Share

Kabanata 0002

Author: pariahrei
last update Huling Na-update: 2023-10-30 22:06:54

CHAPTER 2

Idineklara ng mga doktor na comatose ang ama-amahan niya. Masama ang tama sa ulo at maraming bali sa katawan.

“This is all your fault!”

Hindi siya nakagalaw nang patakbong sumugod na naman sa kanya si Martha.

“Kung hindi ka malanadi, hindi sana maaksidente si papa!”

Ayaw siyang pakawalan ni Martha kaya pati mga staff ng ospital ay pinagtulungan ng mailayo sa kanya ang babae.

Umiiyak na nagsumiksik siya sa sulok ng pasilyo. Masakit ang buo niyang katawan. Hindi pa nga siya nakakabawi mula sa nangyari kagabi ay hindi siya tinantanan ng pananakit ni Martha.

Wala siyang nagawa kundi umiyak sa sulok habang sinisisi rin ang sarili. Nang tuluyang mailabas ng mga gwardiya si Martha at Catherine, ay nilapitan siya ng sekretaryo ni Arthur—si Eldridge.

“May problema tayo. Ayaw ni Martha maglabas ng pera para kay Arthur.”

Hindi makapaniwalang umawang ang bibig niya.

Mabigat itong bumuntong-hininga. “Papabagsak na ang kompanya kapag naglabas pa ng pera, hindi na makakabawi ang Benzone Telco.”

“Pero buhay ni Sir Arthur ang nakataya rito.”

“Sinabi ko na rin ‘yan kay Martha. Pero nagmatigas siya. Kilala niya raw si Arthur. Mas gugustuhin nitong mamatay na lang kaysa—”

“Hindi pwede.” Mas lalo siyang napa-iyak.

Hindi niya kakayanin kapag nawala ang tanging tao na kakampi niya sa lahat.

“Pwede tayong umapela pero malaki ang posibilidad na panigan ng korte si Martha. Ang panganay na anak na ni Arthur ang namamahala sa Benzone. Kontrolado niya na ang operasyon ng kompanya.”

“Paaalisin tayo sa ospital kapag hindi tayo nakapagbayad, Mr. Eldridge. Mamatay si Sir Arthur.”

“Naisip kong ituloy mo ang pagpapakasal sa may-ari ng Channing Empire.”

Umurong ang luha ni Elizabeth sa narinig.

“Iyon lang ang tanging nakikita kong paraan para may pumasok na perang pampagamot kay Arthur,” tuloy nito nang hindi siya makapagsalita.

Pakiramdam ni Elizabeth ay pasan niya sa balikat ang mundo. She will sacrifice her future for money.

Anong pinagkaiba niya sa binibintang ni Catherine na magpapakasal siya para sa pera?

Pero hindi niya kakayanin kung mawawala sa kanya si Sir Arthur. Minahal siya ng matanda simula nang mamamatay ang kanyang ina. Pinaaral, pinatira sa mansyon, pinaramdam na may ama siya sa katauhan nito.

Hindi kakayanin ng kanyang konsensya kapag namatay ang matanda gayong may pwede siyang gawin.

Kaya naman sa edad na bente, pikit-matang pinirmahan niya ang marriage certificate.

“She’s in tears of joy,” wika ni Eldridge nang mapansing tila inaanalisa ng abogado ng kanyang asawa ang mukha niya.

Pasimple siyang nag-iwas ng tingin at pinunasan ang namumuong luha sa kanyang mga mata.

“Mr. Channing is currently abroad, and he requested his wife to stay at their mansion.”

Tanging tango ang nagawa niya. Nagsimulang mag-usap ang dalawang lalaki tungkol sa usaping pinansyal.

May sumundo sa kanyang sasakyan kinagabihan at inihatid sa mala-palasyong bahay ng kanyang asawa.

Napabalikwas siya nang bangon nang maramdaman niya ang pagbaliktad ng kanyang sikmura.

Ilang araw ng masama palagi ang kanyang pakiramdam. Nang una akala niya, ay dala lang ng pagod dahil halos araw-araw siya sa ospital. Magta-tatlong linggo ng tulog si Arthur at walang usad ang kalagayan nito.

Subalit nang mga nakalipas na araw, pansin niya ang pagbabago sa kanyang katawan maging sa pagiging mapili niya ng pagkain.

Hindi siya ganon ka-ignorante para hindi maisip ang posibilidad na may laman ang sinapupunan niya.

Emosyonal pa si Elizabeth nang bumaba siya sa marangyang hagdan ng Mansyon. Di-diretso sana siya sa kusina nang marinig niya ang boses ng dalawang kasambahay.

“Tradisyonal ang pamilyang Channing. Ayaw nila ng anak sa labas,” boses iyon ng pinakamatandang kasambahay ng mansyon.

“Bakit naman, Manang? Nasa modernong panahon naman na tayo.”

“Basta, Jennie. Wala ng maraming tanong. Naalala ko ang namayapang Donya. Pinahirapan ng ama ni Chairman ang anak sa labas. Malupit ang mga Channing lalo pa sa mga hindi nila kadugo na magsisipsip ng yaman nila.”

Kusang lumapat ang kanyang nanginginig na kamay sa impis pang sinapupunan.

Nanlalamig ang kanyang talampakan. Ang gutom at pagka-uhaw niya ay napawi. Napalitan ng hindi maipaliwanag na kaba.

Noon pa man, marami na siyang naririnig tungkol sa pamilyang Channing na hindi kaaya-aya sa kanyang pandinig. Dahil pinakamayaman ang mga ito sa siyudad, walang gustong kumanti sa apelyidong pinakasalan niya.

Balisang palakad-lakad siya sa loob ng kwarto.

Hindi niya kilala kung anong ugaling meron ang kanyang asawa subalit, sapat ang mga narinig niya upang matakot para sa batang pinagbubuntis niya.

“Anong gagawin ko?” usal niya.

Napatingin siya sa nakasarang walk-in closet. Mabilis siyang lumapit doon at nag-impake.

She needs to save her baby. Hindi niya maatim na idamay ang walang kamuwang-muwang na sanggol.

5 YEARS LATER

“Mommy, away ako Earl!”

Natigilan si Elizabeth sa paga-ayos ng mga rosas sa basket nang marinig ang matinis na tili ng tatlong taong gulang niyang anak.

“I’m not. You’re just being a bad baby.”

Natahimik sandali ang mga ito bago niya narinig ang paglagapak ng palad sa kung ano. Binitawan niya ang gunting at pinuntahan ang mga ito sa maliit na sala.

“Lottie, anong ginawa mo?” pagalit niyang sita sa pilyang batang babae. Nilapitan niya ang kakambal nito na hawak-hawak ang namumulang pisngi.

Sa halip na sagutin, kumurba ang bibig ng maarte. Paawang tumingala sa kanya at kumibot-kibot ang mga labi.

Nanatili ang kunot niyang noo kaya bumuka ang bibig nito at umatungal ng iyak.

Pagod na napabuga siya ng hangin. Ito na nga ang may kasalanan, ito pa ang may ganang umiyak!

“Lottie, stop crying. You’re making our Momma tired,” parang matandang suway ni Earl. Gumapang ito palapit sa kakambal at ipina-ikot ang mga munting braso sa katawan ni Lottie. “I’m sorry, don’t cry na.”

Earl even kissed Lottie’s cheeks. Namumula ang may katambukan nitong pisngi.

“Don’t away Lottie na, ha? I’m right and you’re wrong.”

“Okay,” tango ni Earl na para bang kahit anong sabihin ng kakambal nito ay susundin para lang huwag umiyak.

Sinapo niya ang noo sa inakto ng mga anak niya.

Charlotte has always been the naughty twin. The short-tempered, brat and talkative. Palaging gustong masunod.

“Lottie, bakit mo ginawa iyon sa Kuya mo?” mahinahon subalit strikto niyang tanong. “You don’t slap someone just because you’re pissed with him.”

Sa halip na sumagot, nagtago ang bata sa likuran ng kakambal.

Agad naman sinalo ito ni Earl para hindi niya mapagalitan. “It’s my fault, Momma. Kontra ko po siya.”

Humalukipkip siya. Tanging mabilis na sulyap lang ang ibinigay niya sa lalaking anak. “Lottie, huwag kang magtago sa likod ng kuya mo. I’m talking to you. Kahit ipagtanggol ka ni Earl, I know you did something bad.”

Nakalabi ang baby niya nang mabagal itong umalis sa likod ng kapatid. Pinaglalaruan ang mga maliliit na daliri habang nakayuko.

“Para lang naman po, Momma…”

“Sorry, Momma. I provoked her.” Si Earl ulit na hinarang pa ang maliit na braso sa harapan ng kakambal na tila ba pinoprotektahan mula sa kanya.

Palagi niyang sinasabi sa dalawa na dapat ay palagi nitong kakampi ang isa’t isa. Subalit, nasobrahan yata ang pagkakaintindi ng mga ito dahil matatalas ang isip kumpara sa ka-edad.

Especially Earl Kenz. He’s the mature and responsible one. Kalmado at mahaba ang pasensya.

“Earl, hindi pwedeng palagi mong pagtakpan ang pagkakamali ni Lottie. I know you’re trying to protect her but how will she learn her lesson?”

“Sorry po, Momma,” hikbi ni Lottie at hinawakan ang kamay ng kakambal. Humigpit ang maliit nitong daliri roon sa bawat hikbing lumalabas sa bibig nito. “Sorry, Kuya. Lottie loves you.”

Muli siyang bumuntong-hininga. Ipinagkrus niya ang mga binti nang makaupo sa sahig.

“Come here.” Ibinuka niya ang dalawang kamay at nginitian ang mga anak.

Agad naman lumapit sa kanya ang mga ito. Itinapon pa ni Lottie ang sarili sa kanya kaya maagap niyang sinalo ang munti nitong katawan.

“Sorry po, Momma. Lottie is naughty again.”

Malambing niya itong h inalikan sa magkabilang pisngi. “Forgiven. But you don’t slap your big brother just because he didn’t agree with what you said. Di ba sabi ko, kapag may hindi kayo pinagkakasunduan, you tell me para ayusin natin.”

“Yes, Momma. We’re sorry po.” Kinurap-kurapan siya nito ng mga mata at nag-pout na parang nagpapa-cute sa kanya.

Hinila niya rin si Earl para maiupo ito sa kabilang hita niya.

“Ano bang pinagtalunan niyong dalawa, hmn…?”

“About our birthday.”

“What about it?” Sa susunod na linggo na ang birthday ng kambal.

“We’re turning four!” patiling sabat ni Lottie habang namimilog ang magandang uri ng mga mata nito. Ipinakita pa sa kanya ang apat na maliliit na daliri sabay bungisngis.

“Lottie wants to go to the city, and I said we can’t because we don’t have money for that.”
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Gussawel Fanny Marie Justine
maganda Ang story
goodnovel comment avatar
Zdhelyn Gorada Genanda
dahil babalik nanaman ako sa simula. ok lng mukhang maganda din naman kasi yung kwento mo. sana parating update yung story mo. salamat
goodnovel comment avatar
Jesusa Lara
maganda Ang story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0003

    CHAPTER 3 “I said no because you’ll get more jobs. You will be tired.” Humaplos ang mainit na pakiramdam sa dibd ib niya. Nahihiyang nagsumiksik ang baby boy niya sa kanyang leeg. “You’re so sweet, Baby. Thank you for thinking of me.” Ipinagdikit ni Lottie ang dalawang hintuturo habang nan

    Huling Na-update : 2023-10-30
  • Babies with Wulfric   Kabanata 0004

    CHAPTER 4 “Hindi pwedeng wala kayong magagawa!” sigaw ni Liz sa mga staff ng train station nang sabihin ng mga ito sa kanya na wala silang pwedeng gawin ngayon kun’di maghintay ng tawag. “Ma’am, kumalma po kayo. Kasalanan niyo rin naman.” “Mga bata pa ang mga anak ko. Unang beses nila sa So

    Huling Na-update : 2023-11-01
  • Babies with Wulfric   Kabanata 0005

    CHAPTER 5 Maluha-luha si Liz nang madatnan niya sa loob ng opisina ng operator ang kambal. Literal na nakipag-away siya sa mga staff ng Louisiana para kontakin ang nagpapatakbo ng Southshire Train Station na suyurin ang buong lugar mahanap lang ang mga bata. “Are you okay? May masakit ba sa

    Huling Na-update : 2023-11-01
  • Babies with Wulfric   Kabanata 0006

    CHAPTER 6 (PART 1) Inayos niya ang sombrerong suot nang pumarada ang sasakyan sa harap ng villa ng kliyente. Nakiusap sa kanya si Carrie na sumama siya sa pupuntahang okasyon ng branch ng flower shop nito sa Southshire. Kinulang kasi ng tao at huli na nang nalaman na nagdagdag pala ang customer ng

    Huling Na-update : 2023-11-01
  • Babies with Wulfric   Kabanata 0007

    CHAPTER 6 (PART 2) HINDI na ulit nagkrus ang landas nila ni Wulfric maghapon. Huling kita niya rito ay pababa ito ng marangyang hagdan habang may kausap sa cellphone. Mabuti na lang at nakapagtago agad siya sa likod ng divider kaya hindi siya nakita. Bukambibig ni Erica maghapon ang lalaki. Ang

    Huling Na-update : 2023-11-01
  • Babies with Wulfric   Kabanata 0008

    CHAPTER 7 “Whore!” Pabalik na siya sa party galing comfort room nang may humablot sa kanyang kamay. Gulat na napalingon siya sa galit na galit na babae. “You’re a whore! May girlfriend na ang tao, nilalandi mo pa rin.” Mas lalong dumiin ang kapit sa kanya ng babaeng humalik kanina kay Wu

    Huling Na-update : 2023-11-01
  • Babies with Wulfric   Kabanata 0009

    CHAPTER 8 Pakiramdam ni Elizabeth ay sasabog ang dibd ib niya sa kaba. Ang bilis ng tibok ng puso niya at namutla nang lumingon si Wulfric sa kanyang direksyon. “Daddy, si Momma ko po. Are you visiting us?” puno ng pag-asang tanong ni Lottie. Galit ang mga mata ni Wulfric nang nagbawi ng tin

    Huling Na-update : 2023-11-01
  • Babies with Wulfric   Kabanata 0010

    “Yes.” Tumingin sa kanya si Earl bago seryosong sinalubong ang tingin ng ama. “Are you sure? Momma may be lying.” “Momma not liar, Earl,” galit na asik ni Lottie na hindi naman pinansin ng kapatid. “Are you rich? Momma may be lying and told you we’re your children so she can have your mone

    Huling Na-update : 2023-11-01

Pinakabagong kabanata

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0369

    “Ako na po muna ang maghahatid sa ‘yo, Ma’am,” magalang na wika ng isa sa matatandang driver ng mga Channing. “Kasama po ni CEO Channing si Sir Max.” “Alam niyo na po ba ang balita, Manong?” “Opo. Tatlong tao ang kritikal ang lagay at ang iba ay sugatan. Pero huwag po kayong

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0368

    WALA siyang nabanggit kay Angus tungkol kay Linuxx. Hula niya ay alam na nito na nasa siyudad ang lalaki. Lalo pa’t magkausap ang dating mag-asawa kaya mabilis siyang napatago sa likod ng poste ng parking lot. Hinihintay niya roon si Max dahil pinakiusapan niya ito na may kun

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0367

    CHAPTER 185 She knew her husband would create havoc in that place. Lalo pa’t may dati ng atraso ang mga Webb sa pamilyang Channing. Sinalubong sila ni Max sa lobby. Bakas ang magkahalong pag-aalala at alerto sa mukha nito. Sa labas ay nakaparada ang limang sasakyan na nakilal

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0366

    She’s almost seeing the white light when someone grabs Mrs. Webb away from her. Air gushed in her lungs. Kanda-ubo siya habang hinahabol ang paghinga. “Let me go. I’m not yet done with her!” Tinulungan siya ng Butler na makabangon. “Soledad!” Umalingaw

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0365

    Hindi agad siya nakasagot. “MCF left a bad impression on me before. I can’t fully trust people I don’t know.” “Hindi mo din naman po ako kilala.” “But you are not that stranger, Hilary. I have a trust in you.” Bahagya siyang yumukod bilang pamamaalam d

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0364

    CHAPTER 184 The man who made Angus in rage. Made the family Channing sad and reason Bumaba ang tingin nito sa dala-dala niya. Kumunot ang noob ago muling binalingan ang butler. “Since when did he become hands-on with construction? Inviting the architect to his o

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0363

    “Ms. Hilary, are you busy?” Napaangat siya ng tingin sa team leader nila nang nilapitan siya nito sa office table niya. “Hindi naman po masyado. Bakit po?” “Emporium Webb office called. Gusto ni Chairman na makita ulit ang kumpletong blue print ng pinapatayong bui

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0362

    CHAPTER 183 Gusto ni Angus na sa mega-mansion sila tumuloy hanggang hindi pa nito nakukumbinsi si Charlotte na umalis ng Southshire City. Naiintindihan niya ang asawa dahil nasa siyudad ang mga taong nanakita sa babae. Chairman Wulfric loves his daughter so much.

  • Babies with Wulfric   Kabanata 0361

    Inililis lang nito ang slit ng kanyang dress at h inubad ang lacy panty niya. Habang ito naman ay ibinaba lamang ang suot na trouser. Wala na sa ayos ang suot nitong white longsleeve ngunit mas nagpadagdag lamang iyon ng kakisigan nito. “Ah…Angus…hmnn…” Panay ang masasarap ni

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status