Naghahanda para sa pag-uwi si Jade, inaayos niya ang kanyang mga gamit dahil any time ay darating na si Andy para daanan siya sa nurse station. Kinakabahan parin siya kaya naman pinipilit niyang pakalmahin ang sarili. First time na may maghahatid sa kanya sa boarding house.
“Hoyyy! Bff tulala ka na naman diyan ha. Alam mo ba kinakabahan na ako saiyo, hindi ko kasi maintindihan yung kinikilos mo mula pa kaninang maga.” Sabi pa ni Kristel na may himig pagbibiro. “huh! Bakit naman Kris, ano bang ikinikilos ko?” kunwaring tanong niya sa kaibigan habang patuloy na inaayos ang kanyang mga gamit sa bag. “Obvious ka girl…As in halatang halata. Actually matagal ko ng halata ayoko lang magtanong saiyo, kasi gusto ko sana eh saiyo magmumula kaso wala eh hindi ka parin umaamin na matagal mo ng crush si Andy.” “OMG! Kris ganon ba ako kahalata?” Natutop niya ang kanyang bibig at agad na namula ang kanyang pisngi ng marinig ang sinabi ng kaibigan.Tumawa naman ng tumawa si Kristel dahil naaliw ito sa hitsura ng kanyang kaibigan. Habang si Jade naman ay hindi maintindihan ang gagawin dahil sa nararamdamang pagkapahiya. Hindi nila napansin ang paglapit ng dalawang bulto, kaya naman nagulat silang dalawa ng marinig na magsalita ang isa sa mga ito. “Mukhang nagkakasiyahan kayong dalawa ah, abot hanggang tainga na naman ang ngiti ni Nurse Kristel. By the way kanina ko pa kayo hinahanap na dalawa buti naman at inabutan ko kayo rito.” Nakangiting saad ni Dr. George Perez. “Bakit po Doc? May kailangan po ba kayo?” Magalang na tanong ni Jade. “Ah…yes. Come here hija.” Bahagya pa nitong ikinaway ang kamay sa kanya senyales na pinalalapit siya nito.Agad namang tumalima ang dalawang dalaga at lumapit sa doctor, doon lamang nila napag tuunan ng pansin na may kasama ito. Isang matakad at gwapong lalaki, matipuno ang pangangatawan at kay linis tingnan sa suot nitong hapit na jeans at longsleeves na kulay puti na nakatupi hanggang siko. “Doc. George di mo naman po agad sinabi na may kasama ka palang yumm---este pogi. Hahaha…” Biro ni Kristel, bahagya namang nagpakita ng ngiti ang lalaki ngunit agad mong mapapansin na ang paningin nito ay nakatutok kay Jade. “Nurse Kristel, Nurse Jade I want you to meet Gregory my youngest son.” Pakilala ni Dr.Reyes sa anak. “ Hi beautiful Nurses, it’s my pleasure to meet you.” Inabot nito ang kamay kay Kristel at nakipag kamay. Dumako ang paningin nito kay Jade at ng iniabot rin ng dalaga ang kanyang kamay sa binata ay agad namang hinalikan iyon ni Gregory at ikinagulat yun ng huli.Gulat na gulat at naiilang si Jade sa ginawang paghalik sa kanyang kamay ni Gregory, agad sana niyang babawiin ang kamay niya ngunit ngumiti ito ng ubod ng tamis sa kanya at sakatinitigan siya ng kakaiba. “ ah----eh….” Ang tanging lumabas sa labi ni Jade hindi niya mahagilap ang salitang nais sabihin dala ng pagkailang na nararamdaman. Napahawak nalang siya sa kanyang dibdib at nilingon si Kristel, tila naman nakakaunawa ang kaibigan at ngunit wala ring masabi. “ Ang lamig naman ng kamay mo Nurse Jade.” Sabi pa nito ng mapansin ang bahagyang pangangatal ng mga kamay ng dalaga. “He really wants to meet you Nurse Jade, since the day that he saw you at the canteen with Dr.Yhang hindi na niya ako tinigilan.” Kwento ni Dr. Reyes sa kanila, at naisip ni Jade na siguro ay yung kumakain sila ng lunch kasama nila si Andy ang nakita nito. “Can we eat outside? Mukha namang pauwi narin kayo ni Nurse Kristel.” At lalong tumindi ang kabang nararamdaman ni Jade dahil ayaw parin bitawan nito ang kanyang kamay. May kakaiba sa ngiti nito, oo gwapo ito at mukhang disente ngunit kinikilabutan ang dalaga sa tuwing makikita ang ngiti ng binata sa kanya. Kaya naman lalo siyang nakaramdam ng kakaibang kaba, at lahat sila ay nagulat ng may tikhim sa likuran ni Dr.Reyes at umikot ito diretso sa kanyang tabi.Sinikap ni Andy na makuha ang atensyon ng mga nag-uusap, at hindi naman siya nabigo dahil agad siyang nilingon ng mga ito. Agad siyang lumapit kay Jade at tiningnan ito ng makahulugang tingin sa mga mata, dalangin na lamang niya n asana ay nakuha ng dalaga ang nais niyang iparating rito. Agad niyang ipinulupot ang kanyang kanang kamay sa bewang ni Jade at hinapit niya ito palapit sa kanya, ramdam na ramdam ni Andy ang biglang paninigas ng katawan ng dalaga. Bubulungan sana niya ito ngunit napansin niya ang talim ng titig sakanya ni Gregory, kaya naman naisip niya lalong inisin ito, sinadya pa niya itong halikan sa sintido na ikinabigla rin ng huli. At sa wakas napansin niya ang biglang pag bitaw ni Gregory sa kamay ni Jade.Gulat na gulat si Kristel sa ikinilos ni Andy, hindi nakaligtas sa matalas niyang paningin ang mga titig nito sa kanyang kaibigan na tila ba may nais na iparating. Agad naman niyang nakuha ang ibig nitong sabihin kaya naman mas pinili nalamang niyang manahimik. “Dr. Yhang, akala ko ay nakauwi ka na?” Tanong ni Dr. Reyes at makikita ang pagkabalisa sa mukha nito. “Hinintay ko pa po kasi ang labas ng girlfriend ko, para ako mismo ang maghatid sa kanya pauwi.” Tugon naman niya sa matandang Doktor na tila naman nagulat sa kanyang sinabi, kahit na nakita nito ang kanyang ikinilos. “By the way, alam kong magkakilala na kayo nitong aking anak.” “Yes Doc. We’re classmate and friends dati.” Napatingala rito si Jade, hindi dahil sa nalaman nitong magkaibigan sila. Napatingala ito sa kanya dahil sa pagkakabigkas niya ng dati, bakit ang dating sa kanyang pandinig ay may lakip na galit o sama ng loob ang binitawan nitong salita. “AH…okay, since na rito ka na at mukhang ready narin naman silang umuwi ay mauuna na kami sainyo. Ipinakilala ko lamang sila sa aking anak, tutal eh magkakasama sama na kayo rito sa ospital.” Dagdag pa nito. “Thank you Doc. Bye Gregory nice meeting you.” Singit ni Kristel para matapos na ang usapan nila dahil nakakaramdam siya ng tila ba may maitim na awrang bumabalot sa katauhan ni Gregory at Andy, parang any time ay magsasabong ang dalawa at kung ano mang dahilan ay hindi talaga niya alam kung ano iyon. Lingid sa kanyang kaalaman ay pareho sila ng nararamdaman ni Jade. “Okay, ingat kayo sa pag-uwi, see you around beautiful Nurses.” At bahagya pa itong kumaway bago nagpatiunang tumalikod sa kanila, may pagmamadali namang sumunod rito ang ama na halos wala ng nasabi bago tuluyang umalis. Tumango lamang ito sa kanilang tatlo at tuluyan ng sumunod sa papalayong naglalakad na anak. Nang makalayo ang mag-ama ay agad na binitiwan ni Andy ang bewang ng dalaga. Para silang hindi magkakakilala at nagkakahiyaan sa isa’t isa, walang may lakas ng loob na manguna sa pagsasalita at tila ba nagpapakiramdaman. Syempre dahil sa likas na may kadaldalan itong si Kristel ang siyang nanguna sa pagsasalita dahil hindi na nito matiis ang mga tanong na gumugulo sa kanyang isip.“Oh my God! thank you so much my dear cousin and friend forever Andz you save us…. Ahmn actually you save Jade from that preskong Gregory.” Sabi nito sa ipit na tinig ngunit para bang gustong gustong ipagsigawan dahil sa sobrang kaba at inis na naghalo. Nakangiti namang tumingin rito si Andy. “It’s okay Kris, I know him very well. Kaya nga nung nakita ko siya, parang kinabahan agad ako at ang tanging gusto ko lang agad gawin ay ang mailayo kayo sa kanya.” Paliwanang nito habang nagpapalipat lipat ang tingin sa dalawang dalaga. “It’s okay Andz, Pano? Mas mabuti pa siguro umalis na kayong dalawa ihatid mo na si bff bago pa makabalik ang mokong na iyon.” Tugon naman ni Kristel kay Andy at nagmamadaling pumasok muli sa Nurse Station at kinuha ang mga bag nila ni Jade. Tila naman nalilito pa itong si Jade sa mga nangyari kaya halos di malaman ang tamang sasabihin. Bahagya pa itong nagulat ng iabot ni Kristel ang kanyang bag. Agad namang nahalata ni Andy na wala sa sarili ang dalaga. Kaya si Andy na ang umabot sa bag na ibinibigay rito ng kaibigan nila. “I think you need to rest, mukhang pagod na pagod ka eh.” Baling nito sa dalaga na biglang nag-angat ng paningin sa kanya. “ah…S---sige….T---tara na.” mahina at nauutal nitong tugon sa kanya. Agad nitong binalingan ang kaibangan para magpaalam. “bye Kris, see you tomorrow. Ingat ka sa pagda-drive ha.” Bilin nito sa kaibigan at saka b****o rito.Nang nakapagpaalaman na silang dalawa ay binalingan niya si Andy at saka tumango rito tanda ng pag-aanyayang umalis na sila. Inalalayan naman siya nito, bahagyang hinawakan siya sa siko hanggang sa makarating sila sa parking lot ng ospital kung saan nakaparada ang sasakyan ng binata. Nang makapasok sa loob ng sasakyan ay para bang muli silang nagkahiyaan sa isa’t isa. Ngunit dahil sa sobrang kaba at siguro dala ng kuryusidad ay pinilit ni Jade ang sarili na maging normal sa harap ng lalaki. “ahmn.. Doc. And------” hindi siya nakapagsalita ng ilapat ni Andy ang isang daliri nito sa kanyang labi. Nagugulumihanan siyang napatitig sa magaganda nitong mata. “Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na Andy lang ang itatawag mo sa’kin lalo na kung na sa labas tayo ng hospital.” “O---okay sige…ah…gusto ko lang sanang magpasalamat duon sa nangyari kanina. Hindi mo lang alam yung nararamdaman ko that time, pero mamamatay na ako sa sobrang kaba. Para bang tatalsik palabas yung puso ko. Na te-tense ako sa sobrang pagtitig nung Gregory na yon tapos ayaw niya pang bitawan ang kamay ko kaya lalo akong kinabahan.” Mahabang salaysay niya kay Andy na tila batang nagsusumbong halos manilas ng husto ang kanyang nguso dahil sa magmamaktol ng kanyang kalooban. “Actually, I know what exactly your feeling is. Kasi habang papalapit ako sainyo, I saw that you trying to get your hands at lalo namang hinigpitan ni Greg yung pagkakahawak niya sayo. Nagtago na nga ako eh, kaya lang nakita ko yung mukha mo parang nababad sa suka kaya I decided na lumapit nalang and I’m sorry for what I did earlier. I hope that you get what I want to say when I look into your eyes.” Paliwanag nito sa dalaga at dahil doon at nagluwag ang pakiramdam ni Jade. Para siyang kinikiliti ng mabasa ang pag-aalala sa mukha ni Andy habang nagkukwento ito. “Thank you ulet ha. Pano kaya ako makakabawi sayo?” bahagya pang tumingala si Jade at kunwaring nag-iisip kung paano nga makakaganti sa kabutihan ng binata sa kanya. “Let’s eat outside tonight…ahmn…together….b---but if you are not comfortable, you can take Kris with you…” naglalakas lakasan ang loob na pahayag nito sa dalaga at titig na titig naman ito sa kanya. “Grabe ka naman, ako? Hindi komportable sayo? Kaibigan at pinsan ka ng Bff ko at sabi mo nga kaibigan mo na rin ako, so siguro naman walang dahilan para maging hindi komportable pagkasama mo…diba?” natatawang sagot niya rito. Agad namang nagliwanag ang mga mata ng binata sa narinig nito at napa suntok pa sa hangin. “Talaga? Yes!” tuwang tuwa ito at halos mapasigaw sa pagpayag ni Jade na sumamang kumain sa labas. “Hoyyy! Hindi ko alam na may pagka OA ka pala ha.” Natatawa talaga si Jade sa naging reaksyon ni Andy. “Sorry… ah pano… ihahatid na kita para makapag prepare ka na at ganon din naman ako, para masundo kita agad at ng hindi tayo gabihin.” Dirediretsong sabi nito habang nagmamaniobra ng sasakyan palabas ng parking lot. Ngunit sa di kalayuan ay di nila napansin ang isang pares ng mga mata na kanina pa sila pinapanood. Hindi tinted ang sasakyan ni Andy kung kaya’t makikita mo ang mga taong lulan nito kahit na malayo ka pa. Nagpupuyos ang kalooban ng nagmamay-ari ng mga matang iyon. At hindi siya makapapayag na muling mapunta kay Andy ang babaeng muling nagpatibok ng kanyang puso sa mahabang panahon.Mabilis silang nakarating sa boarding house, hindi na bumaba pa si Andy. Matapos siyang alalayan sa pagbaba ng sasakyan ay nagpaalam lang ito na uuwi at magpapalit ng kasuotan sa condo. Walang pagsidlan ng saya si Jade kaya naman may pagmamadali siyang pumasok sa silid at agad naghanap ng maisusuot. Wala pa ang room mates niya kaya wala siyang matanungan kung ano ba ang babagay sa kanya o kung ano ba talaga ang dapat isuot. Hanggang sa nahagip ng kanyang mata ang isang bestida na kahit minsan ay hindi pa niya nagagamit. Isa iyong kulay dilaw na may disenyong maliliit na bulaklak na kulay puti at rosas, sleeveless iyon at hanggang kakalhatian ng hita niya lamang ang haba kaya naman pinag-iisipan niyang mabuti kung isusuot ba niya ito o hindi. Ngunit wala na siyang panahong mag-isip kung kaya’t nagmamadali na siyang pumasok sa banyo at naligo ng mabilis at ng makatapos ay tinuyo niya ang napakahabang buhok niya ng blower at saka naglagay ng light make up gayun
Pinagmamasdan ni Andy kung anong magiging reaksyon ni Jade matapos niyang bitawan ang mga salitang iyon. Nang mapansin niyang tila nagulumihanan ito ay dahan dahan niyang hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa lamesa. Agad naman itong tumingin sakanya at kitang kita niya sa mga mata nito ang pag-aalala at kalituhan.Isang malamim na buntong hininga muna ang kanyang pinakawalan bago muling nagsalita. “Hey! Are you okay? You look worried.” Nag-aalala niyang tanong dito.Tumikhim muna siya bago sumagot, “O-okay lang ako ah… a-ano nga ang sinasabi mo…nasan na nga ba tay----” Hindi na siya pinatapos ni Andy sa pagsasalita, mabilis nitong kinuha ang kanyang mga kamay at hinawakan itong pareho.Tinitigan niya ang mga mata ng dagala, “Jade I love you, that’s the reason why I want to protect you.” Kinakabahan siya sa magiging reaksyon nito, ayaw niyang maapektuhan ang pagkakaibigan nilang dalawa.“B-but why me?”nagdududang tanong niya rito.Napangiti siya sa tanong nito. “Bakit? hindi ba pwe
Sender: JADE Pls. tulong ASAP!!!Gulat na gulat si Andy sa text na natanggap niya mula kay Jade, bigla siyang binalot ng kaba. Nagmamadali siyang kinuha ang susi ng kanyang sasakyan, “Mom, Dad may sasaglitan lamang ako. Promise babalik ako agad.” Hindi niya hinintay pa ang tugon ng mga magulang halos takbuhin na niya ang kanyang sasakyan at pinasibad iyon patungong ospital.Halos sumisigaw sa galit si Dr. Cortez na siyang naka duty sa ER. “What’s happening? Bakit dalawa sa nurses natin ang nakainom ng sleeping pills!!! Sinong may kagagawan nito?” Kuyom ang sariling kamao ng Doktor habang patuloy na pinagmamasdan ang dalawang nurse na nakahiga ngayon sa Bed ng ER, at kasalukuyang walang kamalay malay.Wala namang kaimik imik ang ilang mga nurse na nakamasid lamang, ang ilang kababaihan ay nakaramdam ng matinding pag salamat at lihim na lumuluha sa sobrang takot. Pigil ang panginginig ng sariling mga kamay, nakatungo lamang si Jade at nag-iisip ng marinig niya ang pangalan
Maagang gumusing si Andy, sa mansion siya natulog dahil iyon ang hiling ng kanyang mga magulang. Tulog na ang mommy niya ng makauwi siya kaya naman wala ng tanungan pangnangyari. Daddy niya ang nag-intay sa kanyang pag-uwi at sinabing madaling araw pa lamang ay aalis na ang mga ito patungong Baguio para sa isang business meeting doon at para narin bisitahin ang bahay bakasyunan nila. Ginising lamang siya ng mga ito para magpaalam bago umalis, naging mababaw na ang kanyang tulog at eto alas singko palamang ay gumagayak na siya susunduin niya si Jade sa boarding house nito para sabay na silang pumasok. Bitbit ang mga gamit na kakailanganin niya sa ospital dumaan siya sa kusina para kunin ang ipinabalot na almusal, balak sana niyang sabay silang kumain ni Jade ngayong umaga. Ng makuha ang dala at nakapagpasalamat sa tagapagsilbi nila ay agad niyang pinasibad ang kanyang sasakyan patungo kay Jade. Isang malakas na busina ang nakapagpabangon kay Jade sa higaan, “Ano bay un aga aga ingay
Sa mga oras na iyon, tila ba mawawala na sa sarili niya si Andy sa labis na pag-aalala sa kanyang nobya. Ang hirap para sa kanya na habang siya ay nakatayo lamang dito sa loob ng Admin office ay pinapanood niya na maging patibong ang babaeng minamahal. Pauli uli siya sa loob ng silid at bigla nalamang nagkagulo ang mga nakaupo at nanunood ng makitang sinunggaban ng isang lalaking naka itim na jacket si Jade. Wala na silang marinig mula sa kabilang linya kung hindi ang tila mabibilis na yabag ng lalaking kumuha sa dalaga. Pinalipas nila ang ilang Segundo at nakita na nila ang pag-alis ng kotseng kulay pula kasunod nito ay may kotseng kulay puti na bahagya pang tumigil sa may harap ng cctv kung saan malinaw nilang nakita na inilabas ng sakay nito ang kanang kamay upang magbigay ng signal sa kanila.Napansin ni Andy na mabilis dinukot ni Dr.Cortez ang sariling cellphone bulsa ng suot nitong lab gown. “Kumpadre, eto na ang oras dadaan na sila sa harapan nyo within 5minutes. Salamat, mara
Maghapong namahinga ng araw na iyon si Jade, pagkahatid sa kanya ni Andy ay wala na siyang inabutang kasamahan sa boarding house, kung hindi napasok sa school ay nasa trabaho na ang iba. Agad siyang naligo at naisipang maglaba ng ilang pirasong maduduming damit niya, nangmakatapos ay nahiga siya sa single bed at agad nakatulog. Hapon na ng magising siya, naramdaman niyang kumukulo ang kanyang tiyan kaya siya bumangon. Kasalukuyan siyang nagsusuklay ng buhok ng marinig ang tunog ng kanyang cellphone, agad niya iyong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag at laking tuwa niya ng makitang ang kanyang ina ang tumatawag.Malapad ang mga ngiting sinagot niya iyon, “Hello magandang umaga po Nay!” halos pasigaw niyang bati rito na ikinagulat naman ni Aling Jasmine.“Ano ba’t kay lakas ng iyong boses na bata ka ah ah…” singhal nito sa anak.“Na-miss ko lamang po kayo ng sobra Nay, kasi naman po ay kay dalang ninyo akong tawagan.” Pinalalamlam ni Jade ang kanyang tinig upang marinig ng k
Iyon ang araw na pinakamasaya para kay Andy at lalo na kay Jade, hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman yung malaman lamang niya na tanggap siya ng lolo ng nobyo ay napakasaya na niya ano pa kaya kung tanggapin na siya ng mga magulang nito. Bago palang sila kaya hindi pa niya inaasahan ang ganitong mga pangyayari, halos mag-uumaga na sila nagbiyahe pauwi ni Andy at dahil sarado na sa boarding house ay napagkasunduan nila na kay Kristel muna tutuloy ang dalaga ngayong gabi kaya doon ito inihatid ng binata.Isang mahigpit na yakap ang iniwan nila sa isa’t isa, hindi naman nakatiis si Andy at ginawaran niya ng isang mainit na halik ang malambot na labi ng kasintahan.Pareho nilang habol ang hininga ng maghiwalay ang mga labi nila,pinakatitigan ni Andy si Jade at madamdamin niyang sinabi rito ang saloobin, “You know that I love you so much right?” Marahang tumango ang dalaga habang nakatitig sa mga mata ng lalaki. “Alam kong bago pa lamang tayo, ayokong pangunahan ang relasyon na
“Oh My God Bff!..... Nakakatuwa naman dito sa inyo, grabe ang cute ng mga tinda nila!” bulalas ni Kristel habang nakalabas ang ulo sa bintana ng sasakyan at parang bata na lingon dito, lingon duon. Tumatawa namang pinagsabihan siya ni Jade. “Kris para kang bata eh, ipasok mo nga yang ulo mo baka mahagip yan ng sasakyan lagot ka.” “Nakakatuwa lang kasi talaga dito sa inyo ang kukulay ng paligid parang fiesta.” Nanunulis ang ngusong sabi pa nito, habang ipinapasok na ang sariling ulo at umaayos ng upo sa back seat. “I told you babe, sakit sa ulo si Kris. Bakit kasi isinama pa natin yan eh di sana nakakatulog ka sa biyahe you look tired.” Nakangiting singit naman ni Andy sa pag-uusap nung dalawa. Lalo namang humaba nguso ni Kristel sa narinig niya. “Nakakainis ka alam mo yun! Panira ka ng excitement eh.” Mataray nitong sigaw kay Andy.Naiirita naman at pigil ni Andy ang sariling boses. “Your voice please Kris! Your so loud! Magkakatabi lang tayo at hindi mo kailangang s
Isa isang pinasadahan ng tingin ni Jade ang mga tao roon at napakalawak nang kanyang mga ngiti ng makita ang mga importanteng tao sa buhay niya lalo na ang kanyang pinakamamahal na ina, mamang at papang. Pumailanlang ang malamyos na tinig ni Jodi na hindi niya nalayang nawala na pala sa tabihan niya nakihanay sa pila ng papasok sa entourage. Sa saliw ng awiting "Promises" ng Sponge Cola. Napaka ganda ng tinig ng kanyang kapatid bawat kataga nito ay tila ba bumabaon sa kanyang isipan at tumatanim sa kanyang puso. Nagulat pa siya ng marinig rin ang tinig ni Nikki, duet pala ang mag mommy at napakaganda rin ng tinig ng dalaga. Isa isang naglakad ang mga piling taong malaki ang parte sa buhay nila. Parang nakalutang sa alapaap si Jade walang tigil ang kanyang pag iyak at sumunod nalamang siya sa agos hanggang sa nakatakda siyang maglakad patungo sa kanyang Mamang at Papang. napakahaba ng red carpet patungo sa altar."Congratulations apo mabubuo na ang pamilyang kay tagal mong pinangarap
Walang pagsidlan ng saya si Andy habang pinagmamasdan ang mukha ng babaeng natutulog sa kanyang tabi. Napakatagal niyang nanabik rito marahan siyang bumababa sa kama at saka lumakad ng marahan papunta sa kinalalagyan ng kanyang maleta. Naupo siya sahig at binuksan ang maleta sa tabihan nuon sy agad na kinapa ang isang bagay na muli niyang nais ibigay sa dalaga.Binuklat niya ang kulay pulang kahita at agad namang kuminng ang bagay mula sa loob niyon. Ipinatong niya ang pulang kahita sa tabi ng beside table kung saan nasa gawi ng kinatatayuan ni Jade nais niyang pag gising nito ay makikita agad nito ang singsing na siyang tanda ng kanyang pagmamahal. Muli siyang nahiga sa tabi ni Jade at saka niya iniangat ang ulo nito at ipinatong sa kanyang mga bisig. Para namang naramdaman ni Jade iyon kung kaya't niyakap niya ng mahigpit ang lalaki.Nang magising si Jade kinaumagahan ay agad nakita ang makinang na bagay na nasa loob ng kahita marahan niyang dinampot iyon at pinakatitigan. Inilagay
Inakala ni Andy na naghahalikan ang lalaki at si Jade kaya naman nabitawan niya ang hawak na balumbon ng bulaklak at nagmamadaling tumalikod.Lakad, takbo naman ang ginawa ni Jade maabutan lang ang lalaki kasabay ng bawat hakbang niya ay ang pagpatak ng kanyang luha. Wala ba itong tiwala sa kanya kaya nag mamadali itong iwanan siya matapos ng nakita nito? Hindi manlamang siya binigyan ng chance upang makapag paliwanag. Pagod na pagod na siya sa pagtakbo, kaya naman sumigaw na siya. "Andy!!! Mahal kita!" Tanging nasabi niya at kitang kita niya ang pagtigil ng lalaking minamahal sa mabilis na paglakad.Agad napatigil si Andy ng marinig ang sinigaw ni Jade. Tila ba isang magic word iyon at natanggal lahat ng tampo o hinanakit na kanyang nararamdaman.Sinamantala naman ni Jade ang pagtiong lalaki agd niya itong nilapitan at hinila sa kamay papaharap sa kanya.Nagtititigan lamang silang dalawa habang patuloy sa pagluha si Jade. "Andy, I still love you at hindi nagbago yun kahit sinaktan m
"What's the problem AJ, we both know that you still love Dr. Yhang." tanong ni Richard ng sinundan niya si Jade na nagmamadaling pumasok sa sariling silid at tahimik na nakatingin sa labas habang nakatayo sa may bintana. Nilingon niya si Richard, "I'm still afraid Chard." sagot niya rito sa mahinang tinig."Afraid for what?" kunot noong tanong nito kay Jade "I------I don't know Chard, my life is like an open book and you know my past. Hindi ko maialis yung takot dito sa dibdib ko." sagot ni Jade habang itinuturo ang dibdib at mababakas ang pag aalinlangan sa mukha nito."Love is full of surprises AJ, Including the happiness and of course the pain. Dr. Yhang love's you so much And what happened in past is still there hindi mo mababago ang nakaraan kung mananatili kang takot sa multo ng kahapon. Bakit hindi mo subukang buksan muli ang isip at puso mo. Hayaang maghilom ang sugat na dala ng kahapon kasama ng taong pinakamamahal mo." madamdaming pahayag nito kay Jade na tahimik na lumulu
Inabutan ni Andy na magkakayakap na umiiyak ang kanyang maiina at si Richard. Hindi niya maialis sa kanyang isipan ang pagiging walang kwentang ama niya. Kung lumali sana sa kanya ang kanyang mga anak sana ay siya ang kayakap ng mga ito. Kitang kita niya ang pagmamahal ng mga ito kay Richard na sana ay para sa kanya. Pinahiran niya ang mga luhang unti unting tumulo sa kanyang mga mata.Napansin naman agad ni Richard ang pagtalikod ni Andy at naramdaman niya ang kirot sa dibdib bilang ama ay nais niyang maramdaman rin ni Andy ang saya kapag niyakap ng mga anak. "Doc Andy, san ka pupunta." tanong ni Richard rito.Magsasalita na sana si Andy ng biglang tumayo si Jade at humarap sa kanya. "Saan ka pupunta? Magtatago ka nanaman? Iiwanan mo nanaman kami ng mga anak mo? Hanggang kailangan ka magiging duwag at kailan ka pa magigising sa kata***han mo?" nagpupuyos sa galit na sigaw ni Jade sa kanya pinahiran nito ang mga luhang masaganang naglalandas sa mga mata nito bago tumalikod at akmang
Nauna ng ilang minuto si Andy sa Casa Martirez Café, napatingin siya sa orasang pambisig. Mag aalas sais na ng hapon duon, kaya naman dumarami na ang mga tao sa paligid. Natanaw na niya si Marika napakalawak ng ngiti nito at talagang halatang pinaghandaan ang pagkikita nila. Napakaganda nito sa suot na black top and jeans, naka boots na kulay cream at napaka kapal na balahibuhing coat. Bagay na bagay sa kanyang balingkinitang katawan ang top at jeans na suot dahil litaw ang kaumbukan ng kanyang pwet at dibdib. Nakalugay ang may kahabaang buhok nito na sadyang kinulot. "Wow you're so beautiful." may paghangang bati niya dito ng salubungin niya. Agad naman itong yumakap at humalik sa kanyang pisngi. "Nabihag ko na ba ang pihikan mong puso?" biro naman ni Marika sabay ngiti sa binata "tsssk don't mention it again or else hindi na talaga ako magpapakita sayo. Take a sit and let's order before we talk." "Are you sure that you want here?" mapanuksong tanong ni Marika kay Andy."Of cours
Nag usap-usap sina Jade, Richard, Andy at kasali si Jodi kahit sa skype lamang. Gumawa sila ng plano kung paano makukuha si Jadelyn ngunit isang tawag ang hindi nila inaasahan.Tumunog ang ringtone ni Andy at nanlalaki ang mga mata niya ng titigan ang pamilyar na pangalang naka rehistro na lumabas sa kanyang screen. "Marika is calling....." nasambit nalamang nito na parang batang nag susumbong kay Richard."Answer it and i-loud speaker mo para marinig nating lahat. " Utos ni Richard sa kanya.Sinunod naman ni Andy ang utos nito, bahagyang nanginginig pa ang kamay nito ng pindutin ang answer key. "H----hello Marika hey! what's up!" pinipilit niyang maging normal ang pakikitungo sa dalaga upang hindi ito makahalata."Did you miss me?" tanong nito."Oo naman nakaka miss din pala yung walang sunod ng sunod at walang bilin ng bilin. Alam mo na the usual hobby mo yung pakialaman ang daily routine ko." May pagka irita niyang tugon dito."Ang sama mo kahit kailan eh hindi mo talaga ako kayan
Dahil sa mga narinig ay mistulang naging bula ang galit na bumabalot sa puso ni Jade. Unti unti ay nararamdaman niyang muling bumabangon ang pag ibig sa kanyang damdamin ngunit agad niyang sinupil ito. "Mali....mali ito..... nag sinungaling lamang siya para mapatawad ko." bulong niya sa sarili. At saka agad na binalingan ang lalaking naka yuko habang tahimik na lumuluha. "Dahil ikaw ang dahilan kaya kinuha ni Marika ang anak ko kaya dapat ikaw rin ang mag sauli sa akin. Hindi mo alam ang hirap ng pinag daanan ko sa pagiging single mom, kay sana huwag kang umasa na ng dahil lamang sa mga sinabi mo ay mag babago ang pagtingin ko saiyo. Hindi parin ako handa na ipakilala ka sa mga anak ko bilang ama nila, kaya sana ay hayaan mo muna na matanggap kong kailangan kitang papasukin sa buhay namin. Okay na okay na kami eh, masaya na kami kahit wala ka. Tanggap ng mga bata na si Richard ang daddy nila, pero ano? Heto ka at sasabihin yang mga bagay na magpapagulo sa isipan ko. Sana naiintindiha
"Marika is a good friend for me and for my family pero dahil tinangay niya ang anak ko hindi ko palalampasin kahit pa kaibigan ko siya." pahayag ni Andy para sa lahat ng naroon sa silid na iyon. Isa rin iyong dahilan upang ipaalam o iparating kay Jade na kahit na ano ang mangyari ay kakampi siya at hindi kaaway."Ano ba ang dahilan at kukunin ni Dra. Marika ang anak ninyo ni Jade?" tanong ni Richard at nag palipat lipat ang tingin niya kina Jade at Andy "Bakit nga ba ano ba ang kasalanang nagawa namin sa kanya? Bakit kailangang pahirapan niya kami ng ganito ng anak ko!?" sigaw ni Jade na ang paningin ay tila ba napakatalim at nais patayin s titig si Andy."Ang alam ko lang ay nag seselos siya sa inyo ng mga bata. Dahil alam niyang simulat sapol ay hindi ko siya minahal kahit pa sabihing gusto siya ng pamilya ko.""Selos? Bakit siya mag seselos sa inyong dalawa gayong nag kakasama lamang naman kayo sa ospital at isa pa alam naman niya na magkagalit kayo. Hindi kayo nag papansinan o na