Maagang gumusing si Andy, sa mansion siya natulog dahil iyon ang hiling ng kanyang mga magulang. Tulog na ang mommy niya ng makauwi siya kaya naman wala ng tanungan pangnangyari. Daddy niya ang nag-intay sa kanyang pag-uwi at sinabing madaling araw pa lamang ay aalis na ang mga ito patungong Baguio para sa isang business meeting doon at para narin bisitahin ang bahay bakasyunan nila. Ginising lamang siya ng mga ito para magpaalam bago umalis, naging mababaw na ang kanyang tulog at eto alas singko palamang ay gumagayak na siya susunduin niya si Jade sa boarding house nito para sabay na silang pumasok. Bitbit ang mga gamit na kakailanganin niya sa ospital dumaan siya sa kusina para kunin ang ipinabalot na almusal, balak sana niyang sabay silang kumain ni Jade ngayong umaga. Ng makuha ang dala at nakapagpasalamat sa tagapagsilbi nila ay agad niyang pinasibad ang kanyang sasakyan patungo kay Jade. Isang malakas na busina ang nakapagpabangon kay Jade sa higaan, “Ano bay un aga aga ingay
Sa mga oras na iyon, tila ba mawawala na sa sarili niya si Andy sa labis na pag-aalala sa kanyang nobya. Ang hirap para sa kanya na habang siya ay nakatayo lamang dito sa loob ng Admin office ay pinapanood niya na maging patibong ang babaeng minamahal. Pauli uli siya sa loob ng silid at bigla nalamang nagkagulo ang mga nakaupo at nanunood ng makitang sinunggaban ng isang lalaking naka itim na jacket si Jade. Wala na silang marinig mula sa kabilang linya kung hindi ang tila mabibilis na yabag ng lalaking kumuha sa dalaga. Pinalipas nila ang ilang Segundo at nakita na nila ang pag-alis ng kotseng kulay pula kasunod nito ay may kotseng kulay puti na bahagya pang tumigil sa may harap ng cctv kung saan malinaw nilang nakita na inilabas ng sakay nito ang kanang kamay upang magbigay ng signal sa kanila.Napansin ni Andy na mabilis dinukot ni Dr.Cortez ang sariling cellphone bulsa ng suot nitong lab gown. “Kumpadre, eto na ang oras dadaan na sila sa harapan nyo within 5minutes. Salamat, mara
Maghapong namahinga ng araw na iyon si Jade, pagkahatid sa kanya ni Andy ay wala na siyang inabutang kasamahan sa boarding house, kung hindi napasok sa school ay nasa trabaho na ang iba. Agad siyang naligo at naisipang maglaba ng ilang pirasong maduduming damit niya, nangmakatapos ay nahiga siya sa single bed at agad nakatulog. Hapon na ng magising siya, naramdaman niyang kumukulo ang kanyang tiyan kaya siya bumangon. Kasalukuyan siyang nagsusuklay ng buhok ng marinig ang tunog ng kanyang cellphone, agad niya iyong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag at laking tuwa niya ng makitang ang kanyang ina ang tumatawag.Malapad ang mga ngiting sinagot niya iyon, “Hello magandang umaga po Nay!” halos pasigaw niyang bati rito na ikinagulat naman ni Aling Jasmine.“Ano ba’t kay lakas ng iyong boses na bata ka ah ah…” singhal nito sa anak.“Na-miss ko lamang po kayo ng sobra Nay, kasi naman po ay kay dalang ninyo akong tawagan.” Pinalalamlam ni Jade ang kanyang tinig upang marinig ng k
Iyon ang araw na pinakamasaya para kay Andy at lalo na kay Jade, hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman yung malaman lamang niya na tanggap siya ng lolo ng nobyo ay napakasaya na niya ano pa kaya kung tanggapin na siya ng mga magulang nito. Bago palang sila kaya hindi pa niya inaasahan ang ganitong mga pangyayari, halos mag-uumaga na sila nagbiyahe pauwi ni Andy at dahil sarado na sa boarding house ay napagkasunduan nila na kay Kristel muna tutuloy ang dalaga ngayong gabi kaya doon ito inihatid ng binata.Isang mahigpit na yakap ang iniwan nila sa isa’t isa, hindi naman nakatiis si Andy at ginawaran niya ng isang mainit na halik ang malambot na labi ng kasintahan.Pareho nilang habol ang hininga ng maghiwalay ang mga labi nila,pinakatitigan ni Andy si Jade at madamdamin niyang sinabi rito ang saloobin, “You know that I love you so much right?” Marahang tumango ang dalaga habang nakatitig sa mga mata ng lalaki. “Alam kong bago pa lamang tayo, ayokong pangunahan ang relasyon na
“Oh My God Bff!..... Nakakatuwa naman dito sa inyo, grabe ang cute ng mga tinda nila!” bulalas ni Kristel habang nakalabas ang ulo sa bintana ng sasakyan at parang bata na lingon dito, lingon duon. Tumatawa namang pinagsabihan siya ni Jade. “Kris para kang bata eh, ipasok mo nga yang ulo mo baka mahagip yan ng sasakyan lagot ka.” “Nakakatuwa lang kasi talaga dito sa inyo ang kukulay ng paligid parang fiesta.” Nanunulis ang ngusong sabi pa nito, habang ipinapasok na ang sariling ulo at umaayos ng upo sa back seat. “I told you babe, sakit sa ulo si Kris. Bakit kasi isinama pa natin yan eh di sana nakakatulog ka sa biyahe you look tired.” Nakangiting singit naman ni Andy sa pag-uusap nung dalawa. Lalo namang humaba nguso ni Kristel sa narinig niya. “Nakakainis ka alam mo yun! Panira ka ng excitement eh.” Mataray nitong sigaw kay Andy.Naiirita naman at pigil ni Andy ang sariling boses. “Your voice please Kris! Your so loud! Magkakatabi lang tayo at hindi mo kailangang s
Nagpatulong na si Andy kay Kristel sa pagkuha ng mga pagkain na pinamili nila sa sasakyan, paakyat na sana sila ng hagdan ng marinig ang sigaw mula sa itaas ng bahay. Nagkatinginan sina Kris at Andy saka nagmamadaling umakyat sa kabahayan. Pagkapasok nila ng kabahayan ay sinalubong sila ng mapanuring tingin ng ina, lola at lolo ni Jade. Kinabahan si Andy ngunit nakabawi din naman kaagad. Kinakabahan man ito ay pinilit paring magtanong. “W—what’s happened?”Nakakunot ang noong nilapitan ni Papang Jhun si Andy at inakbayan. “Apo halika sa silong meron lang tayong pag-uusapan sandali.” tanong nito sa mababang tinig.“Opo! Sige po ibaba ko lang po ang mga ito.” Magalang na tugon ni Andy. “Saan ko po ba ito maaaring Ilagay?” tukoy niya sa mga pagkaing daladala.Tumayo naman si Nanay Jasmine at agad inabot ang mga dala ng binata. “Ako nang bahala rito anak, sige na sumunod kana sa iyong Papang sa silong.” Nakangiti namang inginuso pa ng nanay ni Jade ang labas ng bahay habang kinukuh
Hindi mapigilan ni Jodi ang sumama ang loob sa kapatid, mahal niya ito at masaya siya para rito, lahat ng gusto nitong mangyari ay sinusuportahan nila. Ngunit ang malamang may nobyo na ito, iyon ang hindi niya matatanggap. Pagkat nagsumpaan sila na iiwasan muna ang magkaroon ng nobyo para matutukan ang kanilang pag-aaral at ng maiahon sa kahirapan ang kanilang Inay, Papang at Mamang. Kaya hindi niya lubusang maintindihan kung bakit umuwi ito ng may kasamang nobyo. Napaluha nalamang si Jodi sa sobrang inis, isinubsob niya ang sariling mukha sa unan.“Nay, ano pong gagawin ko? Galit po si Jodi sa amin ni Andy.” Nag-aalalang tanong ni Jade.“Kaunting lambing at paliwanag lang siguro ang kailangan anak at mauunawaan ka rin ng kapatid mo. Alam mo naman na pagdating sa pangako gusto niya ay tutuparin iyon. Sige na pumasok ka muna sa silid at mag-usap kayo ng mahinahon, ayoko ng nagkakatampuhan kayong magkapatid kaya’t habang maaga ay ayusin ninyo na ang tampuhan ninyo.” Pangaral naman ni Na
“Apo, huwag ka ng lumuwas, dito kana matulog. Naayos na ni Jodi ang silid na maaari mong ukopahin, gabi na masyado at hindi naman kami matatahik kung alam naming na dis-oras na nang gabi ay nasa biyahe ka pa. Isa pa, diba nangako ako sa iyo kanina na ipapasyal ko kayo dito sa aming bayan.” Pangungulit ni Papang Jhun kay Andy dahil halos alas nuebe na ng gabi ng magpaalam ito na luluwas na pa Maynila.“Oo nga naman Hijo, abay nakakatakot na ang magbiyahe ng ganitong oras baka ikaw ay antukin lalo na at wala kang kasama pabalik.” Segunda naman ni Mamang Zenny.“EH---kasi po Pang, Mang nakakahiya po at hindi po magandang tingnan.” Sagot naman ni Andy habang kinakamot ang kanyang batok.Lahat sil ay nasa ibaba ng hagdan malapit sa sasakyan ni Andy, gusto naman talaga nitong mag-stay ang problema lamang ay nahihiya siya dahil nakikita niyang nagkakasira ang magkapatid dahil sa kanya.Nakatanaw si Jodi sa labas ng bahay, nasa may punong hagdan siya at pinagmamasdan ang mga tao sa ibaba na
Isa isang pinasadahan ng tingin ni Jade ang mga tao roon at napakalawak nang kanyang mga ngiti ng makita ang mga importanteng tao sa buhay niya lalo na ang kanyang pinakamamahal na ina, mamang at papang. Pumailanlang ang malamyos na tinig ni Jodi na hindi niya nalayang nawala na pala sa tabihan niya nakihanay sa pila ng papasok sa entourage. Sa saliw ng awiting "Promises" ng Sponge Cola. Napaka ganda ng tinig ng kanyang kapatid bawat kataga nito ay tila ba bumabaon sa kanyang isipan at tumatanim sa kanyang puso. Nagulat pa siya ng marinig rin ang tinig ni Nikki, duet pala ang mag mommy at napakaganda rin ng tinig ng dalaga. Isa isang naglakad ang mga piling taong malaki ang parte sa buhay nila. Parang nakalutang sa alapaap si Jade walang tigil ang kanyang pag iyak at sumunod nalamang siya sa agos hanggang sa nakatakda siyang maglakad patungo sa kanyang Mamang at Papang. napakahaba ng red carpet patungo sa altar."Congratulations apo mabubuo na ang pamilyang kay tagal mong pinangarap
Walang pagsidlan ng saya si Andy habang pinagmamasdan ang mukha ng babaeng natutulog sa kanyang tabi. Napakatagal niyang nanabik rito marahan siyang bumababa sa kama at saka lumakad ng marahan papunta sa kinalalagyan ng kanyang maleta. Naupo siya sahig at binuksan ang maleta sa tabihan nuon sy agad na kinapa ang isang bagay na muli niyang nais ibigay sa dalaga.Binuklat niya ang kulay pulang kahita at agad namang kuminng ang bagay mula sa loob niyon. Ipinatong niya ang pulang kahita sa tabi ng beside table kung saan nasa gawi ng kinatatayuan ni Jade nais niyang pag gising nito ay makikita agad nito ang singsing na siyang tanda ng kanyang pagmamahal. Muli siyang nahiga sa tabi ni Jade at saka niya iniangat ang ulo nito at ipinatong sa kanyang mga bisig. Para namang naramdaman ni Jade iyon kung kaya't niyakap niya ng mahigpit ang lalaki.Nang magising si Jade kinaumagahan ay agad nakita ang makinang na bagay na nasa loob ng kahita marahan niyang dinampot iyon at pinakatitigan. Inilagay
Inakala ni Andy na naghahalikan ang lalaki at si Jade kaya naman nabitawan niya ang hawak na balumbon ng bulaklak at nagmamadaling tumalikod.Lakad, takbo naman ang ginawa ni Jade maabutan lang ang lalaki kasabay ng bawat hakbang niya ay ang pagpatak ng kanyang luha. Wala ba itong tiwala sa kanya kaya nag mamadali itong iwanan siya matapos ng nakita nito? Hindi manlamang siya binigyan ng chance upang makapag paliwanag. Pagod na pagod na siya sa pagtakbo, kaya naman sumigaw na siya. "Andy!!! Mahal kita!" Tanging nasabi niya at kitang kita niya ang pagtigil ng lalaking minamahal sa mabilis na paglakad.Agad napatigil si Andy ng marinig ang sinigaw ni Jade. Tila ba isang magic word iyon at natanggal lahat ng tampo o hinanakit na kanyang nararamdaman.Sinamantala naman ni Jade ang pagtiong lalaki agd niya itong nilapitan at hinila sa kamay papaharap sa kanya.Nagtititigan lamang silang dalawa habang patuloy sa pagluha si Jade. "Andy, I still love you at hindi nagbago yun kahit sinaktan m
"What's the problem AJ, we both know that you still love Dr. Yhang." tanong ni Richard ng sinundan niya si Jade na nagmamadaling pumasok sa sariling silid at tahimik na nakatingin sa labas habang nakatayo sa may bintana. Nilingon niya si Richard, "I'm still afraid Chard." sagot niya rito sa mahinang tinig."Afraid for what?" kunot noong tanong nito kay Jade "I------I don't know Chard, my life is like an open book and you know my past. Hindi ko maialis yung takot dito sa dibdib ko." sagot ni Jade habang itinuturo ang dibdib at mababakas ang pag aalinlangan sa mukha nito."Love is full of surprises AJ, Including the happiness and of course the pain. Dr. Yhang love's you so much And what happened in past is still there hindi mo mababago ang nakaraan kung mananatili kang takot sa multo ng kahapon. Bakit hindi mo subukang buksan muli ang isip at puso mo. Hayaang maghilom ang sugat na dala ng kahapon kasama ng taong pinakamamahal mo." madamdaming pahayag nito kay Jade na tahimik na lumulu
Inabutan ni Andy na magkakayakap na umiiyak ang kanyang maiina at si Richard. Hindi niya maialis sa kanyang isipan ang pagiging walang kwentang ama niya. Kung lumali sana sa kanya ang kanyang mga anak sana ay siya ang kayakap ng mga ito. Kitang kita niya ang pagmamahal ng mga ito kay Richard na sana ay para sa kanya. Pinahiran niya ang mga luhang unti unting tumulo sa kanyang mga mata.Napansin naman agad ni Richard ang pagtalikod ni Andy at naramdaman niya ang kirot sa dibdib bilang ama ay nais niyang maramdaman rin ni Andy ang saya kapag niyakap ng mga anak. "Doc Andy, san ka pupunta." tanong ni Richard rito.Magsasalita na sana si Andy ng biglang tumayo si Jade at humarap sa kanya. "Saan ka pupunta? Magtatago ka nanaman? Iiwanan mo nanaman kami ng mga anak mo? Hanggang kailangan ka magiging duwag at kailan ka pa magigising sa kata***han mo?" nagpupuyos sa galit na sigaw ni Jade sa kanya pinahiran nito ang mga luhang masaganang naglalandas sa mga mata nito bago tumalikod at akmang
Nauna ng ilang minuto si Andy sa Casa Martirez Café, napatingin siya sa orasang pambisig. Mag aalas sais na ng hapon duon, kaya naman dumarami na ang mga tao sa paligid. Natanaw na niya si Marika napakalawak ng ngiti nito at talagang halatang pinaghandaan ang pagkikita nila. Napakaganda nito sa suot na black top and jeans, naka boots na kulay cream at napaka kapal na balahibuhing coat. Bagay na bagay sa kanyang balingkinitang katawan ang top at jeans na suot dahil litaw ang kaumbukan ng kanyang pwet at dibdib. Nakalugay ang may kahabaang buhok nito na sadyang kinulot. "Wow you're so beautiful." may paghangang bati niya dito ng salubungin niya. Agad naman itong yumakap at humalik sa kanyang pisngi. "Nabihag ko na ba ang pihikan mong puso?" biro naman ni Marika sabay ngiti sa binata "tsssk don't mention it again or else hindi na talaga ako magpapakita sayo. Take a sit and let's order before we talk." "Are you sure that you want here?" mapanuksong tanong ni Marika kay Andy."Of cours
Nag usap-usap sina Jade, Richard, Andy at kasali si Jodi kahit sa skype lamang. Gumawa sila ng plano kung paano makukuha si Jadelyn ngunit isang tawag ang hindi nila inaasahan.Tumunog ang ringtone ni Andy at nanlalaki ang mga mata niya ng titigan ang pamilyar na pangalang naka rehistro na lumabas sa kanyang screen. "Marika is calling....." nasambit nalamang nito na parang batang nag susumbong kay Richard."Answer it and i-loud speaker mo para marinig nating lahat. " Utos ni Richard sa kanya.Sinunod naman ni Andy ang utos nito, bahagyang nanginginig pa ang kamay nito ng pindutin ang answer key. "H----hello Marika hey! what's up!" pinipilit niyang maging normal ang pakikitungo sa dalaga upang hindi ito makahalata."Did you miss me?" tanong nito."Oo naman nakaka miss din pala yung walang sunod ng sunod at walang bilin ng bilin. Alam mo na the usual hobby mo yung pakialaman ang daily routine ko." May pagka irita niyang tugon dito."Ang sama mo kahit kailan eh hindi mo talaga ako kayan
Dahil sa mga narinig ay mistulang naging bula ang galit na bumabalot sa puso ni Jade. Unti unti ay nararamdaman niyang muling bumabangon ang pag ibig sa kanyang damdamin ngunit agad niyang sinupil ito. "Mali....mali ito..... nag sinungaling lamang siya para mapatawad ko." bulong niya sa sarili. At saka agad na binalingan ang lalaking naka yuko habang tahimik na lumuluha. "Dahil ikaw ang dahilan kaya kinuha ni Marika ang anak ko kaya dapat ikaw rin ang mag sauli sa akin. Hindi mo alam ang hirap ng pinag daanan ko sa pagiging single mom, kay sana huwag kang umasa na ng dahil lamang sa mga sinabi mo ay mag babago ang pagtingin ko saiyo. Hindi parin ako handa na ipakilala ka sa mga anak ko bilang ama nila, kaya sana ay hayaan mo muna na matanggap kong kailangan kitang papasukin sa buhay namin. Okay na okay na kami eh, masaya na kami kahit wala ka. Tanggap ng mga bata na si Richard ang daddy nila, pero ano? Heto ka at sasabihin yang mga bagay na magpapagulo sa isipan ko. Sana naiintindiha
"Marika is a good friend for me and for my family pero dahil tinangay niya ang anak ko hindi ko palalampasin kahit pa kaibigan ko siya." pahayag ni Andy para sa lahat ng naroon sa silid na iyon. Isa rin iyong dahilan upang ipaalam o iparating kay Jade na kahit na ano ang mangyari ay kakampi siya at hindi kaaway."Ano ba ang dahilan at kukunin ni Dra. Marika ang anak ninyo ni Jade?" tanong ni Richard at nag palipat lipat ang tingin niya kina Jade at Andy "Bakit nga ba ano ba ang kasalanang nagawa namin sa kanya? Bakit kailangang pahirapan niya kami ng ganito ng anak ko!?" sigaw ni Jade na ang paningin ay tila ba napakatalim at nais patayin s titig si Andy."Ang alam ko lang ay nag seselos siya sa inyo ng mga bata. Dahil alam niyang simulat sapol ay hindi ko siya minahal kahit pa sabihing gusto siya ng pamilya ko.""Selos? Bakit siya mag seselos sa inyong dalawa gayong nag kakasama lamang naman kayo sa ospital at isa pa alam naman niya na magkagalit kayo. Hindi kayo nag papansinan o na