Share

CHAPTER 1

Author: Sarah Joven
last update Last Updated: 2022-10-10 20:30:15

            Masayang masaya ang lahat ng matapos ang kasal ni Jodi at Richard. Hindi nila iniisip na darating pa ang sandaling ito sa buhay ng kanilang pinaka mamahal na bunso. Sa dami ng pagsubok na dumaan sa buhay nito walang makapag sasabing heto siya ngayon at masaya na sa piling ng lalaking kanyang minahal. Agad lumipad patungong Japan ang mag asawa, hindi para sa honeymoon kundi para puntahan ang magaling na cardiologist. Nais makasigurado ni Richard na wala na silang aalalahanin pa ayaw niyang muling manganib ang buhay ni Jodi. Hindi mawaglit waglit ang tingin ni Jade sa larawan ng kanyang nag-iisang kapatid, nais niyang yakapin ito ng mahigpit. Tunay ngang pinagpala ito sa buhay, sapagkat ngayon masasabi nilang wala na silang dapat pang ipag-alala sa kalagayan nito dahil hindi lamang sila ang mag aalaga rito.

Marahang lumapit ang kanyang ina sa kanya at nakitingin sa mga larawan ng bagong kasal na kaka-deliver lamang sa mansion nina Richard.

“Kay sarap pagmasdan ng mga ngiti ng iyong kaptid hindi ba? Kitang kita ang kinang sa kanyang mga mata maging ang pag ibig nila sa isa’t isa ay madarama mo sa tuwing sila ay mag titinginan.” Madamdaming pahayag ng kanyang ina.

“Nay, sa palagay mo po ba kung hindi ako nag kamali noong una sa mga desisyon ko sa buhay ay suswertihin rin ako katulad ni bunso?” nahihiya niyang tanong sa kanyang ina.

“Alam mo Jade, napakabuti mong kapatid, anak at ina sa iyong mga anak. Nag kamali ka man noong una, alam kong magagawa mo paring ayusin ang sarili mong buhay. Maaari mong itama ang pag kakamaling iyon at sana huwag mong pag sisihan sapagkat kung hindi ka nagkamali noon ay wala tayong Jaden at Jadelyn na ubod ng kukulit ngayon.”

“Nay kahit kailan naman po ay hindi ko pinagsisihan na nagkaroon ako ng mga anak, ang pinagsisisihan ko lamang po ay di ako pumili ng magiging ama nila. Puso ko ang aking pinairal at hindi ang isip. Kung sana ay nakapag hintay ako ng tamang panahon natapos ko sana ang aking pag-aaral at natulungan ko kayo upang makaahon sa hirap.”

“Huwag mo nang balikan ang nakaraan Jade, dahil kung patuloy mo iyang iisipin ay hindi ka matatahimik. Alam kong puno ng galit ang puso mo anak, ang hiling ko lang sana saiyo ay matuto kang mag patawad. Pagkat pag nangyari iyon alam ko magiging maganda ang daloy ng iyong buhay. Mag-aral kang muli Jade, magtutulungan kami ng iyong Mamang upang matapos mo ang iyong kurso total naman ay iisang semestre na at makaka graduate ka na at mabibigyan mo ng magandang buhay ang iyong mga anak.”

“Pag iisipan ko po Inay.”

 

Sa loob ng silid na inoukupa ng mag-iina ay pabalik balik na naglalakad si Jade, nang mapagod ay naupo siya sa sofa at pinagmasdan ang natulog na kambal. Muling bumalik sa kanyang alaala ang kanilang nakaraan.

Maayos ang kanilang pamumuhay noong siya ay bata pa, sa Maynila napiling manirahan ng kaniyang Ina pagkat dito ito ibinili ng bahay ng kanilang ama. Masaya silang namumuhay noon, ayon sa mga kwento ng kanyang Mamang (lola Zenny) ay masagana sila sa lahat, pagkat mayaman ang kanyang ama. Nang malaman nito na nag dadalang tao ang kanyang ina sa kanya ay agad itong bumili ng bahay at lupa at iniuwe sila roon mula sa Quezon. Hindi agad naipakilala sa kanilang angkan ang kanyang ina sa pagkat may kulturang sinusunod ang angkan ng kanyang ama. Isa itong purong intsik at nag iisang anak na lalaki kaya naman nais ng magulang nito na intsik rin ang  maging asawa nito. Nanatiling lihim ang pag sasama ng kanyang mga magulang kung kaya hindi na umalis sa tabi nila ang kanilang lolo at lola. Dumaan ang mga panahon na tila ba nag nanakaw nalamang ng oras ang kanyang ama upang sila ay mabisita sa kanilang tahanan. Sa mga panahong iyon rin ay nalaman ng kanyang ina na nagdadalang tao na ito sa kapatid niyang si Jodi. Muling napadalas ang pag uwi ng kanilang ama hanggang sa makapanganak ang kanyang Nanay, ngunit sa di maipaliwanag na dahilan ay nag laho na ito ng tuluyan hinintay lamang na mapabinyagan ang kanilang bunso at dina muling nag pakita pa. Ang tanging paalam nito ay

Isang araw ay sinugod nalamang sila ng ilang kalalakihan at sapilitang pinalayas sa kanilang tahanan. Dahil wala sa pangalan ng kanyang ina ang lupa at bahay na kanilang tinitirhan ay wala silang nagawa kung hindi ang bumalik nalamang sa kanilang probinya. Doon ay namuhay sila ng tahimik sa tulong ng kanilang mga lola, at lola na kahit minsan ay hindi maririnig na sinumbatan o pinag salitaan ng hindi maganda ang kanyang ina. Nagtulungan ang tatlo upang mabuhay silang dalawa ni Jodi. Maraming pag subok ang dumating sa kanilang buhay ngunit kanilang nalampasan. Hanggang sa dumating siya sa kolehiyo pinili ng kanyang Ina na sa Maynila siya pag-aralin dahil masmalaki raw ang posibilidad na matanggap agad siya sa trabaho kung sa magandang paaralan siya mag mumula. Sariwa pa sa kanyang mga alaala ang lahat.

“Jade this is my friend future doctor yan kaya bagay na bagay kayo, Andy Lee Yhang. And Andy this is my best friend Anna Jade Chen.” Pakilala ni Kristel sa kanilang dalawa.

Nag kamay naman sila bagama’t nahihiya si Jade ay di niya iyon ipinahalata. Si Andy naman ay tila walang pakialam sa lahat mukha itong seryoso at laging naka kunot ang noo. Matangkad, gwapo at maputi ito, mga katangian na pagnakita ng mga kababaihan ay sigurado ng pag kakaguluhan at pag aagawan.

“Nice to meet you Miss Chen, by the way mauna na ako sa inyo may dadaanan pa ako sa library.” Malamig ang boses at walang kagatol gatol na pamamaalam nito sa dalawang dalaga, ni hindi nito hinayaan na makapag salita si Jade at agad narin itong tumalikod patungong library.

“Sorry bff ha, sadyang ganyang ang personality niyang si Andy pero maniwala ka sa akin pag nakuha mo na ang loob niyan paniguradong magkakasundo kayo.” Hinging paumanhin ni Kristel sapagkat napahiya ito sa inasal ni Andy sa harapan ni Jade.

“Paano mo naman nasabing magkakasundo kaming dalawa gayong ni hindi nga niya ako tinapunan kahit isang sulyap. Sayang magandang lalaki na sana kaso suplado.” Nag rereklamong pahayag niya kay Kristel.

“Magkakasundo kayo kasi pareho kayong baliw hahaha…. baliw sa mga libro. Yung tipong pag kaharap na ang libro ay parang wala nang ibang naririnig at nakikita kung hindi mga letra hahaha.” Pang aasar ng kaibigan sa kanya, tama ito siya ang tipo ng babae na mas gugustuhing magbasa maghapon kesa sumama sa barkada upang gumimik.

Dumaan ang mga araw nag OJT na sila sa ospital kung saan naka assign din si Andy, para namang magnet kung makakapit itong si Kristel kay Andy kung kaya wala na rin itong magawa kung hindi ang sumama sa kanila sa canteen sa oras ng miryenda o kaya naman ay tanghalian.

Naalala ni Jade kung paanong nahulog ang loob ni Andy sa kanya. Minsan isinama siya ni Kristel sa condo ni Andy dahil birthday daw nito. Wala siyang nagawa sa mga oras na iyon kahit ayaw niyang pumunta.

“Bff samahan mo ako sa condo ni Andy mamaya ha please….” Pakiusap nito habang pinatutulis ng husay ang sariling nguso upang magpaawa sa kaibigan.

“Ano kasi eh… Bff sorry ha, pero baka hindi ako makasama medyo madami kasing kailangang review-hin alam mo naman diba exam na natin next week.” Tanggi naman ni Jade sa paanyaya ng kaibigan.

“Pero sandali lang tayo doon at promise ko sayo hindi tayo magtatagal iaabot ko lang ang ragalo ko kay Andy then aalis agad tayo.”

“Tingnan ko muna ha, siguro hihintayin ko rin muna ang tawag ni Nanay para makapag paalam narin ako. Saka kailangan ko talagang makausap si Nanay kasi kulang na kulang yung naipadala nila ni Mamang nung isang araw dahil magbabayad pa ako sa boarding house at hindi ko naman pwedeng galawin yung pang tution fee ko dahil mag-eexam na  nga tayo.” Problemadong pahayag ni Jade sa kaibigan.

“Don’t worry na sa pang bayad sa boarding house okay tutulungan kita doon, pahihiramin kita basta samahan mo lang ako please sige nanaman  Jade, alam mo ba bff tatanda kang maaga niyan wala ka ng ginawa kung hindi ang mag aral minsan naman dapat relax relax din no.” Pangungulit ni Kristel rito. Anak mayaman rin ito at sobra sobra ang allowance na ibinibigay ng mga magulang rito dahil nag iisang anak na babae ito at bunso pa, kaya naman lahat ng naisin ay nakukuha nito.

“Bff pwedi bang pag-isipan ko muna?” tanong ni Jade na may pag-aalinlangan talaga sa kalooban, oo at gusto niyang makita si Andy ngunit yung katotohanan na makakaapak siya sa condo nito ay di niya lubos maisip kung kakayanin ba niya pagkat nahihiya siya rito. Ayaw niyang may masabi ang lalaki sa pagpunta niya sa condo nito. Pinalaki siya ng kanyang ina na palaging ibinibilin na hindi dapat tumatapak ang babae sa bahay ng isang lalaki kahit kaibigan niya ito.

“Sige pag-isipan mo pero bago ang lahat eto ang cellphone ko saiyo na para hindi ka laging naka abang sa landline ng boarding house sa pagtawag ng pamilya mo.” At iniabot nito ang isang paper bag na maliit kay Jade.

Tinanggap niya ito at binuksan napanganga siya ng makita ang laman niyon. Ang cellphone na araw araw ngang dala ni Kristel at may kasama pang charger at bagong case. “ah…Bff ano ah… hindi ko matatanggap ito, pasensiya na pero alam ko kasing napakahalaga ng mga gamit mo sayo, sobrang mahal kaya dapat ingatan at alagaan. Natatakot akong makigamit dahil baka makasira pa ako eh… wala akong ibabayad.” Nalilitong pagpapaliwanag niya habang iniaarong pabalik ang paper bag sa kaibigan.

“No but’s bff. Hindi ka naman makikigamit, It’s yours na binilhan kasi ako ni mommy ng new phone and ano namang gagawin ko diyan itatambak ko sa drawer ko. Much better kung ibibigay ko sayo para may magamit ka.” Taos sa pusong paliwanag naman ni Kristel kay Jade.

“Naku nakakahiya naman talaga eh. Lagi mo nalamang akong tinutulungan sa lahat ng bagay at hindi ko na alam kung paanong mababayaran ka pabalik sa mabubuting bagay na ibinigay at ipinakita mo sa’kin.” Maluha luha pa ito habang sinasabi ang nararamdaman.

“Sus! Huwag ka ng magdrama dyan kaibigan! Samahan mo nalang ako mamaya okay na sa akin ang lahat, Bayad ka na hahaha.”

“Bina-blackmail mo ako bff?” tanong niya habang tuamatawa.

“Oo bff kaya wala kang magagawa kung hindi ang samahan ako.” At nagkatawanan ang dalawa.

Ayawman ni Jade ay napa oo siya sa kaibigan, dahil sa laki ng naitulong nito sakanya simula ng maging magkaibigan sila ay hindi niya ito magawang tanggihan. Ngunit may gumugulo sa kanyang isipan, Ano kaya ang magiging reaksyon ni Andy pagnakita siya nito? May munting pag-asa na sumibol sa kanyang damdamin. “Sana ay pansinin o batiin manlamang niya ako.” Bulong niya sa sarili, dahil sa tuwing sabay sabay silang kumakain ay hindi mo ito kakikitaan ng reaksyon sa mga taong nakapalibot rito.Sabi nga ni Kristel bilang at pili ang barkadang sinasamahan nito.  Ngunit kahit ganoon ay patuloy niya itong hinahangaan, oo humahanga siya kay Andy. Hindi lamang sa panlabas na kaanyuan kundi dahil sa nakikita niyang dedikasyon nito sa pag-aaral. Alam niyang imposible siyang mapansin nito dahil kakaiba siya sa mga babaeng nakapalibot rito. Ngunit hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit tila ba umaasa parin siya na matatapunan kahit isang sulyap lamang ng binata.

Related chapters

  • Back Into Your Arms Again   Chapter 2

    “Ano bff tara na?” Tanong ni Kristel kay Jade habang inaayos ang gamit nila sa kanilang locker. “Hindi naba tayo mag papalit manlamang ng uniporme?” Tanong nito sa kanya. “Siyempre mag papalit no, baka mamaya nandon yung pinsan ni Andy si James ang ultimate crush ng bayan at crush ko hahaha. Gusto ko mapansin nya na ako this time, kaya bilisan mo na ng makapag bihis na tayo.” Kinikilig pang anyaya nito sa kaibigan sabay hila sa kamay nito.Nagmamadali silang sumakay sa kotse ni Kristel at dumiretso sa sariling condo unit nito. At siyempre hindi nanaman siya tinigilan ng kaibigan, inayusan siya at pinahiram ng damit na maisusuot. Halos mag kasing katawan lamang silang dalawa sexy at maganda rin si Kristel morena nga lamang ito hindi katulad niya na maputi ang kutis.“Wow! Napakaganda mo talaga Jade bagay na bagay saiyo ang kulay yellow lalu ka ng namuti. Tssk eh kapag ako nagsuot niyan baka

    Last Updated : 2022-10-10
  • Back Into Your Arms Again   Chapter 3

            Hindi alam ni Jade kung bakit ba magaan ang loob niya sa kaharap, kahit na suplado ito alam niya sa sarili niya na pwede itong pagkatiwalaan. Di tulad ng iba pagnalaman na taga probinsiya siya ay para bang pinandidirian siya o iniiwasan. Kaya nga tanging si Kristel lamang ang  kaibigan niya dahil simula ng tumuntong siya sa unibersidad na pinapasukan nila ay ito lamang ang lumalapit sa kanya ng walang ka plastikan. May mga nakikipaglapit rin naman sakanya ngunit alam naman kaagad niya ang dahilan. Kalimitan ay para lamang magpatulong sa home works nila dahil nga isa siya sa pinaka matalino sa kanilang klase. Ilang beses na siyang pinasasali sa mga beauty contest ngunit tinatanggihan niya pagkat wala naman siyang kakayahan upang umarkila ng gown at magbayad ng make up artist. Yung mga gagastusin para sa contest ay ibabayad nalamang niya sa boarding house na tinutuluyan niya. Nasa malalim siyang pag-iisip ng marinig ang boses ng binata at ng tingnan niya itong m

    Last Updated : 2022-10-10
  • Back Into Your Arms Again   Chapter 4

    Naghahanda para sa pag-uwi si Jade, inaayos niya ang kanyang mga gamit dahil any time ay darating na si Andy para daanan siya sa nurse station. Kinakabahan parin siya kaya naman pinipilit niyang pakalmahin ang sarili. First time na may maghahatid sa kanya sa boarding house.“Hoyyy! Bff tulala ka na naman diyan ha. Alam mo ba kinakabahan na ako saiyo, hindi ko kasi maintindihan yung kinikilos mo mula pa kaninang maga.” Sabi pa ni Kristel na may himig pagbibiro. “huh! Bakit naman Kris, ano bang ikinikilos ko?” kunwaring tanong niya sa kaibigan habang patuloy na inaayos ang kanyang mga gamit sa bag. “Obvious ka girl…As in halatang halata. Actually matagal ko ng halata ayoko lang magtanong saiyo, kasi gusto ko sana eh saiyo magmumula kaso wala eh hindi ka parin umaamin na matagal mo ng crush si Andy.” “OMG! Kris ganon ba ako kahalata?” Natutop niya ang kanyang bibig at agad na namula ang kanyang pisngi ng marinig ang sinabi ng kaibigan.Tumawa naman ng tumawa si Kr

    Last Updated : 2022-10-12
  • Back Into Your Arms Again   Chapter 5

    Mabilis silang nakarating sa boarding house, hindi na bumaba pa si Andy. Matapos siyang alalayan sa pagbaba ng sasakyan ay nagpaalam lang ito na uuwi at magpapalit ng kasuotan sa condo. Walang pagsidlan ng saya si Jade kaya naman may pagmamadali siyang pumasok sa silid at agad naghanap ng maisusuot. Wala pa ang room mates niya kaya wala siyang matanungan kung ano ba ang babagay sa kanya o kung ano ba talaga ang dapat isuot. Hanggang sa nahagip ng kanyang mata ang isang bestida na kahit minsan ay hindi pa niya nagagamit. Isa iyong kulay dilaw na may disenyong maliliit na bulaklak na kulay puti at rosas, sleeveless iyon at hanggang kakalhatian ng hita niya lamang ang haba kaya naman pinag-iisipan niyang mabuti kung isusuot ba niya ito o hindi. Ngunit wala na siyang panahong mag-isip kung kaya’t nagmamadali na siyang pumasok sa banyo at naligo ng mabilis at ng makatapos ay tinuyo niya ang napakahabang buhok niya ng blower at saka naglagay ng light make up gayun

    Last Updated : 2022-10-13
  • Back Into Your Arms Again   Chapter 6

    Pinagmamasdan ni Andy kung anong magiging reaksyon ni Jade matapos niyang bitawan ang mga salitang iyon. Nang mapansin niyang tila nagulumihanan ito ay dahan dahan niyang hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa lamesa. Agad naman itong tumingin sakanya at kitang kita niya sa mga mata nito ang pag-aalala at kalituhan.Isang malamim na buntong hininga muna ang kanyang pinakawalan bago muling nagsalita. “Hey! Are you okay? You look worried.” Nag-aalala niyang tanong dito.Tumikhim muna siya bago sumagot, “O-okay lang ako ah… a-ano nga ang sinasabi mo…nasan na nga ba tay----” Hindi na siya pinatapos ni Andy sa pagsasalita, mabilis nitong kinuha ang kanyang mga kamay at hinawakan itong pareho.Tinitigan niya ang mga mata ng dagala, “Jade I love you, that’s the reason why I want to protect you.” Kinakabahan siya sa magiging reaksyon nito, ayaw niyang maapektuhan ang pagkakaibigan nilang dalawa.“B-but why me?”nagdududang tanong niya rito.Napangiti siya sa tanong nito. “Bakit? hindi ba pwe

    Last Updated : 2022-10-14
  • Back Into Your Arms Again   Chapter 7

    Sender: JADE Pls. tulong ASAP!!!Gulat na gulat si Andy sa text na natanggap niya mula kay Jade, bigla siyang binalot ng kaba. Nagmamadali siyang kinuha ang susi ng kanyang sasakyan, “Mom, Dad may sasaglitan lamang ako. Promise babalik ako agad.” Hindi niya hinintay pa ang tugon ng mga magulang halos takbuhin na niya ang kanyang sasakyan at pinasibad iyon patungong ospital.Halos sumisigaw sa galit si Dr. Cortez na siyang naka duty sa ER. “What’s happening? Bakit dalawa sa nurses natin ang nakainom ng sleeping pills!!! Sinong may kagagawan nito?” Kuyom ang sariling kamao ng Doktor habang patuloy na pinagmamasdan ang dalawang nurse na nakahiga ngayon sa Bed ng ER, at kasalukuyang walang kamalay malay.Wala namang kaimik imik ang ilang mga nurse na nakamasid lamang, ang ilang kababaihan ay nakaramdam ng matinding pag salamat at lihim na lumuluha sa sobrang takot. Pigil ang panginginig ng sariling mga kamay, nakatungo lamang si Jade at nag-iisip ng marinig niya ang pangalan

    Last Updated : 2022-10-15
  • Back Into Your Arms Again   Chapter 8

    Maagang gumusing si Andy, sa mansion siya natulog dahil iyon ang hiling ng kanyang mga magulang. Tulog na ang mommy niya ng makauwi siya kaya naman wala ng tanungan pangnangyari. Daddy niya ang nag-intay sa kanyang pag-uwi at sinabing madaling araw pa lamang ay aalis na ang mga ito patungong Baguio para sa isang business meeting doon at para narin bisitahin ang bahay bakasyunan nila. Ginising lamang siya ng mga ito para magpaalam bago umalis, naging mababaw na ang kanyang tulog at eto alas singko palamang ay gumagayak na siya susunduin niya si Jade sa boarding house nito para sabay na silang pumasok. Bitbit ang mga gamit na kakailanganin niya sa ospital dumaan siya sa kusina para kunin ang ipinabalot na almusal, balak sana niyang sabay silang kumain ni Jade ngayong umaga. Ng makuha ang dala at nakapagpasalamat sa tagapagsilbi nila ay agad niyang pinasibad ang kanyang sasakyan patungo kay Jade. Isang malakas na busina ang nakapagpabangon kay Jade sa higaan, “Ano bay un aga aga ingay

    Last Updated : 2022-10-16
  • Back Into Your Arms Again   Chapter 9

    Sa mga oras na iyon, tila ba mawawala na sa sarili niya si Andy sa labis na pag-aalala sa kanyang nobya. Ang hirap para sa kanya na habang siya ay nakatayo lamang dito sa loob ng Admin office ay pinapanood niya na maging patibong ang babaeng minamahal. Pauli uli siya sa loob ng silid at bigla nalamang nagkagulo ang mga nakaupo at nanunood ng makitang sinunggaban ng isang lalaking naka itim na jacket si Jade. Wala na silang marinig mula sa kabilang linya kung hindi ang tila mabibilis na yabag ng lalaking kumuha sa dalaga. Pinalipas nila ang ilang Segundo at nakita na nila ang pag-alis ng kotseng kulay pula kasunod nito ay may kotseng kulay puti na bahagya pang tumigil sa may harap ng cctv kung saan malinaw nilang nakita na inilabas ng sakay nito ang kanang kamay upang magbigay ng signal sa kanila.Napansin ni Andy na mabilis dinukot ni Dr.Cortez ang sariling cellphone bulsa ng suot nitong lab gown. “Kumpadre, eto na ang oras dadaan na sila sa harapan nyo within 5minutes. Salamat, mara

    Last Updated : 2022-10-17

Latest chapter

  • Back Into Your Arms Again   Finale

    Isa isang pinasadahan ng tingin ni Jade ang mga tao roon at napakalawak nang kanyang mga ngiti ng makita ang mga importanteng tao sa buhay niya lalo na ang kanyang pinakamamahal na ina, mamang at papang. Pumailanlang ang malamyos na tinig ni Jodi na hindi niya nalayang nawala na pala sa tabihan niya nakihanay sa pila ng papasok sa entourage. Sa saliw ng awiting "Promises" ng Sponge Cola. Napaka ganda ng tinig ng kanyang kapatid bawat kataga nito ay tila ba bumabaon sa kanyang isipan at tumatanim sa kanyang puso. Nagulat pa siya ng marinig rin ang tinig ni Nikki, duet pala ang mag mommy at napakaganda rin ng tinig ng dalaga. Isa isang naglakad ang mga piling taong malaki ang parte sa buhay nila. Parang nakalutang sa alapaap si Jade walang tigil ang kanyang pag iyak at sumunod nalamang siya sa agos hanggang sa nakatakda siyang maglakad patungo sa kanyang Mamang at Papang. napakahaba ng red carpet patungo sa altar."Congratulations apo mabubuo na ang pamilyang kay tagal mong pinangarap

  • Back Into Your Arms Again   Chapter 63

    Walang pagsidlan ng saya si Andy habang pinagmamasdan ang mukha ng babaeng natutulog sa kanyang tabi. Napakatagal niyang nanabik rito marahan siyang bumababa sa kama at saka lumakad ng marahan papunta sa kinalalagyan ng kanyang maleta. Naupo siya sahig at binuksan ang maleta sa tabihan nuon sy agad na kinapa ang isang bagay na muli niyang nais ibigay sa dalaga.Binuklat niya ang kulay pulang kahita at agad namang kuminng ang bagay mula sa loob niyon. Ipinatong niya ang pulang kahita sa tabi ng beside table kung saan nasa gawi ng kinatatayuan ni Jade nais niyang pag gising nito ay makikita agad nito ang singsing na siyang tanda ng kanyang pagmamahal. Muli siyang nahiga sa tabi ni Jade at saka niya iniangat ang ulo nito at ipinatong sa kanyang mga bisig. Para namang naramdaman ni Jade iyon kung kaya't niyakap niya ng mahigpit ang lalaki.Nang magising si Jade kinaumagahan ay agad nakita ang makinang na bagay na nasa loob ng kahita marahan niyang dinampot iyon at pinakatitigan. Inilagay

  • Back Into Your Arms Again   Chapter 62

    Inakala ni Andy na naghahalikan ang lalaki at si Jade kaya naman nabitawan niya ang hawak na balumbon ng bulaklak at nagmamadaling tumalikod.Lakad, takbo naman ang ginawa ni Jade maabutan lang ang lalaki kasabay ng bawat hakbang niya ay ang pagpatak ng kanyang luha. Wala ba itong tiwala sa kanya kaya nag mamadali itong iwanan siya matapos ng nakita nito? Hindi manlamang siya binigyan ng chance upang makapag paliwanag. Pagod na pagod na siya sa pagtakbo, kaya naman sumigaw na siya. "Andy!!! Mahal kita!" Tanging nasabi niya at kitang kita niya ang pagtigil ng lalaking minamahal sa mabilis na paglakad.Agad napatigil si Andy ng marinig ang sinigaw ni Jade. Tila ba isang magic word iyon at natanggal lahat ng tampo o hinanakit na kanyang nararamdaman.Sinamantala naman ni Jade ang pagtiong lalaki agd niya itong nilapitan at hinila sa kamay papaharap sa kanya.Nagtititigan lamang silang dalawa habang patuloy sa pagluha si Jade. "Andy, I still love you at hindi nagbago yun kahit sinaktan m

  • Back Into Your Arms Again   Chapter 61

    "What's the problem AJ, we both know that you still love Dr. Yhang." tanong ni Richard ng sinundan niya si Jade na nagmamadaling pumasok sa sariling silid at tahimik na nakatingin sa labas habang nakatayo sa may bintana. Nilingon niya si Richard, "I'm still afraid Chard." sagot niya rito sa mahinang tinig."Afraid for what?" kunot noong tanong nito kay Jade "I------I don't know Chard, my life is like an open book and you know my past. Hindi ko maialis yung takot dito sa dibdib ko." sagot ni Jade habang itinuturo ang dibdib at mababakas ang pag aalinlangan sa mukha nito."Love is full of surprises AJ, Including the happiness and of course the pain. Dr. Yhang love's you so much And what happened in past is still there hindi mo mababago ang nakaraan kung mananatili kang takot sa multo ng kahapon. Bakit hindi mo subukang buksan muli ang isip at puso mo. Hayaang maghilom ang sugat na dala ng kahapon kasama ng taong pinakamamahal mo." madamdaming pahayag nito kay Jade na tahimik na lumulu

  • Back Into Your Arms Again   Chapter 60

    Inabutan ni Andy na magkakayakap na umiiyak ang kanyang maiina at si Richard. Hindi niya maialis sa kanyang isipan ang pagiging walang kwentang ama niya. Kung lumali sana sa kanya ang kanyang mga anak sana ay siya ang kayakap ng mga ito. Kitang kita niya ang pagmamahal ng mga ito kay Richard na sana ay para sa kanya. Pinahiran niya ang mga luhang unti unting tumulo sa kanyang mga mata.Napansin naman agad ni Richard ang pagtalikod ni Andy at naramdaman niya ang kirot sa dibdib bilang ama ay nais niyang maramdaman rin ni Andy ang saya kapag niyakap ng mga anak. "Doc Andy, san ka pupunta." tanong ni Richard rito.Magsasalita na sana si Andy ng biglang tumayo si Jade at humarap sa kanya. "Saan ka pupunta? Magtatago ka nanaman? Iiwanan mo nanaman kami ng mga anak mo? Hanggang kailangan ka magiging duwag at kailan ka pa magigising sa kata***han mo?" nagpupuyos sa galit na sigaw ni Jade sa kanya pinahiran nito ang mga luhang masaganang naglalandas sa mga mata nito bago tumalikod at akmang

  • Back Into Your Arms Again   Chapter 59

    Nauna ng ilang minuto si Andy sa Casa Martirez Café, napatingin siya sa orasang pambisig. Mag aalas sais na ng hapon duon, kaya naman dumarami na ang mga tao sa paligid. Natanaw na niya si Marika napakalawak ng ngiti nito at talagang halatang pinaghandaan ang pagkikita nila. Napakaganda nito sa suot na black top and jeans, naka boots na kulay cream at napaka kapal na balahibuhing coat. Bagay na bagay sa kanyang balingkinitang katawan ang top at jeans na suot dahil litaw ang kaumbukan ng kanyang pwet at dibdib. Nakalugay ang may kahabaang buhok nito na sadyang kinulot. "Wow you're so beautiful." may paghangang bati niya dito ng salubungin niya. Agad naman itong yumakap at humalik sa kanyang pisngi. "Nabihag ko na ba ang pihikan mong puso?" biro naman ni Marika sabay ngiti sa binata "tsssk don't mention it again or else hindi na talaga ako magpapakita sayo. Take a sit and let's order before we talk." "Are you sure that you want here?" mapanuksong tanong ni Marika kay Andy."Of cours

  • Back Into Your Arms Again   Chapter 58

    Nag usap-usap sina Jade, Richard, Andy at kasali si Jodi kahit sa skype lamang. Gumawa sila ng plano kung paano makukuha si Jadelyn ngunit isang tawag ang hindi nila inaasahan.Tumunog ang ringtone ni Andy at nanlalaki ang mga mata niya ng titigan ang pamilyar na pangalang naka rehistro na lumabas sa kanyang screen. "Marika is calling....." nasambit nalamang nito na parang batang nag susumbong kay Richard."Answer it and i-loud speaker mo para marinig nating lahat. " Utos ni Richard sa kanya.Sinunod naman ni Andy ang utos nito, bahagyang nanginginig pa ang kamay nito ng pindutin ang answer key. "H----hello Marika hey! what's up!" pinipilit niyang maging normal ang pakikitungo sa dalaga upang hindi ito makahalata."Did you miss me?" tanong nito."Oo naman nakaka miss din pala yung walang sunod ng sunod at walang bilin ng bilin. Alam mo na the usual hobby mo yung pakialaman ang daily routine ko." May pagka irita niyang tugon dito."Ang sama mo kahit kailan eh hindi mo talaga ako kayan

  • Back Into Your Arms Again   Chapter 57

    Dahil sa mga narinig ay mistulang naging bula ang galit na bumabalot sa puso ni Jade. Unti unti ay nararamdaman niyang muling bumabangon ang pag ibig sa kanyang damdamin ngunit agad niyang sinupil ito. "Mali....mali ito..... nag sinungaling lamang siya para mapatawad ko." bulong niya sa sarili. At saka agad na binalingan ang lalaking naka yuko habang tahimik na lumuluha. "Dahil ikaw ang dahilan kaya kinuha ni Marika ang anak ko kaya dapat ikaw rin ang mag sauli sa akin. Hindi mo alam ang hirap ng pinag daanan ko sa pagiging single mom, kay sana huwag kang umasa na ng dahil lamang sa mga sinabi mo ay mag babago ang pagtingin ko saiyo. Hindi parin ako handa na ipakilala ka sa mga anak ko bilang ama nila, kaya sana ay hayaan mo muna na matanggap kong kailangan kitang papasukin sa buhay namin. Okay na okay na kami eh, masaya na kami kahit wala ka. Tanggap ng mga bata na si Richard ang daddy nila, pero ano? Heto ka at sasabihin yang mga bagay na magpapagulo sa isipan ko. Sana naiintindiha

  • Back Into Your Arms Again   Chapter 56

    "Marika is a good friend for me and for my family pero dahil tinangay niya ang anak ko hindi ko palalampasin kahit pa kaibigan ko siya." pahayag ni Andy para sa lahat ng naroon sa silid na iyon. Isa rin iyong dahilan upang ipaalam o iparating kay Jade na kahit na ano ang mangyari ay kakampi siya at hindi kaaway."Ano ba ang dahilan at kukunin ni Dra. Marika ang anak ninyo ni Jade?" tanong ni Richard at nag palipat lipat ang tingin niya kina Jade at Andy "Bakit nga ba ano ba ang kasalanang nagawa namin sa kanya? Bakit kailangang pahirapan niya kami ng ganito ng anak ko!?" sigaw ni Jade na ang paningin ay tila ba napakatalim at nais patayin s titig si Andy."Ang alam ko lang ay nag seselos siya sa inyo ng mga bata. Dahil alam niyang simulat sapol ay hindi ko siya minahal kahit pa sabihing gusto siya ng pamilya ko.""Selos? Bakit siya mag seselos sa inyong dalawa gayong nag kakasama lamang naman kayo sa ospital at isa pa alam naman niya na magkagalit kayo. Hindi kayo nag papansinan o na

DMCA.com Protection Status