Nagpatuloy ang mga araw sa pagtatrabaho niya kay Royce at pag-aalala sa kanyang pamilya ngunit totoo sa sinabi ni Royce, may mga tauhan nito na nagbabantay sa bahay nila ayon sa kanyang Auntie. Nang tanungin siya ng Tita niya kung bakit ay hindi siya nakahanap ng tamang sagot at sa halip ay sinabi niya na para sa Tiyo niya ito kung sakaling masaktan sila. Hapon na at kasalukuyan siyang nagtatahi ng pang-itaas na napunit mula noong araw na siya ay kinidnap. Paborito niya kasi iyon kaya hindi niya basta-basta maitapon at may sentimental value na rin ito sa kaniya. Napahinto siya nang makitang pumasok sa right wing si Zyke. "Hi," Nag-aalangan niyang bati. Huling pagkikita nila ay nainis niya ito sa pagsasabi at pagbbintang ng kung ano-ano. "I'm sorry sa mga nasabi ko." Pagpapakumbaba niya. Isinara ni Zyke ang pinto at nagkibit balikat bago pabagsak na humiga sa sofa. "Nah. Wala kang alam at kasalanan din naman namin," tugon nitong nakangiti sa kanya kaya ngumiti rin siya pabalik. T
"Umalis ka sa paningin kong malandi ka at huwag na huwag mo nang ipapakita ang mukha mo sa harap ko o ng asawa ko, naiintindihan mo?!" nanggigigil sa galit na sigaw sa kaniya ng asawa ng dating Amo na si Richard.Tahimik lamang niyang ginagawa ang trabaho niya nang bigla na lamang siyang sugurin ng sabunot at sampal ng asawa nito na si Teresa. Ipinahiya siya nito sa harap ng mga kasamahan niya at sinabihan ng masasakit na salita at tinawag ng kung ano-ano.Who would've thought that she'll be mistaken as a mistress? To a family man who's twice her age at that?Oo nga't kailangan niya ng pera para ipagamot ang nag-iisa niyang kapatid na si Rica, ngunit hindi niya magagawang kumabit at sumira ng pamilya."Hindi ko ho ginawa ang ibinibintang ninyo. Alam ng Diyos iyan." naninindigan niyang sabi kay Teresa habang inaayos ang sarili at pinupulot ang mga gamit niyang itinapon nito."'Wag mong madamay-damay ang Diyos sa kakatihan mong, gaga ka!" galit pa rin nitong bulyaw sa kaniya.Taas-noo s
Coreen moaned as she felt a gloved hand tracing her bare skin, caressing her body as if she was a rare porcelain. Nag-iiwan ng kakaibang init ang bawat pasadahan ng kamay na iyon sa bawat parte ng kaniyang katawan.The hand trailed from her feet, her legs and thighs. Hindi ito tumigil hanggang marating ang kaniyang katawan. Nang dumapo ang kamay nito sa dibdib niya ay napaliyad siya kasabay ng isang ungol at napakagat sa labi.Warm Breath is suddenly blowing in her ear. "Coreen... your body is a sin." he whispered seductively making her whimper with need."I love the way you react to my touch. So damn responsive." he said huskily and she gasped loudly when he gripped her."N-no." natagpuan niya ang sariling sinasabi. "S-stop.""Bakit? Ayaw mo ba?"She whimpered and shook her head no."Then, why are you dreaming about it?"Napasinghap si Coreen at napabalikwas ng bangon. Pawis na pawis ang noo niya kahit pa may aircon ang buong kabahayan. Pero ang napansin niya at talaga namang ikinaka
IMPIT NA SUMIGAW si Coreen sa hawak na unan na kasalukuyang pinanggigigilan. Iniisip niyang ito ang Amo niyang walanghiya.Sa tuwing naaalala niya kung gaanong paghihirap ang pinagdaanan niya mapakawalan lamang niya ang sarili niya sa pagkakatali nito sa kaniya sa headboard ay lalong nagpupuyos ang damdamin niya.Royce Cordillero is the real definition of asshole with a capital A!Tumulo na lahat ng pawis niya sa katawan at halos magkandabali-bali lahat ng buto niya sa katawan makawala lamang. Hindi niya inakala na may itinatago rin naman pala siyang flexibility pero hindi iyon ang punto! Ang punto ay pinagmukha siyang tanga ni Royce.Kung nakikita lamang siya nito malamang ay pinagtatawanan na nito ang paghihirap niya. Pero hindi pa rin siya susuko! Mas malakas ang hangarin niyang mapagaling ang kapatid para sumuko sa pagpapahirap nito sa kaniya. Ipapakita ni Coreen na iba siya sa mga napaalis nito dati. Ipapamukha niya sa binata na nakaharap na ito ng katapat nito!Ang nagpupuyos na
MADALING ARAW pa lang nang umalis si Coreen sa Mansiyon ng mga Cordillero. Binagtas niya ang madilim-dilim pang daan palabas ng subdivision ngunit meron naman siyang mangilan-ngilang taong nakakasabay kaya hindi siya kabado. Sabik na kasi siyang makauwi upang makita ang kapatid na si Rica.Paglabas ng subdivision ay agad naman siyang nakakita ng masasakyang jeep pauwi sa kanila. Habang lulan ng jeep ay lumipad ang isip niya sa naiwang lalaki sa mansiyon. Paano kaya ito nakaka-survive nang mag-isa? Does he eat out? Order? Come to think of it, the most she's seen the man doing is to exercise, eat, leave for work at tulog na siya bago pa man ito dumating. Not much has changed between them. Royce is still an asshat and Coreen is still a maid.Ipinilig ni Coreen ang ulo para iwaglit ang mga naiisip ukol sa binata. Tinitiis na nga niya ang ugali nito kapag kasama niya ito ay sasaktan pa niya ang sarili niya sa pag-iisip tungkol pa rin dito gayung sigurado siyang ni hindi man lang siya pag-aa
"Okay ka lang ba, Ate?" dinig niyang tanong ni Anna ng may pag-aalala sa tono.Bumuga muna siya ng hangin bago itininuloy ang ginagawa. Mabigat ang kalooban at masama ang loob sa tiyuhin. '"Oo, ayos lang."Kahit hindi na. Kahit sawa na ako at ubos na. Pagod na pagod na ako na sa tuwing uuwi ako ay parang bangko ang tingin sa akin ni tiyong. Hindi maiwasang sabihin niya sa sarili."Wow, ang galing naman ng kapatid ko." puri niya sa kapatid nang ipakita nito sa kaniya ang ipininta nito ngunit kusa rin siyang natigilan nang mapagtanto kung ano ang iginuhit nito.Ito ang bahay nila noon, sa harap ng bahay ay magkakahawak sila ng Kamay ng nasira niyang mga magulang. Malungkot siyang ngumiti sa kapatid na may namumuong mga luha sa mata."Ate, miss na miss ko na sila Papa at Mama." naluluhang sabi nito at wala siyang nagawa kung hindi yakapin ang kapatid at aluhin ito."Ssh, bunso. Nandito naman si Ate, 'di ba? Hinding-hindi ka iiwan ni Ate." hinalikan niya ito sa ulo. "Hinding-hindi aalis s
MABILIS NIYANG ITINAKIP ang tuwalya sa kaniyang katawan ngunit alam niyang huli na ang lahat dahil nakita na nito iyon at ang kaninang gulat na naramdaman ay napalitan ng galit. Lumapit siya sa salaming pader na may ilang butas na hindi na niya gusto pang isipin kung para saan at dinuro ang lalaking ngayon ay nakangisi na sa kaniya."Isa kang malaking manyak! Bakit salamin 'to gayung bago ako umalis ay pader pa ito, ha?!"Royce raised his eyebrow and sat up from his leaning position earlier. Pinagsiklop niya ang mga naka-guwantes na kamay sa harapan niya. "I don't know, actually. It just ended up that way." kibit balikat na sabi nito na lalong ikinalaki ng ulo niya."Ano'ng akala mo sa akin, tanga? Look here, Mr. Cordillero. Hindi ko alam kung ano ang plano mo o nilalaro mo but if this is another scheme of yours to kick me out, I'm sorry to tell you this pero hindi ka mananalo."Hindi nagbago ang ekspresyon nito sa sinabi niya, tila hindi tinablan ng mga salita niya. "I don't know wha
Mabilis niyang iniligpit ang mga gamit at nagmamadaling lumabas ng kwarto, muntik pa siyang madapa dahil sa pagtakbo para lang matigilan nang pagbaba niya ay makita niya ang tumatawang si Royce na pinatay ang tunog ng alarm.Umakyat lahat ng dugo niya sa ulo at marahas na binitawan ang mga bitbit na gamit na hindi maayos ang pagkakalagay. "Hindi nakakatawa!" galit niyang sigaw dito."Sinusubukan ko lang naman kung alisto ka at kung maililigtas mo ba ako," he said with a snicker. "Nice reflexes." tumatango-tangong sabi nito at pumasok sa isang silid."Bwisit!" inis niyang sabi sa sarili at bumalik sa kwarto para muling ayusin ang mga gamit niya.Nang oras na para matulog ay tahimik siyang nahiga sa kama niya at nagkumot. Iisipin na lamang niyang muling bakal ang pader niya at walang lalaki ang posibleng pinagmamasdan siyang matulog. Ipinikit na niya ang mga mata at pinilit ang sariling makatulog. Nang unti-unti na siyang hinihila ng antok ay napadilat siya bigla nang makarinig ng tunog
Nagpatuloy ang mga araw sa pagtatrabaho niya kay Royce at pag-aalala sa kanyang pamilya ngunit totoo sa sinabi ni Royce, may mga tauhan nito na nagbabantay sa bahay nila ayon sa kanyang Auntie. Nang tanungin siya ng Tita niya kung bakit ay hindi siya nakahanap ng tamang sagot at sa halip ay sinabi niya na para sa Tiyo niya ito kung sakaling masaktan sila. Hapon na at kasalukuyan siyang nagtatahi ng pang-itaas na napunit mula noong araw na siya ay kinidnap. Paborito niya kasi iyon kaya hindi niya basta-basta maitapon at may sentimental value na rin ito sa kaniya. Napahinto siya nang makitang pumasok sa right wing si Zyke. "Hi," Nag-aalangan niyang bati. Huling pagkikita nila ay nainis niya ito sa pagsasabi at pagbbintang ng kung ano-ano. "I'm sorry sa mga nasabi ko." Pagpapakumbaba niya. Isinara ni Zyke ang pinto at nagkibit balikat bago pabagsak na humiga sa sofa. "Nah. Wala kang alam at kasalanan din naman namin," tugon nitong nakangiti sa kanya kaya ngumiti rin siya pabalik. T
Bumuntong-hininga siya at saglit lang ay kumalam ang tiyan niya sa gutom. Anong oras na ba? Nang tumingin siya sa paligid ay nalaman ni Coreen na siya'y nasa kwarto niya sa Mansion. Tumingin siya sa orasan at nakitang alas-tres na ng madaling araw. Hindi siya sanay kumain ng umaga! Muli siyang humiga at pinilit ang sarili na matulog ngunit ayaw ng tiyan niya at patuloy sa pagkalam at kirot. Sinipa niya ang kumot dahil sa inis. Baka nasa baba ang tatlong iyon. Paano ako makakain? Kabado at nag-aalala na tanong niya sa sarili. Napabuntong-hininga siya sa sobrang inis at tumayo. Kukuha lang siya ng makakain at dito na lang siya kakain. Tumango siya sa sarili at nagsuot ng tsinelas bago lumabas ng pinto. Dahil kinakabahan siya, parang ang bigat ng bawat hakbang niya, at para tuloy siyang magnanakaw na nag-iingat na huwag gumawa ng ingay. Huminga siya nang malalim bago kaswal na bumaba ng hagdan, ang kilos ay pilit na ginawang kalmado at normal. Hindi siya nag-abalang tumingin sa kabila
Hinayaan niyang tanggalin nito ang tape sa bibig niya para lang makapagsalita siya pero nang hahawakan na naman siya nito, sa wakas ay nagsalita siya."Huwag mo nang tangkain pa," babala ni Coreen nang hahakbang na si Royce palapit sa kanya. "Huwag mo akong hawakan. Ni huwag kang lalapit sa akin. Ayokong dapuan ako ng mga kamay mo."Hindi dahil sa kasalukuyan silang basang-basa ng dugo pareho at labis na nakakadiri at nakakakilabot. It's the fact na tama ang hinala niya. Ang bagay na pilit na itinatanggi ng tanga niyang puso. Isa talaga itong mamamatay tao. Isang kriminal. At Diyos lang ang nakakaalam kung gaano karaming buhay ang kinitil nito sa mga kamay na iyon. Ang mga kamay na hinayaan niyang humawak sa bawat parte ng katawan niya. Ang parehong mga kamay na ginusto niyang mahawakan pa sana.Napaiwas siya nang tingin at natigilan nang bigla nitong tawirin ang pagitan nila. Pumikit siya nang mariin at ang sumunod na ginawa nito ay hindi lamang nagpagulat sa kanya kundi nagpagalit d
Nang nasa loob na siya ng taxi, tinawagan niya ang kanyang Tita at sinabihang magkita sa pinakamalapit na restaurant na ang pangalan ay The Diner, their favorite restaurant ever since they were still a kid. Ito ay nasa negosyo na sa loob ng dalawangpung taon na ngayon kung tama ang pagkakatanda niya. Narinig pa niyang bumabati ang kapatid niya sa background at tumili nang ipaalam sa kanya ni Tita Clarice na sa paborito naming restaurant kami kakain.Nauna siyang nakarating sa restaurant kaya nagpareserba siya ng magandang booth para sa kanila. Habang naghihintay sa kanilang pagdating, nilingon ni Coreen ang pamilyar na lugar na may malungkot na ngiti sa labi at tila bumalik sa nakaraan kung saan kumpleto pa silang pamilya at sa may sulok nakaupo. Naalala ang kanyang mga magulang na nakaupo sa tabi niya at nagtatawanan. Namuo ang mga luha sa kanyang mga mata ngunit kinusot niya iyon.Tatay, Nanay, twenty six na ako ngayon. I am at the perfect age to marry and give you grandbabies but a
"You f*cking---bumaba ka dito at harapin mo ako!" Nanggigil na bulyaw ng lalaki at halos mabingi si Coreen."You have the nerve coming here and entering like you own the goddamn place," kalmado pa rin, ngunit halatang inis nang sabi ni Royce bago lumipat ang mga mata sa kanya. "Next time, don't just let anyone here. That man right there will not even blink a goddamn eye before he shoots you between the eyes."Umiwas siya ng tingin at napakamot sa braso. At paano naman niya malalaman iyon gayung iniwan siya nito sa dilim? At teka nga, hindi naman siya ang nagpapasok dahil pilit lang itong pumasok!"Be thankful I'm in a good mood and I don't exactly want my maid to clean a bloody mess. If you're so brave, meet me at the f*cking arena." Sa narinig na sinabi nito ay kinilabutan siya.Nakita ni Coreen na ngumusi ang lalaki at pinatunog pa ang mga daliri. "Isa ka na lang malamig na bangkay kapag tapos na ako sa iyo, f*cker." Tumalikod ito at dinilaan ang labi na parang manyak bago umalis."
Gulat na napatingin si Coreen sa papel nang makita niya ang nakasulat doon. Kailangan niyang manatili bilang kasambahay nito sa loob ng isang buong taon o kakasuhan siya nito ng paglabag sa kontrata. Sa nabasa ay galit niyang nilukot ang papel. "Hindi ito ang pinirmahan ko! Wala akong nakitang petsa nang pumirma ako! Fake ito!" Napataas ang kilay ni Royce. "At ano ang mapapala ko sa panloloko sa'yo? Sabihin mo sa akin." Kinagat niya ang kanyang labi at inihagis kung saan ang gusot na papel sa galit. Hindi iyon ang kontratang pinirmahan niya! Pero tama si Royce. Wala itong mapapala sa pagsisinungaling sa kanya kaya naman bumagsak ang mga balikat niya sa pagkatalo. Handa na siyang umalis. Inihanda na niya ang sarili niya. Anong klaseng biro ito? "So.. nag-enjoy ka ba?" Nanlaki ang mga mata niya nang makitang humakbang papalapit sa kanya si Royce hanggang tatlong talampakan lang ang layo nila sa isa't isa. Umatras siya ng dalawang hakbang pero dalawang hakbang pasulong si Royce.
Dumating ang umaga at si Coreen ay nagising ng alas siyete gaya ng dati. Pumunta siya sa pool ng Hotel at doon nagpalipas ng isang oras sa paglangoy. Matapos nito ay tumungo siya sa restaurant ng Hotel para mag-almusal at gumastos ng malaking halaga. Wala pakialam si Coreen sa sandaling iyon. This is her day, gagawin niya lahat ng gusto niyang gawin at hindi niya pipigilan ang sarili, ngunit lilimitahan pa rin niya ang sarili niya. Bago ang oras ng tanghalian, naligo na siya at nagsuot ng damit bago mag-check out sa Hotel. Sumakay siya ng taxi papunta sa lugar kung saan sila magkikita ni Kurt at pagdating doon ay pumasok siya sa loob ng Forever 21 at pumili ng bagong set ng damit, at ito ay isang pares ng damit na sexy ang tabas at style ngunit elegante pa rin naman. Agad niya itong ginamit pagkabili at tama nga siya na babagay ito sa kaniya. Matapos niyon ay inilagay ang luma sa loob ng paper bag. Habang hinihintay si Kurt sa loob ng isang restaurant na pinili nito, muling naramda
Sa kabilang panig ng dingding, isang babaeng nakatali ang mga kamay sa likod ang nagbibigay ng blowj*b kay Royce. Katulad ng ginawa niya noon ay nakaluhod ang babae sa harapan nito na walang pader sa pagitan nila. Nakahawak din si Royce sa buhok nito habang dumadaing sa sarap habang nakatitig sa kanya mula sa kabilang kwarto. At ang lakas ng loob nitong ngumiti sa kanya. Gustong umiwas ni Coreen sa nakakakilabot na tanawing dumudurog sa kanyang puso ngunit hindi niya magawa. Parang hinugot ni Royce ang puso niya at paulit-ulit itong tinapakan at niluraan. Ano ang sinusubukan nitong patunayan sa paggawa nito? Gusto ba siya nitong saktan? Ibalik sa kaniyang kinalulugaran? Pagselosin siya? Kung ganoon, bakit pa siya hinalikan nito? Naramdaman niyang may pumatak na luha mula sa kanyang mata ngunit mabilis na pinunasan iyon at walang emosyong nakatingin kay Royce. Nakita niya kung paano ito nagngangalit at humigpit ang pagkakahawak nito sa buhok ng babae, tanda na dinatnan na i
Galit na inalis siya ni Royce sa katawan nito at iniwan siya, ngunit hindi sumuko si Coreen at sinundan niya ito. Pilit na lumalakad sa tubig dahil nasa itaas pa rin ito ng kanyang baywang. "Royce, teka!" Tawag niya rito ngunit hindi siya pinansin ng lalaki. Ang mga balikat nito ay puno ng tensyon at nakakuyom ang mga kamaong nakagwantes. At biglang gustong magsisi ni Coreen sa kapangangasan niya.Halos. Ngunit alam niyang kailangan niyang gawin ang unang hakbang, kailangan niyang kunin ang pagkakataong ito. Kailangan niyang subukan, kahit na mas malaki ang tiyansa niyang mabigo. At least masasabi niya sa sarili niya na sinubukan niya man lang. Mali bang ginawa niya iyon? Halos hindi niya ito maabot at gusto niya itong hawakan para pigilan, ngunit sa halip ay ikinuyom niya ang mga kamay sa tagiliran. "Look, I'm sorry." "Are you?" Galit na umikot si Royce at tinitigan siya ng masama. "Alam mo ang tungkol sa kalagayan ko at ginawa mo pa rin? Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatan