Share

Kabanata 0005

Author: pariahrei
last update Last Updated: 2023-11-01 04:10:47

CHAPTER 5

Maluha-luha si Liz nang madatnan niya sa loob ng opisina ng operator ang kambal.

Literal na nakipag-away siya sa mga staff ng Louisiana para kontakin ang nagpapatakbo ng Southshire Train Station na suyurin ang buong lugar mahanap lang ang mga bata.

“Are you okay? May masakit ba sa inyo?” sunod-sunod niyang tanong at pinagsisipat ang katawan ng dalawa. Natigilan siya nang mapansing tahimik ang dalawa.

Kapwa nakayuko na para bang aping-api.

Inangat niya ang mukha ni Lottie. Nakakurba na pababa ang bibig nito at kikibot-kibot.

“Anong nangyari?” nag-aalala niyang tanong at muling pinasadahan ng tingin ang katawan ng mga anak niya.

Nang hindi sumagot ang baby girl niya, lumingon siya kay Earl. Halata ang pagpipigil ng bata na umiyak.

“What happened, Earl? May nanakit ba sa inyo? Did you get scared? I’m sorry. It’s Momma’s fault.”

Muling yumuko si Earl ngunit sa pagkakataong iyon ay kumibot na rin ang labi nito. Papaiyak na.

“W-We saw D-Daddy.”

Napahumandig siya. “S-Saan? Walang daddy, Earl.”

“There is Daddy, Momma,” matinis ang boses na giit ni Lottie. Kulang na lang ay magpapadyak sa harap niya. “Kita namin siya ni Kuya but he doesn’t like us.”

Kinabig niya ang bata nang nagsimulang humikbi-hikbi ito.

Nalilitong tiningnan niya ang mga staff na naroroon. Mukhang walang din alam ang mga ito kaya ibinalik niya ang atensyon sa kambal niya.

“Stop crying na, hmn…Don’t be sad, magbi-birthday na kayo ni Kuya di ba? We’re at the city now.”

Kinabig niya rin payakap si Earl na kahit hindi humikbi ay namumula at basa ang mga mata.

“It’s okay, my loves. Bibilhan kayo ni Mommy ng cake at saka kakain tayo ng favorites niyo. Gusto niyo ba ‘yon?”

“Yes, Momma,” tango ni Earl at inabot nito ang pisngi ng kakambal upang punasan ang mga luha. “Stop crying na, Lottie. Momma loves us naman.”

Mas lalo naman nagsumiksik si Lottie sa kanya ngunit tumigil na rin sa pag-iyak. Sandali niyang iniwan ang dalawa sa waiting area para pribadong kausapin ang manager. Humingi ito ng paumanhin dahil iisang gwardiya lang ang ipinadala ng mga tauhan nito.

Nakita raw ang dalawang bata na nakayakap sa lalaki. Tinatawag daw na ‘daddy’ ng dalawa. Ngunit nang tanungin ang lalaking iyon kung kaanu-ano ang mga anak niya, ay hindi raw alam, ang naging sagot.

Humingi na lang ng paumanhin ang mga gwardiya sa lalaking iyon dahil nasabi niya sa staff ng Louisiana na siya lang ang kasama ng kambal papuntang Southshire City.

Muli siyang nagpasalamat sa mga ito bago niya binalikan sina Lottie.

Namumula pa rin ang mga pisngi ni Lottie sa pag-iyak habang si Earl naman ay balik-seryoso ang mukha. Binuhat niya ang babaeng anak. Mabait na humawak sa kanyang kamay si Earl.

Pinagpara pa sila ng security guard ng taxi.

“Mom, how many days are we gonna stay here?” tahimik na tanong sa kanya ng panganay nang umandar na ang taxi.

“One week, Baby. Why?”

“Do we have enough money?”

Tipid niya itong nginitian at h inalikan sa ulo. “Yes, we have, my Love.”

Bukod sa ipon niya, malaki rin ang mga tip na ibinibigay sa kanya ni Sir Gustave. Sapat para sa isang linggong pananatili nila sa siyudad na hindi niya magagalaw ang pera para sa normal na araw-araw na gastusin.

Balak niya rin kitain ang matalik na kaibigan. Nang umalis kasi siya sa siyudad, pinutol niya na rin lahat ng koneksyon niya sa mga taong makakapagpaalala sa kanya ng mga nangyari. Kung papalarin, gusto niya rin makita si Sir Arthur kahit sandaling-sandali lang, bago sila bumalik sa probinsya.

“We saw Daddy earlier.”

“Baka napagkamalan niyo lang,” aniya kahit hindi impossible ang sinasabi ng anak.

“You don’t want to tell us the truth, but we know he’s our dad, Momma.”

Hindi siya nakaimik. Minsan, nakakalimutan niya na advance ang utak ng mga anak niya kaysa sa mga kaedad nito.

Earl and Lottie have high IQs. They start reading and writing at the age of three. Madalas kasi ang dalawa sa bahay ni Carrie kapag nasa trabaho siya. Dating librarian sa unibersidad ang babae kaya maraming libro sa bahay nito.

Sa tuwing kukunin niya ang dalawa pagkatapos ng trabaho, kung hindi nanonood ng documentary episodes, libro ang hawak-hawak.

“It’s okay, Momma. Maybe he’s surprised that we know him.”

‘Hindi niya kayo kilala’ gusto niya sanang sabihin ngunit ayaw niyang mas masaktan pa ang dalawa.

They were hurt when their father didn’t do anything. Ano pa kaya kung sabihin niyang bunga lang ang mga ito ng isang gabing pagpapakaligaya?

Na ang pagbubuntis niya sa kambal ay isang kasalanan dahil pagbali-balikatarin man ang mundo, legal na may asawa siya.

Mananatiling bastardo sina Lottie at Earl dahil anak niya ito sa ibang lalaki.

Tinulungan siya ng sumalubong na hotel staff nang makarating sila sa Amanluo Inn. Mumurahing Hotel na may kalayuan sa pinakasentro ng siyudad.

“Dito ka na sa tabi ni Lottie, Anak,” sabi niya kay Earl nang makapagpalit na rin ito ng pajama katulad ni Lottie.

Masunurin itong humiga sa tabi ng kapatid at hinawakan ang kamay.

“Goodnight, my Love.”

“Night, Momma. Thank you for bringing us here.”

Matamis siyang ngumiti at h inalikan ang mga ito.

Hinintay niya munang makatulog ang dalawa bago siya naglinis ng katawan. Ramdam niya ang pagod buong araw nang mailapat ang likod sa kama.

Maaga siyang nagising kinabuksan upang magpa-deliver ng cake. Na-trauma yata siya sa pag-iwan niya sa mga ito sa loob ng tren dahil ayaw niya ng umalis ng hindi kasama ang kambal.

“Happy Birthday to you,” she sang gleefully while holding the birthday cake with candles on top. “Happy Birthday, happy birthday…”

Unang nagising si Lottie.

Kumurap-kurap ito nang magmulat. Ilang sandali lang ay namimilog na ang mga mata nito at matinis na tumili.

“Kuya Earl, wake up.”

Masayang humalakhak siya nang nagtatalon si Lottie sa tuwa.

“Make a wish, Babies.”

Sabay pumikit ang mga ito bago hinipan ang mga kandila.

“Happy Birthday, my Love.”

“Thank you, best momma in the world.”

Matunog na h inalikan siya ng dalawa sa pisngi bago mahigpit niyang niyakap.

“Anong wish ng mga baby ko?” lambing niya matapos ilapag ang cake sa maliit na mesa.

Bibong nagtaas ng kamay si Lottie.

“I wish know po kami ni Daddy at love niya kami very much pa.”

Napawi ang ngiti niya. Napansin agad iyon ni Earl. Hinawakan nito ang kanyang pisngi para matingnan niya.

“I wish Momma would always be happy.”

“We love you, Momma.”

“I love you too. Maligo na kayo kasi lalabas tayo.”

Pumalakpak si Lottie. “Pasyal po, Mommy?”

“Opo.” Kublit niya sa baba ng batang babae. “Papakilala ko kayo kay Ninang Dory.”

“OMG! Ang cute ng mga anak mo.” Mangiyak-ngiyak si Dory nang ipakilala niya rito sina Earl at Lottie. Nagpapadyak pa ang babae bago mahigpit na niyakap ang dalawa.

Humiram siya ng computer kay Carrie noong isang lingo, para hanapin si Dorothea sa social media at sabihin pupunta siya sa Southshire.

“Are you our Ninang Dory?”

“Yes, Earl. I’m your Momma’s bestfriend.”

“Bakit po ngayon lang namin ikaw na-meet?”

Tumingala sa kanya si Dory. Lumabi at inirapan siya. “Kasi ang galing magtago ng Momma niyo. Nampuputol pa ng koneksyon ng walang pasabi.”

“I miss you, Dory.” Siya na ang yumakap sa babae. Hindi naman ito nagprotesta bagkus ay humigpit ang yakap niya at mahinang humagulhol sa kanyang balikat.

Marami itong baon na kwento habang kumakain sila fastfood chain na agad nagustuhan ng kambal.

“Lot of things happen when you left, Liz. Lalo na sa pamilya mo. I’m sorry na hindi ko alam na buntis ka.”

“Sobrang nahiya ako.”

“Bakit naman? You’re single since that jerk Anderson cheated.”

Nakakatwang kahit ilang beses na mabanggit ang pangalan ng ex-boyfriend niya ay wala na sa kanya.

“Sulutera talaga ang Catherine na ‘yon.” Mabilis nitong sinulyapan ang mga anak niyang busy sa pagkain. Panay ang daldal ni Lottie kuya nito—may sariling mundo. “Alam mo bang, pinagkalat niya na kaya raw kayo naghiwalay ni Anderson dahil madalas ka sa Jolus Club. Gosh, kung hindi lang ako pinigilan ni Mommy, basag ang bunganga no’n sa akin.”

“Hayaan mo na.”

Umirap ang kaibigan at humalukipkip. Bakas ang pag-aalala sa mga mata nito nang muling sulyapan ang dalawang bulilit. “May balak ka bang ipakilala sa mga Bently ang mga anak mo?”

“Wala, Dory. Hindi pwedeng malaman nila na may anak ako.”

“Huh? Hindi kita gets. Uso na ngayon ang single mom. We’re in a modern era now. Single ka naman—”

“I’m married.”

Laglag ang siopao na nginunguya nito.

“Ibang lalaki ang ama ng kambal. Hindi ang pinakasalan ko.”

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Adora Miano
sana pagnagkita ulit Kasama na SI Elizabeth at tanggap nya Ang kambal oh yeah
goodnovel comment avatar
Jesusa Lara
sana makilalana na Ng dalawang Bata Ang ama nila
goodnovel comment avatar
Mj Liboon
Interesting ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0006

    CHAPTER 6 (PART 1) Inayos niya ang sombrerong suot nang pumarada ang sasakyan sa harap ng villa ng kliyente. Nakiusap sa kanya si Carrie na sumama siya sa pupuntahang okasyon ng branch ng flower shop nito sa Southshire. Kinulang kasi ng tao at huli na nang nalaman na nagdagdag pala ang customer ng

    Last Updated : 2023-11-01
  • Babies with Wulfric   Kabanata 0007

    CHAPTER 6 (PART 2) HINDI na ulit nagkrus ang landas nila ni Wulfric maghapon. Huling kita niya rito ay pababa ito ng marangyang hagdan habang may kausap sa cellphone. Mabuti na lang at nakapagtago agad siya sa likod ng divider kaya hindi siya nakita. Bukambibig ni Erica maghapon ang lalaki. Ang

    Last Updated : 2023-11-01
  • Babies with Wulfric   Kabanata 0008

    CHAPTER 7 “Whore!” Pabalik na siya sa party galing comfort room nang may humablot sa kanyang kamay. Gulat na napalingon siya sa galit na galit na babae. “You’re a whore! May girlfriend na ang tao, nilalandi mo pa rin.” Mas lalong dumiin ang kapit sa kanya ng babaeng humalik kanina kay Wu

    Last Updated : 2023-11-01
  • Babies with Wulfric   Kabanata 0009

    CHAPTER 8 Pakiramdam ni Elizabeth ay sasabog ang dibd ib niya sa kaba. Ang bilis ng tibok ng puso niya at namutla nang lumingon si Wulfric sa kanyang direksyon. “Daddy, si Momma ko po. Are you visiting us?” puno ng pag-asang tanong ni Lottie. Galit ang mga mata ni Wulfric nang nagbawi ng tin

    Last Updated : 2023-11-01
  • Babies with Wulfric   Kabanata 0010

    “Yes.” Tumingin sa kanya si Earl bago seryosong sinalubong ang tingin ng ama. “Are you sure? Momma may be lying.” “Momma not liar, Earl,” galit na asik ni Lottie na hindi naman pinansin ng kapatid. “Are you rich? Momma may be lying and told you we’re your children so she can have your mone

    Last Updated : 2023-11-01
  • Babies with Wulfric   Kabanata 0011

    CHAPTER 9 Umingit si Liz nang makulit na dumagan sa kanyang likuran si Lottie at pinagyuyugyog siya. “Wake up, Momma. Wake up!” “Swimming tayo. Daddy said. Wake up.” “Lottie,” reklamo niya sa anak at isinubsob pa ang mukha sa malambot na unan. Istorbo ang bulilit sa masarap niyang tulog.

    Last Updated : 2023-11-01
  • Babies with Wulfric   Kabanata 0012

    “No prince will save you. Daddy will.” “You’re a prince?” Ngising-ngisi ang baby niya habang nakahawak ang maliliit nitong kamay sa pisngi ng ama. “I’m the Knight.” “Ehh…want Lottie prince. Not knight,” reklamo ng bata na nasundan ng tili dahil inilubog ni Wulf ang sarili para mabasa ang mga

    Last Updated : 2023-11-01
  • Babies with Wulfric   Kabanata 0013

    CHAPTER 10 “Hindi rin daw alam ni Mommy kung saan inilipat si Sir Arthur. Parang bula na bigla na lang naglaho ang ama-amahan mo, Gurl. Wala ka na bang contact sa assistant niya?” Bagsak ang balikat na umiling siya. “Naibenta ko na ang dati kong cellphone.” Walang social media si Mr. Eldridge

    Last Updated : 2023-11-01

Latest chapter

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0332

    Nang masigurong maayos na ang pagkakahiga niya ay lumabas na din ito. Kumurap-kurap si Frinzy. Dahan-dahan umupo at umalis sa kama. Mabagal ang kanyang mga hakbang nang maglakad siya pabalik sa pintong pinasukan kanina. Her hand was shaking when she reached for the cold doork

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0331

    CHAPTER 172 “Sumugod ang Daddy mo sa Montiner Construction. Hinahanap ka,” balita sa kanya ni Cloud nang bisitahin siya nito sa Mega-Mansion. Ikaw na naman ang sinisisi sa termination ni Hanah. Hindi ka man lang kinumusta kahit na-ospital ka na.” “Ano pa bang bago?”

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0330

    “You poor things. Paano nagagawa ng isang ama na balewalain ang kanyang anak. Dugo at laman ka niya.” “Minsan nga po, naiisip ko na hindi niya talaga ako anak. Pero kasi siya talaga ang asawa ni Mommy nang ipinagbubuntis niya ako.” Frinzy even computed the date when her mom a

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0329

    CHAPTER 171Kaya hindi siya nito masisisi kung naduwag siyang magsumbong. “We’re husband and wife. You should tell me everything.” Inabot nito ang kanyang pisngi. Pinaraanan ng hinlalaki ang maliit na sugat doon. “Kasal lang naman tayo sa papel.” “Just on paper or

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0328

    Namutla ang lalaki nang magtama ang mata nila. Kapagkuwan ay nakayukong lumabas ng opisina. “Jonas! Jonas! Help me!” the woman shouted desperately. Hindi na bago sa kanya na may nagpapanggap na si Earl. Angus is familiar with that man. “Pack your things and leave!

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0327

    CHAPTER 170 Halos hindi humihinga ang mga nasa conference room habang maingat na pasulyap-sulyap sa dulong bahagi ng mahabang mesa. No one dared to speak because Angus Channing looked like he could kill someone while looking at his phone. Katulad ito ng dating CEO

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0326

    “O-Oo naman. Himala…” Kibit-balikat siya nang humigop sa slurpee nito ang kaibigan niya. Pagkatapos ng lunch ay dumiretso siya sa stock room para kumuha ng supply sa ida-draft niyang disenyo. Mas lalong sumama ang hilatsa ng mukha niya nang pumasok din sa Hanah pa

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0325

    “WHAT did he tell you?” magaspang nitong tanong nang makabalik sila sa loob ng Manor. “Sinabi niya na hindi kita kilala. Na totoo naman.” “What else?” “Wala na,” she lied. “Don’t talk to him again. And those securities are useless!” galit nitong sabi.

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0324

    CHAPTER 189 “Saan ka pupunta?” “May itatanong lang po kay Karl,” kaswal niyang sagot at nagsimulang lakarain ang may kahabaang driveway bago pa man siya nito mapigilan. Hindi alam ni Manang Jen kung susundan ba siya o papasok sa loob para tawagin si Angus.

DMCA.com Protection Status