Gulat na napatingin si Coreen sa papel nang makita niya ang nakasulat doon. Kailangan niyang manatili bilang kasambahay nito sa loob ng isang buong taon o kakasuhan siya nito ng paglabag sa kontrata. Sa nabasa ay galit niyang nilukot ang papel. "Hindi ito ang pinirmahan ko! Wala akong nakitang petsa nang pumirma ako! Fake ito!" Napataas ang kilay ni Royce. "At ano ang mapapala ko sa panloloko sa'yo? Sabihin mo sa akin." Kinagat niya ang kanyang labi at inihagis kung saan ang gusot na papel sa galit. Hindi iyon ang kontratang pinirmahan niya! Pero tama si Royce. Wala itong mapapala sa pagsisinungaling sa kanya kaya naman bumagsak ang mga balikat niya sa pagkatalo. Handa na siyang umalis. Inihanda na niya ang sarili niya. Anong klaseng biro ito? "So.. nag-enjoy ka ba?" Nanlaki ang mga mata niya nang makitang humakbang papalapit sa kanya si Royce hanggang tatlong talampakan lang ang layo nila sa isa't isa. Umatras siya ng dalawang hakbang pero dalawang hakbang pasulong si Royce.
"You f*cking---bumaba ka dito at harapin mo ako!" Nanggigil na bulyaw ng lalaki at halos mabingi si Coreen."You have the nerve coming here and entering like you own the goddamn place," kalmado pa rin, ngunit halatang inis nang sabi ni Royce bago lumipat ang mga mata sa kanya. "Next time, don't just let anyone here. That man right there will not even blink a goddamn eye before he shoots you between the eyes."Umiwas siya ng tingin at napakamot sa braso. At paano naman niya malalaman iyon gayung iniwan siya nito sa dilim? At teka nga, hindi naman siya ang nagpapasok dahil pilit lang itong pumasok!"Be thankful I'm in a good mood and I don't exactly want my maid to clean a bloody mess. If you're so brave, meet me at the f*cking arena." Sa narinig na sinabi nito ay kinilabutan siya.Nakita ni Coreen na ngumusi ang lalaki at pinatunog pa ang mga daliri. "Isa ka na lang malamig na bangkay kapag tapos na ako sa iyo, f*cker." Tumalikod ito at dinilaan ang labi na parang manyak bago umalis."
Nang nasa loob na siya ng taxi, tinawagan niya ang kanyang Tita at sinabihang magkita sa pinakamalapit na restaurant na ang pangalan ay The Diner, their favorite restaurant ever since they were still a kid. Ito ay nasa negosyo na sa loob ng dalawangpung taon na ngayon kung tama ang pagkakatanda niya. Narinig pa niyang bumabati ang kapatid niya sa background at tumili nang ipaalam sa kanya ni Tita Clarice na sa paborito naming restaurant kami kakain.Nauna siyang nakarating sa restaurant kaya nagpareserba siya ng magandang booth para sa kanila. Habang naghihintay sa kanilang pagdating, nilingon ni Coreen ang pamilyar na lugar na may malungkot na ngiti sa labi at tila bumalik sa nakaraan kung saan kumpleto pa silang pamilya at sa may sulok nakaupo. Naalala ang kanyang mga magulang na nakaupo sa tabi niya at nagtatawanan. Namuo ang mga luha sa kanyang mga mata ngunit kinusot niya iyon.Tatay, Nanay, twenty six na ako ngayon. I am at the perfect age to marry and give you grandbabies but a
Hinayaan niyang tanggalin nito ang tape sa bibig niya para lang makapagsalita siya pero nang hahawakan na naman siya nito, sa wakas ay nagsalita siya."Huwag mo nang tangkain pa," babala ni Coreen nang hahakbang na si Royce palapit sa kanya. "Huwag mo akong hawakan. Ni huwag kang lalapit sa akin. Ayokong dapuan ako ng mga kamay mo."Hindi dahil sa kasalukuyan silang basang-basa ng dugo pareho at labis na nakakadiri at nakakakilabot. It's the fact na tama ang hinala niya. Ang bagay na pilit na itinatanggi ng tanga niyang puso. Isa talaga itong mamamatay tao. Isang kriminal. At Diyos lang ang nakakaalam kung gaano karaming buhay ang kinitil nito sa mga kamay na iyon. Ang mga kamay na hinayaan niyang humawak sa bawat parte ng katawan niya. Ang parehong mga kamay na ginusto niyang mahawakan pa sana.Napaiwas siya nang tingin at natigilan nang bigla nitong tawirin ang pagitan nila. Pumikit siya nang mariin at ang sumunod na ginawa nito ay hindi lamang nagpagulat sa kanya kundi nagpagalit d
Bumuntong-hininga siya at saglit lang ay kumalam ang tiyan niya sa gutom. Anong oras na ba? Nang tumingin siya sa paligid ay nalaman ni Coreen na siya'y nasa kwarto niya sa Mansion. Tumingin siya sa orasan at nakitang alas-tres na ng madaling araw. Hindi siya sanay kumain ng umaga! Muli siyang humiga at pinilit ang sarili na matulog ngunit ayaw ng tiyan niya at patuloy sa pagkalam at kirot. Sinipa niya ang kumot dahil sa inis. Baka nasa baba ang tatlong iyon. Paano ako makakain? Kabado at nag-aalala na tanong niya sa sarili. Napabuntong-hininga siya sa sobrang inis at tumayo. Kukuha lang siya ng makakain at dito na lang siya kakain. Tumango siya sa sarili at nagsuot ng tsinelas bago lumabas ng pinto. Dahil kinakabahan siya, parang ang bigat ng bawat hakbang niya, at para tuloy siyang magnanakaw na nag-iingat na huwag gumawa ng ingay. Huminga siya nang malalim bago kaswal na bumaba ng hagdan, ang kilos ay pilit na ginawang kalmado at normal. Hindi siya nag-abalang tumingin sa kabila
Nagpatuloy ang mga araw sa pagtatrabaho niya kay Royce at pag-aalala sa kanyang pamilya ngunit totoo sa sinabi ni Royce, may mga tauhan nito na nagbabantay sa bahay nila ayon sa kanyang Auntie. Nang tanungin siya ng Tita niya kung bakit ay hindi siya nakahanap ng tamang sagot at sa halip ay sinabi niya na para sa Tiyo niya ito kung sakaling masaktan sila. Hapon na at kasalukuyan siyang nagtatahi ng pang-itaas na napunit mula noong araw na siya ay kinidnap. Paborito niya kasi iyon kaya hindi niya basta-basta maitapon at may sentimental value na rin ito sa kaniya. Napahinto siya nang makitang pumasok sa right wing si Zyke. "Hi," Nag-aalangan niyang bati. Huling pagkikita nila ay nainis niya ito sa pagsasabi at pagbbintang ng kung ano-ano. "I'm sorry sa mga nasabi ko." Pagpapakumbaba niya. Isinara ni Zyke ang pinto at nagkibit balikat bago pabagsak na humiga sa sofa. "Nah. Wala kang alam at kasalanan din naman namin," tugon nitong nakangiti sa kanya kaya ngumiti rin siya pabalik. T
"Umalis ka sa paningin kong malandi ka at huwag na huwag mo nang ipapakita ang mukha mo sa harap ko o ng asawa ko, naiintindihan mo?!" nanggigigil sa galit na sigaw sa kaniya ng asawa ng dating Amo na si Richard.Tahimik lamang niyang ginagawa ang trabaho niya nang bigla na lamang siyang sugurin ng sabunot at sampal ng asawa nito na si Teresa. Ipinahiya siya nito sa harap ng mga kasamahan niya at sinabihan ng masasakit na salita at tinawag ng kung ano-ano.Who would've thought that she'll be mistaken as a mistress? To a family man who's twice her age at that?Oo nga't kailangan niya ng pera para ipagamot ang nag-iisa niyang kapatid na si Rica, ngunit hindi niya magagawang kumabit at sumira ng pamilya."Hindi ko ho ginawa ang ibinibintang ninyo. Alam ng Diyos iyan." naninindigan niyang sabi kay Teresa habang inaayos ang sarili at pinupulot ang mga gamit niyang itinapon nito."'Wag mong madamay-damay ang Diyos sa kakatihan mong, gaga ka!" galit pa rin nitong bulyaw sa kaniya.Taas-noo s
Coreen moaned as she felt a gloved hand tracing her bare skin, caressing her body as if she was a rare porcelain. Nag-iiwan ng kakaibang init ang bawat pasadahan ng kamay na iyon sa bawat parte ng kaniyang katawan.The hand trailed from her feet, her legs and thighs. Hindi ito tumigil hanggang marating ang kaniyang katawan. Nang dumapo ang kamay nito sa dibdib niya ay napaliyad siya kasabay ng isang ungol at napakagat sa labi.Warm Breath is suddenly blowing in her ear. "Coreen... your body is a sin." he whispered seductively making her whimper with need."I love the way you react to my touch. So damn responsive." he said huskily and she gasped loudly when he gripped her."N-no." natagpuan niya ang sariling sinasabi. "S-stop.""Bakit? Ayaw mo ba?"She whimpered and shook her head no."Then, why are you dreaming about it?"Napasinghap si Coreen at napabalikwas ng bangon. Pawis na pawis ang noo niya kahit pa may aircon ang buong kabahayan. Pero ang napansin niya at talaga namang ikinaka