"Magandang umaga!" Masayang bati ni Coreen sabay bukas ng pinto ng kwarto ni Rica, ngunit napalitan ng pag-aalala ang kanyang ngiti nang makita niyang inaalo ng kanyang Tita Clarice ang isang umiiyak na si Rica. "Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong niya at lumagpas sa Tita niya para dahan-dahang hawakan ang mukha ng kapatid gamit ang naka-gloves na mga kamay. "Nasaktan ka ba, baby?" Muli niyang tanong nang nanatiling tahimik si Rica at patuloy lang sa pagsinghot nang mahina. Naramdaman ni Coreen ang paghawak sa kaliwang balikat niya at tumalikod para harapin ang Tita niya para makita itong nakangiti. "Wala namang problema, Coreen. Ayos lang si Rica. Naiiyak lang siya dahil narinig niyang nag-uusap ang mga nurse." Imbes na gumaan ang loob ay lalo siyang nabahala at awtmatikong nagpaka-Ate. "Ano ho ang mga sinasabi nila? May sinasabi ba sila tungkol kay Rica?" Bahagyang natawa si Tita Clarice at hinawakan siya sa kamay. "Hindi, hindi, hindi. Hindi siya ang pinag-uusapan nila.
Mabilis talaga ang takbo ng oras kapag kasama ni Coreen ang kapatid niya. Siguro dahil pinapahalagahan niya ang bawat segundo nito. Bago niya pa namalayan, oras na para bumalik siya sa trabaho. Disappointed siya pero excited din naman at the same time. Marahil ay dahil muli niyang makikita si Royce. Sa sandaling tinanggap ni Coreen ang nararamdaman niya para sa lalaki, lumundag ang puso niya sa pananabik. That very second after she reconciled with Kurt, ang naiisip niya lang ay si Royce. Nami-miss niyang makita ang mukha nito, marinig ang boses nito, sapat na ang malapit lang sa binata. Kahit na wala itong nararamdaman para sa kaniya at kahit ay madalas silang nagbabangayan. Speaking of her ex, they exchanged contacts and promised to hang out like old time's sake and Coreen saw nothing wrong about it kaya pumayag siya na bukal sa kalooban. Pagkatapos ng lahat, muling bumalik ang pagkakaibigan nilang naudlot. Halos nasa bus stop na si Coreen nang tumunog ang phone niya kaya kinuh
Galit na inalis siya ni Royce sa katawan nito at iniwan siya, ngunit hindi sumuko si Coreen at sinundan niya ito. Pilit na lumalakad sa tubig dahil nasa itaas pa rin ito ng kanyang baywang. "Royce, teka!" Tawag niya rito ngunit hindi siya pinansin ng lalaki. Ang mga balikat nito ay puno ng tensyon at nakakuyom ang mga kamaong nakagwantes. At biglang gustong magsisi ni Coreen sa kapangangasan niya.Halos. Ngunit alam niyang kailangan niyang gawin ang unang hakbang, kailangan niyang kunin ang pagkakataong ito. Kailangan niyang subukan, kahit na mas malaki ang tiyansa niyang mabigo. At least masasabi niya sa sarili niya na sinubukan niya man lang. Mali bang ginawa niya iyon? Halos hindi niya ito maabot at gusto niya itong hawakan para pigilan, ngunit sa halip ay ikinuyom niya ang mga kamay sa tagiliran. "Look, I'm sorry." "Are you?" Galit na umikot si Royce at tinitigan siya ng masama. "Alam mo ang tungkol sa kalagayan ko at ginawa mo pa rin? Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatan
Sa kabilang panig ng dingding, isang babaeng nakatali ang mga kamay sa likod ang nagbibigay ng blowj*b kay Royce. Katulad ng ginawa niya noon ay nakaluhod ang babae sa harapan nito na walang pader sa pagitan nila. Nakahawak din si Royce sa buhok nito habang dumadaing sa sarap habang nakatitig sa kanya mula sa kabilang kwarto. At ang lakas ng loob nitong ngumiti sa kanya. Gustong umiwas ni Coreen sa nakakakilabot na tanawing dumudurog sa kanyang puso ngunit hindi niya magawa. Parang hinugot ni Royce ang puso niya at paulit-ulit itong tinapakan at niluraan. Ano ang sinusubukan nitong patunayan sa paggawa nito? Gusto ba siya nitong saktan? Ibalik sa kaniyang kinalulugaran? Pagselosin siya? Kung ganoon, bakit pa siya hinalikan nito? Naramdaman niyang may pumatak na luha mula sa kanyang mata ngunit mabilis na pinunasan iyon at walang emosyong nakatingin kay Royce. Nakita niya kung paano ito nagngangalit at humigpit ang pagkakahawak nito sa buhok ng babae, tanda na dinatnan na i
Dumating ang umaga at si Coreen ay nagising ng alas siyete gaya ng dati. Pumunta siya sa pool ng Hotel at doon nagpalipas ng isang oras sa paglangoy. Matapos nito ay tumungo siya sa restaurant ng Hotel para mag-almusal at gumastos ng malaking halaga. Wala pakialam si Coreen sa sandaling iyon. This is her day, gagawin niya lahat ng gusto niyang gawin at hindi niya pipigilan ang sarili, ngunit lilimitahan pa rin niya ang sarili niya. Bago ang oras ng tanghalian, naligo na siya at nagsuot ng damit bago mag-check out sa Hotel. Sumakay siya ng taxi papunta sa lugar kung saan sila magkikita ni Kurt at pagdating doon ay pumasok siya sa loob ng Forever 21 at pumili ng bagong set ng damit, at ito ay isang pares ng damit na sexy ang tabas at style ngunit elegante pa rin naman. Agad niya itong ginamit pagkabili at tama nga siya na babagay ito sa kaniya. Matapos niyon ay inilagay ang luma sa loob ng paper bag. Habang hinihintay si Kurt sa loob ng isang restaurant na pinili nito, muling naramda
Gulat na napatingin si Coreen sa papel nang makita niya ang nakasulat doon. Kailangan niyang manatili bilang kasambahay nito sa loob ng isang buong taon o kakasuhan siya nito ng paglabag sa kontrata. Sa nabasa ay galit niyang nilukot ang papel. "Hindi ito ang pinirmahan ko! Wala akong nakitang petsa nang pumirma ako! Fake ito!" Napataas ang kilay ni Royce. "At ano ang mapapala ko sa panloloko sa'yo? Sabihin mo sa akin." Kinagat niya ang kanyang labi at inihagis kung saan ang gusot na papel sa galit. Hindi iyon ang kontratang pinirmahan niya! Pero tama si Royce. Wala itong mapapala sa pagsisinungaling sa kanya kaya naman bumagsak ang mga balikat niya sa pagkatalo. Handa na siyang umalis. Inihanda na niya ang sarili niya. Anong klaseng biro ito? "So.. nag-enjoy ka ba?" Nanlaki ang mga mata niya nang makitang humakbang papalapit sa kanya si Royce hanggang tatlong talampakan lang ang layo nila sa isa't isa. Umatras siya ng dalawang hakbang pero dalawang hakbang pasulong si Royce.
"You f*cking---bumaba ka dito at harapin mo ako!" Nanggigil na bulyaw ng lalaki at halos mabingi si Coreen."You have the nerve coming here and entering like you own the goddamn place," kalmado pa rin, ngunit halatang inis nang sabi ni Royce bago lumipat ang mga mata sa kanya. "Next time, don't just let anyone here. That man right there will not even blink a goddamn eye before he shoots you between the eyes."Umiwas siya ng tingin at napakamot sa braso. At paano naman niya malalaman iyon gayung iniwan siya nito sa dilim? At teka nga, hindi naman siya ang nagpapasok dahil pilit lang itong pumasok!"Be thankful I'm in a good mood and I don't exactly want my maid to clean a bloody mess. If you're so brave, meet me at the f*cking arena." Sa narinig na sinabi nito ay kinilabutan siya.Nakita ni Coreen na ngumusi ang lalaki at pinatunog pa ang mga daliri. "Isa ka na lang malamig na bangkay kapag tapos na ako sa iyo, f*cker." Tumalikod ito at dinilaan ang labi na parang manyak bago umalis."
Nang nasa loob na siya ng taxi, tinawagan niya ang kanyang Tita at sinabihang magkita sa pinakamalapit na restaurant na ang pangalan ay The Diner, their favorite restaurant ever since they were still a kid. Ito ay nasa negosyo na sa loob ng dalawangpung taon na ngayon kung tama ang pagkakatanda niya. Narinig pa niyang bumabati ang kapatid niya sa background at tumili nang ipaalam sa kanya ni Tita Clarice na sa paborito naming restaurant kami kakain.Nauna siyang nakarating sa restaurant kaya nagpareserba siya ng magandang booth para sa kanila. Habang naghihintay sa kanilang pagdating, nilingon ni Coreen ang pamilyar na lugar na may malungkot na ngiti sa labi at tila bumalik sa nakaraan kung saan kumpleto pa silang pamilya at sa may sulok nakaupo. Naalala ang kanyang mga magulang na nakaupo sa tabi niya at nagtatawanan. Namuo ang mga luha sa kanyang mga mata ngunit kinusot niya iyon.Tatay, Nanay, twenty six na ako ngayon. I am at the perfect age to marry and give you grandbabies but a