“Ano bff tara na?” Tanong ni Kristel kay Jade habang inaayos ang gamit nila sa kanilang locker.
“Hindi naba tayo mag papalit manlamang ng uniporme?” Tanong nito sa kanya. “Siyempre mag papalit no, baka mamaya nandon yung pinsan ni Andy si James ang ultimate crush ng bayan at crush ko hahaha. Gusto ko mapansin nya na ako this time, kaya bilisan mo na ng makapag bihis na tayo.” Kinikilig pang anyaya nito sa kaibigan sabay hila sa kamay nito.Nagmamadali silang sumakay sa kotse ni Kristel at dumiretso sa sariling condo unit nito. At siyempre hindi nanaman siya tinigilan ng kaibigan, inayusan siya at pinahiram ng damit na maisusuot. Halos mag kasing katawan lamang silang dalawa sexy at maganda rin si Kristel morena nga lamang ito hindi katulad niya na maputi ang kutis.“Wow! Napakaganda mo talaga Jade bagay na bagay saiyo ang kulay yellow lalu ka ng namuti. Tssk eh kapag ako nagsuot niyan baka lalo akong mangitim, at sigurado pagtatawanan pa ako ni Andy doon.” Naka ngusong sabi pa nito habang pinag mamasdan ang ka buoan niya.“hay naku! Hayan ka na naman sa pagsesentimyento sa kulay mo ang ganda kaya ng morena. Mas pipiliin ko ang kulay ng balat mo kesa sa’kin aba Pilipinang Pilipina ang kayumanggi hindi ba?” tumatawang pinaglulubag niya ang kalooban ni Kristel.“Sige lang Bff tawanan mo ako” astang nag tatampo pa ito sa kanya kaya naman lalo na siyang napatawa rito.Nang masiguradong ayos na ang kanilang itsura ay may pag mamadali na silang pumunta sa parking lot at muling sumakay sa kotse ni Kristel patungo sa condo ni Andy. Ngunit sa kasamaang palad ay naipit sila sa traffic ang kalahating oras na biyahe ay naging isang oras na kung kaya’t inis na inis si Kristel. Nang marating nila ang parking lot ng building kung nasaan ang condo unit ni Andy ay bahagya pang nag retouch si kristel sa kotse at saka pinakialaman muli ang kanyang mukha na nilagyan ng light make up. Hinayaan niyang naka lugay ang mahabang buhok na medyo kulot ang laylayan.Hindi alam ni Andy na darating si Kristel na kasama si Jade dahil ni hindi manlamang siya binati ng kaibigan ng magkita sila kanina sa ospital. Nagkakasiyahan sila ng ilang kaibigan wala sana siyang planong mag celebrate ngayon ngunit dumating ang makulit na pinsan niyang si James at dala pa ang ilan nilang barkada. Isang oras na ang nakakalipas ng simulan nila ang party, at nakarinig sila ng sunod sunod na katok.“May darating ka pa bang bisita bro?” tanong ni James kay Andy .“Actually no, pero kaya kong hulaan kung sino yang kumakatok na yan hahaha…” biro niya rito at nag tawanan naman ang kasamahan nila. Hindi narin naman kasi lingid sa kaalaman nila na may gusto si Kristel kay James sapagkat tahasan iyong ipinakikita ng dalaga.Dali daling binuksan ni Andy ang pintuan at naghiyawan ang buong barkada ng bumungad si Jade sa kanila. Tulala naman si Andy dahil di niya inaasahan ang kaharap. Nang makarating sa tapat ng pintuan ng unit ni Andy sina Kristen ay agad itong kumatok ng sunod sunod, ngunit di sinasadyang nalagot ang shoulder bag nito at naglalagan ang laman kaya naman agad nitong pinulot ang mga iyon. Siya namang pagbubukas ni Andy ng pintuan at tila ba gulat na gulat ang reaksyon nito ng makita si Jade na nakatayo sa harapan ng kanyang pinto, ganon din ang mga kasama nito sa loob ng unit na tila ba kinikiliti at nag tatawanan pa ngunit bigla ring napatigil ng makita dalaga.Matapos pulutin ang mga gamit na nanlaglag ay agad namang tumayo si Kristel at sinunggaban ng halik sa pisngi ang kaibigang si Andy.“Happy birthday Andz, surprise!” at itinaas pa nito ang hawak na bote ng red wine.“Oh… ah t-thank you. Nag-abala ka pa come and join us.” Nauutal na paanyaya niya sa mga ito.“Isinama ko nga pala ang bff ko I hope its okay lang.” sabi pa nito habang pumapasok sa loob ng Unit nito at hila hila na naman ang kaibigang si Jade.“It’s okay don’t worry, come and let me introduce her to everyone.” At saka ito nag patiunang tumuloy sa munting salas kung saan sila nag-iinuman.Ipinakilala ni Andy sa lahat ng naroroon si Jade halos di naman maalis ni James ang tingin sa dalaga ganoon rin si Harold, at dahil sa hindi naman lingid sa iba ang malalagkit nilang tingin sa dalaga ay nagparinig na si Ella.“Boys ngayon lang ba kayo naka kita ng mala dyosang ganda at ganyan nyo nalamang titigan yang si Jade aba baka matunaw nayan ha!” biro nito at tila napapahiya si Jade kaya itinuon nalamang niya ang kanyang paningin sa sahig .“Halika rito upo ka sa tabi namin huwag kang lalapit sa mga boys baka hindi ka na makauwi ng kompleto sa inyo hahaha.” Segundang biro ni Beth.Agad namang tumalima si Jade lumapit sa kabilang panig ng sofa kung saan naka upo ang dalawang magagandang babae na sina Ella at Beth, sumunod rin naman kaagad si Kristel at tumabi sa kanya. Inabutan sila ng glass wine ni Enzo ang boyfriend ni Beth, ngunit agad na tumanggi si Jade.“Thank you, pero hindi kasi ako umiinom.” Bahagya pa niyang ikinaway ang kanyang kamay tanda ng pagtanggi.“Wine lang yan parang juice promise hindi ka malalasing dyan.” Sabi naman ni Enzo na naka ngiti sa kanya.“ah…eh.. S--sige kayo nalang salamat at pasensya na talaga, hindi ko rin kasi kayang uminom ng mga ganyang wine. Thanks nalang ha.” Pahina ng pahina niyang tugon rito.“Okay lang yan come with me, may juice sa kitchen hindi ko alam ang flavor at timplang gusto mo kaya sasamahan nalang kita.” Anyaya ni Andy sakanya na tila ba hindi pa makapaniwala sa sarili dahil nginitian niya ang dalaga. Agad namang tumayo ang dalaga at sumunod sa kanya halos iisa ang mata na nagkatinginan ang lahat at dumako ang paningin sa dalawang mag kasunod na naglalakad patungong kusina.Nagkakailangan ang dalawa kaya naman walang nangahas na magsalita. Agad na kinuha ni Andy ang apat na flavors ng juice at inilagay sa lamesa bago muling tumalikod kumuha ng yelo, baso at malamig na tubig saka inilapag muli sa lamesa. Samantalang nanatiling nakatayo si Jade sa may pintuan ng kusina at pinapanood ang bawat kilos ng lalaki.“halika rito hindi ako nangangagat kaya pwede ka namang lumapit, pumili ka ng gusto mo at ikaw narin ang magtimpla hindi ko naman kasi alam kung anong papatok sa panlasa mo.” Mahabang litanya nito seryoso na muli ang itsura nito, lumapit si Jade at pinili ang orange powdered juice saka nagtimpla sa baso.“Okay na sa’kin ito Doc. Thank you….ahmnnn halika na sa labas.” At asta siyang lalabas ng kusina at lalampasan ang lalaki ng bigla itong magsalita sa kanyang tagiliran. Bahagyang napatuwid ang kanyang likod ng maramdaman ang init ng hininga nito sa kanyang tainga.“Andy ang pangalan ko at hindi Doc. Wala naman pati tayo sa ospital diba?” Mataman nitong tinititigan ang dalaga habang sinasabi iyon at natatawa siya dahil kitang kita niya ang biglang pamumula ng pisngi nito habang nakatingin sa juice na ginawa para sa sarili. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ba tila natukso siyang bumulong sa tainga nito. Naamoy niya ang kakaibang bango ng dalaga.“ah…eh…sige …pasensya na nasanay na kasi ako.” Hiyang hiyaman ay pinilit niyang tumugon ng hindi nauutal at itinuon ang paningin sa juice na hawak upang maitago ang pamumula ng pisngi niya.“Hindi ka ba marunong tumingin sa taong kausap mo? Alam mo Jade kung hindi lang kita kilala iisipin kong kinakausap mo yung juice kasi dyan ka nakatingin eh.” Pinilit ni Andy na maging pabiro ang kanyang tono dahil nakikita niya na may pagkamahiyain ang dalaga. At natameme siya ng inilipat nito ang paningin nito sa kanyang mga mata. Dahil sa sinabi ni Andy ay nakaramdam ng pagkapahiya si Jade kaya naman agad na inilipat niya ang paningin sa mga mata nito. Hindi niya alam kung namalik mata lamang ba siya o kung totoo ang nakita niya sa kaharap. Tila ito ipinako sa kina tatayuan pagkalipat na pagkalipat ng kanyang paningin rito at nakita pa niya ang bahagyang pagkagulat nito. “pasensya na hindi lang talaga ako sanay.”“It’s okay tara na sa labas.”ngumiti ito at saka sila muling lumabas sa salas ng magkasabay.Nag patuloy sa kwentuhan at inuman ang mga ito habang si Jade ay pangiti ngiti lamang at patingin tingin sa kanila. Napansin nito na parang nalalasing na si Kristel dahil mas lalo itong dumaldal at hindi narin ito nahihiyang maglalapit kay James. Kumuha lang ng tyempo si Jade at nilapitan si Kristel saka dinala sa kusina at pinaupo roon inabutan niya ito ng tubig na malamig at saka niya binasa ang panyo sa gripo. Pinunasan niya ang mukha nito at saka inayos ang buhok. Lingid sa kanyang kaalaman na sumunod pala si Andy sa kanila at sumandal ito sa pintuan ng kusina habang pina panood siya.“Kris, umayos ka please! Hindi ako marunong mag-drive at hindi rin kita iiwang mag-isa rito.” Bulong niya sa kaibigan.“Don’t worry Jade okay lang ako, nag-aalala ka nanaman eh. Kaya naman mahal na mahal kita bff kasi never mo akong pinabayaan.”“Bukas humanda ka talaga sa’kin sasabunutan kita” biro nito sa dalaga. At nagulat pa ito ng biglang tumakbo si Kristel sa gripo at duon nagduduwal. Hinimas niya ang likuran nito at inabutan ng tubig.“Dalhin muna natin siya sa kwarto para makapagpahinga, pagnakatulog siya kahit isang oras ay gaganda na ang pakiramdam niya.” Biglang singit ni Andy na nilingon naman agad ni Jade.“k—kwarto?” nauutal pang tanong ni Jade rito.“yes,sa kwarto samahan mo nalang siya kung hindi ka komportableng iwan siya mag isa.” At saka nila pinagtulungan na alalayan si Kristel inihiga nila ito sa kama at saka tinanggal ni Jade ang sapatos nito at kinumutan.Pinag mamasdan ni Andy si Jade, natatawa siya dahil halos balutin nito ang kaibigan na parang suman. Ngayon lamang siya nakakita ng ganitong klaseng babae. Hindi marunong uminom, sobrang mahiyain at maalaga sa kaibigan. Normal lamang kasi sa kanilang mag babarkada ang nalalasing at kung saan saan nalamang inaabutan ng antok. Hindi muna lumabas ng silid si Andy naupo ito sa isang mini sofa niya sa silid saka tinitigan ang dalaga na pinapanood ang paghinga ng kaibigan.“You look so worried, why is that?” tanong nito.“ah.. ano kasi.. lumalalim na ang gabi at baka hindi na ako papasukin sa boarding house hanggang alas nuebe lamang kasi kami maaaring mangatok roon.”“So nag bo-board ka pala. Wala kabang kamag-anak dito sa Manila na maaari mong tuluyan?” muling tanong nito sakanya.“Wala, taga Quezon kasi ako, at pinipilit lamang ng Nanay, Lola, at Lolo ko na mapag aral ako dito sa Maynila. Naniniwala kasi silang kung dito ako makakatapos ay mas magandang oportunidad ang mag hihintay sa akin sa aming bayan.”“What’s your Family Business? Don’t get me wrong ha. Kasi hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na malaki ang tuition fee sa school na pinapasukan natin.”“May maliit kaming karinderya Lolo at Lola, ko ang namamahala roon. Si Inay naman ay pag titinda ng kakanin sa palengke ang hanap buhay. Hindi sasapat ang kita nila pantustos sa pangangailangan namin ng kapatid ko kaya naman ginagalingan ko sa lahat ng bagay para hindi mawala ang scholar ship ko, at the same time dean’s lister din ako. Kaya naman kinakaya namin kahit na papaano ang mga gastusin.” Mahabang salaysay niya sa binata.“Ang talino mo naman at isa pa nakaka-inspire ka kasi kinakaya mo lahat. Parang ang gaan gaan lamang para saiyo.” Lihim na siyang humanga sa dalaga. Kaya pala ganoon nalamang ito kumilos dahil laking probinsya ito. Ngunit nakakatuwa pagkat hindi nito ikinahihiya ang pinanggalingan bayan nito.Unang beses niyang nakita ang dalaga ay humanga na siya sa aking kagandahan nito kakaiba ang mga mata nito, sa tuwing tititig sa kanya ay tila ba kay daming nais sabihin. Hindi rin ito katulad ng ibang kababaihan na lantarang ipinakikita ang pagkagusto sa lalaki. Maraming nagpapalipad hangin rito sa ospital ngunit wala itong pinapansin, hindi naman niya sinusungitan ang mga ito. Yun nga lamang hindi rin nito binibigyan ng pagkakataon na makalapit sa kanya at yun ang nakaagaw ng pansin ni Andy.Hindi alam ni Jade kung bakit ba magaan ang loob niya sa kaharap, kahit na suplado ito alam niya sa sarili niya na pwede itong pagkatiwalaan. Di tulad ng iba pagnalaman na taga probinsiya siya ay para bang pinandidirian siya o iniiwasan. Kaya nga tanging si Kristel lamang ang kaibigan niya dahil simula ng tumuntong siya sa unibersidad na pinapasukan nila ay ito lamang ang lumalapit sa kanya ng walang ka plastikan. May mga nakikipaglapit rin naman sakanya ngunit alam naman kaagad niya ang dahilan. Kalimitan ay para lamang magpatulong sa home works nila dahil nga isa siya sa pinaka matalino sa kanilang klase. Ilang beses na siyang pinasasali sa mga beauty contest ngunit tinatanggihan niya pagkat wala naman siyang kakayahan upang umarkila ng gown at magbayad ng make up artist. Yung mga gagastusin para sa contest ay ibabayad nalamang niya sa boarding house na tinutuluyan niya. Nasa malalim siyang pag-iisip ng marinig ang boses ng binata at ng tingnan niya itong m
Naghahanda para sa pag-uwi si Jade, inaayos niya ang kanyang mga gamit dahil any time ay darating na si Andy para daanan siya sa nurse station. Kinakabahan parin siya kaya naman pinipilit niyang pakalmahin ang sarili. First time na may maghahatid sa kanya sa boarding house.“Hoyyy! Bff tulala ka na naman diyan ha. Alam mo ba kinakabahan na ako saiyo, hindi ko kasi maintindihan yung kinikilos mo mula pa kaninang maga.” Sabi pa ni Kristel na may himig pagbibiro. “huh! Bakit naman Kris, ano bang ikinikilos ko?” kunwaring tanong niya sa kaibigan habang patuloy na inaayos ang kanyang mga gamit sa bag. “Obvious ka girl…As in halatang halata. Actually matagal ko ng halata ayoko lang magtanong saiyo, kasi gusto ko sana eh saiyo magmumula kaso wala eh hindi ka parin umaamin na matagal mo ng crush si Andy.” “OMG! Kris ganon ba ako kahalata?” Natutop niya ang kanyang bibig at agad na namula ang kanyang pisngi ng marinig ang sinabi ng kaibigan.Tumawa naman ng tumawa si Kr
Mabilis silang nakarating sa boarding house, hindi na bumaba pa si Andy. Matapos siyang alalayan sa pagbaba ng sasakyan ay nagpaalam lang ito na uuwi at magpapalit ng kasuotan sa condo. Walang pagsidlan ng saya si Jade kaya naman may pagmamadali siyang pumasok sa silid at agad naghanap ng maisusuot. Wala pa ang room mates niya kaya wala siyang matanungan kung ano ba ang babagay sa kanya o kung ano ba talaga ang dapat isuot. Hanggang sa nahagip ng kanyang mata ang isang bestida na kahit minsan ay hindi pa niya nagagamit. Isa iyong kulay dilaw na may disenyong maliliit na bulaklak na kulay puti at rosas, sleeveless iyon at hanggang kakalhatian ng hita niya lamang ang haba kaya naman pinag-iisipan niyang mabuti kung isusuot ba niya ito o hindi. Ngunit wala na siyang panahong mag-isip kung kaya’t nagmamadali na siyang pumasok sa banyo at naligo ng mabilis at ng makatapos ay tinuyo niya ang napakahabang buhok niya ng blower at saka naglagay ng light make up gayun
Pinagmamasdan ni Andy kung anong magiging reaksyon ni Jade matapos niyang bitawan ang mga salitang iyon. Nang mapansin niyang tila nagulumihanan ito ay dahan dahan niyang hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa lamesa. Agad naman itong tumingin sakanya at kitang kita niya sa mga mata nito ang pag-aalala at kalituhan.Isang malamim na buntong hininga muna ang kanyang pinakawalan bago muling nagsalita. “Hey! Are you okay? You look worried.” Nag-aalala niyang tanong dito.Tumikhim muna siya bago sumagot, “O-okay lang ako ah… a-ano nga ang sinasabi mo…nasan na nga ba tay----” Hindi na siya pinatapos ni Andy sa pagsasalita, mabilis nitong kinuha ang kanyang mga kamay at hinawakan itong pareho.Tinitigan niya ang mga mata ng dagala, “Jade I love you, that’s the reason why I want to protect you.” Kinakabahan siya sa magiging reaksyon nito, ayaw niyang maapektuhan ang pagkakaibigan nilang dalawa.“B-but why me?”nagdududang tanong niya rito.Napangiti siya sa tanong nito. “Bakit? hindi ba pwe
Sender: JADE Pls. tulong ASAP!!!Gulat na gulat si Andy sa text na natanggap niya mula kay Jade, bigla siyang binalot ng kaba. Nagmamadali siyang kinuha ang susi ng kanyang sasakyan, “Mom, Dad may sasaglitan lamang ako. Promise babalik ako agad.” Hindi niya hinintay pa ang tugon ng mga magulang halos takbuhin na niya ang kanyang sasakyan at pinasibad iyon patungong ospital.Halos sumisigaw sa galit si Dr. Cortez na siyang naka duty sa ER. “What’s happening? Bakit dalawa sa nurses natin ang nakainom ng sleeping pills!!! Sinong may kagagawan nito?” Kuyom ang sariling kamao ng Doktor habang patuloy na pinagmamasdan ang dalawang nurse na nakahiga ngayon sa Bed ng ER, at kasalukuyang walang kamalay malay.Wala namang kaimik imik ang ilang mga nurse na nakamasid lamang, ang ilang kababaihan ay nakaramdam ng matinding pag salamat at lihim na lumuluha sa sobrang takot. Pigil ang panginginig ng sariling mga kamay, nakatungo lamang si Jade at nag-iisip ng marinig niya ang pangalan
Maagang gumusing si Andy, sa mansion siya natulog dahil iyon ang hiling ng kanyang mga magulang. Tulog na ang mommy niya ng makauwi siya kaya naman wala ng tanungan pangnangyari. Daddy niya ang nag-intay sa kanyang pag-uwi at sinabing madaling araw pa lamang ay aalis na ang mga ito patungong Baguio para sa isang business meeting doon at para narin bisitahin ang bahay bakasyunan nila. Ginising lamang siya ng mga ito para magpaalam bago umalis, naging mababaw na ang kanyang tulog at eto alas singko palamang ay gumagayak na siya susunduin niya si Jade sa boarding house nito para sabay na silang pumasok. Bitbit ang mga gamit na kakailanganin niya sa ospital dumaan siya sa kusina para kunin ang ipinabalot na almusal, balak sana niyang sabay silang kumain ni Jade ngayong umaga. Ng makuha ang dala at nakapagpasalamat sa tagapagsilbi nila ay agad niyang pinasibad ang kanyang sasakyan patungo kay Jade. Isang malakas na busina ang nakapagpabangon kay Jade sa higaan, “Ano bay un aga aga ingay
Sa mga oras na iyon, tila ba mawawala na sa sarili niya si Andy sa labis na pag-aalala sa kanyang nobya. Ang hirap para sa kanya na habang siya ay nakatayo lamang dito sa loob ng Admin office ay pinapanood niya na maging patibong ang babaeng minamahal. Pauli uli siya sa loob ng silid at bigla nalamang nagkagulo ang mga nakaupo at nanunood ng makitang sinunggaban ng isang lalaking naka itim na jacket si Jade. Wala na silang marinig mula sa kabilang linya kung hindi ang tila mabibilis na yabag ng lalaking kumuha sa dalaga. Pinalipas nila ang ilang Segundo at nakita na nila ang pag-alis ng kotseng kulay pula kasunod nito ay may kotseng kulay puti na bahagya pang tumigil sa may harap ng cctv kung saan malinaw nilang nakita na inilabas ng sakay nito ang kanang kamay upang magbigay ng signal sa kanila.Napansin ni Andy na mabilis dinukot ni Dr.Cortez ang sariling cellphone bulsa ng suot nitong lab gown. “Kumpadre, eto na ang oras dadaan na sila sa harapan nyo within 5minutes. Salamat, mara
Maghapong namahinga ng araw na iyon si Jade, pagkahatid sa kanya ni Andy ay wala na siyang inabutang kasamahan sa boarding house, kung hindi napasok sa school ay nasa trabaho na ang iba. Agad siyang naligo at naisipang maglaba ng ilang pirasong maduduming damit niya, nangmakatapos ay nahiga siya sa single bed at agad nakatulog. Hapon na ng magising siya, naramdaman niyang kumukulo ang kanyang tiyan kaya siya bumangon. Kasalukuyan siyang nagsusuklay ng buhok ng marinig ang tunog ng kanyang cellphone, agad niya iyong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag at laking tuwa niya ng makitang ang kanyang ina ang tumatawag.Malapad ang mga ngiting sinagot niya iyon, “Hello magandang umaga po Nay!” halos pasigaw niyang bati rito na ikinagulat naman ni Aling Jasmine.“Ano ba’t kay lakas ng iyong boses na bata ka ah ah…” singhal nito sa anak.“Na-miss ko lamang po kayo ng sobra Nay, kasi naman po ay kay dalang ninyo akong tawagan.” Pinalalamlam ni Jade ang kanyang tinig upang marinig ng k
Isa isang pinasadahan ng tingin ni Jade ang mga tao roon at napakalawak nang kanyang mga ngiti ng makita ang mga importanteng tao sa buhay niya lalo na ang kanyang pinakamamahal na ina, mamang at papang. Pumailanlang ang malamyos na tinig ni Jodi na hindi niya nalayang nawala na pala sa tabihan niya nakihanay sa pila ng papasok sa entourage. Sa saliw ng awiting "Promises" ng Sponge Cola. Napaka ganda ng tinig ng kanyang kapatid bawat kataga nito ay tila ba bumabaon sa kanyang isipan at tumatanim sa kanyang puso. Nagulat pa siya ng marinig rin ang tinig ni Nikki, duet pala ang mag mommy at napakaganda rin ng tinig ng dalaga. Isa isang naglakad ang mga piling taong malaki ang parte sa buhay nila. Parang nakalutang sa alapaap si Jade walang tigil ang kanyang pag iyak at sumunod nalamang siya sa agos hanggang sa nakatakda siyang maglakad patungo sa kanyang Mamang at Papang. napakahaba ng red carpet patungo sa altar."Congratulations apo mabubuo na ang pamilyang kay tagal mong pinangarap
Walang pagsidlan ng saya si Andy habang pinagmamasdan ang mukha ng babaeng natutulog sa kanyang tabi. Napakatagal niyang nanabik rito marahan siyang bumababa sa kama at saka lumakad ng marahan papunta sa kinalalagyan ng kanyang maleta. Naupo siya sahig at binuksan ang maleta sa tabihan nuon sy agad na kinapa ang isang bagay na muli niyang nais ibigay sa dalaga.Binuklat niya ang kulay pulang kahita at agad namang kuminng ang bagay mula sa loob niyon. Ipinatong niya ang pulang kahita sa tabi ng beside table kung saan nasa gawi ng kinatatayuan ni Jade nais niyang pag gising nito ay makikita agad nito ang singsing na siyang tanda ng kanyang pagmamahal. Muli siyang nahiga sa tabi ni Jade at saka niya iniangat ang ulo nito at ipinatong sa kanyang mga bisig. Para namang naramdaman ni Jade iyon kung kaya't niyakap niya ng mahigpit ang lalaki.Nang magising si Jade kinaumagahan ay agad nakita ang makinang na bagay na nasa loob ng kahita marahan niyang dinampot iyon at pinakatitigan. Inilagay
Inakala ni Andy na naghahalikan ang lalaki at si Jade kaya naman nabitawan niya ang hawak na balumbon ng bulaklak at nagmamadaling tumalikod.Lakad, takbo naman ang ginawa ni Jade maabutan lang ang lalaki kasabay ng bawat hakbang niya ay ang pagpatak ng kanyang luha. Wala ba itong tiwala sa kanya kaya nag mamadali itong iwanan siya matapos ng nakita nito? Hindi manlamang siya binigyan ng chance upang makapag paliwanag. Pagod na pagod na siya sa pagtakbo, kaya naman sumigaw na siya. "Andy!!! Mahal kita!" Tanging nasabi niya at kitang kita niya ang pagtigil ng lalaking minamahal sa mabilis na paglakad.Agad napatigil si Andy ng marinig ang sinigaw ni Jade. Tila ba isang magic word iyon at natanggal lahat ng tampo o hinanakit na kanyang nararamdaman.Sinamantala naman ni Jade ang pagtiong lalaki agd niya itong nilapitan at hinila sa kamay papaharap sa kanya.Nagtititigan lamang silang dalawa habang patuloy sa pagluha si Jade. "Andy, I still love you at hindi nagbago yun kahit sinaktan m
"What's the problem AJ, we both know that you still love Dr. Yhang." tanong ni Richard ng sinundan niya si Jade na nagmamadaling pumasok sa sariling silid at tahimik na nakatingin sa labas habang nakatayo sa may bintana. Nilingon niya si Richard, "I'm still afraid Chard." sagot niya rito sa mahinang tinig."Afraid for what?" kunot noong tanong nito kay Jade "I------I don't know Chard, my life is like an open book and you know my past. Hindi ko maialis yung takot dito sa dibdib ko." sagot ni Jade habang itinuturo ang dibdib at mababakas ang pag aalinlangan sa mukha nito."Love is full of surprises AJ, Including the happiness and of course the pain. Dr. Yhang love's you so much And what happened in past is still there hindi mo mababago ang nakaraan kung mananatili kang takot sa multo ng kahapon. Bakit hindi mo subukang buksan muli ang isip at puso mo. Hayaang maghilom ang sugat na dala ng kahapon kasama ng taong pinakamamahal mo." madamdaming pahayag nito kay Jade na tahimik na lumulu
Inabutan ni Andy na magkakayakap na umiiyak ang kanyang maiina at si Richard. Hindi niya maialis sa kanyang isipan ang pagiging walang kwentang ama niya. Kung lumali sana sa kanya ang kanyang mga anak sana ay siya ang kayakap ng mga ito. Kitang kita niya ang pagmamahal ng mga ito kay Richard na sana ay para sa kanya. Pinahiran niya ang mga luhang unti unting tumulo sa kanyang mga mata.Napansin naman agad ni Richard ang pagtalikod ni Andy at naramdaman niya ang kirot sa dibdib bilang ama ay nais niyang maramdaman rin ni Andy ang saya kapag niyakap ng mga anak. "Doc Andy, san ka pupunta." tanong ni Richard rito.Magsasalita na sana si Andy ng biglang tumayo si Jade at humarap sa kanya. "Saan ka pupunta? Magtatago ka nanaman? Iiwanan mo nanaman kami ng mga anak mo? Hanggang kailangan ka magiging duwag at kailan ka pa magigising sa kata***han mo?" nagpupuyos sa galit na sigaw ni Jade sa kanya pinahiran nito ang mga luhang masaganang naglalandas sa mga mata nito bago tumalikod at akmang
Nauna ng ilang minuto si Andy sa Casa Martirez Café, napatingin siya sa orasang pambisig. Mag aalas sais na ng hapon duon, kaya naman dumarami na ang mga tao sa paligid. Natanaw na niya si Marika napakalawak ng ngiti nito at talagang halatang pinaghandaan ang pagkikita nila. Napakaganda nito sa suot na black top and jeans, naka boots na kulay cream at napaka kapal na balahibuhing coat. Bagay na bagay sa kanyang balingkinitang katawan ang top at jeans na suot dahil litaw ang kaumbukan ng kanyang pwet at dibdib. Nakalugay ang may kahabaang buhok nito na sadyang kinulot. "Wow you're so beautiful." may paghangang bati niya dito ng salubungin niya. Agad naman itong yumakap at humalik sa kanyang pisngi. "Nabihag ko na ba ang pihikan mong puso?" biro naman ni Marika sabay ngiti sa binata "tsssk don't mention it again or else hindi na talaga ako magpapakita sayo. Take a sit and let's order before we talk." "Are you sure that you want here?" mapanuksong tanong ni Marika kay Andy."Of cours
Nag usap-usap sina Jade, Richard, Andy at kasali si Jodi kahit sa skype lamang. Gumawa sila ng plano kung paano makukuha si Jadelyn ngunit isang tawag ang hindi nila inaasahan.Tumunog ang ringtone ni Andy at nanlalaki ang mga mata niya ng titigan ang pamilyar na pangalang naka rehistro na lumabas sa kanyang screen. "Marika is calling....." nasambit nalamang nito na parang batang nag susumbong kay Richard."Answer it and i-loud speaker mo para marinig nating lahat. " Utos ni Richard sa kanya.Sinunod naman ni Andy ang utos nito, bahagyang nanginginig pa ang kamay nito ng pindutin ang answer key. "H----hello Marika hey! what's up!" pinipilit niyang maging normal ang pakikitungo sa dalaga upang hindi ito makahalata."Did you miss me?" tanong nito."Oo naman nakaka miss din pala yung walang sunod ng sunod at walang bilin ng bilin. Alam mo na the usual hobby mo yung pakialaman ang daily routine ko." May pagka irita niyang tugon dito."Ang sama mo kahit kailan eh hindi mo talaga ako kayan
Dahil sa mga narinig ay mistulang naging bula ang galit na bumabalot sa puso ni Jade. Unti unti ay nararamdaman niyang muling bumabangon ang pag ibig sa kanyang damdamin ngunit agad niyang sinupil ito. "Mali....mali ito..... nag sinungaling lamang siya para mapatawad ko." bulong niya sa sarili. At saka agad na binalingan ang lalaking naka yuko habang tahimik na lumuluha. "Dahil ikaw ang dahilan kaya kinuha ni Marika ang anak ko kaya dapat ikaw rin ang mag sauli sa akin. Hindi mo alam ang hirap ng pinag daanan ko sa pagiging single mom, kay sana huwag kang umasa na ng dahil lamang sa mga sinabi mo ay mag babago ang pagtingin ko saiyo. Hindi parin ako handa na ipakilala ka sa mga anak ko bilang ama nila, kaya sana ay hayaan mo muna na matanggap kong kailangan kitang papasukin sa buhay namin. Okay na okay na kami eh, masaya na kami kahit wala ka. Tanggap ng mga bata na si Richard ang daddy nila, pero ano? Heto ka at sasabihin yang mga bagay na magpapagulo sa isipan ko. Sana naiintindiha
"Marika is a good friend for me and for my family pero dahil tinangay niya ang anak ko hindi ko palalampasin kahit pa kaibigan ko siya." pahayag ni Andy para sa lahat ng naroon sa silid na iyon. Isa rin iyong dahilan upang ipaalam o iparating kay Jade na kahit na ano ang mangyari ay kakampi siya at hindi kaaway."Ano ba ang dahilan at kukunin ni Dra. Marika ang anak ninyo ni Jade?" tanong ni Richard at nag palipat lipat ang tingin niya kina Jade at Andy "Bakit nga ba ano ba ang kasalanang nagawa namin sa kanya? Bakit kailangang pahirapan niya kami ng ganito ng anak ko!?" sigaw ni Jade na ang paningin ay tila ba napakatalim at nais patayin s titig si Andy."Ang alam ko lang ay nag seselos siya sa inyo ng mga bata. Dahil alam niyang simulat sapol ay hindi ko siya minahal kahit pa sabihing gusto siya ng pamilya ko.""Selos? Bakit siya mag seselos sa inyong dalawa gayong nag kakasama lamang naman kayo sa ospital at isa pa alam naman niya na magkagalit kayo. Hindi kayo nag papansinan o na