Tahimik lang na umiiyak si Zarina habang nakadungaw sa labas ng bintana. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Marlon, pero sinabi na niya na huwag siyang ihatid sa bahay o kahit sa Savic Mansion.Gusto muna niyang mapag-isa. At isa pa, ayaw niyang makita siya ni Antoine na namumugto ang mga mata. Ayaw niyang bigyan ito ng dahilan para lumakas lalo ang loob nito na saktan uli siya. Ayaw rin niya na magpaliwanag siya kay Uncle Anton bukas ng umaga kung sakaling makita siya.Huminga siya nang malalim para habulin ang hininga. Nanginginig pa rin siya sa inis at galit kay Antoine.Kinuha niya ang cellphone sa bag na nasa six percent na lang ang battery.Kahit alam niya na baka natutulog na ang mommy niya nagpadala pa rin siya ng message rito para ipaalam na hindi siya makakauwi sa bahay ni Uncle Antonio.Mom, nandito pa po ako sa bahay ni Giselle, may tinatapos kami na report regarding the credit and collection subject namin. Baka kasi, mag-chat or mag-text si Uncle na hindi ako naka
Kagigising lang ni Zarina ng bandang alas diyes ng umaga nang makatanggap siya ng isang tawag. "Hello?" "Zan, it's me, Giselle," pagpapakilala ng kaibigan niyang si Giselle sa kabilang linya. Giselle Tejeros is her drinking buddy and college friend. They usually take place at the pub on Friday nights. Sometimes, they even go out of town to drink and relax in other bars. "Oh?" “Magkita tayo sa SEO Mall sa BGC,” pag-aaya nito sa kaniya. "Ahm…" “Ano? ‘Wag mong sasabihin na hindi ka na naman sasama? Anong plano mo bulukin ang sarili mo sa kahihintay sa asawa mo?” naiinis nitong wika sa kaniya. Marahil dahil palagi na lang siyang tumatanggi kapag nag-aaya ito sa mall or bar. Gusto man niyang sumama kay Giselle pero pinagbawalan siya ng asawa niya na sumama sa kaibigan dahil hindi raw maganda ang impluwensiya nito. "Gie…." “Kapag hindi ka pumunta rito, sinasabi ko sa’yo!” pagbabanta pa nito sa kaniya na ikinatawa niya nang mahina. Parang nakikita na niya kasi ang itsura ng kaibig
Hindi na namalayan ni Zarina na nakatulog na siya sa labis na pag-iniisip at pag-iyak. Nang magising siya ay agad na hinanap ng mata niya ang orasan na nakapatong sa mini cabinet pasado alas dose na ng gabi pero wala pa rin si Antoine. May plano pa kayang umuwi ang asawa niya? Baka hindi na ‘yon umuwi. Kita mo naman na magkasama sila ng first love niya kanina? Baka nga hanggang sa mga oras na ‘to ay magkasama pa rin sila. Mapakla siyang napatawa. Malamang! Baka nagkaayos na rin ang mga ito dahil sa kalokohan na ginawa niya no’n bago pa maikasal ang mga ito. The realization hit her hard. Kung kailan naman kasi na okay na sila ni Antoine saka naman magpapakitang muli si Serenity sa asawa niya? Hindi ba puwedeng maging masaya na lang siya kapiling ang asawa? Lord, pinarurusahan niyo ba ako? Dagling pinunasan ni Zarina ang mga luhang naglandas sa kaniyang mukha. Simula ata nang mahalin niya ang asawa puro pag-iyak at paghihintay na lang ata ang nagagawa niya. Napagpasyahan ni
Nanginginig ang mga kamay niya habang nagmamaneho ng sasakyan. Kanina pa niya sinusundan ang sasakyan ng asawa niya. Kahit may ideya na siya kung saan ito pupunta. Kung bakit niya ginagawa 'yon ay hindi niya alam Marahil, gusto niyang isipin na mali ang hinala niya sa mga ito. Kahit na obvious kung saan talaga patungo ang daan na tinatahak ng mga ito. Gusto pa rin niyang mag-assume na mali siya. Habang papalapit nang papalapit sila sa tinatahak na daan patungong Airport. Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib niya. Ang mga kamay niya ay nagsisimula na naman manlamig dahil sa kaba ng nararamdaman niya. Napalunok pa siya nang huminto ang sasakyan ng asawa niya sa tapat ng Airport. Kita niya mula sa malayo ang sekretarya nito na naghihintay sa tapat ng Airport kasama nito si Janus ang matalik na kaibigan ng asawa niya at business partner. Nagsimula na naman mangilid sa luha ang mga mata niya dahil sa nakikita niya. Sumasakit ang dibdib niya sa sari-saring emosyon na nararamdaman
THREE YEARS AGO “Zia, hindi ka ba talaga sasama sa amin ng daddy mo?” muling tanong ng kaniyang ina na si Mommy Carol. Nang pumasok ito sa kaniyang kuwarto para muling ayain na sumama sa mga ito. Buhat ng pagdating niya galing sa eskwelahan ay hindi na natapos-tapos ang pag-aaya nito sa kaniya. At kanina pa rin niya sinasabing hindi siya sasama dahil marami siyang gagawin. Tiningnan niya ito at muling umiling bago itinuon ang atensyon sa laptop. Gumagawa siya ng research para sa isa niyang assignment. Hindi naman ‘yon gaanong importante. Pero dahil wala siyang maisip na alibi sa Mommy Carol niya ay nagkunwa-kunwarian siya na maraming ginagawa. Ikinalat niya pa ang mga libro at notebook sa ibabaw ng kama niya para magmukhang marami siyang gagawin. “Zia, naman! Ayaw mo bang makita ang Kuya Antoine mo? Baka hanapin ka ng Tito Antonio mo. Ano na naman ang idadahilan ko ngayon?" Muli ay napatingin siya sa ina dahil hindi na nito alam kung papaano siya pilitin para lang sumama. Si Ant
“Best, thank you for this.” Nakangiting pasasalamat ni Zarina sa kaibigan n’yang si LC na naging punong-abala sa pag-organize ng surprise party para sa kaniya. Kung tutuusin advance party itong ginawa sa kaniya dahil next two weeks pa talaga siya mag-bi-birthday. “Tsk, puwede ka naman magpasalamat. Bakit kailangan may pagyakap at paghalik pa sa pisngi?” pagrereklamo nito at saka lumayo nang kaunti sa kaniya. Natatawang lumayo si Zarina sa kaibigan na pinupunasan ng tissue ang pisngi kung saan niya ito hinalikan. Napailing na lang siya sa ginawa ng kaibigan. Kung hindi niya talaga kilala si LC iisipin niya maarte ito at mayabang gaya ng pinapakita nito sa karamihan. “Arte! Ganda ka, girl?” pang-iinis niya habang nakapamaywang. "Are you lesbian?" balik na tanong nito na ikinatawa niya nang malakas. "Duh! I’m not. Okay? Nag-kiss lang sa pisngi lesbian na? Baka ikaw?" ganting tanong niya. “Me?” Exaggerated na itinuro ni LC ang sarili at pinasadahan ng tingin ang suot na black midi
Tila natuod si Zarina sa kinatatayuan niya, ang akma niyang paghakbang ay nabitin sa ere. Hindi niya rin magawang lumingon dahil natatakot siya sa makikita niya. ‘Yong baritonong boses pa nga lang naririnig n’ya, iba na ang epekto no’n sa buong katawan niya. Halos lahat ata ng balahibo sa katawan niya ay nagsitaasan. Ang puso niya tila may sinalihan na car racing dahil sobrang bilis ng tibok no’n, para siyang aatakihin sa puso ng wala sa oras. "I'm impatiently waiting for your answer, young lady! Where have you been? Why have you returned home late? You've lied to your mother, saying you were too busy studying to attend my welcome party." Napalunok si Zarina at dahan-dahan ibinaba ang paa para makatayo nang maayos. Ramdam niya ang inis sa boses nito. Gusto man niyang salubungin ng tingin ito ay hindi niya magawa dahil hindi niya alam kung papaano ito haharapin, at sasagutin. Bigla para siyang natataranta dahil naramdaman niyang kumilos ito mula sa likuran niya at naglakad palapit. G
Nagising si Zarina ng marinig niya ang alarm clock na nasa gawing kanan ng kama niya. Kinuha niya lang ‘yon at idinilat ang isang mata para tingnan kung anong oras na ng mga sandaling ‘yon. It’s ten o'clock in the morning. Masyado pang maaga para gumayak papuntang eskwelahan, dahil alas dos pa naman ng hapon ang pasok niya ngayon. Maingat niyang ibinalik ang alarm clock na hawak at ipinikit ang mata. Gusto pa niyang matulog kahit isa o isa’t kalahating oras pa. Pakiramdam niya naubos ang lahat ng lakas niya at sinabayan pa ng hang-over. Hinila niya ang isang mahabang unan at iniyakap ang mga braso roon. Ang ganda ng panaginip niya na gusto pa niyang balikan dahil nakausap niya raw si Antoine kagabi at niyakap siya nito. Niyakap siya ni Antoine? Biglang napabalikwas ng bangon si Zarina ng maalala si Antoine. Agad niyang napansin na wala siyang ano mang saplot sa katawan. Napalunok siya at iginala ang paningin sa kabuuan ng silid. Nasa tamang silid naman siya at nakita niya pa ang
Tahimik lang na umiiyak si Zarina habang nakadungaw sa labas ng bintana. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Marlon, pero sinabi na niya na huwag siyang ihatid sa bahay o kahit sa Savic Mansion.Gusto muna niyang mapag-isa. At isa pa, ayaw niyang makita siya ni Antoine na namumugto ang mga mata. Ayaw niyang bigyan ito ng dahilan para lumakas lalo ang loob nito na saktan uli siya. Ayaw rin niya na magpaliwanag siya kay Uncle Anton bukas ng umaga kung sakaling makita siya.Huminga siya nang malalim para habulin ang hininga. Nanginginig pa rin siya sa inis at galit kay Antoine.Kinuha niya ang cellphone sa bag na nasa six percent na lang ang battery.Kahit alam niya na baka natutulog na ang mommy niya nagpadala pa rin siya ng message rito para ipaalam na hindi siya makakauwi sa bahay ni Uncle Antonio.Mom, nandito pa po ako sa bahay ni Giselle, may tinatapos kami na report regarding the credit and collection subject namin. Baka kasi, mag-chat or mag-text si Uncle na hindi ako naka
Saktong alas siyete ng gabi nang makarating si Antoine sa school ni Zarina. Hindi siya lumalabas ng kotse at mataman na nakatingin lang siya sa mga estudyante na tumatawid sa kalsada para pumunta sa MK coffee shop na nasa tapat lang din ng eskwelahan. Patingin-tingin lang siya habang naghihintay sa loob ng kotse niya.Eksaktong kinse minuto nang mapansin niya ang isang pamilyar na babae na tila nagmamadali sa paglalakad. Zarina managed to move quickly despite her high heels. Marahil, nagmamadali ito dahil alam nito na nasa labas na siya. Hindi siya tumawag sa dalaga para ma-surprise ito sa dala niya.Napangiti siya at napatingin sa upuan.Tinanggal niya ang pagkakakabit ng seatbelt niya bago niya dinampot ang isang bungkos na pulang rosas. Dumaan muna siya sa isang flower shop para ibili si Zarina ng bulaklak. It sound cliché. Pero, gusto niyang bumawi sa mga sinabi niya kagabi sa dalaga. Kahit na alam naman niya ang totoong nararamdaman ni Zarina para sa kaniya, hindi niya dapat si
Nanlaki ang mga mata ni Zarina nang yakapin siya ni Marlon sa hindi niya malaman na dahilan. Gusto man niyang palayuin ang kaibigan pero hindi niya magawa dahil maraming tao ang nakatingin sa kanila. Nasa gitna sila halos ng quadrangle at labasan na rin ng iba pang estudyante. Kaya kung itutulak niya ang kaibigan baka mapahiya lang ito.Ano ba kasi ang nangyayari? Naguguluhan niyang tanong sa sarili.Huminga siya nang malalim."M-Marlon....""Shhh... Give me a second, please," mahinang bulong nito sa tainga niya.“B-bakit? Ano trip mo?” sagot niya rin na pabulong. Kahit na naiinis siya kanina sa kaibigan dahil sa mga sinabi nito sa kaniya. Hindi naman niya makakayang magalit nang matagal.“Basta. Ngumiti ka at yumakap ka naman na pabalik sa akin na parang nami-miss mo ‘ko.”“Demanding ka!” Nakangiti siya bago niya iniangat ang dalawang kamay para yumakap sa katawan nito. Pinagbigyan niya ito para lang matigil lang ‘to. May ilang minuto rin na magkayakap sila bago kumalas si Marlon sa
Halos hilahin na ni Zarina ang oras para mag-alas siyete na ng gabi. Alas sais pa lang ay panay na ang tingin niya sa relo na suot at sa compact mirror na gamit niya na nakapatong sa lamesa. Sinisugurado niya na maayos ang kaniyang mukha. Kailangan fresh na fresh pa rin ang itsura niya kapag sinundo siya ni Antoine.“Hindi pumasok ang kaibigan mo?” narinig niyang tanong ni Giselle sa tabi niya.Napakunot-noo siya na napalingon sa bagong kaibigan at pumaling sa gawing likuran kung saan na umuupo si LC matapos itong magtampo sa kaniya.“Baka masama ang pakiramdam.”“Masama? Parang nakita ko siya kanina na sumakay sa kotse na nakahinto sa labas ng university.”Hindi niya alam kung bakit parang bigla siyang kinabahan sa sinabi ni Giselle. Hindi naman siguro ang kotse ni Antoine ang tinutukoy nito?Huminga siya nang malalim at ipinilig ang ulo.Impossible!Impossible na magkita sina LC at Antoine kanina. Dahil kung nagkita sila, e ‘di sana nakita niya rin iyon kanina noong nilingon niya an
Mula sa gate ng Sullers University kung saan siya ibinaba ni Antoine ay malayo-layo pa ang lalakarin niya papunta sa Business Administration Bldg. Literal na tiis-ganda ang ginawa niyang paglalakad dahil sa three-inch na taas ng suot niyang black stiletto habang tirik na tirik ang araw. Hindi niya magawang lumingon sa likuran dahil pakiramdam ni Zarina ang mata ni Antoine nakatuon sa kaniya. Sinadya niya rin na ekendeng ang balakang para mas makuha niya ang atensyon nito.Kailangan panindigan niya ang suot niyang heels at kailangan poise na poise pa rin ang lakad niya kahit parang matatapilok pa siya dahil sa maliliit na bato na natatapakan ng sapatos niya. Taas-noo pa rin siya kahit parang pipikit na ang mga mata niya sa init ng araw. Open ang area na dinadaanan niyang quadrangle kaya wala man lang siyang masisilungan. Wala siyang suot na shades para man lang may proteksyon ang mga mata niya sa init. Wala naman siyang dalang payong kaya wala rin siyang pagpipilian kung hindi ang magp
Nakahawak pa rin ang mga kamay ni Antoine sa manibela at nakayuko ang ulo. Nakatingin siya sa harapan ng patalon na suot niya na tila nag-umbrella dahil sa ginawa ni Zarina. Patigas nang patigas na iyon na parang ibig ng kumawala sa loob dahil sa pabitin-bitin na ginawa nito sa kaniya kanina. Hindi niya aakalain na ganoon ang magiging epekto sa kaniya ng ginawa ng dalaga. Marahil, sa kawalan na rin ng mapaglalabasan kaya kahit simpleng hawak lang sa hita niya ay malaking impact ‘yon sa pagkalalaki niya. Kailan ba siya huling nakipag-sex? Napailing siya ng ulo ng hindi niya maalala kung kailan. Kaya siguro ganoon ang epekto sa kaniya dahil kulang na siya sa ganoong bagay. Alam niyang ikasasakit ng puson niya ang ginawa ng dalaga sa kaniya kanina. But, damn! Anong gagawin niya? Hindi naman puwedeng makipagsabayan siya sa laro na gusto ni Zarina. Kumbaga sa larong chess, si Zarina ang may control ng board at ang didikta ng laro. Kung magtuloy-tuloy iyon paniguradong checkmate iyon at
Habang nagmamaneho ng kotse si Antoine panay naman ang sulyap niya sa dalaga na tila hindi mababali ang leeg. Pirming nakatingin lang ito sa harapan o hindi kaya ay sa cellphone nitong hawak.Napakunot ang noo niya ng marinig na humagikgik ito habang may binabasa sa cellphone nito. Animo’y may ka-chat at tila nakikipagbolahan. Dahil sa tuwing nagtitipa ito ng message ay may pagkagat-kagat pa ito sa labi na parang kinikilig na hindi malaman. Kung tatawa ba o hindi.Huminga siya nang malalim.May palagay siya na baka kausap nito ang sinasabi nitong boyfriend nito. Kung ano man ang pinag-uusapan ng mga ito ay wala siyang ideya. Pero kung aayain si Zarina ng boyfriend nito sa kung saan mamayang pag-out nito sa eskwelahan ay hindi niya hahayaan. Hindi siya papayag na pumunta sa kung saan-saan si Zarina at gagabihin umuwi."Do you get what I'm saying?" tanong niya para makuha ang atensyon nito. Lumingon ito sa kaniya na may matamis na ngiti. Siya naman ay pinanatili niyang nakakunot ang mg
Pakendeng ang ginawa niyang paglakad pahayon sa may balkonahe kung saan naroon pa rin si Antoine at ang pagkain na marahil ipinahanda nito para sa kanila. Ang isang tasa na nakalapag doon ay wala ng laman. Nakaupo ito sa may pandalawahan na upuan at nakayuko habang hawak ang cellphone. Hindi niya alam kung umuwi ba ito kagabi o natulog sa isa sa mga guestroom nila na nasa ikalawang palapag din. Gusto man niya tanungin ito ay hindi na lang niya gagawin baka kasi magtunog na interesado pa siya kapag nagtanong siya. “Nandito ka pa rin?” kunwaring inis niyang sita sa lalaki para makuha niya ang pansin nito. Nang makuha niya ang atensyon nito ay halos maningkit ang mga mata nito sa ayos niya. Taas-baba ang ginawa nitong pagsuri sa kaniya at tila sa cellphone nito ibinunton dahil pabagsak nito ibinaba sa lamesa. “Ano ‘yang suot mo?” may inis na sita nito sa kaniya habang nakatingin pa rin sa uniform na suot niya. Ang blazer na ipinatong niya sa balikat kanina ay inalis niya rin kanina b
Pulang-pula ang mukha niya dahil sa pagkapahiya. Mabilis na hinayon niya ang hagdanan at sinadya niyang idabog ang mga para maramdaman ni Antoine ang inis niya. Hangga't hindi pa siya nakakarating sa kuwarto niya ay pigil na pigil siya sa emosyon niya na huwag kumawala sa mga mata niya ang luha na hindi naman nangyari. Dahil pagkatalikod pa lang niya kay Antoine ay kusang tumulo ang luha niya. Pagkapasok niya ay pabagsak niyang isinara ang pinto. Inis na inihagis niya ang bag sa sofa. Kasabay ng pag-upo niya, ang pagbagsak nang tuluyan ng luha niya. Tuloy-tuloy iyon na kumawala sa mga mata niya. Kung hindi lang siya nag-aalala na baka magising ang mga kasambahay nila at magsumbong sa magulang niya. Gusto niyang magwala. Gusto niyang ihagis at basagin ang mga gamit na nakikita niya sa loob ng kuwarto niya hanggang sa kumalma ang sistema niya. Sana may hawak siyang lampara para hilingin niya na sana magkaroon siya ng amnesia at hindi na niya maalala ang nararamdaman niya kay Antoine.