CHAPTER 6 (PART 2)
HINDI na ulit nagkrus ang landas nila ni Wulfric maghapon. Huling kita niya rito ay pababa ito ng marangyang hagdan habang may kausap sa cellphone. Mabuti na lang at nakapagtago agad siya sa likod ng divider kaya hindi siya nakita.
Bukambibig ni Erica maghapon ang lalaki. Ang bangu-bango raw at lalaking-lalaki ang tindig Itinikom niya na lang ang bibig kahit gusto niyang sabihing may asawa na si Wulfric. Basag sana ang pantasya nito!
“Tumawag si Ma’am Carrie. Kailangan natin mag-stay hanggang matapos ang party. Kasama sa package ang paglinis ng mga bulaklak na kasama sa dekorasyon,” wika ni Anne sa kanila.
Umugong ang excitement ng mga kasama.
Binigyan sila ni Anne ng mga paperbag. Iyon daw ang isusuot nila sa party. Girl Scout ang babae dahil palagi raw kasing ganon ang nangyayari sa ibang kliyente ng flower shop.
Mabilisan siyang nag-apply ng manipis na makeup at lipstick bago mataas na itinali ang buhok. Madalas sabihin sa kanya ni Dorothea noong college sila na inggit ito sa leeg niya. Pang-model daw kasi ang dating kaya bagay na bagay sa kanya ang high-ponytail.
Nagsisimula na ang party sa ibaba nang kinatok siya ni Anne. Mabuti na rin iyon para sa pinakahulihan sila makapagpwesto. Kung maari lang sana na huwag na siyang pumunta ay gagawin niya. Subalit, nakakahiya sa mga katulong na naroroon kung magkukulong siya sa isa sa mga kwarto ng villa. Baka masabihan siyang pa-importante.
“Ladies and Gentlemen let’s call our lovely couple, soon to be Mr. and Mrs. Wolkzbin,” anunsyo ng host sa unahan kaya nalaman niyang engagement party pala iyon.
Inilibot niya ang paningin sa paligid. Mabibilang lang niya sa mga daliri kung ilang beses na nakadalo siya sa ganong pagtitipon.
Kapag may party sa bahay ng mga Bently, madalas siyang magkulong lang sa kwarto kahit inaaya siya ni Sir Arthur na dumalo. Siya na ang umiiwas dahil paniguradong matatalim na tingin lang nina Martha at Catherine ang matatanggap niya.
“God, bakit halos lahat ng nakikita ko, makalaglag panty ang dating at ang babango.”
Lihim siyang tumawa nang halos maghugis puso ang mata ni Erika at ng katabi nitong babae na kasama sa pagde-dekorasyon ng bahay.
“Thank you for coming, Friends, Visitors,” simula ng lalaking umakyat ng make-stage na naroroon. Hawak-hawak nito sa baywang ang maganda nitong fiancée.
“I would also like to thank my dear friend, Nick for lending us this villa. My fiancée loves this place. Ayaw niyang ipagbili kaya hiniram ko na lang.”
Nagtawanan ang mga bisita sa huling sinabi nito.
Kusang naglumikot na naman ang kanyang mga mata sa paligid para hanapin ang lalaking binanggit. Subali, kahit anino yata ay wala ang presensya nito.
Mas mabuti na nga iyon para maging matiwasay ang gabi niya. Iba ang hatid ng presensya ni Wulfric. Nakakapanghina, nakaka-intimida...pinapangapusan siya ng hininga.
Dinukot niya ang cellphone sa kanyang shoulder bag nang maramdaman ang pag-vibrate.
Sinenyasan niya si Anne na sasagutin muna ang tawag bago lumayo sa party.
“Dory, kumusta?”
“Bes, nasaan ka? Hinahanap ka ng kambal. Sabi ko naman mamaya ka pa uuwi pero ito, ayaw maniwala sa maganda nilang Ninang.” Iniwan niya muna ang mga bata sa condo ng kaibigan.
“We want to talk to Momma, Ninang Dory-Ganda.” Kahit hindi niya nakikita si Earl, alam niyang nakabusangot na ito.
“Ito na nga. Sungit naman nito. Kanino ka ba nagmana?”
Malapit na siya sa may pavilion nang mapansin niyang may tao roon kaya muli siyang lumiko.
“Momma, where are you? Lottie and I miss you.”
“Nasa trabaho pa ako, Baby. Uuwi din ako mamaya. Ilang oras na lang.”
“But it’s our vacation. Why are you working?”
Sinasabi niya na nga ba. “Kasi po nakiusap si Tita Carrie. Madali lang naman ‘to. I’ll be back after an hour, okay?”
Nag-iingay si Lottie sa kabilang linya. Sandali lang ay ito na ang may hawak ng cellphone.
“Momma,” eksayted agad magkwento ang baby girl niya. “Bili po ako ni Ninang Danda ng Barbie. I love it, Momma. Can we stay here longer?”
“No, Lottie,” protesta ni Earl. Tinangka pang agawin ang cellphone. “Momma needs to work. She’ll get tired.”
“Kuya, I’m talking with Momma. Not you.”
Sinaway ni Dorothea ang dalawang bata bago pa mauwi sa away.
“We’ll stay here for a week,” aniya para matigil na si Lottie.
“Longer, Momma.”
Napakamot siya sa ulo. “Tingnan natin kung ano ang magagawa ni Momma, hmn…”
She’s considering that idea. Nabanggit kasi sa kanya ni Dory na wala na sa dating hospital si Sir Bently. Hindi nito alam kung saan inilipat. Ayaw niyang bumalik sa probinsya na hindi nakikita ang taong nagpalaki sa kanya.
“Yehey! Kuya, heard that? Thank you, Momma. Lottie is happy. We’ll sleep na.”
Napangiti siya sa lambing ng boses nito. “Alright. Goodnight. I love you.”
Sabay na gumawa ng h alik ang dalawang baby niya sa kabilang linya. Eksayted na siyang umuwi para pugpugin ng h alik ang mga ito sa ka-cute-an.
“Boyfriend?”
“Ay!” Napatalon siya sa gulat nang bigla na lang may nagsalita sa sulok. Nawala ang kanyang ngiti nang humakbang sa liwanag ang nagmamay-ari ng boses.
A familiar scent filled her nostrils when Nikolaus Wulfric stopped in front of her in his tie and suit.
Hindi naitago ng damit ang ganda ng katawan nito. She wonders what he’s doing to get that kind of athletic type of a body.
Sa laki at tangkad nito, maikukumpara niya ito sa mga sundalong ipinapadala sa gyera na napapanood niya sa telebisyon. Iba kasi ang tindig ni Wulfric—maangas, sigurado at ipinapakita na teritoryo nito ang lugar.
“Ano pong ginagawa niyo dito, Sir?”
“I should be the one asking that? Nag-effort ka pa na pumunta sa dilim. Afraid someone might hear how clingy your boyfriend was?”
He even snorted arrogantly!
Lihim siyang umismid. ‘Clingy iyong mga anak mo po!’
“Hindi, Sir. Maingay kasi sa loob po.”
Humalukipkip ito at umanggulo ang ulo. Halatang hindi naniniwala sa sinabi niya. Pero wala siyang pakialam sa iniisip nito.
Bahagya siyang yumuko. “Balik na po ako sa party.”
Taas-noong nilampasan niya ito kahit gusto niyang maglumpasay sa damuhan.
“Saan ka galing?” tanong ni Erica nang makabalik siya. May dala-dala na itong pagkain na kinuha sa mahabang buffet table.
“Tumawag ang mga anak ko.”
“Kumuha ka ng pagkain do’n,” taboy sa kanya nito, ang mga mata ay nakatingin sa likuran niya. Kilig na kilig na naman ang bruha kaya hindi na siya nag-abalang lumingon pa kung sino ang tinitingnan nito.
Itinuro niya ang pasta sa server nang dumaan sa kanyang tabi si Mr. Wolkzbin.
“Man, akala ko hindi ka makakarating.”
Rumigodon ang puso niya sa pamilyar na amoy ng lalaking tumayo sa mismong likuran niya.
“I changed my mind.”
Hindi niya alam kung guni-guni niya lang bang dumikit ang braso ni Wulf sa kanyang likuran.
Sandaling natahimik ang dalawa bago niya narinig ang halakhak ni Mr. Wolkzbin. Kumunot ang kanyang noo dahil wala naman nakakatawa.
Patay-malisyang naglakad siya palayo sa mga ito.
Pagbalik niya sa mesa, sina Mr. Wolkzbin ang pinag-uusapan. Rinig niya mula kay Anne na ito raw ang nagmamay-ari ng Southshire Train Station. Habang si Wulf ay ang CEO ng Montiner Construction. Bigatin pala ang ama ng mga anak niya.
“Oh em! Nakatingin dito si Sir Nick,” impit na wika ni Erica.
“Tigilan mo na ‘yan, Erica. Hindi si Sir ang tipo ng lalaking gugustuhin mong maging boyfriend. May pinsan ako na nagtatrabaho sa Montiner Construction. Palagi raw tensyonado ang buong building kapag nasa opisina iyan si Sir Wulf.”
“Okay lang. Mapagtitiisan ko!”
Napailing na lang si Anne.
Nang hindi pa rin maalis-alis ang ngiti ni Erica, natukso siyang lumingon. Na agad niya rin pinagsisihan dahil nasalo niya ang mga mata ni Wulfric.
Yumuko siya upang itago ang malakas na kabog ng kanyang dibd ib.
Buong durasyon ng party, ramdam niya ang mga titig ni Wulf kahit pa may mga kumakausap dito.
Hindi niya rin mapigilan ang sarili na lingunin ito paminsan-minsan. Para itong hipnostismo na walang kalaban-laban na pinapasunod siya.
“Nick, I know you will be here.”
Elizabeth looked away when a beautiful girl clung on Wulf’s arm. Nakagat niya ang ibabang labi nang h umalik pa ang babae sa pisngi nito.
The same woman with Wulf in Louisiana.
Hindi na siya muling lumingon pa. Halos mangalay ang kanyang leeg sa pagpipigil na tingnan ang kinaroroonan ng lalaking iyon.