Hindi alam ni Jade kung bakit ba magaan ang loob niya sa kaharap, kahit na suplado ito alam niya sa sarili niya na pwede itong pagkatiwalaan. Di tulad ng iba pagnalaman na taga probinsiya siya ay para bang pinandidirian siya o iniiwasan. Kaya nga tanging si Kristel lamang ang kaibigan niya dahil simula ng tumuntong siya sa unibersidad na pinapasukan nila ay ito lamang ang lumalapit sa kanya ng walang ka plastikan. May mga nakikipaglapit rin naman sakanya ngunit alam naman kaagad niya ang dahilan.
Kalimitan ay para lamang magpatulong sa home works nila dahil nga isa siya sa pinaka matalino sa kanilang klase. Ilang beses na siyang pinasasali sa mga beauty contest ngunit tinatanggihan niya pagkat wala naman siyang kakayahan upang umarkila ng gown at magbayad ng make up artist. Yung mga gagastusin para sa contest ay ibabayad nalamang niya sa boarding house na tinutuluyan niya.Nasa malalim siyang pag-iisip ng marinig ang boses ng binata at ng tingnan niya itong muli ay nakatayo na ito mula sa pagkakaupo sa sofa. Nakapasok ang kanang kamay nito sa bulsa ng pantalong suot.“Maiwan ko muna kayo rito, if you want pwede ka munang magpahinga then gisingin ko nalang kayo pagpaalis na sila. Siguro naman at that time eh okay na si Kris, and don’t worry sa tinutuluyan mo kung hindi ka nila pagbuksan pwede kanaman sigurong makitulog kay Kris.” At saka ito lumabas ng silid tanging tango lamang ang naisagot ng dalaga rito.May kung anong damdamin ang unti unti ay nagpapalambot kay Andy. Simula ng makita niya ang dalaga noon ay humanga na siya sa aking ganda nito ngunit pinilit niyang ikubli iyon. Mas lalong tumindi ang paghanga niya ng malaman niya ngayon ang ilan sa pagkatao nito. Kung titingnan sa panlabas ay hindi mo iisiping probinsyana ito dahil mas maganda pa ang kutis nito sa mga kakilala niyang anak mayaman. Pag nag-aayos ito ng tulad ngayon ay tunay na kakaiba, walang bakas ng probinsya kang makikita. Isa pa kahit kailan ay hindi siya nanghusga sa tao lalo na kung ang magiging dahilan lamang ay ang pinanggalingan nito. Talaga lamang lagi siyang paiwas at nagsusuplado upang di masyadong lapitan ng kababaihan. Tanging mga kaibigan lamang niya ang nakakasalamuha niya ayaw na ayaw niya ng distraksyon sa kanyang pag-aaral. Ngunit heto siya ngayon iniisip ang mukha ng babaeng kanina lamang ay kaharap at kausap niya. Ipinikit niya ang mga mata at mukha nito ang agad ang sumilay sa kanyang alaala.“Pre! Ano yan ha lasing na agad? Bweno kami ay mauuna na pero kung gusto mong sumama sa amin pwede rin naman, gusto kasi ng tropa na mag Bar muna tutal eh wala namang pasok bukas. Hindi ka nila mayaya kasi alam na alam nila ang dialogue mo.” Tumatawang saad ni Harold sa kanya.“Thank you pre, pero next time nalang. Na lasing si Kris eh and sa palagay ko di niya kakayaning mag-drive pauwe.” Paliwanag niya rito na inakbayan pa ito.Inihatid ni Andy hanggang sa elevator ang mga kaibigan niya at doon sila nagpaalaman. Nang pabalik na siya sa unit niya ay agad niyang pinag-isipan kung papaanong ihahatid ang dalawang dalaga. Ngunit nagulat siya sa pagbukas niya ng pintuan.“What are you doing?” agad niyang inagaw ang mga kalat na niligpit ni Jade.“It’s okay sanay ako sa gawaing bahay.” Nginitian nito ang lalaki at saka ipinagpatuloy ang gawain.Napatingin ang dalaga sa wall clock. “Ala una na pala ang sarap pa ng tulog ni Kristel.”“If it’s okay with you pwede naman kayong matulog rito, tomorrow nalang siguro kayo umuwi. Medyo nakainom rin kasi ako kaya hindi ako makapag offer na ihatid kayo. Alam mo na magaling na ang nag-iingat.” Nakangiti rin nitong sabi sa kanya kaya naman ginantihan niya iyon ng ngiti.Magkatulong nilang tinapos ang mga ligpitin si Jade narin ang naghugas ng mga baso at pinggan na ginamit. Habang naghuhugas siya ay naka tayo sa may tabihan niya si Andy at siyang nagtutuyo ng mga hinugasan niya. Marami silang nalaman tungkol sa isa’t isa. Ayaw ni Andy ng makulit tanging si Kristel lamang ang nakakapangulit dito 4th cousin na niya ito at halos kasabay lumaki kaya naman wala siyang magawa kundi pagbigyan ang kakulitan nito. Nagkaroon na ito ng girl friends pero walang tumatagal dahil sa lagi itong walang oras.“How about you? If you don’t mind…ah…nakailang boy friend ka na?” tanong nito na ikinabigla ni Jade.“A--ako? Mukha ba akong mahilig magboyfriend?” natatawa niyang balik tanong rito.“No! ahmn.. what I mean is … maganda ka and imposibleng hindi ka pa nagkaka boy friend.” Para namang napapahiyang paglilinaw ni Andy sa kanyang tanong.“Thank you sa papuri, pero hindi pa talaga ako nagkaka boy friend.” Seryosong sagot niya dito.“Bakit?” naka kunot noo pang tanong nito sa kanya.“Anong bakit? Hindi ka pa ba nakakakita ng babaeng walang boy friend?” at bahagya pa siyang natawa.“hindi naman sa ganon, pero… kasi… gaya ng sinabi ko kanina maganda ka, idagdag pa natin na matalino at mabait ka naman… so I think…uhm… Siguro pihikan ka ano?” himig nag bibiro ngunit nagtataka rin nitong tanong sa dalaga dahil hindi niya inakala na wala talaga itong nobyo. Inakala pa nga niya na kaya ito umiiwas sa mga nais manligaw rito dahil may boyfriend na ito.“Hindi naman sa pihikan. Gaya mo ayaw ko ng distraksyon sa pag-aaral ko. Pinaghihirapan nina Nanay ang bawat sentimo na ginagastos sa akin kaya gusto kong maibalik yun sakanila. Kasi pano kung nagkaboyfriend ako at mawala ang focus ko sa pag aaral. Sayang naman yung scholarship ko kung mawawala diba. Mas priority ko lang talaga ang pamilya at pag-aaral sa ngayon kesa sa pakikipag nobyo.” Mahabang paliwanag niya rito habang tinutuyo ang mga kamay sa basahang nakabitin sa pintuan ng ref.“Saludo na talaga ako sayo, napakabuting anak mo. Alam mo magiging maganda ang future mo kasi ngayon palang maganda na ang plano mo sa pamilya mo.”“Salamat.”“Pano magpahinga ka na muna at bukas ng umaga nalamang kayo umuwi ni Kris.”“Okay sige, pasensya na sa abala ha at salamat ulit.”“It’s okay. Kasalanan naman ni Kris idinamay ka lang hahaha.” At inihatid siya nito sa pinto ng silid kung saan natutulog ang kaibigan.Nang makapasok ay napasandal siya sa likod ng pintuan at napahawak sa kanyang dibdib sa tuwing titingin at ngingiti sa kanya si Andy ay tila ba nalulusaw siyang parang yelo. Hindi niya mawari ang pakiramdam. Nuong suplado pa ito sa kanya at walang pakialam ay humahanga na siya rito ano pa kaya ngayon na kinakausap na siya nito. Nakangiti siyang sumampa sa ibabaw ng kama at tinabihan ang kaibigang natutulog. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sinikap makaidlip. Sa kabilang silid ay parang batang hindi mapakali si Andy, bakit ba sa tuwing ngingiti si Jade ay natutulala siya. Dati naman wala siyang pakialam sa magagandang babae. Humahanga siya rito oo pero yung nararamdaman niya ngayon ay kakaiba. Malakas ang tibok ng kanyang puso. Nahiga na siya sa kanyang kama at pinilit na mawaglit sa kanyang isipan ang babaeng gumugulo rito. Sinubukan niyang matulog ngunit bigo siya. Napatingin siya sa cellphone niya sa tabi ng kama, inabot niya iyon at tiningnan ang oras mag-aalas kwatro na ng umaga ngunit di parin dalawin ng antok. Nagtalukbong siya ng unan sa mukha at mga ilang saglit pa ay nagpatangay narin sa antok.Alas nuebe ng umaga, nagising si Andy sa lakas ng tunog ng kanyang cellphone. Tawag iyon na nagmula sa kanyang ina.“Hello mom, goodmorning” bati niya rito.“Hi son, belated happy birthday. Sorry hindi kita nabati kahapon busy kasi kami dito ng daddy mo. Medyo maraming intindihin maraming meetings.” Paliwanag ng ina niya na nasa China ngayon.“Are you okay son?” biglang may pag-aalala sa tinig nito.“Yes mom, parang lalagnatin lang ako. Siguro gawa narin ng sipon.”“Inom agad ng gamot ha, at magpa check up ka. Tumawag ka na rin sa ospital at sa school para mainform agad sila na hindi ka makakapasok.”“Okay mom, don’t worry to much.”“Okay anak mag pahinga ka at kumain ng marami call your yaya papuntahin mo muna d’yan sa condo para may kasama ka. Sige na anak ibababa ko na ito ha tumawag lang talaga ako para batiin at kumustahin ka. The meeting will be start in a few minutes. I love you so much, take care.” Mahigpit ang pag-aalaga ng mommy niya sa kanya nung naririto pa sila sa Pilipinas kaya naman nagdesisyon siyang bumukod na lamang, dahil ayaw niya ng bini-baby siya.Bumangon na si Andy mula sa pagkakahiga sa kama at saka dumiretso sa banyo niya para maligo. Huli na ng maalaala niya na may bisita nga pala siya nagmamadali siyang maligo at mag bihis saka lumipat sa katapat na pinto at kumatok. Ngunit nakakailang katok na siya ay wala ni isang tugon siyang narinig dahan dahan niyang inilapat ang tainga sa dahon ng pinto, wala kahit isang ingay kaya binuksan nalamang niya ito. Malinis ang kama ni anino ng mga babaeng natulog dito kagabi ay wala. Nagmamadali siyang pumunta sa kusina wala ring tao. Napahawak pa siya sa kanyang sintido dahil bahagya itong kumirot. Dumako ang kanyang paningin sa dining table, nakita niya ang ilang pinggan na nakahain at may taklob, isa isa niyang binuksan iyon. Fried rice, egg, bacon at isang cup noodles na wala pang ininit na tubig, ngunit katabi nito ang heater at napansin rin niya ang isang papel na napapatungan ng flower vase. Dahan dahan niya itong kinuha at binuklat upang basahin. Doc. Andy,Thank you sa pa papatulog mo sa amin. By the way nag handa ako ng almusal mo para makabawi manlamang sa pang-aabala naming dalawa ni Kris saiyo last night. May cup noodles din diyan lagyan mo nalang ng hot water, para matanggal yung hangover mo.Anna Jade Napangiti siya ng mabasa ang sulat at sinunod niya ang sinabi nito. Matapos lagyan ng mainit na tubig ang cup noodles ay inintay niya itong lumambot at saka siya kumain ng almusal. Hindi na siya tumawag sa ospital o sa school dahil nasisigurado naman niyang maayos na siya bukas. Samantalang pangiti ngiti si Jade habang naka higa sa kanyang maliit na kama pinilit niyang makatulog kaninang madaling araw ngunit isang oras lang ang naging tulog niya kaya naman ipinaghanda na lamang niya ng almusal si Andy. Nang makatapos siyang magluto ay siyang gising naman ni Kristel na nagmamadaling umuwi kaya hindi na rin sila nakapagpaalam pa sa binata. Hanggang ngayon ay naaalala parin niya ang mga papuri na nagmula sa binata at kinikilig parin siya rito. Hanggang sa maka tulog ay iyon parin ang naglalaro sa kanyang isipan. Dumaan ang ilang linggo naging malapit na sila sa isa’t isa. Hindi na ito kinukulit pa ni Kristel para makisabay sa lunch or merienda nila, dahil kusa na itong lumalapit sa kanila para sumabay, ilang beses rin na ito mismo ang naghintay sa kanila sa canteen dumating sila na nakaorder na ito para sa kanilang dalawa ng kaibigan. Masasabi niyang maganda ang kanilang naging simula. Hanggang sa isang araw ay nakiusap ito kay Kristel na ito na ang maghahatid sa kanya pauwi sa boarding house dahil may gusto raw itong sabihin sa kanya. Hindi niya mawari ang nararamdaman pagkat wala siya ni katiting na ideya kung bakit gusto siya nitong makausap. Kaya naman lunch palang ay hindi na siya nakakain ng ayos at hindi mapakali, binibilang niya ang oras sa isip. Papalapit ng papalapit ang oras ng uwian at natutulala nalamang siya napansin ito ng kaibigan kaya naman agad siyang hinila nito sa isang sulok ng nurse station. “Bff may problema ka ba? Kasi napapansin ko kanina kapang tulala pati yung lunch mo hindi mo na inubos. Nag-aalala na ako sayo, magsabi ka lang kung masama ang pakiramdam mo ha.” Seryosong sabi pa nito at hinimas himas pa ang kanyang likuran. “Kris okay lang ako, ano ka ba?” Pagtanggi niya, ayaw niyang malaman ng kaibigan na kinakabahan siya dahil lamang sa ihahatid siyang pauwi ni Andy. “Are you sure? Eh bakit ka nagkakaganyan?” Muling tanong pa nito. “promise wala ito, naaalala ko lamang sina Inay, Mamang, Papang at ang kapatid kong sing kulit at sing daldal mo si Jodi.” Iyon na lamang ang dahilan na naisip niya upang hindi na siya nito kulitin pa, at mukha namang nakumbinse niya ito. Samantalang hindi narin maintindihan ni Andy ang gagawin habang lumalapit ang oras ay kinakabahan siya. Hindi ito normal para sakanya sapagkat ngayon lamang siya kinabahan ng ganito. “bakit ba ako kakabahan wala namang masama na ihatid ko siya pauwi, sana lang ay masabi ko sakanya ang nais kong sabihin, sana hindi ako abutan ng hiya at kaba.” Bulong niya sa sarili. At muling ibinalik ang atensyon sa kanyang gawain. Dumating ang oras ng uwian at dumiretso na sa nurse station si Andy para sunduin si Jade at bahagya pa siyang napaurong at agad nagkubli sa isa sa mga haligi ng ospital na iyon. Nakita niya si Dr.Perez kasama ang anak nitong si Gregory na ipinakikilala kay Jade at nagulat siya sa sarili ng makaramdam ng inis lalo na ng makitang nakipag kamay dito ang dalaga. May pagkapresko si Gregory kilala niya ito dahil kaklase niya ang binata, nakita pa niyang hinalikan nito ang kamay ni Jade. Makikita ang pagkailang sa mukha ng dalaga lalo na ng ayaw pang bitawan ng binata ang kamay nito. Kaya naman lumabas siya sa pinagkukublihan at marahang lumapit sa mga ito, tumikhim ng malakas upang maagaw ang atensyon ng tatlo agad siyang lumapit kay Jade at tiningnan ng makahulugang tingin sa mga mata. Saka ipinulupot ang kanang kamay sa bewang ng dalaga at hinapit niya ito palapit sa kanya, bahagya niya pa itong hinalikan sa sintido na ikinabigla rin ng huli.Naghahanda para sa pag-uwi si Jade, inaayos niya ang kanyang mga gamit dahil any time ay darating na si Andy para daanan siya sa nurse station. Kinakabahan parin siya kaya naman pinipilit niyang pakalmahin ang sarili. First time na may maghahatid sa kanya sa boarding house.“Hoyyy! Bff tulala ka na naman diyan ha. Alam mo ba kinakabahan na ako saiyo, hindi ko kasi maintindihan yung kinikilos mo mula pa kaninang maga.” Sabi pa ni Kristel na may himig pagbibiro. “huh! Bakit naman Kris, ano bang ikinikilos ko?” kunwaring tanong niya sa kaibigan habang patuloy na inaayos ang kanyang mga gamit sa bag. “Obvious ka girl…As in halatang halata. Actually matagal ko ng halata ayoko lang magtanong saiyo, kasi gusto ko sana eh saiyo magmumula kaso wala eh hindi ka parin umaamin na matagal mo ng crush si Andy.” “OMG! Kris ganon ba ako kahalata?” Natutop niya ang kanyang bibig at agad na namula ang kanyang pisngi ng marinig ang sinabi ng kaibigan.Tumawa naman ng tumawa si Kr
Mabilis silang nakarating sa boarding house, hindi na bumaba pa si Andy. Matapos siyang alalayan sa pagbaba ng sasakyan ay nagpaalam lang ito na uuwi at magpapalit ng kasuotan sa condo. Walang pagsidlan ng saya si Jade kaya naman may pagmamadali siyang pumasok sa silid at agad naghanap ng maisusuot. Wala pa ang room mates niya kaya wala siyang matanungan kung ano ba ang babagay sa kanya o kung ano ba talaga ang dapat isuot. Hanggang sa nahagip ng kanyang mata ang isang bestida na kahit minsan ay hindi pa niya nagagamit. Isa iyong kulay dilaw na may disenyong maliliit na bulaklak na kulay puti at rosas, sleeveless iyon at hanggang kakalhatian ng hita niya lamang ang haba kaya naman pinag-iisipan niyang mabuti kung isusuot ba niya ito o hindi. Ngunit wala na siyang panahong mag-isip kung kaya’t nagmamadali na siyang pumasok sa banyo at naligo ng mabilis at ng makatapos ay tinuyo niya ang napakahabang buhok niya ng blower at saka naglagay ng light make up gayun
Pinagmamasdan ni Andy kung anong magiging reaksyon ni Jade matapos niyang bitawan ang mga salitang iyon. Nang mapansin niyang tila nagulumihanan ito ay dahan dahan niyang hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa lamesa. Agad naman itong tumingin sakanya at kitang kita niya sa mga mata nito ang pag-aalala at kalituhan.Isang malamim na buntong hininga muna ang kanyang pinakawalan bago muling nagsalita. “Hey! Are you okay? You look worried.” Nag-aalala niyang tanong dito.Tumikhim muna siya bago sumagot, “O-okay lang ako ah… a-ano nga ang sinasabi mo…nasan na nga ba tay----” Hindi na siya pinatapos ni Andy sa pagsasalita, mabilis nitong kinuha ang kanyang mga kamay at hinawakan itong pareho.Tinitigan niya ang mga mata ng dagala, “Jade I love you, that’s the reason why I want to protect you.” Kinakabahan siya sa magiging reaksyon nito, ayaw niyang maapektuhan ang pagkakaibigan nilang dalawa.“B-but why me?”nagdududang tanong niya rito.Napangiti siya sa tanong nito. “Bakit? hindi ba pwe
Sender: JADE Pls. tulong ASAP!!!Gulat na gulat si Andy sa text na natanggap niya mula kay Jade, bigla siyang binalot ng kaba. Nagmamadali siyang kinuha ang susi ng kanyang sasakyan, “Mom, Dad may sasaglitan lamang ako. Promise babalik ako agad.” Hindi niya hinintay pa ang tugon ng mga magulang halos takbuhin na niya ang kanyang sasakyan at pinasibad iyon patungong ospital.Halos sumisigaw sa galit si Dr. Cortez na siyang naka duty sa ER. “What’s happening? Bakit dalawa sa nurses natin ang nakainom ng sleeping pills!!! Sinong may kagagawan nito?” Kuyom ang sariling kamao ng Doktor habang patuloy na pinagmamasdan ang dalawang nurse na nakahiga ngayon sa Bed ng ER, at kasalukuyang walang kamalay malay.Wala namang kaimik imik ang ilang mga nurse na nakamasid lamang, ang ilang kababaihan ay nakaramdam ng matinding pag salamat at lihim na lumuluha sa sobrang takot. Pigil ang panginginig ng sariling mga kamay, nakatungo lamang si Jade at nag-iisip ng marinig niya ang pangalan
Maagang gumusing si Andy, sa mansion siya natulog dahil iyon ang hiling ng kanyang mga magulang. Tulog na ang mommy niya ng makauwi siya kaya naman wala ng tanungan pangnangyari. Daddy niya ang nag-intay sa kanyang pag-uwi at sinabing madaling araw pa lamang ay aalis na ang mga ito patungong Baguio para sa isang business meeting doon at para narin bisitahin ang bahay bakasyunan nila. Ginising lamang siya ng mga ito para magpaalam bago umalis, naging mababaw na ang kanyang tulog at eto alas singko palamang ay gumagayak na siya susunduin niya si Jade sa boarding house nito para sabay na silang pumasok. Bitbit ang mga gamit na kakailanganin niya sa ospital dumaan siya sa kusina para kunin ang ipinabalot na almusal, balak sana niyang sabay silang kumain ni Jade ngayong umaga. Ng makuha ang dala at nakapagpasalamat sa tagapagsilbi nila ay agad niyang pinasibad ang kanyang sasakyan patungo kay Jade. Isang malakas na busina ang nakapagpabangon kay Jade sa higaan, “Ano bay un aga aga ingay
Sa mga oras na iyon, tila ba mawawala na sa sarili niya si Andy sa labis na pag-aalala sa kanyang nobya. Ang hirap para sa kanya na habang siya ay nakatayo lamang dito sa loob ng Admin office ay pinapanood niya na maging patibong ang babaeng minamahal. Pauli uli siya sa loob ng silid at bigla nalamang nagkagulo ang mga nakaupo at nanunood ng makitang sinunggaban ng isang lalaking naka itim na jacket si Jade. Wala na silang marinig mula sa kabilang linya kung hindi ang tila mabibilis na yabag ng lalaking kumuha sa dalaga. Pinalipas nila ang ilang Segundo at nakita na nila ang pag-alis ng kotseng kulay pula kasunod nito ay may kotseng kulay puti na bahagya pang tumigil sa may harap ng cctv kung saan malinaw nilang nakita na inilabas ng sakay nito ang kanang kamay upang magbigay ng signal sa kanila.Napansin ni Andy na mabilis dinukot ni Dr.Cortez ang sariling cellphone bulsa ng suot nitong lab gown. “Kumpadre, eto na ang oras dadaan na sila sa harapan nyo within 5minutes. Salamat, mara
Maghapong namahinga ng araw na iyon si Jade, pagkahatid sa kanya ni Andy ay wala na siyang inabutang kasamahan sa boarding house, kung hindi napasok sa school ay nasa trabaho na ang iba. Agad siyang naligo at naisipang maglaba ng ilang pirasong maduduming damit niya, nangmakatapos ay nahiga siya sa single bed at agad nakatulog. Hapon na ng magising siya, naramdaman niyang kumukulo ang kanyang tiyan kaya siya bumangon. Kasalukuyan siyang nagsusuklay ng buhok ng marinig ang tunog ng kanyang cellphone, agad niya iyong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag at laking tuwa niya ng makitang ang kanyang ina ang tumatawag.Malapad ang mga ngiting sinagot niya iyon, “Hello magandang umaga po Nay!” halos pasigaw niyang bati rito na ikinagulat naman ni Aling Jasmine.“Ano ba’t kay lakas ng iyong boses na bata ka ah ah…” singhal nito sa anak.“Na-miss ko lamang po kayo ng sobra Nay, kasi naman po ay kay dalang ninyo akong tawagan.” Pinalalamlam ni Jade ang kanyang tinig upang marinig ng k
Iyon ang araw na pinakamasaya para kay Andy at lalo na kay Jade, hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman yung malaman lamang niya na tanggap siya ng lolo ng nobyo ay napakasaya na niya ano pa kaya kung tanggapin na siya ng mga magulang nito. Bago palang sila kaya hindi pa niya inaasahan ang ganitong mga pangyayari, halos mag-uumaga na sila nagbiyahe pauwi ni Andy at dahil sarado na sa boarding house ay napagkasunduan nila na kay Kristel muna tutuloy ang dalaga ngayong gabi kaya doon ito inihatid ng binata.Isang mahigpit na yakap ang iniwan nila sa isa’t isa, hindi naman nakatiis si Andy at ginawaran niya ng isang mainit na halik ang malambot na labi ng kasintahan.Pareho nilang habol ang hininga ng maghiwalay ang mga labi nila,pinakatitigan ni Andy si Jade at madamdamin niyang sinabi rito ang saloobin, “You know that I love you so much right?” Marahang tumango ang dalaga habang nakatitig sa mga mata ng lalaki. “Alam kong bago pa lamang tayo, ayokong pangunahan ang relasyon na
Isa isang pinasadahan ng tingin ni Jade ang mga tao roon at napakalawak nang kanyang mga ngiti ng makita ang mga importanteng tao sa buhay niya lalo na ang kanyang pinakamamahal na ina, mamang at papang. Pumailanlang ang malamyos na tinig ni Jodi na hindi niya nalayang nawala na pala sa tabihan niya nakihanay sa pila ng papasok sa entourage. Sa saliw ng awiting "Promises" ng Sponge Cola. Napaka ganda ng tinig ng kanyang kapatid bawat kataga nito ay tila ba bumabaon sa kanyang isipan at tumatanim sa kanyang puso. Nagulat pa siya ng marinig rin ang tinig ni Nikki, duet pala ang mag mommy at napakaganda rin ng tinig ng dalaga. Isa isang naglakad ang mga piling taong malaki ang parte sa buhay nila. Parang nakalutang sa alapaap si Jade walang tigil ang kanyang pag iyak at sumunod nalamang siya sa agos hanggang sa nakatakda siyang maglakad patungo sa kanyang Mamang at Papang. napakahaba ng red carpet patungo sa altar."Congratulations apo mabubuo na ang pamilyang kay tagal mong pinangarap
Walang pagsidlan ng saya si Andy habang pinagmamasdan ang mukha ng babaeng natutulog sa kanyang tabi. Napakatagal niyang nanabik rito marahan siyang bumababa sa kama at saka lumakad ng marahan papunta sa kinalalagyan ng kanyang maleta. Naupo siya sahig at binuksan ang maleta sa tabihan nuon sy agad na kinapa ang isang bagay na muli niyang nais ibigay sa dalaga.Binuklat niya ang kulay pulang kahita at agad namang kuminng ang bagay mula sa loob niyon. Ipinatong niya ang pulang kahita sa tabi ng beside table kung saan nasa gawi ng kinatatayuan ni Jade nais niyang pag gising nito ay makikita agad nito ang singsing na siyang tanda ng kanyang pagmamahal. Muli siyang nahiga sa tabi ni Jade at saka niya iniangat ang ulo nito at ipinatong sa kanyang mga bisig. Para namang naramdaman ni Jade iyon kung kaya't niyakap niya ng mahigpit ang lalaki.Nang magising si Jade kinaumagahan ay agad nakita ang makinang na bagay na nasa loob ng kahita marahan niyang dinampot iyon at pinakatitigan. Inilagay
Inakala ni Andy na naghahalikan ang lalaki at si Jade kaya naman nabitawan niya ang hawak na balumbon ng bulaklak at nagmamadaling tumalikod.Lakad, takbo naman ang ginawa ni Jade maabutan lang ang lalaki kasabay ng bawat hakbang niya ay ang pagpatak ng kanyang luha. Wala ba itong tiwala sa kanya kaya nag mamadali itong iwanan siya matapos ng nakita nito? Hindi manlamang siya binigyan ng chance upang makapag paliwanag. Pagod na pagod na siya sa pagtakbo, kaya naman sumigaw na siya. "Andy!!! Mahal kita!" Tanging nasabi niya at kitang kita niya ang pagtigil ng lalaking minamahal sa mabilis na paglakad.Agad napatigil si Andy ng marinig ang sinigaw ni Jade. Tila ba isang magic word iyon at natanggal lahat ng tampo o hinanakit na kanyang nararamdaman.Sinamantala naman ni Jade ang pagtiong lalaki agd niya itong nilapitan at hinila sa kamay papaharap sa kanya.Nagtititigan lamang silang dalawa habang patuloy sa pagluha si Jade. "Andy, I still love you at hindi nagbago yun kahit sinaktan m
"What's the problem AJ, we both know that you still love Dr. Yhang." tanong ni Richard ng sinundan niya si Jade na nagmamadaling pumasok sa sariling silid at tahimik na nakatingin sa labas habang nakatayo sa may bintana. Nilingon niya si Richard, "I'm still afraid Chard." sagot niya rito sa mahinang tinig."Afraid for what?" kunot noong tanong nito kay Jade "I------I don't know Chard, my life is like an open book and you know my past. Hindi ko maialis yung takot dito sa dibdib ko." sagot ni Jade habang itinuturo ang dibdib at mababakas ang pag aalinlangan sa mukha nito."Love is full of surprises AJ, Including the happiness and of course the pain. Dr. Yhang love's you so much And what happened in past is still there hindi mo mababago ang nakaraan kung mananatili kang takot sa multo ng kahapon. Bakit hindi mo subukang buksan muli ang isip at puso mo. Hayaang maghilom ang sugat na dala ng kahapon kasama ng taong pinakamamahal mo." madamdaming pahayag nito kay Jade na tahimik na lumulu
Inabutan ni Andy na magkakayakap na umiiyak ang kanyang maiina at si Richard. Hindi niya maialis sa kanyang isipan ang pagiging walang kwentang ama niya. Kung lumali sana sa kanya ang kanyang mga anak sana ay siya ang kayakap ng mga ito. Kitang kita niya ang pagmamahal ng mga ito kay Richard na sana ay para sa kanya. Pinahiran niya ang mga luhang unti unting tumulo sa kanyang mga mata.Napansin naman agad ni Richard ang pagtalikod ni Andy at naramdaman niya ang kirot sa dibdib bilang ama ay nais niyang maramdaman rin ni Andy ang saya kapag niyakap ng mga anak. "Doc Andy, san ka pupunta." tanong ni Richard rito.Magsasalita na sana si Andy ng biglang tumayo si Jade at humarap sa kanya. "Saan ka pupunta? Magtatago ka nanaman? Iiwanan mo nanaman kami ng mga anak mo? Hanggang kailangan ka magiging duwag at kailan ka pa magigising sa kata***han mo?" nagpupuyos sa galit na sigaw ni Jade sa kanya pinahiran nito ang mga luhang masaganang naglalandas sa mga mata nito bago tumalikod at akmang
Nauna ng ilang minuto si Andy sa Casa Martirez Café, napatingin siya sa orasang pambisig. Mag aalas sais na ng hapon duon, kaya naman dumarami na ang mga tao sa paligid. Natanaw na niya si Marika napakalawak ng ngiti nito at talagang halatang pinaghandaan ang pagkikita nila. Napakaganda nito sa suot na black top and jeans, naka boots na kulay cream at napaka kapal na balahibuhing coat. Bagay na bagay sa kanyang balingkinitang katawan ang top at jeans na suot dahil litaw ang kaumbukan ng kanyang pwet at dibdib. Nakalugay ang may kahabaang buhok nito na sadyang kinulot. "Wow you're so beautiful." may paghangang bati niya dito ng salubungin niya. Agad naman itong yumakap at humalik sa kanyang pisngi. "Nabihag ko na ba ang pihikan mong puso?" biro naman ni Marika sabay ngiti sa binata "tsssk don't mention it again or else hindi na talaga ako magpapakita sayo. Take a sit and let's order before we talk." "Are you sure that you want here?" mapanuksong tanong ni Marika kay Andy."Of cours
Nag usap-usap sina Jade, Richard, Andy at kasali si Jodi kahit sa skype lamang. Gumawa sila ng plano kung paano makukuha si Jadelyn ngunit isang tawag ang hindi nila inaasahan.Tumunog ang ringtone ni Andy at nanlalaki ang mga mata niya ng titigan ang pamilyar na pangalang naka rehistro na lumabas sa kanyang screen. "Marika is calling....." nasambit nalamang nito na parang batang nag susumbong kay Richard."Answer it and i-loud speaker mo para marinig nating lahat. " Utos ni Richard sa kanya.Sinunod naman ni Andy ang utos nito, bahagyang nanginginig pa ang kamay nito ng pindutin ang answer key. "H----hello Marika hey! what's up!" pinipilit niyang maging normal ang pakikitungo sa dalaga upang hindi ito makahalata."Did you miss me?" tanong nito."Oo naman nakaka miss din pala yung walang sunod ng sunod at walang bilin ng bilin. Alam mo na the usual hobby mo yung pakialaman ang daily routine ko." May pagka irita niyang tugon dito."Ang sama mo kahit kailan eh hindi mo talaga ako kayan
Dahil sa mga narinig ay mistulang naging bula ang galit na bumabalot sa puso ni Jade. Unti unti ay nararamdaman niyang muling bumabangon ang pag ibig sa kanyang damdamin ngunit agad niyang sinupil ito. "Mali....mali ito..... nag sinungaling lamang siya para mapatawad ko." bulong niya sa sarili. At saka agad na binalingan ang lalaking naka yuko habang tahimik na lumuluha. "Dahil ikaw ang dahilan kaya kinuha ni Marika ang anak ko kaya dapat ikaw rin ang mag sauli sa akin. Hindi mo alam ang hirap ng pinag daanan ko sa pagiging single mom, kay sana huwag kang umasa na ng dahil lamang sa mga sinabi mo ay mag babago ang pagtingin ko saiyo. Hindi parin ako handa na ipakilala ka sa mga anak ko bilang ama nila, kaya sana ay hayaan mo muna na matanggap kong kailangan kitang papasukin sa buhay namin. Okay na okay na kami eh, masaya na kami kahit wala ka. Tanggap ng mga bata na si Richard ang daddy nila, pero ano? Heto ka at sasabihin yang mga bagay na magpapagulo sa isipan ko. Sana naiintindiha
"Marika is a good friend for me and for my family pero dahil tinangay niya ang anak ko hindi ko palalampasin kahit pa kaibigan ko siya." pahayag ni Andy para sa lahat ng naroon sa silid na iyon. Isa rin iyong dahilan upang ipaalam o iparating kay Jade na kahit na ano ang mangyari ay kakampi siya at hindi kaaway."Ano ba ang dahilan at kukunin ni Dra. Marika ang anak ninyo ni Jade?" tanong ni Richard at nag palipat lipat ang tingin niya kina Jade at Andy "Bakit nga ba ano ba ang kasalanang nagawa namin sa kanya? Bakit kailangang pahirapan niya kami ng ganito ng anak ko!?" sigaw ni Jade na ang paningin ay tila ba napakatalim at nais patayin s titig si Andy."Ang alam ko lang ay nag seselos siya sa inyo ng mga bata. Dahil alam niyang simulat sapol ay hindi ko siya minahal kahit pa sabihing gusto siya ng pamilya ko.""Selos? Bakit siya mag seselos sa inyong dalawa gayong nag kakasama lamang naman kayo sa ospital at isa pa alam naman niya na magkagalit kayo. Hindi kayo nag papansinan o na