Share

Kabanata 0008

Author: pariahrei
last update Last Updated: 2023-11-01 04:13:55

CHAPTER 7

“Whore!”

Pabalik na siya sa party galing comfort room nang may humablot sa kanyang kamay. Gulat na napalingon siya sa galit na galit na babae.

“You’re a whore! May girlfriend na ang tao, nilalandi mo pa rin.”

Mas lalong dumiin ang kapit sa kanya ng babaeng humalik kanina kay Wulfric. Napatili si Elizabeth nang hablutin nito ang kanyang buhok at pinagsasampal siya.

Inabot niya rin ang buhok subalit galit na galit talaga ito. Napahiga siya sa lupa at kinubabawan siya habang nagsisigaw.

“Ito ang bagay sa ‘yo. You’re a flirt!” Sunod-sunod na umigkas ang palad nito. Panay ang salag niya sa kamay ng babae na kumalmot sa kanyang mukha.

“Idella! D amn it!”

May humila sa babae palayo sa kanya. Halos hindi siya makahinga. Namamanhid ang pisngi niya sa natamong mga sampal.

“What the f uck are you doing, Woman?” Dumagundong ang boses ni Wulfric.

Mahilu-hilo siyang bumangon. Gustong gumanti subalit walang lakas ang kanyang katawan.

“S-She’s flirting with you.”

“Hindi ka talaga makaintindi…”

Muli siyang bumagsak sa carpeted grass. Ilang beses siyang sinapok ng babae—tumama sa may bandang tainga niya kaya para siyang tinemplangan. Ngayon lang umpekto at nabingi siya sandali.

Sunod niyang narinig ay ang galit na boses na hindi malinaw sa kanya kung ano ang sinasabi.

Murmurs came next and she gasped a little when someone lifted her. Her petite body was crushed against a familiar hard one.

Hindi siya nakapagprotesta lalo na nang magtama ang paningin nila ng may hawak sa kanya. Galit ang mga mata nito na para bang babanggain nito ang kung sino mang humarang sa daan nila.

Sa nanlalabong paningin, nakita niya sina Erica na nagtatakang nakatingin sa kanya. Kaya ibinalik niya ang pagkakatago ng mukha sa matigas na dibd ib ni Wulfric.

“ARAY ko po,” malakas niyang reklamo nang dampian ni Wulfric ng bulak ang sugat niya sa gilid ng labi.

Dumilim ang mukha nito nang inalis ang pagkakalapat ng bulak.

“That witch!” Mabagsik pa rin ang mga mata na para bang gustong balikan si Idella at sakalin.

Inagaw niya ang cotton ball at mangiyak-ngiyak na dinampian ang mga sugat niya sa braso.

“Ang sakit mangalmot ng girlfriend mo, Sir,” iyak niya sabay ihip doon.

“She’s not my girlfriend,” Wulfric spat, rudely.

Magde-deny pa. Hindi aakto ng ganon ang babaeng iyon kung walang relasyon ang dalawa. Ang mga lalaki nga naman.

Nagmaktol na siya. Wala ng pakialam kung kliyente ito ng flower shop.

“Kung nag-away kayo ng babae mo, huwag niyo akong idamay. Namamanhid pa ang pisngi ko.”

Kapag nakita niya ulit ang babaeng iyon, makikipagsabunutan siya. Gulat siya kanina kaya naunahan siya ng Idella na iyon. Sa susunod hindi siya papayag na madehado!

“She’s not my woman.”

Tinaliman niya ito ng tingin bago umirap.

“Now, you’re rolling your eyes on me.” Nagtagis ang panga nito sa pagkapikon.

Akala naman yata nito, natatakot siya. Ito ang may atraso kaya tumatapang si Elizabeth.

“Ang dami-dami kasing babae, hindi pa nakontento sa isa. Pati iyong mga walang interes, nadadamay.”

“Woman.”

Nakukunsumisyon na napamasahe ito ng sintido. Mariing pumikit si Wulfric, sumasakit yata ang ulo sa katigasan ng bungo niya.

Inirapan niya ulit ito bago mangiyak-ngiyak na naman na ginamot ang sarili.

Hindi yata nakatiis si Wulfric sa ingay niya. Inagaw nito ang bulak at itinaas ang baba niya para matingnan nito ang kanyang mukha.

“Dahan-dahanin mo po.”

Sandali lang siya nitong sinulyapan na para bang sinasabing, iyon ang ginagawa nito. Ngali-ngaling sumbatan niya ito na hindi nito alam ang salitang ‘dahan-dahan’. Dahil birada kung birada ang hudyo nang gabing iyon.

He looks more mature than Liz could remember. Wala ng bakas ng pagka-blondie ang buhok nito na naka-top knot, nang una niya itong makilala.

Instead, he had jet-black hair that was fashionably messy. His low-cut beard was perfect with his chiseled jaw. Mistulang nililok ng magaling na iskultor ang tangos ng ilong at korte ng mga mata.

His ash-gray eyes were an abyss. Kahit gaano yata katagal titigan ni Elizabeth ang mga mata nito, mananatiling misteryoso para sa kanya ang mga iyon. Hindi niya mabasa. Kung ano man ang nasa likod ng magagandang mata ni Wulfric, nakapagdisisyon siyang ayaw niyang malaman.

“Hindi ka man lang ba magso-sorry sa ginawa ng mistress mo?”

Nagsalubong pa lalo ang dati ng salubong nitong mga kilay. Ano na naman ang masama niyang sinabi? Tama naman na kabit nito ang Idella na iyon dahil may asawa na si Wulfric.

“I don’t have a mistress.” Halos magtagos ang mga ngipin nitong sabi.

Umismid na talaga siya. Bumaba ang tingin niya sa singsing na suot ng lalaki. “Ano pala ang tawag sa girlfriend mo habang may asawa ka.”

His jaw clenched.

“Kasal ka na po, Sir. Kaya kung ako sa ‘yo, huwag mo na akong landiin. Sumunod ka na lang po sa sinabi kong kalimutan na natin ang nangyari dahil may kanya-kanya naman na tayong buhay.”

“You’re right. I’m married.”

Hindi siya nakasagot dahil sa kirot na gumuhit sa kanyang dibd ib.

Bigla siyang naduwag kaya yumuko na lang siya.

Bakit ba siya umaasta na parang kagulat-gulat ang sinabi ni Wulfric? Inisip niya na lang na hindi niya inaasahan na aamin ito sa kanya ng harapan.

Binitawan nito ang bulak at tumayo na.

Kahit hindi siya mag-angat ng paningin, alam niyang napamewang na naman ang lalaki. Para talagang diktador na heneral.

“Fix yourself, I’m taking you home.”

Kumislot ang sikmura niya sa malamig nitong boses.

“Sasabay na lang po ako kina Anne.”

“They left. Pinauwi ko na ang lahat ng mga bisita.”

Bigla siyang nahiya sa magkasintahan kanina kahit hindi niya naman talaga kasalanan ang nangyari.

“Si Mr. Wolkzbin—”

“Why the hell are you looking for Noah?” galit nitong putol sa kanya. Halos maglabasan pa ang ugat sa leeg nang lingunin siya.

“Magpapaalam lang ako, Sir.”

“Forget it.” Kapagkuwan ay napasapo ulit ng ulo ang lalaki na parang kahit sarili ay hindi nito maintindihan. “Damn this!”

Napanganga siya nang walang sabi-sabing lumabas ito ng guest room.

Mabilis siyang nag-ayos para sumunod kay Wulfric. Mahirap na, baka bigla na lang siyang iwan. Kakarampot pa naman ang pasensya ng lalaking iyon.

Mabilis siyang nagtipa ng text message para kay Dory na sa Amanluo Inn siya magpapalipas ng gabi. Aagahan na lang niyang pumunta sa condo unit nito.

Naninigarilyo si Wulfric nang maabutan niya itong nakasandal sa kotse. Sinamaan nito ng tingin ang cellphone niya bago umanggulo ang ulo.

“Get inside. I’ll just finish this.”

Lihim siyang nagulat sa kalmado nitong boses. Tahimik siyang sumunod sa sinabi ni Wulfric para wala ng gulo.

Ilang minuto ang hinintay niya bago nito maubos ang sindi ng sigarilyo. Nang makapasok sa loob ng sasakyan, masama na naman ang tingin nito sa hawak niyang cellphone.

Kaya naman, kahit wala pa siyang natatanggap na reply ni Dory, napilitan siyang itago iyon sa loob ng bag. Baka sa kabwisitan nito ay bigla na lang hablutin at itapon sa labas.

“Where are you staying?” seryosong tanong ni Wulfric habang binabagtas nila ang kahabaan ng highway.

Sinabi niya ang address ng Hotel Inn. Hindi nakalagpas sa kanyang paningin ang bahagyang pagkunot ng noo nito ngunit wala naman sinabi.

Amanluo Inn was not a five-star hotel but so what? Libre nga lang iyon sa kanila ni Carrie, magrereklamo pa ba siya?

It was a thirty-minute drive. Naghahalo ang pagod at sakit ng kanyang katawan nang makarating sila sa Hotel. Kaya tanging tipid na ‘salamat’ at kaway ang naibigay niya bago siya tuloy-tuloy na pumasok ng hotel.

Tulog agad siya nang lumapat ang kanyang likod sa mattress.

Sunod-sunod na vibrate ng cellphone ang gumising sa kanyang kinabukasan.

Napabalikwas siya ng bangon nang makita ang ten missed calls ni Dory. Hinahanap siya dahil alas-dyes na nang umaga ay hindi pa siya pumupunta sa condo nito.

“Nasaan ka na?” bungad agad nito nang tawagan niya.

“Sorry, tinanghali na ako ng gising. Nasaan ang kambal? Sunduin ko riyan, maliligo lang ako.”

“Huwag na. Papunta na kami diyan. Inaaway na ako ng mga anak mo. Ang daming rason.”

“Ha? Sige. Maliligo lang ako.”

Pumasok agad siya sa banyo nang mawala ang tawag. Madaliang ligo ang ginawa niya bago tinakpan ng concealer ang pasa niya sa may pisngi.

Nasa elevator na siya nang mag-text ulit si Dory na nakababa na raw ang mga ito ng taxi.

Excited siyang lumabas nang nabitin sa ere ang paa niyang hahakbang. Ginapangan siya ng kaba lalo pa’t lumingon sa kanya si Nikolaus Wulfric na prenteng nakaupo sa couch sa lobby.

Tensyonadong lumunok siya, ang mga mata ay agad natumbok sina Dory sa labas ng Hotel.

“Sh!t!” Nag-iwas siya ng tingin at nagpanggap na hindi napansin si Wulfric.

Nang makitang tumayo ito, lumiko agad siya salungat sa direksyon ng kambal para iligaw ito.

Kunyaring nagtanung-tanong siya sa receptionist. Mabuti na lang at magiliw ang nakatoka ng mga oras na iyon kaya kinausap siya.

Pasimple niyang inilibot ang mga mata. Nakahinga siya nang maluwag nang hindi niya na makita ang heneral na diktador.

Eksakto naman na nakapasok na sa hotel door ang tatlo kaya bumalik siya.

“Momma,” kaway agad sa kanya ni Lottie nang makita siya. Labas na naman ang gilagid ng bungisngis niyang baby girl.

Kakaway sana siya pabalik nang biglang sumulpot sa likod ng poste si Wulfric. Ang mga mata nito ay nakatutok sa hawak na cellphone habang naglalakad pasalubong sa kambal.

Ang lakas ng tibok ng puso niya lalo na’t ang mga mata ni Earl ay nasa lalaki.

Bumitaw si Lottie sa pagkakahawak kay Dory para tumakbo patungo sa kanya. Ngunit sumabit, ang kaliwa nitong paa sa kanan.

Nadapa ang baby niya sa harapan mismo ng ama.

Napahinto ang heneral na diktador. Hindi siya huminga nang unti-unti itong nagtaas ng paningin mula sa hawak-hawak na cellphone.

Agad itong umuklo para alalayan sa pagtayo si Lottie.

Parang eksena sa pelikula na nagtama ang paningin ng mag-ama. Bumakas ang rekognasyon sa mga mata ni Lottie. Ang papaiyak nitong bibig ay ngumiti ng malaki.

“Daddy!” sigaw nito sabay tayo na parang walang nangyari. Tumingin ito sa kuya nito. “Kuya, si Daddy natin!”

Kapagkuwan, ay sa kanya naman.

“Momma, si Daddy nandito ulit!”

Comments (157)
goodnovel comment avatar
Jay Militante
hnd nman po mabuksan
goodnovel comment avatar
Pearla Victoria
next po pls thank you po author for the beautiful love story
goodnovel comment avatar
Leny Magbanua
unluck PLS
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0009

    CHAPTER 8 Pakiramdam ni Elizabeth ay sasabog ang dibd ib niya sa kaba. Ang bilis ng tibok ng puso niya at namutla nang lumingon si Wulfric sa kanyang direksyon. “Daddy, si Momma ko po. Are you visiting us?” puno ng pag-asang tanong ni Lottie. Galit ang mga mata ni Wulfric nang nagbawi ng tin

    Last Updated : 2023-11-01
  • Babies with Wulfric   Kabanata 0010

    “Yes.” Tumingin sa kanya si Earl bago seryosong sinalubong ang tingin ng ama. “Are you sure? Momma may be lying.” “Momma not liar, Earl,” galit na asik ni Lottie na hindi naman pinansin ng kapatid. “Are you rich? Momma may be lying and told you we’re your children so she can have your mone

    Last Updated : 2023-11-01
  • Babies with Wulfric   Kabanata 0011

    CHAPTER 9 Umingit si Liz nang makulit na dumagan sa kanyang likuran si Lottie at pinagyuyugyog siya. “Wake up, Momma. Wake up!” “Swimming tayo. Daddy said. Wake up.” “Lottie,” reklamo niya sa anak at isinubsob pa ang mukha sa malambot na unan. Istorbo ang bulilit sa masarap niyang tulog.

    Last Updated : 2023-11-01
  • Babies with Wulfric   Kabanata 0012

    “No prince will save you. Daddy will.” “You’re a prince?” Ngising-ngisi ang baby niya habang nakahawak ang maliliit nitong kamay sa pisngi ng ama. “I’m the Knight.” “Ehh…want Lottie prince. Not knight,” reklamo ng bata na nasundan ng tili dahil inilubog ni Wulf ang sarili para mabasa ang mga

    Last Updated : 2023-11-01
  • Babies with Wulfric   Kabanata 0013

    CHAPTER 10 “Hindi rin daw alam ni Mommy kung saan inilipat si Sir Arthur. Parang bula na bigla na lang naglaho ang ama-amahan mo, Gurl. Wala ka na bang contact sa assistant niya?” Bagsak ang balikat na umiling siya. “Naibenta ko na ang dati kong cellphone.” Walang social media si Mr. Eldridge

    Last Updated : 2023-11-01
  • Babies with Wulfric   Kabanata 0014

    Hinila ni Dory ang buhok niya at pinandilatan siya nito. “Wala ka man lang kalambing-lambing sa katawan.” Humaba ang kanyang nguso. “Bakit naman ako maglalambing?” Problemadong napasapo ng sariling ulo ang kaibigan. Bubulong-bulong na wala na raw siyang pag-asa. “I have this feeling that I sa

    Last Updated : 2023-11-01
  • Babies with Wulfric   Kabanata 0015

    CHAPTER 11 [FLASHBACK] “Liz, dyoskong bata ka. Saan ka galing?” kabadong salubong sa kanya ni Manang Cecilia nang pumasok siya sa likurang pinto ng mansyon. Mahigpit siya nitong niyakap bago hinaplus-haplos ang kanyang pisngi. “Hindi niyo po ba alam, Manang?” litong tanong niya. Hindi ba nak

    Last Updated : 2023-11-02
  • Babies with Wulfric   Kabanata 0016

    “Momma is super spy secret agent, Daddy,” bungisngis ni Lottie at nakipag-apiran pa sa kakambal. “She’s Kim Impossible!” tukoy ni Earl sa cartoon character na pinapanood ng mga ito sa malaking LED TV sa bahay ng ama. Hindi na nangulit pa si Wulf bagkus ay tinaasan na lang siya nito ng mga kila

    Last Updated : 2023-11-02

Latest chapter

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0319

    “MY DAUGHTER is here.” Frinzy flinched at how nice Venidect Vyklire’s voice was when he saw her entering the front door of their house. Nakabukas ang mga kamay nito nang maglakad palapit sa kanya. “This is my daughter, Hilary.” Tumayo ang mga bisita. T

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0318

    CHAPTER 187 “Should we bring him wine?” Umiling si Frinzy kay Angus habang inaabot ang zipper sa likod ng kanyang dress. “Aalis din tayo agad. Ipapakilala lang kita tapos uuwi na.” “Why? Your dad might be interested in doing business with us.” Mahina s

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0317

    Bigla, ay kinilabutan siya. “Bakit ba natin pinag-uusapan ang taong wala na? That was years ago. Dekada na nga. Anyway, you can go back to your office. And please, huwag kang papayag na kakaya-kayanin lang ni Ms. Vyklire. I don’t know what’s going on between you too but you have the high

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0316

    CHAPTER 186 It was a mature version of the pretty girl in the painting. Alam niyang ang babae sa lumang larawan ay ang kapatid ni Earl dahil kahawig nito si Mommy Liz. Pero bakit nakasulat sa headline ay commoner ito? Naisara niya ang laptop nang bumuk

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0315

    “You’re adorable,” mahina nitong sabi, nakatitig na lamang sa kanya. Nawala ang tawa niya at nag-iwas ng tingin. Angus is looking at her with those admiring eyes again. “T-Tara na nga, nagugutom na ako.” “Sure, Love.” Parang tumambling ang puso niya sa

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0314

    “WHY are you running?” Habol ang hininga ni Frinzy nang makapasok sa loob ng kotseng naghihintay sa kanya. Muntik na siyang mauntog sa dashboard nang bigla siyang yumuko dahil dumaan ang mga kaklase niya. Mabuti na lang naiharang ni Angus ang palad nito sa noo niya. “Why are

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0313

    CHAPTER 185 Pasimple niyang ibinulsa ang regalo bago sumunod kay Cloud na nasa pinakadulong mesa. “Buksan na natin,” eksayted na sab isa kanya ni Cloud. Tiningnan niya muna ang mesa nina Jonas. Hindi na nakatingin ang mga ito sa kanya kaya tumango siya sa kaibigan

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0312

    “Interns! What’s this commotion?!” Sabay-sabay na nagsibalikan ang mga kasama nila nang galit na pumasok si Mrs. Smayi. “Wala po, Ma’am.” Kabadong napalunok siya dahil baka ibuking siya nito na kasal sila ni Angus. Iba ang pagkakaintindi ni Hanah sa naging reaksyo

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0311

    CHAPTER 184 “G-Gaganti ka?” Galit na galit ang mga mata ni Angus. Halos hindi bumuka ang bibig nito nang sumagot. “No one should mess with my family. They hurt the one I love; I will also hurt theirs.” “Anong ibig mong sabihin?” Hindi na it

DMCA.com Protection Status