto na ang mga mata ko dahil sa kakaiyak pero ayaw talagang maampat ng mga luha ko. Kanina pa nakaalis si Zeus pero wala akong balak lumabas ng kuwarto ko. Hindi ko napigilan na makaramdam ng sama ng loob kay Tatay. Kung sana tinanggap na lang niya si Zeus, hindi sana iyon aalis at iiwan na naman ako. Muling kumawala ang isang mahinang hikbi mula sa mga labi ko. Umiyak na lang ako nang umiyak dahil iyon na lang naman ang magagawa ko. Hindi ko na kayang pilitin na mag-stay si Zeus sa buhay ko. Nang makaramdam ng antok at pagod ay hinayaan kong makatulog. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog, basta nagising na lang ako sa pakiramdam na parang may mga matang nakamasid sa akin. Kaagad akong nagmulat ng aking mga mata at iginala iyon sa kabuuan ng aking kuwarto, ngunit wala namang tao. Mag-isa lang ako ro'n, pero iyong pakiramdam na may nakatingin sa akin ay naroon pa rin. Muli akong tumingin sa paligid pero wala talaga. Hanggang sa mahagip ng mga mata ko an

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 44 BIPR

    Amber's POV"Ze.." Mahina kong sambit sa pangalan nito. Parang gusto ako nitong tunawin sa pamamagitan ng mga titig nito.Humarap ito nang maayos sa akin at sinapo ang mukha ko. "Bakit umiiyak ka pa rin, hindi mo ba nagustuhan ang surprised ko sa'yo?" Napasinghot naman ako. "Gusto ko, pero naiinis pa rin ako sa'yo kasi akala ko iniwan mo na talaga ako. Na naman," parang batang sabi ko.Tumawa naman ito at nanggigigil na pinisil ang tag kabilang pisngi ko. "Drama lang iyon, baby. Magagawa ko ba naman sa'yo iyon? At isa pa, umalis naman talaga ako ah.""Pero hindi para iwanan ako kun'di para bumili nito," sagot ko sabay lahad ng kamay kong may singsing. Napakagandang singsing, kumikislap iyon sa tuwing matatamaan ng ilaw. "Nagustuhan mo ba ang singsing na iyan, baby?"Humilig ako sa balikat nito. "Oo naman, kahit anong singsing magugustuhan ko pa rin. Hindi naman mahalaga kung anong klaseng singsing eh ang mahalaga ay galing sa'yo, galing sa lalaking pinakamamahal ko."Kinabig ako nit

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 45 BIPR

    Amber's Pov "Baby, huwag na kaya?" Rinig kong sabi ni Ze sa akin. Busy ako sa pag-aayos ng buhok ko. Matapos kasi naming makabalik dito sa Manila ay nakiusap akong bumalik muna sa ZSD Tower para balikan ang trabaho ko ro'n. Isang linggo na rin naman ang nakakaraan at ilang mga papel na lang ang kulang para sa kasal namin nito. Dalawang buwan mula ngayon."Sure ka ba?" paniniguro nito. Nang matapos mag-ayos ng buhok ay nilapitan ko ito. Nakaupo kasi ito sa ibabaw ng kama ko. Yes kama ko, bumalik ako rito sa apartment na kinuha ni Lara dati para sa akin. Hindi muna ako pumayag na magsama kami sa unit nito bilang respeto na rin sa mga magulang ko. At salamat na rin dahil hindi na ito nangulit sa bagay na iyon. Although minsan pumupunta pa rin naman ito dito para umungot na hindi ko naman mapahindian. Gano'n talaga, masherep eh. Pilyang sabi ng maharot kong utak. Hindi ko napansin na napahagikhik na pala ako sa kalandian ng isip ko. "What's funny, baby?" kunot ang noo na tanong nito

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 46 BIPR

    Amber's Pov NAGLILINIS ako ng maliit na apartment ko nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok. Sandali kong binitawan ang hawak kong basahan at saka tumayo. Kunot-noo akong naglakad papunta sa pintuan. Wala naman kasi akong inaasahan na bisita dahil may pinuntahan si Zeus ngayong araw. May aasikasuhin daw ito. Gusto niya akong sumama pero tumanggi ako dahil mas gusto kong dumito muna sa bahay. Gusto kong mag-relax muna dahil dalawang linggo na lang ay ikakasal na kami nito. Last week ko na rin kasi dito sa apartment dahil uuwi na ako sa Tagaytay para sa nalalapit na kasal namin. "Sino ba itong kumakatok at parang madaling-madali?" tanong ko sa aking sarili habang papalit sa pinto. Isang babaeng hindi ko pa nakikita kahit kailan ang napagbuksan ko ng pintuan. Nagmukha akong mutsatsa sa harap nito. Nakaka-intimidate kasi ang kagandahan nito. "Y-Yes?" nauutal na sabi ko. "Ikaw ba si Amber Agustin?" mataray na bungad nito sa akin. "A-Ako nga! Do I know you?" taas kilay na tanon

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 47 BIPR

    Amber's PovI smelled the scent of roses. Tuluyan na akong nagising nang maramdaman ko ang mga titig na tila tumatagos sa aking mga buto. "Ze.." wika ko habang unti-unting nagmulat ng aking mga mata. Ang guwapong mukha ni Ze ang namulatan ko. Nakaupo ito sa lapag, nakapatong ang mga braso nito sa kamang kinahihigaan ko habang nakapatong doon ang baba nito. He was staring at me lovingly. At totoo pala iyong naaamoy ko dahil may pumpon ng mga rosas sa may ulunan ko. Hindi ko alam kung anong oras ito dumating kagabi dahil pagkatapos kong umuwi kahapon galing sa Mall ay umiyak lang ako nang umiyak. Nakatulugan ko na nga ang pag-iyak. Pero bago ako tangayin ng pagod at antok ay naisip kong ang unfair ko kay Ze kung maniniwala ako sa iba. Sa gitna ng pag-iyak kahapon hanggang gabi ay na-realized ko na mali ako sa part na iyon. Nangako ako kay Zeus na siya lang ang paniniwalaan ko at walang iba. Bagama't mabigat pa rin ang loob ko na makita silang magkasama, pinilit kong kalmahin ang sari

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 48 BIPR

    Amber's PovNang mga sumunod na araw, naging abala na kami ni Zeus. May kaniya-kaniyang nakatoka sa amin na dapat naming gawin. Hanggang sa dumating ang araw ng pag-uwi ko sa Tagaytay. Mauuna na kasi ako do'n at si Zeus ay sa araw mismo ng kasal na lang daw pupunta kasama ang mga kaibigan nito.Bago ako uuwi sa Tagaytay ay okay na lahat, maghihintay na lang kami sa pagdating ng araw na iyon sa buhay namin ni Zeus.Hindi pumayag si Zeus na hindi ako maihatid ng araw na iyon. Inihatid niya ako at doon pa ito natulog ng gabi na iyon. Siyempre walang ganap dahil pareho kaming pagod at isa pa kainuman nito ang pamilya ko.KINABUKASAN ay nagising ako sa masuyong halik sa pisngi ko. Nagmulat ako ng mga mata at bumungad sa akin ang guwapong mukha ni Zeus. Halatang bagong paligo ito dahil bukod sa mabango nitong amoy ay basa rin ang buhok nito. Nanunuot sa ilong ko ang mabangong amoy nito. "Sorry kung nagising kita, baby. Baka mamayang tanghali ka pa magising eh," anito at inalalayan akong m

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 49 BIPR

    Amber's PovDumating ang araw ng kasal namin ni Zeus. Ang araw na tila isang sentensya para sa akin. Walang paglagyan ang takot na nararamdaman ng puso ko ng mga sandaling iyon. Kahit tumawag si Zeus kagabi ay tila hindi naging sapat iyon para mawala ang takot sa puso ko. Mapapanatag lang ako kung makikita ko siya. Kung makikita siya ng dalawang mata ko na nakatayo sa harap ng altar at naghihintay sa akin doon. Pero hangga't hindi nangyayari iyon patuloy na lalamunin ng kaba ang puso ko. Pumaparada pa lamang sa harap ng simbahan dito sa Tagaytay ang bridal car na sinasakyan ko ay tila gusto nang bumigay ng mga tuhod ko.Pinagpapawisan na ako ng malapot hindi dahil sa init kun'di dahil sa nerbiyos. Hindi ko na matandaan kung ilang ulit akong nagpakawala ng buntong-hininga. "Amber, may panahon ka pa, sabihin mo na sa kanila, please? Ipabalik mo na lang ang kotse sa atin," udyok ni Ate Alma sa akin.Kasama ko ito sa bridal car dahil ito ang tumatayong maid of honor ko."Amber, please?

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 50 BIPR

    Amber's Pov Nang makaalis sila Nanay papunta sa hospital ay nanatili pa muna kami ni Ate Alma sa simbahan ng ilang minuto pa. Hindi siya pumayag pero nakiusap pa ako. Nakiusap ako na baka puwedeng sandaling minuto pa. Ewan ko ba, nababaliw na yata ako kasi kahit napahiya na ako sa harap ng mga tao ay umaasa pa rin ako na baka may Zeus na dumating. Na baka na-late lang siya, na baka inabutan lang ng traffic o baka may nakaalitan lang sa daan. Gusto ko pa ring paasahin ang sarili ko kahit alam kong hindi siya darating. Iyong pakiramdam na ang sakit-sakit na pero nagbabakasakali pa rin akong dumating siya. Iyong katulad sa TV na humahangos na dumating iyong groom. Ayaw ko pang umalis kasi nagbabakasakali ako na mahal niya ako talaga. Pero oras na ang lumipas ngunit wala talaga, walang Zeus na humahangos papasok ng simbahan. Habang nakatingin sa gate ng simbahan ay panay ang pasimpleng kurot ko sa sarili ko. Baka kasi panaginip lang ang lahat ng ito. Baka bangungot lang at hindi lang

Pinakabagong kabanata

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Finale BIPR

    Finale ChapterMonths had passedZeus POVNAKANGITING pinagmasdan ko ang aking asawang si Amber. Tila nawalang parang bula ang pagod ko sa opisina buong maghapon dahil sa tanawing nadatnan ko sa bahay namin. Pinagmamasdan ko lang siya habang dahan-dahang ibinababa sa kuna ang aming anak na panganay, si Zane Anthony. Mula sa puwesto ko ay nakita kong mahimbing nang natutulog ang aming anak. Inayos nito ang pagkakapuwesto ng unan at tinakpan ang bote ng tubig na nasa kuna. Napangiti ako nang masuyong halikan ni Amber ang noo ng aming anak. "I love you, baby Zane." Rinig kong anas nito. Nang hindi na ako nakatiis ay mabilis akong naglakad papunta sa kinaroroonan nito at mahigpit na niyakap sa beywang mula sa kaniyang likuran. Mas lumapad ang mga ngiti ko nang haplusin nito ang braso kong nakapulupot sa katawan nito at kapagkuwa'y dahan-dahang humarap sa akin. "Kanina ka pa?" Tanong nito sa akin. "Hindi naman, baby. Kadarating ko lang," sagot ko rito. "Hmm, kumusta? Napagod ka?" Mal

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 67 BIPR

    Zeus's POVOne month later"Bakit ang tagal naman nila?" Aligagang tanong ko sa best man kong si Xander. Kanina pa ako hindi mapakali dahil wala pa si Amber. Kinakabahan ako. Patunay ang pamamawis ng kilikili ko sa sobrang nerbiyos."Ze, kumalma ka nga muna," ani Mommy na nasa kanan ko. "Bakit kasi wala pa sila, 'My," tanong ko. "Hindi pa late ang bride mo, dude! Mas'yado kang atat, mantakin mo ba namang alas tres pa lang ng hapon narito na tayo sa simbaban eh alas kuwatro pa ang kasal ninyo. Hindi siya late, napaaga lang talaga tayo," sabi pa ni Xander."Kinakabahan ako eh," pag-amin ko."Relax, Dude. Amber loves you. Huwag ka ngang praning. Darating si Amber, kasalanan mo rin naman kasi ang aga-aga natin dito kaya feeling mo late na ang asawa mo. Darating iyon, kumalma ka para ka ng suka sa sobrang putla." Tila hindi naman nakabawas ang sinabi nito sa kabang nararamdaman ko. "God, asan ka na ba, baby?" Pinagkiskis ko na ang mga palad kong nanlalamig na kanina pa. "Darating si

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 66 BIPR

    Amber's POVMULA sa bintana ng kuwarto ko ay tanaw ko ang mga magulang ko kasama ang mga magulang ni Ze habang nag-iinuman at nagkakantahan. Yes, narito sila kanina pang tanghali. Hindi ko akalain na mamamanhikan si Ze sa akin kasama ang mga magulang nito na labis-labis kong ikinatuwa. Pormal na hiningi ni Ze ang kamay ko sa aking mga magulang. At napagkasunduan namin na isang buwan mula ngayon ang kasal namin ni Ze. Hindi puwedeng bukas na kagaya ng gusto ni Ze dahil kailangan na muna naming kumuha ng mga requirements para sa kasal namin. Na-expire na kasi ang mga kinuha namin noon kaya't panibagong kuha na naman daw. Kaya ko namang maghintay ng isang buwan pa pero si Ze ay atat na atat nang makasal kami. Iginiit pa itong sa Mayor na lang muna bago sa isang buwan ang sa Pari pero ang mga magulang namin ang nasunod na sa simbahan kami ikakasal. Mas naniniwala raw ang mga ito na mas sagrado kung sa dambana ng Panginoon magsusumpaan. Na sinang-ayon ko naman kaagad maliban kay Ze na na

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 65 BIPR

    Amber's Pov "Bakit?" malambing na tanong ko kay Zeus nang marinig ko itong suminghot habang nakasubsob sa tiyan ko. Matapos kasi nitong maramdaman ang galaw ni baby sa tiyan ko ay sumubsob na ito roon. "Hey, okay ka lang?" tanong ko habang hinahaplos ang buhok nito. Nag-angat ito ng ulo at nagtama ang mga mata namin. Natatawang pinunasan ko ang mukha nitong basa ng luha. Namumula na rin ang mga mata nito. "Why, hmm?" Masuyo kong hinaplos ang mukha nito. "Para saan ang mga luhang 'to?" "I'm just happy," garalgal na wika nito. "Dahil?" Mataman ako nitong tiningnan. Puno ng pagmamahal ang mga mata nito. "Dahil matutupad na ang pangarap kong magkaroon ng sariling pamilya kasama ka. Isa na lang ang kulang, iyong maging San Diego ang apelyido mo, baby."Matamis ko naman itong nginitian. Inalalayan ko itong makaupo sa kama, sa tabi ko. Nakaluhod pa rin kasi ito sa lapag. "Baby.." "Mas magiging happy ka ba kapag sinabi kong puwede mo na akong pakasalan?" Sandali itong natigilan na

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 64 BIPR

    Amber's Pov"Baby, aalis na ako." Mabilis akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Zeus mula sa likuran ko."Aalis ka na?" tanong ko. Nakaramdam ako ng awa para rito nang makita ko ang lungkot sa mga mata nito. Alam ko kung bakit, dahil isang buwan na ang nakakalipas mula ng magkabalikan kami pero nananatiling lihim iyon sa mga magulang ko. Alam ng mga kapatid ko ang tungkol doon at suportado nila ako sa desisyon kong tanggapin ulit si Zeus sa buhay ko. "Yes, I have to go, baby." "Okay ka lang?" sa halip ay tanong ko. Hindi ako kumportable sa nakikitang lungkot sa mga mata nito ngayon. Lumapit ako rito at saka tumaas ang kamay ko papunta sa mukha nito at marahang hinaplos iyon. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa mga mata nito at saka umiling na para bang sinasabi na huwag kong gawin iyon dahil baka makita kami ni Tatay. "Bakit ang lungkot mo?" tanong ko sa napakalambing na boses. Tila nawalan na ako ng pakialam na baka makita kami ni Tatay. Miss na miss ko na kasi ito at hindi

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 63 BIPR

    Amber's Pov"Ate!" Bahagya akong napatalon sa gulat nang biglang may nagsalita mula sa likuran ko. "Ano iyan, ha?" "Bakit ka ba nanggugulat?" inis na tanong ko kay Aldrin. Hinarap ko ito at nakita kong ngising-ngisi ang mukha nito habang nakatingin sa tapperware na hawak ko. Pasimple kasi akong kumukuha ng nilutong tinola ni Nanay para ibigay kay Zeus. May sakit pa rin kasi ito nang iwanan ko kanina at gusto ko siyang pakainin ng may sabaw. Tamang-tama dahil may tinola si Nanay pag-uwi ko galing sa bahay niya. "Oy, si Ate, nag-aalaga ng may sakit? Kumusta naman ba? Gumaling naman ba o lalong uminit?" tudyo nito. "Huwag kang maingay baka may makarinig sa'yo!" sikmat ko rito. Tumawa lang naman ito. "Nalagyan na ba ng buntot iyang anak n'yo?" tumatawang sabi pa nito. "Anong buntot? Tao ang anak ko hindi kung ano.""Oh, sige baguhin natin, nalagyan n'yo na ba ng ngipin iyang anak n'yo? Naks, ibang klase din iyang si San Diego eh. Paawa talaga ang gago, ito namang Ate ko marupok ng

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 62 BIPR

    Amber's PovNAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ko na may masusuyong haplos sa hanggang balikat kong buhok.Nagmulat ako ng mga mata at saka nagtaas ng tingin. "Z-Zeus!" gulat na bulalas ko.Nagtaka ako nang ito ang mamulatan ko ngunit agad ko ring naalala kung bakit ako narito sa tabi nito."G-Gising k-ka na pala," nauutal kong sabi. Tinangka kong bumangon para makaalis sa pagkakadapa sa katawan nito. Doon na pala ako nakatulog sa ibabaw nito dahil nanginginig ito sa ginaw kagabi. Kagabi ko na-realized na hindi ko pala ito kayang pabayaan na makita sa gano'ng sitwasyon. "Baby..." bulong nito at lalong humigpit ang yakap sa akin. "I miss you." "Bitiwan mo ako," kulang sa diin na utos ko."No! Please, no!" Humigpit lang lalo ang yakap ng mga braso nito sa beywang ko. "Giniginaw pa ako, Baby, please? I need you," pakiusap nito."Z-Zeus, ano ba?" natatarantang sabi ko nang halikan nito ang noo ko. "Pakawalan mo na ako, ano ba?" "Ayaw ko. Dito ka lang, baby. Kailangan ko pa ang init ng

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 61 BIPR

    Amber's PovMagaan ang dibdib na ibaba ko ang cellphone ko sa ibabaw ng kama ko kung saan ako nakaupo. Matutulog na sana ako kanina nang tumawag si Ma'am Jacky. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ko ang naging pag-uusap namin ni Ma'am Jacky. Yes, si Ma'am Jacky. Simula kasi ng pumunta siya rito sa bahay ay hindi siya tumigil sa kakatawag sa akin para mangumusta. Para kumustahin ang lagay namin ni baby. Paulit-ulit nitong sinasabi na huwag kong iisipin na ginagawa nito iyon dahil utos ni Zeus. Nilinaw nitong walang kinalaman si Zeus sa ginagawa nito, iginigiit nitong gusto niyang gawin iyon para sa aming mag-ina at gusto niya talagang bumawi.Sa paglipas ng mga araw ay tuluyang naantig ang puso ko kaya't ngayon nga ay tuluyan ko ng ibinigay ang kapatawaran na hinihiling nito sa akin.Aaminin kong sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Parang nawala iyong bigat sa dibdib ko na araw-araw kong dala-dala sa loob ng mahigit apat na taon.Sumandal ako sa headboard ng kama ko at saka in

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 60 BIPR

    Amber's Pov"Hingang malalim," paalala ni Ate Alma habang nakaalalay sa akin.Sumunod naman ako rito. Muli akong nagpakawala ng buntong-hininga bago tumuloy sa aming kubo. Mabagal akong naglakad. Muling nanginig ang mga kamay ko nang makita ko si Ma'am Jacky. Pinigilan ko ang sarili kong huwag maiyak nang magtama ang mga mata namin. Mabilis itong tumayo nang makita ako. Mababanaag sa mga mata nito ang samot-saring emosyon habang mabagal na humakbang pasalubong sa akin. Huminto ito ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko. "Amber, Hija.." nanginginig na sabi nito sa mahinang boses. "Amber, pumasok ka sa loob!" Nabigla ako nang lumapit si Tatay at hawakan ako sa braso. "Pumasok ka sa loob!" utos nito. "Jun, pabayaan mo siya," awat ni Nanay rito. "Margi--" "Pabayaan mo si Amber, nag-usap na tayo, hindi ba?" putol ni Nanay sa sasabihin ni Tatay. Isang mabigat na buntong-hininga naman ang pinakawalan ni Tatay bago tumingin sa akin nang mataman. "Tatay..""Nasa loob lang kami ng bahay

DMCA.com Protection Status